"It's already done Xy! You don't need to worry." Salubong sa akin ni Jacob habang hawak ang envelop at ibinigay ito sa akin.
Kinuha ko naman iyon mula sa kamay nya at agad na binuksan upang tignan ang laman. Napangiti ako nang malaki sa aking nabasa at tinignan siya.
"Thank you!" Niyakap ko siya sa sobrang tuwa at naramdaman ko pa ang gulat nito ngunit hindi ko na iyon pinansin.
"You're always welcome, you can go to your 'future-husband' now." Ngumiti ito sa akin at ramdam ko naman ang pagiging sincere nya.
"I will, pero alam ba nila ni tita ito?" Kinabahan ako ng kaunti, wag naman sana silang magalit sa akin dahil may karapatan din naman akong mag desisyon.
"Yes, don't worry. Naka-usap ko na sila, malungkot lang sila para sa atin. Hindi daw kasi tayo ang nagkatuluyan." Iiling iling na sambit nya habang suot ang salamin niya.
"Sorry, pero pwede naman kita i reto kung gusto mo." Natutuwang sambit ko pero natawa lang ito at umiling.
"No, don't rush it. Just wait and I'll move on first to you before I found someone who can like me too."
Natutuwa naman akong na realize na niya ang lahat. Hindi na rin siya naging makasarili para lang makuha ang gusto niya. We are still friend's kahit na marami ang pinagdaanan namin.
"Thanks for trusting me, Xy." Ngiti ito at nakipag kamay sa akin.
"You're welcome, Jacob." Tinanggap ko naman iyon ng nakangiti habang hawak ko ang envelop sa isang kamay ko.
****
Nakangiti akong nagmamaneho dahil sa nalaman na hiwalay na nga kami. Good thing, it's just a paper at nagawa nya agad nang paraan para din makabawi siya sa akin.
I felt bad for him. Ilang beses siyang umasa at nasaktan pero hindi pa rin siya gumawa nang masama sa akin. Kahit ano man ang nangyari noon ay nasa ala-ala ko na lamang.
Mabilis akong nakarating sa mansion si Ace at agad na bumaba. Niyakap ko siya nang mahigpit at ipinakita sa kanya ang envelop, napangiti ito at niyakap nya rin ako.
"That's nice, now you're free from that ass**ole. You're mine again." Hinalikan nya ang noo ko sa sobrang tuwa kaya naman namula ang pisngi ko.
"Yep, and for the second time. I don't wanna waste your love, time, and effort. Hayaan mong ako naman ang makabawi sa iyo, mahal ko." Hinalikan ko siya sa labi at agad nya naman tinugon.
Tumagal ang halik namin hanggang sa mapa upo na ako sa gitna nang hita nya habang kaharap ko siya. Nasa kalagitnaan na kami ng ginagawa nang may biglang kumatok sa pinto kaya naman agad akong lumayo sa kanya at napatayo.
"Ate, I have a meeting po to my client. Kayo na po ang bahala sa kapatid ko." Agad na sambit ni Leigh na para bang nagmamadali na.
"S-sure." Ngiti ko sa kanya at naiilang dahil hingal na hingal ako na hinarap siya.
"Salamat po." Sinara na nito ang pinto at ramdam kong naka ngisi na naman sa akin si Ace kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Tigilan mo ako sa tingin mo na yan, magpahinga kana at ako nang bahala sa hapunan natin." Sabi ko nang mabilis at kinuha at slippers sa tabi ng kama at dali daling lumabas ng kwarto nya.
Hanggang pagbaba ko nang hagdan ay hindi mawala sa isip ko ang halikan namin kanina. Kapag naaalala ko ay nag iinit ang mukha ko at napapa iling na lang.
Naghalungkat ako sa kitchen nya at napa isip na adobo na lang ang ulamin namin. Kaya naman sinimulan ko nang maghiwa bago lutuin ang magiging hapunan namin.
Nang matapos makapagluto at saing ay umakyat na ako sa kwarto niya nang tahimik. Kumatok ako ng dalawang beses bago ako pumasok ng kwarto niya at ramdam ang lamig pag pasok doon.
Nakita kong natutulog siya kung kaya naman ay dahan dahan akong naglakad papunta sa harap nya para gisingin siya.
"Ace, wake-up. Kailangan mong kumain." Tapik ko sa pisngi nya at gumalaw naman siya.
"Ace-"
Nagulat ako nang hulihin nya ang kamay ko at hinigit ako papunta sa kanya kaya naman ay napahiga ako sa kama nya at niyakap ako ng mahigpit.
Naramdaman kong nag iinit ang katawan nya dahil naka sando nalang sya na puti at may takip na kumot sa kanyang katawan.
"Five minutes, I just want to be with you." Naka pikit na sabi nya kaya naman tumango na lang ako at hindi na lang nagsalita.
Naamoy ko ang bango sa kanya at parang ayoko na lang din bumangon at gusto na lang na ganito kami. Pinilit kong gumalaw na humarap sa kanya upang matignan ang gwapo niyang mukha.
Napatingin ako sa mapupulang labi nito at nakikipag talo sa sarili na huwag siyang halikan. Nagulat pa ako nang makitang gising na pala siya at biglang napa ngisi sa reaksyon ko.
"What.. you want a kiss?" Pang-aasar na sambit nito kaya namula ang mukha ko at kinuha ang unan upang ihampas sa kanya.
"Kiss mo pader!" Asar na sambit ko at tatayo na sana nang hulihin na naman nya ako kaya napahiga ulit ako sa tabi nya.
Narinig ko ang tawa nya sa tenga ko kaya mas lalo ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Gustong gusto ko nang umalis at sapakin ang sarili ko kung bakit ko ginawa iyon.
"Don't be shy, my queen." Bulong nito sa akin. "You can kiss me non-stop if you want tho."
Napairap ako sa sinabi nya at mas humigpit ang yakap nito sa akin na para bang ayaw na akong pakawalan sa bisig nya. Apat na taon lang kaming hindi nagkita, naging englishero na ang loko.
"Come on, let's eat!" Sigaw ko na nang sinubukan nya pa akong asarin. Tumatawa itong tumayo at nag taas nang kamay bilang pagsuko nang makitang seryoso na ako.
"Fine, just close the door if you want to leave. I'm hungry now." Dali dali na itong bumaba nang maamoy ang niluto ko.
Hininaan ko ang aircon bago ako bumaba at sumunod sa kanya.
****
Kinabukasan ng gabi ay nag inuman muli kami nila Lia kasama ang asawa nito na si Jerome.
"Nasa balcony na naman tayo, parang dati lang nasa ganitong pwesto tayo ah." Natutuwang sambit ni Lia.
"Sa condo naman 'yon. Eh dito, bahay na nya." Tumango naman siya at uminom ng beer nang walang tigil.
"Hoy! Ikaw ang nag aya, baka naman may alaga kana sa loob ng tiyan mo ha. Pagbabawalan talaga kita." Sambit nya bigla kaya muntik ko nang madura ang iniinom ko.
"Stupid, hindi pa nga kami ikinakasal, ganoon na ang iniisip mo." Gusto ko siyang batukan sa sinabi nya.
"Ang tanda tanda nyo na! Iilan na lang ba ang hindi pa kinakasal sa circle of friend's nyo?"
"Dalawa." Simpleng sambit ko at uminom lang ng uminom. Hanggang sa makalahati na ay nakakaramdam na ako ng hilo.
It's been a month and it's already December. Ngayon lang ulit ako nag aya at mas gustong si Lia lang ang kasama ko. Mabuti na lang at naka panganak na rin ang gaga. Hindi nga daw pwedeng ilabas dahil lamigin ang anak niyang babae.
Nagpaalam na rin sila at hindi na masyasong uminom si Lia dahil babantayan pa daw nya ang anak nila ni Jerome kaya tumango na lang ako sa kanya nang sinabi nyang uuwi na sila dahil bawal din silang magpa gabi.
Naramdaman ko na iniaalalayan na ako patayo ni Veil. Isa pa ito at halatang lasing na. Tawa kami ng tawa na dalawa nang magsimulang magtumbahan kami sa sahig.
"Tayo mo akoo." Sambit ko at inangat ang dalawang kamay ko para mahila nya ako paangat.
Imbis na iyon ang gawin nya ay tumitig ito sa akin at hinalikan ako na agad ko namang tinugon. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa leeg nya at mas idiniin ang halikan naming dalawa.
Kinabukasan ay nagising na lang ako na masakit ang ulo ko at wala nang tao sa tabi ko. Tinignan ko ang suot ko at ganoon pa rin naman. Pumunta ako ng banyo upang maghilamos at toothbrush bago bumaba.
Ang kaso ay nagulat ako nang magkaroon nang petals sa sahig at napakunot ang noo ko nang makita pa ang kulay puti na carpet pababa nang hagdan.
Dahan dahan naman akong bumaba at kinukuha ang kulay rosas na bulaklak. Dumeretso ako hanggang living room at nagulat ako na nandito lang pala si Ace at nakangiti sa akin.
"Bakit ka naka ayos?" Sambit ko sa kanya. Halatang bagong ligo pa siya, nahiya naman bigla ang itsura ko sa kanya.
"Almost forgot? it's your birthday today and you're now 26 yr old." Nagulat ako nang maalala iyon. Sa totoo lang ay alam ko naman at hang over lang ako kaya hindi agad pumasok sa isip ko.
"Thank you, pero bakit may roses?" Tanong ko at tinignan ang nakakalat na petals sa paligid ko.
Hindi siya nagsalita kaya nilingon ko siya at nagulat nang bigla syang lumuhod sa harapan ko. Kumunot ang noo ko sa kanya at nagsimulang maluha nang mahulaan kung ano ang gagawin nya.
Nilabas nya ang box mula sa bulsa nya at binuksan iyon sa harap ko. Napaiyak ako bigla nang makita ang diamond ring doon. Bigla kong naalala ang mga pinagdaanan kasama siya.
"Alam ko na magugulat ka, but wake up in reality. I still love you and wait for you to go home. Kahit paasahin, o iwan mo ako ulit o tumakbo ka palayo ngayon sa akin ay hindi akong magsasawang habulin ka. Ganoon kita ka mahal Xyria, mula pa noong pinakilala ka ni Ate sa akin. I don't believe in love at first sight. Because it's not even true, but my heart beat is so fast when you're near by me. As long as you're with me, I always plan this and wanted to propose to you. I don't like wasting my time, we're old now. And you're mine now, xy. Can you be mine, in forever and till death do us part?" Mahabang sambit nya habang tinitignan niya akong umiyak.
"O-of course." Tumango ako at nakita ko ang kasiyahan nito sa mukha nya. Sinuot nya sa akin ang singsing bago ako yakapin nang mahigpit.
Nagulat pa ako nang may magsitilian at lumabas ang mga tao rito. Sina Irish, Nicole, Desiree, Chloe and Krisha. Pati na ang Kaibigan ko na si Lia na vini videohan kami.
"Congratulations! Couple!" Sambit ni Nicole at niyakap kaming dalawa.
Marami pang nag congrats sa amin at pinicturan pa kami habang pinapakita ang engagement ring ko. Natuwa pa ako nang makita ang pamilya ko at si Cedric at Jacob na nakangiti habang binabati kami.
I didn't expect this. I think my life would be end in a tragic way without a love of my family. I didn't expect that I deserve a happy life with the man I love.
Now, I am the happiest girl in my life. And also achieved my dream with him.
Wala na akong maihihiling pa. And I'll never run away.
THE END
— 終わり — レビューを書く