アプリをダウンロード
74.46% She Leaves (Tagalog) / Chapter 35: The Heartbreak

章 35: The Heartbreak

Hanggang anong numero ba ang pain tolerance ng isang tao? Ilang sakit ba ang dapat maranasan nito bago bumigay at mawalan ng rason para mabuhay?

Hindi pa nga ako nakakapag-move on sa pagkawala ni Lolo Mado, sumunod naman itong si Lola Auring. Bakit sila ganito? Bakit mo kinukuha ang mga mabubuting tao, Lord?

It's been two weeks since Lolo died and it's been days since Lola's death. Nawalan ako ng lakas para lumabas ng kuwarto. Nawalan ako ng lakas para harapin ang kabaong ni Lola. Nawalan ako ng lakas para harapin ang lahat ng tao. Walang-wala na ako, ubos na ubos na. Akala ko sagad na 'yong pagkawala ni Lolo, e. Hindi ko alam, may isasagad pa pala.

Para akong binaril ng ilang beses, tadtad na nga ng bala ang buo kong katawan, nagawa ko pang mabuhay kaya nararamdaman ko ang bawat hapdi at kirot ng mga balang bumabaon sa aking katawan. Masakit, mahapdi, nakakamatay pero hindi ko magawang mamatay.

Iyak lang ako nang iyak, hindi lumalabas ng kuwarto. Always shutting other people who wants to come near me without my permission. Gusto akong bisitahin ng mga kaibigan ko pero hindi nila magawa dahil ayaw ko, at hindi ako lumalabas ng kuwarto. Hindi pa nga ako nakakabisita sa lamay ng sarili kong Lola.

Hindi ko alam kung ilang araw akong ganoon. Hanggang isang araw, naisipan kong lumabas ng kuwarto at umupo sa veranda sa pangatlong palapag. Siguro natuyo na ang tear duct ko, wala nang luhang mailabas pa. Nagpahangin ako at tinanaw ang bundok ng Lunay.

Nang makuntento sa tanawin, kinuha ko ang phone ko at in-off ang airplane mode nito. Texts and other notifications suddenly flooded my phone but I ignore all of them. I dialed Aira's number.

After three rings, sinagot naman niya agad.

"Boss, magandang umaga po, boss."

I can feel excitement to her voice but it didn't change my mood.

"Aira, nasaan ka ngayon?"

"N-Nasa Osmeña mansion po, boss. Bakit po?"

"Puwede ka bang pumunta ngayon din sa bahay? May ipapa-asikaso sana ako sa 'yo."

"S-Sige po, boss, papunta na po."

Ako na mismo ang bumaba ng tawag at isinantabi ang mga mensaheng natanggap ko sa aking phone. Sumandal ako sa kinauupuan ko at hinintay ang pagdating ni Aira.

Someone knock on the sliding door of the veranda kaya napalingon ako roon. It's Alice.

"Lumabas ka pala, hindi mo man lang kami inabisohan."

Ibinalik ko ang tingin sa berdeng tanawin sa harapan ko at sinimot ang sariwang hangin ng bukid.

"Dadating si Aira, pakihandaan siya ng merienda," utos ko sa kaniya.

"Okay, Ma'am MJ. Ikaw, anong kailangan mo?"

Bumaba ang tingin ko para tingnan ang mga puno sa ilalim.

"Pakisabi naman kay Mang Kanor na pakikuhaan ako ng mangga sa punong iyan, o?" Sabay turo sa manggang malapit lang sa gate ng bahay.

"M-Mangga?"

Lumingon ako kay Alice at bumalatay nga sa mukha niya ang gulat sa sinabi ko. Maski ako nagulat, basta ang gusto ko lang ay ang kumain ng mangga.

"Oo, dalawang piraso ha?" Request ko.

Napakamot si Alice sa buhok niya at confuse na confuse na tumingin sa akin, but at the end of it, wala siyang nagawa kundi ang sundin ang inutos ko.

Lumabas siya ng veranda at ilang minuto ang nagdaan ay nakita ko na si Mang Kanor na umaakyat sa puno ng mangga na itinuro ko. Wala sa sarili akong napangiti. Maka-ilang segundo rin ang nagdaan ay may dumating na sasakyan. Pinagmasdan ko ito hanggang sa bumaba na nga si Aira. Hindi ko na nasundan ang sumunod na nangyari kasi pumasok na sila sa loob at mas pinagtoonan ko na ng pansin ang pagsusungkit ng mangga na gusto ko.

"Boss... magandang umaga po, boss."

Lumingon ako sa may likuran ko para tingnan si Aira. Kasabay niya sa pagpasok si Alice at Erna na parehong may bitbit na tray. Ang isa, sa merienda para kay Aira at ang isa naman ay ang manggang inaasam ko na may kasamang mug.

"Maupo ka Aira," offer ko sa upuan sa harap. Inilapag din nila ang tray at nang makita ang laman ng mug ay agad akong napangiwi. "Ayoko munang magkape, Erna, pakitabi na lang," sabay abot sa kaniya ng mug. Gulat man sa aking naging desisyon, kinuha niya pa rin ito at agad silang umalis ng veranda, leaving me and Aira behind.

Nang tuluyang makaalis ang dalawa, agad kong kinausap si Aira.

"Ai, do you have contact with Darry's secretary?" Sinimulan kong lantakan ang manggang nasa harapan ko ngayon habang kinakausap si Aira.

She remained silent even after I got my first bite kaya tiningnan ko siya. Napangiti siya sa akin at parang nataranta dahil sa naging tingin ko.

"Um, opo, mayroon po. Bakit po, boss?"

Sumubo ulit ako ng mangga bago nagpatuloy.

"I want you to contact him and ask a copy of all the list of the properties named after us," sabay subo naman ng isang slice ng mangga.

"I have a copy boss."

Natigil sa ere ang kamay kong susubo na sana sa isa pang slice ng mangga nang magsalita si Aira.

"Kumpleto ba ang listahan mo? Like all the properties we had before and after the marriage?"

"Yes po, boss. Kumpleto po."

Lumawak ang ngisi ko sa naging sagot ni Aira kaya dahan-dahan akong sumandal sa kinauupuan ko at pinag-ekis ang aking kamay na nakatingin sa kaniya.

"Good. Hindi na natin kailangang abalahin ang side niya. Mabuti, Aira. Can I see it? Dala mo ba?" Napansin kong may dala nga si Aira nang makarating siya rito kaya iyon ang pinagtoonan niya ng pansin.

Inilabas niya ang iPad niya at may kinalikot doon. It took her minutes before finally, iniharap niya sa akin ang isang file containing all the information I needed.

"May mga conjugal properties ba na nakalista rito?" I scan the soft copy of the document I needed.

"Meron po, boss, pero kaonti lang po. Apat na stocks ng OBE, another stocks from Lizares Sugar Corporation, isang sasakyan, isang ten hectare land, at isang bahay."

What?

Lahat ng sinabi ni Aira ay nababasa ko rito sa soft copy na nasa harapan ko. Aaminin ko, nagulat ako sa nalaman ko kaya nagtataka akong lumingon kay Aira.

"Bakit hindi ko alam ang mga ito? Sa pagkakaalam ko, ang conjugal asset lang namin ay ang stocks na binili niya from the OBE and the Lizares Sugar Corp."

Nanlaki ang mata ni Aira sa sinabi ko. Mukhang nagulat din sa sinabi ko.

"Boss? Hindi niyo po alam ang tungkol sa sasakyan, bahay, at lupa, boss?"

Now, this is something weird.

"No. May alam ka ba rito?"

Ibinalik ko ang tingin ko sa document na binabasa at binasa ng buo ang nakasulat.

"Hala, boss, hindi niyo po alam ang tungkol sa mga ganoon?" Agad akong umiling sa sinabi ni Aira habang ang mata ay nasa binabasa pa rin. "Baka, boss, iri-regalo sana ni Sir Darry sa 'yo, boss."

My hands automatically stopped from scrolling and dead stare at the screen. Pumikit ako at nagbuntunghininga sa narinig at saka nagpatuloy sa pagbabasa.

Wait...

"Nandito ang property na ito?" Gulat na tanong ko nang mabasa ang address ng bahay at lupa na kinatitirikan nito. "Alam mo ba kung nasaan ito, Aira?" Tanong ko sa kaniya sabay pakita no'ng address ng property na sinasabi ko.

Pinasadahan ng tingin ni Aira ang itinuro kong address at confuse na nagbaling ng tingin sa akin.

"Pamilyar po sa akin ang address, boss, pero hindi ko pa po nakikita ang property na ito," sagot naman niya.

Tumayo ako sa kinauupuan at dumungaw sa may sliding door ng veranda.

"Alice! Alice!" Sigaw ko, calling the attention of my trusted kasambahay.

Ilang segundo lang ang nagdaan ay agad nagpakita sa akin si Alice.

"Bakit?"

"Pakisabi kay Manong Bong na ihanda ang sasakyan ko, aalis kami ni Aira," bilin ko sa kaniya.

"Saan ka naman pupunta?" Nagtatakang tanong niya habang may bitbit na basahan. "Ikaw ba magda-drive?"

"Basta. Hindi, hindi ko kayang mag-drive, pakisabi kay Manong Bong na siya na."

Walang nagawa si Alice kaya tumango na lang siya at muling bumaba. Binalikan ko si Aira at confuse na confuse pa rin siya.

"Saan po tayo pupunta, boss?"

"Pupuntahan natin ang property na iyan. I want to see it myself before deciding what to do with that property."

"Aabisohan ko po ba si Sir Darry, boss?"

"Huwag!" Agad na sagot ko. "'Wag na natin siyang abalahin. Titingnan ko lang naman talaga ang property na iyon. If he hides it from me all this time, siguro may rason siya kung bakit kaya 'wag na natin siyang abisohan," huling habilin ko kay Aira bago umalis para makapag-bihis.

Hindi rin nagtagal ay lumarga kami ni Aira kasama si Manong Bong and good thing kasi pamilyar si Manong Bong sa address na sinabi ko. Hindi man niya alam kung ano 'yong pupuntahan namin doon, hindi na rin naman siya nagtanong pa.

"Kumusta na ang burol ni Lola?" Pagbabasag ko sa katahimikan habang bumibiyahe kami. Si Aira ang tinatanong ko kasi roon siya nakatambay pansamantala habang naghihintay ng mga utos ko.

"Maayos naman po, marami pong bisita ang dumadalaw tuwing gabi. Nandoon din nga po pala ang mga kaibigan niyo po, naghihintay kung kailan po kayo dadalaw."

I sighed again. I know na naguguluhan na ngayon ang mga kaibigan ko sa kung anong nangyayari sa akin kasi simula no'ng mailibing si Lolo, hindi na ako nagparamdam sa kanila. Hindi rin naman nila ako binibisita sa bahay, siguro busy lang sa kani-kanilang buhay and I do understand that. I understand na mag-isa kong haharapin ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Mamaya, pagkatapos nito, pupunta tayo sa mansion." Ngumiti ako kay Aira at sinuklian naman niya ito. Nag-iwas ako ng tingin at tinanaw ang iba't-ibang tanawin sa labas.

Umabot ng thirty minutes ang biyahe from our house to the address ng conjugal property na nakalista sa files namin. Naramdaman kong bumagal ang pagpapatakbo ni Manong Bong sa kotse kaya napalingon ako sa kaniya at saktong nakatingin na rin siya sa akin sa pamamagitan ng rearview mirror.

"Saan po banda, Ma'am MJ? Nandito na po tayo."

Iginala ko ang tingin sa paligid pero masusukal na mga damuhan lang ang nakikita ko, sa kabilang banda naman ay isang ektaryang lupain ng tubo ang nakatanim.

"Diretso lang po kayo, Manong, at kung may mapansin po kayong gate ng bahay, try nating i-check, baka iyon po 'yong hinahanap ko," instruction ko sa kaniya habang iginagala ang tingin sa paligid.

"Sandali po, boss, baka may makita ako sa google maps," sagot naman ni Aira kaya tumango ako sa naging suggestion niya.

Umandar ulit ang kotse pero mahina lang ang naging takbo nito. Dalawa kami ni Manong Bong ang naghahanap habang si Aira naman ay nasa phone niya ang atensiyon niya.

"Wala po, boss, e, mukhang outdated na po yata ang google maps na ito," aniya.

"Malapit na po tayo sa dulo, Ma'am... ano po bang hinahanap n'yo?" Tanong naman ni Manong Bong pero patuloy pa rin ako sa paghahanap hanggang sa...

"'Yon!" Sabay turo ko sa isang kotse na nakaparada sa gilid ng mabatong daan.

"Mukhang kotse po 'yan ni Sir Darry, Ma'am, a?" Sabi ni Manong Bong nang makita na niya ang itinuro ko. Kumabog nang bigla ang puso ko at pagak na ngumiti kay Manong.

"Sige na po, manong, 'yon po 'yong puntahan natin," sagot ko na lang.

Umayos ang kaniyang pagda-drive hanggang sa ipahinto ko siya ilang metro ang layo sa kotse ni Darry.

"Bakit po Ma'am?" Nagtatakang tanong ni Manong Bong nang pahintuin ko siya.

"Dito na lang po kami bababa, manong, at dito mo na lang ulit kami hintayin. Halika na, Aira." Pinangunahan ko ang pagbaba.

Hindi ko na hinintay si Aira at naglakad na nga ako palapit sa kotse ni Darry. Nakaparada lang ito doon kaya napalingon ako sa malaking bahay na nasa tapat ng isang simpleng gate.

Pero hindi ko alam kung bakit kumakabog ang dibdib ko. Siguro, kinakabahan ako na baka makita ko rito si Darry.

Pero bakit ba ako matatakot? Kasama ko naman si Aira!

"Wow! Ang ganda ng bahay!" Manghang sabi ni Aira nang tumabi siya sa akin.

"Hinaan mo ang boses mo, baka may makarinig sa 'yo."

Malaki nga ang bagay, two-storey house with minimalist design pero maganda. Fully furnished na at halatang katatapos lang. May napapansin pa kasi akong iilang debris na ginamit para maipatayo ang bahay sa kaliwang banda ng bakuran. Nasa labas ng gate naka-park ang kotse ni Darry at napansin ko sa garahe ng bahay, na may dalawang kotseng naka-park pa roon.

"'Yan po siguro ang kotseng kasama sa conjugal property niyo, boss," puna ni Aira sabay turo sa may garahe ng bahay.

"'Di ba, nakasaad doon na isa lang ang kotse? Bakit dalawa?"

"Baka po kay Sir Darry 'yan, boss? Sa nabasa ko po roon sa mga properties na pagmamay-ari niya bago po kayo ikasal, he stated na may apat siyang kotse. Dalawa na nasa Manila at dalawa po rito sa probinsya," sagot naman ni Aira.

Maniniwala na sana ako pero may nakakapagtaka lang, e.

"E, bakit nandito 'yong isa? 'Di ba dapat nandoon sa mansion nila naka-park 'yan?" Tanong ko ulit. Hindi kumbinsido sa rason.

"Boss naman, si Sir Darry na lang kaya tanungin natin? Mukhang nandito siya, o?" Sabay turo sa kotseng nasa tabi namin.

Masama kong tiningnan si Aira kaya she animatedly zipped her mouth.

"Sabi ko nga po, boss, na tatahimik na lang po ako."

Umiling ako kay Aira at tuluyang pumasok sa maliit na gate na iyon. Maingat ang naging paggalaw ko, may masamang kutob na nararamdaman.

Iginala ko sa kabuuan ng bahay ang tingin ko, tahimik ang buong paligid at tanging halinghing ng mga dahon sa puno ang naririnig ko. The house is obviously occupied. It's like someone is living here. Hindi lang basta-bastang binibisita lang at naiiwang walang tao, someone is REALLY living here. Kaya mas lalong kumabog ang puso ko.

Malalaki ang bintana ng bahay pero ni-isa, wala akong maaninag na anino o pigura ng tao na nasa loob ng bahay. Parang walang tao pero alam mo sa sarili mong someone is inside. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa likuran ng bahay. Tahimik lang na nakasunod si Aira sa akin, siguro nagmamasid din sa kabuuan ng lupain.

Nakarating kami sa likurang parte ng bahay at doon ko nakita sa hindi kalayuan, ang isang dalampasigan. Napatigil ako sa paglalakad at tinanaw ang dagat na iyon.

"Wow, boss! Malapit pala sa dagat 'to?" Pabulong na sabi ni Aira pero an amusement can be heard from her voice. "Puntahan natin, boss!" Kinaladkad ako ni Aira kaya wala akong nagawa kundi ang magpakaladkad sa kaniya. Ito naman talaga ang plano, ang libutin ang property na ito.

Nang makarating kami sa may dalampasigan, agad dumampi sa aking balat ang maalat na hangin na galing sa dagat.

"Ang ganda dito, boss! Ang ganda ng dagat!" Puri ni Aira sa buong paligid.

Fair enough, tama nga siya, maganda nga ang paligid. Maputi at medyo mabato ang buhangin at mala-kristal ang tubig dagat, tahimik pa ang paligid.

"Naks naman si Sir Darry, ang galing namang pumili ng lupain. Hihiwalayan mo talaga si Sir Darry, boss?"

Matinding tikhim ang ginawa ko dahil sa sinabi ni Aira.

"Balik na tayo." Tumalikod ako para balikan ang daang nilakaran namin kanina. Medyo malayo ang distansya ng bahay at ng dalampasigan at halata ring hindi pa nadi-develop ang kabuuan ng lupain. Halatang bago pa, pero 'yong bahay tapos na tapos na.

Mas nauna akong nakabalik sa likuran ng bahay kesa kay Aira. Naglalakad lang ako nang biglang umurong ang buong kaluluwa ko sa nakita ko.

Kitang-kita mula sa puwesto ko ang malaking bintana ng dining area yata ng bahay. May dalawang tao, babae at lalaki, na mukhang nag-uusap. Dahan-dahan akong naglakad habang nakatingin lang sa kanilang dalawa.

'Yung kaninang kabog ng puso na nararamdaman ko, biglang napalitan ng sikip at hindi malamang emosyon. Mukhang seryoso ang kanilang pag-uusap at hindi yata napansin ang presensiya ko.

Nagtago ako sa isang malaking bush na nandito sa likuran ng bahay para mapakinggan kung tama ba ang tumatakbong hinala sa aking isipan.

"B-Boss-"

"Ssshhh..." Pagpapatahimik ko sa kaniya at pilit pinakinggan ang usapan.

Napalunok ako nang malakas na tumawa ang babae mula sa loob ng bahay.

"You are so funny, Darry, so, so funny!" Panimulang sabi niya. Wala sa sarili akong napatingin kay Aira at isang tingin na alam kong maraming katanungan ang bumabagabag sa kaniya ang ipinukol ni Aira sa akin. I ignored her stare. "Bakit ka pumayag na maghiwalay kayo?" Dagdag na sabi niya that wants me to hear more.

"If that's what she wants, susundin ko," baritonong boses na sagot niya.

"E, paano 'yong gusto ko, Darry? Wala sa usapan natin 'to. Wala sa usapan natin na makikipaghiwalay ka agad! Wala pa sa akin ang titulo ng lupain namin, kaya bakit ka makikipaghiwalay? Makipagbalikan ka sa kaniya, magmakaawa ka, pigilan mo ang annulment ninyo!"

What?

I slowly clenched my fist and jaw at masamang tiningnan ang mukha ng babaeng nagsasalita. Kanina pa nagngangalit ang kalamnan ko, pinipigilan ko na lang talaga ang sarili ko, e.

"Callie..."

"Darry! Ang usapan natin, you'll get the mother title of our lands! Ang sabi mo sa akin, you're going to do that as soon as possible! December na, Darry, nasaan na ang titulo? You knew how the Dela Ramas suffered because of the Osmeñas, right? You said to me na you're going to help me! Ano ba, Darry!"

Tumalikod ako at nag-martsang umalis sa likuran ng bahay na iyon. Mabilis ang naging lakad ko.

Naiirita ako! Lahat ng galit na hindi ko naramdaman sa sarili ko, nararamdaman ko na ngayon! Nakaka-punyemas!

"B-Boss..."

Nang marinig ko ang boses ni Aira ay agad akong napatigil sa paglalakad.

"B-Boss..." Tawag ulit ni Aira sa akin pero dahil sa galit ko, hindi ko siya pinansin. Lumingon ako sa may bandang pintuan ng bahay at masama itong tiningnan.

"Kumatok ka, Aira," kalmado pang sabi ko.

"P-Po, boss?"

"Kumatok ka!" Ulit ko at saka lumapit na sa main door ng bahay.

Alam kong nagtataka na si Aira sa ginagawa ko ngayon pero agad din naman niyang sinunod ang ipinag-utos ko.

Naka-tatlong katok si Aira bago nabuksan ang pinto.

I stand firm and while clenching my jaw, I waited for someone to open it up for me.

It feels like my world went from fast forward to slow motion. Parang nag-slow motion ang lahat lalo na sa pagbukas ng pintuang iyon.

Unang tumumbad sa akin ang kaniyang mukha. Seryoso ko siyang tiningnan at mas lalong nagtiim ang bagang ko nang tuluyan kong makita ang kabuuan niya. She's wearing a silk robe.

I calmed myself and smile at her.

"Hi, Callie."

Bumakas sa mukha niya ang gulat nang makita niya ang mukha ko. Ilang segundong nagpakurap-kurap ang kaniyang mata habang nakahawak lang sa knob ng pinto.

"M-M-MJ."

Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

My instincts never failed me ever since. Ako lang talaga itong ayaw pang i-acknowledge ang instinct ko.

"What are you doing here?" Matapos niyang matulala sa presensiya ko, she hysterically asked that to me.

"Ako nga dapat ang magtatanong sa 'yo n'yan, Callie, ano ang ginagawa mo sa property ko?" Kalmadong tanong ko.

She sarcastically laugh. Isang tawa na nakapagpalabas sa lalaking kasama niya sa loob ng bahay. Lumampas ang tingin ko sa likuran ni Callie at walang emosyong tiningnan ang gulat na gulat na si Darry. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, ngayon ko lang nakitaan nang ganoong klaseng emosyon si Darry.

Gusto ko nang bumigay at umalis sa harapan nila but my pride won't let me flee.

"M-MJ..."

"The audacity of you to say that it's your property? Property ni Darry 'to at wala kang kinalaman dito!" Singhal niya sa akin na mas lalong nagpaalab ng galit sa kalooblooban ko.

"Okay, let's say property nga ni Darry ito. Pero ano nga ang ginagawa mo rito?" Kailangan kong magtapang-tapangan, for the last time, I want to defend what's mine. "Kung property ito ni Darry, property ko na rin ito 'cause as far as I remembered, kasal pa rin kami."

Nilabanan ko ang bawat nanlilisik na tingin ni Callie. Nilabanan ko hanggang sa kaya ko.

"Kasal pa rin kayo?" She said sarcastically. Sinubukang pigilan siya ni Darry pero padarag lang na binawi ni Callie ang braso niya at dinuro ako. "Kasal nga kayo pero ako naman ang mahal niya. Kung susumahin, mas may karapatan ako kesa sa 'yo dahil mahal niya ako. Anong panama mo roon, MJ? Anong panama ng isang random cheater girl na ipinagkasundo lang sa isang lalaking may karelasyon na?"

Now, this is something.

"Good for you at mahal ka niya." I tried my very best not to broke my own voice. "Congratulations on that part..." Sarkastikong dagdag ko. "'Yong karapatan mo nga pala, sa Republika ng mga kabit makikita. 'Yong karapatan ko, Republika ng Pilipinas ang may hawak kaya wala kang magagawa. Kahit bali-baligtarin natin ang mundong ito, kabit ka pa rin. Kahit na sabihin mong mahal ka niya, kabit ka pa rin. Kahit na sabihin mong nagmamahalan kayong mga leche kayo, kabit ka pa rin."

Nakaka-punyemas!

"Sa'yong-sa'yo na 'yang mahal mo, wala nang aagaw n'yan sa 'yo Callie. Kainin mo, namnamin mo, isaksak mo sa baga mo! Pero sana may delikadesa ka rin sa sarili mo, sana naman hinintay mo kung kailan kami tuluyang maghihiwalay. Hindi 'yong wala pa man, nandito ka na and leeching over him. Delikadesa man sana, Callie, bilang babae."

Matapos kong sabihin ang lahat ng iyon kay Callie, agad akong tumalikod sa kaniya at handa nang umalis.

Pero nakaka-ilang hakbang pa lang ako, natigilan na ako nang may pumigil sa akin. Hinarangan niya ang dinaanan ko at nang makita ko ang mukha niya, doon na bumagsak ang luhang kanina ko pang pinipigilan sa sarili ko.

"MJ, s-sorry..." Nakayukong sabi niya sa akin.

"Ilang kasinungalingan pa ba ang dapat kong malaman, Darry? Ilang sekreto pa ba ang bigla-bigla ko na lang malalaman?" Kahit patuloy sa pagbagsak ang aking mga luha, naging kalmado at buo ang aking pagsasalita.

"Let me explain, MJ..."

"Explain?"

"Kabit? You're calling me a mistress?" Hindi na nakapagsalita si Darry nang um-epal na naman si Callie. Sinundan niya kaming dalawa hanggang sa may gate ng bahay. "Look who's talking? Sino sa inyong dalawa ni Darry ang unang nagkaroon ng kabit? Hindi ba, ikaw?" Buong atensiyon ko, naibigay ko na naman sa kaniya. "You are a well-known slut and a whore. Alam ng lahat na hindi ka nakukuntento sa iisang tao lang, MJ. You cheated first so don't ever say na Darry cheated on you first!"

Isa na lang talaga, masasampal ko na ang babaeng ito.

"Mang-aagaw ka, MJ! Mang-aagaw ka! Lahat na lang nang akin, inaagaw mo!"

"Mang-aagaw? Sa pagkakaalam ko, Callie, hiwalay kayo nang ipakasal siya sa akin. Sa pagkakaalam ko rin, pinaghirapan ng Lolo at Lola ko ang lupain namin ngayon. Wala akong inagaw sa 'yo, walang inagaw ang mga Osmeña sa inyong mga Dela Rama! Binili sa maayos na paraan ang lupain namin, wala kaming tinapakan na ibang tao! Dugo't pawis ang lahat ng iyon! So don't you ever call my family a stealer. Hindi namin kasalanan kung bakit pabaya ka, kayo ng pamilya mo!" Singhal ko sa kaniya habang dinuduro siya.

Natahimik silang dalawa. Kaya habol na habol ko ang hininga kong nilingon si Darry.

"'Wag na 'wag ka nang magpapakita sa aking manloloko ka!"

The moment I rested my back sa upuan ng kotse ay parang naging talon ang aking luha, sunod-sunod ang naging pagbagsak nito.

Never in my life I got cheated on. This is the first time. Unang pagkakataon. Unang punyemas na pagkakataon!

Kung kailan naman handa na ako, kung kailan naman may mahal na ako, saka naman darating ang mga ganitong klaseng senaryo. Sagad na sagad na sakit na ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung makakayanan ko pa ang lahat ng ito.

"K-Kuya Bong, sa Osmeña mansion po tayo."

Nag-iwas ako ng tingin at patuloy pa rin sa pag-iyak.

Sobrang sakit. Sobrang nakakabanas. Natapakan ang pride ko. Natapakan ang ego ko. Natapakan ang katiting na nararamdaman ko.

Tahimik akong umiyak hanggang sa naging kalmado ako. Maya-maya lang din ay nakarating na kami sa Osmeña mansion kung saan nakalagak ang labi ni Lola. Nag-park ang kotse ko sa malawak na bakuran ng mansion. Unang bumaba si Manong Bong. Si Aira naman ay nanatiling tahimik sa tabi ko.

"B-Boss, iiwan pa po ba kita ngayon dito?"

"No, bababa na ako."

Nasa ayos na ako, at wala nang bahid ng luha. Bumaba ako sa kabilang side at ganoon din ang ginawa ni Aira. Nagpatuloy ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa may bukana ng mansion.

It feels like it's starting all over again. Parang burol lang ni Lolo.

I deeply sigh and diretsong naglakad sa red carpet na nakalatag sa gitnang aisle ng mansion papunta sa kabaong ni Lola. Dire-diretso ang naging lakad ko hanggang sa huminto ako sa paglalakad sa tapat ng kabaong ni Lola.

Pumikit ako nang mariin at huminga ng malalim.

Pero kahit anong pagpapakalma ang gawin ko, sumasakit talaga ang kalooblooban ko. Naghalo-halo na ang lahat. Hindi ko na mapangalanan kung ano itong nararamdaman ko. Durog na durog na ang puso ko at mukhang mahihirapan akong buuin ito sa tamang panahon.

"MJ..."

Tahimik akong umiiyak sa tapat ng kabaong ni Lola nang bigla akong lapitan ni Steve.

"Ang pinaka-ayaw ko talaga sa lahat ay ang umiiyak ka." May tumabi naman sa kabilang side ko kaya napalingon ako sa kaniya. "Kasi hindi ako sanay na umiiyak ang isang MJ Osmeña," ani Breth. Gulat man ay wala akong nagawa nang bigla niya akong yakapin. "Kahit kailan talaga, ikaw talaga ang hindi ko matiis bukod sa kapatid kong si Lourd," dagdag na sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin.

Mas lalo akong na-iyak, hindi sa sinabi niya kundi sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"A-Ang sakit na, ang sakit-sakit na," I mumbled while crying out everything to them. Inalu ako ni Steve habang mahigpit pa rin na nakayakap sa akin si Breth.

"Sshh, everything will going to be okay, cousin."

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatili sa bisig ng pinsan kong si Breth. Hindi ko alam kung ilang litrong luha na ang naiyak ko. Hindi ko magawang sabihin sa kanila ang totoong rason kung bakit ako umiiyak.

After nearly two hours yata, na-compose ko ang sarili ko. Inayos ko ang buong pagkatao ko at tumulong sa iilang bisita na patuloy sa pagdagsa para bisitahin ang burol ni Lola Auring. Ilan sa kanila ay mga simpleng mamamayan ng ciudad namin na minsan ding natulungan ni Lola. Mahilig kasi siya sa mga charities and orphanages, mahilig siyang tumulong sa mga nangangailangan kaya ngayong pumanaw na siya, marami ang umalala sa kaniya.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko matapos marinig ang nakakaantig na kuwento ng iilang bisita tungkol sa kabaitan ni Lola at Lolo. Nakatataba ng puso, nakaka-proud na ganito pala kabait ang grandparents ko despite having a reputation na strict and firm towards their children and others. Isang bagay na sana'y ginawa ko noong si Lolo ang nakalamay. Mas nakakawala pala talaga sa bigat ng puso ang makihalubilo sa ibang tao kesa lunurin ang sarili mo sa mga luhang wala namang katapusan sa pagbuhos.

Ilag pa rin ang iilang pinsan ko sa akin pero wala na rin namang parinigan at walang kuwestiyon kung bakit ngayon lang ako nagpakita.

Unang linggo na ngayon ng December. Nalalapit ang pasko pero parang magiging malungkot ang magiging pasko namin ngayong taon.

Napabuntunghininga na lang ako at pagak na ngumiti habang nakamasid sa paligid. Umiling at ibinalik sa katotohanan ang sarili.

"MJ, anak, paki-lagay nga ito sa kusina." Inutusan ako ni Tita Rose na dalhin ang isang tray ng mga basong ginamit ng mga bisita. Tumango ako sa kaniya at agad sinunod ang gusto niya.

It was a relief tho na kahit hindi ko pormal na nakakausap ang mga Tito at Tita ko, maayos naman ang pakikitungo nila sa akin. Hindi rin minsan maiwasan ang malamig nilang pakikitungo sa akin, lalo na ni Ate na nandito rin sa burol.

Pumasok ako sa kusina at saktong may nakasalubong akong kasambahay ng mansion. Gusto ko pa sana niyang kunin ang bitbit ko but I insisted on bringing them myself sa kitchen. Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang gusto ko.

Inilapag ko ang tray sa malamig na counter ng kusina at nginitian si ateng kasambahay na naghuhugas ng pinggan.

"Gusto mo nang tulong?" Tanong ko sa kaniya. Sa sobrang gulat niya ay muntikan niya pang mabitiwan ang basong hinuhugasan niya at gulat na napalingon sa akin.

"Naku, Ma'am MJ, 'wag na po, okay na po ako. Magpahinga na lang po kayo roon, kayang-kaya ko na po," aniya na parang natataranta pa.

Ngumiti ako sa kaniya para kahit papaano naman ay ma-ease ang tarantang nararamdaman niya.

"Okay..." Nakangiti ko siyang iniwan doon. Pero imbes na bumalik ako sa may grand living room, naisipan kong puntahan ang likurang parte ng mansion, kung nasaan ang malawak na garden ni Lola at ang gazebo.

Madilim na at malamig na ang gabi. Dinama ko ang malamig na hangin ng gabi. Mariin akong pumikit and memories came rushing in.

"Hey, MJ! Bakit ka mag-isa r'yan?"

Ang panandaliang katahimikang naramdaman ko ay napalitan na naman ng ingay.

"I told you, Breth, not to leave MJ behind," ani Steve sabay hawak sa balikat ko para palakarin pabalik sa mansion.

"I just want to be alone, what's wrong with that?" Confuse na tanong ko, halos matawa na rin dahil nagiging over-protective na naman silang dalawa.

"Masiyado ka nang napapag-isa, sumama ka sa amin palagi para walang may masamang mangyari sa 'yo," ani Breth na ikinataas ng isang kilay ko.

"Nandito ang barkada mo, you need to alteast face them. Masiyado silang nag-alala sa pagtatago mo," sagot naman ni Steve kaya wala akong nagawa kundi ang bumalik na nga nang tuluyan sa mansion.

Bumalik nga kami sa mansion at nang makita ko ang mga kaibigan ko, agad akong lumapit sa kanila. Nakipag-beso ako kay Lory, Lorene, at Vad. Tatlo lang sila pero atleast they're here.

Kinausap nila ako nang parang wala lang nangyari. Sinabi nila sa akin na sa libing pa makakapunta si Ressie at Paulla. Habang si Jessa, Nicole, and Maj sent their condolences to me. Hindi raw kasi sila makakauwi but that's fine with me, malaking relief na sa akin ang pagpapadala nila ng condolences. I do understand the demand of their job and it's not their responsibility para umuwi pa rito sa ciudad namin para lang makiramay.

May mga lamesang nakalatag sa malawak na front yard ng mansion, kaya roon kami umupo ng mga kaibigan ko. Kasama namin sina Steve at Breth na paminsan-minsang umaalis ng table namin. Kuwentuhan nang kuwentuhan lang ang mga kaibigan ko while playing some cards. Ako, tahimik lang na nakatingin sa kanila at minsan ding nakikisabay sa usapan nila.

"Pasok muna ako sa loob, kukuha lang ako ng maraming chips," presenta ko sabay bitbit ng pinggan na wala ng laman. Masiyadong abala ang tatlo sa paglalaro kaya hindi na nila ako nabigyan ng pansin pero tumango naman sila.

Pumasok nga ako sa loob ng bahay at kumuha ng iilang kutkutin sa buffet table.

Naging ganoon ang situwasyon ko nang biglang may dumating. Agaw-atensiyon ang pagdating nila kaya hindi mo maiiwasang hindi ibigay sa kanila ang atensiyon mo.

Habang bitbit ang pinggan, napalingon ako sa bukana ng mansion at walang emosyong tiningnan ang bagong dating.

I know, walang masamang ginawa si Don Gabriel at Donya Felicity sa akin pero ang ikinasasama lang ng loob ko, ang kakapalan ng mukha ng babaeng kasama nila.

Laking pasasalamat ko at hindi agad ako mapapansin sa puwesto ko at wala rin sa akin ang atensiyon nila, agad silang sinalubong ng ibang kapamilya ko. Inilapag ko ang bitbit na plato at handa na sanang umalis ng mansion nang kusa akong matigilan.

Nakatingin sa akin si Sonny habang karga-karga ang anak niya, seryosong tingin. Agad akong umiwas at dire-diretsong lumabas ng mansion gamit ang back door. Dumiretso ako sa gazebo at doon kinalma ang sarili ko.

Ang kapal ng mukha ng babaeng iyon? Ang kapal ng mukha niyang magpakita sa burol ni Lola matapos akong pagsalitaan nang ganoon? Ang kapal-kapal!

Halos sumigaw na ako dahil sa frustrations na nararamdaman ko. Halos balibagin ko na rin ang lamesa at ang mga bangkong nandito sa gazebo. Halos sipain ko na ang mga pananim na tahimik lang na naka-display dito. Dahil 'yon sa inis na nararamdaman ko.

Ilang minuto akong nanatili roon, inaalala ang mga salitang narinig ko mula kay Callie kaninang umaga. Lahat ng iyon masakit, lahat ng iyon parang sinampal sa akin, lahat ng iyon parang ipinamukha sa akin na karma ko ang lahat ng ito. It's like the heaven is telling me that this is my long overdue karma that I was bound to receive from all the boys I left hanging.

Dahan-dahan akong umupo sa gazebo at sinapo ang mukha ko. Tahimik na umiyak sa madilim at tahimik na parte ng mundo.

"Wife..."

Punyemas.

Halos singhapin ko ang lahat ng hangin sa mundo nang marinig ko ang boses niya. Tinanggal ko ang kamay kong nakatakip sa mukha ko at walang emosyong tiningnan siya na nakatayo lang sa bukana ng gazebo.

Marahas akong tumayo at pinantayan ang mga titig niya, kahit madilim, kahit hindi kita, pinilit ko ang sarili ko.

"'Wag mo akong matawag-tawag na wife! Hiwalay na tayo, Darwin Charles, papel na lang ang kulang," mariing sabi ko sa kaniya at lalampasan na sana siya nang bigla niya akong pinigilan.

Pero masiyado akong mahina para pumalag pa.

"Please let me explain, I'm sorry..."

"Anong magagawa ng sorry mo, Darwin Charles? Lahat ng kasinungalingang ibinaon mo sa akin ay hindi na mababago ng simpleng sorry mo. So stop chasing me and just leave me alone!" Sigaw ko sa kaniya at buong lakas na hinablot ang kamay kong pinigilan niya.

Tumakbo ako, tumakbo ako hanggang sa kusang tumigil ang pagtakbo ko dahil sa panghihina.

Para akong dahon na sinilaban. Nandoon nga ang nag-aalab na apoy ng galit pero alam nating unti-unti rin akong natutupok. Natutupok sa sakit. Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na kasi kaya.

I stood up and cheered myself. After all, sarili ko lang ang maaasahan ko.

Naglakad ako papunta sa harapan ng mansion, sa gilid ako dumaan. Pero malayo pa lang, muli akong natigilan.

Could this day be any worse? Hindi na ba talaga ako lulubayan ng malas?

Pagod akong nag-iwas ng tingin at handa na sanang lampasan siya nang harangan na naman niya ang nilalakaran ko.

"What now, Callie?" Na-uubusang pasensyang tanong ko sa kaniya. "Isn't it enough na sa'yong-sa'yo na si Darwin Charles ngayon? Isn't it enough na palalampasin ko ang kagaguhang ginawa niyo behind my back?"

Naging matalim ang kaniyang tingin sa akin at nagtitimping pinasadahan ako ng atensiyon.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin na nangga-gago kami behind your back? Where the hell did you get your guts, MJ?"

Napapagod ko siyang tiningnan.

"Ano pa bang gusto mo?"

"Alalahanin mo, MJ, na ikaw ang unang nag-cheat sa marriage ninyo ni Darry. You cheated first kasi ganoon ka, e, hindi marunong makuntento sa iisang lalaki lang, gusto mo iba-iba-"

Pinutol ko ang sinasabi niya sa pamamagitan ng sampal.

Pero hindi ko pinadapo ang palad ko sa pisnge niya. Napigilan ko ang sarili kong saktan ko siya. Nanggigigil ko siyang tiningnan habang umiilag at mariing nakapikit. Lumayo ako sa kaniya at matalim siyang tiningnan.

"Pasalamat ka, wala sa dugo ko ang marunong manakit ng iba. Pasalamat ka, marunong akong magtimpi."

"Puwes ako, hindi!"

Isang lagapak ng sampal na naman ang natanggap ko mula sa palad ni Callie.

Punyemas! Hindi ako war freak pero parang dahil sa babaeng ito, magiging war freak ako! Punyemas!

Matalim ko siyang tiningnan at buong lakas na itinulak siya. Dahil sa lakas ng tulak ko o baka lampa lang talaga siya, agad siyang lumagapak sa damuhan.

"Don't push me into my limits, Callie Dela Rama! You don't know how this pain can turn me into!"

"MJ!"

"MJ! Ano na naman 'to?"

May biglang lumapit sa akin at agad pinatayo si Callie na nakasalampak sa sahig. May humawak sa braso ko pero pinilit ko ang sarili kong makawala sa kung sino man ang nakahawak sa akin. Dinuro ko si Callie na tuluyan nang nakatayo sa tulong ng mga pinsan ko.

"I won't stoop down to your level, Callie," galit na galit na sabi ko sa kaniya bago ko sila iwang lahat.

"MJ! What's this all about? Bakit mo itinulak si Callie?"

May pumigil na naman sa braso ko at pabato akong pinaharap, pinigilan ako sa paglalakad.

It's Kuya Clee.

"Ano na naman ba 'to, MJ? Another scene? Another kahihiyan for our family?" Ani Ate Teagan.

"Pang-ilang beses na ito, MJ. Sa burol pa lang ni Lolo, you were always causing a scene. Kulang ka ba sa pansin o talagang gusto mo lang ipahiya ang pamilya natin?" Wika ni Kuya Yohan.

What the shit?

"At ngayon, nananakit ka ng ibang tao? What is happening to you?"

"Alam mo, you've caused too much scene at dahil lahat ng iyon sa selfishness mo! Kung hindi dahil sa pagtatago mo ng sekreto mo, hindi sana mamamatay si Lolo. Kung hindi mo sana kinausap si Lola, hindi sana siya mamamatay. Lahat na lang ba, ikaw ang dahilan, MJ? Isn't it enough na ikaw ang paborito ng Lolo at Lola natin? Isn't it enough na mas malaki ang share mo sa kompanya kahit na ikaw ang dahilan kung bakit sila nawala na dalawa? Hindi pa ba sapat iyon, MJ?"

Shit.

Agad nagsibagsakan na naman ang mga luhang akala ko natuyo na. Matinding hikbi ang ginawa ko dahil sa mga pinagsasabi ng mga nakakatanda kong pinsan.

Nandito na naman ang sakit.

"At ngayon, hihiwalayan mo pa ang asawa mo! Usap-usapan na tayo sa buong ciudad, MJ, at maraming salamat dahil lahat iyon nang dahil sa 'yo," galit na galit na sabi ni Kuya Clee.

Siguro tama sila, kasalanan ko nga yata ang lahat ng ito.

Siguro nga karma ko ang lahat ng ito.

Siguro nga deserve ko ang lahat ng sakit.

This is my karma. Isang matinding karma na pipigain ka kahit sa kahuli-hulihang dugo mo sa katawan.

Tumakbo ako kagaya nang ginawa ko dati. Tinatakbuhan ang lahat ng problema. Tinatakbuhan ang mga nananakit sa akin. Tumatakbo at hinding-hindi na ulit lilingon at hihinto.

~


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C35
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン