(Weeks before i meet that guy...)
ASHLEY'S POV
Kilala ako sa baranggay pinili bilang blackshadow ngunit ang totoo kong pangalan ay ashley
Kilala rin ang baranggay pinili dahil sa pananakot ko, dahil bawat taong darating dito ay sinusundan ko at ginagambala ang pananatili nila dito
Lagi akong naka-abang sa may arko ng baranggay pinili para bawat makikita kong dayo lamang ay susundan ko upang malaman kung anong pakay nila sa baranggay na inaalagaan ko...
Ngayon ay nakaupo ako sa may itaas ng arko at nakikita ko na ang isang van na bago sa aking paningin kaya naman ramdam kona agad na dayo ang mga ito
Nung malapit na sila sa arko mabilis akong bumaba upang makapasok sa van nila
"Sabi nila pag nakapasok kana daw dyan sa arkong yan ay papasok na rin ang blackshadow sa van natin"dinig kong sabi nung isang babae at kitang kita sakanya na natatakot sya
'Hindi pa kayo nakakapasok sa arko ay nakapasok nako sa van nyo anuba'
"Paano kung pag pasok dito ng blackshadow ay patayin nya tayo? Wahh ayoko pang mamatay"sambit muli nung babaeng nag salita kanina
'Chill hindi ako pumapatay ng tao,nananakot lang talaga ako hehe'
"Ano ba aliza! Tumigil kana nga sa kakaisip mo dyan sa blackshadow ba yan! Hindi naman daw totoo yan sabi ng mommy ko! Naniniwala ka sa mga ganyang kwento eh pang bata naman yan!"sigaw sakanya nung kasama nyang babae
'Ahh kwentong bata pala ah'
Tinignan ko ang harapan nila at hindi pa rin pala sila pumapasok sa arko,dali dali akong bumaba sa van nila at pumunta sa likuran at dahan dahan kong tinulak ang van nila
Alam kong mahirap yon para sakin dahil babae ako pero ewan ko simula nung naging kaluluwa na ako ay para na akong may super powers
Dinig ko naman sa loob ang sigawan nila"Ano ba manong driver! Sabi ko naman sayo na wag muna tayong pumasok sa arko!"sigaw nung babae kanina
"Eh maam hindi ko naman po pinasok yung van eh saka po nakapatay po yung makina natin kaya kahit ano pong gawin natin ay hindi tayo aandar"paliwanag nung driver
Nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata nung mga babae "Ku--ku--kung ganon? Bakit tayo umandar?"utal utal na sambit nung aliza yata
Napabungisngis naman ako dahil yung kaninang babaeng nag mamatapang ay hindi na nag sasalita"Sino nandyan?"sambit nung nag mamatapang na babae kaya naman na gulat ako
'Naririnig nya ko?'
"Huy ano ba abby! Wag ka ngang manakot"sigaw sakanya nung aliza
"Ali hindi ako nananakot,may narinig akong bumungisngis"sabi nya at parang nanginginig na yata yung kamay nya dahil nakikita ko sa hawak nyang cellphone
'Kung ganon ay naririnig mo nga ako,mas madali ko kayong matatakot kung ganon'
Napangsi ako sa aking iniisip,pumasok akong muli sa loob ng van at sa pag kakataong ito ay nandoon ako sa pinaka likod kung saan walang nakaupo at may iilan lang magamit
"Kung ganon ay naririnig mo ako abby?"tanong ko don sa babae pero pareho silang lumingon
'Malas nyo naman dalawa pa kayong nakakarinig sakin,baka pag kamalan kayo ng driver nyo na baliw kayong dalawa'
Binilang ko silang lahat doon at apat sila
'Si abby saka si aliza tapos yung driver saka katulong yata yon?'
"Who the hell are you?!"sigaw ni abby sakin kaya naman lalo akong napangisi
"So tama nga ako naririnig mo ako or should i say naririnig nyoko tama ba aliza"tanong ko dun sa duwag na babae
"Wh--wh--who a--ree--are youuu"nanginginig na boses ni aliza"sa--sa--saka ba-ba-bakit mo a-alam pangalan namin??"tanong nanaman nya na sobrang putla na nya
"Kilala ko na kayo noon pa man aliza"pag sisinungaling ko kaya naman nanlaki lalo ang mga mata nya
'Ang saya netooo'
"Please tell us,who are you?"tanong nya nanaman
'Baka pag sinabi ko sayo kung sino ako mag tatakbo ka palabas ng van na to'
Natawa ako sa sarili ko iniisip,ayoko pang mag pakilala sa kanila gusto ko munang mag tagal ang natatakot nilang mga mukha
"Hey! I said who the hell are you?!"sigaw nanaman ni abby kaya naman lalo akong natutuwa
'Nakakaaliw naman kayong magalit'
"Kalma lang,bakit nga pala kayo huminto dito? Wala naba kayong gas?"tanong ko sakanila at nakita ko naman ang pag-irap ni abby
"Duhh kami mawawalan ng gas? Fulltank yata yung van namen"maarteng sabi ni abby
Lumabas ako ng van at nakakita ako ng isang walang laman na timba,hindi ko alam kung saan nang galing ang mga yon pero okay na ren sakin hehe
Dali dali kong nilagay ang kanilang gasolina sa timba upang maubos at tinignan ko naman ang kanilang compartment at may nakalagay na mga extra na gasolina kaya naman kinuha ko rin yon at nilagay sa isang lugar na puro dahon upang hindi nila makita, saka ako bumalik sa loob
"Fulltank? Parang hindi naman"nang aasar na tono ko kay abby
"Excuse me? Manong driver puno pa yung gas natin diba?"tanong ni abby kaya naman tinignan ng driver ang nakalagay at halos lumuwa ang mga mata nito sa sobrang gulat
"Maam wala na po tayong gas"nakayukong sabi nung driver kaya lalo akong natawa
"What?! Pero kakapagas lang natin kanina diba?"tanong nya at tumayo pa sya upang tignan nga kung wala talagang gas,tumango lang ang driver sakanya at yumuko muli
"Abby diba meron pa tayong extra? Sa likod?"tanong naman ni aliza
"Oo nga pala manong meron pa tayo don sa likod pakicheck na nga ho"sabi ni abby
Lumabas ang matanda sa van at binuksan ang compartment
"Maam wala na rin po dito yung mga extra" sabi naman ng matanda kaya naman natutuwa lalo ako sa mukha ni abby dahil sobra na syang naiinis
"What the hell? Saan napunta ang mga yon?"sigaw ni abby
"Pano na yan abby? Pano kayo aalis?"nang aasar na tono ko sakanya
"Asan kaba ha? Bakit hindi ka mag pakita?" Sigaw nanaman nya
"Baka abby pag nag pakita ako sayo,mahimatay ka dyan"tanong ko kaya naman kitang kita ko sakanya na kinilabutan sya
"Miss aliza? Miss abby? Sino po ba yung kausap nyo? Sigurado naman pong hindi kami ang kausap nyo diba?"tanong nung babaeng katulong nila
"Oo nga! Sino ka nga ba?!"sigaw ni abby saka ni aliza
"Ako? Sige tapatan nyoko ng ilaw"nakangising sambit ko sa dalawa,bukas naman ang ilaw sa van pero dun lang sa unahan
Binuksan ni abby ang flashlight ng cellphone nya"eto na may ilaw na kami"sigaw nya at tiĺa ba nangangapa
"Itapat mo dito sa likod"sambit ko at dahan dahang tinapat ni abby ang flashlight nya "Ako"nung saktong nakatapat na sakin ang ilaw ay nanlaki ang mga mata nila"Si Blackshadow"pag kasambit ko non ay pumitik ako at saka namatay lahat ng ilaw nila pati na rin sa labas