アプリをダウンロード
76.59% She Leaves (Tagalog) / Chapter 36: The Papers

章 36: The Papers

Sa bawat araw na dumadaan, mas lalong bumibigat ang pasanin ko. Kung hindi lang dahil sa mga pinsan kong si Breth at Steve, baka tuluyan na akong natakwil sa pamilyang ito. At ang mas lalong masakit sa naging situwasyon ko, hindi nakikialam ang mga Tito at Tita namin sa alitan namin. Maski ang mga magulang ko, hindi ako kayang ipagtanggol sa kanila.

This is so depressing. Each passing day, it becomes depressing. I don't know what to do. Hindi ako makatagal sa mansion dahil kusa akong umiiwas sa mga older cousins ko. Kaya palagi akong tambay sa bahay, mag-isa, minsan kasama ang mga kasambahay.

Unang Sabado ng December ang libing ni Lola. At ngayon 'yon. Inayos ko ang sarili ko kahit na medyo nahihilo na ako at minsan ding sumasakit ang ulo ko, pinilit ko ang sarili kong gumalaw.

I just realized, it's so ironic. I should have been relying with alcohols right now pero bakit hindi ko magawa? Siguro sa fact na depressant ang alcohols, kung lugmok ka na, mas lalo kang malulugmok kaya hindi kailanman naging sagot ang pag-iinom sa kahit anong klaseng problema.

Wow, coming from an alcoholic like me.

Lumabas ako ng kuwarto at bumaba na ng hagdan. Naka-abang sa akin ang kotse ko sa labas at nasa gilid no'n si Manong Bong.

"Manong, ako na lang po ang magda-drive, kaya ko na po."

He hesitantly gave the keys to me.

"Sigurado po kayo, Ma'am?"

"Yes, manong, kaya ko na po ang sarili ko."

These past few days kasi, palagi akong nagpapa-drive dahil hindi ko kaya. Natatakot lang ako.

Nag-drive ako papunta sa simbahan, kung saan magaganap ang misa para kay Lola. It's the same scene with Lolo. And it feels like a de ja vu.

Gaya ng inaasahan, marami nga ang makikiramay. Pero hindi ko na iyon pinagtoonan ng pansin at diri-diretsong pumasok ng simbahan.

Eksaktong nasa gitna na ng simbahan ang kabaong ni Lola para sa misang magaganap. Punuan na rin ang simbahan kaya wala akong naging choice kundi ang tumayo na lang sa labas ng simbahan. What I did this past few days are enough para 'wag nang mang-agaw ng atensiyon ng mga tao ngayon. That's the last thing I want right now: other people's attention.

"Naku, Ma'am MJ, bakit po kayo nandito? Dapat nandoon po kayo sa loob!"

Pero kahit na naka-suot na ako ng sunglasses ay mapapansin at mapapansin talaga ako at meron talagang makakakilala sa akin. Nilingon ko ang medyo katandaang lalaki na sa pagkaka-alala ko ay isa sa mga trabahante ng tubohan namin at marahang tinapik ang kaniyang balikat.

"Dito na lang po ako, manong," sagot ko naman sa kaniya. Hindi siya kumbinsido pero wala siyang nagawa kundi ang tumango na lang at iwan ako.

Nagsimula ang misa at iilang orasyon. Pero sa kalagitnaan ng misa at pagwawali ng pari, may lumabas na babaeng may bitbit na bata galing sa loob ng simbahan. Kapansin-pansin iyon dahil umiiyak ang bata at pilit niya itong pinapatahan. At dahil nasa labas ako ng simbahan, dito patungo ang babae sa puwesto ko.

Hindi ko winala ang tingin ko sa babaeng iyon hanggang sa tumabi siya sa akin at pilit na pinapatahan ang bata. Medyo tumahan naman ito nang makita ako. Titig na titig sa akin ang bata, nagtaka ang nanay niya kaya napatingin na rin sa akin. It's my cue to look the other way.

Kamukhang-kamukha niya talaga. Hindi maipagkakaila, isa nga siyang Lizares.

"M-Miss MJ, ikaw po pala," may pag-uumanhing sabi ni Ayla nang makita niyang ako pala ang katabi niya rito sa labas ng simbahan.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya at tinanggal ko na rin ang sunglasses ko at ngumiti kay Ayla at sa bata.

"Hindi ba siya kumportable sa loob?" Patungkol ko sa tantrums ng bata kanina.

"A-Ah, opo," parang nahihiyang sagot niya.

Nakakamangha na tumahimik nga ang bata nang mailabas na niya ito.

"Puwede ko bang makarga ang anak mo, Ayla?"

Ang cute-cute ng bata at kahit halatang hindi pa nag-iisang taon ang batang ito, bumabakas na sa mukha niya ang pagiging Lizares.

May pag-aalinlangang tumango si Ayla pero kalaunan ay ibinigay niya rin sa akin ang bata.

Nang maikarga ko ang bata, parang himalang ngumiti ito sa akin at agad pinaglaruan ang sunglasses na nasa noo ko. Hinayaan ko siya at pinagtoonan ulit ng pansin si Ayla.

"How old is he and what's his name?"

"Five months na and his name is Aye."

Tumango ako sa sinabi ni Ayla at pinagtoonan ng pansin ang bata.

"Hi, Aye! How are you? I am Tita MJ." Your former Tita MJ.

B-in-aby talk ko ang bata, katulad nang ginagawa ko sa mga pamangkin ko.

Patuloy sa paglalaro ng sunglasses si Aye at mukhang hindi narinig ang sinabi ko pero patuloy din ako sa paglalaro sa kaniya, walang pakialam kung magmukha akong timang dito sa labas ng simbahan.

"M-Miss MJ, totoo po bang naghiwalay kayo ni Darry dahil kay Sonny?"

What?

Natigil ang kamay kong kukunin na sana ang nilalaro ni Aye nang dahil sa tanong ni Ayla. Natingnan ko siya nang wala sa oras, medyo nagulat sa naging tanong niya. I compose my self and smile at her.

"No. Ginawa ko 'yon para sa sarili ko, hindi dahil sa ibang tao. Kailangan lang talaga naming tapusin ang relasyon namin," nilingon ko si baby Aye at nginitian siya. "At Ayla, hindi ko tinuloy ang pagpapakasal kay Sonny para sa 'yo, para sa anak mo, at para sa pamilyang kailangan n'yong buuin. Kaya sana, do your part. Kung mahal mo si Sonny, 'wag mong hayaang mawala siya sa 'yo. 'Wag mong hayaang mauwi sa wala ang sakripisyong minsan kong ginawa." Matamis at sinsero akong ngumiti sa kaniya sabay pabalik sa kaniya kay baby Aye na hawak-hawak pa rin ang sunglasses ko. Wala na akong balak bawiin pa iyon kaya nang tuluyang makarga ni Ayla ang anak niya, tinapik ko ang balikat niya at itinuro ang loob ng simbahan.

Saktong tapos na ang misa at communion na kaya naki-linya na ako para sa communion.

Kahit papaano, nakatulong sa pagpapagaan ng loob ko ang pag-uusap naming iyon ni Ayla.

Matapos ang lahat ng orasyon sa simbahan, agad nagtungo ang lahat sa memorial park kung saan ililibing si Lola, katabi lang ito ng puntod ni Lolo.

Gaya ng gusto kong mangyari, nagpahuli ako. Pina-una ko ang lahat ng sasakyang nakikiramay. Medyo marami pero kaya kong maghintay.

Naging mabilis ang pangyayari. Ngayon ay inililibing na nga si Lola at isa-isa nang lumalapit ang mga kapamilya, kakilala, kaibigan, at kamag-anak sa pinaglibingan niya para maglaglag ng bulaklak.

Mahigpit ang hawak ko sa puting rosas na ibinigay ni Breth sa akin kanina. Nasa likuran kaming tatlo at naghihintay ng pagkakataon.

Suot ang reserbang sunglasses, tinakpan kong mabuti ang mga luhang patuloy sa pagbagsak galing sa aking mata. Nang magkaroon ng pagkakataon, inalalayan ako ng dalawa para makalapit sa libing ni Lola. Wala akong ibang ginawa kundi ang manghina. Nauubusan na ng lakas sa lahat ng nangyayaring ito.

Kung hindi lang naka-alalay ang dalawa sa akin, baka nga tuluyan na akong bumagsak sa paanan ko.

Mabilis ang mga pangyayari. Kahit nanghihina, kahit nasasaktan, kinailangan naming maging matatag. Sinsero kong binati ang mga nakiramay, mga kakilala na minsan ko ring naging kaibigan dahil sa pagiging alta.

Matapos ang mahaba at nakakapagod na hapon na iyon, bigla akong umalis habang abala ang lahat. Sakay ang kotse ko, hinayaan ko ang sarili kong dalhin ako sa lugar kung saan kahit papaano ay magiging kalmado ako.

Nag-drive ako hanggang sa mapadpad ako sa dagat na parte ng ciudad namin. Lumabas ako ng kotse at patakbong pinuntahan ang dalampasigan. Kahit mabato, naglakad ako palapit sa dagat at inilabas ang lahat ng sama ng loob na kinikimkim ko. Isinigaw ko ang lahat, iniyak ko ang lahat. Sa lugar na tahimik at tanging ang dagat, kalangitan, ang paligid lang ang nakakarinig sa halinghing ng aking pighati.

I broke down. The one's happiest person on earth, the one's most loved and most spoiled person on earth is on the threshold of crying, aching, and hurting. Masakit na Lord, sobrang bigat na po sa damdamin. Minsan na nga lang akong masaktan, sinagad naman. Minsan na nga lang akong mamatayan, 'yong pinakamamahal ko pa. Minsan na nga lang akong lokohin, 'yong taong mahal na mahal ko na.

Iniyak ko lahat, baka sakaling dalhin ng alon ang sakit na aking nararamdaman. Pagod na pagod na ako, pang-ilang beses na ito. Sagad na sagad na ako at hindi ko na yata kakayanin kung meron pang mananakit sa akin. I highly doubt myself that I will survive my next downfall. Nasagad na ako ngayon, e, at sa tingin ko wala na akong maisasagad pa.

Dahan-dahan akong umupo sa paanan ko. Kasama ang tahimik na alon, dinama kong muli ang sakit hanggang sa maging kalmado ang puso ko, ang utak ko, at ang kalooblooban ko.

Nanatili ako roon ng ilang oras hanggang sa gumabi na at madilim na sa paligid. Natuyo na ang kaninang mga luhang aking iniyak. Kumalma na ako. Tumayo ako at sinimot ang maalat na hanging hatid ng dagat ng norte.

"Pangako, pagkatapos nito, magiging maayos ako," bulong ko sa hangin.

Nang tuluyang kumalma ay naisipan kong umuwi na sa bahay. Namumugto ang mga mata, bumiyahe ako pauwi.

Ilang minutong pagda-drive ay nakarating ako sa bahay. Pinagbuksan ako ng gate at pinagmasdan ang paligid.

"Nandito na po si Ma'am MJ." Narinig kong sabi ng isang kasambahay habang papasok siya sa bahay. Mukhang inaabangan talaga ang pagdating ko.

Lumapit si Manong Bong sa akin kaya naibigay ko sa kaniya ang susi ng kotse ko.

"Saan po kayo galing, Ma'am? Kanina pa po kayo hinahanap nina Madam at Sir, nag-aalala po sa inyo," sabi ni Manong Bong sa akin nang kunin niya ang susi.

Automatikong napataas ang isang kilay ko sa gulat. Hindi na nakapagsalita, mas pinili kong pumasok na sa bahay pero nasa may pintuan pa lang ako, sinalubong na agad ako ng mahigpit na yakap ni Mama.

Sa sobrang gulat ko, hindi agad nakagalaw ang katawan ko.

"Ma-Mama..."

"Salamat sa Diyos at okay ka lang, anak! Saan ka ba galing? Kanina pa kami naghahanap sa 'yo, bigla kang nawala sa libing kanina. Hindi ka man lang nagpaalam," sabi ni Mama habang nakayakap sa akin.

"Mija, pinag-alala mo kami. Wala ka man lang may sinabihan kung saan ka pumunta. Maski sina Steve at Breth hindi mo sinabihan," sabi naman ni Papa at dahil sa sinabi niya, nakita ko nga ang dalawa kong pinsan na nakatayo na ngayon sa gitna ng living room namin at nakangiti sa akin.

"Saan ka ba kasi galing? Muntik nang magpa-search and rescue operation sina Tita kung hindi ka pa umuwi agad," komento ni Breth.

Natawa naman ako sa sinabi niya kaya kusang kumalas si Mama sa yakap.

"Galing lang po akong Old Pob, Ma, nagpahangin lang po."

"See, I told you. Na-suffocate lang siya kaya kailangan niya ng breather, 'di ba, Steve?" Natatawang komento naman ni Kuya Yosef kaya napatingin ako sa kaniya. Tumatawa siya at nakikitawa naman si Steve and Breth sa kaniya pero ang ikinagulat ko ay ang seryosong mga tingin ni Ate Tonette sa akin.

Napasinghap ako at niyakap na rin si Papa.

"Sinabi mo pa, Kuya Yosef. Mga bata pa lang kami n'yan, siya talaga ang pinakamahirap na hanapin sa larong tagu-taguan," natatawang sabi ni Steve na sinimangutan ko.

"As if naman na naglalaro talaga tayo ng tagu-taguan? We never played that kaya," eksaheradang sagot ko naman na mas lalong tinawanan nilang tatlo.

"Don't do it again."

Natigil ang tawanan nang biglang magsalita si Ate Tonette, lahat ng atensiyon ay nasa kaniya pero tanging sa akin lang ang tingin niya. Nawala ang light atmosphere sa amin at mukhang napalitan ng isang mabigat na tension. Hindi ko matingnan si Ate dahil aaminin ko, natatakot ako sa mga ibubuga na naman niyang salita. Remember that long speech when we had an argument with my older cousins the other night? That was her. Galit na galit.

"Tonette, don't start again..." May pagbabantang sabi ni Papa.

"'Wag ka na ulit aalis nang walang paalam. If you want a breather, you can do it. If you want to be alone, you can do it. But the next time you're going to do it, magpaalam ka."

Big time na nagulat ako sa sinabi ni Ate. Hindi nga agad ito rumehistro sa utak ko.

"Ate, kung papagalitan mo ako sa ginawa ko, please 'wag ngayon."

"I know... and I'm sorry." Matinding paghinga ang ginawa niya bago may kinuhang malaking envelope sa center table ng salas. "I just want you to know that the annulment papers are here, personally delivered by Judge Castro. Pirma mo na lang ang kulang, nakapirma na si Darry dito," sabi ni Ate sabay abot sa akin ng envelope na hawak niya.

Lumapit ako sa kaniya para kunin ang envelope na inabot niya. Agad ko itong binuksan at tiningnan kung tama ba.

Header pa lang ng sulat, alam ko na tama ang sinabi ni Ate Tonette. Annulment papers nga itong hawak ko. Kinuha ko ang lahat ng papel at agad tiningnan ang pang-ibabang parte ng sulat.

Matinding kirot ang naramdaman ko nang makita ang pangalan niyang meron na nga'ng pirma.

Hindi niya man lang tinutulan. Hindi niya man lang ako ipinaglaban. Hindi niya man lang sinubukang isalba ang relasyon naming ito.

Pero bakit ako magsisisi? Desisyon ko 'to, pinili ko 'to, at mukhang tama lang ang naging desisyon ko, naisalba ko ang sarili ko sa sakit.

Pero naisalba nga ba o huli na ang lahat?

Lumapit ako sa center table, umupo sa sofa, kinuha ang nakalapag na ballpen na hindi ko alam kung saan galing, at walang pag-aalinlangang pinirmahan ang pangalan ko nang matapos na ang lahat ng ito.

Binalaan na kita, MJ, na 'wag kang sosobra sa linya. Sumobra ka kaya ngayon ikaw ang kawawa.

A fresh start is what I need. A vacation is all I want.

Nilasap ko ang preskong hangin ng aming kapiligiran. I went for a jog at pinuntahan ko ang isang lugar kung saan mataas at makikita ang karamihan sa tubohan ng aming ciudad. Hindi ito 'yong bundok ng Lunay pero malapit lang ito sa bahay namin.

Another set of breathing the fresh air and I'm good to go.

Nag-jog ulit ako pa-uwi na sa bahay.

A day after Lola's libing, nag-sober up ako. Oo, sober up talaga ang term ko. Para kasi akong lasing na nagising na at nag-sober. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Siguro dahil kahit papaano ay pinapansin na ako nina Mama at Papa, hindi gaya noong mga nakaraang araw na halos hindi na nila ako tingnan. Hindi na rin namin napag-usapan 'yon and I think mas mabuti iyon.

Matapos makapag-jogging ay ipinag-utos ko kay Alice na tawagan si Aira at papuntahin dito sa bahay namin habang nag-aayos ako. May ipapagawa na naman ako sa kaniya.

Saktong natapos ako sa pag-aayos nang sabihin sa akin ni Mely na nasa veranda na raw si Aira, naghihintay sa akin.

"Good morning, Aira."

"G-Good morning, boss," agad na bati niya na sinabayan niya pa nang pagtayo.

"Just sit down, parang hindi ka na nasanay sa akin," wika ko kaya hindi na siya natuloy sa pagtayo. "By the way, nakapag-breakfast ka na ba?"

"Yes po, boss, tapos na po."

"Sigurado ka? We can have a breakfast first bago ko pa-simulan sa 'yo ang ipagagawa ko."

Tumango naman si Aira sa akin at nag-thumbs up pa.

"'Wag n'yo na po akong alalahanin, boss. Ikaw po, boss? Baka hindi pa po kayo nag-aagahan?"

"Dito na ako magbi-breakfast."

Maya-maya lang din ay dumating na sina Alice, dala-dala ang tray ng mga pagkain na specially ni-request ko. Ewan ko ba, ang sarap lang kumain bigla ng pinakbet, e.

"Aira..." Wika ko ulit matapos maka-alis ng iilang kasambahay at habang nakatingin lang sa mga pagkaing nasa harapan ko. "I want you to make me an itinerary. A trip to Africa."

I've been pondering this since kanina habang nagja-jogging ako. I want a vacation. A solo vacation. Kailangan ko nang kaginhawaan sa buhay ko.

Matapos kong sabihin, nagtaka ako sa katahimikan ni Aira kaya nilingon ko ulit siya.

"A-Africa, boss?"

Ngumiti ako sa kaniya at tumango bago sumubo ng pagkain.

"Yep, good for one month sana." Sumubo ulit ako. "Ang una mong gagawin ay maghahanap ka ng mga puwedeng puntahan sa Africa, mga tourist destinations ba, tapos ibo-book mo ako ng hotels and my plane tickets. Or mas better kung maghanap ka na lang ng group tours na available sa Africa, mas okay 'yon," tuloy-tuloy na sabi ko.

Aira is obviously trying to keep the pace of what I want pero agad din naman niyang tinanguan iyon habang kinukuha ang iPad niya. Nagpatuloy ako sa pagkain at siya naman ay tahimik lang na ipinagpatuloy ang ipinag-uutos ko.

Patapos na ako sa agahan ko nang biglang pumasok si Mama sa veranda. Sunday nga pala ngayon kaya sila nandito, siguro para na rin magpahinga. Lumapit si Mama sa akin at bumati naman si Aira sa kaniya at napatigil pa sa ginagawa niya.

"Bakit ka rito nagbi-breakfast?" Nagtatakang tanong ni Mama matapos niyang tugunan ang bati ni Aira at matapos akong halikan sa noo.

"Nagutom po kasi ako sa pagja-jog, Ma. Sorry, hindi na ako nakapag-hintay ng breakfast natin."

She patted my head and smiled more.

"It's okay, anak. Ano nga pala ang ginagawa ni Aira rito nang ganito ka-aga? May ipinagawa ka ba?"

Tuluyan kong tinapos ang breakfast ko at ibinigay ang buong atensiyon kay Mama.

"Ma, I want to have a vacation."

Mama obviously was taken aback with my sentiment. She intently look at me with utmost care and amusement.

She sighed heavily after a few seconds bago siya umupo sa bakanteng bangko sa harapan ko.

"Saan ka naman pupunta? Ilang araw ka roon?"

"Africa," sabi ko sabay subo sa kanin.

"Africa?" Gulat na gulat na tanong ni Mama. "Ang layo naman no'n, anak? Sinong kasama mo? Gaano ka katagal doon? Isasama mo ba mga kaibigan mo? Sina Steven at Brethren, isasama mo ba? Safe ba doon, anak?"

What?

Natigil sa ere ang kamay kong may hawak ng kutsara dahil sa sunod-sunod na naging tanong ni Mama. Walang preno. Sunod-sunod talaga.

"Ma!" Pagpapakalma ko sa kaniya. "Isa-isa lang, okay?"

She sighed again. A deep sigh.

"Bakit ka naman doon magbabakasyon, anak?" Ngayo'y kalmadong tanong na niya.

"Ma! I want to see animals! Gusto kong pumunta ng Safari!"

"Animals? Edi sa zoo ka pumunta. Safari? Magpabili ka ng isang pack ng safari kay Alice doon sa supermarket ng Tita Letty mo."

Ano ba itong pinagsasabi ni Mama?

Napakamot ako sa batok ko dahil sa mga pinagsasabi ni Mama.

"Ma naman, I'm twenty-four na kaya, Ma! Please let me travel! This is something I wanna do sana after graduation pero hindi ko na nagawa. Now that everything is done, maybe I can have the chance to travel the world before I indulge myself with finding work and have a professional growth," explain ko naman kay Mama.

She sighed again.

"Okay, okay. Ngayon ka talaga magta-travel? We have testament reading next week. You need to be there," paalala ni Mama.

I continue my eating.

"Mukhang hindi ko na po maabutan 'yan, Ma. Kung mabo-book lahat ngayon ni Aira ang mga kailangan ko sa trip na ito, baka bukas aalis na ako."

"Bukas?! Agad-agad, anak?"

"Ma..."

"P-Pero 'yong testament reading nga..."

"Ma... I'm not interested with the last will and testament of Lola and Lolo, hence I am not interested with their wealth na mapupunta sa akin."

"Anak..."

"Sige na, Ma..."

She sighed again.

"May magagawa ba ako? E, alam mo namang nasusunod talaga ang mga gusto mo."

I gave Mama a hug when she finally agree with my own vacation. I explained to her everything.

Matapos ang usapan namin ni Mama, ipinaalam niya agad kay Papa at sa mga kapatid ko. Kaya 'yon ang pinag-usapan namin sa hapag-kainan sa pananghalian.

Pina-impake ko na rin ang mga gamit na dadalhin ko. Marami ang dadalhin ko kasi nga, 'di ba, isang buwan ang target ko.

Nasa kusina ako, nakatambay lang nang may sumagi sa isipan ko.

All must end well.

"Alice, may mga ingredients ba tayo r'yan para sa cake?" Out of nowhere ay naitanong ko kay Alice nang mapadaan siya sa kitchen island.

"Mukhang meron naman. Bakit? Magpapa-bake ka?"

"Oo sana, isang chocolate cake. May pagbibigyan lang ako. Pakisabi na lang kay Mely tapos balik ka rito, isama mo si Erna, may pag-uusapan tayo."

Na-confuse si Alice sa sinabi ko pero agad din naman siyang pumunta sa likuran ng bahay kung saan madalas ang mga kasambahay.

Matapos ang ilang sandali ay bumalik na nga si Alice na kasama na si Erna.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong agad ni Alice habang pa-upo sa bakanteng espasyo sa harapan ko, sumunod naman si Erna.

"Tungkol sa pag-aaral n'yo," panimula ko. Nagkatinginan silang dalawa. "Now that me and Darry are no longer married, ibig sabihin no'n, hindi na ako makakabalik ng Manila. Maybe after my vacation, dito na ako sa probinsiya natin maghahanap ng trabaho. So it means, dito na kayo mag-aaral."

Nagkatinginan ulit sila bago nagsalita si Alice.

"Okay lang sa akin kung hindi ako makakapag-aral ngayon, okay na sa akin 'yong isang semester na iyon. Nakakapagod pala ang kolehiyo," reklamo ni Alice kaya napatawa kaming dalawa ni Erna.

Kahit papaano ay naging malapit kaming tatlo habang nakatira kami sa Manila. Kaya we have this insides jokes na pinagtatawanan namin intellectually.

"Ako, Ma'am MJ, gusto ko sana pero depende po sa inyo, kayo po ang bahala. Masaya na po ako na nakaranas po ako na mag-aral ng kolehiyo, Ma'am," wika naman ni Erna.

I intently look at them both.

"Hindi okay sa akin na matitigil kayo sa pag-aaral. Ipagpatuloy niyo 'yan, doon kayo mag-aral sa MCCEI, kilala namin ang nagma-manage doon kaya madali nating ma-a-adjust ang mga schedule n'yo."

"S-Sigurado ka, Ma'am MJ?" Namamanghang tanong ni Erna sa akin.

"Oo naman. Ayokong maantala ang pagtatapos n'yo. That's the only help I can give you both."

"Salamat, Ma'am MJ," ani Alice.

Nginitian ko silang dalawa.

"Si Aira na ang bahalang mag-asikaso ng mga papeles n'yo. Aalis na kasi ako bukas pero sa pagbabalik ko, dapat nag-aaral na ulit kayo ha?"

'Yon ang naging usapan namin bago ako pumanhik sa kuwarto ko para makapag-ayos.

Eksakto ring natapos ako sa pag-aayos ay tapos na ang pina-bake kong cake kay Mely. Pinasilid ko ang cake sa isang box na available naman sa bahay since mahilig mag-bake si Ate ng mga cake kaya kumpleto 'yong mga gamit namin sa bahay in terms of baking, mabuti naman at nagamit ko ngayon kahit na hindi naman talaga ako nagbi-bake.

Tinungo ko ang mansion na minsan ko lang puntahan, ngayon pang hiwalay na kami. Napasinghap ako nang ma-isipang lumabas na ng kotse bitbit ang box ng cake.

Agad akong sinalubong ng sekyu na siguro'y kanina pa nawi-weird-uhan sa akin dahil kanina pa ako nakarating pero ngayon lang ako bumaba ng kotse.

"M-Magandang hapon po, Ma'am." Mababakas sa mukha ng sekyu na iyon ang taranta niya nang makita ako.

Oo, alam ko, minsan lang akong bumisita rito. Siguro mabibilang sa isang daliri lang ang times na bumisita ako rito.

"Magandang hapon po, may tao po ba sa loob?"

I assume that Don and Donya are here dahil Sunday ngayon. No work day. Masiyado naman silang abusado sa kanilang work habit 'pag pati ngayong Sunday ay nagtatrabaho sila.

"Nand'yan po sina Don at Donya pero si Sir Darry po ay wala, umalis po. Pasok po kayo, Ma'am." Binuksan nga ni manong sekyu ang malaking gate ng mansion nila. "Ipasok n'yo po 'yong sasakyan n'yo, Ma'am. Aabisohan ko lang po si Don Gabriel sa pagdating ninyo."

"Hindi po si Darry ang pinunta ko rito, manong. Si Don at Donya talaga ang sadya ko rito at saka r'yan na lang po ang sasakyan ko, hindi rin naman po ako magtatagal sa loob."

It was a relief tho na malaman na wala ngayon si Darry. Wala na akong pakialam kung saan siya magpunta. Wala talaga akong pakialam.

"Ah, manong, saan nga po pala nagpunta si Darry?"

Ah, punyemas ka, MJ!

"Ay nevermind po, manong." Bago pa man makasagot ang sekyu, mapakla na akong ngumiti sa kaniya at tuluyan nang pumasok sa loob ng gate. Nakita kong nagtaka ang sekyu pero hindi ko na pinansin pa. "Manong, ako na lang po ang maglalakad papasok. Kaya ko na po ang sarili ko." Inunahan ko na ang sekyu bago pa man siya mag-presentang sabayan ako sa paglalakad.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong mansion nila. Isa ito sa pinaka-malaking mansion sa ciudad namin. Mas malaki pa sa Osmeña mansion. Modernong mansion ang tawag nila rito dahil sa architectural design nito. Modernong-moderno kasi. Manor de Lizares nga ang tawag nila rito.

Malapit na ako sa entrance ng mansion nila nang biglang may sumulpot na isang eleganteng babaeng kahit alam mong wala namang okasyong pinuntahan, aakalain mong dadalo siya sa isang napakagarang okasyon.

"You're here!" Masiglang bati niya at agad akong sinalubong. Masiyadong mabilis ang mga pangyayari kaya hindi ko agad na-ilagan ang pagbating ginawa niya sa akin. Bineso niya ako pero ako, parang uod na nanigas sa isang tabi.

"What brought you here, hija? Are you here for Charles?" Nang makabitiw siya sa yakap sa akin ay agad siyang nagsalita.

"N-No po, hindi po si Darry ang pinunta ko rito. Kayo po talaga ang sadya ko," magalang na sabi ko.

Donya Felicity froze when she heard what I said.

"May gusto lang po sana akong sabihin sa inyo ni T-Tito Gabriel." Napayuko ako dahil I took all my courage to face them today.

"T-That must be important. Come in, hija." Inalalayan ako ni Donya Felicity na pumasok sa loob ng mansion nila.

Pagka-pasok ko pa lang, kung anong ikina-elegante ng labas, times two ang pagiging magara ng loob ng bahay. It feels like everything around me were made of gold. So shiny, so bedazzling, so splendid. Shining, shimmering, splendid. Naks, lakas maka-Aladdin.

"I brought a cake po." Nang makapasok sa loob ng manor, agad kong ipinakita kay Donya Felicity ang box na bitbit ko.

"Ow! Is this a homemade cake? Did you bake it? Is this for me?"

Para rin pala itong si Mama si Donya Felicity? Ang daming tanong.

"Y-Yes po, homemade po, pero hindi po ako ang nag-bake," medyo nahihiya kong sabi but it seems like she doesn't care kasi agad niyang kinuha sa akin ang box at nagtawag ng uniformed maid nila para ipahanda raw ang cake na dala ko. Gusto raw pa rin niyang tikman kahit na hindi ako ang nag-bake.

"Ma-upo ka, hija, tatawagin ko lang ang Daddy Gabriel mo."

Daddy...

Since the annulment, I've been conditioning myself that the next time I'm going to see them, babalik sa Tito at Tita ang tawag ko sa kanila.

Isang nakakabinging katahimikan ang namutawi sa loob ng mansion nila nang umalis si Donya Felicity para puntahan si Don Gabriel sa kung saang parte man ng bahay nila. Pinagsalikop ko ang kamay ko at piniga-piga ito, trying to calm my self down. Kinakabahan ako sa gagawin ko. Kaya nag-breathing exercise ako para kahit papaano ay kumalma ang buong sistema ko.

"Oh, hija, this is an unexpected visit. What brought you here?"

Ilang sandali lang ay nakarating na nga ang mag-asawa rito sa salas nila. Malawak ang naging ngiti ni Don Gabriel sa akin kaya tumayo ako para makipag-beso sa kaniya.

Iminuwestra niya sa akin ang sofa'ng inupuan ko kanina para paupuin ako ulit. Sinunod ko naman. Umupo na rin sila sa mahabang sofa na may desinyong gold. Punyemas.

Umayos ka, MJ, parang hindi ka mayaman.

"Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa, nandito po ako para humingi ng tawad." Matinding paglunok ang ginawa ko matapos kong sabihin iyon. Inipon ko talaga ang lahat ng lakas ko, masabi lang sa kanila iyon kasi after all, I owe them a sorry for the impulsive decision I did.

"Wait, why are you saying sorry, hija?" Nagulat si Donya Felicity sa sinabi ko kaya agad siyang nakapag-reak.

Nilingon ko silang dalawa na diretsong nakatingin din sa akin.

"Sorry po sa biglaang naging desisyon ko sa gitna ng problema ng pamilya namin. Sorry po kung napahiya at napag-usapan pati ang pamilya niyo po," sinserong sabi ko.

Donya Felicity gasped and tinakpan niya pa ang bibig niya dahil sa gulat. Si Don Gabriel naman ay seryosong nakatingin sa akin.

"No, hija, kami nga dapat ang humingi ng pasensya sa 'yo. Nadamay ka sa pagkakasundo ng dalawang pamilya," wika ni Don Gabriel.

"Naiintindihan ka namin, hija, kung bakit mo napag-desisyunang tuluyang putulin ang ugnayan ninyo ni Charles. I cannot imagine how deeply hurt you are of what happened to your family. I do understand it, hija," wika naman ni Donya Felicity sa malamunay na paraan.

Tumango ako sa mga pinagsasabi nila at ngumiti.

"Thank you po for everything. Rest assured po na walang magbabago sa relasyon ng parehong pamilya - the Lizares and Osmeñas."

Hinawakan ko ang left ring finger ko. For the last time, dinama ko ang mga singsing. At saka ko dahan-dahang tinanggal ang mga singsing. The engagement ring and the wedding ring. Nang hindi tinitingnan ang mga singsing, marahan ko itong inilapag sa center table ng salas nila. Inilapit ko kay Don at Donya at saka ngumiti.

"Isinasauli ko na po ang mga singsing. Thank you po for accepting me to your family." Tumayo ako at saka yumuko para sa kahuli-hulihang pagkakataon ay makapagbigay-galang ako sa kanilang dalawa. "I need to go na po. I have a flight to prepare with pa po kasi. Thank you for your time, Tito Gabriel and Tita Felicity."

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, at siguro sa gulat, hindi agad nakagalaw ang mag-asawa. Pero hindi ko na pinansin 'yon dahil na-iiyak ako. Na-iiyak ako kasi sa unang pagkakataon, matapos kong masuot ang mga singsing, ay natanggal ito sa aking daliri. Nakakalungkot. Ang sakit pa rin pala.

Tumalikod ako at handa na sanang umalis nang biglang natigilan ako. Agad akong napa-angat ng tingin sa pigura ng taong humarang sa dinaraanan ko. Tiningala ko siya at ganoon na lang ang naging kabog ng aking dibdib nang makita ko ang mukha niya.

Pero na-iiyak na talaga ako and he's the last person I want to see when I'm on the verge of crying.

Pagod akong ngumiti sa kaniya at saka nilampasan siya para magpatuloy sa paglalakad.

Mabilis ang naging lakad ko, hindi ko na nga napansin ang sekyung nagpapasok sa akin kanina kasi agad akong pumasok sa kotse ko at humarurot ng pagpapatakbo.

Kusa ring pumatak ang mga luhang gusto na nga'ng kumawala kanina pa. Tumigil ako sa pagda-drive at hinayaan ang sariling ma-iyak sa sakit.

Yeah, masakit, kasi ngayon lang nag-sink in sa akin lahat ang mga nangyari sa nakaraang araw, lalo na ang paghihiwalay namin ni Darry.

Napatitig ako sa left ring finger ko at tiningnan nang mabuti ang bakas na naiwan ng mga singsing.

Kahit anong precautions ang gawin mo. Kahit anong pagbabanta ang nasabi mo sa sarili mo. Kahit anong iwas mo, mahuhulog at mahuhulog ka sa isang tao. Mamahalin mo ito hangga't sa makakaya mo.

Sinabi ko na sa sarili kong dapat hindi na ako nahulog. Hindi na ako sumugal. Isinugal ko ang lahat at ngayon ay wala nang natira sa akin, natalo na ako, naubusan pa ako. Minsan na nga lang magmahal, sa maling tao pa.

Ikaw na nga ang nagbigay ng buo, ikaw pa ang nadurog.

~


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C36
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン