アプリをダウンロード
83.87% Schrodinger's Bane / Chapter 26: Chapter 25

章 26: Chapter 25

Third Person's POV

Matapos nilang makipag usap kay Raven ay tahimik lang silang lahat

Ni isa ay walang bumabasag sa katahimikan

Hanggang sa maisipan magsalita ng dalaga

" Tutulungan natin sila diba? " tanong niya sa mga kasama na naka de-kwatro at nakatingin sa kawalan

" Syempre naman " sagot ng ate nila

Pero naghihintay pa rin ito ng sagot mula sa iba

" Sa tingin niyo ba ay babalik pa siya sa atin? " tanong naman ng moreno na binata

" She'll always come back to us "

" Siguro dapat tulungan natin siya, baka kung hindi ay bangkay niya na ang iuwi dito sa bahay " dagdag pa ng dalaga na bakas ang pag aalala

Hindi na sila nagsisagot pa

Mula ng umalis at bumalik sila ay hindi ni minsan napag usapan ang tungkol kay Raven o kanino pa man

Hindi rin pinag uusapan ang nangyari nang araw na 'yon

Dahil lahat sila ay nasaktan at nadismaya ng sobra nung araw na 'yon

Tanghali na ng pumunta ng hospital si Zayden at Xath para palitan si Volker at Azure sa pagbabantay kay Rye

Pagkarating nila ay parang ngarag ang dalawa at walang tulog

" Bakit ganiyan mga itsura niyong dalawa? " tanong ni Zayden na natatawa

" Buong gabi kaming pabalik balik sa pharmacy para bumili ng gamot, yung ibang gamot ay hinahanap pa sa labas ang sakit sa binti " reklamo ni Azure sa mga kaibigan

" Kawawa naman kayo, sige kami naman dito. Magkape kayo bago umuwi, baka makatulog kayo sa byahe mauna pa kayo mamatay " pang aasar ni Xath kaya sinamaan siya ng tingin ng dalawa

Nang umalis silang dalawa sa bahay ay nandoon si Astra at Raven

Kahit may tiwala ay hanggang maari iniiwasan nilang maiwan na magkasama ang dalawang babae lang kahit saan

Pero wala silang pagpipilian lalo at may sakit si Raven at si Astra naman ay nagbabawi ng pahinga dahil siya ang nag asikaso ng mga bagay para sa pagkamatay ni Gio

Base rin sa investigation tungkol sa pagkamatay ni Gio ay binaril ito ng malayuan

Kaya possible na sniper ang ginamit sa pagpatay sa binata at hindi ito nagsuicide

Naabutan siyang may bawak na baril dahil iniisip na motibo ay nagtatangka siyang magsuicide

Marahil ay gusto na nitong kitilin ang sariling buhay dahil sa matinding pangungulila sa girlfriend na si Madi

Hindi naman napapadalas ang pagtawag sa bantay ni Rye ngayong araw, dahil na rin siguro kagabi ay nabili na ng dalawa ang lahat ng kailangan nito kaya wala ng gagawin pa masyado sila Zayden at Xath

Naisipan nilang bumili ng pagkain hanggang hindi pa sila kailabgan ng doctor ni Rye

Habang kumakain sila ay tumawag naman si Astra kay Zayden

Hindi pa man nasasagot ang tawag ay nakaramdam na ng kakaibang kaba ang dalawang binata

Nang sagutin ni Zayden ang tawag hindi agad ito nagsalita

Maingay sa kinaroroonan nito at magulo kaya nagtaka siya, pero ang alam niya ay nasa bahay lang naman ito

" Hello, Astra? " salita niya pero wala silang maintindihan mula sa kabilang linya dahil parang maingay

Hindi naman 'yon ingay na parang may nagpapatayan pero maingay na parang natatarantang hindi malaman

" Zay tawag tayo " baling naman ni Xath kay Zayden kaya ibinaba nito ang tawag kahit na naguguluhan siya sa kung ano man ang mayroon at bakit tumawag si Astra at hindi naman nagsalita ng ni isang salita

Nagkakagulo na sa bahay nila, lahat sila ay tuliro na at hindi na alam kung ano ang gagawin

Tila lahat sila ay tinakasan ng wisyo at wala na sa sarili

Hindi sila mapakali at nagpapanic sila

Kinakabahan sila ng hindi maipaliwanag at tila nan-lalambot din sila

Dumating na nga ang araw na kinatatakutan nila

Ang araw na kakailanganin nilang mamili at magdesisyon

Kanina ay dumating ang doctor ni Vlaize dahil may treatment ito ngayon

Pero hindi pa man nagsisimula ang treatment na gagawin ay pinatawa na sila nito sa kadahilanan na gusto daw sila nitong makausap

Kaya naman kahit na nagtataka ay nagtungo sila sa doctor para kausapin

Sa tingin palang ng doctor sa kanila nang makita sila nito ay hindi nila maitanggi na may hindi ito magandang sasabihin sa kanila

" Doc ano ba ang sasabihin mo? " tanong ni Azure na para bang naiinip na dahil wala pa silang pahinga at kauuwi  palang din nila ni Volker

" Wala bang magulang ang pasyente o guardian maliban sa inyo na kasama niya dito sa bahay? " tanong nito sa kanila

Kaya naman ay naguluhan sila pero umiling naman silang lahat bilang pagsagot sa tanong nito

" Kung ganon ay kayo ang guardian niya, tama ba ako? " paglilinaw nito

" Ganon na nga " inip na sagot ni Azure

" Isa lang ang kailangan ko, sino ba sainyo ang maaring pumirma nitong ibibigay kong waver kung sakali? " tanong ng doctor kaya napatingin sila kay Raven, napailing naman ito

" Si Raven " they answered in a chorus

" Ano na ba ang lagay niya at kinakailangan mo ng waver? " takang tanong ni Raven

Dahil kadalasan ng alam niyang may ganoon ay ang mga nasa delikadong lagay na may sasailalim sa treatment o ano man na maaring magkarom ng side effect

" She is getting worst, hindi na nagre-response ang katawan niya sa treatment, hindi na rin niya nate-take ang gamot. Kaya kung minsan ay mapapansin niyo na parang bumabalik ang laman ng dextrose niya " paliwanag ng doctor

Nakikinig lang sila at hindi nagsasalita dahil pinipigilan nila ang mga sarili na mag isip ng hindi maganda

Ayaw nilang sumuko sa dalaga, ayaw na nilang mawalan na naman sa pangatlong pagkakataon

" I have a waver here with me, isa lang ang pipirma dito. " pinakita nito ang papel sa kanila na may mahabang sulat

Inilapag 'yon ng doctor sa center table nila at muling nagsalita

" Dumating na ang araw na hindi natin gustong lahat na dumating, you have to choose. I'm sorry to say, pero aparato na lang ang bumubuhay sa kabigan niyo. The best thing that I can suggest sa inyo ay pirmahan 'tong waver para tanggalin na ang aparatong nakakabit sa kaniya " pagpapatuloy pa ng doctor

Nanghina sila sa sinabi nito

" WHAT THE HELL NO " Raven freaked out

" Pahihirapan lang natin siya kung bubuhayin niyo siya ng nakadepende ang buhay niya sa aparato. She won't wake up anymore, she'll also be dead kahit hindi natin alisin ang aparato dahil mananatili siyang nakaratay lang hanggang sa pirmahan niyo na ang waver " mahabang paliwanag ng doctor

" Ven, wala na tayong choice " paliwanag ni Azure

" Ayaw ko, hinid ko kaya " naluluha niyang sabi

" This is the best thing we can do for her " pagpapakalma nila sa kaniya

" Wag na natin siyang pahirapan pa " muling sabi ni Astra

Alam niyang tama ang mga kaibigan

Pero alam niya din sa sarili na hindi kakayanin ng sistema niya

" We'll do this for her " mahinahong sabi ni Volker at iniabot sa kaniya ang ballpen at ang waver

She's trembling as she took it

Nangangatog siya habang pinipirmahan ang ang waver

Nang mapirmahan ito ay pumunta sila sa kwarto ni Vlaize

" I wish we didn't have to do this " buntong hininga ni Azure ng makita nilang alisan ng aparato ang dalaga

" Time of death, 11:30 am "

Iniwan naman sila ng doctor para matignan ng ilang sandali ang kaibigan

Kasabay noon ang pagtawag ni Xath, kahit na nasa ganon silang tagpo ay sinagot ni Azure ang tawag

Naka loud speaker ang tawag

" May kailangan kaming sabihin " kasabay ng pagkasabi ni Azure non ay ang siya ring pagsabi ni Xath noon

At kasunod non ay ang panibago palang dagok sa kanilang lahat

" Vlaize's gone "

"  Rye's dead "


章 27: Chapter 26

Zayden's POV

Para kaming binuhasan ng nagyeyelong tubig sa sinabi ni Azure

Kanina pinatawag kami ng doctor dahil nag aagaw buhay na daw si Rye, sinubukan siyang irevive pero hindi na talaga kinaya.

Halos magwala si Xath sa loob dahil pinipilit naming sumubok ulit pero bandang huli ay wala kaming nagawa kundi tanggapin ang katotohanan na hanggang dito na nga talaga

Pero nagulantang kami ng sabihin ni Azure na wala na rin si Vlaize

Siguro ay 'yon ang sasabihin ni Astra nung tumawag siya na nagkakagulo sila

Nakakapanlumo ang araw na 'to

Wala pang isang linggo mula ng mamatay si Gio may panibago nanaman

At sabay pa talaga silang nawala

Nakakatakot nito ay baka sabay sabay na rin kaming patayin

Kahit gulantang kami sa sinabi ni Azure ay inasikaso namin ang paglabas ni Rye ng hospital

Hindi pa namin napag uusapan kung pagsasamahin ba namin ang burial nila o paghihiwalayin namin

Kung paghihiwalayin naman ay mahihirapan din kami dahil paniguradong kami lang din naman ang gagalaw at aasikaso sa lahat

Hindi pa nasasagot ang tunay na nangyari sa likod ng pagkamatay ni Gio ay may dalawa nanamang sumunod

" Zay may gustong kumausap sa'yo " napalingon ako kay Xath na may dalang pagkain at may kasunod sa kaniyang likuran

Tangina wag naman sana--

" Zayden "

" Anong ginagawa mo dito? " takang tanong ko sa kaniya

Ang dami ko ng problema sasabay pa ba siya?

" Iwan ko muna kayo " paalam ni Xath kaya tinanguan ko kahit ayaw kong maiwan mag isa kasama ang babaeng 'to

" Look Rowie, kung tungkol 'to doon sa pinag usapan natin last time, I'm sorry. But once is enough, wala na akong gusto pang ulitin o balikan pa. Hindi rin 'to tamang oras para pag usapan ang ganiyang bagay " dire diretsong sabi ko sa kaniya

" Alam ko naman " yumuko siya kaya napatingin ako sa kaniya

" I'm leaving, lalayo na kami ng anak ko dito. Gusto lang kita makita bago kami umalis, huling pagkakataon na 'to na makikita mo ako at makikita kita Zay, mahal kita. And I'm sorry for everything " I saw tears began to flow down her cheeks as she spoke

Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa sinasabi niya kahit na alam kong hindi dapat

Dapat ay matuwa ako pero bakit parang nababawasan at nasasaktan pa ako

" Goodbye, Zayden " bulong niya at bigla akong niyakap

Nagulat ako sa ginawa niya pero niyakap ko pa rin siya pabalik

Pagtapos no'n ay tumalikod na siya at naglakad paalis

Wtf

Bakit ako nasasaktan makita siyang lumalakad palayo sa akin kahit na matagal na siyang wala sa buhay ko?

Raven's POV

Pinag usapan namin kung pagsasabayin ba namin ang burol ni Rye at Vlaize dahil nakakapagod ang hiwalay at sobrang hassle para sa lahat

Napag kasunduan namin na cremate at burol ang gagawin ng sabay

Hihintayin muna namin si Zayden at Xath na makauwi para malaman kung sang ayon din ba silang dalawa

Though we didn't say to each other

Alam namin sa mga sarili namin

Hinihintay nalang namin ang mga oras namin dahil lahat kami ay alam naming iisa lang ang kahihinatnan

Kamatayan

Para kaming nakikipaghabulan kay kamatayan sa araw araw

Gusto kong humingi ng tulong sa kanila, pero ayaw kong madamay sila.

Baka pati sila ay madamay pa

Sobrang gulo na ng mga nangyayari

I was snapped out of my thoughts nung nag vibrate ang cellphone ko

" Nandito ako sa labas niyo Ven "

Kaya dali dali akong lumabas ang kwarto ko at nagtungo sa front door

Hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harap ko ngayon

Dahil nung umalis ako sa bahay namin ay sobrang tindi ng sama ng loob niya sa akin at halos ayaw niyang marinig ang pangalan ko

" Bakit parang gulat na gulat ka? " pagbibiro niya

Umiling nalang ako saka siya inayang pumasok sa loob

" Just surprised " buntong hininga ko pag dating namin sa living room

Nakita ko namang ngumisi siya bago umupo sa tabi ko

" May sadya talaga ako kung bakit ako nandito, may sasabihin ako sayo " huminga siya ng malalim at tinitigan ako bago nagsalita

" Hinahanap nila si Dark, and some thought that you're Dark " seryoso niyang sabi

" So you're saying na kaaway ni Dark ang gumagawa ng mga nangyayari sa amin dahil akala na ako ay siya? " tanong ko sa kaniya

" No, marami sila. Yung iba sa kanila ay may atraso ang mga kasama mo at yung isa naman na naghahanap kay Dark ay hindi ko na alam motibo " pagpapaliwanag niya kaya naguluhan ako

" Ano pinapahiwatig mo? " takang tanong ko

" Pinagkakaisahan kayo. Lower your pride, alam naming kailangan mo ng tulong namin, kailangan mo sila " masyadong malalim ang mga sinasabi niya

Para bang lahat ng nangyayari dito ay alam at nakikita nila

" Ayaw kong madamay kayo "

" You called us, malinaw na paghingi ng tulong ang ginawa mo. Wag mong pairalin ang pride mo Raven "

" Nabago na ang isip ko, ayaw ko ng pati kayo ay madamay pa. Mas malaking problema ang mangyayari kung pati kayo ay madadamay " pagmamatigas ko sa kaniya

" Ayaw naming makita kang wala ng buhay, pero hindi ka namin pipilitin. You know where to find us if you change your mind again " and by that tumayo na siya ang nagpaalam na aalis na

Kasabay naman ng pag alis niya ang pagbaba ni Azure galing sa kwarto niya

" Sino yung dumating Ven? " takang tanong niya ng wala siyang maabutang kasama ko sa living room

" Raizen "

I saw shock in his face

Lahat sila ay alam na naging issue ang pag alis namin ni Vlaize sa bahay na tinutuluyan namin noon para lumipat dito

Kaya hindi ako nagtataka kung bakit gulat siya ng malaman na galing dito si Rai

" Nga pala pauwi na daw sila Zayden at Xath, hintayin nalang natin para mapag usapan na yung gagawin sa burol nila Rye at Vlaize " pag iiba niya ng usapan

Binabagabag ako ng text na natanggap ko hanggang ngayon

Tatapusin na daw nila

Kung ganon ay uubusin na nila kami

Hindi ako natatakot para sa sarili ko kundi natatakot ako para sa mga kasama ko

Akala ko kakayanin naming lampasan 'to ng sama sama pero nagkamali pala ako


Load failed, please RETRY

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C26
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン

tip 段落コメント

段落コメント機能がWebに登場!任意の段落の上にマウスを移動し、アイコンをクリックしてコメントを追加します。

また、[設定]でいつでもオフ/オンにすることができます。

手に入れました