アプリをダウンロード
82.6% DEREF / Chapter 38: DEREF CHAPTER THIRTY SIX

章 38: DEREF CHAPTER THIRTY SIX

Joree POV

"Miss Joree what can you say about your show that is still very popular until now?"

"All I can say is thank you for watching it and thank you to everyone who supports us, we can't do this but because of Direk." Nakangiti kong sabi.

"Is it true that you have a relationship with your bodyguard?" Napahinto ako dahil sa tinanong nya at umiling-iling. Yung hayop na 'yun.

"We don't have a relationship, he's the only one who said it and spread it." Seryoso kong sabi.

"Are you and Dylan just a love team? Madaming nagsasabi na bagay na bagay daw kayo." Tanong nung nagi-interview sa 'kin dito sa talk show.

"Sa ngayon nililigawan nya ako and i'm happy because he's ready to wait for my answer." Nakangiti kong sabi.

...

"I'm so proud of you babe." Natatawang sabi ni Dylan habang naglalakad kami.

"Babe ka dyan e hindi pa nga kita sinasagot." Hindi na 'ko nagpumiglas ng akbayan nya 'ko dahil palagi nya naman tong ginagawa.

"Brianna kanina kapa tahimik dyan." Tanong ni Caleb sa kanya at tumingin sya sa 'min at umiling-iling. Pumasok kami sa sikat na restaurant dito sa QC at naupo, lumapit sa 'min yung waiter at sinabi na namin yung order namin.

"Cr lang kami." Paalam ni Dylan at kasamang naglakad paalis si Caleb.

"Hindi mo dapat sinabi yun." Pagbasag ni Brianna ng katahimikan.

"Sesermonan mo na naman ba 'ko?!" Naiirita kong tanong. Hindi ako tanga para hindi malaman kung anong tinutukoy nya.

"Walang sinabi si Jairus o pinakalat na may relasyon kayo, alam mo yan." Napatingin lahat sa 'min yung mga kumakain ng hampasin ko ng pagkalakas-lakas yung table namin. Umayos ako ng upo at pinakalma ko ang sarili ko.

"Yan na naman bang pag-a-awayan natin?!" Nag-i-init kong tanong.

"Hindi sa ganon pero ma-

"Ano na namang mali sa ginawa ko?! Alam mo kung ano yung mali sya, sya yung mali mapagpanggap sya!" Galit na galit kong sabi at naglakad paalis. Sasakay na sana ako ng kotse ko kaso may nakita ko sa di kalayuan na pamilyar na tao kaya nilapitan ko ito.

"Ariza sabihin mo na kase kung nasan si Jairus."

"Makulit ka talaga Jhared maski nga kami hindi namin alam kung nasan sya."

"Sinungaling!" Napahinto sila at napatingin sa 'kin dahil sa sinigaw ko.

"Anong kailangan mo?" Maangas na tanong nung babae.

"Pakisabi sa kanya na hindi ko sya kailangan kaya wag na syang babalik pa!" Parang gusto kong sampalin 'tong kaharap ko na babae dahil nakuha nya pang ngumisi sa harap ko.

Anong nakakatawa?

"Baka magsisi ka kapag bumalik sya." Hindi nya naiwasan yung binigay kong pagkalutong-lutong na sampal na rinig dito sa bawat sulok ng parking lot.

"How dare you to talk to me like that?!" Kahit nanggagalaiti ako nagawa nyang lumapit sa 'kin sa mismong muka ko.

"Kaya kong pigilan yung sampal mo pero mas natatakot ako sa taong magagalit kapag ginantihan kita." Napanganga ako sa sinabi nya. Ano daw?

"Hindi namin alam kung nasan si Jairus, mauna na kami." Sabi nung kasama nyang lalaki at tangging pagtingin na lang sa kanila ang nagawa ko ng naglakad sila paalis sa harap ko. Sumakay na 'ko sa kotse ko at nanatiling nakahawak sa manibela nun. Isa lang ang nararamdaman ko... Galit... At walang iba kundi sa 'yo... Hoodlum.

...

"Guard pakisarado ng maayos yung gate." Sabi ko at naglakad papasok sa sa loob ng bahay namin. Pagpasok ko pa lang nakita ko na naglilinis si manang.

"Manang pakitimpla ako ng kape at pakidala sa kwarto ko." Hindi ko na inaantay yung sasabihin nya dahil umakyat na 'ko sa kwarto ko.

"Magpapaliwanag ako, pls pakinggan mo 'ko." Basa ko nung script.

"Wala ka ng dapat ipaliwanag dahil umalis ka at dapat hindi kana bumalik pa!" Naitya ko na lang yung kinakabisa kong script dahil sa inis ko. Badtrip bakit tamang-tama sa nangyayari sa 'kin yung script na 'yan.

"Are you busy? Can we talk?" Napatingin ako sa nagsalita na 'yun... Si dad.

"Dad kayo po pala." Nakangiti syang umupo sa tabi ko at napatingin ako sa kamay ko ng hawakan nya 'yun.

"Ang lahat ng bagay ay may dahilan." Hindi ko alam kung anong tinutukoy nya pero nanatili lamang akong tahimik at nakikinig sa kanya.

"Sigurado kami ng mom mo na ang pag-alis nya at pagkawala ng dalawang buwan ay may kaakibat na dahilan." Nag-igting yung panga ko dahil dun. Anong dahilan man 'yun wala na 'kong pakielam at hindi ko gustong marinig pa 'yun. Mabuti pa nga't wag na syang magpakita pang muli sa 'kin.

Sealtiel POV

"Galit na galit sya." Komento ni Jessel matapos ikwento ni Ariza yung nangyari kanina sa kanya.

"Kailangan nyang gawin 'yun kundi mapapahamak ang pinakama-mahal nya." Totoo ang sinabi ni Shannice.

"Pero naawa 'ko kay master sa sitwasyon nya ngayon." Malungkot na sabi ni Fiona.

"Ginagawa nyang lahat pero eto ang kapalit nun." Seryosong sabi ni Ariza.

"Kung sino man ang pinaka-nahihirapan dito walang iba kundi si master lang." Seryoso kong saad... Kinuha ko yung phone ko at napatingin ako sa kanila ng makita kong tumatawag si master.

"Ka-kamusta na sya?" Ramdam namin ang pangungilala at kalungkutan sa boses nya kahit nasa kabilang linya 'to. Niloudspeaker ko 'yun para lahat kami makarinig.

"M-maayos naman master, binabantayan parin namin." Sabi ko at sinenyasan ko yung apat na magsalita pero umiling-iling sila.

"Ba-babalik na 'ko dyan siguradong miss na miss na nya 'ko." Lumabas yung apat dahil hindi na nila napigilang maiyak.

"Master magiging maayos din ang lahat." Nahihirapan kong sabi. Hindi namin alam kung ano ng nangyayari sa ginagawa nya ngayon pero alam naming nasasaktan sya at mas masasaktan sya kapag bumalik na sya dito.

"Ibababa ko na, ingatan nyo sya." Natahimik ang paligid ng ibaba nya 'yun.

"Wala syang kaalam-alam sa nangyayari dito, pa-pa 'no pa kapag bumalik na sya dito?" Umiiyak na sabi ni Jessel.

"Dalawang buwan magmula ng umalis sya para sa aayusin nya at ilang araw lang babalik na sya dito." Kitang-kita ko ang labis na pag-a-alala sa mga muka nila ng sambitin ko 'yun. Kung ano mang mangyari nandito lamang kami sa tabi nya.

Joree POV

"Cut! Mukang kulang kayo sa break kaya puro paulit-ulit tayong take!" Kaagad kong kinuha yung inabot ni Dylan na tubig sa 'kin at naupo sa tabi nya.

"Pagod?" Inihiga ko yung ulo ko sa balikat nya at tumango-tango.

"Antatanga kase nila nakakailang take na tayo pero hindi parin maayos." Natawa sya dahil dun. Alam ko naman na ang pag-arte ay sobrang hirap talaga pero dapat isa o hanggang tatlong beses na nagkakamali okay na pero kase yung nangyayari ngayon parang isang buong araw bago matapos yung scene na 'to. Ayun buti nga pinapagalitan sila ni direk. Sa loob ng dalawang buwan paikot-ikot lang dito ang araw ko. Pag-arte, pagsama sa iba't-ibang occasion or party, paggagala kasama sila Dylan at dahil dun nakaahon ako sa kalungkutan. Sobrang bilis ng panahon hindi mo mamamalayan ganyan na pala kaagad na parang kailangan lang.

Laking pasalamat ko dahil si Dylan yung unang-unang nandyan sa tabi ko habang malungkot ako at nagkukulong lamang sa kwarto. Hindi katulad nya na pagtapos na may mangyari sa 'min hindi na nagpakita pa sa 'kin.

Jairus POV

"Master lalapag na po ang eroplano." Parang gusto ko ng talunin to kaagad dahil sa labis na kagalakan na makikita kong muli sya... Ilang saglit hindi na 'ko nag-aksaya ng oras at tinakbo ko na 'yun at sumakay na ng taxi.

...

"Sinong kailangan mo?" Tanong nung gwardya sa 'kin. Kumuha na pala sila ng gwardya.

"Dito ako nagta-trabaho." Halatang hindi sya kumbinsido sa sinabi ko.

"Guard sino 'yan?" Napangiti ako ng marinig ko yung pamilyar na boses na 'yun.

"Anong kai- Jairus?! Guard papasukin mo sya, madali!" Binuksan nung gwardya yung gate at pumasok ako dun.

"Kamusta ka na iho?" Nakangiti nyang tanong.

"Pasensya na ho kung nawala ako ng dalawang buwan." Umiling-iling sya ng sabihin ko yun.

"Naiintindihan namin. Ano magaling na ba yung nanay mo?" Tipid na tumango lang ako... Mahirap sa 'kin na idahilan yun pero kasi wala na 'kong choice.

"Nasan po si Joree?" Napahinto kami sa paglalakad ng itanong ko 'yun.

"Nandyan sa loob." Nilibot ko yung paningin ko at nakita kong wala paring pagbabago dito, maganda parin. Halo-halo na yung nararamdaman ko habang sinusundan ko si miss Keilla. Pero nangunguna parin sa 'kin yung kaba.

"Mom kayo pala." Napahinto ako sa paglalakad at parang tumigil yung pagtibok ng puso ko ng marinig ko uli ang boses na nagpapangiti sa 'kin.

"Anak may bisita ka." Dahil sa sobrang taranta at kaba unti-unti akong humakbang paatras at tumalikod para tumakbo sana...

"Ikaw pala." Halos hindi na 'ko huminga ng marinig ko yun at unti-unting humarap sa kanya. Sa sobrang pagkasabik nabitawan ko yung bag ko at dahan-dahang lumapit sa kanya. Tinitigan ko yung muka nya at nakikita kong walang nag bago dun. Dahil mas lalo pa syang gumanda. Yayakapin ko sana sya pero napahinto ako ng may humarang...

"What do you think your doing?!" Mababakasan ang inis ng sabihin yun ni Dylan... Hindi ka parin nag bago tanga kaparin.

"Ya-yakapin ko sana sya." Pagtukoy ko kay Joree.

"Wala kang karapatan, alamin mo ang lugar mo." Napakunot yung noo ko pero hindi ko pinahalata 'yun ng hawakan ni Joree yung kamay ni Dylan.

"Babe wag mo na syang pansinin, mukang nahilo lang sya sa byahe." Teka? Tama ba yung narinig ko? Babe?! Tinapik-tapik ko pa yung tenga ko baka nabingi lang ako.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko kay Joree.

"For what? Wala naman tayong dapat pag-usapan." Nakatitig lamang ako sa mga mata nya habang sinasabi nya 'yun. Bugbugin ako ngayon na... Mali... Mali tong nakikita ko sa mga mata nya... Kitang-kita ko kase dun na wala syang pakielam.

"Ma'am may tao po sa labas." Napatingin sila ng may umagaw ng eksena na nangyayari.

"Papasukin mo." Biglang sabi ni miss Keilla.

"JAIRUS!" Nagulat ako ng bigla nya 'kong yakapin. Nang humiwalay sya sa 'kin binigyan ko sya ng anong ginagawa mo dito look.

"Hazel what are you doing here?" Natawa si miss Keilla ng kindatan ako ni Hazel at binalingan ng atensyon si Joree.

"Tatanungin ko lang sana kung may lakad ka ba?" Tanong ni Hazel kay Joree.

"Wala." Seryosong sagot ni Joree.

"Yon! Tita Keilla hihiramin ko lang po si Jairus." nakangiting tumango-tango si miss Keilla.

"Sure para naman makapag-relax sya dahil kababalik nya lang." Kaagad akong kinapitan ni Hazel sa braso at ngiting-ngiti.

"Pa-panong nalaman mong nandito ako?" Mahina kong tanong.

"Secret no clue." Natatawa nyang sabi at hinila ako. Sumakay kami ng kotse nya at sya yung nagda-drive. Nakatulala lang ako sa labas ng umandar 'yun.

"Bagalan mo yung pagmamaneho umuulan na." Walang gana kong sabi.

"Tamang-tama." Hindi ko sya pinansin ng may kalikutin sya habang nagda-drive.

"Lagi na lang umuulan,

Parang walang katapusan."

"Tulad ng paghihirap ko ngayon,

Parang walang humpay."

"Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap,

Na limutin ka ay 'di pa rin magawa..

Hindi ko sya masisisi kung bakit nagawa nyang bumalik kay Dylan.

"Hindi naman ako tanga,

Alam ko na wala ka na.

"Pero mahirap lang na tanggapin,

'Di na kita kapiling.

" Iniwan mo akong nag-iisa

Sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan..

Kung ga 'no ko kasabik na mayakap sya pero ganun kamalas dahil mukang ayaw nya rin.

"Pero 'wag mag-alala, 'di na kita gagambalain,

Alam ko namang ngayong may kapiling ka nang iba.

"Tanging hiling ko sa 'yo na tuwing umuulan,

Maalala mo sanang may nagmamahal sa 'yo."

Hinanda ko na yung sarili ko pero mahirap parin pala kapag nangyari na at kapag nasa harapan mo na.

"Lagi na lang umuulan,

Parang walang katapusan.

"Tulad ng paghihirap ko ngayon,

Parang walang humpay.

"Iniwan mo akong nag-iisa

Sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan."

Akala ko kanina habang kinapitan ako ni Hazel sa braso may reaksyon man lang sya... Pero parang wala man lang syang pakielam.

"Pero 'wag mag-alala, 'di na kita gagambalain.

"Alam ko namang ngayong may kapiling ka nang iba.

"Tanging hiling ko sa 'yo na tuwing umuulan.

"Maalala mo sanang may nagmamahal sa 'yo, ako...

Wala akong pinagsisisihan na iniwan ko sya ng gabing yun dahil kailangan ng maghanda.

"May ipapanuod ako sa 'yo." pinatay nya yung tugtog at iniabot sa 'kin yung phone nya.

Tinignan ko 'yun at nakita ko si Joree yun na may kaharap na kalbong lalaki.

"Is it true that you have a relationship with your bodyguard?" Kinabahan ako ng tanungin yun ni kalbo kay Joree.

"We don't have a relationship, he's the only one who said it and spread it." Parang pinalo ako ng baseball bat sa ulo ko ng marinig ko yung sinagot nya. Sinuntok-suntok ko yung dibdib ko dahil nararamdaman kong parang piniga yun ng kung ano. Kahit nahihirapan at nanginginig yung kamay ko plinay ko parin yun.

"Are you and dylan just a love team? Madaming nagsasabi na bagay na bagay daw kayo." Kahit ayokong marinig pa yung sasabihin ni Joree pero nasimulan ko na, masakit na sobra, nandito na kailangan kong tapusin 'to.

"Sa ngayon nililigawan nya ako and i'm happy because he's ready to wait for my answer." Tinignan ko yung ngiti nya at napangiti ako ng mapait dahil dun. Yung ngiting yun ako lamang ang nakagawa nun sa kanya pero ngayon nasa iba na.

Hindi na 'ko nakagalaw ng yakapin ako ni Hazel. Ramdam ko rin ang panginginig ng katawan ko.

"Ayokong nakikita kang masaktan, pero kapag ayaw na talaga nya aagawin na kita sa kanya."


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C38
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン