Jariza's POV'
"OKAY!!! Break muna tayo girls! Good job!" pagpapahinto sa amin ng choreographer namin. Malapit na kasi kami mag-comeback so we need to practice everyday.
Nandito ako ngayon sa practice room kasama ng mga ka-group mates ko. Our girl group is composed of 6 members. And I'm the face of our group.
"Ngayon ang recording ni Euwan diba?" Rein. One of my groupmates. Our lead vocalist.
"Yep! I'm sure mas mataas na naman ang rating ng episode ng showdown ngayon because of him." Shasha added. Our lead dancer.
"Eh sya lang naman ang nagpapataas ng mga rating ng shows dito sa BlackLabel eh." Lei. Our maknae (youngest).
"Super cute nya sana kaso sobrang cold naman. Ni hindi namamansin. Ilang beses na natin syang nakakasalubong dito sa loob ng BlackLabel pero ni isang 'Hi' hindi man lang niya magawa." said Tria while doing her ponytail. Our lead rapper.
"Tama na nga yan, girls. We should focus on rehearsing. Malapit na ang comeback natin. If we want to be great like Euwan Lee, we should start working hard for it. " Iris. Our Leader. Obviously.
While me? Eto tahimik lang na nakaupo sa sulok. Well, I'm the loudest usually but if Euwan is the topic, I automatically keeps my mouth shut.
Tumabi sakin si Rein (pronounced as 'Re-yin'), my closest group mate coz she's my cousin.
"Hey couz, naka-silent mode ka na naman dyan. Dahil ba si Euwan ang topic? " Yeah. And she's the only one who knows that he is my crush.
"Alam mo naman nagtatanong ka pa. " pagsusungit ko. She knows me a lot dahil sabay kami lumaki. Kaya sanay narin sya sa ugali ko na may pagkamasungit.
"Sabi ko nga eh! Galet na galet ka gurl?" sabay inom sa hawak nyang bottled water.
"Is it starting already?" Tanong ko. I really wanna go and watch him T.T Kanina ko pa nga hinihintay na i-dismiss kami ng manager namin eh. Kanina pa kaya kaming umaga dito. It's almost lunch na! ><
"What? Euwan's recording? Siguro hindi pa. Narinig ko kasi kanina sa mga staff na after lunch pa sila mag iistart mag recording."
"I see." I left a deep sigh. Buti nalang hindi pa sila nagsisimula -,-
"You wanna go? Sasamahan kita!" excited niyang aya sa akin. Excited much? Crush mo din? -_-
"Sure. Basta ikaw magpaalam sa manager natin ah?" sabi ko naman.
"Yun lang pala eh! No problem couz!" tuwang tuwa naman sya. Tss kahit kailan talaga etong si Rein. Sobrang hyper. -_-
"2 mins more and we'll start again. Get ready!" sigaw sa amin ng choreographer.
Nagtayuan na kami mula sa kanya-kanyang puwesto at nagsimula nang mag-inat inat for the next set of practice.
Set of BL's Showdown,
3rd Person's POV'
After ng kanilang lunch break, dumating na si Euwan kasama ang manager na si Cleeone sa set ng recording. Sinalubong naman sila agad ng director ng show at nag dire-diretso na sa backstage.
"Kahit kailan talaga walang makakatalo sa punctuality nitong si Euwan noh, Manager Kim?" pagpuri ng director kay Euwan na nakaupo na sa harap ng salamin at inaayusan na ng mga makeup artist nito.
"Ofcourse, Director Seo! He learned it from me." sabay wink ni Cleeone sa director.
Lumapit ang director kay Euwan habang inaayusan ito.
"I expect na na-inform ka na about sa changes na ginawa namin sa performance mo. Isang song nalang ang kailangan mong i-perform dahil may isisingit daw na commercial after that." pagpapaalala nya dito.
"Yeah I know direk." maikling tugon ni Euwan.
"Okay then. We will start for about.... " sabay tingin sa wrist watch nito ".. 20 mins. Just relax, okay?" Sabay tapik niya sa balikat ni Euwan. Tumango naman ito sa kanya. "I'll go ahead. " paalam niya sa manager nito.
"Yes, later nalang direk." - Cleeone
At tuluyan na itong lumabas sa silid.
"You good, Euwan? You want anything? Snack or juice... " pag aalok ni Cleeone sa alaga.
"Just water." maikling tugon ni Euwan.
"Okay then, I'll go and get your water." lumabas ng silid si Cleeone upang bumili ng bottled water sa cafeteria na nasa loob lamang ng building ng BlackLabel.
Pagpasok nya doon, tiyempo namang makakasalubong niya ang mag bestfriend na kapwa member ng isang girl group from the same entertainment.
"Ayy hello po manager Kim!" Bati ni Rein sa kanya.
"Hello girls! Glad to see you here! Madalang na tayong hindi nagkikita dito ahh haha!" Masayang tugon ni Cleeone sa dalawa.
"Oo nga po eh. Sobrang tight po yata kasi ng schedule ni Euwan kaya hindi rin po kayo makapag lagi dito sa BlackLabel." - Rein.
"Oo nga eh. Lagi pang out of the country kaya talagang madalang nalang ako makapasok. Oh Jariza! How are you?" bati niya kay Jariza na tahimik lang sa tabi ng pinsan.
"H-Hello po, m-manager Kim! Nice to meet you again po! " alangang bati nya dito.
"What? Manager Kim? Hahaha! Don't you call me that! You can still call me ate Cley." Lumapit ito sa tenga ni Jariza at may binulong. "Hindi naman porket break na kayo ng brother ko, it does not mean we are not close too." at sabay wink nito sa kanilang dalawa. "Did you had your lunch?"
"Ahh opo. Actually, manonood din po sana kami ng recording ni Euwan." sabi ni Rein. Hinampas naman sya ng patago ng pinsan na hiyang-hiya sa sinabi nya.
"Oh really?! That's nice! Wait, I'll just buy Euwan bottled water and we'll go there together? Okay?" nginitian niya ang mga ito at bumili na sa Cafeteria.
Hinintay naman sya ng dalawa sa labas nito.
"Ano ka ba Rein! Di ka ba nahihiya?! Manager yan ni Euwan oh! Baka sabihin niya kay Euwan mga fangirls niya tayo!" naiinis na reklamo ni Jariza kay Rein.
"Alam mo couz, kung ako lang, walang problema eh. Pero ikaw kasi, more than idol na ang tingin mo kay Euwan. Baka nakakalimutan mo, kapatid din ng EX mo ang manager mismo ni Euwan. Kaya kung ako sayo, wag ka nalang magpahalata na crush na crush mo si sya, okay?" payo sa kanya ng pinsan.
"Hmp! Ewan ko sayo!" pagsusungit nya dito.
Lumabas na sa Cafeteria si Cleeone dala ang biniling bottled water.
"Tara na girls? " aya nito sa kanila.
"Tara na po!" Excited na sabi ni Rein sabay hatak sa braso ng pinsan.
Pagdating nila sa set, nagpaalam na sa kanila si Cleeone at dumiretso na sa backstage kung nasaan si Euwan. Naupo naman ang mag pinsan sa bleachers ng studio kasama ang iba pang manonood din ng recording.
Maya-maya pa ay lumabas na sa backstage si Euwan kasama ang mga backup dancers nito.
Nagpalakpakan ang mga audience na nandoon ganun din ang magpinsan. Halos tunawin naman ni Jariza sa titig si Euwan.
"Get ready!!" Umalingawngaw na sigaw ng direktor.
Umakyat at pumuwesto na ang grupo ni Euwan sa entablado.
Ang lahat ng naroroon sa set ay tutok na tutok sa kanila maging ang mga ilaw na nagsisilbing background effects ng stage.
"Ready!!! Stanby!! In 3... 2..... 1..... CUE!!!"
At nagsimula nang umalingawngaw sa loob ng set ang kanta ni Euwan.
Halos 5 minuto lang ang itinagal ng recording nila.
Matapos itong i-cut ng director ng show, nag bow si Euwan sa harap ng entablado ganun din sa mga backup dancers nya bilang pasasalamat sa kanila.
Matapos nito ay agad na siyang bumaba sa stage. Sinalubong naman siya ng kanyang manager kasama ang magpinsan na Rein at ang masugid nyang tagahanga ngunit palihim na si Jariza.
Iniabot ng manager ang bottled water sa kanya na agad naman niyang ininom.
"Nice one, Euwan! Looking good at stage huh?" pagpuri sa kanya ng manager.
"Congrats Euwan! Ang cool mo talaga kapag nasa stage ka na! " pagpuri din ni Rein dito.
"Thanks." plain lang na sagot nito sa kanila.
Napatingin naman si Euwan kay Jariza na hindi umiimik at naka iwas lang ng tingin sa kanya. Napangisi nalang si Euwan at naglakad na papunta sa dressing room.
"Ah sige girls! Mauna na kami. Salamat sa pag support kay Euwan ah! Don't worry I will invite him to watch your recording too sa comeback nyo."
"Wow! Thank you po manager Kim!" tuwang-tuwa naman si Rein.
"Bye Rein, bye Jariza!" paalam ni Cleeone sa kanila.
Kumaway at ngumiti lang si Jariza dito habang si Rein naman ay malapad ang ngiti na kumaway sa kanya.
"Bye po manager Kim!! See you again!!" - Rein
At pumasok na din ito sa dressing room.
"Hoy Jariza Moon!" sabay siko nito sa katabi na kanina pa tahimik.
"Ano na naman ba?! " naiirita nitong sabi sabay lakad paalis.
"Napapano ba yun? Napaka moody talaga haist!" di nalang pinansin at patakbong sumunod na sa kanya.
Sa loob ng dressing room..
Nakaupo lang si Euwan sa couch habang umiinom ng tubig nang mapansin nya ang manager na nakahawak sa sintido at hinihilot hilot ito.
"Having a headache?" usisa niya dito
"Yeah medyo. Pero kaya naman. I'll just take some rest at my office later. " tugon niya.
"No. Just go home. I don't have any schedules left so just go home and rest." pagpipilit sa kanya ni Euwan.
"I'll take you home then." - Cleeone
"No need. My car is here." - Euwan
"Okay then. Mauna na ako. Don't worry wala lang to. I just need to nap. You'll be fine here, are you?" paninigurado nya.
"Ofcourse." sagot naman nito sa kanya.
"Okay. I'll go home na. Take care driving home."
Tinapik nito ang balikat ni Euwan at lumabas na sa dressing room. Inilapat naman ni Euwan ang likod nya sa couch para mag inat.
3rd Person's POV'
Pag uwi ni Byul sa bahay galing sa office nito, agad itong dumiretso sa sofa at nahiga doon.
Maaga siyang umuwi ngayon dahil maagang natapos ang meeting nila.
Pagod na pagod siya kaya naman pumikit muna siya saglit upang matulog nang bigla namang nag vibrate ang cellphone niya.
Pagkakita niya sa caller ID ni Francesco, agad siyang bumangon at naupo sabay patong ng dalawang paa nya sa coffee table na nasa harapan nya.
"Oh Francesco! Wazzup bro!" bungad niya dito.
"Still at work?"
"Nope. Just got home. Bakit?" - Byul
"Aga ahh."
"Maaga natapos meeting namin eh. Bakit ba? Need something?"
"Actually yes. This is about Selene Jang and her girl bestfriend. I just found out na magkasama din pala silang nagwowork sa Cafe mo."
"Really? So? Anong meron kay Selene Jang at sa bestfriend niya?" pag uusisa niya dito.
"Gusto ko sanang malaman yung iba pang details about sa kanilang dalawa. As i have read in Selene's biodata, her both parents died in a car accident. And it turns out that she's living now with her bestfriend here at Seoul. Well, both of them were from Jejudo." salaysay nito.
"So? What do you want me to do? Interview them both?"
"Yeah? Parang ganun na nga. But if you're busy, just forget it. I can hire a private investigator though."
"Nah. I'll do it. Hindi naman ako ganun ka-busy this week so I can do that." pagpayag niya dito.
"Thanks bro!"
"So... ano nang galaw? Uumpisahan mo na bang gawin ang project ONE NIGHT STAND mo?" emphasizing the word 'one night stand'
"Hey! Tone down bro. Baka may makarinig sayo dyan."
"Cleeone noona is not home yet. Nasa BlackLabel pa yon. So ano? I'm sure bothered narin yung Selene Jang na yon dahil sa one night stand nyo. Or maybe she's starting to think that she'll probably get pregnant. Poor girl." sabay tawa ni Byul sa phone.
"Yeah sigurado yan. So that's it! I have to go. May meeting pa ko. Are you sure you can do it? "
"Ofcourse yes! I'm their boss though! And don't worry, I'm sure that Selene Jang doesn't know me well. I should grab this opportunity to personally introduce myself to them."
"Thanks again, bro! Bye!"
"Byee!" sabay baba sa tawag.
Tumayo na si Byul sa sofa upang kumuha ng maiinom nang makita niya si Cleeone doon na may kinukuha sa loob ng fridge. Nagulat siya nang makita ang kapatid doon.
"You're home already?! " gulat na gulat niyang tanong dito.
"Yeah. I have a headache so I needed to go home early to take a nap." paliwanag naman nito sa kanya bago uminom ng tubig.
Tinatantiya naman naman ni Byul ang mukha nito kung may narinig ba ito sa pinag-usapan nila ni Francesco kanina.
"Kanina ka pa?" usisang tanong niya sa kapatid na may halong kaba.
"Nope. I just arrived." plain na sagot lang nito sa kanya. "I need to nap. Cook dinner for me, okay?" sabi nito sabay akyat na taas.
Napahinga naman ng maluwag si Byul nang masiguradong wala nga itong narinig sa usapan nilang magkaibigan.
Pag-akyat ni Cleeone sa kwarto nya, agad siyang pumasok at isinara ang pinto. Napasandal siya doon na gulat na gulat at naghahabol ng hininga.
"W-What the hell is that?" she mouthed with a huge shock on her face.
~~~