Nang masigurado na ng lalaking si Night Spider na nakaalis na nang maayos at tuluyan sina Li Xiaolong kasama ang dalagang si Li Jianxin ay mabilis na niyang tinungo ang Open Ground Stadium kung saan ay mabilis siyang nakapunta rito.
Wala na ang lahat ng mga estudyante maging ng kung sinuman ay wala na rin. Kanina pa kasi natapos ang nasabing Re-examination na Event ng Shangyang Academy.
Masasabi niyang siya lamang ang naririto sa mga oras na ito. Mabilis niya namang pinuntahan ang nasabing Giant Boulder.
Masasabi ng lalaking si Night Spider na halos walang pinagbago ito, maraming lumot-lumot pa rin ang nakakapit sa nasabing Giant Boulder.
Nang suriin niya ang nasabing bitak-bitak ng nasabing dambuhalang Boulder ay halos wala siyang napansing kakaiba. Sa pagsuri niya ng maigi ay halos maduling siya rito.
"Ang sabi ng batang si Li Xiaolong ay nasa bandang gilid daw pero bakit wala akong makita o mapansin man lang?! Hmmm..." Sambit ng lalaking si Night Spider. Tila ba hindi siya makapaniwala sa sinabi ng batang si Li Xiaolong ngunit sa paraan ng pagkakasabi nito ay lubhang seryoso at kailanman ay hindi nito nakita na ganoon iyon kaseryoso lalo na sa way ng pananalita nito at talagang sila lamang dalawa ang nag-uusap ng mga oras na iyon ay tiyak siyang hindi ito nagbibiro.
"Kung ganon ay mas matalas pa ang mata nito sa akin?! Nakakahiya naman ito. Nagmumukha akong talunan sa harap ng batang yun." Sambit ng lalaking si Night Spider sa kaniyang isipan lamang. Hindi niya alam kung matatawa siya o maiiyak.
Mas ipinukos ng lalaking si Night Spider ang kaniyang sarili sa bandang gilid kung saan mayroong mga linya ng mga cracks. Masasabi niyang naglalakihan nga ang mga linya ng cracks ngunit halos di niya man lang tinantanan ang pagtingin at pagsuri sa mga ito.
Naglakbay ng naglakbay ang mata ng lalaking si Night Spider at maya-maya pa ay makita niya ang isang unusual na linya. Akala niya ay cracks ito ngunit nang masuri niyang mabuti ay doon na kinutuban.
"Isang Beast Mark?! Marka ba ito ng isang halimaw?!" Sambit ng lalaking si Night Spider at mas nilapitan niya pa ito. Noong una ay akala niya ay napakaliit lamang na linya ito ngunit nang lakbayin niya ng pares ng mata nito ay doon niya nakitang sa medyo ilalim na bahagi ng Giant ay mayroong malaking marka ng isang halimaw.
Nang tingnan ng mabuti ng lalaking si Night Spider at suriin ng mabuti ang nasing Beast Mark ay nakaramdam siya ng agarang pagkahilo. Mabuti na lamang at mabilis niyang binawi ang kaniyang sarili mula sa pagkaka-immerse sa nasabing Beast Mark.
"Tunay itong isang kayamanan. Napakalakas ng Beast Mark na ito. Kung pag-aaralan ko pa ito ay maaaring makakuha ako ng ideya patungkol sa Beast intent at gamitin ito sa aking sariling Cultivation maging sa aking mga pag-atake!" Tila namamanghang sambit ng lalaking si Night Spider. Yung tipong naiisip pa lamang niya ito ay tila ba halos lumukso ang kaniyang sariling puso dahil sa labis na kagalakan. Hindi lamang kasi ito simpleng Beast Mark lamamg kundi mayroon itong profound beast intent. Ang dizziness o ang agarang pagkahilo ay isang senyales na masyadong mataas ang nasabing intent na naiwan sa bagay na ito. Kapag nalaman ito ng karamihan ay siguradong magkakagulo dito.
Hangga't maaari ay kailangan niyang maging maingat. Ang benefits na makukuha niya sa Beast Mark na ito ay talagang hindi mapapantayan ng anumang bagay. Hindi niya alam kung anong klaseng nilalang o halimaw ang nag-iwan ng markang ito pero ang masasabi niya lamang ay isa itong pambihirang nilalang at isang napakaekstraordinaryong regalo.
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng beast mark ay maaaring makopya o mainherit ng iyong sarili ang Beast intent at ang profound knowledge ng nasabing intent na nakapaloob sa beast mark na iniwan ng nasabing halimaw o nilalang.
"Hindi ko aakalaing ang pagtulong ko sa batang si Li Xiaolong ay siya palang magbibigay sakin ng napakalaking swerteng ito. Pahahalagahan ko ang oportunidad na ito. Para ipagkatiwala sa akin ang bagay na ito ay talaga namang ako ang mas nagbenepisyo kumpara sa kaniya. Balang araw ay magagantihan ko rin ang kabutihan mo batang Xiaolong at sana ay hindi ka sumuko sa iyong sariling maging malakas na Martial Artists sa hinaharap!" Tila may paghangang sambit ng lalaking si Night Spider sa batang si Li Xiaolong. Para sabihin sa kaniya ng walang pag-aalinlangan ang bagay na ito ay ngang isang nakakamanghang bagay para sa kaniya. Ipinapangako niyang hindi niya ito bibiguin.
...
Samantala...
Nakarating ng ligtas at maayos sina Li Jianxin at ang batang si Li Xiaolong sa Angkan ng Li. Maayos naman ang lagay nila lalo na ang batang si Li Xiaolong.
Nagpaumanhin naman ang dalagang si Li Jianxin sa mga magulang ng batang si Li Xiaolong na sina Aling Li Wenren at Mang Li Qide.
Nagpaalam na rin ang dalagang mauna dahil may gagawin pa ito.
Wala namang pagsisisi ang magulang ni Li Xiaolong. Nagkaroon pa rin ng malawak na pag-unawa ang mag-asawang ito sa naging resulta ng re-examination daw ng kanilang anak na si Li Xiaolong pero ganon pa rin ang nagjng resulta.
Kasalukuyang nasa burol ang batang si Li Xiaolong kung saan siya nagti-training. Nag-eensayo ito sa manipis na manual na bigay sa kaniya ng kaniyang sariling amang si Li Qide.
Gamit ang kaniyang sariling enerhiya ay mabilis niyang sinunod ang instructions na nasa manual kung saan ay padadaluyin mo ang iyong enerhiya para buksan ang iyong dantian.
Ang dantian ang siyang nagsisilbing sisidlan ng iyong enerhiya sa katawan kung saan ay dito ka kukuha ng lakas para ma-execute mo ang nasabing atakeng gusto mong isagawa nang sa ganon ay magkakaroon ka ng kakayahang protektahan ang sarili mo o kaya ay gumawa ng malalakas na atake.
Ngunit dahil di pa siya nag-uumpisa sa pagcucultivate ay kailangan niya munang palakasin ang sariling katawan. Ang pagpapalakas ng kaniyang katawan lalo na sa palakasan ay nangangailan ng ibayong training. Sisimulan niya na ang kaniyang Cultivation sa pamamagitan ng Body Transformation System na walang iba kundi ang Strength Training. Ang lakas nito ay maaaring maging ikumpara sa tatlong ordinaryong kabayo na malalakas.
Nang mag-umpisa ang batang si Li Xiaolong nang training ay tila ba napakagaan ng pakiramdam niya. Naghahanap siya ng enerhiya sa kapaligiran.
"Ano'ng klaseng training yang ginagawa mo bata, mukha kang tanga. Di pa nakabukas yang dantian tapos uupo ka lang diyan aist!" Sambit ng isang napakacute na tinig na animo'y pagalit itong sinasabihan ang batang si Li Xiaolong.
"Ano ba naman yan. Sino ka? Ano naman ang pakialam mo kung ganito ako magtraining. Umalis ka nga rito." Sambit ng batang si Li Xiaolong na makikitang nakapikit pa ito. Bakas ang inis sa mukha nito dahil sa kung sino mang nagsasalita sa paligid.
"Aba aba aba, pinapaalis mo ba ko?! Napakabasura naman ng manual na inaaral mo, mukha kang tanga diyan!" Sambit ng cute na tinig. Parang boses bata na ewan.
"Sabi ng tama na -------!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis itong nagmulat nang mata ngunit napatigil siya nang mapansing wala palang tao sa kaniyang harapan.
Agad namang nilinga-linga ng batang si Li Xiaolong ang kaniyang kapaligiran ngunit wala talaga. Nakaramdam ng ibayong takot ang batang si Li Xiaolong. Narinig niya kasi na ang hindi nakikita ang siyang mas delikado kumpara sa nakikita mong nilalang. Malay niya bang minumulto siya ng kung sino mang nilalang.