アプリをダウンロード
33.33% My Brave Pilot Beauty / Chapter 8: Chapter 7

章 8: Chapter 7

Marami ng mga estudyante ang nakakakita sa kanila pero ni hindi ito nahiya, may mga teacher na din na pinapatayo si Kristuff pero wala talagang nakapagpatayo kay Kristuff, sobrang nainis si Jack, sinipa niya ito uli ngunit ni hindi man lang ito natinag sa ginawa niya,

"Ba't ba lahat na lang na gusto akong maging Girlfriend ay pagluluhod ang laging panakot sa akin? wala na bang ibang alam ang mga lalaking ito, kundi lumuhod na lang ng lumuhod tanong niya sa sarili,"

May tatlong lalaking dumaan nakilala niya ang mga ito, mga kaibigan at kaklase ni Kristuff ,

"Kris "sabi ng isa sa mga ito " maraming babae dyan huwag mo na siyang pilitin mapapagod ka lang."

"Kris okey lang yang ginagawa mo sa ganda ba naman ni Jack kahit ako ganyan din

ang gagawin ko sabi naman ng isa pang kasama ng mga ito"

"Magsitigil nga kayo sabi ni Jack, Kristuff tumayo ka na nga dyan , payag na ako sa gusto mo,"

Pagka rinig sa sinabi ni Jack ay biglang tumayo si Kristuff sabay akbay sa kanya, tuwang tuwa ito.

"Guys narinig nyo, sigaw nito Girlfriend ko na si Jack Yeheeeey!!!! pinigilan ito ni Jack,

"Anuba , Kristuff ang corny mo, sabi ni Jack dito "

"Okey lang " honey " , basta ngayon mahal kita at mahal mo rin ako di ba?"

Kasabay na naman si Jack sa Deans Lister ng Delano Air International Aviation Academy, kaya may natangap na namang certificate si Jack. Hinihintay ni Kristuff si Jack sa labas ng gate ihahatid niya ito sa kung saan ito nagtatrabaho nakita na niya palabas na si Jack may kausap na kaklase yata, na lalaki kumunot ang noo ni Kristuff sa nakita parang kursunada nito si Jack, at nagselos siya dito.

"Jack sino ba siya?" tanong nito sa kanya, "

"Kaklase ko siya si Aldren Manzano,  Aldren  this is my boyfriend ,habang ang kamay ni Jack ay nakapatong sa balikat nito,

"Bakit Kris may problema ba?" tanong niya dito wala naman , huwag ka ngang ganyan Kris",wala ka bang tiwala sa akin?" tanong niya dito,"

"May tiwala ako sayo Jack , ang hindi ako nagtitiwala ay sa mga nagkakagusto sayo, parang lagi akong masisingitan , halos lahat ng mga estudyanteng lalaki dito sa school ay may gusto sayo", sabi nga ng isa kong kaklase ikaw daw ang "campus queen "ng Delano Air International Aviation Academy, "yung isa ko ring kaklase ay "crush ng bayan "ka daw , "nakaka insecure  Jack para bang napaka rami kong kaagaw sayo"

"Hayaan mo lang sila Kris basta ang isipin mo lang ay ikaw ang mahal ko wala ng iba, hindi kita ipagpapalit kahit kanino, ewan ko na lang sayo kung ako ay kaya mong ipagpalit sa iba," pero Kris pag ginawa mo yan, kahit "once" lang wala akong patawad, makiki pag break ako sayo promise,"

"Basta nakita kitang nakikipag landian sa mga babae, iiwan kita at hindi na ako babalik pa,"n

"Ano ba yan sobra ka naman, wala na bang second chance?" tanong ni Kris kay Jack,  

"Wala nang second chance, pagsisiguro niya dito ,

"Aba may balak ka yatang mambabae talaga ano?" Kris sinasabi ko sayo, patay ka sa akin pag nagkataon. "Hindi mo na ako makikita kahit kaylan"

Naka graduate na si Kristuff at unang alis niya para maging piloto, Ito ang byahe na siya na ang piloto ng eroplano, gusto sana niyang pasamahin si Jack pero tumangi ito dahil may trabaho nga ito,

Naging matagumpay ang unang biyahe ni Kristuff proud na proud ang mama nito, kaya gusto niyang I treat sa labas ang anak, niyaya siya ni Kristuff sa food chain kung saan nagtatrabaho si Jack, ipinakilala ni Kristuff si Jack sa mama niya , naging magiliw naman ang pakikitungo ng ginang kay Jack, masasabing nagustuhan nito si Jack, "anak kaya pala niluhuran mo ang batang ito dahil wala talagang katulad ang taglay niyang ganda",

"Gusto ko siya para sa iyo anak", talaga ma?"tanong nito sa ina, aba oo naman, " papuntahin mo siya sa bahay minsan anak, para makilala ko siya ng husto", sabi ng mama niya.

Pero bago nangyari iyon ay may nangyaring masama, nakita ni Jack si Kristuff sa canteen may kausap na babae sweet na sweet ang dalawa, nagalit si Jack ng husto kay Kristuff, nahirapang humingi ng tawad kay Jack si Kristuff kahit na ano ang gawin niya ay wala na siyang magawa nawalan na siya ng pag -asa na mapatawad pa ni Jack, lagi na siya nitong pinagtataguan, pero hindi talaga niya kayang mawala si Jack ikamamatay niya, kaya pinuntahan niya ito sa boarding house nito, ngunit wala pa doon si Jack pero nagtyaga siyang hintayin ito.

Dumating si Jack bandang alas onse na ng gabi, hatid ito ng isang magarang kotse, pagbaba niya ay nakita niya agad si Kristuff,

"Jack sino yong kasama mo?" tanong nito sa kanya, "mahalaga pa ba yon sayo ? wala na tayo di ba?" singhal ni Jack kay Kristuff ",mag pakasaya ka na lang dun sa babae mo para wala na tayong problema lahat na tayo ay sasaya,"

"Mag simula tayo uli yong parang hindi tayo magka kilala", at ng lahat ay magbago na, di ba nga sabi ko sayo wala ng second chance,"

"Jack please lang maawa ka sa akin hihinto ang mundo ko pag nawala ka sa akin,"pag mamakaawa ni Kristuff kay Jack, "

"Hindi ko na problema yon, sabi ni Jack dito "pwede ba Kristuff tantanan mo na ako, sabi niya dito," "talaga bang nananahimik ka na? Ano yong naghatid sayo pinatatahimik ka ba niya?" "sino yon? tanong nito kay Jack,

Boss ko siya "bakit may problema ba?" balik tanong ni Jack dito",

"Ikaw ang issue dito Kristuff hindi ako, kaya pwede ba umalis ka na pagod na pagod na ako gusto ko ng magpahinga may klase pa ako bukas,"

kinabukasan ay inabangan siya ni Kristuff sa labas ng gate lasing ito, hinawakan siya nito sa kamay akmang aalis siya pero lalong diniin nito ang pag kakahawak sa kanya kaya, nag makaawa na siya dito nasasaktan na kasi siya parang nasugatan na nga siya may tumulo na kasing dugo mula sa kamay niya umiyak siya dahil sa sakit nang makita siya nitong umiiyak ay saka  lang siya nito binitiwan pero hindi siya nito tinantanan sinundan siya nito hangang sa boarding house niya pagpasok niya sa loob ay nauna pa itong pumasok sa kanya "umalis ka dito Kristuff naiirita ako sayo," kailangan kong magtrabaho pag hindi ay magugutom ako aalis na ako papasok na ako isasara ko na itong pinto kaya umalis ka na,"

"Hindi,hindi ka na magtatrabaho mag resign ka na doon, liligawan ka lang ng boss mo at hindi ako papayag" sabi nito sa kanya, "anong kalokohan yan Kristuff, wala kang karapatan na pag bawalan ako dahil kailangan kong kumita magugutom ako kung hindi ako magtatrabaho,"

"Eh di umuwi ka na lang sa bahay hindi ka magugutom doon", sabi sa kanya ni Kristuff ,"

"Ikaw Kristuff na memeste ka na ha! napipikon na ako sayo, kapag hindi ka pa umalis bukas na bukas din aalis ako dito sa Cebu hindi mo na ako makikita kahit kaylan",banta niya dito,"

Walang nagawa si Kristuff kaya umalis na lang siya mas lalong hindi niya kakayanin kung mawala na ito ng tuluyan, naglasing ng naglasing si Kristuff,

Hindi na ito makausap ng matino ng mama niya,isang umaga bagong gising si Kristuff, kinausap siya ng kanyang mama,

" Anak  bakit ka ba nagkaka ganyan sabi ng teacher mo ilang byahe na daw ang tinangihan mo, malamang na hindi ka makasama sa pag take ng exam pag ipinagpatuloy mo yan , si Jack ba ang dahilan anak?"

Nang marinig ni Kristuff ang pangalan ni Jack ay ,umiyak ito ng walang tigil parang madudurog ang puso ng kayang mama,

"Anak kung ganyan ang lagi mong gagawin baka lalong magalit sayo si Jack, malay mo baka sinusubukan ka lang niya, tapos ngayon baka ma frustrate pa siya sayo baka lalo siyang magalit sayo,"

Dahil sa sinabi ng kanyang mama ay pumasok na siya sa school kinabukasan, bago siya umakyat sa classroom nila ay nadaanan niya ang classroom nina Jack, sumilip siya nakita niya si Jack gustong gusto na niyang yakapin Ito miss na miss na niya ito pero nagpigil lang siya kaya dumeretso na lang siya sa classroom nila at kinahapunan ay may biyahe siya pag ganung may nagbibyahe ay

Marami ang nanonood na mga estudyante sa runway para makita kung sino ang aalis nayakag si Jack ng ka klase niya na manood sa aalis na estudyante hindi alam ni Jack na si Kristuff ang aalis, maraming girls ang kumakaway kay Kristuff nagsigawan pa ang mga ito ng "I Love You Kristuff " napasimangot si Jack gustong gusto naman ng lokong ito na masabihan ng "I Love You," ng paakyat na Ito ng plane ay nasulyapan nito si Jack sa crowd, bumalik ito at pinuntahan niya ito,"

"Honey gusto mong sumama? ngumiti lang si Jack sa kanya pero tumangi ito,"

"May pasok pa ako tangi ni Jack dito, sa susunod na lang sabi uli ni Jack,"

"Okey," sabay kiss sa pisngi ni Jack, masaya na si Kristuff na aalis,

"Uy! girl kilala mo pala siya sabi ng ka klase niya sa kanya,"

"hindi ko siya kilala,"

"bakit tinawag ka niyang honey at nag kiss pa siya sa pisngi mo,  pero alam mo ba na sila ang may ari ng ng school na ito.

"Anu?" totoo ba yan?"

"Oo naman bakit naman ako magsisinungaling sayo,"

Nagkukunwari lang sana siya na magiliw kay Kristuff kanina kasi kung hindi ay baka ma distract Ito sa biyahe nito.

Pero dahil sa nalaman niya na pag aari ng pamilya nito ang paaralan na pinapasukan niya

nagdesisyon siya na makipag usap kay Kristuff kaya kinabukasan ng puntahan siya ni Kristuff ay kinausap niya ito,

"Bakit naglihim ka sa akin Kristuff?

"Ano na naman ba yan? tanong ni Kristuff kay Jack,"

"Naiirita ako sayo wag ka nang magpapakita sa akin  kayo pala ang may ari ng school na ito, Baki hindi mo sinabi sa akin?" tanong dito ni Jack,

"Wala namang halaga yon Jack ,"sabi nito,

"Sa akin mahalaga yun Kristuff kasi kung kayo nga ang may ari nito, hindi sana dapat na nagkakilala tayo,"

"Kaya mula ngayon hindi na tayo magka kilala, dyan ka na, sabi ni Jack at saka tumakbo paalis,

Hinabol siya ni Kristuff pero hindi na siya nito nakita kasi nagtago na siya sa gilid ng isang bahay na kanyang nadaanan. Kinabukasan pag pasok niya ng school ay may pinagkaka gulohan, isang lalaki nasa rooftop ,

"Tatalon yata sabi ng isang babae,"

Tumingala siya parang si Kristuff "sabi niya sa isip" may nag salita sa likuran niya

Si Kristuff Gonzales yan,

Pagka rinig sa sinabi ng babae ay biglang kinabahan si Jack.

"Ano na naman kayang drama ng taong yon ngayon, "sa isip niya"

maya - maya ay dumating ang mama nito at nakita nito si Jack, nilapitan nito ang dalaga.

"Iha please lang pakalmahin mo si Kristuff. Alam ko na ikaw lang ang pakikingan niyan,"

"Huminahon po kayo, sabi niya dito, teka lang po,"

Lumayo siya sa karamihan ng tao, at tumingala sabay sigaw ,

"Honey anong ginagawa mo diyan? tanong niya dito halika na bumaba ka rito,"

"Tatalon ako dito kung hindi mo ako patatawarin,"

"Okey! pinatatawad na kita, dyan ka lang hintayin mo ako, aakyat ako,"

Sabi ni Jack dali dali siyang sumakay sa elevator at pinindot ang floor ng pa rooftop, narating niya ang rooftop, nakaupo lang sa Isang tabi si Kristuff, pagka kita nito sa kanya ay bigla siya nitong niyakap, nabasa ang balikat niya sa mga luha nito,

"Honey wag ka nang magagalit sa akin ha! Hindi naman kita niloloko, sabi nito,

"Eh sino yung babaeng kausap mo sa canteen nung isang araw? , akala mo hindi kita nakita?"

Nasa baba na sila habang nag- uusap nilapitan sila ni Mrs. Gonzales ang mama ni Kristuff.

"Umuwi na muna tayo Kristuff, sumama ka na rin muna sa amin Jack, may pag- uusapan tayo, sabi nito kay Jack,"

"May klase pa po ako, sabi niya sa mama ni Kristuff,"

"Ipag papaalam kita sa teacher mo tatawagan ko siya pagdating natin sa bahay. Jack napag alaman ko na nag bo board ka pala, kung gusto mo pwede ka namang dito na lang tumira habang nag- aaral ka pa makatitipid ka sa pagbayad ng boarding house mo,"

"Nakakahiya naman po yon, "okey lang po ako sa boarding house" sanay na po ako doon sabi ni Jack,"

"Balak ko kasing kunan ng tutor itong kapatid ni Kristuff, "ikaw na lang ang mag tutor sa kanya Jack" Bibigyan kita ng sahod kahit magkano,"

"Hindi naman po pera ang issue, kasi po may trabaho naman ako, sabi ni Jack dito,"

"Pero Jack gusto lang kitang tulungan para na lang sa pagliligtas mo kay Kristuff,"

"Huwag nyo pong alalahanin yon okey lang po ako sa boarding house sanay na po ako doon"

Nasa gitna sila ng pag- uusap ng dumating ang papa ni Kristuff ,

"Ikaw na bata ka ba't mo nagawa yon" nakakahiya sa board, Alam mo sa meeting namin kanina ikaw lang ang pinag usapan ng lahat nung una daw ay iniyakan mo ang babae pangalawa ay niluhuran mo, ngayon naman ay tatalon ka sa building, para lang mapatawad ka sa ginawa mong kasalanan?"

"Ayan!,  ngayon gagawa ka ng kasalanan tapos tatalon ka sa building?  Kung ako sa babaeng yon hindi kita patatawarin sabi ng papa ni Kristuff,"

"Pa tama na nakakahiya may bisita po tayo, O,"

Itinuro ni Kristuff sa papa niya si Jack,

"Ay sorry iha, hindi kasi ako naka pagpigil sa anak kong Ito siguro kinarma na yan, marami na kasing babae ang pinaiyak niyan, buti nga sa kanya aba'y sobra ang tiwala sa kagwapohan niya, kaya ayan magpapakamatay ng dahil lang sa babae, kailangan kong maka usap ang babaeng yan para mabigyan ko ng tip ng malagot na ang batang ito,"

"Papa siya ang babaeng yon sabi ni Mrs.Gonzales sa kanyang asawa."

"Anu? ikaw ba yon iha? kaya naman pala aba'y ang ganda nga ng batang ito ah! iha patawarin mo na ang anak ko, dahil sa susunod ako na ang bahala sa kanya,"

"Pinatawad ko na po siya pero sa susunod po lagot na yan sa akin,"sabi pa ni Jack,

"Saan ka ba nag aaral iha? tanong sa kanya ni Mr. Gonzales,"

"Sa Delano Air po sagot niya,"

"Siguro doon mo nakilala ang anak ko ano?"

"Opo doon nga po,"

"Aba magandang Love Story yan sa Delano Air, sabi ng papa ni Kristuff ,"

"Sir sige po uuwi na po ako sabi ni Jack,"

Akmang paalis si Jack ay biglang pinigilan ito ni Kristuff,

"Jack di ba sabi ni mama dito ka na muna?"

"Pag iisipan ko na muna yan, sabi ni Jack, sige po paalam niya sa mag asawa,"

"Teka Jack ipahahatid na lang kita sa driver namin, sabi sa kanya ni Mr.Gonzales,"

"Sasama ako sa paghatid sayo Jack,

"Sige sabi niya dito."

Pagdating niya sa boarding house ay hindi na bumaba si Kristuff para daw maka pagpahinga na siya.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C8
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン