...
Kasalukuyang naririto pa rin sa Cultivation Area ang batang si Li Xiaolong. Tag-ani kasi ngayon sa kabilang mga bukirin na kapwa kaibigan rito ng kaniyang itay at inay. Tumutulong pa rin palagi ang batang si Li Xiaolong sa kanilang bukirin ngunit hindi siya pinapayagan ng kaniyang inang si Li Wenren at ng itay niyang si Li Qide na pumunta o dumayo sa iba pang bukirin upang tumulong sapagkat palaging sinasabi sa kaniya ng kaniyang mga magulang na:
"Wag mong aksayahin ang oras mo Xiao² sa pagbubukid dahil baka makaapekto iyan sa pagcucultivate mo.
"Hay nakong bata ka, ang tigas ng ulo mo. Isa ka ng Xiantian Realm Expert ngunit hindi naman nangangahulugan nun na titigil ka na sa pagcucultivate."
"Anak, magcultivate ka lang diyan ha..."
O di kaya ay kapag mapilit talaga siya ay ganito ang sinasabi ng kaniyang sariling mga magulang:
"Wag ng matigas ang ulo mo Xiao², ang pangarap naming lumakas ka ang numero uno naming pangarap sa iyo."
"Anak magcultivate ka lang diyan ng magcultivate. Bata ka pa okay, kaya na namin ito."
"Wag ka ng magpumilit anak, madali lang naman ang pangangani eh tsaka isa pa ay sayang ang oras mo kung ilalaan mo iyan sa pagcucultivate mo ay siguradong lalakas ka pa."
Dahil sa halos palagi niyang naririnig ito ay hindi maipagkakailang kahit nakapikit pa siya ay halos saulado o memoryado niya na ang mga pangungusap na binibitawan ng kaniyang sariling mga magulang na sina Li Wenren at Li Qide.
Wala ng nagawa ang batang si Li Xiaolong kundi ang ilaan ang kaniyang sarili sa pagcucultivate. Eh sa masunurin siya sa kaniyang mga magulang. Hindi kasi siya yung tipong aaksayahin lamang ang kaniyang sariling oras ngayon sa pagliliwaliw o palilipasin lamang ang oras sa walang kabuluhang bagay. Sayang naman iyon diba o isang kasayangan iyon sa magulang niya dahil mahalaga ang oras nila lalo na niya dahil bata pa niya, sa oras na madagdagan ang edad o lumipas ang panahon ay maaaring magdecline ang kaniyang sariling katawan kung hindi niya iga-grab ang oportunidad na ito.
Ngunit mabilis na nagliwanag ang mukha ng batang si Li Xiaolong nang may naisip itong ibang bagay lalong-lalo na ang patungkol sa pangyayari kani-kanina lamang.
"Matingnan ko nga ang kayumangging scroll sa loob ng aking noo na bigay ni itay baka sakaling may malaman akong kakaiba rito hehe..." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang may kasama pa itpng ngisi. Hindi niya aakalaing nakaligtaan niya ang bagay na ito. Total ay kanina pa siya cultivate ng cultivate at masasabi niyang sapat na muna iyon sa araw na iyon. Isang ardous practice iyon at hindi maaaring ubusin lamang ang oras sa buong araw para sa pagcucultivate kasi hindi naman iyon required. Kailangan ding paglaanan ng sinumang martial arts experts ang kanilang kabuuang lakas lalo na sa pisikal na pamamaraa maging ang kanilang mga kaniya-kaniyang Martial Arts Skills at Techniques ay dapat ding paglaanan ng panahon.
Sa totoong labanan ng mga martial arts experts ay balewala ang lahat kung mahina ang iyong sariling katawan sa pamamagitan ng fighting combat. Walang silbi ang iyong Cultivation Level kung usapin ay labanan sa pagitan ng mga eksperto. Kung mahina ka sa labanan ay siguradong magtatamo ka ng mga sugot-sugat sa katawan o kaya ay ang kamatayan.
Hindi na nag-aksaya pa ng maraming oras ang batang si Li Xiaolong nang mabilis nitong ipinikit ang kaniyang sariling mata upang magconcentrate.
POOOFFFFFFFF!!!!!
Matagumpay namang nagawa ito ng batang si Li Xiaolong at mabilis niyang nakita ang kaniyang sarili sa kakaibang lugar na walang iba kundi sa loob ng kaniyang consciousness.
Kakaibang lugar ito para sa batang si Li Xiaolong ngunit hindi na bago ang lugar na ito sa kaniya. Makailang- ulit na kasi siyang nakapunta rito at masasabi niyang hindi imposibleng hindi siya maninibago rito.
Isa na siyang ganap na Xiantian Realm Expert at ilang linggo lamang mula ngayon ay magiging ganap na siya o makakatapak na siya sa Middle Stage Xiantian Realm. Ang kaniyang sariling consciousness o kakaibang space na ito ay naaapektuhan rin at mas lalong lumalaki o lumalawak kapag nagkakaroon siya ng pag-angat sa Cultivation na mas kilala sa tawag na breakthrough.
Ang lugar na nasa masasabing consciousness niya ay siya lamang ang maaaring makapunta rito at walang maaaring manghimasok rito.
Napansin ng batang si Li Xiaolong ang isang aklat na nakabuklat na siyang napakapamilyar sa kaniya na walang iba kundi ang Asura Art of Divinity na siyang nakuha niya habang ang iba pang mga Cultivation Manuals ay lumilipad ito sa iba't ibang mga direksyon.
Napasimangot lamang ang batang si Li Xiaolong. Masasabi niyang marami talagang oras ang ginugol niya sa pagcucultivate kaysa sa pag-aral ng mga Cultivation Manuals na naririto ngunit alam niyang nasa tamang landas pa ron siya sa pagtahak sa daan ng Cultivation.
Ngunit agad na isinawalang-bahala lamang ito ng batang si Li Xiaolong ang mga ito dahil hindi naman ito ang dahilan sa pagpunta niya rito kundi ang layuning hanapin ang kayumangging scroll na naririto. Plano niyang pag-aralan ang nasabing scroll na ito lalo na sa kung paano niya maikukubli ang kaniyang sariling Cultivation Level na sa palagay niya at ng lahat ay imposibleng makamit ng nilalang na nasa edad niyang anim. Sino ba naman kasi ang maniniwala sa kaniynag sariling Cultivation hindi ba? Pero sa mata ng nagsasalitang quoll na si Fai ay parang wala lamang ito, parang normal lang.
Sigurado siyang mayroon pang monstrous genius sa mundong ito na nakita na o nasaksihan ng nagsasalitang quoll na si Fai kung kaya't ganon lamang ang reaksyon nito. Ano pa nga hindi ba. Masyadong maliit ang mundong ginagalawan ng batang si Li Xiaolong, it doesn't mean na hindi malawak ang mundong ito bagkus ay masyado pa siyang mahina upang maglakbay at magdiskubre ng mga lugar at bagay-bagay na hindi pa abot ng kaniyang sariling kakayahan.
Hindi mapigilang mapabuntong-hininga na lamang ang batang si Li Xiaolong.
Habang iniisip niya ang mga bagay na ito ay mabilis na hinahanap ng kaniyang sariling mata ang kinaroonan ng nasabing kulay kayumangging scroll.
Sa pagsuyod ng pares na mata ng batang si Li Xiaolong ay sa wakas ay nahagilap na niya ang nasabing scroll na hinahanap niya kani-kanina pa.
"Ayon lang pala. Pinahirapan mo pa ko." Sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang sarili lamang habang mabilis niyang nilapitan ang kinaroroonang lokasyon ng nasabing kulay kayumangging scroll na bigay sa kaniyang sariling amang si Li Qide.
...
Dedicated to Mark_Oliver_Niez
-thanks for rating✓