アプリをダウンロード
97.82% Salamin [BL] / Chapter 45: Salamin - Chapter 45

章 45: Salamin - Chapter 45

"I-I'll think about it first tito. Nagugulat lang ako. Can we put a hold on this muna? I need to think it through." ang naguguluhan kong sagot kay Don Amante sabay tayo mula sa aking upuan at nagpaalam na sa matanda. Nawalan ako ng gana kumain. Tumungo ako agad sa school at tangin iyon lang ang laman ng aking isipan. Kahit paano't huli man ay sumipa pa rin ang aking kunsensiya.

"Masyadong komplikado ang bagay nagagawin ko. Magkakaanak ako pero buhay din ang kapalit? Paano na lang kung lumaki ang bata sa akin na walang ina? Iba pa rin ang pag-aaruga ng isang tunay na babae." ang pagtatalo ko sa aking sarili habang ako'y sakay ng aming sasakyan habang bumabiyahe patungo sa paaralan. Alam ko pakiramdam ng lumaki na walang ama marahil kahit paano'y ganon din ang pakiramdam ng isang lumaki ng walang ina.

Tumigil ang aming sasakyan sa tapat ng gate ng school, hindi pa rin ako nakababa dahil sa aking iniisip.

"Sir Jasper, nandito na po tayo." ang sabi ng aking bantay na gumising sa aking ulirat. Napatingin ako sa kanya't ngumiti bago binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas.

Hindi ako agad nakapaglakad matapos kong isara ang pinto ng kotse. Nanatili lang akong nakatayo at nakaharap sa school. Bigla kong naalala ang aking nakaraan. Nakita ko ang mga anino ng kahapon.

Naglalakad ako noon lagi papasok dito, suot ang unipormeng halos mangupas na kakaulit ng suot at kalalaba upang masuot agad para sa susunod na araw. Tulad ko, weekend lang ang pahinga ng aking mga uniporme.

Nakita ko ang aking sarili na papasok sa gate ng paaralan. dala ang lumang bag na ginagamit ko mula pa noong ako'y nasa elementarya. Kung di dahil sa aking talinong taglay, hindi ako marahil nakapasok noon dito. Hindi ko marahil nakilala si Alice, si Rodel, at si Simon. Marahil hindi sila naging bahagi ng aking buhay.

"Ano kaya ako ngayon kung hindi ako napadpad dito? Saan na kaya ako pupulutin?" ang natatawa kong tanong sa aking sarili matapos umalis ang kotse sa aking likuran na hindi ko na napuna.

Hindi ko naiwasan maalala ang pagakkataon na makilala ko si Simon. Randy pa ang alam kong pangalan niya. Ang gara niya noon sa aking paningin pero nayayabangan ako sa kanya ng sobra. Natatawa akong mag-isa sa aking kinatatayuan.

Pumasok ako sa gate ng school habang patuloy ang aking pagsasariwa ng mga kaganapan sa aking buhay. Hindi ko nga lang inaasahan na makakasalubong ko si Alice. Nagulat kami pareho at saglit na nagkatitigan. Kung ano man ang nasa isip niya ay wala na akong pakialam. Ang sa akin lang ay, "Bakit mo kailangan itago sa akin ang tungkol kay Simon? Sa'yo naman siya mula pa noong una. Kaibigan lang ako. Minsan lang nanaging kapatid ang turingan naming dalawa."

Napayuko si Alice upang iiwas ang kanyang mga mata sa akin bago naglakad palabas ng school.

"Anong meron?" ang tanong ko sa pagkabigla na wala man lang sinabi ang aking pamangkin. Agad ko siyang nilingon at tinawag.

"Saan ka pupunta? Malapit na magsimula ang klase natin ah. Last day na ito. Bibigay na rin ang grades natin mamaya." ang sigaw kong nagpatigil sa kanya.

"May aabangan lang ako sandali sa labas." sabay bitiw niya ng isang pilit na ngiti.

"Si Luther?" ang tanong ko sabay ngiti rin. Tumango lang siya sabay talikod muli upang lumakad na tungo sa kanyang balak puntahan.

"Ah… Sige, hintayin na lang kita sa 303, ha?" pahabol ko sa kanya.

"Ang wirdo naman ng ikinikilos ni Alice. Si Simon lang kakatagpuin niya eh. Yaan mo na nga lang siya, Jasper. Malaki na siya. Buhay niya yun. Panahon na rin na magkanya-kanya na kayo." ang natatawa kong sabi sa aking sarili habang naglalakad na ako patungo sa classroom na aking nabanggit.

Nang makarating ako sa classroom sa third floor ng aming paaralan. Wala pa ang aming guro kaya't ang ilan sa aming mga classmate na naroon na ay may kanya-kanyang eksena. May naglalaro ng papel, may naglalampungan, may nagkukuwentuhan.

Pangatlo sa bandang unahan at una sa bandang kaliwang row ng mga upuan ang aking pwesto. Tulad ng dati. Hindi ko pinansin ang aking mga kamag-aral habang ako'y papunta sa aking upuan.

Nang makapwesto ako, inilabas ko agad ang aking pulang note book na may nakaipit na Parker pen dala ang balak na magpaalam na kay Andrew.

"Hi Simon,

"Gusto kong magpasalamat sa nagawa mo sa akin noong namumuhay pa ako sa kahirapan. Kung hindi dahil sa iyo baka wala ako ngayon sa kinatatayuan ko. Baka hindi na ako nakilala nila Don Amante bilang eredero ng mga Elizalde."

"Gusto ko lang sabihin sa iyo, na naging lubos na masaya ako bilang kapatid mo kahit sa maikling panahon. Biniyayaan mo ko noong wala na akong mapagkukunan. Pinulot mo ko nung halos wala na akong mapuntahan. Ipinadama mo sa akin ang pagmamahal nung ako'y nag-iisa. Pinasaya mo ako noong ako'y lugmok sa kalungkutan."

"Nakita mo ang paghihirap ko at ganoon din ako sa paghihirap mo sa dinadala mong sakit. Minahal kita ng higit sa dapat. Minahal kita kahit umalis ka na. Minahal kita kahit alam kong hindi ka para sa akin."

"Gusto kong maging makasarili. Ayokong gumaling ka kapalit ng makasalamuha ang iba mong katauhan. Pero tatanggapin ko na lang ang lahat."

"Sana ngayon ay magaling ka na. Iyon lang ang hinihinling ko para sa sarili mong kaligayahan. Masaya ako na makita kayo ni Alice kahapon, tulad ulit ng dati. Sana umabot na iyan sa kasalan. Bigyan mo ko ng maraming apo ha?"

"Pakitapon na lang ang sulat kong ito pagkatapos mong basahin. Paalam at maraming salamat. Alam kong di ko na makakapiling si Andrew. Mamimiss kita habang buhay.

Ang nagmamahal mong bunso,

Jasper"

Lumuluha na ako at napansin ko na lang ito nang matapos akong sumulat. Matapos suminghot ay pinunasan ko ang luha sa aking mata gamit ang aking isang kamay habang ang isa'y nananatiling nakahawak sa aking ballpen. Napansin kong natuluan na rin pala ng luha ang aking sulat para kay Simon bago ko ito itinupi hanggang sa ito'y lumiit.

"Hoy! Bakit ka umiiyak diyan? Mamimiss mo ba school?" ang wika ng aking classmate na babae matapos niyang tapikin ang aking balikat.

"Huwag mo nga kong guluhin. Nagmomoment ako. Letche ka." ang pikon kong sagot sa kanya. Hindi ko siya maharap dahil sa lagay ng aking mga matang namumugto.

"Eh bakit ka umiiyak diyan? Bakit may emote na nagaganap?" ang pangiintriga niya.

"Pwede ba manahimik ka na lang at yaan mo na lang ako? Baka gusto mong bilhin ko buhay mo at di mo na maabot ang graduation natin next week?" ang masungit kong sagot sa kanya habang binubulsa ang natapos kong liham sa harapang bulsa ng aking slocks. Natahimik lang ang aking classmate at lumayo. Masyado na sigurong nakakatakot ang aking pananalita dahil sa seryoso ako ng sabihin kong bibilhin ko buhay niya.

Dati'y hindi nila ako nilalapitan dahil sa ako'y mahirap lang. Ngayo'y hindi pa rin dahil sa takot naman.

Agad akong tumayo pang pumunta muna sa palikuran para ayusin ang aking sarili. Sa CR ay walang tao kaya't nakuha kong manalamin muna matapos maghilamos ng mukha.

"Bakit namumula mata mo, Jasper?" ang boses ni Rodel na nangagaling sa tarangkahan ng palikuran. Napatingin ako sa salamin kung saan ang anino niya ang aking nakita.

"Paano ka nakapasok dito? Outsider ka na ha."

"Kaclose ko yung guard natin di ba? Wala na rin formal classes kaya nakapasok ako. Baka nakakalimutan mo na maraming outsider nakakapasok dito pag patapos na ang school year?" ang natatawa niyang sagot.

"Hindi kita masasamahan ngayon magkikita pa kami ng teacher namin para makuha namin ang grades namin."

"Eh di hihintayin kita."

"Gigimik ako mamaya after school kaya huwag mo na ko guluhin pa." ang sagot ko habang naghihisik ng aking kamay.

Lalakad na sana ako palabas ng CR ngunit bago ko pa malagpasan si Rodel ay pinigil niya ako sa kamay. Hinarap niya ako sa kanya ay mariing hinalikan. Nagulat ako sa ginawa niya dahil sa hindi pa nangyaayri sa akin iyon sa loob ng school. Nagpumilit akong lumayo sa kanya.

"Ano ka ba?! Patapos na school year sisirain mo pa reputation ko dito?!?! Ilang taon kong binuno ang pangalan ko bilang maayos na estudyante na masipag mag-aral at gaganituhin mo ko?!? Paano na lang ang eksena na ito kung makaabot sa faculty ginawa mo sa akin?! Tang ina naman!" ang galit at pasigaw kong sinabi kay Rodel bago siya sampalin ng malakas at iwan.

Sinundan pa rin niya ako habang naglalakad ako pabalik sa classroom ngunit hindi na niya ipinagpatuloy ito bago pa ako makaabot sa pintuan ng aming klase.

"You're a big joke, Rodel. What a sore loser you are." ang bulong ko sa aking sarili habang naglalakad ako patungo sa aking silya. Napansin ko na nakaupo na sa tabing silya si Alice. Nananalamin. Tuald ng lagi niyang ginagawa. Nagpapaganda.

Tahimik akong umupo sa kanyang tabi pero hindi ko pa rin naalis ang inis sa aking mukha.

"Saan ka galing?" ang tanong niya habang nagbabrush ng kanyang pilik mata at nakatingin sa pocket mirror. Hindi ko hinarap si Alice sa aking pagsagot. "NagCR. Ang boring kasi sa classroom."

Hindi sumagot si Alice. Nagpatuloy lang siya sa kanyang ginagawa.

"Nga pala. I thought you should know. I've asked tito to look for a woman I could fuck to bear my kid." ang sabi ko sa kanya na parang wala lang. Natigil si Alice sa kanyang ginagawa at ibinaba ang kanyang mga hawak sa ibabaw ng kanyang armchair.

"What the hell is going on, Jasper?!?!"

"What the hell is going on? You tell me, Alice. You tell me." ang nagsisimulang mag-init pagtatalo sa aming dalawa. Hindi ko hinaharap si Alice kahit kinakausap niya ako habang nanlalaki ang kanyang mga mata sa pagkabigla.

"As if I know. Kaya nga tinatanong kita eh. First, you randomly go out with other guys. Then, you're no longer yourself. Now, you wanna have a baby?!?!" ang malakas na sagot niya. Natigil ang aming mga kaklase sa kanilang ginagawa at nanood na lang sa aming dalawa ni Alice.

"I'm living my life now and this is me. You can't do anything about it now. Pakibigay na lang ito kay Simon. Nakita ko kayo kahapon. Sana huwag mo basahin ang sulat ko para sa kanya kung kaibigan mo pa rin ako. Huwag kang mag-alala, wala naman yan eh. Gusto ko lang ilabas ang nasa dibdib ko. I'm happy for the two of you. Sana maayos ang ending niyo ni Luther." ang malungkot kong sagot sa kanya sabay abot ng nakatupi kong liham para kay Simon. Natulala lang si Alice. Marahil nagulat siya na alam kong nandito na si Simon.

Tumayo na ako sa aking upuan. Wala akong pakialam sa mangyayari sa klase ngayong araw. Tapos na rin naman na ang lahat ng kailangan at mamartsa na lang kami sa susunod na lingo.

Nang makalabas ako ng klase ay nakita kong naroon pa rin si Rodel sa di kalayuan. Sinalubong niya agad ako ng ngiti na binalikan ko lang ng aking kasupladuhan.

Naglakad ako palabas ng school. Sunod naman ng sunod si Rodel sa akin na buntot na nakakainis. Bago pa ako makalabas ng gate ay bigla kong hinarap si Rodel at nagsisigaw.

"Ano ba magagawa mo? Wala na! Tama na! Ayoko na! Itigil na natin ito!" ang sigaw ko habang papalapit si Rodel. Buti na lang ang guard lang ang naroon.

Binalot ako ni Rodel ng yakap na mahigpit ng kami'y magkalapit. Hindi siya nagsalita.

"Ayoko na. Ayoko na umibig! Ayoko na magmahal! Tama na!" ang galit kong sinabi sa kanya sabay kawala sa kanyang mga bisig at nagmamadaling lumakad papunta sa aking sasakyan.

Pagpasok ko sa loob sa bandang likod na upuan at bago ko pa isara ang pinto ay pinigil ako ni Rodel. Tinabihan niya ako at napatingin ang aking bantay na katabi ng aming driver. Balak na niya sanang humugot ng baril.

"Kuya huwag. Si Rodel ito." ang pigil ko sa kanya. Nakangiti naman si Rodel na nakatitig sa akin.

"Hindi mo man maintindihan ang lahat, Jasper. Balang araw malalaman mo rin." ang bulong sa akin ni Rodel. Nagtaka lang ako sa kanyang sinabi ngunit sigurado pa rin akong pinagpipilitan lang niya ang kanyang sarili.

"Letche ka Rodel. Napakakulit mo talaga." ang humuhupa ko na sa galit na sinabi sa kanya matapos niya akong akbayan. Ibinalik ko ang aking pansin sa aming nasaharapan.

"Kuya, punta tayo ng Makati. Kay July, yung pinuntahan natin nung weekend."

"Yes, sir."

Nagulat si Rodel at napatingin sa akin.

"Sinong July?" ang tanong niya habang nakapako ang kanyang mga titig sa akin. Taas noo lang akong patuloy na pinagmamasdan ang tanawin sa harapan ng kotse habang umaandar na ito.

"Probably my next boyfriend. I don't know. I wanna have fun right now." ang mataray kong sagot kay Rodel. Naging seryoso agad ang kanyang mukha nang siya'y sumandal sa kanyang upuan. Marahil nagsisimula na siyang mag-isip.

"Don't do anything wreckless, Rodel. Ipapabaril kita kay kuya kung gagawa ka doon ng eksena." ang babala ko sa kanya. Napatingin naman saglit sa amin ang aking bantay sa aking sinabi.

"Mas gugustuhin ko pang mapunta ka sa best friend ko kesa sa akin." ang sagot ni Rodel na may nilalaman. Sininghalan ko lang siya sa aking narinig.

"By the way, tito and I are planning to make a baby. I'll ask for his help para matira ko yung makukuha naming babae." ang sabi ko kay Rodel. Napalingon siya sa akin na puno na rin ng pagtataka sa aking nasabi.

"Bakit hindi na lang ako?"

"Hindi na ako titigasan sa iyo."

"Bakit mo naman naisipan na gumawa ng anak?"

"Tatanda akong walang asawa't anak. Kahilingan din ni tito na magkaroon siya ng apo sa akin kaya gagawin ko na lang din and gusto niya. Besides, I don't think I own myself anymore."

"Naisip mo ba ang paglaki ng magiging anak mo?"

"Already did. I don't see any problem lalo na kung ipapapatay ko yung babae after niya iluwal ang anak ko."

"Ipapatay?!" ang gulat na tanong ni Rodel sa akin matapos niya akong ipaharap sa kanya at makipagtitigan.

"Oo. Bakit? Gusto mo sa iyo na lang yung babae. Asawahin mo para may silbi pa siya. Para din hindi siya maghabol sa makukuha niya sa magiging anak namin." ang sagot ko habang nakataas na ang isa kong kilay. Bigla niya akong sinampal ng malakas. Napatingin ang aking bantay muli sa aming dalawa.

"Kuya, huwag kayong makialam sa usapan namin dito sa likod." ang agad kong utos sa kanya habang hinahaplos ang namula kong pisngi sa sampal ni Rodel.

"You're the worst person ever, Jasper." ang dismayadong wika ni Rodel.

"You're the one to tell. Sa akin na pala ang titulo ngayon na iyan? Sino kaya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon, aber? If you weren't such a flirty slut yourself I wouldn't have fallen for Simon. You had your chance on me and you blew it. Now you're hoping for another one? As if you really wanted to own me before." ang pagsusungit ko kay Rodel. Natahimik siya sandali sa aking mga nasabi matapos sumandal muli sa kanyang upuan.

"Sinisisi mo pa rin pala ako. Akala ko ba napatawad mo na ako?" ang malungkot niyang sagot.

"I did. I told you I already did. I never said anything na the wounds have already healed naman ah. If you're crawling now to get back to me siguro dahil lang sa pera. Dahil sa kailangan mo ng pera. Yun ba? Magkano ba ang kailangan mo para lubayan mo na ako?" ang sagot ko. Napailing si Rodel sa aking mga nasabi. Nakita kong gusto na niyang lumuha sa sakit ng aking mga nasabi.

"Oh, I'm sorry. you're poor na nga pala. Did I hit your ego? At long last, I finally did it." ang nangaasar ko pang dagdag sa aking mga nasabi.

"Sir, pakibaba na lang po ako sa tabi." ang nanginginig sa galit na pakiusap ni Rodel sa aking driver. Agad namang tumabi sa kalsada ang aming kotse at nang huminto ito ay agad na lumabas si Rodel. Mabilis siyang maglakad papalayo at nakita ko pa na nagpunas siya ng kanyang mukha gamit ang kanyang braso.

"Hmph! You should've followed that doctor of yours instead of hoping to get back to me." ang bulong ko sa aking sarili.

"Tara na." ang utos ko sa aking tsuper sa inip ko na makita si July.

Nang makarating kami sa isang intersection ay may dalawang humaharurot na itim na kotse ang sumunod sa amin. Ang isa ay itim na Revo na tinted ang mga salamin at ang isa naman ay isang Corola na kulay asul. Ang asul na Corola ay ang mas nauna sa amin kaya nagawa kami nitong harangin. Ginitgit naman kami ng itim na Revo sa likuran kaya't hindi makabawi ang aking tsuper. Agad na hinanda ng aking bantay ang kanyang baril habang ibinababa niya ang kanyang bintana.

Mabilis ang mga pangyayari. Bumaba ang isang lalaking nakamaskara at itim lahat ng suot niya. Mabilis niyang tinungo ang bukas na bintana ng aking bodyguard at bago pa siya napansin nito ay natutukan na ng baril. Wala akong alam sa mga baril pero kakaiba ang hawak ng lalaking nakaitim.

Nang barilin ng lalaki ang aking bantay ay may lumabas na kakaibang bala mula rito at tumama sa bandang leeg ng aking bantay. Nanatili sa leeg ng aking bantay ang bala na nakatusok na parang injection. Pampatulog marahil.

Agad akong pinawisan ng malamig at nanginig sa matinding takot. Alam kong ako'y kikidnapin na sa takbo ng mga nangyayari ngunit hindi pa rin ako makapaniwala.

May isa pang lalaki ang lumabas sa Revo at agad na binuksan ang pintuan sa aking tabi.

Nang lingunin ko ang aking driver ay nakasubsob na ito sa manibela ng sasakyan at may nakatarak din na pampatulog sa kanyang leeg tulad ng aking bantay.

Bago ko pa malaman ang mga sumunod na pangyayari, may tila maliit na suntok akong naramdaman sa aking balikat. Mabilis na nagdilim ang aking paligid at nawalan na ako ng malay.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C45
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン