アプリをダウンロード
91.3% Salamin [BL] / Chapter 42: Salamin - Chapter 42

章 42: Salamin - Chapter 42

"Barkada ko. Gimik daw kami mamaya." ang bahagi ko naman kay Alice bakas sa aking mukha ang matinding pagkasabik. Kating kati na paa kong umuwi upang maghanda dahil sa tapos na rin naman ang aming klase.

"Are your sure these guys have a good influence on you, Jasper? Lately, you've been more into bars and drinking than making friends with books." ang nag-aalalang puna niya sa akin. Naging malungkot ang kanyang mga titig sa mga naglalaro. Natauhan ako saglit sa kanyang sinabi ngunit pillit ko itong itinanggi sa aking sarili.

"H-ha? Hindi ah. Dati sabi mo di ba maganda yung ganito? Nagagawa ko na ngayon. Tsaka, hindi naman madalas ah." ang depensa ko pa sa kanya.

"Every weekend and at least once during weekdays, Jasper? I don't know. Nalulungkot lang ako sa pagbabago mo. Hindi na ikaw yung dating Jasper na nakilala ko dito sa school. Bahay-school at school-bahay lang ang routine." ang dagdag niya. Hinawakan ko siya sa balikat ngunit iginalaw lang niya ito upang itaboy ang aking kamay.

"I can tell, Jasper. I can tell. Nalulungkot lang ako. Lalo na yung inaarte mo, tulad na lang dun sa restaurant last week, medyo maliit lang yung naiserve sa iyo at hindi lang nila nakuha yung presentation na nasa menu nila para sa order mo halos ipatanggal mo na lahat ng crew sa kusina nung restaurant." ang pahabol niya. Tinamaan nanaman ako sa sinabi ni Alice. Hindi na ako nakasagot. Saglit na katahimikan ang nanaig sa aming dalawa. Tumingin sa akin si Alice, sinusuri ang aking mukha.

"Nothing against Hudson and your friends. I really like them because them made you shine. I can see that you are really happy being with them and they gave you that confidence I was hoping to see in you before for who you are. But my point exactly is, the people you meet sa mga lugar na pinupuntahan niyo." pambasag niya ng katahimikan habang nakaktitig sa akin ang mga seryoso niyang mata.

"A-ano naman yung tungkol sa kanila?" ang kabado kong tanong sa kanya. Patay malisya. Alam kong mali na ang ginagawa ko kung pag-uusapan namin ang tungkol sa aking mga nakakatagpo.

"I don't need to tell you, Jasper. That look tells me everything that what I think of them and you was correct." ang sabi niya sabay balik ng kanyang tingin sa mga naglalaro.

"Go now, you need to be somewhere else later. Makikipag-ayos pa ako sa boyfriend ko and we need to have a moment for just the two of us. The old Jasper that I know is no longer here anyways." ang pahabol niya para paalisin na ako.

Hindi na ako sumagot at padabog na lang na bumangon sa aking upuan at umalis ng paaralan. Paglabas ng school ay pumunta ako sa parkinglot kung saan naghihintay ang aking driver and bantay na pinasusunod sa aking lagi ni Don Amante.

Kontrolado na talaga ang buhay ko. Kinagabihan ay nakipagtagpo ako sa aking mga kaibigan. Sa likurang upuan ng kotse, pinanonood ko ang aming nadaraanan. Sa kalye ng Orosa-Nakpil sa labas ng Chelu, isa sa mga bar na naroon na dating kinatitirikan ng Red Banana, sa di kalayuan ay naabutan ko silang naghihintay sa mga mesa sa bandang labas.

"Sir Jasper, kahit ano pong gusto ninyong gawin huwag niyo lang po kami takasan. Hintayin na lang po namin kayo dito." ang sabi ng aking bantay matapos makahanap ng mapagpaparkehan sa gilid ng kalye ng aming sasakyan.

Madalas kasi noon ay tinatakasan ko sila tuwing gumigimik ako tuwing may nakikilala akong paraos init lamang. Nagcocommute ako pauwi at pati sila ay napapagalitan ni Don Amante dahil sa aking ginagawa.

"Hindi na mauulit iyon.Basta kung may makasama ako mamayahuwag na lang kayo maingay kay tito." ang mataray kong sagot sa kanya at naghanda na akong buksan ang pintuan ng kotse kahit hindi pa tapos magpark ang amind driver.

Nagmamadali akong lumabas nang makakuha ng tiyempo. Halos tumakbo na rin ako sa pagmamadali upang tunguhin sii Hudson kasama ang kanyang nobyong si Daniel at ang kinse pa sa iba naming mga kaibigan.

Malaki ang aming barkadahan kung tutuusin kaya lang hindi lahat nakakasama lagi sa mga gimikan. Sa dami namin ay nakakaagaw kami ng pansin sa aming mga pinupuntahan. Karamihan kasi sa kanila sa mga kaibigan namin, na nakilala ko na rin dahil kay Hudson, ay may mga itsura at katawan. Ang iba naman ay lubhang masayahin at palakaibigan at talagang nakatutuwa kasama.

"Jasper! Lagi ka na lang busy, lagi ka na lang hindi sumasama sa amin." ang bati sa akin ni Hudson habang siya'y nakatitig sa akin at ako nama'y naglalakad palapit mula sa di kalayuan.

Nangmakalapit ako ay agad kong niyakap at nakipagbeso isa-isa kina Daniel, Raf, Carly, OJ, Randolf, Brye, at ang magjowang si Lee at Toby habang sinasagot siya ng "Galing pa ako sa school eh. Dami rin projects. Alam mo na. Hindi ka na nasanay sa akin." habang tumatawa.

Tulad ng lagi naming kinagawian, pag dumating na lahat ng sasama sa gimik sa aming magkakaibigan ay sasabay-sabay kaming pumapasok ng bar upang makipagkwentuhan, inuman, sayawan, at upang makakilala ng mga bagong mukha kung papalarin.

Lumipas agad ang tatlong oras at alas onse kami doon pumasok. Habang ako'y nasa counter at naghihintay ng aking inumin sa bar tender at nginitian ako ng lalaking aking katabi mula sa malaking salamin na nagmistulang background ng counter ng bar. Mestiso at chinito siya, out-of-bed and isyilo ng kanyang nakawax na buhok tulad ng sa akin. May katangusan ang kanyang ilong kahit may lahi siyang instik. Bagama't mainit sa loob ng bar dahil sa hindi na kinakaya ng aircon ang dami ng taong nagsisiksikan, lubos pa rin siyang fresh sa kanyang kinalalagyan. Mula sa kanyang kinauupuan base sa kanyang tikas, tantya kong mas matangkad siya sa akin.

"Hi!" ang basa ko sa kanyang mga labi mula sa likod ng kanyang anino sa salamin habang nakatitig sa akin. Nakakatunaw ang kanyang malambing na pagngiti.

Bago ko siya lingunin ay inabutan muna ako ng bar tender ng isang bote ng Tanduay Ice. Ika-kinseng bote ko na yata iyon. Malakas na kasi ako uminom.

Habang paharap na ako sa lalaki ay agad kong isinubo sa aking labi ang dulo ng aking hawak na bote at lumagok ng kaunti. Ngumiti muna ako sa kanya na abot tenga at sinabing "Hello." at tumalikod upang lumakad na pabalik kina Hudson ngunit agad niyang inabot ang aking kamay upang ako'y pigilan. Napalingon agad ako sa kanyang ginawa. Sa bay sa aking paglingon pabalik sa kanya ay siya namang lapit ng kanyang mukha sa aking tenga matapos niyang bumangon ng mabilis mula sa kanyang kinauupuan at nagsabi ng "I'm July."

Napangiti agad ako at pinagmasdan ang kanyang mukha habang inaabot niya ang aking kamay upang makipagkamay.

"I-I'm Jasper. Nice to meet you. S-sige, babalik na ako sa mga kasama ko, baka hinahanap na ako eh." ang nahihiya kong sagot na pasigaw malapit sa kanyang tenga dahil sa lakas ng tugtog sa lugar.

Sa likuran ko kung saan nagsisiksikan ang mga parokyanong sumasayaw ay hirap na nakiraan patungo sa aking tabi si Hudson at Dan ng hindi ko namamalayan.

"Jasper!" ang pabulagang tawag sa akin ni Hudson kasabay ng pagtapik ng kanyang kamay sa aking kanang balikat. Madalas itong gawin ni Hudson sa akin dahil likas sa akin ang pagiging magulatin. Napatingin si July sa kanila. Matapos kong tignan si Hudson at pabalik kay July,"Guys this is July... and July, this is Hudson and his boyfriend Dan." ang pakilala ko sa kanila.

"July, I'm sorry I have to go but it was really nice meeting you." ang paalam ko sa kanya sabay tulak kay Hudson pabalik kung saan sila galing.

"Sandali lang. Kukuha kami ng Red Horse." ang bulong sa akin ni Hudson. Napatingin ako kay Dan at itinaas niya ang kanyang kamay upang ipakita sa akin ang dalawang ticket stub na kanilang dala.

"Sige, mauna na ako pabalik kila OJ." ang sabi ko at aktong lalakad na ako paalis ngunit nakahawak pa rin pala sa aking kamay si July. Sa pagkakataong ito ay medyo humigpit ang kanyang kapit kaya't napatingin ako sa kanya. Naabutan ko ang pilyo niyang titig sa akin na binalikan ko naman ng isang pilit na ngiti.

Tumungo si Dan sa counter at kumuha ng inumin nila ni Hudson. Si Hudson ay naiwan sa aking tabi at tulad ng inaasahan, may ibigsabihin ang mga titig niya sa akin. Sabay turo ng mga ito sa walang kaalam-alam na si July na pag-uusapan na pala namin siya.

"Di ba ganyan yung mga tipo mo? Go!" ang bulong niyang panunukso sa akin. Napatingin ako sa kay July ay napunang nag-uusap na pala sila ni Dan.

Ibinalik ko muli ang aking atensiyon kay Hudson. Mayroong pagkadismaya ng kaunti sa aking mukha.

"Physically, yes but I don't think so." ang bulong ko kay Hudson. Umasta lang ang kanyang mukha na nagsasabing "Come on! Give me a break!"

"Kelan ka ba huling nagkaboyfriend? As in kelan? Hindi mo pa sa akin nakukuwento ang tungkol sa iyo sa bagay na iyan. Ang tagal na natin magkaibigan." ang sabi niya.

"Isang beses pa lang at matagal na yun."

"Huwag ka kasing introvert." ang sagot niyang natatawa.

"Hindi ako introvert no. Busy lang ako sa school at alam mo namang lagi kong kabuntot si Alice, yung pamangkin ko." ang depensa ko sa kanya.

"Seryoso, isa pa lang nagiging boyfriend mo? Di ba sabi mo sa akin dati you only have sex with guys kung boyfriend mo sila? Bakit parang recently kung sino-sino na lang? Don't you want to love someone?" ang tanong niyang may halong pag-aalala na.

"I did love twice and I even tried fixing a hopeless relationship with my first boyfriend pa. I fell in love with another guy but I won't tell you the details na lang kasi it's a little complicated. Masyado lang akong nasaktan kaya ayoko na. Besides, it's all about having sex naman di ba? You can have it naman without even loving the guy who'll penetrate you." ang pabiro kong sagot sa kanya. Habang umiinom ng alak na halos maubos ko na pala. Nararamdaman ko na ang pagkahilo at umiinit na ang aking dibdib, pisngi at hininga sa mga oras na iyon.

"Lasing ka na , Jasper. English mode ka na. Do you still remember the feeling of making love with a guy na mahal mo?" ang natatawa niyang sagot matapos niyang mapansin na bumibigat na ang aking mga mata. Tinamaan ako sa tanong ni Hudson. Hindi ko na maalala ang sarap na kasama mo sa kama ang taong mahal mo. Bumaba ang tingin ko sa aking sarili dahil niong huli ay binaboy ko na pala ang aking pagkatao. Hindi masama ang dala sa akin ng barkada. Ako mismo ang nagpapasama ng mga nangyayari sa aking sarili. Matapos kong umibig at masawi ng lubha ay nawala na rin ang sa akin ang pakiramdam na magustuhan kong mahalin ang isang lalaki. "May ganoon ba? Iba ba pakiramdam noon? Sorry, matagal na kasi. Hindi ko na alam kung ano pakiramdam nun." naging seryoso mukha ni Hudson bigla at tinawag si Dan upang lumapit na sa kanyang tabi.

"July, come with us. Don't let go of Jasper's hand for me, okay?" ang pilyong sinabi ni Hudson kay July. Agad naman si July tumayo sa kanyang upuan.

Sa bandang gitna na ng bar kung saan ay marami ang sumasayaw habang kami ay naglalakad patungo sa dako ng bar kung saan naroon ang iba naming kasama ay pinigilan ako ni July. Napalingon ako sa kanya at pinagmasdan ang kanyang nakikiusap na mga tingin sa ilalim ng namamatay sinding ilaw sa loob ng bar na asul, dilaw, pula, at puti. Inilapit niya sa kanyang mukha ang hawak niyang kamay ko at mariin itong hinalikan.

"Go ate!" ang wika na nangaling sa aking kaliwa. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Brye na nagsasayaw lang sa aking gilid at nagkikiskisan na ang aming mga balikat dahil sa sikip. Ngumiti lang ako sa hiya at yumuko.

Ibinaba ni July ang aking kamay at ibinalot niya ang kanyang mga bisig sa aking tagiliran. Inilapit niya ako sa kanya't nagdikit ang aming mga harapan. Sumayaw kami ng malumanay na parang nasa prominade lang. 'All The Lovers' ni 'Kylie Minogue' na remix ang tugtugin sa mga oras na iyon.

Sa ganoong setting. Hindi ko napigilang tumawa habang tinititigan siya at sinabing, "JS Prom? Romantic ka pala." at natawa lang di siya sa akin. Lalo niyang inilapit ang aking katawan sa kanya ng mariin na parang niyayakap lang.

Ipinatong ko ang aking noo sa kanyang dibdib. Bigla kong naalala si Simon.

"Ganito kaya si Simon kung naging kami? Ganito kaya niya ako isasayaw?" ang tanong ko sa aking sarili nang lumabas ang matagal ko nang tinatagong nananig na pagmamahal pa rin kay Simon. Hindi na ako nakaabante pa dahil sa kanya sa dahilang hindi ko malaman. Mahirap pala kung ang puso mo na ang nagdidikta. Kahit ang puso kong ito mismo ang dating nakatingin lang kay Rodel na nagbigay muli sa akin ng dahilan upang makipagbalikan sa kanya. Kahit itong pusong ito mismo ang biglang umibig kay Simon habang kami ni Rodel dahil wala siya sa aking tabi.

Matapos ng tugtog ay sinundan naman ng 'If We Ever Meet Again'. Nalungkot akong muli dahil sa mga oras na iyon ay si Simon nanaman ang nananaig sa buo kong pagkatao. Nagsusumigaw na sana'y makita ko man lang siya muli.

Hinawakan bigla ni July ang aking baba at itinaas ang aking mukha paharap sa kanya. Sabay haplos nito sa aking pisngi.

"Umiiyak ka?" ang nagtataka niyang sinabi sa akin sabay aninag at salat niya sa kanyang kamay na nabasa ng aking luha .

"Hindi no. Yung sa contact lens ko lang. Mausok kasi kaya sumasakit na at baka natutuyo na. Kailangan ko lumuha wala akong dropper." ang palusot ko sabay ipinadaan ko ang aking braso sa aking mga mata upang tuyuin. habang tumatawa ng pilit.

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at ng dumikit ang ilong ko habang nakadikit ang kaliwang bahagi ng aking mukha sa kanyang dibdib ay naamoy ko na kaparehas ng pabango niya ang paborito ni Simon.

Napapikit ako ay niyakap si July ng mahigpit habang inaalala si Simon na nakayakap sa akin habang kami ay nakahiga sa kanyang kama. Sa mga oras na matutulog na kami at naiwan pa rin sa kanya ang kanyang suot na pabago.

Walang kaalam-alam si July, akala niya siguro ay gusto ko siya dahil sa mga naipapakita kong galaw ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay ibang tao ang aking inaalala habang kasama ko siya.

"Punta na tayo sa mga kasama ko. Baka hinahanap na nila tayo doon." ang yaya ko sa kanya.

Nakipagsiksikan kami papunta sa dako ng bar kung saan naroon ang iba naming kasama ngunit pagdating namin doon ay napag-isipan na rin ng iba naming kasama ang lumabas ng Chelu dahil sa lubhang mainit at mausok na sa loob.

Sa labas...

"Grabe init! Nakakastress!" ang alma ni Carly habang naglalakad kasabay si OJ palayo sa entrance ng bar at nauuna sa amin nila Hudson, Dan, at July. Lumingon si Carly sa amin at napunang wala na ang iba naming kasama.

"Nasaan na sila?" ang tanong niya. Nagtinginan kaming apat nila Hudson at sumagot si Dan sa kanya.

"Nagutom daw sila, nandoon yata sa Silya." ang wika niya sabay labas ng kanyang panyo at pinunasan si Hudson ng pawis sa mukha. Nagulantang na lang din ako nang biglang may dumampi na panyo sa aking kaliwang pisngi. Agad akong napatingin sa aking kaliwa at nakitang si July ay pinupunasan na rin pala ako ng pawis. Nginitian lang niya ako ng matamis habang pinagmamasdan ko siya sa kanyang ginagawa.

"Ang sweet niyo teh! Sino siya?" ang tanong ni Carly sa amin. Pinapanood pala niya kaming dalawa ni July.

"S-si July, Carly." ang pakilala kong nahihiya.

"I'm Carly, and this is my boyfriend OJ. Nice to meet you, July." ang bati niya't pakilala sa kanila.

"Una na kami, maaga pa pasok ko bukas." ang paalam ni OJ sa amin habang nagpapaypay ng kamay sa mukha upang magpalamig. Tumango lang kaming lahat sa kanila at nagpaalam bago sila umalis patungo sa dako kung saan ni OJ naipark ang kanyang kotseng si Ruby.

Habang sinusundan ko pa rin sila Carly at OJ ng tingin sa kalayuan ay binulungan ako ni July.

"Single ka ba?" sa makarisma niyang tono. Napahagikgik ako sa kiliting dala ng kanyang ginawa.

"Obvious ba, July? Nandito ba ako ngayon kausap mo kung di ako single?" ang sakrastiko ngunit pabiro kong sagot sa kanya. Napangiti naman siya sa akin at dahil sa aking sagot ay nagawa na niya akong halikan sa labi.

"Jasper, una na kami ni Dan." ang paalam bigla sa amin ni Hudson. Nilingon ko sila at nakita ko ang abot tengang pilyong ngiti ng magjowa na kanina pa pala nanonood sa amin. Napailing lang akong naka ngiti sa kanila sabay kumaway ng matipid gamit lamang ang aking mga daliri bilang paalam.

"Tara, I have a place sa Makati. I want to cook breakfast for you. Let's stay there for a while. Mamayang hapon ka na lang umuwi. Doon ka muna magstay." ang bulong sa akin ni July na nagdulot ng kakaibang kiliti sa aking kaliwang tenga.

"I'm not sure. Masyado yatang mabilis ang lahat. Is being single really necessary for this to happen? Come on, ano ba talaga gusto mo? Jowa o syota? Fubu or bubu?" ang natatawa ko sa kanyang sagot habang hinahagod ko pataas ang aking buhok na bumagsak na dahil sa pawis at kaninang pakikipagsiksikan sa loob ng bar kanina. Tumawa si July ng malakas.

"Hahaha... Ang kulit! Anong 'bubu'?" ang tanong niya habang nakangiti at nangigigil na nakatingin sa akin.

"Wala... rhyme kasi. Wala akong maisip at may tama na ako." ang natatawa kong sagot sa kanya.

"Wawa naman ikaw. Tara, dun muna tayo sa place ko." ang malambing ngunit may panunuyo niyang sabi sa akin.

"Hindi niya ako sinagot. Fubu ang hanap nito." ang bulong ko sa aking isipan habang nakangiti sa kanya at tumatango. Alam kong makilaro sa mga tulad niya dahil nakarami na rin ako at natuto na sa ganitong larangan ng tirahan.

"Hintay tayo ng taxi sa tapat ng PNB. Ako na bahala sa pasahe." ang dagdag niya. Tumaas ang isa kong kilay sa kanyang sinabi.

"Thank you. Galante ka pala but I know where this is headed. I have my own car. Let's go there. Sabihin mo na lang sa driver ko kung paano pumunta sa place mo." ang may kayabangan kong sagot sa kanya.

Tumungo kami ni July sa aking kotse. Siya na nagsabi sa driver ng aming dadaanan. Sa byahe ay di kami nag-uusap ng aking tsuper at bantay. Alam nilang biktima ako ng aking biktima sa kama. Kailangan nilang makisakay sa aking gusto para hindi ako tumakas.

Tahimik si July, marahil kinakabahan dahil sa dalawa naming kasama ngunit habang kami ay patungo sa kanyang lugar ay nakahawak siya sa aking kamay habang kaming dalawa lang ang nakaupo sa likuran. Hindi naman makalingon ang aking bantay na nakaupo sa tabi ng driver.

May kapilyuhan din si July. Ipinatong niya ang aking kamay sa kanyang alaga at naramdaman kong unti-unti itong nagagalit sa likod ng aking kamay habang nilalaro niya ng kanyang daliri sa kaliwa niyang kamay ang aking palad. Ang kanang braso naman niya ay nakaakbay sa akin habang ang ulo ko ay nakapatong sa kanyang kanang balikat.

Palabas lang ang lahat ng ito bilang paghahanda sa talagang motibo nila. Pare-pareho sila ng pinapakita at magkakalimutan na lang matapos nilang makuha ang gusto nila, ang magparaos o panandaliang relasyon hanggang sa sila ay magsawa. Hindi ko alam kung bakit ngunit handa na akong makipaglaro sa mga tulad nila dumating man ang anumang pagkakataong magkaroon ako.

Alam ko, binaba ko na ang aking sarili. Wala na akong pagpapahalaga mula ng mawala ang taong nagpapahalaga sa akin na akin ring pinahahalagahan. Marahil, takot lang din siguro ang aking puso na umibig dahil humahantong din sa pagkakataong ako na ang lumalayo at biglaan na lang hindi nagpaparamdam kung umaabot na ng isang buwan ang pagsasama namin ng nakikilala ko. Hindi ko sila sineseryoso dahil alam kong maliit lang ang pagkakataong seseryosohin din nila ako. Self defense marahil o talagang lumamig na ang aking puso para buksan ang mga mata nito upang umibig pang muli. Dahil na rin siguro sa si Simon pa rin ang sinisigaw ng aking damdamin at wala pa akong nakikilalang hihigit sa kanya.

"Mahal na yata kita, Jasper." ang bulong sa akin ni July. Labas lang ito sa kabila kong tenga at nginitian si July habang kinakausap ko ang aking sarili.

"Pare-pareho lang kayo. Makukuha mo naman ang gusto mo eh. Hindi mo na kailangan ng masyadong effort. Tama na ang drama. Nakakasawa na." ang sabi ko sa aking isipan habang pinagmamasdan si July na kakaiba na ang titig sa akin. Nangungusap at umaasa sa isang bagay na hindi ko malaman. Kakaiba ang kanyang titig sa lahat ng aking mga nakilala.

"Sana, matutunan mo rin na magustuhan mo lang ako. Sana, matutunan mo rin akong mahalin. Gustong gusto kita, Jasper. Parang masarap kang mahalin. Tingin ko, madali kang mahalin dahil ngayon pa lang ikaw na ang tinitibok ng puso ko." ang dagdag ni July.

"Lokohin mo lelang mo. Hindi man verbatim ang pagkakasabi mo pero ganyan din ang..." ang sagot ko sa kanya sa akin isipan. Natigilan ako dahil sa gawa ni Simon lahat ipinakita sa akin ang mga sinabi ni July. Kahit si Andrew pa yun. Mas matindi ang gawa ni Simon kaysa sa mga salita ni July.

Idiniin ko ang aking sarili sa kanya. Unti-unting pinaaalala ni July sa akin ang marahil ay nabaliw nang si Simon. Wala na akong balita sa kanila kahit sa mag-asawa. Hindi na rin nila sinasagot ang aking emails, text messages, o tawag sa phone o Facetime. Napabili talaga ako ng iPhone at iPad para makausap kahit si Mrs. Tiongco man lang. Lagi akong online sa mga device ko ngunit sila naman itong hindi.

Nakarating kami sa condo ni July sa Makati, naghintay sa akin ang driver at bantay ko sa parking sa basement ng building.

Simple lang ang condo ni July. Pagpasok mo ay kita mo na agad ang lahat. May kaluwagan din ito kahit papaano. Modern na minimalist ang dating ng pagkakaayos ng lahat sa loob.

Sa kaliwa, nakahanger lang lahat ng karamihan sa kanyang damit na nakalagay sa isang sulok ng kanyang unit at katabi nito ang isang maliit na kabinet na gawa sa kahoy. May study table at din at may nakalagay roon na desktop computer. Sa gitna ay may king size na kama na kulay itim at may anim na unan na ang punda ay terno sa kulay ng kama. Sa kanan, ay may nakapartition na bahagi, marahil ito ang kanyang palikuran. Katapat naman nito ang kanyang kusina at mukhang mamahalin ang mga kagamitan nito. Ang dining area niya ay ang mismong counter na itim may apat na tall chair, malapit sa gas range na nasa gitna ng kanyang kusina.

Matingkad ng kaunti sa kulay mocha ang carpet sa buong lugar ni July maliban sa dining area niya o kusina. Kulay puti ang pintura ng buong silid at isang malaking bintana lang ang naroon sa mismong pader malapit na malapit sa kama ni July.

"Pag pasensiyahan mo na ang lugar ko ha?" ang nahihiya niyang sinabi sa akin habang pinagmamasdan ko ang buong ligid.

"Ano ka ba? I like it."

"Talaga?" ang masaya niyang sagot sabay buhat sa akin na parang bata. Naglakad siya patungo sa kama at doon ako hiniga. Natatawa ako sa kanyang ginawa ngunit may naalala akong bigla.

"Diyan ka lang ha? Ipagluluto muna kita. Magugustuhan mo ipeprepare ko para sa ating dalawa. Nag-aral ako sa pagluluto sa Benilde." sabay ngiti niya. Nakayuko siya sa akin habang ako'y kanyang kinakausap.

"I'm too tired to even bite. Can we rest first?" ang sagot ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot maliban sa pagtawa lang. Hinubad niya ang aking suot na sapatos at medyas at nang matapos ay tinulungan niya akong hubarin ang aking suot na shirt at maong at underwear na lang ang naiwan. Ibinaba lang niya ang aking damit sa ibaba ng kama. Ganon mag-alaga si Simon.

Nang mahubaran na niya ako ay siya naman ang naghubad hanggang maiwan na lang ang kanyang boxers bago humiga sa kaliwang bahagi ng kama. Doon ko napansin na pareho rin sila ng tangkad ni Simon bukod sa pareho ang hubog ng kanilang katawan. Pati kutis ay magkatulad sila. Lalo na ng siya'y tumalikod sa akin habang siya'y nagbibihis, si Simon ang aking nakita.

Inabot ko agad ang bulsa ng aking maong at kinuha ang container ng contact lens ko upang itabi muna ang mga ito. Mabuti na rin na hindi ko makita ang lahat dahil may kumukurot na sa aking dibdib.

Nakahilata siya sa aking tabi habang inuunanan niya ang kanyang mga kamay. Nakatitig siya sa kisame at halata sa kanyang mukha na malalim ang kanyang iniisip.

"Hindi ba natin papatayin ang ilaw?" ang natatawa kong tanong sa kanya.

"Ah... sorry." ang sagot niya matapos maudlot siya sa kanyang iniisip. Tumagilid siya paharap sa akin. Inayos niya ako ng higa upang magunan sa kanyang kanang braso at magdikit ang aming katawan. Sa isa niyang bisig ay niyakap niya ako ng mahigpit habang nakatalikod ako sa kanya. Hinalikan niya ang aking bunbunan.

Ipinikit ko ang aking mga mata habang nasa ganoon kaming lagay. Parang nilalaslas ang aking dibdib sa mga sandaling iyon.

"I love you, bunso." ang bulong niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang sinabi. Mabilis na namuo at agad na tumulo ang luha sa kaliwa kong mata na gumapang hanggang sa braso ni July.

"Umiiyak ka?" ang tanong niya nang maramdaman niya ang pagtulo ng aking luha sa kanya.

"Hindi. Napagod lang mata ko sa contact lens ko. Medyo masakit na rin kasi kanina hindi ko lang matanggal kasi halos bulag talaga ako kung wala nun." ang palusot ko.

"Ah... ganun ba? Kawawa naman pala bunso ko." ang malambing niyang sagot sa akin sabay yakap ng mahigpit.

"B-bakit mo ko tinatawag na 'bunso'?" ang tanong ko sa kanya.

"Mas matanda ako sa iyo di ba? At mahal na kita kaya 'bunso' kita." ang malambing pa rin niyang sagot sa akin na sinabayan pa ng kanyang muling paghalik sa aking bunbunan. Gusto ko na siya pigilan sa kanyang ginagawa ngunit isang bahagi ng aking damdamin ay gustong gusto ito. Isang bahagi ng aking pagkataong nangungulila sa pagmamahal na ipinakita ng isang taong wala sa kanyang sarili.

Gumanti na lang ako sa kanyang yakap sa pagdiin ng aking likod sa kanyang harapan. Kahit nagsisimula na magalit ang kanyang alaga ay di ko ito alintana dahil mas matindi ang dala sa akin ng aking damdamin sa mga sandaling iyon.

Patuloy na ang aking pagluha habang katahimikan ang nananaig sa aming dalawa. Batid kong pansin na ni July ang pagkakabasa ng kanyang braso at bahagi ng unan at kama na nabasa na ng aking luha. Dama na rin niya ang aking paghikbi.

Pilit na sinasabi ng aking utak na hindi si Simon ang aking kasama pero naaalala ko talaga siya at hindi ko siya maalis sa aking isipan.

Gumapang ang isang kamay ni July pataas sa kanyang mukha at gumapang ito pababa papasok sa loob ng aking brief sa bandang likuran. Nilaro niya ng basa niyang daliri ang ligid ng aking lagusan. Hinayaan ko lang siya sa kanyang gustong gawin. Wala na akong pakialam sa mangyayari basta ang sa akin lang ay si Simon na ang naghahari sa aking puso at isipan.

"First time mo ba dito?" ang tanong ni July tukoy niya ang gusto niyang pusisyon ko sa kama. Umiling lang ako sa kanya kaya lalo siyang nagpatuloy sa kanyang ginagawa ngunit sa pagkakataong ito ay medyo wala nang pagpipigil sa kanyang binabalak.

"Pwede bare back?" ang tanong niya at tumango lang ako. Inayos niya ako ng higa pahilata bago siya pumatong sa aking ibabaw matapos akong bumukaka.

Nilaro muna niya ng dila ang aking lagusan. May kiliti man ito at nagsimula na uminit ang aking katawan ngunit hindi naman ito matalo ang nagdarama kong puso.

"Gusto mo ng lubricant?" ang tanong niya matapos lumipas ang ilang sandali ng mapaungol ako sa huli niyang ginawa.

"I-ikaw ang bahala." ang hinihingal kong sagot sa kanya.

"B-bakit ka umiiyak?" ang tanong niya ng mapansin niya ang patuloy ko pa ring pagluha.

"Masakit na mata ko talaga pero okay lang ito mawawala din ito maya-maya." ang sagot ko sabay bitiw ng isang pilit na ngiti sa kanya. Hindi ko makita ang kanyang mukha at kung ano ang naging reaksyon niya. Ngunit dahil iminulat ko muli ang aking mata upang tignan siya ay perpektong perpekto ang hubog niya bilang si Simon sa aking paningin. Lalong tumindi ang sakit sa aking damdamin.

Sa buong sadali na ginagamit ni July ang aking katawan, hindi maalis sa aking isipan si Simon. Para akong dummy na nakahilata at nakabukaka habang sarap na sarap naman si July sa kanyang ginagawa. Patuloy lang ang pagpatak ng aking mga luha. Dahil sa nalulong na si July sa kanyang nilalasap na kasarapan ay hindi na niya nalaman ang kaibahan sa aking pag-iyak at pag-inda sa magkahalong kirot at kiliti sa bawat labas-masok niya sa aking looban.

"Masakit ba?"

"Hindi! Sige lang! Idiin mo pa!!" ang mapagpanggap kong sagot sa kanya.

Nakaraos na si July. Ibinagsak niya ang kanyang bigat sa aking harapan habang nananatiling kumikislot sa aking looban ang kanya. Isinuksok niya ang kanyang braso sa likuran ng aking balikat at ang isang kamay naman niya ay hinaplos ang aking mukha. Hinalikan niya ako ng mariin at dama kong totoo ang kanyang sinasabi na gusto niya ako. Maaaring totoo rin na minahal na nga niya ako. Sa lahat ng nakahalikan ko sa ganitong laro ay sa kanya ko lang naramdaman muli ang isang halik na matamis at may pagmamahal.

Nagulat ako dahil punong puno ng ibigsabihin ang kanyang halik. "Mali na ito. Mali na ito. Hindi niya ako dapat mahalin." ang wika ko sa aking isipan habang gumaganti ng halik kay July.

Napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Napahagulgol na ako ng sobra. Hindi siya nagsalita at hinayaan lang niya ako sa aking ginagawa habang punong puno na ng katanungan ang kanyang isipan.

Nang makalipas ang ilang saglit at ako'y tumigil na. Bumangon na siya at binuhat ako mula sa kama. Dinala niya ako sa palikuran at doon ay naligo kami ng sabay. Sinabunan niya ang buo kong katawan na parang batang musmos na pinaliliguan habang ako naman ay patuloy pa rin sa pag-iyak ng nakaharap sa kanya.

"Jasper, bakit ka umiiyak?" ang nag-aalala na niyang tanong sa akin.

"Kung sasabihin ko sa iyo hindi mo rin mauunawaan. Pero nagpapasalamat ako na nakilala kita, July. Salamat sa iyo dahil unti-unti kong naaalala ang dahilan sa maraming bagay sa aking buhay." ang malalim kong sinagot sa kanya. Niyakap lang niya ako ng mahigpit. Kahit patuloy ang pagbuhos ng tubig mula sa shower sa aming dalawa ay hindi nito mapukaw ang matinding init pa rin na inilalabas ng aming magdikit na mga balat.

"Move on. Move on. I'm here for you, Jasper. Alam ko masyado itong mabilis pero do you believe in love at first sight?" ang malambing niyang sagot sa akin.

"I did already! I want to love again but I don't know how to. I don't know myself anymore after all that I've been through! I'm sorry kung hindi ako naniniwala na sinasabi mong mahal mo ako. I'm sorry din dahil hindi kita matutunang suklian ng pagmamahal na ibibigay mo sa akin." ang sagot ko sa kanya.

"I'll teach you how to. I'll help you to. In time you'll learn how to love me na rin." ang sagot niya.

"If you're a different person you could but so far from what I've seen I'll love you because I see him in you." ang halos isigaw ko nang sagot sa kanya na sinasabayan ng paghagulgol. Nanatili lang na kalmante si July.

"You should open your eyes to me but first you should forget him."

"Paano? Paano ko nga siya kakalimutan kung sa bawat galaw at sinasabi mo ngayon pa lang ay siya mismo ang nakikita ko sa iyo? 'Bunso' din ang tawag lambing niya sa akin. Gusto mo bang mahalin kita na siya ang iniisip ng puso ko? Ayoko noon. Ayaw kitang saktan dahil alam ko kung gaano iyon kasakit." ang sagot ko. Hindi na siya sumagot at binanlawan na lang niya ang aming mga katawan.

Nang makapagtuyo na ng mga sarili ay inalalayan niya akong suutin ang aking contact lens. Sinabi ko kasi sa kanya na hindi na ako magtatagal at kailangan ko na umalis. Palusot ko ay ang kanina pang naghihintay kong driver at bantay na marahil ay gusto nang matulog ng maayos o kumain ng tama dahil buong araw na silang nakabuntot sa akin.

Ako na nagbihis ng aking sarili habang pinanonood ako ni July. Tahimik siya at nang siya'y aking lingunin ay nakikita ko sa kanyang mga matang mapupungay ang pagsusumamo at siya ay umaasa.

"Kung tatalikuran kita ay makakatulong na rin sa akin na talikuran si Simon. Sayang ka kung totoo man ang intensiyon mo na mahalin ako. Wala pa ako sa tamang lagay para mapasaiyo. Balang araw siguro, hindi ko rin masasabi. Kung handa na ako, sasagutin kita." ang sabi ko sa aking sarili habang nakapako ang aking mga titig sa kanya.

Nginitian ko siya at agad naman nagnignging ang pag-asa sa kanyang mga mata.

"Pwede, magdate muna tayo? Date lang. Gusto kitang pagbigyan at tulungan ang aking sarili. Malay mo, matutunan din kitang mahalin." ang sabi ko sa kanya. Nagdulot naman ito sa kanya ng kaligayahan hanggang sa umabot sa tenga ang kanyang ngiti.

Biglang tumunog ang aking telepono. Napansin kong alas siyete na pala ng umaga. Hindi ko napansin ang oras dahil sa nakasaradong blinds sa bintana ng sa condo ni July.

Tumatawag si Hudson. Pagtataka naman ang bumakas sa mukha ni July bago ko sagutin ang tumatawag sa akin.

"Don't worry. I'm not seeing anyone else. Si Hudson ang tumatawag." ang sabi ko agad kay July. Agad naman itong naginhawaan ng maliwanagan. Akala niya siguro ay may iba akong mga kinakatagpo ngayon.

"Gel! Ano na? Kamusta na? Nakalilan kayo?" ang masiglang bati niya sa akin. 'Gel' ang tawagan kasi namin noon na nauso dahil sa isa naming kaibigang babae na si Qhellay. Ang salitang 'girl' na hinaluan ng tagalog na accent. Natawa naman ako agad kay Hudson.

"Baliw! Isa lang no?... ahahhahaha... pauwi na ako ngayon. Baka mamatay na yung driver at bantay ko sa basement buong araw na nakasunod sa akin mga yun kahapon pa from school baka namamaho na mga yun."

"Hala. hindi ka kumukuha ng reliever nila?"

"Tito ko may gusto na kumuha ng driver at bodyguard hindi ako. Siya ang tanungin mo."

"Eh kasi naman. Bakit naman kasi ang strict ng tito mo sa iyo. Buti pa si Alice, malaya."

"Ewan ko ba sa kanya, gel. Mas babae pa talaga treatment niya sa akin." ang sagot ko sabay tawa ng malakas. Tinititigan ko lang si July habang kausap ko si Hudson at si July naman ay natatawa na sa reaksyon ko habang nagsasalita sa telepono.

"Parang magkaharap lang kayo ngayon ah." ang hirit ni July sabay higa patagilid sa kanyang kama at nagbalot ng sarili ng kumot.

"So, kayo na?" ang tanong ni Hudson.

"Hindi pa no. Magpapaligaw ako. Date muna kami."

"Taray! Maria Clara!" ang hirit ni Hudson.

"Sira, Maria Clara talaga ako bago mo pa ako makilala." ang natatawa kong sagot sa kanya. Humalakhak din si July sa pagkakarinig ng aking sinabi. Bumangon siya sa kanyang kama. Wala siyang saplot kaya't una kong natignan sa kanya ang nakalaylay niyang alaga. Nang ilipat ko ang aking tingin sa kanyang mukha ay nakita ko na may pilyo na siyang ngiti. Nahuli niya kung saan nakatingin ang aking mga mata. Nilapitan niya akong nakabukas ang kanyang mga bisig na pasalubong sa aking upang ako'y yakapin.

"Malambing ba siya?" ang tanong ni Hudson habang nakatitig ako kay July matapos niya akong balutin ng kanyang mahigpit na yakap.

"Oo. Actually, oo." ang hirap kong sagot sa kanya dahil sa higpit ng yakap ni July sa akin.

"Kasama mo pa rin ba siya ngayon?" ang tanong ni Hudson. Nadikit ang bahagi ng aking pisngi sa aking telepono at naactivate ang loud speaker nito kaya't dinig ni July ang lahat ng kanyang nasabi. Tumawa si July ng malakas.

"Ayan. Narinig ka niya. Nakayakap siya ngayon sa akin."

"Hala." ang nasabi ni Hudson sabay tawa ng malakas sa kabilang linya.

"Wow ang sweet niya ha." ang dagdag ni Hudson at sinagot naman siya agad ni July sa nagmamalaki niyang tono na, "Talaga."

"Pakipot ka pa kasi, Jasper. Gora na." ang tukso ni Hudson sa akin.

"Kung alam mo lang Hudson. Kung alam mo lang." ang sagot ko habang tinitignan si July sa mga mata ng seryoso dahil alam niya ang aking ibigsabihin.

"O siya, siya. Breakfast muna kami ni Dan sa bahay niya then uwi na kami sa bahay ko." ang paalam ni Hudson.

Nang matapos ang aming usapan ay katahimikan ang nanaig sa amin ni July habang hindi nababago ang aming lagay. Parehong umaasa at nagbabakasakali sa.

Nagpaalam ako sa kanya at umuwi na ng bahay. Nakalimutan kong ibigay sa kanya ang aking numero at naalala ko na lang ito ng makapasok ng Ayala Alabang ang aking sasakyan.

"Alam ko naman kung san siya nakatira." ang sabi ko sa aking sarili na parang balewala lang ang lahat.

Papasok na ako sa mansyon. Sa sala ay nasalubong ko si Don Amante sa sala nakaupo sa mahabang sofa kasama ang kanyang mga alalay. Ang kasama pa niya ay hindi ko inaasahan na pumunta doon. Ipinagbawal ako ni Don Amante noon kaya't naguluhan lang talaga ako nang makita ko siya.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C42
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン