アプリをダウンロード
25.53% She Leaves (Tagalog) / Chapter 12: 2 Months Before The Engagement

章 12: 2 Months Before The Engagement

"Ready for hardbound!" Binasa ko ang maliit na note na nakalagay sa sandamakmak na papel na ipinasa namin kanina after ng defense. "Ready for hardbound na tayo!" Muling sigaw ko.

"'Yon o!"

"Nice!"

"Tara na! Pa-hardbound na tayo."

"Waste no time, engineers!"

"Siguradong-sigurado na ba?"

'Yan ang sari-saring reaksiyon ng mga project study mates ko nang sabihin ko ang magandang balita sa kanila.

"Oo nga! Ano? Tara na!" Natatawang sabi ko.

Sobrang ingay namin ngayon, mabuti na lang at malapit kami sa field at malayo naman sa buildings. Baka napagalitan na kami dahil sa sari-saring sigaw namin. Sino ba kasi ang hindi matutuwa na ang halos isang taon mong pinaghirapan na project study ay makakapasa sa mga panel? Sinong hindi? Kaya dapat i-celebrate!

First week of February, nagkaroon kami ng project study defense. Dinepensahan namin ang aming gawa. Dinepensahan namin hanggang sa aming makakaya. Buong lakas, buong loob naming dinepensahan kahit na maraming doubts, maraming pagtatalo, maraming tulog ang nasayang, maraming kape ang nalaklak sa paggawa nito but in the end, na-aprubahan din! Nang walang ibang question! Tama nga ang measurements namin!

On the second week of February, pinasa namin ang project study for thorough checking, grammar checking, and statistics checking.

Ngayong third week na, ibinalik na sa amin ang pinasa namin at 'yon nga ang magandang balita na aming natanggap. Puwede nang i-hardbound ang pinaghirapan namin!

Worth it ang pag-skip namin ng Valentine's Day para sa project na ito. Worth it ang lahat ng pinaghirapan namin. Worth it na worth it!

Kaya ngayon ay nakangiti kaming pumunta ng parking lot para makaalis ng campus. Ipapa-hardbound nga namin itong gawa namin!

Sakay sa kotse ni Raffy, tinahak namin ang daan papuntang Burgos Street, kung saan naglipana ang mga nagha-hardbound na establishments.

May nakausap na kaming store na kayang mag-hardbound ng isang dangkal sa kapal na librong gawa namin at ngayon ay nagbabalik na kami sa kaniya para ibigay ang mga papel. And I am not even joking when I said isang dangkal ang kapal ng librong ipapa-hardbound namin. That's how thick our study is. Kaya kailangan talaga namin ng celebration.

"O, ano? Saan tayo mamaya?" Habang abala ang salesboy na mag-compute ng halaga ng ipapa-hardbound namin ay tinanong ko na sila. Kanina sa kotse kasi, napag-usapan na mag-ccelebrate kami mamayang gabi.

"Sa condo mo na lang tayo, MJ, para maka-save at saka may bagong series ang Netflix ngayon, panoorin natin," ani Ferlen sabay akbay kay Belle.

Umismid ako.

"Ayaw n'yong mag-bar or The Palms man lang?"

Hindi naman sa ayaw ko sila sa condo ko, ang tagal ko na kasing hindi nakakapag-bar, e, nami-miss ko lang.

"Saka na lang kapag naipasa na talaga natin ang hardbound. Nakakapagod ang mag-brainstorm sa study na 'yan. Chill-chill na lang muna tayo, MJ," ani Louise.

Isa-isa kong tiningnan ang project study mates ko.

"Okay lang sa condo... kaso wala si Alice, walang magluluto ng pagkain natin."

"Order na lang tayo! Jollibee!" Ani Joemil sabay akbay naman kay Alvin.

"Okay. So, after this, balik muna tayo ng school then kuha kayo ng gamit then diretso na tayo sa condo?" Tanong ko sa kanila to clear the plan.

"Yes, Madam!" Sabay na sabi nila na inilingan ko lang.

Mas mabuti na rin siguro kung sa condo kami, parang ayaw ko na muna pa lang mag-party hangga't hindi ako napapanatag sa study namin kahit na for hardbound na naman ito. May point nga ang mga kasamahan ko.

Nakaupo ako sa isang stool habang abala pa rin ang mga kasamahan ko sa kani-kanilang pag-uusap. Hindi pa rin kasi natatapos ang resibo. Ewan ko ba ba't ang tagal.

Nag-vibrate bigla ang phone ko kaya agad ko itong sinagot. It's a call from Mama.

Lumabas ako sa store so nasa gilid na ako ng kalsada at katapat ko na ngayon ang STI-WNU, isa ring university sa kabisera.

"Anak, where are you?" Malumanay na tanong ni Mama.

"Nasa Burgos, Ma, why?"

"What are you doing there? But anyways, are you busy tonight? Aren't you done with your thesis now?"

Hindi ko alam kung anong tanong ni Mama ang una kong sasagutin but I ask the most common question.

"Why, Ma?"

"You have a dinner with Sonny tonight."

Dinner? Tonight?

"Po?"

"Sorry, anak, ngayon ko lang sinabi. Felicity organized it for the both of you so I can't say no. Hindi ka naman busy tonight, 'di ba?"

Napabuntonghininga ako sa mga pinagsasabi ni Mama.

"Ma, can I cancel it? I already said yes to my friends about our mini celebration. Mag-ccelebrate kami for the hardbound of our project study, Ma."

"Can't you cancel it, anak?"

Mama is not galit when she ask that. Her voice is still malumanay. And why am I going conyo?

"You know me, Ma. I can't cancel an errand when I already said yes to it first. Please tell Tita Felicity na lang po na we'll schedule it next time, and please Ma, ask me first about my schedule before saying yes." I heard Mama sighed heavily. "And besides, Ma, me and Sonny can schedule a dinner or a meet-up if we want to. It's just that we still can't meet kasi busy pa ako, him as well. Hindi ko po iniiwasan si Sonny, Ma, kung 'yon ang akala n'yo kung bakit hindi ako nakikipagkita sa kaniya. Busy lang talaga, Ma."

Mama sighed heavily again.

"Sorry, anak. Next time, I'll ask you first." Wala sa sarili akong napangiti at napatingin sa kaliwang banda ng daan. "I'll tell Felicity about it. You take care there, ha? I'll call soon. I love you."

"Same, Ma!" At ako na mismo ang nagbaba ng tawag.

Saktong pagkababa ko ng phone ay may paparating na isang pamilyar na kotse. Mas lalong lumakas ang kutob ko na pamilyar nga ito nang bumagal ang kotse at saktong tumigil sa harapan ko.

Bumukas ang bintana ng front seat at isang nakangiting Callie Dela Rama ang bumungad sa akin.

"Hi, MJ!" May pagkaway pang sabi niya.

Natulala ako ng limang segundo. Pinipilit i-digest ang lahat ng nakikita ko.

Wow! Of all the punyemas people in the world. Why them?

Nakabawi ako sa pagkakatulala at nginitian si Callie.

"Hi..." Simpleng sagot ko.

Hindi ko na nga alam kung umabot ba sa mata ko ang ngiti ko.

"What are you doing there?" Dagdag na tanong niya, nanatili sa loob ng kotse.

"I-I'm with my mates, nagpapa-hardboynd lang sa loob." Bahagya ko pang itinuro ang likuran ko kung saan ang store.

"Oh, okay! So, you're going to meet with Kuya Sonny later? Tita Felicity said you have a dinner date later with him."

Dinner date? Date? Hell, no! I don't do dates.

"Uh, hindi. I can't go. I have other errands kaya cancelled ang dinner," pinasadahan ko ng tingin ang driver ng kotse, 'yong kasama ni Callie.

Hindi siya nakatingin sa akin pero kitang-kita ko sa labi niya ang munting ngisi na agad din namang nawala.

I had to blink twice to confirm it. Kaso sa pagkurap ko, nawala ang ngisi. Siguro nga namamalikmata lang ako. Assuming, MJ.

"Oh?" Malungkot na sabi niya. "Sayang naman, gusto pa naman sana naming sumama ni Darry sa dinner date n'yo."

"Uh... Callie, it's not a date. It's just a simple dinner for the building of our rapport," awkward na sabi ko.

Bakit ba kasi dinner date siya nang dinner date? Naaasiwa ako sa date na 'yan, e.

"It's still a date, MJ, ikakasal na rin naman kayo."

"Sinong ikakasal?"

Punyemas?

Halos mapaiktad ako sa gulat nang may umakbay sa akin at nagsalita na rin. Base sa boses, alam kong si Raffy 'yon.

And punyemas! Narinig ba niya ang sinabi ni Callie?

Malamang! Nagtanong nga kung sino ang ikakasal, e. Punyemas! Mabuti na lang at hindi buo!

"Tapos na ba?"

Bago pa man makasagot si Callie sa tinanong ni Raffy, inunahan ko na ng tanong 'yon at tiningnan na siya siya para hindi na makatingin kay Callie.

"Oo, palabas na rin 'yong iba," simpleng sagot niya.

"Hi, Miss Callie!"

Mas lalo akong nakahinga nang maluwag nang marinig na bumati si Ferlen mula sa likuran ko.

Napatingin na rin ako kay Callie. Confuse man pero nagawa niyang bumati kay Ferlen. Lumampas naman ang tingin ko at dumiretso ito sa driver's seat.

Nakatingin ang ulo niya sa direksyon ko pero ang mga mata niya ay nakatingin diretso sa bandang kanang balikat ko.

Kung nasaan ang kamay ni Raffy!

Oh, punyemas! Baka iniisip niyang pinagtataksilan ko ang kapatid niya?

E, ano naman ngayon? Magiging rude naman ako kung bigla kong aalisin ang kamay ni Raffy. It's just a friendly gesture. There's nothing wrong with it. I'm single and kahiy may planong ipakakasal kami ng kapatid niya, hindi ko pa rin Fiancé si Sonny. Technically, I am still single. So, what do he care? Problema mo, Darry?

Natoon ang atensiyon ni Callie kay Ferlen kaya no'ng magpaalam sila ay wala na kaming ibang napag-usapan. Hindi na rin naman nagtanong ang mga kasamahan ko tungkol sa nangyari. Maski si Raffy ay hindi na rin nagtanong tungkol sa narinig kaya malaki talaga ang pasasalamat ko.

"Belle, ito 'yong card key. Kayo nang bahala ha? Alam n'yo na naman, e."

Matapos ang iilang bagay na kailangang tapusin sa school at kumuha ng mga gamit sa kani-kanilang boarding house para sa sleepover na ito ay pumunta agad kami sa O Residences para ihatid sila. D-in-rop lang namin sila kasi kami na ni Raffy ang bibili ng mga pagkain at ibang kakailanganin sa sleepover na ito.

Binigay ko na nga kay Belle and card key at nasa labas na sila ng Fortuner ni Raffy habang ako ay nasa front seat at hindi man lang bumaba. Siyempre, si Raffy ang driver, kaniya ang kotseng ito, e.

"Okay, MJ," ani Belle.

"Sigurado kang okay lang na pumasok kahit wala ka?" Tanong ni Ferlen.

"Oo naman. Naka-ilang balik na kayo rito, e, at saka kilala na kayo ng security guard kaya just feel at home lang, alam n'yo na naman ang gagawin, e."

"Bili na rin kayo ng mga drinks, MJ."

Nilingon ko si Alvin nang sabihin n'ya 'yon.

"'Yan pa ba mawawala?"

Hindi rin nagtagal ay tumulak na kami ni Raffy. Kahit na katabi lang ng O Residences ang Robinsons Malls, mas pinili ko pa rin ang SM kasi roon lang makakabili ng mga gusto kong pagkain. Kahit na s-in-uggest na kanina nila n mag-GrabFood or FoodPanda na lang kami, still... I want to buy it for myself and may drinks pa kaming bibilhin.

Pagka-park ni Raffy sa kotse ay agad akong bumaba at sabay na kaming pumasok ng mall.

"So, anong uunahin natin?" Agad na tanong ni Raffy matapos kaming i-check ng mga sekyu ng mall.

"Unahin na natin 'yong chicken joy na gusto nila. Tapos punta tayong Gilligan's. Last na 'yong supermarket para sa drinks," sabi ko sabay gala ng tingin sa loob ng mall.

"Okay, boss."

Naglakad na ako papunta sa direksyon ng Jollibee. Medyo maraming tao sa mall ngayon kasi Friday tapos may Sale pa ang mall na ito and maggagabi na rin. Puros mga estudyante ang mga nakikita ko.

Ang in-order na lang namin sa Jollibee ay 'yong chicken joy na gusto nila. Isang bucket ang binili ko tapos may spaghetti in pan pang kasama.

"Nasa kabila pa ang Gilligan's, Raf, 'no? Unahin na lang natin ang supermarket, total nandito naman sa side na ito 'yon."

Bitbit ang pinamili namin sa Jollibee, nakangising sumang-ayon si Raffy sa mga pinagsasabi ko.

"Sure, boss!"

Nasa bukana ng supermarket ang bilihan ng mga inumin kaya agad akong lumapit doon para mamili ng mga inumin.

Parang gusto kong ipatikim sa kanila ang tequila sunrise na recently ko lang na-perfect. Sa tinatagal-tagal ko ba naman na manginginom, siyempre, gumagawa na ako ng sarili kong version ng iba't-ibang klaseng mix. Althoug tequila sunrise is a very common drink, still, I tried my best to perfect it.

"May Heineken pa ako sa ref kaya ito na lang ang bibilhin ko," sabi ko sabay kuha ng bottles ng Jose Cuervo Silver, The Bar Pink, and a bucket of Smirnoff.

Inilapag ko 'yon sa counter at nilingon si Raffy.

"Grabe ka talaga, ano? Totoo talagang nag-sstock ka ng Heineken sa ref n'yo?"

Para namang si Sonny 'tong si Raffy, namamangha pa rin kahit na nakita na naman n'ya.

"Parang hindi mo naman nakita ang laman ng ref ko."

"Hoy, MJ, noong nag-beer pong tayo sa Old House, alam mo bang napabilib mo ako roon? Ang tapang no'ng mga inumin na nasa red cups, isang beses ko nga lang nainom 'yon pero ikaw, imagine, naka-apat na baso ka tapos ang tapang-tapang pa!" Ngumisi ako sa mga pinagsasabi ni Raffy. "Ako na, ikaw na magdala nito."

Ibinigay niya muna sa akin ang bucket na nasa malaking plastic at siya na mismo ang kumuha sa mga inumin na pinamili ko. Naglakad na kami pabalik sa kotse niya.

"It runs in the blood, Raf, malaki talaga ang bahay-alak naming mga Osmeña."

Umiling na lang si Raffy at hindi na nakipagtalo tungkol sa aking pagiging hard drinker. Lagi rin naman siyang natatalo kasi marami akong rason na baon.

"Umikot na lang tayo, nasa kabila pa ang Gilligan's, e," sabi ko nang makasakay na siya sa driver's seat.

Agad din niyang minaniobra ang kotse at lumipat sa kabilang side ng mall kung nasaan ang Gilligan's.

Wala akong pinalampas na segundo kaya agad akong naglakad papasok. Kasabay ko pa rin si Raffy. Hindi naman mahirap hanapin ang Gilligan's dahil kahilera nito ang iba pang kainan sa mall.

"Anong bibilhin mo rito?" Tanong ni Raffy habang iginagala ang tingin sa interior design ng restaurant na pinasukan namin.

"Uh... bibili ng pako?"

"Psh. Ang corny, MJ, ha."

"Siyempre, bibili ng pagkain. Gusto ko kasing humigop ng sabaw at bibili na rin ng dagdag na pagkain."

Nang tuluyang nakaharap ang counter, agad akong nagsabi ng order. Madalas kasi ako rito kaya kabisado ko ang menu nila. Pare-pareho lang naman ang mga in-order ko.

Kare-Kare at Sinigang. Dinagdagan ko lang ng Calamares at Inihaw na manok.

"Ang dami naman. Okay na 'yong chicken joy, e," komento ni Raffy matapos ma-punch ang order ko.

"Celebration nga, 'di ba? Kaya dapat more foods! At saka I'm craving kasi kaya ganoon," kibit-balikat na sagot ko habang papunta sa mga chairs na designated for waiting area.

"Ano ka, buntis?"

Nag-make face lang ako bilang sagot kay Raffy at inatupag ang phone kong kaka-vibrate lang.

"Si Alvin tumatawag. Sagutin ko muna, Raf," sabay muwestra sa phone ko at pakita sa caller ID na Alvin Rey Agabon.

"Anong atin?" Bungad ko. Nakaupo pa rin ako sa bangko at nasa tabi ko pa rin si Raffy.

"MJ!" Boses babae ang sumagot pero number ni Alvin ang tumatawag sa akin.

"O, Ferl, bakit?"

Mabuti na lang at marunong akong mag-identify ng boses kaya nalaman ko kaagad kung kanino 'yon.

Bago pa makasagot si Ferlen, biglang tumayo si Raffy at mukhang pinuntahan. Pinabayaan ko muna kasi may kausap pa ako sa phone.

"Nasaan na kayo?"

"Nasa Gilligan's pa, bakit?"

"Bumili ba kayo ng rice?"

"Huh? Hindi. Plano ko sanang d'yan na magsaing, e, bakit?"

"Ayos! Kami na lang magsasaing dito. Nakita kasi namin bigasan mo, e."

Natawa ako sa sinabi ni Ferlen.

"Oo naman! Puwedeng-puwede! Kayo na lang bahala tumantiya kung gaano karami ha?"

"Sure!"

"MJ! Bili raw kayo ng Red Horse!"

Ngayon, ibang boses naman ang nagsalita.

"Huh? Tequila, The Bar, at Smirnoff lang ang nabili kong drinks, e."

"Gusto raw ng boys 'yong Red Horse para may sipa!" At napuno ng tawanan ang background. Si Belle ang nagsabi no'n.

Matapos akong matawa sa sinabi nila ay napangiwi ako. I don't like Red Horse. Hindi sila cheap pero malakas talaga ang nagiging tama sa akin 'pag ito iinumin ko.

"Sige, bibili ako. May iba pa ba kayong gusto?"

"Ice cream!"

"Sa Mercury na lang kayo bumili, nasa labas lang ng lobby 'yon, e. Baka matunaw 'pag kami pa ang bumili."

"Okay! Okay! Ibababa ko na 'to, tutulungan lang namin ang boys sa pagsasaing."

"Sige."

Natatawa kong binaba ang tawag at napatingin na sa puwesto ni Raffy kung saan may kausap na siyang isang babaeng... buntis o malaki lang talaga ang tiyan?

Wala pa naman ang order namin kaya unti-unti akong tumayo para lapitan si Raffy. Ibibili ko lang ng Red Horse ang mga boys habang naghihintay.

"Uh... excuse me, Raf," nag-aalinlangan akong magpaalam kasi mukhang malalim ang pag-uusap ng dalawa.

"O, MJ!"

"May bibilhin muna ako sa labas. Ikaw na muna ang maghintay sa orders, ha?"

"Sige, sige, pero ipakikila muna kita sa kaibigan ko," iminuwestra niya ang harapan kaya nakangiti akong humarap sa kaibigang tinutukoy niya. "Si Ayla nga pala, MJ, high school classmate ko."

Totoo ang naging ngiti ko sa kaniya pero bakas na bakas sa mukha ni Ayla na nagulat siya. Gusto ko sanang magtaka sa expression ng mukha niya pero baka kilala niya ako kasi isa akong Osmeña.

"Hi, Ayla, nice to meet you. I'm MJ, Raffy's friend," inabot ko ang kamay ko para makipag-shakehands pero siya, nanatiling gulat pero agad din namang inabot ang kamay niya.

Ang kaso, isang panandaliang kamayan lang ang nagawa namin.

"Sige na, Raf, alis na muna ako. Mag-usap muna kayo, babalik ako agad."

Hindi ko na masiyadong pinansin ang gulat sa mukha ng babae at lumabas na ng Gilligan's para maghanap ng puwedeng bilihan ng Red Horse.

"Kung pupuntahan ko pa ang kabilang wing, baka matagalan ako sa pagbalik. Mabuti pa sa seven-eleven na lang ako bibili," sabi ko sa sarili ko habang iginagala ang paningin. Naghahanap ng puwedeng bilihan ng alak. Wala pa naman sa wing na 'to ang supermarket, puro kainan at bilihan ng mga damit lang ang nandito.

Speaking of damit... Damn it! Matagal pa naman 'yong in-order ko. Sasaglit na muna ako sa department store.

So, mga ka-friendships, pumasok nga ako sa department store kaso sa may entrance lang ako lumapit. Hindi na ako lumayo para madali akong makabalik sa Gilligan's.

Saktong sa may estante ng mga relo ang unang bumungad sa akin kaya iyon ang nilapitan ko. Tumingin-tingin ako at nilapitan na rin ng saleslady.

Nagtanong siya kung anong gusto kong isukat o tingnan. May nagustuhan ako, dalawa, kaya pinakuha ko sa kaniya for thorough checking.

Habang kinukuha niya ang mga wrist watch sa estante ay iginala ko ang tingin sa paligid. Sa loob at labas ng department store.

Ay, wait, sandali.

Is that... Sonny Lizares? Or not?

Sinundan ko ng tingin ang lalaking naka-slacks, naka-black button down shirt folded up to his forearm, and black leather shoes. He's too formal except sa ballcap na pabaligtad na sinuot. Kaya hindi ako sigurado kung siya ba kasi hindi ko masiyadong maaninag kung may buhok ba sa batok o wala.

"Heto na po, Ma'am."

Gusto ko sanang sundan pa ng tingin at nang makumpirma pero may kailangan pa pala akong bilhin.

Panandalian kong pinasadahan ng tingin dalawang wrist watch na pinili ko kanina.

"Bibilhin ko ang dalawa, Miss," sabi ko sabay abot sa kaniya ng card. "Pakibayaran na lang, dito na lang ako maghihintay," nakangiting dagdag ko.

"S-Sigurado po kayo, Ma'am?"

"Oo. I like the two kaya kukunin ko na."

May pag-aalinlangan sa salesgirl na iyon pero sa huli ay kinuha niya ang card at dinala ang dalawang relos sa counter para bayaran.

Sinundan ko pa ng tingin ang salesgirl bago ko ibalik sa nilakaran ni Sonny ang tingin ko. Nakikita ko pa ang ballcap na suot niya pero nakatalikod na siya sa akin at patuloy pa rin siya sa paglalakad.

Hindi ko iwinala kay Sonny ang tingin ko. Maliban na lang nang i-abot sa akin ng salesgirl ang paperbag ng binili ko at pati na rin ang card.

"Thank you for shopping SM Department Store, Ma'am, please come again."

"I definitely will," matamis akong ngumiti sa babae at saka dali-daling lumabas ng department store bitbit ang binili.

Iginala ko ang tingin ko nang makalabas na ng department store. Pero wala na sa huli kong nakitang puwesto ni Sonny. Sinuyod ko pa nang maigi, baka namamalikmata lang ako, pero wala talaga.

Suminghap ako at napa-iling ang ulo.

"Guni-guni ko lang yata 'yon."

Tama. Kasi ano ang gagawin ni Sonny dito sa kabisera? E, nasa hometown namin ang opisina niya, ang milling company nila, kung saan siya nagtatrabaho. Cancelled din naman ang dinner namin kaya anong gagawin niya rito? E, sa hometown din namin umuuwi 'yon? Baka nga talaga guni-guni ko lang 'yon.

Nagsimula akong maglakad pabalik sa Gilligan's. Diretso counter agad ako kung saan saktong ibinibigay na kay Raffy ang mga order. Pinasadahan ako ng tingin ni Raffy habang inaabot ang mga plastic.

"O, ano? Nakabili ka na?"

Malawak akong ngumiti sa kaniya sabay pakita sa bitbit kong paperbag.

"Iba nabili ko, e. Sa convenience store na lang tayo dumaan mamaya."

Napa-iling na lang si Raffy sa mga pinaggagawa ko. Siya lahat ang nagbitbit ng mga plastic kaya no'ng matapos ay agad kaming lumabas.

"Nasaan na nga pala 'yong kaklase mo?"

Kasi no'ng dumating ako, siya na lang mag-isa at wala na sa paligid ang kaklaseng sinasabi niya. Kayla yata 'yong pangalan? O Ayla? Nakalimutan ko.

"Ah, si Ayla? Umupo na roon sa mga tables, hinihintay niya raw kasi ang boyfriend niya," kuwento ni Raffy habang naglalakad palabas ng Gilligan's.

"Ah. Buntis ba 'yong kaklase mo o medyo chubby lang? Hindi naman sa nang-aano ako ha, curious lang naman."

Baka kasi ma-offend sa naging tanong ko.

"Oo, buntis, apat na buwan na raw. Ginawa na nga akong ninong, e," natatawang kuwento niya kaya napatawa na lang ako.

"Ang aga naman mangontrata no'n?"

"Ewan ko nga ba. Medyo nagulat nga rin ako kasi siya 'yong pinakatahimik na kaklase ko noong high school tapos ngayon matapos ang ilang taon, makikita ko siyang buntis nang hindi pa kasal."

Tumawa ako sa sinabi niya.

"Ako nga sinabihan ng mga kaklase ko noong high school na maagang mabubuntis, e, but look at me now!" Sabay lahad sa katawan ko. "Wala pa ring anak. Siguro tama 'yong sinasabi nila na 'pag tahimik ka noong high school, maaga kang mabubuntis kasi 'pag tahimik, nasa loob ang kulo at landi," natatawang dagdag ko pa. "Mabuti na lang talaga at maingay ako noong high school, e."

"Mga kalokohan at paniniwala mo talaga kahit kailan, MJ, ibang-iba. Hindi naman lahat. 'Wag mong lahatin. May kaibigan din naman akong tahimik pero hindi naman nabuntis."

Palabas na kami ng mall pero patuloy pa rin kami sa pag-uusap.

"I'm just stereotyping, kasi mostly naman talaga nang nakikilala ko rati, ganoon na. Pero tama ka nga naman, hindi nga lahat," kibit-balikat na sabi ko habang nilalagay sa back seat ang mga pinamili. "Pero mabalik tayo sa kaklase mo... hindi pa ba kasal 'yon? 'Di ba sabi mo may boyfriend siya?"

"'Yon na nga 'yung problema niya. Nandoon siya kasi makikipagkita siya sa boyfriend niya para sabihin ang tungkol sa kalagayan niya. She's hiding the baby from her boyfriend."

What?

Feeling ko umabot sa kisame ng kotse ni Raffy ang pagtaas ng kilay ko. Eksaherada akong lumingon sa kaniya.

"Huh? Tinago niya 'yong magiging baby niya sa boyfriend niya, sa magiging ama ng anak niya?" Isang kibit-balikat ang naging unang sagot ni Raffy sa akin. "Bakit naman niya itatago? Unless... hindi ang boyfriend niya ang ama ng anak niya?" Dagdag ko pa.

"Hindi naman siguro gano'n. Sabi niya, 'yong boyfriend niya talaga ang ama, e."

"O, e, bakit itatago?" Nagkibit-balikat si Raffy habang minamaniobra ang kotse niya palabas ng parking lot. "Ang gulo naman nang gano'n. Kung ako nabuntis, unang araw pa lang , ipapaalam ko na sa lalaking nakabuntis sa akin!" May hand gestures pa akong ginawa. Wala lang, para masabing may ipinaglalaban.

"Kahit naman siguro sinong makabuntis sa'yo, kahit hindi mo sabihin, papanagutan ka yata, e. Maski siguro ang hindi ama, papanagutan ka."

I snorted a laugh on what Raffy said. Gagong Raffy 'to!

"Punyemas ka, Raffy!" At inambahan ko siya ng suntok.

"Bakit? Tama naman ako, a? Lahat ng lalaking may gusto sa'yo, gustong maging ama ng anak mo!"

Mas lalo akong natawa sa mga pinagsasabi niya. Mas high pa sa akin 'to, e.

"Gago! Hindi naman ako ganoong klaseng babae, a!"

"I know, I know... mamatay kang virgin. I know, I know," parang bored na sabi niya.

Natatawang umiling na lang ako sa mga pinagsasabi niya.

Nagpatuloy siya sa pagda-drive, dumaan na rin kami sa isang convenience store at bumili no'ng alak na gusto ng mga boys.

Kumain nga kami nang kumain no'ng gabing iyon. Netflix and chill, ML rank game, storytelling, inuman session, and everything. It was a relaxing night kahit na staycation ang drama ng aming celebration.

May mga guest rooms ang condo ko pero mas gusto talaga ng mga kasamahan ko na maglatag ng foam sa salas. Sa sahig ang mga boys, sa dalawang malaking sofa ang girls. Bukod kasi sa nandoon ang malaking TV namin, kita rin sa salas ang malawak na ciudad ng kabisera kaya na-i-enjoy nila ang view.

Alas-tres na ng madaling araw. Isang oras nang tulog ang mga kasamahan ko pero heto ako't gising pa rin at nakatanaw sa madilim na tanawin. Nasa may maliit na teresa ako habang hawak ang bote ng Heineken. Pang finishing touch lang sa pagiging lasing ko. 'Di naman kasi ako tinamaan sa mga pinag-iinom namin kanina.

Habang nasa ganoong estado ay biglang eksaheradang nag-ring ang phone ko. A video call. Skype.

Nicolane Grace B. Yanson is calling...

Inilapag ko ang bote ng Heineken at medyo na-excite sa tawag niya.

These past days, I rarely contact my friends and families because of my busyness. Hindi lang basta-bastang busy-busyhan, totoong busy talaga.

I accepted the call.

Isang nakangising Nicole ang agad na bumungad sa akin.

"Bruhaaaaaaaa!" Sumisigaw na bati niya. Napangisi ako dahil sa pagiging hyper ng kaibigan ko. "Bakit gising ka pa?"

"Ayaw mo? O, sige, ibababa ko na 'to," panghahamon ko sa kaniya.

"Hoy! Teka, sandali. Ngayon nga lang ulit kita naka-usap, e, bababaan mo pa ako? Bruha ka nga'ng talaga!"

"Galing ka pa ba sa flight mo? Hindi ka pa nagbibihis, a? O gusto mo lang ipakita sa akin kung anong uniform n'yo?" I said, ignoring her litany about me being bruha. That's kind of our endearment kaya sanay na ako.

Napansing ko lang, she's still wearing the flight attendant's uniform of Air Canada. Her hair is still up and her make up is still intact pero nakikita ko sa background niya, nasa kuwarto niya siya.

"Oo! Kakauiw ko lang and just randomly checking who's online... and luckily, ikaw nga! O, ano? Kumusta? Ano nang balita sa'yong bruha ka?" Inilapag niya ang iPad niya sa isang table tapos unti-unti niyang tinatanggal ang mga make up niya sa mukha habang naka-video call pa rin sa akin.

"Anong aspeto ng buhay ko ang gusto mong kumustahin?"

Pinagmasdan ko siya sa make up removal na ginagawa niya. Maliwanag ang labas ng bintana niya kaya sa tingin ko, umaga sa kanila o hapon. Aba ewan.

"Lahat! Pero mas curious ako sa preparation ng pag-iisang dibdib ng Lizares at Osmeña! Anong progress do'n? Sasabihin mo na ba sa aking kung sino ang pakakasalan mo?"

I sighed.

"It's still a no."

"Ang daya talaga! Sigurado ka ba talagang Lizares ang pakakasalan mo? May nasagap kasi akong balita."

"Amazing, Nicole! Nasa Canada ka na't lahat, nakakasagap ka pa rin ng chismis! Tigil-tigilan n'yo na nga 'yang kaka-chismis n'yo, woy!"

"Hindi... totoo! Gusto mo bang malaman o hindi? Makakatulong 'to sa'yo lalo na't tungkol sa mga Lizares ang balitang ito."

Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi ni Nicole.

"Anong tungkol sa kanila?"

"Hmm... bukod sa bumababang kompanya dahil sa competitors in the island, tungkol naman sa personal na buhay ang nalaman ko sa kanila."

"O, ano nga?"

"Excited ka? Nagmamadali? Sandali lang," sabi niya habang tinatanggal ang contact lenses niya.

Naghintay ako bago niya matanggal ang magkabilang contacts. I unpatiently tap my index finger on my lap.

Ang tagal naman ng bruhang ito o sadyang binibitin ako ng bruha?

"Heto na... heto na, alam kong ata ka. Siguro inlove ka na sa kung sinong ipakakasal sa'yo 'no?" Matinding pag-irao ang nagawa ko. Pero bago pa man makasagot sa kaniya, inunahan na niya ako. "Sana naman hindi kasi ikaka-broken hearted mo talaga ang malalaman mo. Kaso kilala kita, Maria Josephina Constancia, hindi ka na-i-inlove. "

"Sasabihin mo ba o hindi?"

"Galit ka ghorl?" Ani Nicole sa tono ni Mimiyuuuh, ang sikat na content creator ng Pinas. "So, 'yon nga... nagdududa na kasi talaga ako sa'yo kung totoong Lizares nga ang ipinangako sa'yo. Ang bali-balita kasi, taken ang lahat ng Lizares brothers. Unless... sa ibang Lizares ka ipangangako?"

"Taken ang lahat ng Lizares brothers?" Kunot-noong tanong ko. Ano bang pinagsasabi nitong si Nicole?

"Oo nga sabi! From Decart to Darry, lahat sila, taken na! Decart is already married to your cousin, Ate Ada, so he's cross out from the list. Same as Konsehal Einny, masaya na kay Miss Kiara 'yon. Then Tonton is also happy with his wife."

Bored akong napatingin sa kaniya dahil sa mga pinagsasabi niya.

"As if I didn't know about that information, Nic."

"I am just reminding you, bruha! So, here's the tea..." I look at her face and it is so bare but she's still wearing her uniform. "The three remaining bachelors are in a relationship too," nilakihan niya ang mga mata niyang singkit na parang gulat na gulat pa rin sa mga pinagsasabi niya.

In a relationship silang tatlo? Sonny is single... teka, sandali! May idea ba siya at hinuhuli niya lang ako ngayon?

"Siggy is, yeah, still in a relationship with his actress girlfriend, same as Darry. But here is the actual tea... bali-balita na itong si Sonny ay merong karelasyong nagtatrabaho sa milling nila!"

What?

"So, that made the Lizares brothers taken! Pero ito, totoo na talaga, bali-balita ulit na nagkakalaboan na raw itong si Callie at Darry!"

Teka, sandali! Hindi alam ng utak ko kung anong uunahin! Hindi ko ma-proseso lahat ng mga sinabi ni Nicole. Nahihirapan ako. Isa-isa lang please.

"Anong sabi mo?"

"Uulitin ko pa ba? Ang sabi ko... nagkakalaboan na raw si Callie at Darry sa hindi malamang dahilan."

"Hind, before that."

"Ang alin? 'Yong tungkol kay Sonny? 'Yong tungkol sa may girlfriend na naman siya? E, ano naman sa'yo ngayon? 'Di ba ayaw mo naman sa kaniya? At saka, usap-usapan lang naman, chismis, wala ni-isang nagkumpirma sa kanila."

What the shit?

Padarag akong sumandal sa kinauupuan ko. Napatitig ako kay Nicole, baka sakaling bawiin niya ang lahat ng sinabi niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Fireworks na pinaghalong granada. Kasiyahan at panganib. Hindi ko alam. Kinakabahan ako.

"Paano mo nalaman?"

"Haler! It's all over facebook!"

"Okay, thanks for telling me," umayo ako ng upo at huminga ng malalim.

"Are you okay, MJ?"

"Yes, yes, I am fine. I'm just sleepy, Nic. Can I sleep na? I'll call you on my free time again."

"Hala! Sige, sige, madaling araw na nga pala r'yan. Sige na, magpahinga ka na! I'll call soon, mwah!"

Laking pasasalamat ko na siya na mismo ang pumutol ng tawag.

Para akong nalantang dahon na diretsong bumagsak sa lupa. Hindi ko alam kung bakit ako nanghihina.

Si Sonny, may girlfriend?

I shake my head. No! It's not true, it's all just rumors. Hindi siya ipangangako sa akin kung meron, 'yan ang tandaan mo, MJ!

Nanatili akong tulala, nilalabanan ang sariling gumawa ng social media accounts para makasagap ng mga balita.

No, MJ! Nabuhay ka ng twenty-three years na wala kang social media accounts kaya dapat kaya mo hanggang ngayon! What Nicole said are just rumors, no one verified it. I'll find a way to ask him about it. Making a social media account is not the solution to that. Punyemas, no!

Hindi totoo ang lahat. Pati ang pagkakalaboan ni Darry at Callie, hindi totoo! You saw them yestterday! So, it's not punyemas true!

~


クリエイターの想い
_doravella _doravella

This is the Chapter 12 of She Leaves (Tagalog.) Enjoy reading!

Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C12
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン