Mapakla akong ngumiti sa likuran ng aking isipan.
I didn't even know he's on a business trip now. I thought it was last week. Wow.
Sabagay, wala naman akong karapatang magreklamo kung hindi ko malaman ang whereabouts niya. Wala naman siyang responsibility sa akin, hindi pa naman kami engaged, hindi pa kami kasal, kaya wala akong karapatang magalit kung bakit hindi ko alam na wala pala siya rito. I really thought he's just there on their milling company, experimenting new chemicals for their sugar corporation or whatever the Chemical Engineer do in that kind of company! Wala akong karapatang magalit at magreklamo talaga! Wala talaga! Walang-wala! Punyemas naman, Sonny!
Ni-text ba talaga ay hindi mo magawa? Kahit isang 'I'm out of town' message man lang, wala talaga? Wala? Sigurado na ba?
Tahimik ako sa buong oras na kumakain kami ng pananghalian. Ang mga pulitiko lang ang ma-iingay, nag-uusap siguro sa mga plano nila sa nalalapit na election at ang pagtatapos ng term ni Tito Sally.
Maski si Vad, tahimik din, pero minsan ay sumasagot naman siya 'pag tungkol sa mga proyektong konkreto ng ciudad ang pinag-uusapan. Pero over-all performance, tahimik talaga siya. Si Darry din, tahimik pero sumasagot din katulad ni Vad. Ako lang talaga yata ang sampid dito kasi hindi ko man lang naibuka ang bibig ko para magsalita. Nahihirapan nga ako sa pagkain ko, ang magsalita pa kaya?
"So, how's the preparation for the merging and the wedding, MJ?"
And I snapped. Para akong naibalik sa earth nang tawagin ni Tito Sally ang pangalan ko.
"P-Po, Tito? Hindi ko pa po alam ang mga details, Tito, nagpo-focus pa po kasi ako sa graduation ko po and after that, I'll be hands on with it, but it will always depends if Mama will allow me."
Mabuti na lang talaga at na-ituwid ko ang pag-iisip ko bago nakasagot kay Tito Sally.
'Yon lang ang naging usapan tungkol sa kasal, hindi na ulit nasundan dahil nasa ibang topiko na sila. Feeling ko rin na sinusubukan ng magkapatid na ilayo ang topiko sa kasal namin ni Sonny.
Kasal namin ni Sonny... Talagang ikakasal na kami.
Matapos ang tanghalian ay agad nagpaalam si Vad. Wala naman akong nagawa kundi ang sundin siya dahil siya naman talaga ang kasama ko ngayon. Magalang na nagpaalam ako sa kanilang apat.
Kalmado ang naging lakad ni Vad, tinutugonan ang mga empleyadong bumabati sa kaniya. Naglakad siya pabalik sa site. Inabot pabalik sa'min ang mga hard hat at mukhang balik trabaho na rin ang mga workers after their lunch break.
Nakatayo lang kami malapit sa lamesang pinaglagyan ng mga blueprint. May tent naman kaya hindi masiyadong mainit. Nakatingala si Vad sa building at eksaheradong bumuntonghininga.
"So... Engineer Sonny is it?"
Pinasadahan ko ng daliri ang buhok ko galing sa noo hanggang sa dulo nito.
"Yes..." Simpleng sagot ko habang nakatingin sa isang worker na nagmamasa ng semento gamit ang pala.
"Bakit hindi mo sinabi sa'min?"
"I didn't tell anyone kasi ayokong mabulabog ang huling taon ko sa college," explanation ko. "And it was said na hindi sasabihin sa ibang tao until the engagement party."
"But why did Tito Rest tell Dad?"
"I don't know. Baka pinagkakatiwalaan ni Papa si Tito Sally, after all, they're good friends."
"Aren't we, MJ?"
Punyemas.
Mariin kong itinikom ang bibig ko dahil sa sarkastikong pagkakasabi ni Vad no'n. May halong hinanakit.
Tama nga naman, MJ, bakit nga ba hindi mo sinabi sa kanila? Hindi mo ba sila trusted friends?
"Gaya ng sabi ko, Vad, gusto ko nang matiwasay na buhay bago ang engagement party kaya wala ako ni isang sinabihan. Sasabihin ko naman talaga sa inyo, kaso naghahanap pa ako ng saktong panahon para sabihin sa inyo. Alam ko kasing magugulat kayo."
Malalim ulit siyang bumuntonghininga. Buong katawan niya, nakaharap na direksyon ko kaya ginaya ko ang aksyon niya.
"Look, MJ, hindi naman talaga ako galit dahil hindi mo sinabi sa amin na si Sonny pala. Nagtatampo lang ako dahil kaibigan mo naman kami, bakit hindi mo magawang sabihin? Just a drop a name and don't explain, we'll understand it anyway."
"Hindi ko masabi sa inyo kasi maski ako, hindi ko rin maintindihan. Like what I said, gusto kong umiwas sa issue ng mga Lizares, gusto kong sa tuwing may issue sila ay hindi ako nali-link, hindi ako nadadawit, kasi alam kong once nalaman ng lahat na ipakakasal ako sa kaniya, kahit anong gawin ko, madadawit at madadawit ako. Gusto kong mag-aral nang matiwasay. 'Yon lang, Vad, 'yon lang."
Malungkot akong tiningnan ni Vad at hindi ko malaman kung bakit naging ganoon ang expression ng mukha niya.
"Sigurado ka na bang magpapakasal ka kay Sonny?"
Napa what-the-shit-are-you-talking-about Vad ako. Isang malaking question mark na yata ang nakadagan sa mukha ko ngayon dahil sa pagtataka.
"It doesn't matter if I'm sure or not. It's my parents decision so I can't say no to that. You know that, Salvador."
Eksaherado ulit siyang huminga at mataman akong tiningnan sa mga mata.
"A-Alam mo na ba?"
Bigla akong nagtaka. Ano ba 'tong pinagsasabi ni Vad?
"Ang ano?"
"Tungkol kay Sonny."
"Anong tungkol kay Sonny?"
Sige, Salvador the fifth, mambitin ka't ibibitin din kita patiwarik!
"I know you don't do social media or check on them but I guess sana by now, alam mo na?"
Ah, punyemas!
"Ang ano nga, Salvador the fifth?" Nauubosang pasensiyang tanong ko.
"Engineer Montero, pinapatawag ka ng Daddy mo."
Oh, punyemas!
Sabay kaming napasinghap at umiwas ng tingin ni Vad sa isa't-isa nang marinig namin ang isang pamilyar na baritonong boses.
Ibinalik ko ang tingin kay Vad. Ganoon pa rin ang expression ng mata niya kaya naiirita ko siyang tinanguan, indicating na puwede na siyang mag-evaporate sa harap ko para mapuntahan ang Daddy niya.
"I'll be back, MJ," ani Vad.
"Aalis na rin naman ako mamaya. Baka bago ka makabalik."
"Okay, see you," huling narinig ko sa kaniya bago siya nawala sa pandinig at paningin ko.
Nakaharap pa rin ako sa building. Pinagmasdan ko ang mga workers na abala sa kani-kanilang gawain. May ibang nagmamasa ng semento, may ibang nagpupukpok, may ibang nagpipintura, may ibang nagbubuhat, may ibang nagpapahinga muna.
I heavily sighed.
Paano ko kaya sasabihin sa iba kong kaibigan? Hihintayin ko pa ang engagement party o sasabihin ko na sa kanila ngayon din? Baka katulad ni Vad, sa iba pa nila malaman. Siguro kailangang sabihin ko sa kanila sa lalong madaling panahon. Pero paano? Magiging abala pa ako sa mga susunod na linggo dahil sa graduation. Paano?
I sighed again and slowly remove the hard hat. Inilapag ko ito sa katabing table at pinagmasdan ulit ang building.
"Do you want to have coffee?"
Punyemas kang demonyo ka!
Punyemas! Halos mapasigaw ako sa gulat dahil sa biglang nagsalita mula sa likuran ko. Punyemas! Nandito pa pala siya? Akala ko ba sumabay na siya kay Vad paalis?
Padarag akong lumingon sa likuran ko at kunot-noo siyang tiningnan.
"N-Nand'yan ka pa pala?"
"Uh... yeah," kibit-balikat na sagot niya. He's still on his same outfit and gesture - hands on his pocket.
"B-Bakit tayo magkakape?"
"To calm you?"
Ha?
Bakit? Halata ba sa mukha kong hindi ako kalmado?
"Si Callie? Nasaan nga pala si Callie?" Pilit iniiba ang usapang sabi ko. Pilit pinapakalma ang sumasabog na sistema ko.
How could you...
"Bakit ang hilig mong hanapin ang mga taong wala?" And then he smirked. Pero walang humor ang pagkaka-smirk niya. It was a sarcastic smirk. "Let's go. My treat, sa Pinch."
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi ko namalayan ang sarili kong nakasunod na pala sa kaniya. Naglalakad na kami ngayon papunta sa isang cafe na nasa tabi lang ng police station. Hindi naman malayo at walking distance lang kaya naglakad na kami and kung susuwertehin ka nga naman...
"O, MJ, Darry? May in-laws bonding ba kayo?"
Kung susuwertihin ka nga naman... nakasalubong mo pa ang pinsan mong maloko pero naging sindikato, ay este, police.
"Magandang hapon, SPO2 Osmeña."
Huminto si Darry para batiin ang pinsan kong police. Nakipagkamayan pa nga siya.
"Magandang hapon din, Darry!" Bati rin niya.
Bahagya akong lumapit sa kaniya at nakipag-beso. "Hi, Kuya Clee."
Dazzling on his police uniform, standing right in front of us is Police Senior Master Sergeant Cleeopeter Armen R. Osmeña o mas kilala ng lahat na SPO2 Clee Osmeña. Yes, the Clee Osmeña.
"Join us, Kuya Clee, magkakape lang sa Pinch," offer ko sa kaniya, umaasa na sana sumama nga para mabawasan ang kabang nararamdaman ko ngayon.
"Yes, SPO2, join us."
Nakahinga ako ng maluwag nang mag-second the motion na nga itong si Darry.
"Oh, thanks for the offer but I can't. Aside sa duty ko ngayon, kailangan ko munang puntahan ang rotunda para makita ang trapiko roon," he then tap my head. "You two can go."
Kuya Clee! Sama ka na kasi!
Teka, bakit ba kasi ako sumunod sa kaniya? Puwede naman akong tumanggi, a? Bakit ba? Gusto mo ba?
Oo. gusto ko... gusto kong magkape, libre raw o!
Nagpaalam na nga si Kuya Clee at sumakay na sa police patrol along with the other policemen. Kami naman ni Darry ay nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makaabot kami sa Pinch. Pinagbuksan niya ako ng pinto at tahimik akong pumasok sa loob.
"Iced coffee lang akin. Thanks," simpleng sagot ko sa kaniya habang naghahanap ng lamesa. Siya naman ay dumiretso sa counter.
Maliit lang na café itong Pinch pero dinadagsa ng mga customers. Ang kaso nga lang, dalawang customers lang ang nandito ngayon, pang-apat kaming dalawa kasi nga masiyado pang maaga at katatapos lang ng lunch time.
Habang naghihintay sa kaniya sa napili kong table ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
Ewan! Sumasabog na naman ang lahat ng sistema ko sa katawan. Hindi ko alam. Nakakakaba na nakakapanatag na nakakasaya. Pinaghalong fireworks, granada, at sinamahan pa ng nuclear bomb. Sunod-sunod na nagsisabogan. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon, nakatayo pa ako at buhay pa kahit na sa loob ko ay grabeng giyera na ang nararamdaman ng sistema ko. Buhay pa ba talaga ako? Ako ba talaga si MJ Osmeña? The Maria Josephina Constancia Leonardia Osmeña na walang nararamdaman? Na dapat walang maramdaman? Bakit ngayon, sari-saring pakiramdam ang nadarama ko?
Ang nangunguna sa listahan: kasiyahan.
Punyemas! Bakit ako masaya? Hindi naman siguro bawal maging masaya? Wala rin naman akong rason para malungkot.
"I added cheezy bacon, is that okay with you?"
Sa isang iglap, biglang nasa harapan ko na siya ngayon.
Tumingala ako sa kaniya at saktong nagtatanggal na siya ng specs. Maingat niyang inilapag ang specs niya sa table namin at marahan akong tiningnan. Siguro naninimbang sa kung anong nararamdaman ko ngayon.
Nakikita niya ba sa aking mga mata? Nararamdaman ba niya? Isinisigaw ba ng mukha ko na masaya akong kasama siya?
Pero mali! Hindi nga pala dapat ako masaya. May granadang sumabog sa loob ko kasabay ng fireworks. Dapat nangangamba rin ako.
Pero sa anong paraan?
"Y-Yes, it's fine. K-Kumakain naman ako ng fries."
Ah, punyemas, ba't nauutal, MJ?
"I know, it's your favorite."
"Ha?"
He mumbled something na hindi ko masiyadong nakuha.
"Nothing..." At tumitig ulit siya sa akin.
Doon ko nakita nang klaro ang kaniyang mga mata.
That eyes. That damn eyes. That damn tantalizing eyes! Isang titig niya lang, mapipigtas na ang garter ng panty at bra mo. Damn, bakit ito ang naiisip ko? Stop it, MJ!
Lakas-loob kong iniwas ang tingin ko sa kaniya at itinikom ang bibig ko. Mas lalo kaming natahimik na dalawa nang biglang may inilapag na isang pitsel ng tubig at dalawang braso sa table namin habang naghihintay ng order.
"Salamat..." Tipid na ngiting sabi ko sa serbedora sa inilapag niyang tubig. Bahagya naman siyang yumuko bago umalis.
Napatitig ako sa tubig. Naghahanap ng puwedeng pag-usapan.
Nang maalala ko si Sonny, nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
Tama! Si Sonny lang dapat ang bibigyan mo ng pagkakataon, MJ!
Anong klaseng pagkakataon naman?
"Saan nga pala pumunta si Sonny?"
Sinubukan ko ang sarili kong hindi siya matingnan sa mata. Ayoko na ulit, kung anu-anong naiisip ko sa tuwing napapatingin ako nang diretso sa mata niya. Mabuti pa noong may suot pa siyang specs.
"Hindi niya sinabi sa'yo?"
Punyemas ba siya? Magtatanong ba ako kung alam ko? Duh, Darry! Guwapo ka nga, hindi naman madalas ginagamit ang sentido kumon.
Hoy, MJ, anong guwapo?
"Hindi..." Simpleng sagot ko.
"He's in Singapore to represent the company for an annual convention."
"How long will he stay there?"
"He's been there since Wednesday and the convention will due until Monday next week. That's a five days convention." Kumuha ako ng tissue sa tissue rack habang nagsasalita siya at wala sa sariling pinahid iyon sa kamay ko. "He seriously didn't tell you na aalis siya?"
Natigil ako sa pagpapahid ng tissue at panandalian siyang tiningnan para umiling.
Wednesday... kung Miyerkules siya umalis, busy nga ako ng mga panahong iyon pero nagti-text pa naman siya sa akin. Like the usual good morning and good night texts. Nothing unusual, nothing said na umalis siya ng bansa para sa isang business trip or convention. Kung meron man, sinabi na dapat niya sa akin. Nagsasabi naman 'yon, e.
I sighed heavily.
"Ni-text, wala?" Umiling ulit ako, nanatiling sa tissue ang tingin. "And it's okay with you na hindi ka sinabihan?"
Isinantabi ko ang tissue'ng hawak ko at ngumiti sa kaniya. Pinilit ulit ang sarili na labanan ang mga titig niyang parang naghahamon ng tukaan.
Hoy, teka, sandali! Anong tukaan? Away, MJ, A.W.A.Y!
Ipinilig ko ang ulo ko para mawala sa isipan ang medyo marumi at kasing green ng lumot na isipan.
"Okay lang naman. Wala naman siyang responsibilidad sa akin. I'm not that clingy to know everything about him. Besides, busy din ako," rason ko which is kind of true. Busy naman talaga ako.
But the truth is... medyo na disappoint ako sa move na ito ni Sonny. He always tell me kung may pupuntahan siyang malayo, like out of town or out of the country. Always. Since magkamabutihan ang ugali naming dalawa. Ngayon lang talaga siya pumalpak at sa mga kapatid niya pa nalaman ang mga dapat kong malaman.
May koneksiyon ba ito sa sinabi niya sa akin noong huli naming pagkikita? May dapat ba akong malaman? Sonny, meron ba?
Dum Spiro Spero. While I breath, I hope.
While I breath, I hope. I hope that I fall for someone who's worthy to be fallen to.
I hope that when I fall for him, I'll let my self because I know he's the one and he's not going to hurt me.
I hope that when I give my trust on him, he must treasure it for it's all that I have.
I hope that when I give him the chance, he'll never gonna waste it.
I hope that he's my tree and I'm the leaf. He's going to be my source of life.
I hope that when I give him my heart, it's all on him to take care of.
I hope Sonny's the one.
I hope beacuse I am still breathing.
Dum Spiro Spero.
~
More than two weeks before the graduation day and the engagement party, hindi pa rin ako pinapasali nina Mama at Papa sa paghahanda ng engagement party at mismong wedding. Hinayaan nila akong abalahin ang sarili sa nalalabing araw sa school.
It's fine with me though. Mas mabuti siguro 'yon. Ayokong ma-stress, ayokong ma-attach sa preparation.
Nasa department store kami ni Sonny ngayon. Bibili ulit ako ng panyo. Schedule talaga naming magkita ngayon kaya I make use of his time by shopping anything.
Matapos ang coffee session namin ni Darry, hindi ko na nagawang i-confront si Sonny tungkol sa convention nila. Nawala lang sa isipan ko kaso siya na mismo ang nagsabi sa akin right after niyang makauwi. Monday night.
Sa pamimili ko ng panyo, napalayo yata ako kay Sonny kasi no'ng pag-angat ko, wala na siya sa tabi ko. So, I need to gala-gala my eyesight to see where he is.
And there... I saw him at the baby's section... with whom?
Medyo malayo ang stall ng mga panyo sa baby's section. Nasa SM kami ngayon, wala sa Robinsons kaya may kalayuan. Pero naaaninag ko naman ang puwestong iyon. Nahalata ko lang maman si Sonny dahil sa buhok niya sa batok kasi nakatalikod siya sa puwesto ko. Halata ring may kinakausap siya, hindi ko lang maaninag kasi malaki ang katawan niya at natatabunan niya ang kung sino man 'yon.
Bitbit ang tatlong set ng iba't-ibang design ng panyo, dahan-dahan at maingat akong naglakad papunta sa baby's section. Medyo nag-move pa ako pa-side para maaninag talaga ang kung sino man ang kausap niya.
Nang mga dalawang dipa na lang ang layo ko sa kaniya, doon ko tuluyang nakita ang kung sinong kausap niya.
Hindi lang pala sino, kundi sinu-sino.
"Sonny? Darry?"
Nagpalipat-lipat lang sa dalawa ang tingin ko, hindi man lang pinasadahan ng tingin ang isa pang kasama nila.
"M-MJ! Tapos ka na? Tara na!" Bigla siyang lumapit sa akin at marahan akong hinawakan sa siko para pumunta na sa counter.
"Teka... si Darry 'yon, 'di ba? I want to say hi."
Gusto kong lumingon pero masiyadong matigas ang katawan ni Sonny para sundin ang gusto ko.
"No need, it's not yout obligation to say hi everytime you see him."
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa counter.
"Kapatid mo 'yon, dapat lang na mag-hi ako sa kaniya, Sonny," mariing sabi ko sabay pasada ng tingin sa pinanggalingan namin... pero wala na sila. "At magkaibigan ba sila ni Ayla? Bakit sila magkasama?"
Tiningnan ko si Sonny para sa sagot kaya kitang-kita ko ang pagdaan ng gulat sa kaniyang mata.
"Kilala mo si Ayla? May sinabi ba siya sa'yo?"
"Huh? Oo, kilala ko siya kasi kaibigan siya ni Raffy. At saka wala naman siyang sinabi sa akin, hindi nga ako pinapansin no'n, e," kinuha ko ang plastic na may laman ng pinamili ko at ang card. "Or baka naman nandoon lang si Ayla kasi mamimili ng damit para sa baby niya? Ang sabi kasi ni Raffy, buntis siya, kaya baka nandoon. So, anong ginagawa ni Darry doon sa baby's section?"
Nagsimula akong maglakad palabas ng department store para makapag-hapunan na kami.
"Don't mind that, MJ."
"Buntis ba si Callie? Bakit nandoon si Darry sa baby's section? Kasi imposibleng magkasama sila ni Ayla. Mukhang hindi naman sila magkakilala."
What the shit? Teka, kaya ba wala na akong balita sa kaniya nitong mga nakaraang linggo?
Is she... pregnant? With Darry's baby? What the shit?! No!
Anong, no, MJ?
"I said stop thinking about it, MJ, it's a waste of time!"
Hell. No.
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa mataas na boses ni Sonny. Pa-simple kong iginala ang tingin ko sa paligid at may iilang napapalingon na sa aming dalawa.
Tumaas ang isang kilay ko.
"Fine. You don't need to shout," defensive kong sabi bago tuloy-tuloy na naglakad papasok ng Cabalen.
Hindi ko pinansin kung nakasunod ba si Sonny o hindi, ang gusto ko lang ay makaupo sa isang kainan at kumain ng hapunan. That's all.
Dire-diretso ang naging lakad ko hanggang sa tuluyang makapasok... at matigilan.
What the shit?
Now, I just punyemas confirmed it.
Sitting on a table for four near the glass wall is the bastard in his manbun and specs with the pregnant high school classmate of my engineering friend, Raffy. Yeah, MJ, so much for thinking na hindi sila magkakilala.
"We'll find another resto, MJ, 'wag tayo rito."
Nanatili akong nakatayo, naka-crossed arms, at nakatingin sa nag-uusap sa 'di kalayuang table.
"Bakit tayo kakain sa iba? Nandito kapatid mo, o, dito na lang tayo kumain."
I tried my very best not to sound sarcastic.
Bago pa man niya ako mahawakan sa braso o siko ay naglakad na ako palapit sa table nila.
"Hi, Ayla, Darry, can we join?"
Sabay silang napalingon sa akin nang batiin at ngitian ko sila. Parehong gulat ang mga expression nila sa mukha. Hindi rin nakawala sa paningin ko ang pagtingin nila sa likuran ko.
I sighed heavily.
There is something going on between them. I want to tell myself... they're only friends, magkakilala lang sila. Pero paano? What are the circumstances para maging magkaibigan sila? Bakit nakikipagkita ang isang babaeng buntis at may boyfriend sa isang lalaking may girlfriend na? Bakit nga ba?
Unless... punyemas, MJ? Punyemas 'yang utak mo!
"I don't like it here, MJ, let's eat at Gilligan's instead," pinipilit pa rin ako ni Sonny.
Sige Sonny, isa na lang talaga, iisipin kong kasali ka sa kanila at may tinatago kayo.
"I want it here, Sonny, dito na lang tayo," at bago pa man ako kaladkarin ni Sonny palabas ng Cabalen ay umupo na ako sa espasyong katabi ni Ayla. Katabi mismo ng glass wall ng resto.
Ilang segundo pang nakatayo sa gilid si Sonny bago niya tuluyang inupuan ang bangkong kaharap ko at katabi ng kapatid niya.
"Have you ordered na ba? It's my treat, since naki-share kami ng table sa inyo. I'm not interrupting something naman, 'di ba?" Inosenteng tanong ko.
Pinasadahan ko pa ng tingin ang dalawa. Si Ayla ay nakayuko lang habang hawak ang tiyan. Si Darry ay umayos nang pagkakaupo at tumikhim. Tiningnan ko rin si Sonny na mariing nakatingin naman sa akin.
Nilapitan kami ng waiter and I said my orders and ganoon din sila kahit na halatang tipid na tipid ang pagkakasabi nila.
Nang makaalis ang waiter, umayos ako nang pagkakaupo.
"Hi, Ayla! How's your baby? We bump with each other again, sana naman pansinin mo na ako ngayon, kaibigan din naman ako ni Raffy," sinsero kong sabi sa kaniya.
Nilingon ako ni Ayla. Halatang-halata sa mukha niya ang awkwardness. I'm not supposed to feel anything pero hindi ako ganoon ka-ignorante para hindi malaman kung anong nararamdaman ng isang tao.
"H-Hi, MJ."
Ngumiti nga siya, hindi naman umabot sa mga mata niya.
"Magkakilala pala kayo ni Darry?"
Panandalian kong nilingon si Darry na naabutan ko pang lumingon sa kapatid niya kaya wala sa sarili akong napalingon din sa kapatid niya.
Isa na lang talaga. One last punyemas hint.
"U-Uh, na-nagtatrabaho kasi ako sa milling nila kaya ma-magkakilala k-kami," hindi pa rin makatingin sa mga mata kong sagot ni Ayla.
Nagkibit-balikat ako.
"Oh, that makes sense. Okay... kaya ba magkasama kayo ngayon? For work purposes?"
I am still trying not to burst my bubble of sarcastic. Trying so punyemas hard.
"MJ!" Sonny snapped.
"What? I'm just asking lang naman, bawal ba? Nagtataka lang kasi ako, e, bawal ba talaga Puwede namang diretsahin ako kung bawal malaman ang rason."
"We need to discuss something, MJ," kalmadong sagot ni Darry kaya napatingin ako sa kaniyang mga mata. Ako na mismo ang umiwas ng tingin, hindi ko kaya.
"Anong idi-discuss n'yo? Tungkol ba sa baby niya?" Sabay muwestra sa tiyan ni Ayla.
"MJ!" Sonny snapped again but I ignore it.
"Bakit nga pala kayo magkasama kanina sa department store? Bibilhan mo ba siya ng mga gamit pambata?" I added.
"MJ, stop it!" Sonny again.
"On the other day, nakita rin kita, Darry, sa department store namimili ng damit pambata. Para ba sa kaniya 'yon, Darry? Are you the father of her child?"
"I said stop it, MJ!"
A slam on the table made me stop.
I knew it. There is something wrong with this.
Padarag akong tumayo sa kinauupuan ko.
"Uuwi na ako. Enjoy the dinner," at kumaripas na ako ng takbo.
Whoever chase me, bahala kayo r'yan. Ang gusto ko lang ay ang makalayo.
May mali talaga. May mali sa kanilang tatlo. Sasabog na yata ang utak ko kung aalamin ko pa kung ano. Tama na siguro 'yon, na nalaman kong may mali. Maski ang mga pinagsasabi ko kanina, ayokong kumpirmahin ng kahit na sino sa kanila.
Ayla who's silently crying beside me while I bombarded her with questions na normal lang naman.
Darry who coldly answered my questions and being with Ayla na hindi ko makita ang rason kung bakit sila magkasama. It's beyond office hours kaya bakit sila magkasama? Bakit, Darry?
And Sonny for trying everything to stop me from seeing them, joining them, and asking them.
What the shit is going on between them?
I run, as fast as I can. Sumakay ako ng taxi para mabilis ang pagdating ko sa terminal ng bus.
Uuwi ako sa amin, hindi ko kayang manatili sa condo. Gusto kong umuwi. Gustong-gusto ko.
Ang bigat-bigat sa puso. Hindi ko alam kung paano ko ipapasok sa utak ko ang nalaman... nakabuntis si Darry sa isang trabahador ng milling nila? Bakit ang sabi ni Raffy may boyfriend si Ayla? Imposibleng si Darry ang ama. Darry has Callie. At saan naman maipapasok si Sonny sa picture kung totoo ang iniisip at hinala ko? Anong papel ang ginagampanan niya sa dalawa? Tinatago ba nila kaya ganoon ang mga naging reaksiyon nila? Kung tinatago, bakit nagmo-mall? Bakit sa mall nagkikita? Kung tinatago, dapat sa hotel, sa liblib na lugar, sa walang tao, kaya bakit sa mall?
Bakit. Ba. Big. Deal. Sa. Akin. Ito?
Nasa terminal na ako nang may napagtanto. Dahan-dahan akong umupo sa mga benches.
Bakit nga ba ako apektado? I shouldn't. Hindi naman si Darry ang pakakasalan ko, kundi si Sonny. Si Engr. Edison Thomas Lumayno Lizares! Ang pang-lima sa Lizares brothers. Si Sonny na single. Si Sonny na walang sabit. Kaya bakit?
E, ano ngayon kung si Darry ang ama? Dapat si Callie ang nasasaktan. Dapat si Callie ang apektado. Pero bakit parang unti-unting gumuho ang pader na pinapatayo ko... para kay Darry?
Ang gulo! Ang gulo-gulo! Punyemas! Sabi ko si Sonny lang. Kay Sonny lang. Dapat si Sonny lang! Kasi si Sonny, walang girlfriend. Kasi si Sonny, walang sabit. Kasi si Sonny, walang masasagasaan. Kasi si Sonny, may gusto sa'yo. Kaya dapat si Sonny lang! Si Sonny lang, MJ! Parang awa mo na.
Sana... I should have sticked with what I believed in... The Lizares are untouchables. I shouldn't touched them. I shouldn't agree with it. Sana pala tumutol ako, naghanap ng ibang pamilya. Sana.
But it's punyemas late! Too damn late! I don't want to burst my parents bubble of happiness and contentment. Ayoko.
I sighed very hard and relaxed myself a bit by watching the buses take off to their own destinations. Madilim na, kumukulo na ang tiyan ko pero hindi ko alintana. Anong oras na ba?
I stayed there for another couple of hours until the lights of terminal dimmed. Nang maramdamang okay na ako, unti-unti akong tumayo at naglakad papunta sa labas para makasakay ng jeep na dumadaan sa O Residences. Mabuti na lang at twenty-four seven and biyahe ng Bata-Libertad na routa, makakasakay pa ako.
After I payed for the fare, I glanced at my wrist watch. 11:10 PM. I sighed again.
Pang-ilang buntonghininga ko na ba ito sa gabing ito? Hindi ko na mabilang, napapadalas na yata. Parang ngayon ko kailangan ang bakasyon.
Habang nasa biyahe, I mentally memorized my schedule for the next couple of days. Mukhang free pa naman ako, hindi pa naman start ng graduation practice, so I think a vacation is not a pain in the ass?
Pumara ako nang nasa tapat na ako ng building. Panandalian kong pinasadahan ng tingin ang paligid, nagbabakasakaling may sumunod sa akin na isang pamilyar na kotse.
Pero wala.
Bagsak ang balikat, umakyat ako sa condo ko. Hanggang sa natulugan ko ang pag-iisip.
~
Kinabukasan, nagising ako sa isang matinding vibration ng phone.
Naaalimpungatan pa, kinapa ko ang kama ko kung saang sulok ko nailagay 'yon kagabi. Nang makapa, pikit-mata kong tinanggap ang tawag.
"Anong atin?" I said in a husky voice. Bakit ba? Bagong gising, e, kaya dapat husky!
"Thank heavens you answered!"
Nadilat ko ang isang mata ko nang marinig na boses ng lalaki ang sumagot.
"Sino 'to?" Medyo naiirita kong tanong. Inaantok pa ako!
"Tingin-tingin din sa caller ID, Osmeña!"
"Raffy?" Kung kanina, isang mata lang ang naidilat ko, ngayon dalawa na. Napikit ko pa ulit kasi nabigla sa liwanag ng kuwarto. Hindi ko pala nasarado ang bintana kagabi kaya ayon, ang liwanag ng kuwarto ko. "Ba't napatawag ka?"
"Kagabi pa kita tinatawagan! Ring lang nang ring hanggang sa hindi na nagri-ring. Anong nangyari sa'yo?"
Umayos ako sa pagkakahiga at inaalala ang ginawa ko kagabi sa phone ko. Ch-in-arge ko 'to kagabi bago ako matulog dahil na-dead batt ito nang i-check ko pag-uwi.
"Ba't ka nga napatawag?" Medyo iritado kong tanong, atat malaman ang rason.
"Nandito ako sa labas ng unit mo. Kain tayo!"
I huskily groaned on what Raffy said.
"Ang aga mo naman!"
Dahan-dahan akong tumayo. Binalanse muna ang sarili bago naglakad palabas ng kuwarto.
"Anong maaga? Alas-diyes na! Brunch na nga lang kainin natin."
Ngayon, papuntang pintuan naman ang tungo ko.
In-end ko na ang call at pinagbuksan si Raffy. Alam kong magulo pa ang pagmumukha ko pero wala akong pakialam. Nakita na rin naman ako ni Raffy sa bagong gising state ko so, what's new?
"Sabog na sabog, a? Nag-party ka ba kagabi nang hindi sinasabi sa'min?"
Nang makapasok si Raffy, agad akong dumiretso sa ref para kumuha ng tubig para inumin, alangan namang kainin.
"Ipagluto mo na lang ako, Raf, tinatamad akong lumabas, e," sabi ko habang umiinom.
Nakasunod na rin siya sa kusina.
"May dala ako, ito na lang kainin natin," sabi niya sabay lapag sa mga supot ng isang kilalang fast food chain na dala niya sa lamesa na ngayon ko lang napansin.
Sumandal ako sa ref at inayos ang robe na suot ko, hawak pa rin ang baso at nakatingin sa ginagawa niyang pag-aayos ng mga pagkain. Pinabayaan ko na, alam na naman niya ang gagawin, e. Siya ba naman maging tambay ng condo ko.
"Anong sadya mo nga pala rito?"
Medyo nagbabalik na sa normal ang sarili ko. Hindi na inaantok, hindi rin naman masiyadong energetic para simulan ng masaya ang araw na ito.
"May problema ka ba? There's a phot of you na nagsi-circulate sa Facebook."
I'm not new to this kind of issue. Matagal nang may nagpi-picture sa akin tapos kakalat sa Facebook tapos ipapakita sa akin ng mga kakilala ko kasi nga wala naman akong Facebook account.
"What kind of picture? Nude ba?" Pagbibiro ko pa. As if I sent some nude photos to someone nor took some shots of myself. Like duh, mamamatay nga akong virgin!
"Oo, e!" Pa-iling iling pa na sabi niya kaya natawa ako.
"Gago! Ano nga?"
May kinuha siya sa bulsa ng pants niya at inilapag sa lamesa at itinulak palapit sa akin.
"Check mo sa GC naming boys, s-in-end ni Joemil 'yon, e."
Binuksan ko ang phone ni Raffy at dumiretso ako sa messenger niya. Agad kong nakita ang group chat na sinasabi niya. Dapat kasali ako kaso wala nga akong social media accounts except Skype kaya hindi ako kasali.
Kahit wala ako no'n, I know how it works kaya dumiretso ako sa mga shared photos ng group chat. Cl-in-ick ko ang recently shared sa GC.
Isang screenshot.
May nag-take ng picture ko at p-in-ost sa Facebook. It was photographically beautiful. Parang nasa isang photoshoot or music video. Naka-side view ako, nakaupo sa bench ng terminal at tulala. I am alone pero kahit naka-side view, makikita sa angle ng mukha ko na malalim ang iniisip ko, na meron talagang bumabagabag sa akin.
Nag-swipe ako at nakita ko rin sa shared photos ang original picture. Doon, klarong-klaro na ako talaga 'yon. Nakahawak pa ako sa strap ng sling bag ko habang nakatanaw sa malayo, na sa pagkakaalala ko ay sa mga yellow buses ng terminal. Para talaga siyang photoshoot dahil sa pagkaka-edit ng photo.
Ibinalik ko sa screenshot photo. May caption ito na "Aesthetically Endangered" at ang nag-post nito ay may pangalan na Cyrus Photography. I checked the number of likes, comments, and shares. Kaonti pa lang pero nakita ko sa screen na one minute ago pa lang nang i-screenshot ito nang kung sino man.
"Can I see the real post?"
Ibinalik ko kay Raffy ang phone niya.
After a few seconds, ibinalik sa akin ang phone niya para ipakita sa akin ang real post. Cyrus Photography is a Facebook page pala.
Pagkakita ko sa post, marami na ang reactions. Pinakamarami ang heart na sinundan ng sad then wow. From what I am seeing right now, meron itong 29, 650 reactions, 11, 745 comments, and 16, 270 shares and still counting. As in wow!
The caption is now edited kaya I read it silently.
'Aesthetically Endangered.
To Ms. MJ Osmeña,
I'm sorry if I took your picture without your permission. I was just amaze of how expressive you were that night. One face, two eyes, with hundreds of overflowing emotions. Whatever you're up to, I hope you can do it. You are so beautiful and at the same time it looks like you're in a harm situation. Thus, aesthetically endangered.
P.S.
I was told (and also kind of researched) that you don't have any social media accounts but I do hope you'll be able to see this one. It will be my pleasure if you do. I also hope that I can photograph you soon. God bless, Ms. MJ Osmeña.'
I left a comment using Raffy Javier's account.
'To Cyrus Photoraphy:
This is MJ Osmeña and thank you so much for the appreciation. I do hope we'll see each other soon and will be able to acquire a clearer and bigger copy of that shot. It is indeed beautiful! It feels real. You are so good! God bless, Cyrus Photography!
~
Chapter 14 of She Leaves (Tagalog)