アプリをダウンロード
48.07% All About Her (Tagalog) / Chapter 25: Who

章 25: Who

Hindi ako mapakali, palakad lakad lang ako sa sala. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko.

Dapat ko ba syang sundan? Pero ano ang sasabihin ko? Ugh! Naiinis na ako sa sarili ko.

Napagdesisyonan ko na makipagkita kay tita Daniella, kailangan ko ng makakausap. Tinawagan nya ako kanina at sinabi na inagaw daw ni Jared ang cellphone nya nung marinig na ako ng kausap.

Mabilis akong nakarating sa opisina ni tita Daniella.

"Kay Mrs. Montefalcon po?" Tanong ko sa receptionist nya. Mahigpit daw kasi ang seguridad nila dito.

"May appointment po ba kayo?" Magalang na tanong nito.

"W-Wala eh, pero alam nyang pupunta ako." Lumingon lingon pa ako sa paligid baka kasi magkasalisihan kami ni tita.

"Ano po ang pangalan nila?" Saglit syang tumingin sa computer.

"Elaisa."

"I'm sorry ma'am pero wala po kayo sa appointment ni Madam ngayon. Mabuti po magpaschedule muna kayo ng appointment sa secretary nya." Mahabang paliwanag nya. Sumakit ang ulo ko bigla.

"Miss, pwede ba tawagan mo sya? Kilala nya ako." Pagpupumilit ko. Nag iba naman ang expression ng mukha nya.

"Ma'am 'wag na po kayong mapilit. Baka ipakaladkad ko pa kayo sa mga guard!" Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi naman ako nanggugulo pero bakit nya ako ipapakaladkad?

"Pakisabi naman na--" Hindi na nya ako pinatapos pa.

"Guard! Guard! Pakilabas nga 'tong babae na 'to!"

Kinabahan ako ng sumigaw sya, ang dami ng nakatingin sa akin ngayon. Maya-maya may dalawang guard na humawak sa magkabilang braso ko.

"Miss sumama na lang kay sa amin ng tahimik." Bulong sa akin nung gwardya.

"Anong kaguluhan 'to?" Yung boses nya 'yun. Kaagad akong lumingon sa kanya.

"May nagpupumilit po kasing makita si Madam eh wala naman syang appointment." Sumbong nung receptionist.

"Jewel." Gulat na napalingon sya sa akin.

"Ate! OMG! Bitawan nyo sya! She's my sister in law!" Umalingawngaw sa loob ang boses ni Jewel, natahimik ang lahat.

Kaagad naman akong binitawan ng mga guard. Medyo mahigpit din 'yung paghawak nila.

"Salamat Jewel." Nilingon ko 'yung receptionist, gulat na gulat sya.

"Ikaw, ikaw, at ikaw!" Turo ni Jewel sa receptionist at dalawang guard. "Magtutuos tayo mamaya." Hinawakan nya ako sa kamay bago hinila papasok sa elevator.

"I'm so sorry, Ate! Nakakainis talaga 'yung mga 'yun! Look at you, tumaba ka ate." Niyakap nya ako sa loob ng elevator. Namiss ko rin ang kakulitan nya.

Pagpasok namin sa office ni tita agad nya akong niyakap.

"I'm sorry." Sabi nya, pati tuloy ako naiiyak na.

"Wala po kayong kasalanan, mabuti na rin po at nalaman ni Jared." Pinaupo nila ako dahil namumutla na daw ako.

"Ano na ang plano nyo?" Tanong ni Jewel.

Hindi ko na napigilang umiyak. "I-Iiwan na po ako ni Jared. Kasalanan ko."

"Tahan na, Elaisa. Kakausapin ko sya."

"A-Ako po. Ako po ang nagsabi na lumayo na sya sa akin. Kinain po ako ng takot, tita. Hindi ko na po alam ang gagawin ko." Niyakap lang ako ni tita at Jewel, hindi na sila nagsalita pa.

"Kailanga kayong pareho ng bata, Elaisa. Pasensya na pero hindi ako makakapayag na lumaki ang apo ko na hindi buo ang pamilya nya." Tumayo si tita saglit at may tinawagan.

"No! You can't do this! Wait for me!" Napalingon kaming dalawa ni Jewel kay tita ng magsimula syang sumigaw. Kinabahan ako. "Let's go! Nasa airport na si Jared! Paalis na sya."

Dali-dali kaming lumabas ng office at dumiretso sa kotse. Ang bilis ng tibok ng puso ko kasabay ng sakit ng ulo ko, resulta siguro 'to ng mga gabing wala akong tulog.

Lord, tulungo Nyo po ako. Wag Nyo munang paalisin si Jared. Kailangan sya ng anak ko, kailangan ko sya.

Halos 20 minutes na kaming nasa traffic at mukhang magtatagal pa. Hindi na ako mapakali, paano kung nakaalis na sya? Sinubukan kong tawagan si Jared pero nangriring lang.

Maya-maya lang ang narating na namin ang airport, kaagad akong tumakbo, hindi ko na pinansin ang pagsigaw nila tita. Lumingon-lingon ako sa paligid, pero wala sya.

[For all the passenger going to America, we'll leave in 10 minutes.]

Shocks! Nasaan na ba sya? Hindi naman ako pwedeng magsisigaw dito dahil napakaraming tao, bakit ba ngayon pa sila nakisabay? Nakakainis.

Hindi ko na alintana ang sakit ng ulo ko pati ang hilo. Hindi nya kami pwedeng iwan.

Nauubusan na ako ng pag-asa, 5minutes na ang nakalipas simula ng dumating ako sa airport. Nakasakay na kaya sya? Nanlulumo akong napaupo sa waiting area.

"Nakaalis na ata si kuya." Naupo si Jewel sa tabi ko. Tumagon ako, siguro nga nakaalis na sya.

"What are you guys doing here?" Sabay kaming napatingala ni Jewel. Sa nakita ko, para akong nabuhayan ng dugo. Kaagad akong tumayo at niyakap ng mahigpit si Nathaniel, namiss ko sya ng sobra.

"Kuya Nat! We're looking for kuya Jared, aalis kasi sya ng bansa!" Natatarantang sigaw ni Jewel.

"Calm down, Jewel."

"Anong ginagawa mo dito Nathaniel?" Ang alam ko kasi ay sa Pilipinas lang ang business nila.

"A-Ano. Kasi may binisita ako sa ibang bansa." Sagot nito habang kumakamot sa ulo.

"Ganun ba?" Yun na lang ang nasabi ko. May kakaiba.

"Kuya Nat! Hanapin na natin si kuya."

Nag ikot-ikot ulit kami sa airport. Napapagod na nga ako at para ng bibigay 'yung tuhod ko.

"Okay ka lang?" Hinawakan ni Nathaniel ang bewang ko.

"Oo, medyo napapagod lang ako." Sa totoo lang nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko na alam kung makikita ko pa ba sya.

Medyo nagtataka ako kay Nathaniel, kung kami ni Jewel kaliwa't kanan ang paghahanap, siya naman ay diretso lang ang tingin. Mabilis akong makapuna ng tao kaya alam kong may tinatago sya sa akin.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya. "Ano ang totoo, Nathaniel?"

Halatang hindi nya inaasahan ang tanong ko dahil natigilan sya. Para syang hindi mapakali.

"A-Ah kasi E-Elaisa. Nakaalis na si Jared."

Napahawak ako dibdib ko, para akong hindi makahinga. Totoo ba ang sinabi nya? Alam kong maaaring hindi ko na sya maabutan pero hindi ko akalain na ganito pala kasakit.

"I'm sorry Elaisa." Hinawakan nya ako sa braso pero tinabig ko 'yun. Tinignan ko sya ng masama.

"Bakit... hindi mo sinabi sa akin? B-Bakit pinaasa mo ako?" Hindi ko inalis ang tingin sa kanya.

"Nakiusap sya sa akin na samahan ka." Sagot ni Nathaniel.

"Bakit hindi mo sinabi kaagad sa akin? Edi sana naabutan ko sya! Mahal na mahal ko sya Nathaniel." Napaupo na ako sa sahig, wala na akong pakialam sa makakakita sa akin. "Kailangan sya ng anak ko, mas kailangan ko sya."

"Sorry, Elaisa. Ang sabi nya sa akin nasasaktan ka lang daw kapag nakikita mo sya kaya napagdesisyonan nyang umalis na lang, para sayo. Susustentohan nya ang anak nyo."

"Hindi pera nya ang kailangan ko, sya! Sya ang kailangan ko." Alam kong hindi dapat ako magalit kay Nathaniel dahil ilang beses nya na akong tinulungan.

"Ate, wag ka ng umiyak." Umupo si Jewel sa harap ko. "O-OMG Ate! You're bleeding!"

Napatingin ako sa pagitan ng hita ko, at ayun nga dinudugo na ako. Lalo akong napaiyak. "T-Tulong." Bigla na lang nagdilim ang paningin ko.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako dahil parang nakita ko si Jared.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C25
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン