NAPAPIKIT ng mariin si Mackenzie ng maramdaman niyang parang may humimas himas sa kanyang ulo na parang isa siyang alagang pusa. May paminsan minsan na sinusuklay suklay nito ang kanyang buhok at hinalik halikan ang kanyang sentido
"Babe, wake up." Bulong nito sa kaliwang tenga niya at niyugyog pa ang kanyang dalawang balikat
Hindi niya mapigilang magpakawala ng ungol
Naramdaman niyang bahagyang natigilan si Charles sa ginawang paggising sa kanya at dahan-dahang sinilip ang kanyang mukha kung gising na ba siya. Siya naman ay napatingin din dito—halos magkadikit na ang kanilang mga labi dahil sa sobrang lapit ng kanilang mukha
Halos maduling na siya kakatitig sa mala almond shape nitong kulay kayumangging mga mata
Siya na mismo ang nagbawi ng tingin at tumayo sa pagkakaupo
Tinulungan naman siya ni Charles at hindi nakatakas sa kanya ang paghawak nito sa kanyang bewang. Hindi naman siya malisyosa, pero bakit parang iba ang nararamdaman niya sa mga pasimpleng hawak nito sa kanya
Hindi kaya ay nalunod na siya sa emosyong pinaramdam sa kanya ni Charles ngayon ngayon lang?
Siya na mismo ang nagbukas ng pintuan sa van at naunang lumabas; ang kanilang mga kasamahan ay nandoon na sa cottage at naghahanda para sa kanilang mga kakainin
Halos mapatalon siya sa gulat ng may biglang isang jacket na pumulupot sa kanyang bewang
"You should wear jeans not skirts, alam mo bang aksidenteng nakita ko 'yun kanina pagbuksan mo ng pintuan ha? Ano bang pinakain sa'yo ni Giovanni at bakit ka niya hinahayaang magsuot ng mga ganyang damit." Napapailing na anas ni Charles at inilingkis ang matipunong braso nito sa kanyang bewang
"Hoy, ano ba! Bumitaw ka nga!" Mahinang sigaw niya at pasimpleng tinampal ang braso nito
"I'm so sorry Mackenzie but I can't let you do that. Nakikita mo ba ang mga lalaking 'yan? Halos hubaran ka na nila sa mga tinging ipinupukol nila sa'yo, gusto mo bang mabastos ka?" Bulalas nito na ikinatikom ng kanyang bibig
Tama nga naman si Charles, kung palagi na lang na siya ang masusunod baka ano pang masamang mangyari sa kanya
Hindi niya maiwasang pamulahan ng mga pisnge. Alright! Charleston is better than Giovanni—bakit pa kasi gumawa pa siya ng fake relationship sa manager niya. Kunting landi lang dito kay Charles ay mukhang bibigay na ito
But she can't do that! Maldita lang siya pero hindi siya malandi, hindi siya mang-aagaw.
"Mabuti naman at nandito na kayo—" bungad sa kanila ni Robbie na kumakain sa harap ng mesa na nakakamay pa
"Medyo natagalan kami kasi hinanap pa namin kung nasaan kayo," palusot niya at pasimpleng tinanggal ang brasong nakapulupot sa kanya ni Charles
Pero mas lalo lang nitong hinigpitan pa ang pagkakalingkis sa kanyang bewang. May paminsan minsan na pinipisil nito ang kanyang tagiliran
Lihim siyang napamura
Gusto ba nitong ipakita sa kanilang lahat na hindi karapat dapat si Giovanni sa kanya? Ano ba ang gustong iparating ni Charles sa kanya
Ramdam niyang tiningnan siya ni Giovanni. Pinandilatan niya ito ng mga mata senyales na humihingi siya ng tulong pero nginisihan lang siya nito at inilingan
Gusto ba nitong mahuli sila sa akto na hindi nga totoo ang kanilang relasyon? Walang hiya ka talaga Giovanni!
"Let's eat," singit ni Robbie at nagsimula ng kumain na nakakamay pa din
Ganoon din naman ang mga kasamahan nila. Nakakakamay maging si Giovanni na malayo ng ilang distansiya sa kanya, magkatabi pa din silang dalawa ni Charles at kapwa naghihimay ng hipon
"Oh ito, kainin mo 'yan." Bigay nito sa kanya ng tatlong hipon na nakapatong sa gitna ng umuusok pa na kanin
Wala siyang karahasan sa pagkain gamit ang mga kamay, nasanay kasi siyang kumain na gumamit ng kutsara at tinidor sa kanilang bahay hanggang sa bumukod na siya
Pinagmasdan niya ang mga kasamahan; magana itong kumain at abala sa paghihimay, pagbabalat at kung ano-ano pa ang dapat na gawin sa mga pagkaing galing sa dagat. Pasimple niyang tiningnan si Charles at ganoon din ito, magana din itong kumain kagaya ng mga kasamahan sila
Hindi niya maiwasang mapalunok
Wala na bang ibang makakain, kundi hipon, isda at alimango? May allergy kasi siya sa hipon at kapag kumain siya ay paniguradong mamaga ang kanyang balat at mangangati. Sa isda naman, ay ayaw din niya; natatakot kasi siyang bumara ang iilang tinik nito sa kanyang lalamunan
Naranasan na niya 'yun eh. No'ng bata pa siya—kain siya ng kain no'n dahil gutom na siya at hindi na nagawang paghimayan pa ng kanyang mga magulang. No'ng una ay sarap na sarap pa siya, subo siya ng subo. Hindi niya pala napansin na nakain niya ang tinik ng isda, ayon nabulunan siya at todo iyak siya no'n dahil bumara na talaga sa lalamunan niya. Sumasabit pa mismo sa loob ang matulis na tinik ng isda
Akala niya ay mamamatay na siya no'n kaya dinaan niya lang sa pag-inom ng tubig. Mukhang sinuswerte naman siya dahil bigla na lang nawala ang tinik
"Mackenzie, ba't 'di ka pa kumain?" Napalingon lahat ang kanyang kasamahan sa kanya ng bigla siyang mapansin ni Robbie
"Ah, w-wala. A-ano kasi—" naikuyom niya na lang ang kanyang dalawang kamao at pilit na hinahalukay ang isipan kung saan siya hahanap ng magandang rason para makapag reason out
"Sir Robbie, allergic po ang girlfriend ko sa hipon. Nangangati siya sa tuwing makakakain siya niyan at masusugat ang kanyang balat. Ayaw niya din sa isda dahil natatakot siyang mabulunan ulit" pagpapaliwanag ni Giovanni at nilapitan siya
Natigil ang lahat sa ginawang pagsubo, halos nakatingin na sa kanya lahat ang mga staff.
Ayaw niyang isipin ng mga ito na maarte siya at nagpapansin lang
"I'm so sorry Mackenzie, I don't know that you have this allergy when it comes to seafoods! I'm so sorry my dear—" pakinig niyang sabi ni Charles at kinuha ang mga hipon sa kanin niyang hindi pa nagagalaw
"It's okay Charles, ang importante ay hindi niya pa nakain ang mga 'yan." Sagot naman ni Giovanni at dinala na siya sa magiging room niya
NAUPO sa kama si Mackenzie habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng magsisilbing kwarto niya. Refreshing ang dating dahil gawa sa kawayan ang kwarto at malayang nakakapasok ang hangin sa loob; may bintana din naman at tanging puting kurtina lang ang nagsisilbing tabing sa bintana.
"God! Mackenzie! Mabuti na lang talaga at hindi mo kinain ang mga seafoods na 'yun," eksaheradong panimula ni Giovanni at umupo sa tabi niya
"Tumigil ka nga sa kakadada mo diyan Giovanni! Hindi mo ba alam na masama ang tingin sa'yo ni Charles kanina, hindi mo kasi pinapanindigan ang pagiging boyfriend mo sa'kin" putol niya dito na ikinagulat nito ng husto
"Aba—may tinatagong kasamaan pala iyang si Charles ah! Sige nga anong sabi niya tungkol sa'kin?" At umayos pa ito ng pagkaka-upo sa kama
"Wala naman siyang madaming sinabi tungkol sa'yo eh, basta ang natatandaan ko ay bakit mo daw ako hinahayaang magsuot ng mga ganitong damit. And you know what Giovanni—he accidentally saw it!" Sabay sabunot sa buhok nito
Napaigik naman si Giovanni at hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa buhok nito. Nanggigil siya sa sobrang hiya na nararamdaman
Ano kayang nakita ni Charles? Hindi pa naman siya nagsuot ng short shorts hindi naman kasi niya aakalain na masisilipan siya
"Teyka nga! Masakit 'yung sabunot mo sa'king bruha ka ah?! Ano ba kasi ang nakita niya!" Pagmamaktol nito at tinampal ang braso niya
Bumalik na naman sa ala-ala niya ang sinabi ni Charles
You should wear jeans not skirts, alam mo bang aksidenteng nakita ko 'yun kanina pagbukas mo ng pintuan ha?
Itinago niya ang kanyang maliit na mukha sa kanyang dalawang palad, nakakahiya 'yun.
"Ano ba kasing nakita niya Mackenzie! At parang nahihiya ka pang magsabi sa'kin!" Irap nito sa kanya
"Nakita niya 'yung ano ako!" Sigaw niya na inihahampas pa ang dalawang paa sa sahig
"Anong ano?!" Tugon na naman nito at kinunotan siya ng noo
Hindi siya sumagot sa halip ay tinitigan lang ito na ikinakurap kurap naman ng ilang beses ni Giovanni
"My God! Totoo ka ba? Nakita nga niya—hala!" At tinulak pa siya nito na muntikan na niyang ikinahulog sa gilid ng kama
"Nakita nga niya! Nakakahiya 'yun Giovanni. Alam mo bang wala na akong mukhang maihaharap sa kanya; paniguradong iinisin na naman ako no'n bukas" nakasimangot niyang tugon at ihiniga ang sarili sa kama
Comfortable naman ang pang-isahang kama at sobrang lambot niyon. Parang anumang oras na hihiga siya dito ay makakatulog siya
"Mukhang hindi naman ghorl, hindi mo ba alam kung paano ka niya binantayan kanina. Parang siya 'yung real boyfriend mo ta's ako parang rebound mo lang." Ani Giovanni
Hindi siya sumagot dahil abala siya kakatingala sa ceiling
Nagagandahan talaga siya sa room niya although it's simple. Parang gusto na niyang tumira dito at huwag ng bumalik sa Manila
"Labas lang ako Mackenzie ah, sasabihan ko lang sila na nagpapahinga ka" at hindi na siya hinintay na makasagot pa
Pagkalabas na pagkalabas ni Giovanni ay ipinikit niya ang mga mata at dinama ang hangin na tumatama sa kanyang katawan. Ilang saglit lang ay kinain na siya ng antok—