アプリをダウンロード
65.21% DEREF / Chapter 30: DEREF CHAPTER TWENTY EIGHT

章 30: DEREF CHAPTER TWENTY EIGHT

Jairus POV

"Ayaw." I-iling iling na sabi ni joree.

"Ikaw bahala." Sabi ko sabay kain nung hawak kong fishball tsaka kikiam, sarap talaga ng street foods antagal ko din tong hindi natikman, isusubo ko na sana yung kikiam sa bibig ko kaso may aso akong naramdaman.

"Mm? Titikman muna?" Tumango-tango sya at tumuhog ako tapos itinapat ko sa bibig nya huminga sya ng malalim tapos tinakpan yung ilong nya.

"Sandali nga, tigilan mo nga yan hindi ka lalangoy, kakain ka." Natawa ako ng hampasin nya yung braso ko.

"Ambagal mo kase!" Sigaw nya at ngumanga, isinubo ko iyon at isinara yung bunganga nya. Nginuya-nguya yun tapos...

"ANG ANGHANG!!!" Kinuha ko yung buko juice at inabot sa kanya yun, nilagok nya yun...

"Wag mo lunukin pati cup." Agaw ko sa kanya nun pero ganun parin pinapaypayan nya parin yung bibig nya.

"PA 'NO MO NATATAGALAN YANG ANGHANG NAYAN?!" Nagulat sya ng higupin ko yung sauce nun.

"Inubos mo yung buko juice ko kaya dito ka lang bibili ko." Paalis na sana ko pero pinigilan nya ko gamit ang braso nya.

"Ansarap, damihan mo yung pinatikim mo sa 'kin basta wag yung maanghang yung tama lang." Tumango ako dahil sa sinabi nya at naglakad.

Tinignan ko yung phone ko at nakita kong alas singko na ng hapon, apat na oras na pala kami nandito.

Napangiti ako dahil mas dumami yung cart na nandito, may mamihan, gotohan, fishball-an, samalamig, at kung ano-ano pa.

"Manong, singkwenta pesos ngang fishball tyaka kikiam, tapos dalawang fourthy pesos na buko juice." Hindi ko na inantay na makapagsalita sya at binabaan ko na sya ng pera.

"Babalikan ko nalang makalipas ang sampung minuto." Sabi ko at naglakad paalis.

"Marlboro red, Marlboro lights, kendi kayo dyan." Napatingin ako dahil sa narinig kong takatak boy at nilapitan ko iyon.

"Isang kahang marlboro pula tyaka limang snow beer." Pagkatapos kong magbayad kinuha ko na yun mula sa kanya at pinag laruan sa kamay ko.

"Hoodlum!" Napatingin ako dahil sa biglang tumawag sa 'kin sino pabang tatawag sa'kin ng ganun.

"Antagal- what the naninigarilyo ka?!" Nagtaka sya ng umiling ako.

"Hindi sa ngayon." Napailing sya ng dahil sa sinabi ko.

"Eh ano yan, tinititigan mo?!" Nasapo nya na lang yung muka nya ng umiling uli ako.

"Pinaglalaruan. Tara na babalikan ko na yung pagkain." Sabi ko at sabay kaming naglakad.

...

"Hoodlum tignan mo ang ganda!!!" Manghang-manghang sigaw nya habang nanunuod ng fireworks dito sa mini-forest.

"Isang beses lang yan sa isang buwan, buti sumakto tayo." Mas lalo ko pang nakita yung sobrang ganda nyang ngiti nung humarap sya sa 'kin.

"Hoodlum who is better? The fireworks or me?" Nabigla ako dahil sa tinanong nya.

"Of course the fireworks because they are colorful." I say seriously

"Damn, bring your fireworks, you haven't been hit yet." He turned around and seemed sullen.

"Look, you will ask questions and you will not believe." I laughed saying.

"Ibang klase ka rin mag-english ah parang hindi hoodlum ah." Nagkibit-balikat lang ako dahil dun.

"Kahit kailan hindi napapagod kakasalita." Hinampas nya ko nung shoulder bag nya dahil dun.

"Lowbat na 'ko pahiram phone kukuhanan ko ng litrato yung fireworks bilis!" Inabot ko yung phone ko sa kanya at nagsimula na syang kuhanan ng litrato yun.

"Hoodlum balik uli tayo dito pag may pagkakataon." Napatingin naman ako dahil dun.

"Sige." Todo ngiti sya matapos kong sabihin yun.

...

Kasalukuyan kaming nandito sa 7 eleven dahil gabi na at kakain narin kami.

"Ano gusto mo?" Napaisip naman sya dahil sa tinanong ko.

"Ikaw." Napatawa naman ako dahil sa sinagot nya sa 'kin.

"I mean ikaw, ikaw na bahala." Pagkasabi nya nun iniwan ko na sya sa table sa labas ng 7 eleven.

Nagpalinga-linga ako at namimili ng bibilhin.

Kumuha ako ng dalawang crunch time tyaka dalawang gulp na inumin.

Naglakad akong papuntang counter at ipinainit ko sa kanila yun.

Lumapit ako sa freezer at namili ng ice cream pero sa dinami-daming klase na nandito isa lang yun umagaw nung atensyon ko.

Kinuha ko yun at iniabot sa babaeng cashier.

"500 pesos sir." Inabutan ko sya ng limang daan at kinuha ko na yung pinainit kong kakainin namin tyaka yung dalawang gulp.

Pinagbuksan ako ng gwardya dahil bitbit ko ng dalawa kong kamay yung pagkain namin at binigyan ko lang sya ng isang simpleng tango ng makalabas ako.

"Wow mukang masarap ah." Tuwang-tuwa na sabi ni Joree.

"Mamaya muna kainan yung ice cream, kanin muna unahin mo." Napasimangot sya pero wala na din syang nagawa at sinimulan ng kumain.

"Bukas na libing ng tatay ni Hazel, pupunta ka?" Bukas? Bat parang ambilis naman.

"Tayo." Pagtatama ko sa kanya.

"Edi bukas na din tayo uuwi?" Medyo mahina na yung boses nya lalo na yung huli nyang sinabi.

"Oo, mag-aalala na mga magulang mo kahit alam nilang kasama mo 'ko ayoko namang umabuso." Seryoso kong paliwanag.

Dahil mas maganda yung kasama mo pamilya mo at sulitin ang mga oras na magkasama kayo.

Alam nating lahat tayo tatanda kaya hanggat maaga sulitin nating kasama ang mga magulang natin at makapag-enjoy kasama sila, hindi dapat iniisip kung anong mangyayari sa susunod na araw lalo na kapag may problema dapat iniisip natin na malalagpasan natin iyon at hindi na po-problemahin pa.

Problema na nga po-problemahin pa.

Mahirap...

Sobrang hirap mawalan ng magulang...

Yun sitwasyon ko kase napaaga yung pag-alis nila yung paglisan nila dito sa mundo.

...

Nararamdaman kong parang iba yung ihip nang hangin dito.

Kakatapos lang kase namin kumain ni Joree at kasalukuyan kaming nandito sa jeep at pauwi na.

Napangisi ako ng makita ko sa rear view mirror na may lalaking may hawak na kutsilyo na itinatago nya.

Kanina pa kita nahahalata tama lang pala ko ng hinala.

"Para ho." Pagkasabi ko nun hinila ko na kaagad si Joree palabas nung jeep, hindi ko alam kung ilan silang magkakasabwat pero masama ang kutob ko.

Joree POV

"Para ho." Nanlaki yung mga mata ko ng hilain ako ni hoodlum palabas nung jeep.

"Hoy sa 'n mo ko dadalhin?! Hindi ito ang bahay nyo!" Sigaw ko sa kanya pero hindi nya parin ako binibitawan.

"Don't show up and look back because someone follow us. Be quiet and walk normally." Kahit kinakabahan ako sinunod ko pa rin sya.

I gradually became nervous, because he was so serious. I'm really scared but why does he still seem calm. I was surprised when we turned into an alley and only the moon gave us light. Shit, it's like I want to swallow the ground or teleport to escape because of the fear and anxiety I feel.

Nagulat ako ng yakapin nya ako at naramdaman kong inikot nya ko.

"Bata, bat bumaba naman kayo kaagad? dadalhin pa naman sana namin kayo sa hotel." Napakapit ako sa braso ni hoodlum nang dahil sa biglang nagsalita na yun.

Nagpalinga-linga ako pero wala akong masyadong makita dahil sa dilim.

Teka sa 'n ba kami nasuot?

Sino yung nagsalita na yun? Kami ba tinutukoy nya?

OH MY WAG NAMAN!!!

"Nakatakas nga kayo sa jeep pero minalas kayo dahil nasa...

Teritoryo namin kayo!" Nanlamig ako ng makarinig ako ng mga tawanan na hindi ko alam kung sa 'n nanggagaling.

Shit mauulit na-naman ba yung dati?

Napapitlag ako ng may mga ilaw na bumukas.

"MATUTUWA NITO SI BOSS! KUNIN ANG BABAENG IYAN AT PATAYIN ANG LALAKING YAN!" Nanlamig ako dahil sa sinigaw ng kung sino yun.

Nataranta ako ng makarinig ako ng mga yero na nagkakaingay at base narin sa ingay nayun parang tinatapakan ng mga higanteng paa yun.

"Hoodlum tumakas na tayo!!!" Pero nagulat ako ng...

WALA NA SYA SA TABI KO?!

Punyeta na bakla na ba yun?

Napatago ako sa isang tabi ng makarinig ako ng hiyawan na parang nasasaktan.

Kalampag dito...

Kalampag dun...

Hingi ng tulong dun...

Hiyaw sa na parang nasasaktan.

Ilang saglit lang mawala ang ingay na yun.

Nagtaka ko ng wala man lang nakalapit sa 'kin niisa.

Nagulat ako ng may humila sa 'kin at balak ko na sanang suntukin yun kaso napahinto ako.

"HOODLUM?! BALIW KA BAT INIWAN MO 'KO!" Sigaw ko sabay sabunot sa kanya.

"Aray, tumigil ka nga wala namang nangyari sayo!" Nanlaki yung mga mata ko dahil sa sinagot nya.

"ABAT ANG SABIHIN MO KAYA MO 'KO INIWAN NABAKLA KANA DAHIL SA TAKOT! KAYA WALANG NAKALAPIT SA 'KIN NILANDI MO NA!" Sigaw ko sa kanya habang nakapamewang.

"Bago pa sila magising mabuti pa umalis na tayo dito." Hihilain nya sana ako kaso tinampal ko yung kamay nya.

"Anong gising-gising mabuti pat matulog ka na pagkauwi natin dahil mukang inaantok kana!" Sigaw ko at naunang maglakad.

Kaso...

"Hoy sa 'n yung daan palabas dito?!" Nilapitan ko sya at dinagukan ng makita kong tumatawa sya.

"Mukang alam mo e." Sabi nya sabay lakad palayo at wala na 'kong nagawa kundi sundan sya.

...

Jairus POV

Malaking pala isipan parin sa 'kin kung sino pumatay sa mga gunggong na kalalahihan kanina.

Nakakapit palang si Joree sa braso ko pero inalis ko rin yun dahil narinig kong may pumupuksa sa mga loko na yun.

Pero huli na 'ko dahil hindi ko sya naabutan dahil mga bangkay na ang tumambad sa 'kin.

Hahabulin ko sana yung gumawa nun pero mas kailangan ang maka-alis sa lugar nayun dahil baka kami ang mapagbintangan.

"Oh nagluto ako ng pancake." Napa balik ako sa ulirat ng sumulpot si Joree sa tabi ko na may dalang pancake.

Kinuha ko iyon at hinipan dahil mainit pa.

"Masarap yan dali tikman mona!" Excited nyang sabi. Isinubo ko yun at napatango-tango.

"Pwede na." Napakunot naman yung noo nya dahil sa sinabi ko.

"Panong pwede na? Masarap ba? Sobrang sarap ba?" Sunod-sunod nyang tanong.

"Pwede ka ng sumali sa tawag ng tanghalan." Natawa ako ng pilit nyang ipinapasok sa bibig ko lahat nung pancake na ginawa nya.

"Gago mo, nagluto ako hindi kumanta." Mas natawa ko lalo dahil dun.

Nagtaka ko ng nakatitig sya sa 'kin na parang may sinasabi pero walang lumalabas sa bibig nya na kahit anong salita.

"Bakit?" Seryoso kong tanong.

"Ma-may maliit na pancake sa gilid nung labi mo." Naiilang nyang sabi.

"Pakitanggal nga." Nagulat ako ng umiling sya.

"A-ayaw pa nila mom magka-apo." Natawa ko dahil sa sinabi nya.

Nang marealize nya yung sinabi nya tinakpan nya yung muka nya tapos umiiling-iling.

"Ampanget-panget mo alam mo yun!" Sigaw nya sa 'kin. Pero nagulat sya ng ilapit ko yung muka ko sa muka nya.

"Panget pa rin ba 'ko?" Tanong ko habang mas nilalapit ko yung muka ko sa kanya.

Tinignan ko yung labi nya na sobrang ganda tyaka ang pula kahit wala ng lipstick.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Tumakbo kaagad ako at kumuha ng baso at sinalinan ko iyon ng tubig at ininom ko yun.

Shit bakit ba bigla akong nauhaw.

"Hoodlum." Napalingon ako sa nagsalita at nagulat ako ng hawakan nya ko sa batok at...

"Aray!" Hinimas ko yung ulo ko dahil binatukan nya ko.

"Bakla ka talaga!" Nagulat ako ng sumigaw sya at naglakad paalis.

Inilock ko na yung pinto at ng masigurado ko na yun binuksan ko na yung kwarto...

"AHHH!" Napakunot yung noo ko dahil sa sigaw ni Joree at sa kabilang kwarto at ilang saglit bumukas yun at nagmamadali syang lumabas dala yung shoulder bag nya.

"Anyare?" Tanong ko.

"Yung kamukha mo nandon sa kwarto." Kamukha ko?

"Wala kong kamukha."

"E sino yung malaking daga na nandun sa kwarto?!" What the...

Daga!!!

Kamukha ko?!

Pumasok kaagad ako sa kwarto at isasara ko na sana yun kaso may tumulak nun.

"Grabe ang gentleman mo dun mo 'ko patutulugin sa sala!" Tinignan nya ko ng masama ng tumango ako.

"Isa lang ang kama dito kaya dun ka sa sala." Natawa ko ng humiga sya sa kama at nagtulogtulugan.

Tumabi ako sa kanya at napadilat sya dahil dun.

"Ta-tabi ta-tayo?" Nauutal nyang tanong.

Pero hindi ko sya sinagot at iniangat ko yung ulo nya at nilagay ko yung braso ko bilang unan nya.

Pumikit ako at naramdaman kong humarap sya sa 'kin at niyakap ako.

"Good night hoodlum." Napangiti ako dahil sa sinabi nya.

"Good night bibe." Sabi ko at hinalikan sya sa noo.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C30
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン