アプリをダウンロード
77.77% One Night Stand - Season 1 / Chapter 35: (Paano magalit si Carllex de la Vega?)

章 35: (Paano magalit si Carllex de la Vega?)

Nang mabalitaan ni Carllex ang ginawa ni Kateryn sa mahal niyang pangit.

Ay nagalit ito ng sobra at pinahanap agad ang nasabing babae.

Isinugod naman sa hospital si Jen habang puno ng dugo ang dress nito.

Puno ng pag alala ng lahat mas lalo na si Carllex na nagtitimpi nang galit.

" diyan nalang ho kayo, " harang ng mga nurse sa ER.

Napasuntok sa pader si Carllex, " arghhhhh bat si Jen pa? " sigaw niya habang nag aalburot sa galit. " anak, magiging ayos din siya. Ipanalangin nalang natin ang mag ina mo. " ani ma'am Jerimy sa anak niyang hindi na makapagtimpi.

" ma, buhay ng asawa ko at tatlong buhay pa ang nasa sinapupunan niya. Paano ako kakalma? Humanda ka talaga Kateryn at makakatikim ka sa akin. " pagbubuntong galit nito sa wall. Pakakalmahin naman siya ng papa niya at papayuhan.

" anak, wag kang padalos dalos at babae siya. " ani sir Fierce na tila nagtitimpi rin ng galit at puno ng pag alala ngunit nanatiling kalmado. Hindi na lamang makikinig si Carllex at panay ang pabalik balik nitong lakad.

" anak, magiging ayos din siya. " ani ng mama Jerimy niya na noo'y naka abang sa doktor na lumabas. Si Mang Jeno naman ay alalang alala sa anak niya. Hindi nito maiwasang maupo at matayo sa upuan.

Maririnig ang pagpupumiglas ng babae sa bisig ng mga ginoong naka black suit. Nagpupumiglas ito. " bitawan niyo ako! Makakatikim talaga kayo sa akin. " pagbabanta niya sa mga bodyguards ni Carllex.

Mag iiba na lamang ang mga titig ni Carllex at napalitan ito ng mala buwitring titig na tila manunuklaw na sa mga oras na iyon. Sandali niyang kukunin ang phone at may tatawagan.

Ipaparinig niya kay Kateryn ang usapan nila sa kabilang linya ng secretary niya.

" hello, just cancell all the appointments with Mr. Guttierrez. Once more, wag na wag na kayong tatanggap ng business deal sa mga Guttierrez. At pakisabi, pakidampot itong ahas na tumuklaw sa asawa ko ngayon na at pakitapon sa kulungan. " sabay hang out ng call.

Napa alma na lamang si Kateryn, " are you done? " usisa ng babae kay Carllex na hindi pa tapos sa kaniyang parusa. " wala kang karapatan na tanggalin si dad sa company mo. Saka baka nakakalimutan mo na si dad ang nagdala ng maraming investor sa company mo. " pagsusumbat niya kay Carllex na tila pinalalabas pa na dapat siyang magtanaw ng utang na loob.

Pumalakpak na lamang si Carllex ng tatlong beses. Sandali itong tatawa at babawiin ang tawa niya saglit. " kayo nga pero pakanan niyo lang yon para madiin ako sa sitwasyon. Oo nga pala, ginawa niyo yon para balaking ibankrupt ang company niyo at pakasalan ako diba? Well, diyan kayo nagkakamali dahil hindi niyo ako mauutakan. Naalala mo pa ba, noong tinalo mo ako sa ranking. Ay oo nga pala, nakipag one night stand ka sa professor natin kaya itinaas ang ranking mo. Actually, nakaka awa ka Kateryn dahil isinanla mo na ang kaluluwa mo sa diyablo. " pagsusumbat ni Carllex sa kaniya na hindi mapaniwalaan ng mga naroon na de la Vega.

" Sinungaling, bakit ko naman gagawin yon? Saka aminin mo na kasi ako ang gusto mo at hindi ang pangit na iyon. " bigla nalang siyang sinampal ni Carllex nang may bahid na galit. Nagulat na lamang ang lahat sa ginawa nito kay Kateryn.

" wag mong pagsalitaan ng ganiyan si Jen. Alam mo ba kung bakit ko siya nagustuhan? Well, simple lang dahil may prinsipyo siya. May paninindigan, napakamatulungin at higit sa lahat hindi kiringking. Hindi siya tulad mo na hindi na nga maganda ang ugali pinagsisiksikan pa ang sarili. " sumbat ni Carllex sa kaniya.

" bawiin mo ang sinabi mo! " pagsusuntok niya kay Carllex. Nang biglang naghudyat si Carllex at nagsidatingan ang mga pulis.

" ilayo niyo nga yan dito at ibalik sa pugad niya baka makatuklaw na naman. " nilapitan siya ni Carllex at binigyan ng babala. " ito tandaan mo, kapag may nangyaring masama sa kaniya at sa mga baby niya. Magtago kana at pupugutan kita ng ulo. " saad na babala ni Carllex sa kaniya na ikinalunok niya.

Napatulala na lamang ang babae habang hawak hawak ng mga pulis sa magkabilang dulo na braso.

Napatitig na lamang si sir Fierce sa anak niya sa ginawa nito. Napahawak sa ulo si Carllex at napabuntong hininga. " natatakot ako ma, " sambit ni Carllex na tila puno ng pag aalala ganun din ang lahat.

Umupo na lamang si Mang Jeno sa tabi ni Carllex at magpapayo.

" alam mo sir Carllex, noong maliit pa si Jen ay lagi siyang umaakyat ng puno. At lagi siyang nahuhulog pero hindi siya sumusuko hangga't makuha niya iyong bunga ng manga. Noong elementary siya ay umuwi siyang duguan ang damit. Tinanong namin siya kung bakit duguan ang damit niya. Sabi niya may tinulungan daw siyang aso sa kalye at nabundol daw ito. Sa mura niyang edad ay walang imposible sa kaniya. Nakikipag debatihan pa siya sa teacher niya noong high school siya kasi mali yong pag check sa exam niya. " kwento ni Mang Jeno na ikinahanga ni Carllex sa magiging asawa niya

Makalipas ang ila pang sandali.

Lumabas na ang doktor na agad namang sinalubong ng lahat.

" kamusta na siya doc? " ask agad ni Carllex na kanina pa nag aalala.

" nagkaroon ng internal bleeding pero safe naman yong nasa sinapupunan niya. Isang himala ang nangyare dahil ngayon lang ako nakahawak ng ganitong patient. Maari niyo na siyang puntahan. " balita ng doktor.

Napawi ang pag alala ng lahat ata agad na tinungo ang room ni Jen.

Naunang pumasok si Carllex at agad na hinawakan ang kamay ng magiging asawa niya at sandaling hinagkan nito.

" tama ang aking nakita at hindi ako pwedeng magkamali. May anghel na gumagabay sa kaniya at sadyang nakakamangha. " ani Sofia na hindi makapaniwala.

" pwede bang wag mo nang hulaan uli ang kapalaran ng asawa ko. " sabat ni Carllex sa tita Sofia niya at ibinaling nalang ang mga titig sa kay Jen.

Mapapansing nagkakamalay na si Jen at hihikbi ito ng masilayan ang titig ng lahat.

" ang mga baby ko? " hikbi niya sa sandaling iyon na hudyat para lumabas ang lahat.

" shhhhhh, tahan na Jen dahil sabi ng doktor ay ayos lang sila. I'm so sorry Jen at iniwan kitang mag isa. Sana hindi nangyari iyong kanina. " pagpapaumanhin niya kay Jen sa hindi maipaliwanag na mga titig.

" Carllex, wag mo na akong iwan ulit saka wala kasing tao sa sala kaya nagpahangin ako sa labas. " paliwanag ni Jen sa kaniya.

Sandali siyang hahagkan ni Carllex sa noo nito.

" just tell me, what happened next? " usisa ni Carllex sa kaniya na ikinayuko ni Jen. Hindi ito makatitig ng diretso sa mukha niya.

" paglabas ko ng pintuan ay sinalubong ako ni Kateryn at inabutan ng regalo. Binuksan ko at hindi ko alam na ahas pala kaya napatalon ako. Then, sinumbatan niya ako at itinulak saka binuhusan ng tubig. " kwento ni Jen kay Carllex na ikina alma nito.

Napatayo na lamang si Carllex at bahagyang lumabas. Pumasok naman si Mang Jeno.

" hi Jen, kamusta ka anak? " usisa ng papa niya habang papaupo sa tabi ng anak.

" pa, akala ko talaga mawawala na iyong mga baby namin. Takot na takot ako papa! " ani Jen na puno ng pag alala ang mga mata.

" Jen, wag kang susuko dahil umpisa pa lang yan. Ang pamilyang papasukan mo ay puno ng ginto at hinulma na ng mga pagsubok kaya lumaban ka Jen kung kinakailangan. " payo ng papa niya.

" pa, ayokong umalis dito sa Isla. Dito lang ako papa sabi ni Carllex hindi niya ako kukunin sa inyo. " ani Jen na tila mangungulila sa papa niya kapag humiwalay ito.

" wag ka nang humikbi. Pangit ka pa naman, " asar nito sa anak niya.

" papa talaga, " ngiti ng bahagya ni Jen sa sandaling iyon na napawi ang pag alala sa sinapupunan niya.

Sandaling papasok si señora Mia para kamustahin si Jen kasama ang iba pa.

" hi Jen, ang swerte mo talaga ay may gabay kang anghel. Kamusta ang sinapupunan mo? Hindi ba masakit? Yong balakang mo? " usisa ng señora Mia.

" medyo masakit pa ho saka ayos na rin dahil ligtas naman ang mga baby ko. " tugon ni Jen at bahagyang bumangon.

" wag ka munang bumangon, " sabat ni Carllex na sumulpot nalang bigla at umupo sa tabi niya.

" saan ka ba galing? " usisa ni Jen kay Carllex na hindi pa rin bumabalik ang maamo nitong mukha dahil sa nangyare.

" sa labas nagpalabas ng galit. " tugon niya kay Jen.

Napatahimik na lamang si Jen at napahawak sa tiyan niya.

Hinahaplos haplos niya ito at saka tumitig kay Carllex.

" mga baby, kung naririnig niyo ako. Maging mabuti kayong mga anak ha saka wag kayong manapak ng kapwa niyo paglaki niyo. Mahal na mahal kayo ni mama at papa. " ani Jen.

" mga anak, sundin niyo ang mama niyo ha at wag kayong pasaway. " wika naman ni Carllex at hinagkan ang tiyan ni Jen.

Pinagpahinga niya muna si Jen at binantayan ito ng maigi.

Dumating naman ang mga bodyguards niyang inutusan.

" sir Carllex, tapos na ang pinagagawa niyo. " balita ng mga ito na may dalang envelop at iniabot sa boss niya.

" Is there something happened? " ask ng boss nila na ikinayuko ng mga ito.

" as you said sir, everything is under control. Everything is ready as you suggest. " tugon ng mga ito.

" ok, maari na kayong makaalis. Mamaya na tayo mag usap. " tugon ni Carllex sa kanila.

His Pov's

Hayyst, hindi pa rin mawala ang kaba ko sa dibdib.

At parang ang lakas pa rin ng kabog nito.

Natatakot ako sa maaring gawin uli ni Kateryn pero hindi magpapatalo si Jen sa kaniya.

Fighter siya at alam kong natutulog lang ang pagiging suplada niya.

Well, sana maging maayos ang lahat. Hinalikan ko na lamang siya sa noo at tinitigan.

Paano ko nga ba siya nagustuhan? Hindi ko rin alam ang sagot eh? Ilang beses ko nang tinatanong ang sarili ko. Paano nga ba? Siguro ay dahil iniligtas niya ang buhay ko. Siguro dahil matapang siya kaya nagustuhan ko siya. Kung ano man ang sagot ay ang mahalaga ay ang ngayon.

Bigla nalang siyang nagising sa presensya ko. Tumitig siya sa akin na tila nagtatanong na naman. " hindi na ba tuloy ang kasal bukas? " usisa niya sa akin.

Itong pangit na ito napaka daldal talaga. Well, kaya nga basag ear drum ko dito kapag kaharap siya. Mabuti nga para sa akin kasi tanggal ang katahimikan ng mundo ko kapag kasama ko ito. " wag mo nang alalahanin yon. " tugon ko sa kaniya sabay nakaw ng halik sa labi.

" Carllex, " hampas niya sa akin. Aray, kiss lang naman tapos may kapalit na hampas. Pambihirang babae ito at nasanay ng hampasin ako. Sus, pasalamat siya dahil mabait ako at pogi. ( ang hangin mo!) Author naman, pogi naman talaga ako ah! (paki ko, gusto mo patayin kita!) Chelax, magpapakasal pa kami ni Jen eh. Wag mo na! ( so, gusto mo patayin kita?) Author naman, pikun ka rin! Hehe, love you Author!

" bat kasi nangnanakaw ka ng halik? " patampo niyang tanong. Sus, ang pangit na nga nito tapos magtatampo pa.

" masarap kasi pagnakaw. " ngisi kong sabi sa kaniya. Wahhaa, may pagkaloko loko ka talaga Carllex baka magmana sayo ang mga anak niyo.

" gusto ko nang umuwi saka ayoko rito magpagabi sa hospital. " sabi niya sa akin na tila may kinatatakutan. Napapansin ko talaga kanina pa na nantatayuan ang mga balahibo niya. May nararamdaman kaya siyang kakaiba sa hospital na ito?

" why Jen? Just tell me what's wrong with this hospital? " ask ko sa kaniya na ikinayakap niya sa akin. Aba, mas lalo siyang yumakap sa akin. Hay, natatakot ata siya.

" halika na, uwi na tayo dahil iyon ang gusto mo. I know na may kakaiba sa hospital na ito. Ay lahat ng buntis rito ay namamatay ang sanggol kaya don't worry matagal na akong nakahanda doon, Jen. " halik ko sa noo niya.

Pasimple kong hinaplusan ng langis ang damit ni Jen at pina usukan ng amoy ng sigarilyo. Kahit na bilyonaryo kami at galing sa mga angkang kilala. May alam din naman kami sa mga aswang. Si tita Sofia ang bahala sa kanila. Basta hindi sa hospital na ito manganganak ang mahal kong pangit.

Inuwi ko si Jen sa bahay niya at agad na pinagpalit ng damit.

" nahalata ko iyong ginawa mo kanina. " sabi niya habang nagsusuklay sa harap ng salamin.

" ayokong mangyare sayo ang nangyare sa iba pang pasyente roon. Kahit mga titig nila ay kakaiba pati iyong nurse. Well, aayusin ko ang hospital niyo rito at papalitan lahat ng dapat palitan. Don't worry Jen, ako ang bahala sa ngayon magpahinga ka at kumain ng mansanas. " paliwanag ko sa kaniya.

Lumapit siya sa kinauupuan ko at sandaling tumititig sa akin. Hmm, may naamoy akong. Damned Carllex, tumigil ka nga! " maraming salamat sir Carllex at hindi ako nagkamali sa pagpili sayo. " yakap niya sa akin.

" pangit, alagaan mo yang mga baby natin at mahal na mahal kita. " bahagya kong halik sa noo niya at pinahiga ito sa kama.

@yhunasibuyana.


Load failed, please RETRY

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C35
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン