Core Skill: Golden Crane Goddess!
Mula sa likod ni Wong Ming ay lumitaw ang isang dambuhalang nilalang na ginintuang kulay ngunit parang usok lamang ito.
Pinagtawanan pa si Wong Ming dahil sa nasabing skill niya lalo pa't kung titingnang maigi ay mukhang talo siya.
Kasabay ng paglaban ng dambuhalang nilalang ay kitang-kita ang paglakas at rahas na daloy ng hangin sa malawak na field na ito.
Nainis naman si Night King nang malaman ang taktikang ito ng kalaban nitong si Little Devil.
Ngunit napangiti siya lalo pa't hindi kagaya ng core skill niyang ito ay napaka-pipitsugi ng lebel ng core skill ni Little Devil.
Ngunit maya-maya lamang ay...
*Crack! *Crack! *Crack! *
Kitang-kita kung paano'ng gumuhit ang mga cracks sa may baluting nilalang.
Kasabay nito ay bigla na lamang sumabog ng napakalakas ang dambuhalang sword knight.
BANG! BANG! BANG!
Tumalsik si Night King sa hindi kalayuan at kitang-kita kung paanong nanlaki ang mga mata nitong nakatingin kay Little Devil.
Sino ba namang hindi magugulat kung ang tingin nilang pipitsuging skill ni Little Devil ay may taglay din palang lakas.
Masyado siyang naging kumpiyansa sa kaniyang sariling kakayahan at minaliit nito ang kakayahan ng kasalukuyan niyang kalabang si Little Devil.
Mula sa ere ay gumalaw ang kamay ng dambuhalang nilalang patungo kay Night King.
ARRRGGHHHH!!!
Kitang-kita kung paanong malakas na humiyaw si Night King mula sa pagkakahawak ng dambuhalang kamay sa buong katawan nito.
Little Devil Wins!
Kitang-kita ng lahat kung paanong naghabol ng hininga si Night King matapos ang nasabing sagupaan.
...
Mula sa hindi kalayuan ay nasaksihan ng mismong ng Flaming Sun Faction Master ang buong kaganapan sa laban.
(Note: Pinalitan na ang Guild Master sa katawagan bilang Faction Master dahil isa ng ganap na Faction ang dating Flaming Sun Guild.)
Nagulat siya sa kaniyang nasaksihan. Ang dating walang karea-reaksyong mukha nito ay kakikitaan ng takot at labis na pangamba na hindi mawari ng tatlong Vice Masters ng Flaming Sun Faction.
Alam ng Faction Vice Masters na hindi nagsisinungaling ang reaksyong pinapakita ng Faction Master.
Alam nilang may mali sa naging laban o anomalyang hindi nila matukoy.
"Mayroon bang problema, Faction Master?!" Giit ng isang Faction Vice Master. Nakasuot ito ng Jade Mask na may disenyo ng isang White Tiger.
Takang-taka na nakatingin ang dalawa pang Faction Vice Masters sa kanilang Faction Master.
"Sino ang nilalang na iyan?! Sino ang Little Devil na iyan?!" Tila naguguluhang tanong ng Faction Master habang kakikitaan ng takot ang boses nito.
"Isa lamang ordinaryong disipulo ang Little Devil na iyan Faction Master."
"Ordinaryo?! Nagpapatawa ba kayo? Hindi niyo ba alam na pamilyar sa akin ang skill na iyan. Kung di ako nagkakamali ay isang Secret Core Skill ang ginamit nito!"
Tila nanlaki naman ang mga mata ng nasabing mga Faction Vice Masters sa kanilang narinig.
Secret Core Skill? Katumbas ng Secret Core Skill ang Family Core Skill at tanging ang pamilya lamang ng nasabing gumawa ng skill na ito ang makakagamit ng mga pambihirang skills.
Mula sa katamtaman hanggang sa pinakamalakas na skill ang maaaring laman ng Secret Core Skill.
Bawat Secret Core Skill ay tago at lihim na tinuturo at malalakas ang mga skills na ito di hanak kumpara sa core skill na tinuturo ng guild nila.
"Sigurado po ba kayo Faction Master? Hindi ba't isang rare skill iyon kung maituturing?" Sambit ng isang Faction Vice Master habang may nakaukit na isang uri ng pagong ang Jade Mask nito.
"Hindi natin maaaring kwestiyunin ang sinasabi ng Faction Master. Ang tangi lamang dapat nating alamin ay ang katauhan ng Little Devil na iyan at kung saan nito nakuha ang Secret Core Skill nito na lubhang napakalakas!" Seryosong turan ng isa pang Faction Vice Master habang kakikitaan ng tiwala sa sinasabi ng Faction Master nila. Suot-suot nito ang isang Jade Mask na may simbolo ng isang ibon.
...
Naglalakad sa kasalukuyan si Wong Ming hababg nakasunod ito sa likod ni Punong Maestro Duyi.
Pinatawag siya rito dahil daw sa hindi niya malamang dahilan. Maraming mga bagay-bagay ang tumatakbo sa isipan niya.
Ngayon lamang siya pinatawag ng personal ng mismong pamunuan ng Flaming Sun Faction at personal daw siyang pinapatawag ng Flaming Sun Faction Master.
Halos mangamatis ang pagmumukha niya dahil sa labis na hiya.
Usap-usapan pa rin kasi ang pagkapanalo niya laban sa mas di hamak na mataas na lebel ni Night King. Iyon ang naiisip niya na dahilan kung bakit siya pinatawag.
Masyado lamang siya nadala sa laban at hindi niya gusto ang ganitong kalaking senaryo.
Bakas sa mukha ng ibang mga disipulo ang pagka-inggit at mga negatibong mga bagay na maaaring makasira sa relasyon niya sa mga ito.
Ang iba ay parang umaakto pa ring normal kahit na alam nilang may nangyaring kakaiba sa laban kahapon.
Buti na lamang at napanatag ang loob ni Wong Ming dahil hindi niya napuruhan ang kalaban niyang si Night King.
Hindi naman sila magkaaway talaga.
TAK! TAK! TAK!
Rinig na rinig ni Wong Ming ang bawat paghakbang niya maging ni Punong Maestro Duyi.
Lumitaw ang isang bagay sa harapan nila at di siya nagkakamali na ito ang magdadala sa kanila patungo sa luar kung saan sila tutungo.
Naunang sumakay si Punong Maestro Duyi at sumunod na rin si Wong Ming sa huli.
Habang nasa loob sila ng parisukat na bagay na ito ay di mapigilan ni Wong Ming na magtanong. Gulong-gulo siya kung bakit siya pinatawag.
"Ano po ang problema Punong Maestro Duyi? May nagawa po ba aking kasalanan sa Flaming Sun Faction!?!"
"Iyan ang hindi ko masasagot Little Devil. Ayokong pangunahan ang maaaring sabihin o layunin ni Faction Master Zhiqiang upang ipatawag ka." Seryosong sagot na lamang ni Punong Maestro Duyi habang makikitang may alam na rin ito. Malamang, ito ay dahil personal siyang inatasan ng Faction Master nila na si Zhiqiang.
Creekk...!
Bumukas ang parisukat na bagay at nagulat si Wong Ming nang mapadpad sila sa isang malawak na lupain. Ngayon niya lang ito napansin at pakiramdam ni Wong Ming ay nawalan siya ng lakas na humakbang.
Base sa napansin niya, ito ang islang tinitirhan ng Flaming Sun Faction Master at ng tatlong Faction Vice Masters.
Halos malula si Wong Ming sa kakaibang islang ito. Maganda, malinis at luntian ang nasabing lugar na ito.
Halos mahiya si Wong Ming sa existence niya rito. Walang preparasyon o kung ano pa man. Nahiya siya bigla. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano pa man lalo na ng negatibo pero mukhang bigo siya.
Naisip niyang baka patatalsikin na siya rito. Iyon ang worst-case scenario na naiisip niya. Gulong-gulo na talaga siya at di niya maiwasan na mangamba.