アプリをダウンロード
88% My Lovely Ghost / Chapter 22: Chapter 21

章 22: Chapter 21

CAMILLE'S POV

Dumaan ang maraming araw at sa mga araw na yun ay tanging pag practice lang ng kanta ni ethan ang ginawa namin...minsan ay nag ba-bonding kami sa pamamagitan ng pag luluto...sa lahat ng araw na dumaan puro saya ang aming nadarama...

Ngayon ay umaga at bumangon ako sa aking higaan "Goodmorning sunshine!!"sigaw ko habang nakataas pa ang dalawang kamay

Masaya akong tumayo at nag ayos ng aking higaan, maski pag punta sa banyo upang mag hilamos ay nakangiti ako...pakiramdam ko ang sigla-sigla ko ngayon hehe

Pumunta ako sa may kusina at saka kumuha ng bowl at saka nilagyan yon ng gatas saka corn flakes

Pumunta ako sa may lamesa at saka nag simulang kumain ngunit...ang kaninang sigla ko ay tila nag laho...dahil napatingin ako sa kalendaryong nakapatong sa lamesa

"Bukas na pala..."bulong ko sa sarili ko, bigla nalang ako nakaramdam ng pang hihina at biglang nag init ang aking mga mata

"Ashley.."sambit ko habang ang aking mga mata ay lumuluha na...

'Inaamin ko...napamahal na sa akin si ashley kahit pa noon ay kaaway ang tingin ko sakanya...hindi ko kayang mawala sya..hindi ko kayang masaktan si ethan..'

Nawalan na ako ng ganang kumain kaya naman pumunta na ako ng banyo upang maligo

'Kailangan kong makausap si ashley..'

ASHLEY'S POV

tapos na kaming kumain ni ethan nang dumating si calliofer

"Ethan? Pwede ko bang makausap si ashley?"tanong ni calli habang nakatingin kay ethan

"Sure thing"nakangiting sagot ni ethan kaya naman inaya na ako ni calli palabas

Pag kalabas namin ay nag punta kami sa hindi kalayuan sa bahay

"Ashley bukas na yung sinabi mo noon sakin na araw"nakayukong sambit ni calli

Tanging ngiti ang nasagot ko sakanya"Ashley! Hindi ko kaya!"niyakap nya ako saka sya umiyak"Ayoko! Hindi pwede!"ramdam na ramdam ko ang pag tulo ng mga luha nya sa balikat ko

"Yun na yung nakatakda calli"nakangiting sagot ko

"No! Ayoko! Hindi ko kaya!"paulit-ulit na sigaw nya habang nakayakap pa rin sakin

"Look calli"kinalas ko sya sa pag kakayakap"kailangan mong kayanin"nakangiti ko sambit ngunit umiling sya"kailangan mong kayanin kasi sainyo n-nalang a-ako nag titiwala"bigla akong nang hina at naramdam ang pagbagsak ng aking mga luha"k-kailangan nyo syang alagaan.."nakangiti man ngunit mabilis na bumabagsak ang aking mga luha"calli kailangan nyong maging matatag.."gamit ang aking daliri ay pinunasan ko ang kanyang mga luha

"No..hindi ko kaya"tumungo nyang sambit"baka sumunod nalang ako sayo pag nawala ka.."sagot nya pa muli habang nakayuko pa rin kaya naman nagulat ako

"No! Hindi ka pwedeng sumunod sakin"sagot ko sakanya

Bigla syang tumingala at ngumiti ng mapait sakin"may pupuntahan tayo"sambit nya saka ako hinatak

=Meanwhile=

Nilibot ko ang paningin ko at dinala ako ni calli sa pamilyar na lugar

Nakita ko ang isang pigura ng babae na nakatalikod samin

"De layla!"sigaw ni calli sakanya

Nakangiti naman syang lumingon samin"Oh! Mag kaibigan na kayo ulit? Kala ko ba calliofer ayaw mo na sya makita? Kala ko ba kinamumuhiaan mo sya? Dahil iniwan ka nya?"nakangising sambit nya

Napatingin naman ako kay calli at kitang kita sa mga mata nya ang galit at inis"Hindi totoo yan! Kahit kailan hindi ko kinamuhian si shadow! Kahit kailan hindi ako nag tanim ng galit para sakanya! Matagal ko na syang hinahanap! Simula nung iniwan nya ako"parang nang hina yung tuhod ko sa huling katagang sinabi ni calli

'Im sorry'

"Oh well mukhang hindi ko na kayo malilinlang, so anong kailangan nyo?"sambit ni de layla habang nakangisi pa rin

"Paano mawawala ang sumpa kay ethan?"kalmadong tanong ni calli kay de layla na kinagulat naman nya

"Oh wait? Pati ba ikaw ayaw syang mawala? Oh calliofer how poor you, ayaw mong mawala yung basta-basta nalang nang iwan sayo?"pang iinsulto pa nito kay calli kaya naman nayukom ko ang kamao ko

"I said it twice! I don't f*cking care kung iniwan nya ako! Sya lang ang pamilya ko kaya ayaw ko syang mawala!"sigaw naman ni calli na nakapag paramdam sakin ng guilt

'F*ck bakit ko ba sya iniwan?'

"Oh my poor calli pamilya ba ang tawag sa nang iiwan ng walang dahilan?"pagkasabi ni de layla non ay sinugod ko sya ngunit na unahan nya ako! Pagsugod ko sakanya ay tumalsik ako at nilapitan nya ako at hinawakan"maybe mas malakas ka sakin noon pero hindi na ngayon"sa pag hawak nya sakin ay para akong nang hihina

'Sh*t hindi pa pwede!'

Pahina na ako ng pahina nung nakita kong tumalsik si de layla! Kaya naman tinignan ko ang gumawa non at hindi ako makapaniwala si calli? Ginawa yon?

"Ikaw dapat ang mawala!"sigaw ni calli saka hinawakan si de layla ngunit hindi nakitaan ng takot si de layla imbis ay ngumisi pa sya

"Go ahead! Puksain mo ako! Ang tanging paraan lang naman para mawala ang sumpa kay ethan ay dapat mawala si shadow!"sa sinabi nyang yon ay parang nang hina ang mga tuhod ko at ganon rin ang nangyari kay calli dahil nabitawan nya agad ito

"No! Sigurado akong meron pang iba!"sigaw pa ni calli

Hahawakan na nya sana muli si de layla ngunit "calli stop! Wala na tayong magagawa kahit pa puksain natin sya!"sigaw ko sakanya kaya naman binitawan sya ni calli

"Pero ashley!"sagot nya pa

"Stop! Lets go"mahinahon na sambit ko saka ako nag lakad patalikod

=Meanwhile=

Bago kami nakauwi ni calli sa bahay ay kinausap ko muna sya

"Calli...bukas na.."hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil eto nanaman ang luhang nag babadyang bumagsak

Napahinto rin sa pag lalakad si calli at lumingon sakin, kitang kita ko sa mga mata nya ang iiyak nanaman sya"ashley hindi ba pwedeng bigay ko muna sayo yung lakas ko? Baka naman umabot ka pa hanggang sa isa pang bukas?"suhestiyon nya kahit na iiyak na sya

"Kahit pa anong gawin natin calli..someday or maybe tomorrow im going to be an ash"nakangiti sambit ko habang ang mga luha kong kanina ko pag pinipigilan ay tuluyan nang bumagsak

"Bukas ay may papagawa ako sayo kung sakaling bukas na talaga.."sambit ko pa muli sakanya at saka pinaliwanag ang gagawin nya

CAMILLE'S POV

Nandito ako ngayon sa bahay nila ashley at ang tanging nasabi lang sakin ni ashley nung nakasalubong ko sya ay wag ko muna raw iiwan si ethan hangga't wala pa sya kaya naman ginawa ko ang makakaya ko upang hindi mainip si ethan

"Aish! Apaka tagal naman nila! Umabot na ng gabi!"nakabusangot na sambit ni ethan

"Baka naman may ginawa lang! Ikaw naman araw-araw mo na ngang kasama si ashley! Baka nag bonding lang sila ni calliofer"paliwanag ko sakanya dahil kanina pa sya nag bibigay ng oras at kapag raw hindi pa rin dumating ay sya na mismo ang lalabas upang mag hanap

"10 minutes nalang talaga! Lalabas na ako at hahanapin sya!"sigaw nya pa muli

"Aish! Ethan kumalma ka nga!"naiinis na rin na sambit ko dahil sinabi rin sakin ni ashley na wag papalabasin si ethan!

Lumipas ang 10 minutes at walang ashley ang nag pakita kaya naman tumayo na ang magaling na ethan "hoy ethan! Saan ka pupunta?"siga ko sakanya ngunit pag bukas nya ng pintuan ay tumambad sakanya si ashley at calli

"Ash!"sigaw ni ethan saka niyakap si ashley

'Sa totoo lang? Wala pala akong gusto kay ethan HAHAHA wala pala akong feelings para sakanya kase look hindi naman ako nasasaktan maybe gusto ko lang talaga sya makaclose'

"Anong problema?"tanong agad ni ashley

"Namiss ka lang nya kalma"sagot ko sakanya

"Baket ba kase ang tagal mo hmp!"parang batang sambit ni ethan

'Aish arte'

"Eh nag bonding rin kami ni calli eh.."sagot ni ashley at saka kumamot pa sa ulo nya

"Tara na kumain na tayo"aya ni ethan

"Mauna na kayo ni calli kakausapin ko lang sandali si camille"nakangiting sagot ni ashley kaya naman wala nang nagawa si ethan kaya naman sumunod nalang sila ni calli

"Ashley..."nag init agad ang gilid ng mata ko kahit wala pa syang sinasabi

ASHLEY'S POV

Natapos ko nang kausapin si camille at tama nga ang hinala ko aalis pa dapat si ethan hay! Pasaway

Ngayon ay nasa kwarto na kami ni ethan dahil umuwi na rin sila camille at calli

"Hindi ka pa ba matutulog?"tanong ko kay ethan

"May inaantay pa ako"sagot nya habang nakatingin sa orasan

'Inaantay nya ang birthday nya aish'

"Okay matutulog na ako ha"paalam ko kunwari

"Huh? Hindi mo ako sasamahan mag antay?"tanong nya pa

"Hindi na kaya mo na yan"sagot ko sakanya at dahil natatawa ako ay tumalikod ako

"Kfine ikaw bahal--AYAN NA!! YEHOOO!"sigaw nya pa kaya naman tumingin ako sakanya

"Anong meron?"tanong sakanya at kitang kita sakanyang naiinis sya! HAHAHAHA

"Bahala ka nga! Hmp!"sagot nya sakin saka humiga at nag talukbong ng kumot, narinig ko namang parang may humihikbi?

Kaya naman dali dali akong pumasok sa kumot at makikita sa mata nya na umiiyak sya pero naiinis!! HAHHAHA

"Pfft! Bakit ka umiiyak?"nagpipigil na tawang tanong ko

"Bahala ka! Hmp!"sambit nya saka umalis sa kumot at tumayo

Kaya naman bago sya makalayo ay hinabol kona sya at niyakap sa likod

"Happy Birthday baby"bulong ko sakanya at kitang kita naman sakanya ang pamumula nya tss bading!

Humarap sya sakin saka ako niyakap"kala ko makakalimutan mo na! Hmp!"bulong nya habang may hikbi

"Pffft! Wait? Ano nga ba ulit yung sinabi mo non?"natatawang tanong ko sakanya "yun lang pala, wala akong pakialam kung hindi mo alam yung birthday o nalimutan mo, basta ang akin ay mahal mo ako"pang gagaya ko pa sa sinabi nya

"Aish! Pinaalala ko na kase sayo!"sagot nya lang at saka ako niyakap ng maigi

"Tara na nga matulog na tayo"aya ko sakanya

"Mahal kita"bulong nya

"Salamat"nakangiting sagot ko sakanya at kitang kita ang pag babago ng ekpresiyon ng mukha nya"salamat sa pag mamahal...mahal rin kita"bawi ko kaya naman tumango sya saka kami nahiga...

'Parang ayoko nang dumating ang kinabukasan...parang gusto ko nalang na ganto kami?'

=KINABUKASAN=

ETHAN'S POV

Nagising na ako at tama ang inaasahan ko wala nanaman si ashley sa tabi ko pero babaliwalain ko ba ulit to? O mag tatanong muna ako? Siguro bukas pag nang yari ulit to mag tatanong na ako

Umidlip pa muna muli ako upang hindi mapansin ni ashley na nagising ako...

Maya-maya lang ay narinig ko nang may nag luluto sa may kusina kaya naman ay tumayo na ako

Nung ako'y makarating na sa likod ni ashley habang nag gigisa sya ay narinig kong humikbi sya

"Umiyak ka ba?"agad na tanong ko sakanya

"Nandyan kana pala"nakangiti nyang bati ngunit kita sa mata nya na galing sya sa iyak

"Tinatanong kita"seryosong sagot ko sakanya

"Ahmm..kasi yung sibuyas? Naghiwa ako kanina..nakakaiyak pala yon?"sambit nya habang medyo natawa pa

"Sibuyas?"agad naman akong tumingin sa niluluto nya at tama nga may sibuyas ang ginigisa nya

"Oo"sagot nya saka bumalik sa ginagawa

Pinanood ko lang sya sa ginagawa nya ay umupo nalang ako sa upuan na malapit sa lamesa

'Ang ganda nya talaga kahit saang anggulo hehe'

Natapos na syang mag luto at inilapag na nya ang pag kain sa harap ko

"Kain na birthday boy"sambit nya saka umupo na rin

"Mukhang masarap ah!"sagot ko sakanya habang tinitignan ang mga pagkaing niluto nya

"Para sayo eh"sagot nya sabay kindat

Nagsimula na kaming kumain at habang kumakain ay bigla syang nag salita

"Pwede ba tayong umalis mamaya?"tanong nya sakin

"Saan naman pupunta?"tanong ko sakanya

"Ce-celebrate natin yung birthday mo"nakangiting sagot nya

"Sure"nakangiti kong sagot sakanya

"May hinanda na rin akong susuot natin"masiglang sagot nya kaya naman ngumiti nalang ako sakanya

'Ang cute nya!'

Habang patuloy kami sa pagkain ay may kumatok tatayo na sana ako kaso naunahan ako ni ashley

"Hello ash!"sigaw agad ni camille pagbukas ng pinto at saka nag tuloy hanggang lamesa, may dala syang gitara?

"Hoy! Walang practice ngayon! Birthday ko! Aalis kami ni ashley!"inunahan ko na si camille baka mamaya hindi pa matuloy ang pag alis namin ni ashley eh

"Tangek! Alam ko yon! Itong gitarang to, regalo ko sayo no!"pagkasabit nya non ay nanlaki agad ang mata ko

"Talaga?!"napatayong tanong ko dahil sobrang tagal ko nang gustong magkagitara nang hihiram lang kasi ako noon sa kapitbahay namin kaya lang ako natuto

"Oo naman!"sigaw nya at yayakap na sana ako sakanya ngunit umiwas sya"kung ikaw ayaw mo nang mabuhay, ako gusto ko pa"sambit nya sabay tingin kay ash na ngayon ay masama ang tingin sakin kaya naman nag peace sign nalang ako hehe

"Ashley! Sama ako sainyo ha!"nakangiting sambit ni camille

"Date namin yon!"sigaw ko sakanya

"Ano naman!"sigaw rin ni camille

"Tama na nga yan"kalmadong sambit ni ashley kaya naman tumahimik na kami"sasama sila camille at calli"sambit nya habang nakatingin kay camille kaya naman nakita ko ang pagngiti ni camille

'Date namin yon eh! Badtrip'

"At ikaw"sambit ni ashley sabay tingin sakin"maligo kana at magbihis para makaalis tayo ng maaga, si camille nalang mag aalay sakin ng damit"sambit nya pa

"Okay! Hmp!"sagot saka ako tumayo at nag martsa papuntang kwarto

ASHLEY'S POV

Habang inaantay namin ni camille si ethan matapos mag bihis ay natapos na rin ni camille ang pag susunog ng damit at aaminin ko ang ganda!

"Apaka ganda mo ash"nakangiting bati ni camille sakin kaya naman napangiti nalang ako dahil ang itsura ko lang naman ngayon ay nakasuot ng uniform na maikli at may konting kolorete sa mukha at sa nakaladlad ang mahaba kong buhok

Nadinig naman namin ang pag bukas ng pinto kaya naman sabay kaming tumingin sa lalaking lumabas ng pintuan"eto ba talaga dapat ang suo--"reklamo nya habang inaayos ang suit na suot nya ngunit natigilan sya sa pagsasalita nung makita ako"Ang ganda"bulong nya

'Apaka gwapo ng lalaking to'

Nakangiti naman akong lumapit sakanya at inayos ang necktie nya"Ang gwapo mo"bulong ko sakanya

"Ang ganda mo"pang gagaya nya sakin

"Bagay tayo"nakangiting sambit ko sakanya

"Wait, ash? Bakit ka nakauniform? At si ethan naman ay nakasuit?"takang tanong ni camille

"Ahmm..oo ikaw ren may damit na dyan mag bihis kana rin"nakangiting sagot ko sakanya

Agad namang pumasok si camille sa kwarto kaya naman tinignan ko muli si ethan at inayos ang gusot sa damit nya

"Kailangan ba talagang ganto ang suot ko?"takang tanong ni ethan

"Ayaw mo ba?"malungkot na tanong ko sakanya

"Syempre gusto"nakangiting sagot nya

"Yun naman pala eh"

"Syempre gusto...kita"sambit nya sabay kindat sakin at kasabay naman nun ang pag labas ni camille sa kwarto, isang simpleng dress na white ang hinanda ko sakanya

"Beautiful"nakangiting sambit ko

'Bagay na sila ni ethan'

"Teka? Bakit ganyan suot nya? Dapat ikaw ang ganyan ang suot ash!"angal ni ethan

'Para nga kayo na ang bagay kung sakaling mawala na ako..'

"Okay nako dito sa uniform"nakangiting sagot ko sakanya"bagay naman tayo diba? Kahit anong suot natin?"nakangiting sambit ko

'Pero mas bagay kayo..pareho kayong tao..'

"Aish sige na nga! Tara na"sambit ni ethan saka ako hinawakan

=Meanwhile=

Nakarating na kami nila ethan sa isang park na nirentahan nila camille at calli para saming apat, meron na rin itong dekorasyon at iba pa..kahit kaming apat lang marami rin ang pag kain

'Tatawagan ko sana ang kaibigan ni ethan kaso baka matakot samin ni calli kaya naman wag nalang'

"Wow! Ginawa nyong lahat to?"tanong ni ethan kaya naman tumango nalang kami at laking gulat ko nung yumakap sya sakin"thankyou"bulong nya kaya naman tinapik ko nalang ang likod nya

"Welcome"sagot ko sakanya

"Tara naa!! Mag party na tayo!"sigaw ni camille kaya naman napatingin ako sakanya

"Tara na?"tanong ko sakanya

"Tara"sagot nya saka ako hinatak kay camille

"Mag wa-watergun tayo ha!"sigaw pa muli ni camille kaya naman lahat kami ay nagkuhaan ng kanya-kanyang baril

Nagsimula nang mag basaan kaya naman nag simula na rin kaming mag takbuhan

'Nag tatawanan'

'Nag haharutan'

'Nag tatakbuhan'

'At higit sa lahat ay Nag kakasiyahan'

'Mga ala-alang babaunin ko sa pagalis ko'

Natigilan ako sa pag tingin sa kanila nung basain nila ako

"Tama na yan! Sayang tubig mo kung nakatulala ka lang!"sigaw ni camille kaya naman nakitakbo at nakibasa na rin ako sa kanila

Maya maya lang ay napagod na kaming lahat kaya naman nag-upuan muna kami

"Ang saya!"kahit hingal ay nagawa pa ring sumigaw ni camille

Maya maya lang ay nag-ayaan nang kumain ang lahat

Habang kumakain ay biglang nag salita si ethan"Ang sarap ng pagkain! Sino nag luto?"tanong nya habang may laman ang bibig nya

"Order yan no! Duhh"masungit na sagot naman ni camille kaya naman natawa kami

Para kaming mga basang sisiw na kumakain

Matapos naming kumain ay nag ayaan na kumain ng cake ngunit sa hindi sinasadyang pang yayari ay nalagyan ko si ethan ng icing sa mukha kaya naman nag peace sign nalang ako

"Anong itsura yan ethan? Pfft! Ang panget!"sigaw ni camille habang tumatawa

"Ah panget? Oh ayan sayo"sambit ni ethan saka inihilamos kay camille yung cake kaya naman natawa ako"hindi pwedeng tatawa ka nalang dyan, ikaw nag simula neto"sambit nya habang nakatingin sakin saka nya ako nilagyan din ng icing kaya naman si calli ay nag simula nang tumayo upang tumakbo ngunit nahuli sya ni ethan kaya naman hinabol sya

Habang nag tatakbuhan ay maririnig ang kanya kanyang sigaw

"Wahhhh ethan ano ba!"

"Eto sayo!"

"Calli andyan na ako!"

"Ayan sayo!"

"BWAHAHAHA ang papanget nyo!"

"Ah panget?"

"Sugurin si ethan!"

"Wahhhh birthday koooo!!"

"Ano naman!"

Maririnig samin ang mga sigawan na yan at nung mapagod muli ay nag pahinga na kami

'Hapon na..malapit na ang oras..'

Matapos ang konting tawanan ay nag linis na kami ng aming mga mukha at buti nalang konti lang sa aming mga damit..

Nung kaming lahat ay nag linis na ay nagulat si calli nung bigla ko syang yakapin

"Thankyou so much iloveyou.."yun palang ang sinabi ko ay tumulo na agad ang luha nya

"Ashley.."sambit saka kinagat ang labi

"Yung pangako mo ha"nakangiti kong sagot sakanya kahit sa loob ko ay para na akong dinudurog

"Ashley"tanging yun lang ang nasasabi nya dahil nauunahan na agad sya ng luha nya

"Okay lang ako"sagot ko saka sya muling niyakap"iloveyou so much sister!"sigaw ko sakanya kaya naman lalo syang humagulgol

"I-iloveyou t-too"utal na sambit saka humagulgol muli

"Shh don't cry"humiwalay ako sakanya saka pinunasan ang luha nya"punta muna ako kay camille ikaw muna bahala kay ethan"paalam ko kaya naman tumango sya at pinunasan ang luha nya

Nung makalapit ako kay camille ay niyakap ko agad sya"maraming salamat sa maikling oras ng pagkakaibigan"bulong ko sakanya hindi ko pa man nakikita ang mukha nya ay humikbi na sya

"Ash.."kagat labi nya ring sambit nung mag hiwalay kami

"Yung sinabi ko ha"nakangiti ko sambit ngunit tumulo ang aking mga luha"Ano ba to! Ang lakas naman ng hangin nakakapuhing!"palusot ko saka pinunasan ang luha ko

"Ashley marami ding salamat sayo"matapos nyang sabihin yon ay humagulgol na sya

"Paalam camille..ingatan mo si ethan ha?pag hindi sige ka mumultuhin kita ulit"biro ko saka ko muli pinunasan ang luha ko at saka sya muling niyakap"iloveyou ghorl"sambit ko saka natawa

"Iloveyoutoo ghorl"sambit nya saka natawa rin dahil ngayon lang kami nag sabihan ng ganto

Nginitian ko sya saka pumunta kay ethan na kasama ni calli ngayon

"Ethan?"tawag ko sakanya kaya naman lumingon sya agad

"Hmm?"masigla syang lumapit sakin

"Pwede ba k-kitang maka-makausap?"pumiyok na tanong ko

"Huh? S-sure.."nag-aalangan man pero sumama sya sakin sa pag lalakad hanggang sa napunta na kami sa may beanch

"Ano yon?"nakangiti nya pa ring tanong

"Ethan..paalam na"nakayukong sambit ko

"Huh? Teka? Ano?"sunod-sunod na sambit nya

"Mawawala na ako"deretsong sambit ko saka ako tumingin sa mga mata nya kaya biglang nag init ang gilid ng aking mga mata

"Wait..hindi ko magets, prank ba to?, kase kung prank to..hindi to nakakatuwa"umiling ako sakanya at sa pag-iling na yon ay bumagsak ang aking mga luha"Paano? Diba kanina, ayos naman? Okay tayo? Masaya tayo? Diba?"nag pipigil na luhang tanong nya"sabihin mo naman ashley kasi diba? Ayos naman tayo?"sa pag kakataong to ay bumagsak na ang mga luha nya

'Sh*t please! Wag kang umiyak!'

"Ash? Ano? Prank to diba?"humagulgol na sya

"No ethan, it's true..mawawala na talaga ako.."naluluhang sagot ko sakanya

"P-paano?"sunod-sunod na luha ang lumalabas sakanyang mga mata

"Wala nang takot sakin.."nakayukong sambit ko

"Wala? Ano ako?"bigla syang tumayo kaya naman napatayo na rin ako"Takot ako! Takot na takot!"humagulgol na sya habang nakatingin sakin"takot akong mawala ka.."bulong nya saka tumalikod sakin

"Ethan hindi mo ako naiintindihan!"sigaw ko sakanya upang mabawasan ang bigat na nararamdaman ko

"Edi ipaintindi mo!"sigaw nya rin at saka humarap sakin

"Hindi ko kaya.." bulong ko

Narinig ko syang nagmura kaya yumuko nalang ako"saka hindi totoo yang nararamdaman mo.."sambit ko saka tumingin sakanya kaya naman tumingin rin sya sakin"sumpa lang yan! Kaya madali mo akong makakalimutan!"sigaw ko sakanya kaya naman sunod-sunod ang pagbagsak ng aking mga luha

"What?!"kahit umiiyak ay makikitaan ng inis si ethan"The first day I saw you, is the first day that I fell in love with you, I don't how it starts it's just I felt in my heart"ang mga salita nyang yon ay lalong nagpaiyak sakin hindi dahil sa sakit kundi dahil sa tuwa"So anong sinasabi mong sumpa?"tanong nya pa saka pinunasan ang mga luha

'Atleast nalaman kong mahal nya talaga ako'

"Papaliwanag sayo nila camille mamaya.."tumulo ang mga luha ko nung makaramdam ako ng sakit"Ackk!"bulong ko at buti nalang hindi narinig ni ethan

"Ethan..oras na.."tumulo ang mga luha ko nung tumalikod sya

"Pag umalis ka..wala kanang babalikan" sambit nya sakin ngunit napangiti nalang ako ng mapait

"Hindi na ako makakabalik.." tanging nasagot ko

Kaya naman tumakbo ako palapit sakanya at niyakap sya sa likod "I'm sorry baby if i can't stay by your side"tumulo ang mga luha ko at niyakap pa sya ng mahigpit "Im sorry kung mawawala ako ng ganito nalang..sorry baby"humihikbing sambit ko

Lalong tumindi ang sakit na nararamdaman ko kaya naman napayukom nalang ako

'Hindi ko pwedeng sabihin sakanya ang nararamdaman ko, mag-aalala lang sya..'

Habang nakayakap ako sakanya 'eto na..'naramdaman ko na ang unti-unti kong pagiging abo..

"Salamat sa lahat ethan..mahal na mahal kita..pasensya na kung hindi ako tumagal sa piling mo...sana mapatawad mo ako"sambit ko pa rin habang nakatalikod sya

"Iloveyou no matter what happen.."bulong ko sakanya"untill we meet again baby.."huling katagang sinabi ko bago ako tuluyang mawala


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C22
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン