アプリをダウンロード
66.66% THE ALTERNATE UNIVERSE / Chapter 6: AU#4

章 6: AU#4

CHAPTER FOUR:[ WHO ARE YOU? ]

THIRD PERSON

NAGULAT si Euphrosyne nang maramdaman nito ang malamig na palad ng tumatayong lola ng babaeng nakatira sa mundong 'yon.

"Ba't mo gustong ibenta?! Gusto mong yumaman gaya ng tita Lunashiri mo?!" Sambit nito habang hawak-hawak ang buhok ni euphrosyne at kinakaladkad papasok ng bahay nila.

'Di na nakaimik pa si euphrosyne at sa halip, sinenyasan niya si cady upang lisanin na ang iskandalong napagmamasdan nito.

Nang makapasok na sa loob ng bahay nila ang dalawa ay napansin niya ang nanay niyang umiiyak at may pinagkakaabalahang bagay sa kusina.

"Gusto mo talagang matulad diyaan sa nanay mong walang kwenta?!pwes, simulan mo naring mag-asawa ng walang kapasidad na kumita!!" Nag-aapoy sa galit na sigaw ng matandang babae at itinulak sa sahig si euphrosyne.

Umalis sa paningin nila ang matanda habang padabog na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

Hindi alam ni euphrosyne na ganto pala ang nararanasan at natatamo ng totoong E.A sa mundong iyon kaya naman hirap siyang intindihin ang gagawin niya sa mga nangyayari.

~×~

EUPHROSYNE

NAGKATINGINAN kami ng nanay ko.

'Magkatulad rin talaga ang nanay ko at ang nanay ng babae na 'to.' sabi ko sabay tingin sa katawan kong gulo at lukot na ang manggas at palda.

Yumakap ako ng mahigpit kahit alam kong hindi ko ito ina. Satingin ko, sa ganitong paraan maiibsan ang pagkamiss ko sa totoo kong nanay. Kahit pa hindi ko naman talaga nararamdaman ang presensiya nito sa amin.

Napansin ko nalang na tumulo na rin pala ang mainit na likido sa kanang mata ko.

Luha ng kasiyahan.

"O bakit ka umiiyak?hindi ba't sanay ka nang iwasan ang mga gantong bagay?" Malambing nitong tinig na nagpapaalala sakin ng masayang alaala namin ni mama noong buhay pa si papa.

Nalulumbay na naman ako.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ng babaeng kaharap ko na aakalain mong nanay pala 'to ng kakaibang ako.

"Umakyat kana at magpalit..." Utos nitong sabi sa'kin sabay turo sa kwarto malapit sa kusina.

Weyt? Dito ko nakatira? Ba't parang minamaltrato kami ng sariling ina ni mama? no~scratch that word. E.A ver.2.0's mother.

Malaki naman ang bahay pero sa kusina lang kami natutulog? Anong kahibangan 'to?

Pumasok ako sa loob at napansin ang maliit na silid na pinagkasiya ang mga maliliit na gamit.

Pano naman kaya sila nagkakasiya dito?

Siguro kaya ganon nalang ang pagka arroganteng tao no'ng babaeng 'yon. Doon niya lang napapakita ang kalakasan ng loob niya kahit puro masasakit na salita lang ang pangaral sakanya ng lola niya.

Pansin ko lang,Bakit hindi kamukha ni lola ang lola ng E.A ng mundong 'to?

"Gatas mo, oh." Alok sa'kin ng nanay ni Euphrosyne habang hawak-hawak ang panglinis ng alikabok.

Malugod ko 'yong tinanggap at ininom. 'Di naman ako nagkamali sa lasa at may halong tamis at pagmamahal.

Sana ganto rin ang nanay ko.

"Nak, malapit na palang dumating ang tita mo kaya naman siguraduhin mong wag na wag mo na ulit siyang babastusin." Mariin na sabi sakin ng nanay ni Euphrosyne habang winawalis ang mga kalat sa paligid.

Ako nama'y sinasagutan ang mga iniwan na assignment samin ni Prof.Tsukumo.

~×~

→Next day...

Nagising nalang ako ng tapikin ng katabi ko ang mukha ko.

"Tynia.." Inis kong sabi sabay alis ng mga palad na dumadampi sa mukha ko.

"Ano kaba! Gumising kana para 'di mo na maabutan ang matandang 'yon." Mahinang bulong sakin ng nanay ni Euphrosyne.

Aish!I forgot na wala pala ako sa mundo ko!

Tumayo na ako at nagsimulang mag-ayos ng gamit at nagmadali na ring umalis papunta sa school.

Sabi sa kalendaryo na nakita ko kanina sa likod ng pintuan namin, ayon rito nasa taon parin ako bago pa man dumating ang taon ng pagpunta ko sa mundong ito. So it means na mayroon pa akong ilan pang mga buwan upang hanapin sila papa at lolo.

"Pick a bobo!"

Nagulat ako sa sigaw na nagmumula pala sa dakilang nerdy ng taon...CADY.

"Sana'y nako kay Lola Alissa.." Naasiwa nitong wika sabay sabit ng kanang braso sa balikat ko.

Siguro tinutukoy niya 'yung lola nung tukayo ko.

Kaya siguro hindi si Sobo ang kaharap ko, Dahil sa part ni mama ang lola kong 'yon. Matagal na kaseng patay ang nanay ni mama kaya siguro hindi ko na maalala ang mukha niya.

"Ayan ka na naman! Sabog ka ghorl?!" Natatawa niyang sabi sa akin.

"Halika na nga at magsisimula na ang klase." Aya ko sakanya.

Habang naglalakad kami kitang kita ko parin ang pagtitig sakin ng iba pang estudyante rito. Nginitian ko lang sila at binati ng magandang araw, pero imbes na sagutin iniwas lang nila ang tingin nila sa akin.

"Anong nakain mo? Bumait ka yata ngayon?" Wala sa wisyong sabi nito sakin.

Siguro pati pagbati ng tukayo ko, Hindi niya kayang gawin.

"Goodmorning, Prof.Delfuente."

Napatingin ako sa gawi ng boses ng estudiyanteng binati ang kilala kong apelyido.

Nakita ko ang namatay ng scientist ng school namin sa Hirabayashi Academy. Si Mr.Delfuente na may dala-dalang libro at medyo tumanda narin ang itsura nito.

Teka! teka! teka!

Ngumiti siya sakin!

Sinigurado ko namang ako ang tinitingnan niya bago ibalik ang ngiti niya sa'kin. Kilala niya kaya ako? O baka iba lang talaga 'yung nginitian niya.

Weyt lang mga bes! Lumalapit na siya sa akin!!

"Congrats to you Ms.Hashimoto for being the most ignorant student of this year." Sabi niya sabay abot ng kamay niya sa'kin tanda ng pakikipag- kamay.

Hibang din pala dito si Mr.Delfuente.

-¯\_ಠ_ಠ_/¯

"Noong nakaraang linggo wala karing tigil sa pagdadala ng alak rito sa school ah." He said.

Non-sense naman 'yung mga sinasabi niya at hindi naman ako ang gumawa nun.

I bow in an instant para ipakitang pinagsisisihan ko 'yon. Kung kailangan ko 'tong gawin para sa kapakanan ng tukayo kong 'yon,gagawin ko. Babaguhin ko ang tingin sakanya ng lahat ng tao rito.

Kahit gulat ay inayos parin ni Mr.Delfuente ang tayo niya at umalis narin ng biglaan. Naalala ko tuloy na kasama ko pala si cady kaya lang nawala naman ang gaga.

~×~

THIRD PERSON

SA paghahanap ng dalaga sakanyang kaibigan, hindi niya inaasahang mapukaw ang atensiyon niya ng dalawang magkasintahan.

"Look who's here, My Jace." Saad na wika ni Michie Watanabe—ang bagong kasintahan ni Jace.

Balak na sanang iwasan ni Euphrosyne ang dapat na daan papunta sa kinaroroonan ng kaibigan niya ng biglang hilahin ni Michie ang nakalawlaw na sinulid sa palda ng isa pang dalaga.

Dahil sa paghila nito ay nagtuloy-tuloy ang tela sa pagkakatanggal kaya naman lalong nabawasan ang suot nitong palda. Na naging dahilan ng pagkakita sa panloob pa nitong saplot.

Nagsitinginan ang mga usisera sa gawi ng mga ito at nagulat sa inasta ni Michie.

Makikita mo ang labis na pagkahiya ng dalagang si Euphrosyne, dahil sa kaempaktahan no'ng isa.

"Ganyan kaba kadesperadang mapahiya ako!? Kaawa-awang nilalang..." Mapang-inis na sabi ni Euphrosyne bago pa man batiin ng malamig na kamay niya ang pisngi ni Michie.

Napa-atras ng bahagya at halos matumba si Michie, Dahil sa ginawa ni Euphrosyne. Wala siyang kaalam-alam na mayroon pa pala itong lakas para gawin ang bagay na 'yon sakanya.

"Mas nakaka-awa ka! Gumawa kapa ng dahilan para magkadikit kayo ni Jace! 'Di ba't kaawa-awa rin 'yong pagmasdan!?" Natatawang sabat ni Michie habang si Jace nama'y inaantabayanang masaktang muli si Michie.

"Pagmasdan o mapakinggan?! Sumunod na rin pala sa listahan ng kaawa-awa ang magulang mong pinag-aaral ang anak nila sa prestilhiyosong paaralan pero wala namang nalalaman!" Bawi namang singhal ni Euphrosyne.

Kakawala na sana ng sampal si Michie ng makarinig sila ng isa pang sigaw galing sa kabilang bahagi ng Hallway.

"Arghh!"

~×~

EUPHROSYNE

WALANG kwenta na talaga ang tingin ko ngayon kay Jace.

Hindi ko naman talaga gagawin ang bagay na 'yon kung hindi lang ako ininis no'ng kasama niyang babae. Mukha 'tong ahas na may malaking bibig. Gigil na gigil kase ito sa paghalik kay Jace na akala mo'y wala na ring bukas. Kung 'di ko pa sila makita, baka ginawa na nilang kwarto 'tong school.

Napuno na talaga ako at nawala na rin ang pake ko ngayon sa kung anong sasabihin ng ibang estudiyante sa tukayo ko. Sinubukan ko namang lumiko na sa ibang daan pero ito silang sulpot nang sulpot na parang kabote at ginulo na ang calmness na umiiral sa akin. Dagdag mo pa itong selos na namumuo sa akin.

Grrrr!-ಠಗಠ

"Arghh!" Galit na sigaw ng lalaki at pinakawalan ng matitinding suntok ang pinsan ni Jace.

Oo!—Si BULINGGIT este XHIra? basta.

'Di naman nakagalaw ng maayos ang pinsan ni Jace, dahil sa matinding pinsala ng suntok noong lalaki.

Dumating na ang mga medical personel at ang principal ng school.

"Si Manzo talaga..Hays!" Mababaw na bulong sakin ni Cady habang hawak ang kanang braso ko.

Ito pa isang kabote e.

"At saan ka naman nang galing!?" Inis kong sabi sabay tanggal ng pagkakahawak nito sa akin.

Kung kailan naman kase kailangan ko no'ng resbak ay naroroon siya kasama ang grupo nila Jace na nakikipag-tawanan pa.

"Alam mo naman, May oras na para sa kaibigan at siyempre NAPUPUSUAN." Malapad nitong ngiti at hinawakan naman ang bewang ko para hindi na rin ako makapalag pa.

May magagawa pa ba ako sa kaibigan kong 'to? Waley na..Na adik na sa lalaki!

"Mag ready ka mamaya at inaaya tayo ng grupo nila Jace para sa gaganaping sweet sixteen party no'ng kapatid nila kannon." Masaya nitong sabi na may halong kilig.

Habang ako ay napa Poker Face nalang ng marinig ang pangalan no'ng lalaking 'yon. Kala ko pa naman ay dito sa mundong ito na kami magkakaroon ng pag-asa ni Jace. Ayun naman pala'y mukhang tadhana na talaga ang gustong bumaligtad sa mundong 'to. Mas lalo lang akong nagiinit sa mga nangyari ngayong araw. Siguro kailangan ko lang magpalamig at sumama sa party na 'yon. Tutal naman 'di ako masyadong nakakagala at ayaw ko narin namang makita ang Lola Alissa no'ng tukayo ko.

~×~

→Party Night...

Madali ko namang napapayag ang nanay ni Euphrosyne ver. 2.0 gamit lang ang charisma ko. Pero limitado naman ito, dahil para na rin sa kaligtasan ko. Pinagpaalam ko na ring si Cady ang maghahatid sa'kin pag-uuwi.

Sinuot ko lang ang isa sa pinaka matinong dress ko na medyo luma na rin, dahil sa kupas na kulay.

"Slaying as always, Gurl?" Bungad na bati sa'kin ni Cady, Matapos kong makababa sa taxi'ng sinakyan ko.

Ang theme nitong party na 'to ay simple at mayroon ring touch ng pagiging mayaman at elegante. Siguro ay galing kase si Midori sa pamilya Sakamoto na may ari ng naglalakihang Telephone Company rito. Si Midori ay may itsurang pang modelo kaya naman halos mag ka lockjaw na ang lahat ng mga lalaki sa kagandahan nito.

Habang naglalakad suot-suot ang gown nitong may presyong pang mayayaman ay bumagay ang mabagal na tunog na nanggagaling sa pianoist na si Akuji.

Si Akuji Tanara 'yong lalaking kaibigan ni Jace na unang nakapansin sa akin sa Cafe na pinuntahan namin kahapon ni Cady. Mayroon rin naman itong maipagmamalaking itsura, kaso nga lang napaka liit rin ng katawan. Ang kwento sa akin ni Cady ay matagal na nitong nililigawan ang nakababatang kapatid ni Kannon na si Midori. Kaso nga lang napakalayo ng edad nilang dalawa.

At makikita mo naman talaga ito sa mga ngitian niya habang pinagmamasdan ang dalaga mula sa kalayuan. Kaso nga lang life has been very difficult for him, katulong lang kase ang nanay niya na nagtatrabaho sa mansyon ng pamilya Sakamoto. Isa siyang iskolar sa Watanabe International School—Yea! You definitely read that, Michie is the only daughter of our school owner!

Back from the topic, Akuji was still earning a lot of attention, becoz of being a funnyplayboy in our school. Pero sa iisang babae lang talaga siya kakalampag at 'yon ay si Midori.

"Pati ba naman rito, Gustong-gusto mong sinusundan si Jace." Irap na tingin at inis na sabi ni Michie habang   hinaharangan ang daraanan namin ni Cady.

Balak na sana naming bumalik ni Cady sa upuan namin no'ng biglang sumulpot 'tong si kabotera at naki-upo rin sa table namin. Epal to the fullest talaga ang peg niya!

Dahil sa inis ko'y umalis nalang ako sa loob at sinumulang maglibot-libot sa mansyon nila Kannon.

Ito ako ngayon napadpad sa maliit nilang rooftop na napapaligiran ng naglalakihang lantern. Imbes na umupo ako ay naisipan ko munang makasinghot ng malamig na hangin bago bumaba at umuwi.

Pag-amoy ko nama'y bigla ko ring buga, dahil sa mabahong usok ng sigarilyo.

"It feels like a déjà vu for me, How 'bout you?" Nakangising wika ni Jace habang nakasitsit ng sigarilyo.

Iba ka ba talaga sa Jace na kilala ko? O pinaglalaruan mo lang ako?

Hindi ko siya inimik at tumitig sa magandang view ng 'Taurad'.

"Who are you?" He asked.

@ArynnNyx


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C6
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン