1922. Nobyembre.
Malamig na hangin ang sumalubong kay Carlos paglabas niya ng kanyang apartment at sumalubong sa kanya ang isang masikip na kalsadang puno ng abalang vendors at customers. Lumanghap siya ng hangin at nimannam ang masarap na amoy ng iba't- ibang street foods saka naglakad patungo sa isang mansiyon sa di kalayuang subdivision. Habang papalapit ito sa naturang bahay ay binabalot siya ng kaba at takot. Nakakapanliit ang matataas at naglalakihang bakal na gate na may nakadisenyong dalawang Romanian dragons na gawa sa ginto.
Walang sinumang nilalang ang magnanais mapalapit sa naturang bahay dahil sa paniniwalang may dulot na sumpa ito.
Ayon sa alamat, ang pamilyang nagmamay- ari ng mansiyon ay pinaslang sa isang karumaldumal na paraan dahilan upang hindi sila matahimik at ang sinumang mapapadpad sa loob ng mansiyon ay hindi kaylanman makakalabas.
Pinagpapawisan ito habang inaakyat ang konkretong pader na ginagapangan ng mga ivy plants. At tanging ang sinag ng buwan ang kanyang ilaw habang maingat na kumunyapit sa madulas at matayog na pader.
"Shit!" bulong niya ng sumabit ang kanyang kaliwang paa sa mga nagkabuhol na halaman dahilan upang mawalan siya ng balanse at halos mahulog sa masukal na hardin. Malalakas ang kabog ng kanyang dibdib ng mapagtanto kung gaano kataas ang kanyang babagsakan kung sakaling siya ay mahulog. Kaya naman ay doble ingat siya habang bumababa sa kabila ng dingding.
Tagaktak ang kanyang pawis.
"Okay. Kailangan kong gawin ito!" bulong niya sa kanyang sarili habang mabilis ngunit maingat na binaybay ang malawak na solar papasok ng mansiyon.
Nagtataka man ay hindi na siya nag- usisa pa kung bakit nakabukas ang backdoor. Ang importante sa kanya ay makapasok sa loob at makuha ang diyamanteng ayon sa nag-utos sa kanya ay sinlaki ng kanyang kamao. Kaya naman ay mala- pusa siyang umaakyat ng hagdan.
"Rovina~ a- alguien e- esta aqui (may tao dito)," bulong ng naghihingalong boses ng matanda sa isang batang babaeng humpak ang mukha sa ilang taong paghihirap.
"¿Qué debemos hacer? (anong dapat nating gawin?)" mahinang saad ni Rovina na nanginginig sa takot ngunit mababakas sa kanyang boses ang konting kasiyahan.
"N- no hagas algo e- estúpido (wag kang gagawa ng kalokohan)," nanghihinang saad ng matanda ng makitang kumikislap ang mata ng bata saka ngumisi.
"Si mamá... (opo inay)" sagot ng paslit bago kumawala sa yakap ng naaagnas na katawan ng ina.
Samantala, hindi alam ni Carlos kung nasaan na siya dulot ng pasikot- sikot na daan sa malaking mansiyon. Mapakislot siya ng biglang kumidlat at kumulog habang unti- unting binabalot ng itim na ulap ang buwan.
Madilim ang kanyang paligid. Kaya pilit niyang inapuhap ang dingding na parang bulag.
"Bakit wala akong makita?" sabi niya sa kanyang isip. "Nasaan ba ang lintik na diyamanteng yon?"
"Pssst... ven aquí! (halika dito)" bulong ng isang paslit. Napasigaw sa gulat si Carlos ng muling kumidlat at bumulaga sa kanya ang mukha ng batang babae.
"Sshhh!" sabi nito habang tinatakpan ang bibig ni Carlos. "No seas ruidoso...! (wag kang maingay)" Hinawakan nito ang nanginginig na kamay ni Carlos at inakay papunta sa isang madilim na kwarto.
"Saan tayo?" piping tanong ni Carlos habang bumabaligtad ang sikmura sa masangsang na amoy ng mga patong- patong na bangkay. Ang iba ay mga kalansay na lamang prowebang matagal nang naroon.
"G- gutom k- kami ng aking inay!" nahihiyang saad ng bata habang nakatingala sa kanya.
"Paumanhin ngunit wala akong dalang pagkain," malungkot na tugon ni Carlos. Luhuhod siya upang hawakan ang humpak na mukha ng paslit.
"Okay lang..." bulong niya.
"Aaaaaaaaah!" hiyaw ni Carlos ng biglang kagatin ng bata ang kanyang pulsuhan. Umagos ang sariwang dugo mula sa kanyang sugat hanggang siya ay nanghihinang napadapa sa malamig na konkretong sahig.
"B- bampira!" ang tanging nasambit ni Carlos bago siya mawalan ng ulirat.