アプリをダウンロード
73.52% My Husband's Revenge / Chapter 25: Chapter 25

章 25: Chapter 25

Nagulat si Arabella nang ibigay ni Tyron ang kanyang ticket. Kalalabas lang niya sa kuarto ng suite at nadatnan niya si Tyron sa sala na paramg malalim ang iniisip habang hinihintay ang kanyang paglabas. Pauwi na sila sa Plilipinas at magchecheck out nalang sila sa hotel.

" Here's your ticket," saad nito habang seryoso ang kanyang mukha. Atubili pang kinuha ang dalaga ang iniabot nito sapagkat ngayon lang siya nito pinahawakan ng ticket. Dati naman noong pumunta sila sa Spain ganun din ang pagpunta nila sa Parish ay ito ang humahawak sa kanilang ticket. First class ang nabasa niyang nakalagay sa kanyang status, maging noong una nilang bjyahe ay sa first class sila nakaupo.

" Thank you", pahayag niya dito kahit puzzled siya sa ikinilos nito.

" You will board into separate plane", ang binata at napatingin siya dito.

" Im heading to Japan, may urgent meeting ako doon with a client.", explain nito sa nagtatanong niyang mukha at naunawaan naman niya iyon kung kayat napatango tango siya.

" No problem, just take care of yourself. See you in the house then", pahayag niya dito kahit nagmamaktol pa ang kanyang kalooban sa isiping mahihiwalay siya bigla dito.

" After Japan, Im heading to America... it's our anniversary.", halos hindi niya marinig ang boses ni Tyron ngunit para siyang nabingi sa sinabi nito. Natigilan siya ng bongga at ilang ulit din siyang lumunok bago nahanap ang dila.

" Oh...ok!", aniya na ikinumpas kumpas pa ang pagtango habang nagsisimulang madaganan ng parang mabigat na bagay ang kanyang dibdib. Mariing nakatingin sa kanya ang binata kung kayat dali dali niyang hinawakan ang hawakan ng kanyang maleta.

" Lets go then, baka malate tayo sa ating mga flight", pag-iwas niyo dito kasabay ng paghila nito sa kanyang maleta papunta sa direksiyon ng pintuan. Naramdaman niya ang sakit ngunit pilit niyang ikinubli ito sa pagkukunwari.

Sumunod din ang binata habang hila hila din ang kanyang maleta. Kung pwede ay ayaw niyang magkasabay sila ng paglakad kaya mas lalo niyang binalisan ang paghakbang. Parang sa Parish niya naramdaman ang lumigaya ng tunay dahil sa walang pagkukunwaring pinagsaluhan nila ng binata ngunit dito din pala sa Parish magtatapos ang kanyang panaginip.

" Anong gagawin mo pagdating mo ng Pinas?", mula sa mahabang katahimikan ay nagsalita ang binata. Kasalukuyan silang nakalulan sa chaffeur ng hotel papunta sa airport. " It none of your business", sagot ng utak niya ngunit hindi naman niya iyon nasabi.

" I'll go to Province siguro, may 2 weeks pa naman akong natitirang bakasyon", sa halip sa saad niya. Noong isang taon pa nagchachat ang pinsan niyang na magbakasyon naman siya ngunit wala naman siyang time para umuwi. Ang pinsan niyang anak ng kapatid ng nanay niya ang siyang nagbabantay sa bahay nila sa probinsiya simula ng mawala ang kanyang mga magulang.

" Province? anong gagawin mo doon?", nakakunot ang noo ni Tyron ng tumingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi.

" Dadalawin ko ang puntod ng parents ko, then attend ng batch homecoming", sagot niya. Tamang tama pista sa kanilang bayan at meron daw alumni homecoming. Nagchachat din sa kanya ang kaniyang mga batch sa probinsiya kung kayat alam niyang may homecoming ngayong taon.

" Ilang days ka doon?", ang binata at napakibit siya. Pwede namang isang linggo o di kaya ay dalawang linggo para naman maenjoy niya ang pag uwi.

" Maybe one week or two?", pahayag niya.

" Ang tagal naman?", suwestiyon ng binata at pasimple siyang napatawa sa sarili. Kung makareklamo ang taong ito parang hindi siya nasasaktan sa anniversary anniversary nila ng girlfriend nito kung makapagsalita parang isang taon siyang mawawala.

" At ilang araw po ang dapat?", pikon niyang tanong dito.

" Two or three days", saad nito at napatawa nga siya ng wala sa oras.

" I'll go ahead, see you...when I see you?", saad niya dito ng biglang humito ang sasakyan. Nasa airport na sila at iyon na ang hudyat na magkanya kanya na sila ng direksiyon. Kung kailan sila magkikita ay hindi niya alam. Only God knows, baka next month or next year?

Hinawakan na niya ang doorknob ng sasakyan ngunit mabilis ang kamay ni Tyron na pagilan iyon. Sa oras na iyon ay sobrang bigat ng kanyang dibdib, pigil na pigil ang sariling huwag mapaiyak dahil sa halohalong emosyon na nararamdaman ngunit sa ginawi ng binata kahit anong pigil niya ay di niya napigilan ang mapaluha.

"Please don't make this too hard for me.", saad niya na hindi maitago ang pag-iyak ngunit wala siyang lakas ng loob para tumingin dito.

Di niya inaasahan ang yakapin siya ng binata kung kayat mas lalong dumaloy ang kanyang mga luha.

" I'm sorry.", pahayag ng binata habang yakap yakap siya nito. Isa sa pinakamasakit na marinig mula sa taong minamahal ay ang paghingi ng sorry dahil wala siyang magagawa para saiyo. Its too painfull pero wala siyang magagawa. Tyron has his own life and yun ang kailangan niyang tanggapin wether she likes it or not. Agad niyang pinunas ang kanyang luha at kinompos ang sarili bago tumingin dito. Nginitian niya ito saka pinisil ang kamay ng binata tanda ng pagtanggap niya sa sorry nito.

" Take care, hihintayin pa rin kita", saad niya dito saka ginawaran ng simpleng halik sa labi bago binuksan ang sasakyan at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng airport. Ni hindi na niya iyon nilingon, baka kung ano pa ang magawa niya kapag tumingin pa ulit siya dito. Dahil maaga pa para sa kanyang flight ay tinungo niya muna ang comfort room. Umihi siya at nagretouch sapagkat may feeling siyang nasira ang kanyang light make up sa kanyang walang kwentang pag-iyak.

Paglabas niya sa comfort room ay saktong tinatawag na ang nga pasahero papuntang Pilipinas. Agad niyang binilisan ang kilos at mabilis na tinungo ang boarding station. Mayamaya ay paakyat na sila sa eroplano, inassist pa siya ng isang stewardess papunta sa deck para sa mga first class na pasahero. Napakaganda at komportable ang first class, hindi crowded at halatang lahat ng naroon ay may mga sinasabi sa lipunan. They seat with their comfort at talaga nga nakadesign ang area na ito para sa mayayaman. Ang buong row ng upuan ay para lamang sa isang pasahero kung kayat sobrang komportable ito sa pagkakaupo habang nasa mahabang biyahe.

Halos puno na ang first class na mga upuan ng pumasok si Arabella doon. Prenteng nakaupo ang kasama niyang mga elite na pasahero, yung iba kanya kanyang bukas ng laptop yung iba naman ay relax na relax lang s apagkakaupo. Agad naman niyang tinungo ang kanyang upuan, inayos ang hand carry na bag at umayos na rin sa kanyang komportableng upuan. Agad namang pumunta ang stewardess sa kanya at nag offer ng makakakain. Nginitian niya iyon saka magalang na nagpasalamat dito. Pagkalayo ng stewardess ay napahinga siya ng malalim, inihilig ang ulo sa headboard ng upuan at ipinikit ang mga mata. She felt empty at wala siyang alam gawin kundi pumikit at hayaan ang eroplanong ilapag siya sa Pilipinas. Mahaba haba din ang more then 15 hours na biyahe, by that time makokompos na niya ang sarili at hindi na niya masyadong mafefeel ang sakit at emptiness ng mapalayo, oh hindi pala yung hindi priority ni Tyron Alegre. She felt like shes being stab again in the heart kung kayat mas lalo niyang diniinan ang pagkakapikit and then smile bitterly to herself.

Bago pa man marinig ang pag-anounce ang piloto na lilipad na ang kanilang eroplano ay naramdan niyang may tumabi malapit sa kanyang upuan. Since she is in her own thought ay mas lalo siyang pumikit kahit naamoy niya sa bagong dating ang pamilyar na cologne. Sa isiping iyon ay mas lalo niyang diniinan ang pagkakapikit, naghahalucinate na naman siya which makes her more dissapointed after. Hanggang sa maramdaman niyang nagtake off na ang kanilang eroplano at kasunod noon ay ang tuluyan niyang pagkaidlip. After two hours ay nagising siya, medyo maulap ang kalangitan kung kayat parang matunog ang kanilang sasakyan pero stable din naman ang lipad nito. Pasimple niya inistretch ang likod tsaka umayos ng upo. Naamoy pa rin niya ang perfume ni Tyron ngunit pilit niyang tinanggal sa isip ang ideyang iyon. Hanggang lumapit ang stewardess ngunit ang kanyang katabi ang kausap nito.

" Kindly serve us your best snack for two, with juice, water and coffee. No sugar and no cream pls. Thank you.", narinig niyang pahayag ng kanyang katabi. Sa boses at pananalita nito ay parang natigil ang mundo ni Arabella, nakahang pa ang ginagawang pag stretch ng mga braso then lumunok ng kung ilang beses bago unti unting tumingin sa katabi. Agad lumukso ang kanyang puso nang masilayan ang lalaking hindi matanggal tangal sa kanyang puso at isip. He is right from her side at busy sa pagtipa ng kanyang laptop habang prenteng nakaupo. He is very serious in what he is doing at l but he is too handsome that she cannot take her eyes on him. Di pa nga niya namalayang nakangiti siya habang nakatunghay sa minamahal na para bang mawawala ito bigla kung kukurap siya kahit saglit lang. Mabuti na lamang at bumalik ang stewardess para sa order nitong miryenda kung hindi nakatingin na lamang siya dito ng mahabang oras.

" Thank you", saad ni Tyron sa emplayado ng eroplano at nakangiting sumagot iyon ng " it's our pleasure to serve you sir" bago lumayo. Agad siyang napatikhim ng iabot sa kanya ni Tyron ang ibang miryenda at juice na inorder nito.

" Salamat", maikling pahayag niya habang hindi niya mapigilan ang pagkakangiti. She is so happy at di niya maikubli iyon kahit nakatitig na ang binata sa kanyang mukha. Nahihiwagaan siguro sa kilos at walang patumanggang pagkakangiti niya.

" I'm just happy", maikling sagot niya sa mukha nito habang pigil na pigil ang sariling hawakan ito sa mukha. Agad naman nagpakawala ng tahimik na tawa si Tyron at napapailing habang hindi makapaniwala sa reaction niya. Tahimik siyang kumain ngunit nakapaskil pa rin sa pagmukuha niya ang labis na kasiyahan habang ipinagpatuloy ng binata ang ginagawa. Ayaw naman niya itong istorbohin sa ginagawa nito kung kayat nakontento na lamang siya sa pagsulyap sulyap dito. Nahiwagaan siya kung bakit nag-iba ang desisyon nitong sumakay sa ibang eroplano ngunit wala na siyang pakialam doon ang mahalaga nasa tabi niya ang binata at nasisilayan niya minuminuto. Pagsapit ng gabi ay masaya njyang hinagilap ang blanket para sa kanyang pagtulog, still working pa rin si Tyron at ayaw naman niyang istorbohin iyon ang mahalaga nasa paligid lamang ito. She also keep her distance to him kasi marami ding pasahero na katulad nila ng nakakakilala dito. Kaya nagkasya na lamang talaga siya sa kasusulyap dito at nakikilig kung nahuhuli niyang nakatingin rin sa kanya ito. Rinecline niya pahiga ang kanyang upuan para sa kanyang pagtulog, sinenyasan niya itong mahihiga na siya at simpleng pagtango naman ang sinagot nito. After 10 minutes ay nagrecline na din ito ng upuan at humiga na rin malapit sa kanyang tabi. Pinahinga nito ng ilang minuto ang likod mula sa maghapong pagkakaupo bago biglang nagside position paharap sa kanyang puwesto. Kontento na siya sa pagtitig sa binata habang nasa taas ang direksiyon ng mata ngunit bigla siyang pinagpawisan ng malapot ng hindi niya inaasang haharap ito sa kanya. Huling huli pa man din siya na halos nakaglue ang mga mata niya dito. Di niya tuloy maitago ang pamumula ng kanyang mukha, lalo at bigla itong ngumiti sa kanya.

" What's the matter? you're looking at me like a piece of cake the whole time.", Tyron joke but she feels embarrassed. Inoobserbahan pala siya nito sa kabila ng kaseryosohan sa ginagawa. Sobrang nag-init ang kanyang mukha at wala na siyang nagawa kundi ipikit nalang ang isang mata habang nakangiti. Sa ginawa niya ay mas lalong lumawak ang pagkakangiti ni Tyron, pinigipilan pa yata ang pagtawa ng malakas dahil sinasabayan nalang nito ng pag iling.

" You're not just like a piece of cake, you are the apple of the eye", pabiro niyang pahayag kaya mas lalong hindi matapos tapos ang nakahreistrong ngiti s mga labi nito. Nag iispark pa yata ang mga mata nito kung hindi siya nagkakamali.

" Talagang hindi yata ako nagkamali na sumakay sa eroplanong ito", natatawang pahayag ng binata kung kayat siya naman ang lumawak ang pagkakangiti.

" You're right, hindi ka talaga nagkamali", sambit niya habang nakangiti ngunit dagli siyang napabuntong hininga saapagkat sa sobrang lapit ng binata sa kanya ngayon ay siya namang sobrang layo nito sa kanyang pakiramdam. Gustong gusto niyang hawakan ang binata, yakapin ito kahit wala itong pahintulot ngunit naiisip niyang nasa publiko sila at maraming nakakakilala dito na kasama nilang nakalulan sa eroplano.

" What does that mean?", ang binata na hindi pala nakaligtas sa matalas nitong obserbasyon ang kanyang pagbuntinghininga. Umiling siya dito saka pilit ang ngiting tumunghay sa.binata.

Inextend ni Tyron ang mga kamay sa pagitan nila at hindi makapaniwala ang dalaga sa ginawa nito. Inilagay ba niya ang mga kamay nito sa gitna para payagan siyang hawakan niya ito? Tumikhin siya ng tatlong beses para siguraduhin ang nasa isip ngunit ngumiti iyon tanda ng pagtango. Unti unti niyang iniextend ang kamay sa gitna ngunit sa kanyang pagkagulat parang may magnet ang kanilang kamay at bigla nalang nagdaop ang mga ito. Tyron hands is so warm. Warm enough to make her whole system at peace. Parang lahat ng agam agam, pagkalungkot at pati insecurities sa katawan ay nawala dahil sa mainit na pahakakadantay ng palad nito sa kanyang balat. Parang may kakaibang powers ang nagtransfer sa kanya mula sa binata at ang kanyang dugo ay buhay na buhay. Maging ang tibok ng kanyang puso ay sobrang napakalakas na animoy biglang nagkabaterya dahil sa pagakakahawak niya sa binata.

" Feeling better?", narinig niyang pahayag nito habang nakatitig sa kanyang mukha. Ngumiti siya dito bago dahan dahang tumango saka pinisil pisil ang hawak hawak na kamay ng binata. Gamanti naman ang binata ng matamis ngiti at ginaya ang ginawa niyang pagpisil pisil sa kanyang kamay kung kayat mas tumindi ang nararamdamang saya. Matapos ang sampung minuto na walang ginawa kundi magkahawak ng kamay ay kapwa nagtawanan nang magsalubong ulit ang kanilang mga mata.

"Sleep now,", saad ni Tyron.

" Yeah, good night!", turan niyang hindi pa rin mapuknat puknat ang ngiti sa labi.

" You can hold my hand", ang binata na may himig panunukso kung kayat napatawa siya dito.

" Really?", ang dalagang kitangkita ang excitement sa mga mata dahil sa pahayag nito.

"Uhmm", ang binata at di nga napigilan ng dalaga ang matuwa. Actually kung bibitiwan ng aniya ang pagkakahawak dito ay siguradong malulungkot ng kaunti ang kanyang puso. Obsess na talaga siya sa binata at gustong gusto niyang nakadikit lang ang anumanv parte ng kanyang katawan dito.

" Thank you", turan niya at naramdaman niyang pinisil nito ang kanyang kamay.

" I love you..very much", mahinang sambit niya ngunit alam niyang nakarating sa pandinig nito. Hindi tumugon ang binata ngunit mariing tumitig sa kanyang mga mata kasabay ng mahigpit na paghawak sa kanyang mga kamay. Hindi naman naghihintay ng kasagutan ang dalaga sapagkat alam naman niya kung ano ang tunay na nasa puso nito kung kayat nginitian niya ito bago ipinikit ang mga mata. Kung ano ang iniisip nito ay wala na siyang pakialam, ang importante nasasabi niya dito kung ano ang tunay niyang nararamdaman.

" I love you so much", mahina ngunit maliwanag na maliwanag na nakarating sa kanyang pandinig. Hindi naman bago sa kanya na sinasambit ni Arabella ang kanyang nararamdaman para sa kanya. But the way she utter it, seems like the sweetest music he ever heard. Parang nakuryente ang buo niyang katawan, lumukso ng napakatàas ang kang puso at hindi niya mahanap sa isip ang tamang response. Gusto niyang yakapin ito ng mahigpit at halikan ng mariin kung kayat mahigpit ang ginawang paghawak sa kamay nito habang kinikontrol ang sarili. He wanted to speak but Arabella close her eyes with her wry smile. Same smile when she told her na separate plane ang kanilang sasakyan lalong lalo na nang sabihin niyang pupunta siya sa America for the anniversary. He can feel her agony, she even cried but in an instant she put a smile.

After 15 hours sa ere ay nagland na rin ang sinakyang eroplano sa Ninoy Aquino Internaltional Airport. Isa isang nagsipaglabasan ang mga pasahero at kanya kanyang direction ang tinungo. Pagtayo palang nila sa kanilang upuan ay agad nang hinagilap ni Tyron ang kanyang kamay. He locked his fingers into hers at walang pakialam sa paligid. Maging ang kanyang nag aalangang tingin dito ay hindi nito pinansin, bagkus para siyang batang mawawalay kung makakawala siya dito.

" Mr. Alegre, were just landed in the Philippines if you forgot?", pahayag niya dito. Baka may makapansin sa kanila at gawan sila ng tsismis hindi lang sa kamaynilaan kundi buong Pilipinas. Tyron is rich and famous, walang binatbat ang nagagwapuhang celebrity kung pagkakakilanlan ang pinag uusapan. Bukod sa CEO ng isang sikat na multinational company ay ubod din ito ng gwapo na hindi pinapalagpas ng media kahit napakaprivate nitong tao.

" Uhmmmm", pahayag lang nito habang mas lalong humigpit ang hawak sa kanya.

" Baka pwedeng bitawan mo na ako? Hindi naman na ako mawawala dito",

" Shhhh! keep silent babe, masyado kang maraming alam." Tyron cut her words. Tiningnan niya ito ngunit kindat lang ang isinagot nito.

Mayamaya ay palabas na sila sa Terminal 2. To her surprise nasa bukana na ng labasan si Ronie at hindi maputol putol ang pagkakangiti sa kanilang dalawa.

" Welcome back boss, ma'am", saad nito na kinuha ang mga maletang dala ng crew. Tyron get some thousands in his wallet at ibinigay sa crew bago ito magalang at masayang nagpaalam sa kanila.

" Thank you, did you get what I asked you?", si Tyron kay Ronnie at nakangiting sumaludo ito.

" Sir, yes sir.", pahayag nito saka dinukot sa body bag ang isang papel at ibinigay dito.

" Good! thank you.", pahayag ng binata dito.

" 11:15 po ang flight niyo", sagot ni Ronnie at tumango iyon pagkatapos tignan ang mamahaling relo sa kanyang bisig.

Hindi rin napigilan ni Arabella ang mapatingin sa kanyang relo, 10:45 na at may 30 minutes pang natitira ito. Bigla siyang nakaramdan ng lungkot, aalis pala agad ito. Pero magkaganon man hindi niya pinahalata ang nararamdaman, dapat masaya siya dahil kahit paano nag effort ang binata na makasama siya hanggang makabalik siya sa Pilipinas to think na may nakaschedule itong meeting sa Japan.

" I'll be back the soonest possible time", pahayag ni Tyron sa kanya mula sa kanyang katahimikan. Tumango si Arabella at ngumiti siya dito.

" Take your time, mag iingat ka palagi", saad niya na pilit na kinubli ang sakit na nararamdaman.

Hinila siya ni Tyron palapit sa kanyang katawan at niyakap siya nito.

" I'll call you, keep your phone open", instruct ng binata at ngumiti siya dito.

" I' m okey, no need to check on me. Go ahead, maiiwanan kana ng flight mo. Happy anniversary to both of you", sinserong pahayag niya sa binata. Ayaw niyang makabigat pa sa dalahin nito, tiyak niyang pagod na pagod din ito sa biyahe at magbibiyahe na naman ng napakalayo. After all naging considerate naman ito sa feelings niya dahil hindi siya hinayaang mag isang umuwi. Its pay back time, hayaang lumigaya ng totoo ang binata sa piling ng kanyang totoong minamahal.

Dahil sa kanyang sinabi ay napatitig ng mariin ang binata sa kanya. Tinatantiya niya siguro kung totoo ang mga katagang lumabas sa kanyang mga labi. Nahalata niyang may sasabihin sana ito ngunit biglang itinikom ang bibig at bumuntunghininga na lamang ito.

" Bye for now Tyron Alegre, see you when I see you", turan niya bago tumalikod at tuluyan ng lumayo dito.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C25
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン