アプリをダウンロード
54.76% BABY YOU'RE MINE / Chapter 23: CHAPTER 22

章 23: CHAPTER 22

Hindi na napigilan nila Dhom at Wyatt si Billie sa biglaang pagbangon nito, maging sila ay nabigla narin kay Billie.

Naiiyak na napahawak si Billie sa matambok nitong tiyan, habang hinahaplos haplos ang tiyan nito. Sa sobrang galak ni Billie dahil hindi nawala sa kanya ang anak niya ay maslalo itong napahagulgol sa pag iyak dahilan para yakapin siya ni Dhom. Hindi matapos tapos si Billie sa pag iyak at hanggang sa pinahiga siya ni Dhom ay kita parin ang mga pagtulo ng mga luha nito at ayaw pakawalan ng dalawang kamay niya ang pagkakayakap sa tyan niya.

"Our baby is safe, thanks to you wife." Maikling saad ni Dhom habang pinupunasan ang mga mumunting luha ni Billie gamit ang hinlalaki niya, habang si Wyatt naman ay nanatiling tahimik sa isang tabi. Malungkot siyang napangiti. Oo masaya siya para kay Billie pero bigla siyang nalungkot nang muli niyang naalala ang kapatid nito. Siguro kung nabubuhay pa ito ay baka nagkakilala pa sila ni Billie. At isang luha ang kumawala sa mata ni Wyatt, pero mabilis niya itong pinahid at muling sinunot ang maskara nito kung saan kailangan niyang ngumiti.

Magsasalita pa sana siya pero pinigilan niya ang sarili nang makita ang napakagandang pangyayari kung saan, masayang nakangiti si Dhom habang nakaluhod sa mismong harapan ni Billie habang ang tenga nito ay nasa mismong tapat ng tiyan ni Billie na matambok na.

Mula sa kinauupuan ni Wyatt ay tahimik siyang nagdarasal, Oh God in heaven please send me the person who will love and cherish me. Kung nasa ibang bansa siya pasakayin mo siya sa eroplano. I badly need her now naiingit na ko Papa Jesus.

"Teka four months niya palang...hindi pa yan naninipa." Natatawang saad ni Billie kay Dhom nang sabihin nito kanina na may naramdaman daw siyang sipa kanina.

At habang sinasabi niya iyon ay para siyang isang bata na gulat na gulat, pero natawa nalang si Billie sa asawa nito. He even pouted his lips nang sinagot siya ni Billie, pero pilit niyang sinasabi na may naramdaman daw siyang sipa.

"Dhom...baka kalam lang ng sikmura ko yun..hahahaha.. nagugutom na kasi ako...ano pa nakikiliti ako." Sabi ni Billie kay Dhom dahil tinaniman ni Dhom ng mga mumunting halik ang bawat parte ng tiyan ni Billie dahilan para makiliti ito at humagikgik.

"What would you like to eat?" Si Wyatt na ang nagtanong dahil mukhang busy si Dhom sa paghalik sa tiyan ni Billie.

"Pizza with lots of cheese on top, corndog, egg sandwich tapos Chicken joy from Jollibee, basta bilhin mo lahat ng nasa menu ng Jollibee."

"Lahat...ilang biik ba ang nasa tiyan mo para lahat ng nasa menu ng jollibee gusto mong kainin."

Lalo namang napatawa si Billie sa sinabi ni Wyatt pero kay Dhom hindi siya natawa nang tawagin ni Wyatt na biik ang anak niya.

"Gusto mong mamatay Malcolm."

Agad naman tinampal ni Billie ang bunganga ni Dhom dahil sa pagmumura niya sa mismong harapan ng tiyan na baka daw kasi marinig ng anak niya yun at tulakan, baka lumaking palamura ang anak niya tulad nalang ni Dhom na sa bawat salita may badwords.

"Aray!" Reklamo ni Dhom kahit hindi naman masakit, nag inarte pang masakit maka points lang sa asawa nito.

"Ang sakit oh...baka mamaga yan mamayang gabi.....kiss mo kasi ako." Sabi ni Dhom sabay pout kay Billie, natawa naman si Wyatt sa ginawa ni Dhom.

"Wag ka ngang mag pout diyan Dhom di mo bagay, nagmumukha kang manyakis na kulang sa aruga." Natatawang saad ni Wyatt habang naglalakad palabas ng kwarto, nang marinig iyon ni Dhom ay agad niyang sinamaan ng tingin si Wyatt. Maslalo namang natawa si Billie kay Dhom.

"Pinagtatawanan mo ko sa halip na ipagtanggol mo ko...Wife alam mo bang masamang pagtawanan ang walang kalabanlaban.. because that's a serious crime."

"Oo na." Saad ni Billie. Nang masiguro ni Billie na nakalabas na si Wyatt ay agad niyang hinawakan sa magkabilang pisngi ni Dhom at matamis niya itong hinalikan, ofcourse Dhom didn't expect that kaya nabigla siya nang naramdaman niya ang malambot na labi ni Billie na lumapat sa labi niya. Then he felt fireworks exploding in different colors. Nang maghiwalay ang mga labi nila ay agad na napayaka si Billie kay Dhom.

"Thank you." Bulong ni Billie kay Dhom bago kumawala sa pagkakayakap. Mabilis na nagkulong si Billie sa loob ng kumot samantalang si Dhom naman ay nanatiling nakatulala sa puting pintura ng dingding.

Malakas na sinampal ni Dhom ang sariling pisngi dahil hindi siya makapaniwala na hinalikan siya ni Billie. Para siyang timang nang mag isa siyang napapangiti, umupo siya sa upuan na malapit lang sa kanya at kinuna ang isang unan ni Billie na hindi niya nagagamit at ginamit iyon para itakip sa mukha niya, tapos doon na nagsisigaw. Such a gay thing to do pero bakit bawal bang kiligin ang mga lalaki.

Nang sinabi ng doktor na maari nang makalabas ng Ospital si Billie ay agad siyang iniuwi ni Dhom sa mansion kung saan sila naninirahan. Nang makapasok si Billie at Dhom sa loob ay agad silang sinalubong ng mga katulong, dahil nang nalaman nilang naospital si Billie ay nag alala sila para kay Billie at sa bata. Lalo na si manang Ellen na araw araw na dumadalawa sa Ospital para tignan kung kumusta na si Billie at si Granny.

Pareho kasi silang na Ospital dahil sa kagagawan ni Callisto at ngayon ay pinapahanap siya ni Dhom, nagulat nalang sila na parang nawala si Callisto ng parang bula. Hinahanap siya ni Beatrix at chineck ang bawat record sa airport sakaling baka umalis ito ng bansa pero wala silang nakita. Maging si Jake rin ay hinahanap si Callisto nag aalala ito para sa kapatid niya may alitan man sila ng nakaraang linggo ay hindi ibig sabihin ay wala na siyang karapatan na mag alala para rito.

Nang nalaman ni Dhom na nawawala si Callisto ay nag alala ito dahil hindi niya alam kung hanggang saan ang kayang gawin ni Callisto o baka sa mismong oras na ito ay may masama siyang binabalak, agad napatayo si Dhom mula sa pagkakaupo niya at lumabas ng opisina nito. Nasa kompanya kasi siya at dahil sa sobrang pag aalala ay iniwan niya ang nakatambak na trabaho niya sa opisina na at tinawag si Hellion para siya na ang tumapos sa mga natitira niyang trabaho. Mabuti nalang at hindi busy si Hellion sa bar na pagmamay-ari niya kaya napapayag siya ni Dhom.

Agad na pinaandar ni Dhom ang sasakyan nito at dumiretcho pauwi sa mansion kung nasaan ang asawa niya.

Pero na-stock siya sa traffic kaya dahil sa pagmamadali niya para makauwi agad ay halos segu-segundo niyang pinagbubusinahan ang sasakyan na nasa harapan niya, hindi niya alam kung bakit ganito nalang ang pag aalalang nararamdaman niya. Dahil ligtas naman si Billie sa loob ng mansion may nagbabantay sa kanya at mahigpit ang seguridad sa mansyon niya.

Nang lumuwag na ang traffic ay agad siyang nagpaturo sa pagmamaneho hanggang sa makarating na siya sa mansyon. Hindi pa maayos ang pagkakapark ng sasakyan niya nang agad siyang lumabas ng sasakyan at nagmamadaling pumasok sa mansyon. Mabilis na hinanap ng mga mata niya si Billie pero wala siyang makita, naghanap rin siya sa kusina,sa sala, sa kwarto pero hindi niya mahanap si Billie. Maslalo siyang nag alala nang hindi niya rin mahanap si manang Ellen.

Lumabas siya at napatakbong lumapit sa isang gwardiya nang tanungin niya kung nasaan ang asawa nito, ay napailing nalang ang gwardiya sinabi niya rin kay Dhom na walang lumabas dahil mahigpit niyang pinag utos na huwag palabasin si Billie kahit anong mAngyari.

"F*ck.... Billie where are you!"

Sigaw ni Dhom nang muli siyang pumasok sa loob at umalingawngaw ang sigaw niya sa loob, dahilan para makaramdam ng takot ang mga katulong na nasa loob.

Napaupo si Dhom sa sofa at linuwagan ang necktie nito, mabilis niyang kinuha ang selpon niya sa loob ng bulsa niya at tinawagan ang numero ni Billie pero walang sumagot, sunod naman si Manang Ellen pero wala ring sumagot. Kaya hindi na nagdalawang isip si Dhom na tawagin si Beatrix at Wyatt. Pinaalam niya sa mga ito na nawawala si Billie, nataranta naman ang dalawa kaya sinabi nalang nila kay Dhom na tutulungan nila siyang maghanap at ipagpapaliban ang paghahanap kay Callisto dahil mas importante si Billie.

Magpapalit sana ng damit si Dhom nang agad siyang lumabas ng mansyon, he need to find his wife first.

Kung saan-saan na rin naghanap si Dhom pero kahit libutin niya ang buong village ay wala siyang nakita, at wala na rin siyang natanggap na balita sa dalawa. Halos gulong gulo na siya ni hindi siya makapag isip ng tama, kaya naiinis siyang napahawak sa ulo niya at ginulo ang buhok nito dahil sa frustration na nararamdaman niya.

Wife where are you...

Gabi na pero hindi parin nahahanap ni Dhom ang asawa nito, kaya bagsak ang balikat nitong pumasok ng mansyon pag pasok niya ay agad siyang sumadal sa railings ng hadgan para doon kumuha ng supporta, parang hinahati ang puso niya dahil hindi niya mahanap hanap ang asawa nito at wala narin siyang natatanggap na balita sa dalawa, siguro hindi rin nila mahanap si Billie.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C23
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン