アプリをダウンロード
18.18% EMBRACE OF WINTER / Chapter 6: Chapter 5

章 6: Chapter 5

Ibang iba..... ibang iba ang naiisip ko kumpara sa mga sinabi ni Tita.

Akala ko siya yung tipo ng tao na ayaw lang maarawan o sadyang takot lang siya sa sinag ng araw pero may mas malalim na dahilan pa pala.

Pagkatapos magkwento ni Tita ay hindi na ako nagbalak pa ulit na magsalita. Baka kung ano pa ang masabi ko na hindi magustuhan ni Tita Lyn.

Tahimik na kinain ko na lamang yung cheese cake sa aking harap. Hindi na rin kumibo si Tita at itunuloy na lang ang naudlot nitong pagkain.

Awkward.....

Maya maya pa ay may narinig akong sunod sunod na mga yabag. Napatingin ako sa hadgan at doon ko nakita si Brynthx na bumababa.

Ganon parin ang suot niya simula nang magkita kami kanina sa bahay. Nakasuot din siya ng face mask kahit nasa loob ito ng bahay.

Agad na natigilan ito sa paglakad nang makita na nasa kusina ako kaharap ang kanyang Ina. Nagtatakang napatingin naman siya kay Tita.

"Nag grocery ako. Baka may gusto kang kainin" sabi ni Titta habnag may malawak na ngiti sa labi.

Bumalik ulit ang saya nito na para bang wala kaming pinag usapan kanina.

Lumapit ito kay Tita at hinawakan ang laylayan ng damit ng Ina. Tinignan ko lamang silang dalawa. May binulong siyang kung ano kay Tita Lyn.

"Oo bumili ako" sagot naman ng kanyang Ina

Binuksan ni Tita yung ref at may kinuha don. Inilabas niya ang isang lalagyan ng ice cream at iniabot 'yon kay Brynthx.

Pinanood lang namin siya ni Tita na maglagay ng ice cream sa isang tasa. Luminga linga siya na para bang may hinahanap.

Kinuha ko sa lamesa yung isang kutsara na hindi namin nagamit at inabot 'yon sa kanya. Kukunin na sana niya yung kutsarang hawak ko pero nag alangan pa siya.

"It's okay son, you can trust her. Anak siya ng kaibigan ni Mommy" kumbinsi ni Tita sa kanyang anak at nilapitan ito.

Kahit na nag aalangan ay dahan dahan itong lumapit sakin at inabot ang aking hawak. Pagkatapos non ay umakyat na ulit siya ng hagdan at ang sunod na naming narinig ay ang pagsara ng pinto senyales na bumalik ito sa kanyang kwarto.

Napabuntong na naman si Tata Lyn bago ibalik sa ref yung lalagyan ng ice cream

"Ganyan siya lagi kapag may ibang tao na hindi malapit sa kanya." biglang saad ni Tita

Hindi na lang ako kumibo.

Tinulungan kong magligpit si Tita ng pinagkainan namin. Pagkatapos non ay nagpaalam na akong uuwi na samin dahil hindi ko alam kung anong oras na. Masyadong napasarap ang kwentuhan namin ni Tita Lyn.

"Bumisita ka ulit kapag may free time ka" bilin ni Tita

"Syempre naman po tutal magkatapat lang naman po tayo ng bahay" sabi ko at nagtawanan kami.

Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa ay umuwi na ako sa bahay. Dumiretso agad ako sa aking kwarto pagdating ko.

Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung anong nangyari kay Brynthx at bakit naging ganon ang epekto sa kanya. Ayoko namang itanong ng diretso kay Brynthx at baka isipan pa niyang nakikisawsaw ako sa buhay ng ibang tao.

Baka chismosa pa ang maging labas ko huhu. Pero gustong gusto ko talaga malaman eh. Ngayon lang ako masyadong nagkainterest sa buhay ng iba. To the point na gusto ko pang malaman kung anong nangyari sa past niya.

Pero hindi naman masamang magtanong minsan at lalong hindi naman masamang maging curious sa isang bagay.

"Ugggghhhhh!" naiinis na nagpagulong gulo ako sa kama. Bakit ba hindi 'yon mawala sa isip ko.

Ilang minuto akong tumitig sa puting kisame ng aking kwarto hangang sa may maisipan ako.

Dali dali akong sumilip sa bintana at tinanaw ang bahay nila. Bukas ang ilaw ng isang kwarto sa panglawang palapag ng bahay. Hindi ko alam kung kwarto ba 'yon ni Brynthx.

Tinanaw ko lang 'yon at umaasang bubukas ang bintana at----shit bumukas nga!

Nataranta naman agad ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Saglit akong nagpaikot ikot sa aking kwarto at tinanaw ulit ang katapat na bahay.

Hindi ko alam pero nakahinga ako ng maluwag nang makita na si Tita Lyn ang nagbukas ng kurtina ng bintana. At dahil don ay natanaw ko ng maiga ang loob ng kwarto ni Tita Lyn----

Holy shit!

Nandon din sa loob ng kwarto ni Brynthx!

Nakaupo ito sa swivel chair habang nakasuot ng headphone at naglalaro ng nitendo console. Kinausap siya ni Tita habang tinuturo yung bintana. Hindi ko marinig ang usapan nilang mag ina dahil sa distansiya namin pero may iilan akong naintindihan dahil sa buka ng bibig nila.

Lahat ng gamit sa loob ng kwarto ay kulay itim. Simula sa kama, swivel chair, lamp, study table, at cabinet ay kulay tim. Maski ang pinto ng kwarto nito ang kulay itim din.

Buti na lang at hindi kulay itim ang suot nitong damit.

Nagulat ako nang paglingon ni Tita Lyn ay nakita niya ako. Nagtama ang aming paningin. Nginitian niya ako at kumaway sakin. Hahihiyang ngumiti naman ako at kumaway pabalik.

Sumenyas ako kay Tita na kunwari ay may gagawin pa ako bago isara ang bintana ng aking kwarto.

"Hindi naman siguro nila iisipin na tinatanaw ko sila mula sa malayo" sabi ko sa aking sarili.

Nakakahiya!


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C6
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン