Pagkarating sa resort, agad akong in-instruction-an ni Siggy na pumasok sa kuwartong pinanggalingan namin kanina. Hindi alam ng mga staff na nandito ako. May isa raw na nakakita but he swore to shut his mouth.
Ang sabi ni Siggy sa kuwarto na lang daw ako magdi-dinner. Sasamahan niya ako kaya siya na muna ang nag-asikaso no'n sa reception area ng resort.
May damit at toiletries na rin na nakalatag sa kama nang pumasok ako. Hindi ko alam kung paano nakuha ni Siggy ito pero baka nagpatulong siya sa isang staff na nakakita sa akin.
I took that chance to clean my self while waiting for Siggy to come back. Isang pares ng pajama lang naman ang damit na meron dito but I saw in the corner of this room that there's another paper bag. Hindi ko nga lang ch-in-eck 'yon kasi hindi naman sa 'kin 'yon.
It was a long and painful shower for me. When the water hit my body, that's when I realized everything is fucked up. I'm afraid to what my family can do whenever I came back that's why I'm resorting to running away. Lahat ng gusto nilang gawin ko nakukuha nila. And me rebelling now is new to them. Alam kong galit na galit sila pero hindi ko akalain na aabot sila sa puntong ipipilit na talaga nila ang lahat sa akin.
As the water rushes to reach the sides of my body, every pain in this world struck me like a lightning.
Being fortunate enough to live in this world is as unfortunate enough to have a twisted family that you belong to. Nothing is really perfect with people, though. You may have the wealth and profession in the world, or how much educated as a person you are, there are certain things that won't make your life perfect. In our case, my parents aren't the best in handling their children, their own family. They think they can control them without even thinking what really makes them happy or at peace.
I am on their bad side now, might as well panindigan ko, ano? Lumayas ako and I don't know where to go, to hide. I'm about to reach my own dreams then this happened. Wala akong maaasahan sa pamilya ko, kanino ako lalapit? Mikan? Maybe. Kiara? Sort of. What will happen to me? Titigil ako sa pag-aaral? Magta-trabaho on my own? Might as well try.
Sa CR na ako nagbihis ng damit kaya nang paglabas ko, nakita ko agad ang nakalatag na mga pagkain sa pangdalawahang table inside this room. I saw Siggy beside the window, mukhang may kinakausap sa phone niya since nakatalikod ang position niya sa akin. Saka lang siya lumingon sa akin nang maisarado ko na ang pintuan ng CR. Tipid akong ngumiti nang magtama ang tingin naming dalawa.
Inilapag ko sa isang bakanteng bangko ang tuwalyang ginamit ko kanina at inayos ang pinaghubaran kong damit sa paper bag na pinaglagyan nitong pajama'ng suot ko. Sakto ring narinig kong nagpaalam si Siggy sa kaniyang kausap kaya napalingon ako sa kaniya.
"Mag-dinner muna tayo. We'll call Mikan later."
Tumango ako sa sinabi niya at agad pinuntahan ang table kung saan nakalatag ang mga pagkain. The foods are so inviting. Maliban sa gutom na talaga ako, mukhang mas lalo akong nagutom nang makita ang iilang putaheng ilang buwan ko ring hindi natikman dahil puros fast foods lang ako these past few months. Minsan lang makatikim ng mga lutong-bahay. Though hindi naman talaga ito lutong-bahay kasi sure na menu ito from the resort.
"Okay lang ba 'tong mga foods? Ito lang kasi ang available sa resort."
"O-Oo naman. Kumakain naman ako ng mga ganitong pagkain."
Sabay kaming naupo sa kaniya-kaniyang upuan. Magkaharapan kaming dalawa at naging tahimik ang hapunan naming iyon.
Oh, gosh! I'm in this chaotic situation pero my eyes got locked on that fried chicken. That friggin' chicken skin is so inviting. It is so irresistable, I can't help staring at it.
Before any ulam, inuna kong kinuha ang isang fried chicken and tahimik na pinapak ang balat nito. I don't know how to diet because dieting is not in my vocabulary, pero I'm lucky I���m skinny enough to eat more and more and not to think about dieting.
Sa bawat tunog ng crispy chicken skin na iyon, mas lalo akong ginaganahang kumain. Parang music to my ears kasi ang bawat crunch nito. It's my fetish when it comes to food. I know it's weird, please don't mind me.
Laking pasasalamat ko na lang talaga na hindi by serving ang kanin na inilatag dito. Kung by serving 'yon, paniguradong naka-ilang cups na ako.
I was so drawn with eating the crispy chicken skin that I didn't knew Siggy's looking at me intently. Saka ko lang na-realize nang hindi ko na makita sa peripheral vision ko na gumagalaw siya to eat.
A part of me is nahiya sa ginagawa ko kaya nagdahan-dahan ako sa pag-eat. Tipid akong napangiti nang makitang nakatingin siya sa akin at may multo ng ngiti na rin sa kaniyang labi.
Oh, holy mother of monkey, Sandreanna, what have you done, again?
"U-Uh… may problema ba?" Tanong ko sa kaniya dahil para siyang natigilan habang nakatingin sa akin. Baka ayaw niya sa ganitong klaseng babaeng kumain kaya baka naaalibadbaran siya? Ewan.
"No, uh, sige kain ka lang."
Bumaba ang tingin ko sa may pinggan niya at doon ko nakita ang isinantabi niyang balat ng fried chicken. Bumalik agad ang tingin ko sa kaniyang mga mata nang makita ko iyon.
"Ayaw mo?" Patungkol ko sa isinantabi niyang balat ng manok.
"Gusto mo?"
"Puwede ba?"
"Okay lang ba sa 'yo na galing sa akin? Hindi ko naman nagalaw 'to. I just set aside this kasi hindi ako masiyadong mahilig sa chicken skin. I'm more on the meat part."
"O-Oo naman. Sayang naman kung hindi makakain. Sure kang puwede lang, ha?"
Siya na mismo ang nagbigay ng balat na iyon sa akin. Inilapag niya iyon sa pinggan ko.
"Sorry for staring kanina. I just can't believe na gan'yan ka kaganang kumain when it comes to chicken. Is it your favorite?"
"I just love the chicken skin, crispy or not."
"Crispy or not? You mean, pati 'yong mga normal cooked lang na chicken skin, kinakain mo?"
"Hmm, masarap naman. Ewan ko ba, basta, bata pa lang ako, 'yon na nakahiligan ko, e."
"Interesting…"
I pursed my lips and continued eating. Hindi ko na sinagot ang huling sinabi niya. Wala rin naman akong maisasagot, lalo na nang maaalala ko ang ginawa ko kanina pagkapasok ko sa kuwartong ito.
Parang gusto ko na lang talagang lumubog sa kinauupuan ko ngayon.
Naman kasi, Sandreanna! Ba't kasi bigla-biglang nanghahalik? Makakasuhan ka ng sexual assault n'yan, e.
"U-Uh, ano, um, about kanina?"
"Yes, Sandi?"
"Uh… so-sorry kanina… s-sa ginawa ko. I-I didn't meant to do that. I know you're, um, you're offended with what I've done. Ano kasi, um, 'yong reflexes ko kasi. Ano, um, sa pagmamadali ko, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. I just want to flight that time-"
"Relax, Sandi. It's fine. It's not like you stole my first kiss anyway, so it's fine. Don't worry."
Napalunok ako dahil sa sinagot niya. Napatingin na rin ako sa kaniya.
Ah, ganoon ba?
"Hindi rin naman ikaw 'yong first kiss ko," sabi ko sabay iwas ng tingin. Biglang naalala 'yong debut ko kung saan ibinigay ko sa isang stranger ang first kiss ko. That's counted, right? I think it is.
"Oh, really? So who's the lucky guy? Boyfriend mo?"
Naibalik ko ang tingin ko sa kaniya dahil sa hindi inaasahang tanong niya.
"I don't kiss and tell. Ikaw? I bet you have so many experiences, eh?"
Inilapag niya ang kubyertos na hawak at comfortably leaned backward to his chair and naka-cross arms na pinasadahan ako ng titig. He then smirked.
"Neither I. Those guys who kiss and tell are assholes."
"Sabi mo, e," kibit-balikat na sagot ko at inatupag na ang pagkain sa harapan ko.
Hindi na rin naman siya nagsalita pa kaya tahimik akong nagpatuloy.
Matapos naming kumain, siya na mismo ang nagligpit ng pinagkainan namin. Gusto ko sanang tumulong man lang pero ibinigay na niya sa akin ang phone niya sabay sabing… "Call Mikan. Talk to him about your situation."
Wala tuloy akong nagawa kundi ang tanggapin ang phone niya, total ito naman talaga ang gusto kong gawin kanina pa.
His phone doesn't have any security at all. I can just easily swipe it and voila, nasa menu na ako. It looks new dahil wala akong masiyadong makitang mga apps na naka-install. More on mga basic apps ng iPhone ang nandito sa phone niya. The display background is just a majestic view of a cliff. It looks foreign to me, baka sa ibang bansa nakuha, o baka default wallpaper 'to? Ewan? Bakit ko nga ba pinag-aaralan 'to? Nasa akin naman 'to kasi nga dapat kong tawagan si Mikan.
Hinanap ko ang contacts and my hunch about his phone as new is I think right. Kaonti lang ang laman ng contacts niya. Ayoko sanang basahin isa-isa ang pangalan ng mga naka-save na contacts niya pero hinahanap ko kasi ang name ni Mikan.
Grabe, nag-i-expect pa naman sana ako na maraming naka-phonebook na names ng mga girls dito, pero bakit wala naman? Parang number ng Daddy, Mommy, at mga importante lang ang meron.
Ano ba, Sandreanna, kung anu-ano 'yang napapansin mo. Tawagan mo na lang kaya si Mikan?
Teka lang, nakakapagtataka tuloy kung bakit may number siya ni Mikan kung puro mga importanteng tao lang ang naka-phonebook dito? Ibig bang sabihin, importanteng tao si Mikan sa kaniya? What the hell are you thinking again, Sandreanna?!
Nang makita ang name ni Mikan, I just clicked his name, siguro naman postpaid siya or something? Mayaman naman ang isang 'to. Ang ganda ng kotse niya kaya imposibleng pambili lang ng load hindi niya pa ma-afford.
I waited for Mikan to pick up his phone. Nagri-ring naman pero masiyadong matagal bago niya nasagot ang tawag ko.
"Sig? Napatawag ka?"
Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang pamilyar na boses ni Mikan from the other line. Siguro nga may number sila sa isa't-isa at ang rason ay hindi ko alam. Siguro nga talagang mag-friends sila. Ewan. Hindi ko naman kasi masiyadong nakakasalamuha ang mga friends ng friends ko. They have their own world, though.
"Mik, it's me."
"Kailan pa naging babae ang boses mo, Sig?"
Ay, walang hiyang Mikan naman 'to, oo. Seryoso siyang hindi niya kilala ang boses ko sa phone? Mag-bestfriend ba talaga kami?
"Mik, si Sandi 'to."
"What? Sandi? Sandreanna Millicent?"
"Yes."
"What the fuck?! Where have you been? Your parents have been looking for you. They called me and asked me if I know where you are. Ano bang nangyari? Bakit ba bigla kang hinanap? Nakauwi ka ba talaga ng Negros? Sandi! I'm calling your phone but I can't even reach it by now. Nasaan ka? Bakit number ni Siggy ang gamit mo? Magkasama ba kayo?"
I sighed sa sunod-sunod na pinagsasabi ni Mikan. Hindi ako maka-insert sa pagsasalita because he won't let me. I just sighed again.
"Anong sinabi mo sa kanila? Anong sinabi nila sa 'yo tungkol sa pag-alis ko?"
"Siyempre sinabi ko hindi ko alam. Hindi na rin naman sila nagsabi kung bakit. They just asked me where are you. Or the places that you possibly went to. Nasaan ka ba kasi? Anong nangyari? Pati tuloy ako, nagaalala na sa 'yo."
Napasinghap ako sa sinabi ni Mikan. Kahit kailan talaga, hindi nagsasabi ng totoo ang mga magulang ko sa totoong situwasiyon ng pamilya namin.
"'Yon lang ba ang sinabi nila?" Alam kong mayroon pa, e.
Natahimik si Mikan from the other line. Umabot yata ng ilang segundo.
"Mikan-"
"They said they don't want me to help you. That I should cut ties with you. Ano ba talaga kasing nangyari, Sandi?"
Napasinghap ulit ako. Sinasabi ko na nga ba, e.
"Will you cut me off?"
Hindi agad nakasagot si Mikan sa naging tanong ko. Isang napakatahimik na other line ang narinig ko. I just bit my lower lip and stop my self from crying out loud.
"Of course… not. Bestfriend kita. Dapat lang na tulungan kita pero hindi kita lubusang matutulungan kung hindi ko alam kung anong nangyari."
"Nalaman nila na nag-shift ako ng course. Nalaman nila ang lahat ng ginawa ko, even the tampering of grades-"
"'Yan na nga ba sinasabi ko, e. Sana hindi mo na lang ginawa 'yan dati, Sandi."
Napapikit ako at mas hinabaan pa ang pasensiya.
"Mik, pinipilit nila sa akin ang medical school. Ayoko, Mik, sawa na ako. Ayoko ng Med School, Mik, alam na alam mo 'yan."
"Kaya ka umalis? Kaya ka naglayas?"
"Y-Yeah."
"Ano nang gagawin mo? Saan ka na titira ngayon? Babalik ka ba rito sa Manila?"
I sighed and slowly stood up to watch the dark sky outside this tinted window. And decided to ignore Mikan's overflowing questions.
"Hihingi sana ako ng request sa 'yo. Kilala mo naman si Mr. Hector Garcia from BNS and MPAC, 'di ba? I have an appointment with him this coming Wednesday. I can't miss that, Mik. It's my opportunity to my nearing dreams. Kailangan kong pumunta r'yan sa Manila."
Narinig ko ang marahas na buntonghininga ni Mikan from the other line. Nakita ko rin from outside the window ang pagdating ni Siggy. Tumalikod ako at sumandal sa malapit na pader at itinoon na lang ang atensiyon sa pakikipag-usap kay Mikan.
"Ibo-book ba kita ng flight? Anong gagawin ko?"
Saktong pumasok si Siggy sa loob ng room. Nagpang-abot ang tingin namin kaya tipid akong napangiti sabay iwas ng tingin. Sinabi niya kanina, tutulungan niya ako, 'di ba? Kakapalan ko na ang mukha ko't lulubus-lubusin ko na ang paghingi ng tulong.
"Just… Just please contact Mr. Hector Garcia through Sir Mark. Paki-inform na lang na nawala 'yong phone ko at hindi na ako puwedeng ma-contact do'n. Pakisabi na rin na pupunta ako sa Wednesday, whatever it takes."
"Okay, I'll do that. 'Yan lang ba? I can book you a flight."
"Wala akong ID. I left all my belongings in the house. Ako nang bahala sa part na 'yan. Gagawan ko ng paraan. Basta, 'yan lang ang request ko sa 'yo."
"Are you sure? I can make it happen. I have a Tito who work's in an airline company-"
"Mik, that's fine. Thank you. I'll make a way to update you from time to time. I promise."
"Please be safe, Sandreanna."
"I will. Ingat ka r'yan."
Ako na mismo ang nag-end ng call at agad na ibinalik ang phone kay Siggy na nakaupo lang sa kama at nakatingin sa akin.
"Thanks."
"Wala ka na bang ibang tatawagan?"
Umiling ako.
"Hindi ko na alam ang numbers ng mga puwede kong tawagan. Mikan's the nearest kaya siya na lang ang tinawagan ko."
Tinanggap niya ang phone at tumango sa naging sagot ko.
"Anong maitutulong ko sa 'yo?"
Nagtiim-bagang ako, pinipigilan ang sariling maluha.
It sank me again. 'Yong narinig ko kanina from Mikan na sinabihan siya ng parents ko to cut ties with me, na hindi niya dapat akong tulungan kung lalapit ako sa kaniya. Naiiyak ako lalo na sa part na naramdaman kong nagdalawang-isip si Mikan sa kaniyang naging sagot. If my parents were succesful enough to encourage him to cut me off, baka nga hindi na niya ako tinulungan ngayon.
"C-Can I borrow money from you? I just want to buy a plane ticket going to Manila. I promise I'll pay pagdating ko roon. Alam kong mayroon pa akong card na naiwan sa apartment ko. I can pay you through that."
Tumayo si Siggy mula sa pagkakaupo kaya nasundan ko iyon ng tingin hanggang sa halos nakatingala na ako sa kaniya.
"I'll book you a ticket tomorrow."
"P-Pero, wala akong ID."
"I can do something about that."
Matinding paglunok ang nagawa ko, nakakita ng isang maliit na pag-asa dahil sa sinabi niya. It was a relief, also.
"Take a rest now, Sandi."
Nilagpasan niya ako pero bago pa man siya makaalis, nahawakan ko na ang kanang braso niya. Natigil siya sa paglalakad. Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya pero diretso lang ang naging tingin ko sa kaniya, pinag-aaralan ang bawat kilos at emosyon niya.
"Salamat, Siggy," nakangiting sabi ko sa kaniya.
~