B3. Printing Shop
NAKA-POUT NA LUMAPIT sa'kin si Cris. Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang cellphone na nasa lap ko. Hinayaan ko nalang at pinagpatuloy ang pagpunas ng pawis sa leeg at mukha ko. Sanay narin kasi ako sa laging manners ni Cris, like kunin ang cellphone ko na walang paalam at kumalkal sa bag ko. (And it's still a mystery kung bakit alam niya ang bag ko. Di ko naman siya tinatanong. And why need naman na tanungin ang tao? Pwede namang nakikita niya lang lagi 'to kaya nareremember niya ang mukha ng lahat ng bag ng kaklase namin.)
"Ay teh! Yung kwento mo." sumingit ang boses ni Marie sa aming tahimik na pagmumuni.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng awkward. Tila na gets nila ang likot ng mata ko sa pwesto ni Cris na ngayon ay nakadungo at may kung anong ginawa sa cellphone ko.
"Ahh okay, mamaya nalang." tumango ang dalawa na naintindihan.
Kinuha ko sa bag ang bagong pamalit na t-shirt. Pinakita ko sa kanilang tatlo ito at tumayo ako. "What you think?" I beamed.
"Bagong print na naman?!" gulat ang dalawa sa nakita.
Tumango tango ako at mas lalong ngumiti nang umangat ang tingin ni Cris sa damit na hawak ko. "What you think Cris?" tanong ko.
"Okay lang." tila walang pake na umiwas siya ng tingin at hinarap ulit ang cellphone ko.
"Pa print rin ako! Gosh!!!" hinablot agad ng dalawa kong kaibigang inggitera ang damit na may picture ng BTS. And yes! It's my/our favorite K-pop idol!!! Mahilig kasi akong magpa-print lang ng sariling damit kaysa sa bumili ng may designs. I like simple kasi at tsaka pwede kang mag print ng picture ng idol mo kung kinakailangan. Sanay narin sila sa ganitong attitude ko kaya nasanayan narin ng mga kaibigan ko ang magpa-print rin ng damit nila SAKIN. If you ask, saan ako nagpapa-print? Well... SA AKIN rin. May own printing store rin kasi ako. Pwede doon lahat, photo print, tshirt print, CD burn, etcetera. And YES! SA AKIN rin!!!
Dahil palago ng paglago ang negosyo ni mama, na desisyunan namin na gumawa naman ng isang store, and that's...
"SUZETTE'S PRINTING SHOP!"
"Alam na namin teh, nabasa namin ang malaking karatula oh!" tinuro ni Justine ang taas ng bubong ng shop ko. Makikita doon ang logo ng shop.
Nandito kami ngayon sa shop na pinagmamay-ari ko. Matapos naming makapagpahinga ng kunti, pumunta kami dito para mag print ng t-shirt nila sakin.
"Bahala nga kayo dyan! Tara pasok na!" anyaya ko sa dalawa at binuksan ang glass door namin.
Wala rin si Cris kasi di yun sasama. Umuna na siyang umalis kanina pagkatapos niyang kalikutin ang cellphone ko.
"Dora." huh?
Tumalikod ako para tignan ang taong tumawag nun sa'kin. I exhaled exaggerately nang makitang si Justine pala ang tumawag sakin nun. Akala ko sumama samin dito si Cris. Ayaw ko pa naman na nandito siya. Ang ingay kasi at sobrang kulit. At ayaw ko pang mamatay ng maaga dahil sa hininga niya nu.
"Disappointed?" ngumisi ng nakakaloko ang loka. "Pero dizaii, may sasabihin lang ako."
"Ano yun?" lumapit siya sakin para bumulong...
"Sinusundan ba tayo ni Lourd?"