I got out my phone and immediately find Steve's name on my contacts. On going ang presentation ni Ar. Elron sa lahat, ipinapakita niya ang designs na gagawin para sa project na ito. It's kind of a grand project kaya nandito kaming lahat ng team.
Centralized ang aircon sa loob ng conference room na ito pero feeling ko pinagpapawisan ako ng malamig.
T-in-ext ko si Steve na isa sa mga investors 'daw' ng project na ito.
Punyemas naman.
Ako:
Punyemas, Steven Guelle Osmeña, ano 'to?
Nang ma-send ko ang text message ko na ito sa pinsan ko ay nakataas ang isang kilay kong pinagmasdan ang bawat galaw ni Steve.
Maya-maya lang din ay ch-in-eck na nga niya ang phone niya.
"This seven hectare resortel will surely be the talk of the town and will boom the tourist population of the said city."
Lumingon ako kay Ar. Elron nang mag-explain na naman siya. Then my phone vibrated again.
Steve:
Welcome back, cousin!
Punyemas?
Nilingon ko ulit si Steve pero ang gago, gago nga'ng talaga. Ayon at nakangisi lang sa akin.
Ako:
Putang ina, mag-explain ka sa akin! Ano 'to? Bakit siya 'yong CEO? Akala ko ba siya ang nagha-handle ng Lizares Sugar Corp? Hindi ba kina Ate Ada 'tong Lizeña Food Corp?
And I sent it again. Pinandilatan ko pa ng mata si Steve para naman matinag. Wala 'to kagabi, akala ko nasa Negros. Nandito pala ang gago sa Manila, hindi man lang nagpakita sa akin. Si Breth kaya, nasaan?
Steve:
Maraming nangyari sa 4 years na wala ka, cousin dear. And I can't explain it here, we'll talk later after the meeting or better yet ask your ex-husband for the further details.
Nakaka-punyemas naman!
Sa sobrang inis ko, pa-simple kong sinabunotan ang buhok ko para roon mailabas ang lahat ng inis ko sa katawan. Minsan talaga, ang sarap katayin nitong si Steven Guelle.
"Are you okay, Engineer MJ?"
"Ha? Yeah, yeah, I'm fine." Nakita siguro ni Engr. Kith ang frustrations ko kaya tinanong na niya ako.
Pagak akong ngumiti at mas itinoon ang pansin sa presentation na nagaganap.
"So, Engineer Osmeña, what will be your contribution to this project?"
Ha? May ambagan ba? Bakit hindi ko alam?
But kidding aside, pinapatawa ko lang ang sarili ko sa gitna ng inis na nararamdaman ko ngayon.
Pagak akong ngumiti at tumayo na para tabihan si Ar. Elron sa gitna. Diretso akong nakatingin sa lalaking prente kung makaupo sa gitna, straight from where I was standing.
"I am the Construction Engineer, Sir, and I will be in-charge in supervising the field construction of the said project, Sir." Kahit na nakaka-imbiyerna na, pinilit ko ang sarili kong maging pormal at magalang sa pagsagot sa kaniya.
"Since you are the Construction Engineer, can you give an alternative design for this project right away?"
What?
"What? That will take me days before I could come up with a design for this project, Sir," depensa ko naman kasi totoo nga, masiyadong maraming amenities ang resortel na ito kaya hindi agad ako makakagawa ng bagong design and what the shit? I'm not an architect to do that.
Mariin ko siyang tiningnan habang prente siyang sumandal sa malaking swivel chair niya at naka-ngising tumingin sa akin.
"I thought you're one of the best in your field. Engineer Cervantes was basically bragging about your credentials and simple designs lang, hindi mo pa magawa?"
Punyemas jud ka Darwin Charles oy! Pahamak!
Pagak akong ngumiti kay Engr. Kith at isang encouraging smile lang ang ibinigay niya sa akin. 'Nyemas, nang-i-encourage pa.
"You can do it, MJ, you're good at it. Use the autocad," bulong ni Ar. Elron sa akin.
"C'mon, Engineer MJ, kahit blueprint lang ng resortel na gusto namin."
Ngayon, ramdam na ramdam ko na talaga na nang-aasar itong CEO na ito.
Pagak ulit akong ngumiti sa lahat at tinanguan si Ar. Elron. Agad din naman niyang di-ni-sconnect ang connections ng laptop niya sa malaking screen sa harapan. Kinuha ko ang iPad ni Ar. Elron at sinimulan ang orasyon.
Pasalamat kang gago ka, mabilis ang kamay ko. Pasalamat kang gago ka, maraming laman ang utak ko ngayon. Pasalamat kang gago ka talaga.
Not bragging about how fast I am, it took me ten minutes to finish the blueprint design. Ibang design ito sa design na pr-in-opose ni Ar. Elron. Ibang-iba.
Tinanguan ko ulit si Ar. Elron para siya na ang bahalang magpakita sa lahat ng design na ginawa ko. Hinarap ko ang lahat.
"Sorry po kung natagalan ang paggawa ko. It's biglaan and I'm kind of hindi prepared." Ngumiti ulit ako sa lahat.
Nang maipakita na nga sa malaking screen ang ginawa ko, sari-saring reaksiyon ang narinig at nakita ko at lahat nang iyon ay nagko-konekta sa expression na: namamangha.
Well, that's Engineer Maria Josephina Constancia L. Osmeña, and you are so wrong on provoking me on my limits, Darwin Charles Lizares.
Natapos ang meeting, natapos ang presentation. Nakahinga ako nang maluwag at agad nilapitan ang pinsan kong kanina pa ngisi nang ngisi sa akin.
"May silbi rin pala ang pangingibang-bansa mo, ano?" Bungad niya sa akin kaya hindi siya nakailag sa pambabatok ko sa kaniya.
"Walang hiya ka, bakit ka nandito? Bakit wala ka kahapon? Nasaan si Brethren?" Tuloy-tuloy na tanong ko.
"I miss you, dear cousin!" Imbes na sagutin ang mga naging tanong ko, isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin.
"Steven!"
"Okay, okay, mag-i-explain na," sagot niya habang nakayakap pa rin sa akin. Pinabayaan ko na, magpinsan lang naman kami. "I am now an investor. Nag-i-invest na ako sa iba't-ibang subcompanies ng OBE. Actually, galing akong Thailand for a business meeting. And as for Breth, well, nandoon siya ngayon sa Batangas, pinagpapatuloy ang charity works ni Lola." Kumalas si Steve sa yakapan naming dalawa at iniharap ako sa kaniya.
Lola... It's been years and I haven't lighted a candle to their respective graves. I miss them both.
"We're now a full-grown ass adults, MJ, and so are you," dagdag na sabi pa niya.
Kinurot ko ang pisnge niya.
"Naks naman, ang tagal ko nga talagang nawala sa Pilipinas."
"Sige na, sige na, I need to go. I still have meetings. Magkita na lang tayo, pupuntahan kita sa mansion niyo." At doon na nga nagtatapos ang usapan namin ng pinsan ko.
Sakto ring natapos ang pag-uusap ni Engr. Kith at ni Darwin. Kitang-kita ko pa ang pagpasada niya ng tingin sa akin habang paalis siya ng conference room. Inirapan ko na lang ang gago. Nakaka-imbiyerna!
Palapit si Engr. Kith sa puwesto naming tatlo.
"What did Mister Lizares said?" Agad na tanong ni Engr. Meeton.
Engr. Kith looked at me.
"Maghintay daw tayo ng one hour and he will have a closed door meeting with us for an elaborate discussion of the designs and constructions."
Tumango kami sa sinabi ni Engr. Kith. Pumasok ulit 'yong secretary na kanina pang nakabuntot kay Darwin at nilapitan kami. Sinabi niyang sa may lobby na raw kami maghintay. Sinunod naman namin ang sinabi niya.
Nakaupo na kami sa malaking sofa ng lobby at may kaniya-kaniya na kaming mundo.
"You never told me, your ex-husband is Mister Darwin Lizares?" Pagbabasag ni Engr. Kith sa katahimikan namin. Napalunok pa ako at pagak na ngumiti sa kaniya.
"I haven't told you? Does it matter?"
"Is he the father of Kav and Key? They look like them."
Oh shit.
"Engineer Kith..." May pagbabanta ang tono ko.
"Okay, okay... I'll never talk about their father again, I'm just kidding, Engineer MJ," aniya. Napabuntunghininga na lang ako at pinasadahan ng tingin ang babaeng nasa reception table. Mabuti naman at wala sa amin ang atensiyon niya.
"CR lang ako," paalam ko sa kanila.
Nagtanong muna ako sa receptionist kung saan banda ang banyo nila.
Punyemas naman, para akong hindi lumaki sa building na ito. Bago kasi sa akin ang design ng floor na ito at kakaiba ito sa iba pang floor ng building na ito kaya may posibilidad talaga na mawala ako kakahanap sa hinahanap ko. Ang identical lang yata sa ibang floor ay 'yong design ng reception area.
Tapos na ako sa dapat kong gawin. Naghuhugas na ako ng kamay ngayon nang saktong may dalawang sa tingin ko ay mga empleyado na nag-uusap sa tabi ko. Chikahan sila nang chikahan na para bang wala ako sa tabi nila. Hindi ko na sana pakikinggan nang biglang...
"Narinig mo na ba ang usapan sa floor na 'to?" Wika ng unang babae.
"Tungkol saan? Sa dating asawa ni boss?" Tanong naman ng pangalawang babae.
"Yeah, girl. Ang usapan ay nandito raw 'yon."
"'Di ba sa kanila naman ang kompanyang ito? Malamang, hindi na nakapagtataka na bibisita siya rito."
"Hindi, ang ibig kong sabihin ay nandito na sa Pilipinas ang ex-wife ni boss. 'Di ba nasa America naka-base 'yon ngayon? Ang usapan daw kasi, nandito siya for a business with boss."
"Hala? So, nakauwi na pala siya? Ano kaya ang reaksiyon ng girlfriend ni boss, alam kaya niya?"
Teka, sandali? Girlfriend? For sure ang sinasabi nilang boss ay walang iba kundi si Darwin tapos ang ex-wife ay ako kasi anak nga ako ng may-ari ng building na ito. It's so obvious. Ang hindi lang obvious ay 'yong sinabi nilang may girlfriend ang gago. Aba't ang kapal naman ng mukha?
Teka... ano naman ngayon kung meron? Pakialam ko ba?
Napatitig ako sa umaagos na tubig galing sa gripo dahil sa aking mga pinag-iisip. Nakaalis na lang ang dalawang babaeng nagchi-chismisan, ako ay nanatiling tulala.
Lumabas ako ng comfort room at hindi talaga mawala sa isip ko ang narinig kanina.
May girlfriend siya? Bakit wala akong nabalitaan? Bakit hindi ko nakikitang nakaaligid sa kaniya? Is it Callie Dela Rama again or Callie Dela Rama pa rin?
I don't know man!
"Silver Lining team, pumasok na po raw kayo sa loob, pinapatawag na kayo ni boss." Saktong nakarating ako sa may lobby ay in-inform naman kami nang kakalapit lang na secretary ni Darwin.
Tahimik akong sumunod sa kanila, iniisip pa rin ang narinig kanina.
"Jana! Nandiyan boss mo?"
Habang naglalakad ay may biglang sumabay sa amin na isang matangkad na babae na naka-corporate attire. Kahit na nasa likuran na kami no'ng secretary ni Darwin, agad niyang nasundan ang paglalakad nito. Pinasadahan ko ng tingin ang babaeng iyon... matangkad, maganda, eleganteng manamit kahit na nakapang-opisina lang naman siya, at well maganda.
"Miss A-Audree, ikaw po pala." Bahagyang napahinto ang secretary'ng iyon kaya napahinto na rin kami sa paglalakad. And I think we're inches away from the Big Boss' office. "Nasa loob po pero may ka-meeting po siya ngayon from Silver Lining Construction, Miss Audree."
Audree?
"Silver Lining? Is it about the hotel and resort? Wala naman siyang binilin na exclusive meeting 'to 'di ba?" Tanong no'ng Audree sa isang energetic na paraan.
E, ano naman ngayon kung walang binilin?
"Wala naman po."
"Oh, puwede akong pumasok. I'm one of the investors kaya, kaya tara na," sabi niya sabay hatak sa secretary na iyon. Mukhang hindi niya kami napansin a.
Napabuntunghininga na lang ako at sinabayan na sa paglalakad ang mga kasamahan ko.
"Okay ka lang?" Bago makapasok sa office ng CEO, naitanong na ni Engr. Kith sa akin 'yon.
Malawak akong ngumiti sa kaniya.
"Oo naman, bakit naman hindi?"
"Kanina ka pa tahimik, gutom ka na ba?"
Natawa na lang ako sa dagdag na tanong niya.
"Medyo..."
Inakbayan ako ni Engr. Kith at sabay na kaming pumasok sa opisinang iyon.
Saktong pagpasok namin ay ang paghalik sa pisnge ng babaeng kasabayan namin kanina sa big boss ng opisinang ito. At talagang hindi iyon nakaligtas sa aking paningin. Nakaka...
"Sit down, Engineers and Architect Schmidt."
Tinulungan kami ng secretary na maupo sa living area ng malaki at malawak na opisina niya. Kahit hindi ko pasadahan ng tingin ang buong opisina, I know it's his style. Ang walang kupas niyang style.
"Hi! Are you from Silver Lining Construction?" Nagsalita na naman ang babae.
"Yes, we are the team foxtrot of SLC." Narinig kong sagot ni Engr. Rivera.
"Foxtrot? Parang sa military lang, a? Well, I am Audree Macalintal, one of the investors of the said project and the accounting head of Lizeña Food Corp."
Audree Macalintal? Accounting Head ng Lizeña Food Corp? So that means she's an Accountant? Tapos maganda? Matangkad? Definitely Darwin's taste of girls. Punyemas, she is indeed the girlfriend. A new girlfriend. And it's kind of shocking na nawala na sa picture si Callie Dela Rama. How it happened again?
"Engineer Meeton Rivera, Safety Director."
"Architect Elron Schmidt, obviously the architect."
"Engineer Kith Cervantes, the project manager."
Dinanggil bigla ni Engr. Kith ang balikat ko kaya napakurap na lang ako.
"Ha?"
"Pakilala ka na," aniya.
I cleared my throat and my mind.
"Engineer MJ Osmeña, construction engineer ng team foxtrot," casual na pakilala ko na sinabayan pa ng shakehands.
Girlfriend ka pala, huh?
Edi wow.
Hindi ko na pinansin ang naging reaksiyon niya nang marinig ang pangalan ko. Siguro naman may idea siya kung sino ako at wala na akong pakialam doon.
Sinimulan ang discussion ng project. Taimtim akong nakikinig kahit na nakaka-distract na. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang vibration ng phone ko. With utmost care, ch-in-eck ko ito.
Baby Keyla is calling...
Damn.
"Um, excuse me, I just need to take this call," singit ko sa usapan nilang lahat. Lahat ng atensiyon ay sa akin nakatingin. Nagla-lunch na rin nga pala kami ngayon pero tuloy pa rin ang discussions and iilang changes ng project.
Patayo na sana ako nang magsalita na siya.
"We're in the middle of a meeting, Engineer Osmeña. What's more important than this?" Gamit ang baritonong boses niya, napatigil niya ako sa pagtayo nang panandalian.
Seryoso akong napatitig sa kaniya.
Punyemas mo, hindi mo alam paano maging magulang kaya 'wag na 'wag mo akong pagsasabihan nang ganyan. Kapag mga anak ko ang tumawag, wala nang ibang mas importante pa kesa sa kanila.
Pagak akong ngumiti sa kaniya at pinagpatuloy ang pagtayo.
"I'm sorry, Sir, but I really need to take this urgent call." Tumango lang ako kay Engr. Kith at walang lingunang naglakad palabas ng opisinang iyon.
Nang tuluyang makalabas, agad kong sinagot ang tawag.
"Yes, baby?" Malambing na tanong ko.
"Moooooom! We're here already!" Amidst the chaos I've been feeling since earlier, I felt comfort whenever I hear their voices.
Sobrang ingay sa kabilang linya, mukhang nag-aagawan na naman ang kambal sa phone ni Keyla. Hay naku talaga.
"Mom! Our room here are so cool! We have different rooms, hindi na po kami magkasama ni Kav sa iisang room! Lolo and Lola made us a room each," agad na kuwento ni Keyla.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng elevator. Sumakay ako at pinindot ang Osmeña Mart Floor.
"How's your trip, babies? Aren't you tired?"
"No, Mom! Actually, after eating our lunch, we will go raw to Lolo Jov's farm. There are lots of chickens daw doon, Mom," kuwento naman ni Kaven. Natawa na lang ako. Ang bibibo ng dalawa.
"Sinong kasama n'yo mamaya?"
"Lolo Rest and Lola Blake," ani Keyla.
"Oh, okay. 'Wag magpapasaway kay Lolo at Lola ha? Magpahinga na muna kayo, give this phone to Lola Blake, please."
"Okay po, I love you Mom," sabay na sabi ng dalawa.
Saktong nakangiti ako nang nasa tamang palapag na ako ng Osmeña Mart. Agad akong naglakad papunta sa opisina ng CEO ng Osmeña Mart na malawak pa rin ang ngiti.
"I love you both! I love you Keyla. I love you Kaven!"
Nagkagulo ulit ang kabilang linya, parang tinatawag na ang Lola nila.
"Yes, anak?"
"Ma, kumusta ang dalawa? Hindi ba nanibago sa tanawin na nakikita nila? They're so used to high buildings and the city life, baka nanibago r'yan."
Nakarating ako sa tapat ng office ni Ate Die, nasa tapat ko na ngayon ang secretary niya na napatayo nang makita ako. Pero dahil may kausap ako sa phone, hindi niya ako makausap.
"Naku, anak, tuwang-tuwa nga. Imbes nga na magpahinga pagdating ng bahay, ay ayon, nakipaglaro agad sa mga pinsan nila. Mas lalo nga'ng na-excite nang sabihin naming ipapasyal namin sila sa game farm ng Tito Jov mo," natatawang kuwento naman ni Mama. Naririnig ko rin sa background ang boses ni Papa na mukhang nakabuntot na sa dalawang bata.
"Hindi ba naninibago na wala ako, Ma?"
"Hindi pa naman. You raised them well and independently to you naman 'di ba?"
"Yes, Ma but-"
"Ganoon naman pala, hindi 'yan maghahanap sa 'yo. Baka naman ikaw pa maghanap sa kanila? As if it's your first time to be away from them?"
I sighed.
"Hindi naman sa ganoon, Ma, natatakot lang ako."
Totoo, natatakot talaga ako.
"Natatakot sa ano-"
"Lola, let's eat lunch!"
"Okay, baby... Hello, anak? Call ka na lang mamaya, ha? Magla-lunch lang kami, nagugutom na silang lahat," natatawa pang sabi ni Mama. I sighed again and smiled midair.
"Okay, Ma, bye..."
Hinarap ko ang secretary na kanina pang naghihintay sa akin. Ngumiti ako sa kaniya, washing away the doubts I'm feeling.
"Nasa loob si Ate Die?"
"Opo, Miss MJ."
"Busy ba?"
"Hindi naman po." Pagkasabi niya no'n ay pumasok na agad ako sa loob at sinurpesa na nga isang nakatatandang pinsan ko.
I escaped a meeting na medyo na-s-suffocate na ako and good thing I am here in my own territory, I can always find comfort whenever I want to.
"May meeting ka pala, bakit ka nandito?" Ani Ate Die.
Pumalumbaba ako at tiningnan siya habang abala sa pagpirma ng mga papeles sa table niya.
"Bored na bored ako, sa field naman talaga ang trabaho ko. I shouldn't be here nga dapat kasi si Engineer Kith lang ang dapat mag-utos sa akin," sagot ko naman.
Ate Die groaned and stop on what she's doing.
"Bumalik ka na roon, MJ. It's a big project of yours tapos ganito kang umakto? Be professional, MJ!" Pangangaral niya sa akin.
Kanina pa ako rito sa opisina niya, marami na kaming napag-usapan pero ngayon lang niya ako napangaralan.
Ako naman ang tamad na tumingin sa kaniya.
"Tss, Ate naman... nawalan ako ng gana nang malaman kong siya pala ang magpapagawa, e."
"Hindi mo ba alam na siya ang kliyente n'yo? Akala ko pa naman, alam mo kaya umuwi ka rito ng Pilipinas."
Mas lalong sumama ang mukha ko sa sinabi ni Ate Die.
"Kung alam ko nga lang na siya, hindi na sana ako sumama sa project na 'to. I can give it to anyone, maraming available sa Silver Lining na gustong kunin ang project na 'to."
"So wala kang balak na umuwi ng Pilipinas, ganoon? Almost five years kang nawala, baka nakakalimutan mo?"
"Hindi naman sa ganoon..."
"Teka, sandali, nandoon ba si Audree sa meeting n'yo?"
At ngayon ay nakuha na nga ni Ate Die ang atensiyon ko. Kunot-noo ko siyang pinagmasdang mabuti.
"Kilala mo siya?"
"S'yempre, we're in the same building and rumors spread faster than virus, you know."
"So it's true that she's the girlfriend?"
"Daw... 'yon ang sabi nila."
"Ano ba 'yan, hanggang ngayon chismis pa rin ang alam mo sa buhay Ate Dieviena, makaalis na nga lang."
I pouted more at walang nagawa kundi ang umalis na sa opisina niya.
"E, bakit parang galit ka?" Natatawa pa niyang pahabol na sabi sa akin.
After a week, na-aprubahan na ang designs at papunta na kaming lahat sa Negros for the construction. Tuwang-tuwa ako s'yempre kasi makakasama ko na ang mga anak ko matapos ang isang linggo na pananatili ko sa Manila.
Sa bahay ko pansamantalang pinatuloy ang tatlong kasama ko sa team. Dalawang linggo lang silang mananatili rito at ako na ang magtatapos ng project hanggang sa matapos ito sa loob ng six months na palugit.
Bukas, may groundbreaking ceremony ang LFC para sa resortel na ito. Kailangan naming um-attend kaya ganoon.
"You have a nice home. Is this where you grew up?" Pagbabasag ni Engr. Kith sa katahimikan namin. Nandito kaming dalawa sa veranda ng bahay, nakatanaw sa madilim na tanawin.
"Yeah, dito na ako lumaki, dito ako gumawa ng maraming memories kaya gusto ko sanang dito rin lumaki ang mga anak ko," sagot ko naman.
"So you're not coming back to Canada after the project?"
Napa-isip ako sa sinabi niya. Medyo hindi inaasahan 'yon.
"Siyempre, kailangan kong bumalik. I am still connected with Silver Lining, baka magpapa-reassign na lang ako rito sa Pilipinas."
Marami kaming napag-usapan ni Engr. Kith. Ganito lang talaga kami kakumportable sa isa't-isa.
Kinabukasan, abala kaming lahat sa paghahanda sa groundbreaking ceremony ng Resort at Hotel. At alam n'yo ba na sa lahat ng engineer, ako lang ang hindi pa nakakabisita sa lupa na pagtitirikan ng project na ito? E, tinatamad kasi ako at saka may tiwala naman ako sa tatlong kasamahan ko kaya okay na 'yon.
Invited sina Mama at Papa sa groundbreaking na ito. Naiwan ang kambal sa pangangalaga ni Manay Daisy at Alice. Naiintindihan naman daw ng dalawa kaya pumayag naman na iwan ko. Gusto ko sanang dalhin kaso kinakabahan ako't baka may makakita sa kanila at mamukhaan. Mahirap na.
Suot ang black wrap dress at white sneakers ko with a simple make-up and slightly messed hair, good to go na ako sa groundbreaking ceremony na ito. Hinayaan ko si Engr. Kith na i-drive ang bago kong sasakyan na Ford Everest. Magkasama kaming apat sa iisang kotse.
Habang papalayo, mas lalo akong naghihinala sa daang pupuntahan namin. Tandang-tanda ko pa, pati ang nangyari dati, tandang-tanda ko pa.
Nang ihinto na ni Engr. Kith ang kotse, doon ako napapikit nang mariin at tahimik na bumuntunghininga.
I knew it.
I lick my lips and watch how this place now become crowded with cars and people.
Kaliwa't-kanan ang nakikita kong media, kaliwa't-kanan ang nakikita kong mga malalaking bisita na nandito ngayon sa groundbreaking ceremony.
Tama lang talaga ang naging desisyon ko na ipa-iwan ang mga bata sa bahay.
Kaliwa't-kanan ang mga bumati sa amin. Lalo na kay Engr. Kith na nagsilbing mukha ng Silver Lining Construction. Gumawa ako ng paraan para makawala sa mata ng mga tao. Naghanap ako ng isang tagong lugar kung saan puwede akong ma-upo at makahinga nang maluwag.
Bakit sa lahat ng property na papatayuan niya ng project na 'to, bakit dito pa?
Hindi pa nagsisimula ang ceremony pero nandito na ang mga bigating bisita at mukhang hinihintay na lang ay ang boss ng LFC. Ang pasimuno ng lahat ng ito.
Sumandal ako sa malaking back hoe na pagmamay-ari ng Silver Lining Construction. Hindi pa man nagsisimula ang project na ito, mas na-una nang dumating ang iilan sa mga equipment na gagamitin.
Tahimik dito sa kinalulugaran ko pero nakikita ko naman ang ibang bisita.
This is what I hate about my job. The groundbreaking ceremony. Hindi talaga ako usually uma-attend ng ganito kasi mas importante sa akin ang trabaho ko pero this one is kind of different kasi nandito ako ngayon at walang magagawa kundi ang um-attend nga.
I sighed and finally, naisipan na balikan ang mga kasamahan ko.
Pabalik ako sa puwesto nila Engr. Kith nang napadaan ako sa puwesto kung saan in-interview ang nakatalikod sa puwesto kong si Donya Felicity.
Likuran pa lang, alam mong siya na, nagsusumigaw kasi ang pagiging elegante nito.
Napahinto ako hindi dahil sa presensiya ni Donya Felicity. Napahinto ako dahil sa naging tanong ng reporter sa kaniya.
"Is it true na isa sa mga engineers ng bagong business venture na ito ng inyong anak ay ang kaniyang dating asawa na si Engineer MJ Osmeña?"
Bakit ba hanggang ngayon, nadadawit pa rin ako sa mga Lizares?
Curious ako sa magiging sagot ni Donya Felicity kaya hinintay ko talaga.
"Yes, it's true and that's the reason why I am so excited with this project of him," sagot ni Donya Felicity.
"So totoo po ba na mas pinili ni Sir Darry Lizares ang Silver Lining Construction instead of choosing a local construction company because of his ex-wife?"
Anong klaseng mga tanong ba ang meron itong reporter na ito? Paano naman ako magiging rason, e, wala na nga'ng pakialam sa akin ang gagong iyon.
"Kind of. Maybe. Sana. I don't know. Darwin Charles kept his mouth shut whenever I ask him that but it's kind of obvious naman 'di ba?" Nagsitawanan silang lahat nang marinig ang sagot niya.
Na hindi ko maintindihan kung bakit.
"Donya Felicity... Ano pong masasabi n'yo sa namumuong relasyon ni Sir Darry at ng accounting head ng kaniyang sariling kompanya na si Miss Audree Macalintal?" Tanong naman ng isa pang reporter.
So it's true. It's really true that he and his accountant has a thing. Gross.
"Oh, let's not jump into conclusion that early. It's all rumor, maaaring nagkakamabutihan na sila pero wala silang relasyon, I assure you all that," sagot ni Donya Felicity.
Pero bakit hindi ako kumbinsido? Kung ganoong balita nga ang kumakalat sa lahat, hindi imposibleng totoo nga ang balita tungkol sa kanila.
Naagaw ng kararating lang na magarang sasakyan ang atensiyon ng lahat. Bago 'yon sa paningin ko kaya hindi ko alam kung sino pero base sa reaksiyon ng lahat, mukhang kilala ko na kung sino.
All eyes are on him. Mine too.
Gaya ng dati, mas matindi pa rin ang hatak ng enerhiya niya. 'Yong tipong ayaw mo siyang tingnan pero mapapatingin ka na lang talaga. The effect of Darwin Charles Lizares to the people.
Agad na sinimulan ang ceremony. Nanatili ako sa isang sulok, hindi naki-upo sa iba pang bisita na nandito. Nasa stage silang lahat na mga importante at relevant na tao sa project na ito. Sa aming apat, si Engr. Kith ang nandoon sa stage to represent the company.
Nakita na ako nina Engr. Meeton kanina pero sinabi kong doon na ako sa sulok pupuwesto.
Malaking issue nga ito. My presence here is kind of a big blow to everybody. Alam ng lahat na ex-wife na ako, tapos ngayon may nababalitaan na siyang girlfriend. 'Di ba parang ang awkward? Awkward kasi para sa akin.
He knew. He knew everything about me. He knew where I was. He knew where I work. He knew the people I'm with for the past four years.
Mariin akong pumikit at hinilot ang sentido ko.
Siguro alam niya rin na may anak ako. Kung ganoon siya ka-talino, malalaman niyang siya ang ama ng mga ito.
Pero anong gagawin ko? Ipapakilala ko ba sa kanila ang mga anak ko? Ipapakilala ko ba sa mga anak ko ang tatay nila?
I am selfish kaya ayokong malaman niya ang tungkol sa mga bata. Natatakot kasi ako na kapag once na nalaman niya, baka kunin niya sa akin sila. Ayoko, naguguluhan ako.
Natapos ang groundbreaking ceremony na tulala lang ako. Halos iniisip ang mga dapat gawin kapag umabot sa puntong ipapakilala ko na sila.
Nagpahinga ako para magkaroon ng enerhiya para sa bukas na haharapin.
"Are you ready?" Bungad na tanong sa akin ni Engr. Kith nang makababa ako sa hagdan. Ngumiti ako sa kaniya.
"Yes I am."
"Shall we? Nauna na sina Elron at Meeton sa site, ginamit 'yong luma mong sasakyan, is that okay?"
"Oo naman, tara na."
Nakarating kami sa site at since medyo mataas na ang araw nang makarating kami, kanina pa nasisimulan ng mga trabahante ang mga unang dapat gawin.
Isinuot ko ang hard hat na ibinigay ng isang trabahante pagkarating namin. Engr. Kith then guide our way to the make shift office of the site.
Agad akong nagtrabaho nang makapasok. Back to serious mode.
The best thing about my job is that I am more busier during the first day of work than in any other day. Busy'ng-busy ako na muntik ko pang makalimutang mag-lunch kung hindi lang ako pinasok ni Engr. Kith para ayain.
Sa work namin, lalo na kapag nasa field, may tradition ang team foxtrot na makikisabay kami ng lunch sa lahat ng foreman at construction worker ng every project namin kaya heto 'yong ginawa namin. Sabay-sabay kaming nag-lunch kasama ang lahat, walang mataas na posisyon, walang mababang posisyon, lahat pantay-pantay.
Nang magbalik sa trabaho, naisipan ko namang libutin ang buong site. Nag-o-observe sa mga ginagawang pagbubungkal ng back hoe, pagpapapantay ng lupa, at kung anu-ano pa.
Nang makita ko ang dagat sa hindi kalayuan, parang automatic na napangiti ako.
Ang ganda pa rin pala ng dagat sa ciudad namin.
Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa dalampasigan.
Low tide ngayon kaya naging malawak ang dalampasigan.
Patuloy ako sa pagmasid sa paligid hanggang sa matanaw ko ang isang bahay. Isang pamilyar na bahay.
Ganoon pa rin ang ayos niya noong una at huli ko itong nakita. Parang hindi nagalaw ang mismong bahay, lalo na ang paligid.
Mariin akong napatitig sa bahay na iyon.
That should be the house. If it weren't for my impulsive decision, baka hanggang ngayon, masaya kami ng mga anak namin. Pero siguro nangyari ang lahat kasi may rason. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang rason pero sana balang araw, malaman ko iyon.
Wala na akong magagawa, nangyari na ang mga dapat mangyari. Nasaktan ako sa mga panahong iyon and what I did was only adjacent with what I'm feeling. Sometimes, you need to cut off people especially if they're toxic for your well-being, right?
Bumalik ako sa make shift office namin at nagpahinga sa swivel chair ko. Masiyadong maraming nangyari. Magdadalawang linggo pa lang ako sa Pilipinas pero pasabog na ang lahat.
I was busy rolling my pen when the make shift office's door opened. Isang trabahante agad ang nakita ko.
"Magandang hapon po, Engineer, may naghahanap po sa inyo."
Agad akong napa-ayos sa pagkakaupo at tinanguan ang trabahanteng iyon.
"Papasukin mo na lang dito," sagot ko naman.
Agad ding pumasok ang bisita ko "raw."
Malawak siyang ngumiti sa akin pero nang ma-kumpirmang lumabas na nga ang trabahanteng naghatid sa kaniya ay doon na siya tumili.
"Frenny!" Exaggerated na bati niya sa akin. Sa sobrang bilis ng pangyayari, nalaman ko na lang na nakipag-beso na siya sa akin at nakayakap.
"What brought you here?" Nang kumalas sa yakap ay agad ko siyang tinanong. Bahagya niya pang inayos ang clean cut niyang buhok bago ngumiti ulit sa akin.
"Where are your boys?"
"Boys?"
"Like Engineer Kith, Engineer Meeton, and Architect Elron. Ganern, frenny, nasaan sila?"
Diyos ko pong baklang ito.
Napasandal ulit ako sa swivel chair at halos kagatin na ang dulo ng ballpen na hawak ko habang hindi makapaniwalang tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
"Akala ko pa naman nandito ka para sa akin," may pagtatampo pang sabi ko.
"S'yempre, pang-cover up ka lang, ghorl, pero sila talaga ang pakay ko."
Napa-irap ulit ako sa sinabi niya.
"Ereto kita sa mga construction worker d'yan, e," biro ko pa.
"Woy, sa ganda kong 'to? Sa construction worker lang mababagsak? Engineer ang bagay sa akin, bruha ka!"
"Ang racist mo naman, masiyado kang choosy! Okay naman ang mga construction worker namin, a? Mababait kaya sila," natatawa pang sabi ko.
"Hala go, ghorl, ipagpilitan mo pa!" Aniya. "So nasaan na nga sila? I brought them merienda pa naman, luto ni Lola." Nang sabihin niya ang tungkol sa dala niya, agad akong napatingin sa ibabaw ng magulo kong lamesa. Nakalapag nga roon ang isang paper bag.
"Saan 'yong akin?" Sinubukan ko pang buklatin ang paper bag na iyon pero masiyado siyang mabilis kaya naagaw niya.
"Wala, para sa kanila lang talaga 'to," maarte pang sabi niya.
"Genil!" Pagmamaktol ko. "Sino ba ang kaibigan mo? Sila o ako?"
"Kaibigan kita pero mahal ko sila, MJ," aniya na natatawa sa sinabi niya.
Natawa na rin ako kaya nagtawanan kaming dalawa.
Baklang-bakla ka nga, Genil.
Nasa estado kaming ganoon nang biglang bumukas ang pinto ng make shift office. Natigil kami ni Genil sa pagtawa at sabay na nilingon ang pinto.
Punyemas! Ano'ng ginagawa niya rito?
"Genil, nandito ka pala," ani Engr. Meeton habang papalapit sa amin. Siya lang ang bukod tanging nagsalita.
"Ah, oo, I'm here for MJ. Dinalhan ko lang ng merienda," sabay muwestra ng paper bag na kanina'y ipinagdamot niya sa akin.
Aba't ang walang hiyang baklang 'to, magaling din naman palang makisabay sa timing.
I sweetly smile to Genil at hinaplos ang kaniyang braso.
"You're the sweetest talaga," sabi ko pa.
Punyemas, naduduwal ako sa ginagawa naming ito.
"You don't need to do that, Genil. Nandito naman ako para magbigay ng merienda kay Engineer MJ," sabi naman ni Engr. Kith na eksaherada kong tiningnan.
Nakangisi pa siya sa akin na animo'y nang-aasar. At sure talaga akong nang-aasar lang ang isang 'to.
"Pero try mo 'yong merienda'ng dinala ni Sir Darry, MJ, masarap 'to." Lumapit si Ar. Elron sa akin sabay lapag ng platito ng isang kakanin na kilala rito sa ciudad namin.
Marahan akong nagbuga ng hangin at pagak na ngumiti sa kanilang lahat.
Ang awkward, sobra!
"T-Thank you," sabi ko pa, hindi makatingin sa lalaking nasa gitna nila na prenteng nakapamulsa lang at nakatayo roon.
Hindi ko malaman kung anong gagawin, at kung kanino titingin.
Ano ba kasing ginagawa niya rito?
"Engineer Cervantes, let's discuss about the restriction of visitors in the site. Let's talk about it outside," gamit na naman ang baritonong boses niya, sinabi niya iyon kay Engr. Kith na sinabayan niya agad ng pag-alis.
Sumunod agad si Engr. Kith sa kaniya. Si Ar. Elron at Engr. Meeton naman ay may sarili ng mundo at mukhang may inaayos na design sa malaking table.
Tumingin na lang ako kay Genil.
"W-Wow," namamanghang sabi niya. "I mean, wow! Guwapo nga ang ex mo pero terror naman. Anong problema no'n?" Dagdag niya.
Napabuntunghininga na lang ako sabay tayo.
"Pasensiya ka, hindi ko naman kasi inaasahan na pupunta pala 'yon dito, e."
"Ano ka ba? That's fine 'no, at saka ang taray naman no'n. Daig pa babaeng may dalaw sa sobrang taray," aniya. "Pero aminin, ghorl, bongga ang rebuttal ni Engineer Kither sa sinabi ko, halatang may gusto nga sa 'yo," dagdag na sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko.
Pinalo ko 'yong kamay niya at pa-simpleng tiningnan ang dalawa naming kasama sa office pero masiyado silang tutok sa kanilang ginagawa para mapansin ang kilos ni Genil.
"Ano ka ba, tigilan mo nga ako. Nang-aasar lang 'yon si Engineer Kith."
"Grabe naman mang-aasar 'yon, sa harap pa talaga ng ex mo."
"Trust me, Genil, nang-aasar lang talaga si Engineer Kith," sabi ko habang pinipigilan ang sariling matawa ng malakas. Inayos ko na lang ang sarili ko at tiningnan ang paper bag na dala niya. "Ako na ang bahalang magbigay sa kanila nito."
"'Wag na, sa 'yo na lang talaga 'yan. Nakapag-merienda na naman silang dalawa, e," ma-drama'ng sabi niya sabay tingin sa dalawang kasama namin na busy pa rin.
"Asows! Ako na ang bahala, ang arte naman nito."
"Sa 'yo na sabi 'yan! Bakit? Kakainin mo ba 'yang binigay ng ex mo?" May panghahamon sa boses niya.
Inirapan ko si Genil.
"Pero akin na lang itong ibinigay niya ha? Ako na ang kakain," sabay kuha noong platitong inilapag sa akin.
Wala akong nagawa kundi ang sundan ito ng tingin.
Hmmm, mukhang masarap pa naman 'yon.
"O!" tinapatan ako ni Genil ng kutsarang may lamang pagkain sa may bibig ko mismo. Nagtaka ako sa ginawa niya.
"Sinasabi ko na nga bang hindi mo matiis, e. O eto, kainin mo." Pinilit pa niya akong ngumanga kaya wala akong nagawa kundi ang sundin ang gusto niya.
Dinama ko ang lasa ng kakanin na iyon.
At oo nga, masarap nga.
"'Wag magpahalatang sabik, baka ikaw ay mabitik," weirdo'ng sabi ni Genil pero nagpaayos ng aking sarili.
~