アプリをダウンロード
20.11% Supreme Asura / Chapter 145: Chapter 145

章 145: Chapter 145

...

Tila tumugma naman ang lahat ng iniisip at inaasahan ng batang lalaking si Li Xiaolong dahil kapwa nagkakaroon ng kakaibang kaisipang naiisip ang ibang mga martial arts experts sa mga pribadong silid na kinaroonan nila. Hindi namna lingid sa kaalaman niyang mag-aagawan ang mga ito sa nasabing item which is he really expected it. Kita niya kasi kung paano kumislap ang mata ng mga martial artists na naririto.

"Ano'ng akala ng mga gunggong na mga Elders na ito na makukuha nila ang pambihirang bagay na ito?! Hindi ako makakapayag. Hindi ko aakalaing besides sa nakuha kong mga items na naririto at ang pinakahinihintay kong items mamaya ay sigurado akong pambihira din ang bagay na ito na nasa Xiantian Realm item level hehe..." Nakangising demonyo naman ang misteryosong nilalang na nasa loob ng pribadong silid na may numerong dalawa (2). Hindi niya hahayaan ang tatlong mga istupidong Elders ng basurang angkan lamang sa mata niya ang makakamit ang ganitong klaseng items noh.

Sa isa pang silid na may numerong isa (1) ay masasabing kinaroroonan ni Prince Feng ay tila nagkaroon muli siya ng interes sa bagay na ito. Isa muling Xiantian Realm item level ang lumitaw na siyang ikinangisi nito. Alam niya kasing napakaganda ng ganitong klaseng Talisman.

"Mabuti ito, hindi ko aakalaing mayroon pang pangalawang talisman ang lumitaw sa Jade Auction House sa kasalukuyan. Ang dalawang item na ito ay talaga namang nakakamangha at complementary na maaari kong iregalo sa aking mga kapatid. Sigurado akong matutuwa iyon lalo pa't mahalaga sa kanila ang mga bagay na ito!" Nakangiting sambit ng binatang lalaking si Prince Yuán Feng habang sinasambit sa mahinang boses ang mga salitang ito ngunit makikita ang lungkot sa pares ng mga mata nito. Tila ba mayroon itong pinoproblemang na mas malalim pa.

Sa isa pang pribadong silid na may numerong lima (5) ay tila nagkaroon muli ng pagtatalo sa pagitan ng magandang dalagang si Yì Hua at nang matandang lalaking si Elder Yì Huizhong na kanina pa nag-uumpisa. matapos na lumabas muli ang pangalawang item ay masasabing tila napalunok na lamang ng kaniyang sariling laway ang matandang lalaking si Elder Yì Huizhong habang binubungangaan na naman siya ng magandang dalagang si Yì Hua. Hindi siya tinitigilan ng magandang dalagang si Yì Hua sa pagsasalita.

"Sinabi ko na sa'yo tiyo, kung pwede lang ay pwede mo namang kunin ang Xiantian Realm item level na iyan oh. Kakasabi mo lang kanina na hindi pang-opensa yung isa tapos ngayon ay pang-opensang item na talisman ito ay nagba-back out ka na naman sa sinasabi mo. Walang ganon Tiyo!" Tila nangangatyaw na sambit ng magandang dalagang si Yì Hua habang makikitang tila natutuwa ito sa ginagawa nito sa kaniyang matandang lalaking tiyuhin kani-kanina pa.

Tila namumula na sa kanina pang inis na nararamdaman ng matandang lalaking si Elder Yì Huizhong sa magandang pamangkin niyang dalagang si Yì Hua. Kanina pa siya binubungangaan nito. Napapatakip na lamang sa kaniyang pares ng tenga ang batang babaeng si Yì Liqiu na pamangkin rin niya dahil sa mainit na argumento o pagtatalo sa pagitan niya at ng magandang dalagang pamangkin niyang si Yì Hua.

"Ang kulit mo Hua'er, gusto mo bang mapahamak ako sa tatay mo? Naku namang bata ka o!" Tila napakamot na lamang sa kaniyang ulo ang matandang lalaking si Elder Yì Huizhong dahil sa makulit niyang pamangking si Yì Hua.

"Just this once uncle, pwede naman iyon diba. Try lang natin, malay natin hindi ba?!" Pangungumbinsing muli ng magandang dalagang si Yì Hua sa kaniyang tiyo na si Elder Yì Huizhong.

"Tigil-tigilan mo nga ako Yì Hua tsaka may pera ka naman hindi ba. Gamitin mo yun at wag ako dahil hindi mo ako magulang!" Nakangiting sambit ni Elder Yì Huizhong habang makikitang tila nagustuhan nito ang kaniyang naiisip.

Tila namula naman ang magandang dalagang si Yì Hua ng biglaan hindi dahil sa tuwa o na-flustered siya sa sinasabi sa kaniya ng kaniyang tiyuhin na si Elder Yì Huizhong kundi sa mas obvious na rason.

"Lakas mong mang-inis uncle. Alam mo namang ni isang pirasong tanso ay hindi ako nakakagamit ng sarili kong salapi. Ngayon tinatanong mo ko na gamitin ko ang sarili kong pera uncle?! *Thump! *Thump!" Tila inis na sambit ng magandang dalagang si Yì Hua habang makikitang nagpapadyak-padyak pa ito sa sahig na kinaroroonan niya. Alam niya na ngayong iniinis na talaga siya ng kaniyang sariling tiyuhin.

"Oh? Nainis ka na ba Hua'er. Kung ako sa'yo ay maging mabait kang bata ngayon dahil baka hindi ako makapagpigil ay mauuna ka doon sa karwaheng sinasakyan natin. Gusto mo sigurong makasama si Yì Chonglin hindi ba?!" Nakangiting sambit ni Elder Yì Huizhong habang nakatingin sa gawi ng magandang dalagang si Yì Hua na tila naiinis talaga ito dahil hindi siya nito nakumbinsi. Ang tinutukoy niyang si Yì Chonglin ay siyang kanilang personal na kutsero o tagamaneho ng mga kabayo sa kanang sinasakyang magarang karwahe.

Tila hindi naman maipinta ang mukha ng magandang dalagang si Yì Hua dahil sa narinig niyang sinabi ng kaniyang sariling tiyuhin na si Yì Huizhong.

"Like seriously uncle? Mukha bang may gustong manatili sa tabi ng kutsero na yun? Speaking of that kutsero, baka mapagkamalan pa yung halimaw!" Walang preno-prenong sambit ng magandang dalagang si Yì Hua. Makita niya palang ang personal na kutsero ng kaniyang sariling tiyuhin ay matatakot na ang sinumang nilalang na makakakita rito. Ewan ba niya sa tiyuhin niya kung bakit yun pa ang napili niyang maging personal na kutsero eh para sa kaniya ay hindi naman mapagkakatiwalaan.

"Grabe ka sa personal na kutsero kong si Yì Chonglin. Mabait yun kahit na napakagusgusin ng itsura niyon. Palibhasa kasi ay namuhay ka sa marangyang angkan Yì Hua at napakamatapobre mo sa mahihirap o naghihikahos sa buhay. Ewan ko ba kung bakit sakin ka pa inihabilin ng ama mo as if na magbabago pa ang pag-uugali mong yan!" Sambit ng matandang lalaking si Elder Yì Huizhong habang makikitang napaikot-ikot pa ito ng kaniyang ulo na tandang tila wala ng pag-asang magbago pa ang pag-uugaling ito ng magandang dalagang si Yì Hua na siyang pamangkin niya na masasabing lumaki sa luho at maramngyang buhay lamang.

...


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C145
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン