"GOOD MORNING to our beautiful model, Ms Mackenzie San Jose." Bungad ni Kent sa kanilang dalawa ni Giovanni at pabirong yumukod pa sa kanyang harapan at binigyan siya ng daan
Napatawa na lang siya sa ginawa nito at pumasok na sa cottage. Halos lahat ng kasamahan nila ay sinusundan siya ng tingin hanggang sa maka-upo siya sa upuang hinugot ni Giovanni
"Salamat, pagpapasalamat niya kay Giovanni at pina-upo ito sa kanyang tabi
"So; how's the enjoyment last night?" Pangungumusta ni Robbie sa kanilang lahat at paisa-isa silang tiningnan
"It's quite fun Sir!" Sagot ni Mandy na sinang-ayunan naman ng nakararami
"Really? How fun Ms Mackenzie?" Tanong ni Robbie sa kanya at kaagad siyang tiningnan
Natahimik ang lahat sa biglaang tanong ni Robbie kay Mackenzie, lahat ay inaabangan sa kung ano ang kanyang magiging sagot
Bakit naman kasi siya pa! Pwede namang si Giovanni, si Kent o hindi kaya ay si Elmer
Hindi kaya ay nakita sila nito ni Charles kagabi? O baka naman ay sinabi ng mga kasamahan niya ang nangyari
Kita ng kanyang dalawang mata kung paano ang mga ito nag-iwas ng tingin. Ang iba ay napapakamot pa sa ulo at ang iilan sa kanila ay mahinang napamura
"Gaano kasaya, Mackenzie?" Pag-uulit ni Robbie at tiningnan siya ng parang inuusisa siya
Letse! Dinaig niya pa ang isang estudyante na pinatayo dahil sa hindi nakasagot sa oral recitation.
"Ahm, masaya naman. Nag-aminan pa nga kami kagabi eh—" at tumawa ng nakakailang na ikinatango tango naman ni Robbie
"Sige na, kumain na tayo." Ani Robbie at inabutan siya ng plato
Tinanggap naman niya ito pero nagulat siya dahil may bigla na lang naglagay ng isang sandok ng kanin at tatlong kutsarang ulam
Nag-angat siya ng tingin at nakita niyang si Charles pala iyon. Nginitian lang siya nito at dinagdagan pa ang laman ng kanyang pinggan
"Ubusin mo 'yan. Ayokong nagugutom ka ng wala sa oras," anas nito na ikinabagsak ng kanyang panga
Hinanap ng kanyang mga mata si Giovanni pero senenyasan lang siya nito na kaya mo na 'yan
Walang hiya talaga itong manager niya atat na atat na maghiwalay na silang dalawa.
Tumango lang siya dito at tumalikod na para maghanap ng upuan. Halos okupado na naman ang lahat at wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tumayo habang kumakain
Napansin yata ni Charles na nakatayo siya sa gilid ay kaagad siya nitong tinawag at pinalapit. At dahil sa dakilang masunurin siyang babae ay wala sa sariling lumapit siya at kinunotan ito ng noo
"Bakit? Anong kailangan mo? Kung mang-aasar ka lang naman sa'kin ay huwag na lang—" at inirapan ito at tatalikod na sana ng bigla nitong hinawakan ang kanyang braso
"Wait, I just wanted you to sit in my seat Mackenzie. Bakit ba ang init ng dugo mo pagdating sa'king babae ka; para kang amazona." Nakangising pigil nito sa kanya at tumayo sa pagkakaupo
Tiningnan naman niya ang maluwag na espasyo at saka ibinaling ang tingin kay Charles
"Sure ka? Hindi na ba magbabago ang desisyon mo, baka kapag nangalay ka kakatayo diyan paaalisin mo 'ko—" anas niya at kaagad na inupo ang sarili sa inuupuan nito kanina
"Oh, come on. Everybody knows that I am a fucking handsome gentleman and that includes you," at kinindatan pa siya nito na ikinapula ng kanyang dalawang pisnge
Charles and his flowery mouth—
"Ewan ko sa'yong lalaki ka," may sinusupil na ngiting pagsusungit niya at ibinaling ang atensiyon sa pagkaing kinakain
NAKATINGIN sa isang life size mirror si Mackenzie habang inaayos ang upper black brassiere niya na medyo tabingi at hinigpitan ang pagkakatali niyon sa kanyang batok. Matapos nilang kumain kanina ay pinagpahinga muna sila ni Robbie ng limang minuto bago sumabak sa kani-kanilang trabaho
Grabe, kinabahan talaga siya kanina no'ng tinanong siya ni Robbie ang kanyang ex boyfriend kung anong ganap sa kanilang kasiyahan kagabi. Hindi na kasi ito nakisali sa kanila dahil gusto daw ng mga inaanak niya na maka-usap ang Papa nila
Oh yes, sa edad na twenty five ay ninang na siya. Ewan, pero sa lahat yata ng kakilala nito ay siya ang napili ni Robbie na maging isang ninang sa panganay nitong anak na si Mila
"Giovanni, what do you think. Okay lang ba sa'kin 'to?" At ihinarap ang katawan sa kanyang manager
Nag-angat naman ng tingin si Giovanni at hinagod siya mula ulo hanggang paa.
"My God Mackenzie, bakit ba napakasexy mo. Inggit ako sa'yo ghorl!" Nanggigil na tugon nito at tumayo sa pagkakaupo sa isang silya
Hindi niya maiwasang mapatawa
"Like duh! Giovanni, parang hindi mo pa ako nakikitang nagsusuot ng ganito. Just like—masanay ka na" medyo nakanganga pang sagot niya at nagflip hair sabay kuha ng manipis na di butones na duster
Naglakad siya na parang siya ang may-ari ng daan. Napakaganda talaga niya, kaya hindi na niya inisip pang halos lahat ng kalalakihan sa mundo ay hulog na hulog ang damdamin sa kanya
"What? Hindi ka ba sasama sa'kin. Tatayo ka na lang ba diyan? Halika na!" Tawag niya kay Giovanni at kinamayan ito
Kaagad namang kumilos ang kanyang manager at kinuha ang wayfarers shades niya at sunblock
"Pagdating do'n, sa mismong beach. Pahiran mo kaagad ako ng sunblock—ayokong masunog sa araw ang balat ko" maawtoridad niyang anas na ikinatango naman ni Giovanni
"Oo naman! Ako pa, manager mo na nga; instant P.A pa!" Himotok din nito at nakisabay sa kanya sa paglalakad
Parang nagslow motion ang lahat ng makalabas siya sa unit na tinutulugan. Ang kanyang buhok pati na din ang duster na suot ay kapwa tinatangay ng hangin, halos lahat yata ng atensiyon ng mga tao dito ay naagaw na niya
Kitang kita niya sa kanyang dalawang mata kung paano ibinaba nila Robbie at Charles ang sarili nilang shades. Parang mangha mangha itong nakita siya na nagsusuot ng ganoon.
Huminto si Mackenzie sa gitna ng daan at dahan-dahang hinubad ang manipis na duster. Saktong sakto na nakabilad siya sa araw, halos ang mga kasamahan nila ay nasisilawan balat niyang parang isang diyamante kung nabibilad sa araw
Kaagad namang kumilos si Giovanni at pinahiran na siya ng sunblock mula sa kanyang braso hanggang likod. Sinuot naman niya ang wayfarers shades na dala ni Giovanni at parang siya ang may-ari ng buong resort kung makatanaw sa sobrang napakagandang lugar
"Wait lang Mackenzie, naiihi ako—" nakikiliting huminto si Giovanni sa pagpapahid ng sunblock sa kanyang braso at kaagad na lang tumakbo papuntang palikuran
Hindi man lang siya nito hinintay kung anong magiging sagot niya kung papayagan niya ba ito o hindi. Pinulot niya ang sunblock na bigla na lang binitawan ni Giovanni at nagtungo sa isa sa mga empty stretchers na nakapuwesto sa gilid ng daan
Siya na mismo ang nagpahid ng sunblock sa kanyang braso, dibdib, at mga hita. Pero napatigil siya sa kanyang ginagawa ng hindi niya maabot ang kanyang likuran para pahiran iyon ng sunblock
Nagpalingon lingon siya
Alangan namang tumawag pa siya ng pangalan to do a freaking favor; much better kung hihintayin na lang niya si Giovanni dito.
Inilagay niya ang sunblock sa katabi nitong maliit na mesa na gawa sa matibay na kahoy at ihiniga ang sarili sa stretcher. Pwede naman sigurong umidlip hindi ba? Gigisingin naman siya ni Giovanni kung nandito na ito
"Bakit ba ang tagal mo Giovanni, napahid ko na lahat ang likod ko na lang ang hindi pa—" anas niya ng biglang dumilim sa direksyon niya
Kahit nakapikit siya at nakasuot ng shades ay alam niyang kararating lang ni Giovanni
"Lagyan mo ang likod ko," utos niya at kaagad na dumapa sa pagkakahiga
Nakapikit pa din siya habang pinapakiramdam kung anong susunod na gawin ni Giovanni
Ni hindi man lang ito sumagot sa reklamo niya kani-kanina lang
"Babaan mo ng kunti, diyan." Utos niya na kaagad naman nitong sinunod
Para siyang nagpapamasahe dahil ramdam na ramdam niya ang bawat haplos nito sa kanyang likuran. Damang dama niya ang kamay nitong lumalapat sa kanyang makinis na balat
Nagsalubong ang kilay ni Mackenzie ng maramdaman niyang ibang-iba ito kung magpahid ng sunblock. Kilalang kilala niya ang mga haplos ni Giovanni, isa lang ang hinala niya. This is not her manager!
Napadilat siya ng wala sa oras at biglang itinukod ang dalawang kamay sa gilid ng magkabilang stretcher at padaskol na tiningnan ang taong sinuwerte kung sino man iyon
Kaagad niyang ibinaba ang shades hanggang ilong at halos lumabas na ang kanyang mga mata dahil si Charles pala ang nagpahid ng sunblock sa kanyang likuran
"Ikaw na naman!" At tinampal ang braso nito
"Oh, bakit?! Sino bang inaasahan mo. Si Giovanni?" Nakangising tanong nito sa kanya at mas lalong inilapit ang mukha sa kanyang mukha
Halos maglapat na ang kanilang mga labi dahil sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha sa isa't-isa
"Nilapitan kita kasi magsisimula na tayo. Pero bigla ka na lang nagreklamo bakit ang tagal niya, inutusan mo pa akong magpahid ng sunblock sa likod mo" nakangiting aso na dagdag pa nito
"Bwesit ka! Alam mo namang si Giovanni ang tinutukoy ko! At saka umalis ka na nga dito; nakakainis!" Aniya at tumayo sa pagkaka-upo sa stretcher
Padaskol siyang naglakad papalayo sa lalaki at hindi man lang ito tiningnan hanggang sa marealized niya na—
Bakit ako ang aalis? Hindi ba dapat siya? Ang tanga mo talaga Mackenzie!
Unti-unti niyang nilingon si Charles na ngayon ay naka-upo sa stretcher na kinahihigaan niya kanina habang ang mga mata nito ay puno ng paghanga
"Hoy Charles! Ba't ako ang aalis, hindi ba dapat ay ikaw kasi ikaw ang pinaalis ko!" Sigaw niya na ikinatingin ng mga tao sa kanya maging ang kanilang kasamahan na abala sa pagsasa-ayos ng mga kagamitan
Napapailing na tumayo si Charles at nilapitan siya
"Iyon na nga ang pinagtataka ko eh, nabigla na lang ako na ikaw na ang kusang naglakad papalayo sa'kin—" tugon nito at nilampasan siya