Humigop ako sa mainit-init na sabaw ng tinolang manok. Ito kasi ang ulam ngayong pananghalian. Nasa canteen ako kasama ang mga engineering friends ko.
Simula no'ng June, naging abala na ang buhay mag-aaral ko. Fifth year na kasi kaya kaliwa't-kanan na ang gawain. Meron pang project study na kailangang atupagin.
Minsanan na nga lang din akong lumabas ng gabi at mag-party sa sobrang daming gawain. Ang huling party yata na napuntahan ko ay no'ng fiesta pa ng ciudad namin. Aba'y ewab, ayoko nang balikan ang gabing 'yon. Naiirita ako. Hindi ko kasi nakilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa sarili ko no'ng mga oras na 'yon. Siguro dahil sa nainom ko. Oo, dahil lang 'yon sa nainom ko. Walang ibang taong involve, sarili ko lang at ang iba't-ibang klaseng inumin na tinungga ko. Basta naiirita talaga ako.
"MJ, tapos ka na ba sa design mo para sa Transpo Eng?"
Sa kalagitnaan ng panananghalian namin ay biglang nagsalita itong si Raffy. At dahil ngumunguya ako, tinanguan ko ang tanong ni Raffy.
"Mabuti ka pa... Kailan mo natapos?" dagdag na tanong niya.
Uminom muna ako ng tubig at nilunok ang pagkain bago siya sinagot.
"Kahapon pa. Ipapasa ko na nga ngayon kay Prof, e."
"Sabay na tayo, MJ, tapos na rin ako," sabi naman ni Joemil. Tinanguan ko ang sinabi niya.
"Sige, after lunch," sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.
Nang dahil sa pinasok ko ang mundo ng engineering, nawawala ang poise ko bilang isang babae. Minsan nagiging lalaki na rin ang mga ikinikilos ko. Siguro sa impluwensiya ng mga palagi kong nakakasama at sa environment ng trabaho namin. Kumportable naman at masaya namana ako kaya okay lang.
After lunch, nagpa-iwan ang iba naming kaibigan sa Falcon's Nest: isang tambayan na maraming benches at pinapagitnaan iyon ng building ng College of Infotech at ng College of Engineering. Kami naman ni Joemil ay naglakad papuntang faculty room ng Engineering Department. Hindi na kasi makikipag-meet ang Prof namin sa Transportation Engineering kaya kailangan naming personal na ipasa ang ipinapagawa niyang design.
Nagku-kuwentuhan kami ni Joemil habang naglalakad hanggang sa makarating kami sa office ng faculty. Pinagbuksan ako niya ako ng pinto kaya na-una akong naglakad at dire-diretso ako. Binabati ang mga faculty na madadaanan.
Nang malapit na kami sa table ng Prof ay biglang bumagal ang lakad ko nang may nakita akong isang pamilyar na likod, isang pamilyar na style ng buhok.
Oh no, don't tell me that's him?
"Good afternoon, Prof."
"O, Osmeña at Gonzaga? Magpapasa na ba kayo?" pansin sa amin ni Prof.
Sabay no'n ang paglingon ng lalaking nakatayo sa harapan namin, sa mismong tapat ng table ni Prof. Pero hindi ko siya nilingon.
Instead, si Prof ang pinansin at nginitian ko.
"Yes, Engineer," si Joemil ang sumagot.
Kinuha ni Joemil ang gawa ko at siya na mismo ang nag-abot sa Prof kasi mas malapit siya. Hindi kasi ako tuluyang makalapit dahil sa presensiya ng isang hindi inaasahang engkanto.
"Kayo pa lang ba ang nakatapos sa klase n'yo? 'Yong iba ba?" tanong ni Prof habang nakatingin lang sa ipinasa namin ni Joemil.
Nagkatinginan muna kami ni Joemil bago ako sumagot.
"Gumagawa pa po, Prof. Nauna lang po kami ni Joemil kasi may gagawin pa po kami para sa project study."
Tumango-tango lang si Prof habang nakikinig sa explanation ko.
"Kayong dalawa lang ba ang gagawa?"
Ha?
Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. And I fight the urge to look at him.
"Ah, hindi naman Engineer Lizares, marami naman kami."
Nilingon ko si Joemil nang siya na mismo ang sumagot sa tinanong niya.
Ah punyemas! Gusto ko nang lumabas ng faculty room. Naalibadbaran na ako sa presensiya ni Sonny. Ano na naman ba kasi ang ginagawa niya rito?
"Bakit kayong dalawa lang?"
"Ano po bang pakialam n'yo kung kaming dalawa lang, Engineer Lizares?" pormal na tanong ko sa kaniya at doon ko lang tiningnan ang kaniyang mukha.
Bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa sinagot ko pero agad din naman niyang binawi ang expression niyang iyon at umiling-iling na nag-iwas ng tingin sa akin.
"Very impressive, Miss Osmeña. Isang maganda at pulidong proyekto na naman ang nagawa mo," out of nowhere na sabi ni Prof.
Naputol ang maliit na tensiyon namin at napatingin kay Prof na kasalukuyang nakatingin nga sa ipinasa ko.
"You too, Gonzaga," dagdag na sabi niya.
Ngumiti ako kay Prof dahil expected ko na naman ang sabi niya. Hindi naman sa nagmamayabang.
"Let me see."
Punyemas?
Unti-unti akong napanganga dahil sa gulat. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? At talagang ibinigay pa ni Prof ang gawa ko sa kaniya para matingnan. Isang pasada ng tingin bago siya ngumisi sa akin.
"Hindi naman. Normal lang naman ang ginawa niya, madami pang mali."
Wow.
At doon na talaga ako tuluyang napanganga dahil sa sinabi niya.
Ah, punyemas? Ano bang pinagsasabi niya? Ano bang alam mong gago ka? Oo, Engineer ka nga pero punyemas! Chemical Engineer ka! Gawa ng isang Civil Engineering student ang tiningnan mo! ANO. BANG. ALAM. MO!
Ang sarap sigawan! Ang sarap-sarap suntukin, sampalin, kaladkarin, balibagin! Nag-top one ka nga sa board exam pero hindi ibig sabihin, alam mo na ang lahat! Punyemas ka, Lizares!
"Prof, aalis na po kami ni Joemil. Marami pa po kaming gagawin," pormal na paalam ko kay Prof na sinabayan ko pa nang bahagyang pagyuko.
"O-Oo, sige," ani Prof.
"Sige po, Prof, Engineer Lizares, aalis na po kami."
Kinalabit ko pa si Joemil bago naunang maglakad paalis sa kanila. Pipigilan ko sana siyang magpaalam sa mukhang engkantong 'yon.
"Tara na, Joe."
Nang hindi naramdaman ang kalabit ko, it left me with no choice but to drag him away from that engkanto.
Nagdire-diretso ang lakad ko hanggang sa makarating kami sa Falcon's Nest. Binitiwan ko na si Joemil at padarag akong umupo sa bakanteng bench na katabi lang ng puwesto ng mga engineering friends ko.
"Oh? Anong nangyari, Joe, ba't nakabusangot ang mukha n'yan?" Narinig kong tanong ni Alvin pero diretso lang ang tingin ko at aaaah! Punyemas ka talagang engkanto ka!
"Na-badtrip yata kay Engineer Lizares. Ang sakit nga nang pagkakahawak sa kamay ko, e," sumbong niya naman.
"Huh? Engineer Lizares? Si Engineer Sonny Lizares ba? Bakit? Anong nangyari?" curious na tanong ni Louise.
"Naabutan kasi naming nag-uusap si Prof at si Engineer Lizares. Nagulat pa nga ako na nandito siya sa campus, e. Pero 'yon nga, tiningnan niya 'yong gawa ni MJ tapos sinabihan niyang normal lang na design 'yon tapos marami pa raw mali," mahabang kuwento ni Joemil peor hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatitig sa pader ng building ng Infotech.
"Punyemas! Akala mo kung sino!" biglang bulalas ko dahil sa sobrang inis. "Hindi pa ako nainis sa ibang tao bukod sa mga kapatid at pinsan ko. Ngayon lang talaga. Ngayon lang! Punyemas!" inihampas ko ang bag ko sa sementadong lamesa sa harapan ko.
Nakakainis, sobra!
"Oh relax lang, magkaka-wrinkles ka n'yan, e."
Naramdaman ko ang tapin ni Alvin kaya kahit papaano ay nakalma ang kumukulo kong dugo. Tinanguan ko siya pero nang tingnan ko sila, nakatingin sila sa mismong likuran ko.
Lilingunin ko na sana pero bago ko pa magawa, nagsalita na siya.
"As a true and dedicated engineer, you should always acknowledge the critism and accept every changes wholeheartedly. 'Wag mong pairalin ang kayabangan mo por que alam mo sa sarili mong magaling ka. That's all for you, soon to be Unorian engineers. Caritas et Scientia."
What the hell?!
Bago ko pa man malingon ang puwesto niya ay wala na siya sa paningin ko. Nakita ko na lang siyang nakapamulsang naglalakad paalis. Wala sa sarili kong nahampas ang lamesa.
"Punyemas, Lizares!"
~
"Ano ulit 'yong sinabi mo?"
Pinangalahatian ko ang red wine nang matapos ako sa pagku-kuwento sa nakakairitang experience ko sa engkantong si Sonny.
Inimbitahan ko si Paulla rito sa condo ko para mag-chill lang. Siya lang kasi ang available. Si Nicole, nagtatrabaho pa rin sa isang sikat na airline company bilang fligh attendant. Si Jessa, graveyard shift sa airport. Ang twins, as usual, nasa ciudad lang namin, nagtuturo. Si Ressie naman, may mock trial bukas kaya hindi available. Si Vad at Maj, siyempre nasa Cebu pa rin.
"Nakikinig ka ba, Paullita, o hindi?" may iritasyon sa boses ko.
"Okay. Okay. Okay. Gusto ko lang klaruhin," pagpapakalma niya sa akin pero inirapan ko lang. "Pero alam mo, may punto naman kasi si Engineer. Kailangan talaga ng isang competent engineer 'yon... accepting criticism and everything."
Tuluyan kong inubos ang wine at mataman na tiningnan si Paulla.
"Oo, alam ko 'yon. Hindi naman ako tanga para hindi malaman 'yon. Pero sana, ilagay niya sa lugar ang mga kritisismo n'ya. Sinabi na nga ni Prof na maganda ang ginawa ko tapos bigla siyang hihirit na may mali? If I know, revenge lang n'ya 'to because I turned him down, again," wala sa sarili akong umirap.
"What?!"
Punyemas.
Halos mapapikit ako sa lakas ng boses ni Paulla. Hindi naman siya masiyadong OA, 'no?
"Can you ask a question without shouting, Paullita Hannabelle? Tayong dalawa lang ang tao rito, hindi mo kailangang sumigaw," asik ko sa kaniya at tumagay ulit ng red wine.
"Wait, wait, wait, wait, wait Anong again? You turned him down, again? What do you fucking mean, MJ?"
"He insisted again, for the second time, that he likes me. Last fiesta," then I sip on my kopita.
"What?! Last fiesta? That was two months ago pero ngayong mo lang sinabi?" sunod-sunod na tanong ni Paulla. Tahimik 'tong tao pero minsan parang armalite din ang bibit nito, lalo na sa mga chismis. "Kaya pala may picture kayong magkasama at parang nag-uusap? 'Yon ba ang pinag-usapan n'yo?"
Napatingin ako sa kaniya. Alam ko na ang tungkol sa picture. It circulated around facebool. Actually, marami 'yon... isang album. Some photos from that rave party tapos may picture doon na magkatabi kami ng engkantong si Sonny pero malayo ang distansiya namin. Pero, ulit, halata pa rin na nag-uusap kami. Pinakita na sa'kin 'yon.
Tumango ako. Sagot ko sa lahat ng tanong niya.
"Oh, my God! Maria Josephina Constancia! I really can't believe you! You turned down the guy who confessed to you twice? Seryoso? Did you know na hiniwalayan ni Engineer Sonny si Beatrix nang dahil sa'yo? Tapos busted na naman? Teka, kaibigan, tao ka pa ba?"
"I'm not naive, Pau. Hindi ako basta-bastang naniniwala sa confession ng isang lalaki lalo na't kinabukasan may kasama na namang ibang babae," may pagdiing sabi ko.
Natahimik kaming dalawa. Ako, nakatingin lang sa red wine. Siya, nakatingin sa akin at sunod-sunod ang kaniyang buntonghininga.
"MJ, magtapat ka nga sa akin... ni minsan ba, hindi sumagi sa isipan mong magkagusto kay Engineer Sonny?"
Wow.
Pabagsak kong inilapag ang wine glass at masamang tiningnan si Paulla.
"Your questions are all nonsense, Pau."
"Oo at hindi lang, MJ. Nasa dalawa lang ang sagot," sumandal siya sa dining chair at napahalukipkip.
"Ayoko sa kaniya kasi-"
"Kasi isa siyang Lizares. Kasi dapat the Lizares are untouchables. Kasi ayaw mo sa mga Lizares kaya ayaw mo na rin sa kaniya." Natigilan ako sa sinabi ni Pau. "Ano ngayon kung Lizares siya? Inano ka ba ng mga Lizares para ayawan mo sila nang ganiyan? Sa pagkakaalala ko, MJ, kayo pa nga dapat ang layuan ng mga Lizares dahil sa ginawa ng Ate mo kay Decart, e. Kaya bakit ayaw mo sa kaniya? Ayaw mo ba talaga o pinipigilan mo lang ang sarili mo kasi ang akala mo ay bawal?"
Dahan-dahan akong pumikit at sumandal sa dining chair.
Ayokong sumang-ayon sa sinabi ni Paulla. Ayoko. Kahit na may punto siya, ayoko pa rin. Gusto ng puso ko pero ayaw ng utak ko. Pasensiyahan na lang kasi ang paiiralin ko ngayon ay utak. Lagi naman.
"Ayoko sa kaniya. Tapos ang usapan."
"Give me one valid reason bakit ayaw mo sa kaniya? Don't give me the argument of him being a Lizares."
Dumilat ako at diretsong tiningnan siya sa mata.
"Ayoko sa kaniya kasi hindi ako nakakaramdam. Ayoko sa kaniya kasi hindi ko kayang suklian ang kung anong punyemas niyang nararamdaman. Matagal na akong manhid, Pau, kasi kailangan kong maging manhid para sa kinabukasan ko," tinapos ko ang usapan sa pamamagitan nang pagtayo. "Please lock the doors when you leave," malamig kong sabi sabay lakad palabas ng kusina at diretsong kuwarto.
~
Nagising ako na mabigat ang puso. Hindi naman ako umiyak kagabi, diretsong natulog nga lang ako at hindi na nag-isip pa, pero mabigat pa rin ang puso ko, parang may nakadagan.
Punyemas naman. Kaya hindi ko pinapairal ang puso ko, e, kasi puro pahamak at sama ng loob ang ibinibigay nito sa akin. Wala nang nagawang tama. Kaya utak palagi ang pinapairal ko kasi gumagaan ang loob ko kahit papaano, kahit mali, napapanatag ang loob ko dahil walang consequences kung utak ang mananaig.
Hindi ko narinig na nagpaalam si Paulla sa akin kagabi pero nag-text naman siya na naka-uwi na raw siya kaso umaga ko na nakita.
Hindi naman kami nagkasamaan ng loob ni Pau, pero manghihingi pa rin ako ng tawad. Saka na siguro 'pag hindi na ako busy. Maiintindihan naman niya 'yon, e. Understanding 'yon, e.
Lumaki ako na pinapaalala sa akin ng Ate at Kuya ko ang tungkol sa mga Lizares. They did not really bad mouth them, ang lagi lang nilang sinasabi sa akin na hindi sila puwedeng lapitan, hindi sila puwedeng mahalin, hindi sila puwedeng magustohan. Kasi sa huli... ang kung sino mang mahuhulog sa bitag nila, ay masasaktan lang.
Tumatak 'yon sa isipan ko kaya siguro ngayong malaki na ako, at nasa tamang edad na para malaman ang tama at mali, ay nahihirapan akong iwala sa sistema ko 'yon. Nasanay akong isang estranghero ang turing ko sa kanila. Nasanay ako na hindi kaibigan ang turing ko sa kanila. Nasanay akong hindi sila pansinin.
~
Sa sumunod na mga araw ay mas lalo akong naging abala sa mga requirements at sa mismong pag-aaral ko. Laking pasasalamat ko sa ganoong klaseng situwasiyon kasi kahit papaano, may diversion ako. Nada-divert ko sa ibang bagay ang atensiyon ko. Nawawala siya sa isipan ko. It's just a phase in my life. Eventually, makakalimutan ko rin 'yon. Makakalimutan ko rin na minsan sa buhay ko, nagkagusto ang isang taong matayog sa isang kumplikadong babaeng katulad ko.
~
Dalawang buwan ulit ang lumipas. Kasagsagan na naman ng University Week ng school. Siyempre, huling U-week ko na ito sa university.
Laking pasasalamat din namin na kahit papaano ay naging malaya ang schedule namin ng isang linggo para makapag-celebrate ng U-week.
Buong linggo kong nakasama ang engineering friends ko. Minsan naman ang mga kaibigan from other courses ang nakakasama ko. Kahit papaano kasi, nagkaroon ako ng pangalan sa campus. Naging kilala ako. Hindi dahil sa matalino ako. Hindi dahil isa akong Osmeña. Kundi dahil sa mga gawain ko.
Kilala ako ng mga lalaki at kinaiinisan naman ako ng mga babae. I established quiet a name ever since high school, and that became the foundation of what I am known in the present. Ang pinagkaiba lang, lowkey lang ang chismis na naririnig ko from schoolmates noong high school. This college, hard core na mga salita na ang pinang-di-describe nila sa akin. 'Yong tipong 'pag mahina ang loob mo, siguradong maiiyak ka at didibdibin mo ang sinasabi nila. Mga libakera - kung sa vernacular language pa namin. Mabuti na lang talaga at lumaki akong malakas.
Alam n'yo ba kung anong pinakamasakit na salita ang ibinato sa akin ng isang unknown random citizen? Home wrecker. O mas kilala bilang kabit. Malandi, mang-aagaw, manggagamit, and any other names were just understatement for me. Wala na sa akin ang mga salitang 'yon. Ibato mo man sa akin 'yon nang pang-ilang beses, hindi 'yon matitibag ang buong pagkatao ko. 'Yong salitang kabit lang talaga ang nagpahina sa akin. Tinawag akong kabit kahit na never naman akong pumatol sa taong kasal na, sa taong may karelasyon nang iba. Ewan ko. Akala siguro nila na napatol na ako sa mga ganoon. Akala nila kung sinu-sinong lalaki ang tinitikman ko, although iba-iba naman talaga pero hanggang labi lang 'yon mga unggoy. Akala nila naninira ako ng relasyon. Akala nila ako ang unang lumandi. Akala nila nananakit ako ng lalaki. Akala nila pinaglalaruan ko lang sila. Akala nila. Akala lang nilang lahat 'yon. At wala na akong oras para i-explain sa kanilang lahat kung ano ang totoo. Kaya sa inyo ko na lang sasabihin ang totoo.
Never akong pumatol sa isang lalaking may karelasyon, mas lalo na 'yong may asawa na. I never do that. Never in my wildest dream. Nagre-research muna ako ng background ng isang lalaki bago ako pumapatol sa kanila. If I found him clean and no excess baggage, I'll give him a chance to be my fling. Never pa akong nasabunutan ng isang babae dahil lang nilandi ko ang mga boyfriend nila. You can't hear stories about me being dragged, slapped, or any physical violence by an angry girl who loves her man so much. May mga nagba-backstab sa'kin, mga masasamang salitang umaabot sa akin pero at the end of the day, wala akong pakialam. Ayoko ring humantong sa sakitan kung sakali mang may manakit sa akin, hindi ko talaga hahayaan 'yon. Rest assured, magaling akong mamili ng gagawing fling.
Hindi ako ang unanng lumalandi. Ayokong magyabang pero ako kasi ang unang nilalapitan. 'Pag once nilapitan ako ng isang lalaki, magtatanong muna ako sa mga pinsan, kaibigan, at reliable sources ko bago ako papatol. Kasi gusto ko nga, walang sabit.
Like what I said, may agreement kami ng mga ka-fling ko. Number one rule to my flingmates: No attached feelings. We can kiss each other, date each other, talk to each other, make each other as a trophy partner or whatever but once someone will make a move like manliligaw siya o sasabihin niyang may gusto siya sa akin or even say that filthy three words, automatic kong tinitigil ang connection ko at diretsong friendzone ang bagsak niya. Marami akong ginaniyan, kaya nga ang dami kong friends, e. Lahat kasi biglang aamin at mag-aastang boyfriend ko - na pinaka-ayoko sa lahat.
Basically, hindi ko sinasaktan ang mga lalaki. Bagkus, ako pa nga ang nagsasalba sa mga sarili nila. Inaagapan ang maliit na apoy bago pa man ito lumaki.
Another trivia about me, virgin pa ako. Hindi ako nagpagalaw sa mga lalaking naging fling ko. Hindi ko ito ibibigay sa kahit na sinong lalaki because they don't deserve this, they don't deserve me. Kaya dapat lang na mamamatay akong virgin. Bahala kayo r'yan kung ano pang masasabi n'yo sa akin matapos kong sabihin sa inyo ang katotohanan. Basta ganoon ang trip ko sa buhay.
Pero lahat ng tao, mayroong nakaraan na magpapaliwanag sa kanilang kasalukuyan. Hindi ako iba sa kanila. Kung bakit ko ginagawa ang lahat ng 'to? Dahil 'yon sa nakaraan ko.
"Bruha! Alam mo ba, nagiging totoong bruha ka na talaga. Ang haggardo mo na, 'te."
Nilingon ko si Jessa nang punahin niya ang mukha ko. Aminado naman ako sa sinabi n'ya.
Friday night at heto kami ngayon sa The Palms. Chilling night lang kasi nakakapagod ang bar na puro party lang. Pagod na nga ako sa pag-aaral ko, papagurin ko pa ba ang sarili ko sa pagpa-party? Gusto ko lang mag-relax.
Nilagay ni Paulla ang takas na buhok ko sa likuran ng tenga ko.
"Nakakausap mo pa ba ang Ate at Kuya mo, MJ?"
Napalagok ako sa San Mig Light na hawak ko dahil sa tanong ni Paulla.
Oo, alam ko, masiyadong light, hindi ganito ang genre ng alak ni MJ Osmeña, blah blah blah- whatever. Gusto ko lang uminom ng alcoholic drinks pero ayokong malasing.
"Si Mama at Papa, nakakausap yata ang dalawa. Pero ako? Hindi pa yata ako handa."
Bali-balita sa amin na matagal na raw bumalik ang communication ng mga prodigal siblings ko sa mga magulang namin. Matagal na raw silang nagkapatawaran or whatever the story is kasi hindi pa ako handang makinig sa kahit anong balita tungkol sa kanila. Mas mabuti sigurong manatili na lang sila sa kung nasaan man sila ngayon.
"Ano na bang balita sa kanila?" si Ressie naman ngayon.
Huminga muna akong malalim at umayos sa pagkakaupo.
"Si Kuya Yosef, nasa Pennsylvania. Si Ate Tonette, nasa New Zealand kasama si Uly Alejandro," lumagok muna ako sa beer na hawak. "Pinuntahan sila nina Mama at Papa last year at uuwi raw next year, sa kasal ko."
But who am I kidding? Kahit ayokong makarinig ng balita galing sa kanila, bilang kapatid na nangungulila sa kanila, kahit anong balita, papakinggan ko.
"Kasal mo?!" sabay na sabay na tanong ng tatlo kong kasama. Ressie, Jessa, Paulla.
"Yeah, kasal ko," sabi ko na parang normal na para sa akin 'yon. "I'll be marrying someone after I graduate college," kibit-balikat na dagdag ko.
Bigla silang natahimik. Nangangapa dahil sa rebelasyong isiniwalat ko.
"Someone? You mean, hindi mo pa alam kung sino?"
Sa ilang minutong tahimik sila, si Jessa lang ang bumasag sa katahimikan.
"Yep. The groom is still unknown," sinabayan ko ng isang mapaklang tawa.
"MJ... bakit galit ka sa mga kapatid mo?"
Wow.
Nagulat ako sa pag-iiba ng tanong ni Ressie. Napatitig ako sa kaniya at mababakas sa mukha niyang seryoso siya sa tanong niya kaya ako na mismo ang nag-iwas ng tingin.
"Hindi naman ako galit sa kanila. Naiinis at nagtatampo lang."
"Bakit?" tanong ni Paulla.
"Naiinis ako sa kanila dahil sa pag-iwan nila sa akin sa ere at nagtatampo ako dahil pinairal nila ang mga puso nila."
Natahimik ulit sila sa naging sagot ko.
Suminghap si Ressie bago sumagot.
"Okay, I won't argue you with that reason but I really hope and pray that someday, the next time you decide for yourself, you'll let your heart do it."
Wala sa sarili akong napangisi sa sinabi ni Ressie at dahan-dahan siyang tiningnan.
"It won't happen, Ressie Linda. I assure you, it won't because the heart is dumb and love is impossible, so so impossible."
~
Lumipas ulit ang ilang araw at naging normal na naman ang takbo ng buhay ko. And by means of normal, siyempre, kaliwa't-kanang paper works, requirements, at project study lang naman. O 'di ba, ang bongga?
Nandito kami ngayon sa isang karinderya malapit sa boarding house ng mga kaibigan ko na sina Raffy, Alvin, at Louise. Isa ito sa mga araw na wala kaming masiyadong ginagawa kaya naisipan naming kumain sa karinderya. May gagawin din kasi sila sa boarding house ng tatlo tapos ako, aalis after kumain.
Nag-uusap silang apat nang tungkol sa Mobile Legends na 'yan. Nakaka-relate naman ako pero ayoko lang mag-butt in. Mga Mythical Glory na kasi ang rank nila, ako nasa Grandmaster pa lang.
"Si Layla kasi ang ginagamit ko 'pag ako 'yong marksman. Maganda kasi," sabi ni Joemil.
"Ah, putangina mo, Joe! Kaya bumababa ang rank mo, e, puro ka Layla!" sinabayan pa ng pambabatok ni Louise ang sinabi niya kaya mas lalo kaming nagtawanan.
"Kaysa naman 'yang Alucard mo, ang hina-hina," rebuttal naman ni Joemil.
Napa-iling na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.
Patapos na kaming kumain pero 'yon pa rin ang pinag-uusapan nila.
"Okay ka lang, MJ? Kumain ka nang madami, kaya ka nangangayayat, e," pansin sa akin ni Raffy na siyang katabi ko sa kalagitnaan ng pag-aasaran ng tatlo.
"It's fine, Raf. Busog na busog na ako," ngumiti ako sa kaniya kaya sinuklian niya rin ng ngiti. "Dahil sa project study kaya ako pumayat, 'no," dagdag ko.
"Kaya bumawi ka sa pagkain. Hayaan mo sa susunod, ililibre na kita sa isang eat-all-you-can buffet," he said with matchin wink at me.
Ngumisi na lang ako at hindi na sumagot pa.
Alam ko at ramdam ko. Ramdam na ramdam. Pero hindi ko siya magawang kumprontahin dahil hindi niya naman directly sinasabi sa akin. Dinadaan niya lang sa mga kilos. Kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko once na umamin siya. Mahihirapan yata ako, mas nauna ko siyang naging kaibigan, e. Ayokong saktan ang kaibigan ko.
Pero sana maramdaman din niya na once umamin siya sa akin, it would be the end of it, of our friendship. Na sana naman ay hindi mangyari, na sana ma-realize niya na mali ang feelings niya sa akin kasi ayokong mawalan ng kaibigan.
Nasa ganoon kaming situwasiyon nang biglang may kumalabog at sinabayan pa ng sigaw ng isang babae.
"Mga walanghiya kayo! Mga anak ng puta! Mga immoral!"
Woah, there!
Napatayo ako nang makita ang isang babae na may sinasabunutan na isa ring babae na nakatapis lang ng kumot yata?
"Babe, let me explain!"
At may isa ring lalaki na pilit pinipigilan ang babaeng galit sa pagsabunot sa babaeng nakatapis.
Wow!
"Let you explain? E, putangina, Renato! Caught in the act kayo nang malanding ito tapos sasabihin mo sa akin na mag-i-explain ka? Ano ang i-explain mo? Na nadapa ang malanding ito sa'yo tapos eksaktong nag-landing sa ari mo? Ganoon ba, Renato? Ganoon ba?!" sigaw na naman ng babaeng galit.
Bars, baby. Ang ganda ng banat niya!
Natigil yata ang ikot ng mundo sa karinderyang ito. Kaming mga kumakain ay napatayo na, 'yong mga tindera ay halos hindi na makabenta dahil tutok na rin sa dramang nasa harapan namin. Eksaktong nasa tapat din nila ang tatlong iyon. Galing sila sa loob, kung saan ang mga kuwarto ng boarding house na ito.
"Gagong Renato!" natatawang bulong ng mga kasamahan ko.
Kilala ko ang lalaking ito. Renato Alonzo is the name, isa ring engineering student pero iba ang major. Batchmate namin.
'Yong babaeng galit naman, sa pagkakaalam ko, tiga-La Salle itong babaeng galit at ang legit girlfriend ni Renato. Nakalimutan ko nga lang ang pangalan pero pamilyar talaga siya sa akin.
Ang babaeng nakatapis ay hindi ko kilala.
"At ikaw namang babae ka! Nasaan ang delikadesa mo?! Alam na alam mong may girlfriend 'yong tao! Alam na alam mong ako 'yon! Tinawag-tawag mo pa akong Ate tapos ganito? Ginagago ako sa likuran ko? Ahas ka pa lang putanginang babae ka!" at hardcore niyang sinabunutan ang babaeng nakatapis na halos ako ang mapangiwi dahil by the looks of it, parang ang sakit nga nang ginawa niya.
"Alyssa, tama na!" Hindi malaman ni Renato kung sino ang unang ilalayo. 'Yong girlfriend niya ba o ang naka-sex niya.
"Mga walanghiya kayo!!" sigaw niya na sobrang lakas. "Ang dudumi n'yo! Ang bababoy n'yo! 'Wag na 'wag ka nang magpapakita sa aking gago ka!" boses pa lang ng babaeng iyon, ramdam na ramdam mo na ang frustrations at galit na pinagsama sa kalooblooban niya. Galit na galit talaga siya, parang gustong sumabog.
'Yong babaeng nakatapis ay umiiyak na rin habang nakahawak sa buhok niya at sa telang nakatapis sa katawan niya. Si Renato naman ay hindi makasunod sa nag-walk out na girlfriend dahil naka-boxers lang siya.
Natahimik ang lahat. Tanging hikbi ng babaeng iyon ang namutawi sa apat na sulok ng kinatatayuan namin ngayon.
Sinundan ko ng tingin ang daang dinaanan no'ng legit girlfriend at laking gulat ko nang makita ang isang lalaki na nakatayo sa isang Ferrari. Hawak-hawak niya ang pintuan ng front seat na nakabukas at biglang pumasok doon ang legit girlfriend. Pero siya, kahit may kasama, ay sa akin lang nakatingin.
What the shit? Anong ginagawa niya rito?
Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Punyemas! Isang malaking punyemas!
Ako naman ngayon ang natahimik.
Iginala ko ang tingin sa karinderya at nagulat nang bahagya nang makitang nawalang bigla ang dalawa at nagbalik sa normal ang takbo ng mundo. Napasinghap tuloy ako.
"Grabeng eksena naman 'yon."
Napatingin ako kay Joemil nang sabihin niya 'yon habang pa-upo.
"Gagong Renato, gagawa na nga lang milagro sa boarding house niya pa talaga," komento naman ni Alvin.
"Kawawa naman si Alyssa," ani Louise.
"Upo ka na, MJ."
Nabalik ako sa huwisyo nang tapikin ni Raffy ang balikat ko. Agad din akong napa-upo.
"Ang sakit no'ng sabunot ni Alyssa kay Serena. Ramdam na ramdam ko sa anit ko mga broys," seryosong sabi ni Joemil, mukhang inaalala ang nangyari kanina.
Anong ginagagawa ni Sonny dito? Bakit niya kasama ang girlfriend ni Renato? Teka, bakit ba!
"Sino 'yong babae?" biglang tanong ko sa kanila. Napatingin naman agad sila sa akin.
"'Yong babaeng nasabunutan, si Serena Guanzon 'yon. Sikat na kaladkarin ng first year MedTech. Tapos 'yong isa, 'yon ang totoong syota ni Ren, si Alyssa Lizares, nursing student ng La Salle."
Alyssa Lizares?
Naibigay ko ang buong atensiyon ko kay Louise nang magkuwento na siya.
"Alyssa Lizares?"
Kaya ba magkasama sila kasi isang Lizares 'yong gilrfriend ni Renato?
"Oo, anak 'yon ni Congressman Lizares, e, na pinsan ng Tatay ng Lizares brothers kaya second cousin nila si Alyssa. Kaya lagot na lagot talaga itong si Renato. Saan kaya pupulutin 'to," natatawag sagot ni Louise habang nakatingin sa pinangyarihan kanina.
Kaya ba nandito siya? Para samahan ang second cousin niya? Bakit hindi niya binanatan si Renato? He had the chance. Bakit? Bakit ba iniisip ko 'to? Ano bang pakialam ko sa engkantong 'yon?
Tuluyan nang humupa ang tensiyon. Natapos din kami sa pananghalian namin.
Nagpaalam ako sa kanila na may pupuntahan pa at sila naman ay mananatili pa sa boarding house no'ng tatlo. Ihahatid pa nga ako dapat ni Raffy, e, pero hindi ko hinayaan.
~
Umuwi ako ng condo para magbihis. Pupunta kasi akong mall kasi sasamahan ko si Ressie na mag-shopping ng isusuot niya para sa association's ball nila sa Law School this weekend. Wala na kasi kaming pasok this afternoon at saktong uuwi ako sa city namin after shopping.
Sa SM Malls napili ni Ressie mamili. Namimili siya ng mga formal dress at ako naman ay nakaupo lang sa sofa na nasa loob ng Apartment Eigh Clothing.
"Ano 'yong recent case na napag-aralan n'yo?" I ask out of nowhere.
Natigil siya sa pagpili ng mga formal attire at mataman akong tiningnan.
"Annulment."
"Hmm, matagal ba ang proseso ng annulment sa Pilipinas?" lumapit ako sa kaniya at namimili na rin ng mga damit. Nasa tabi niya lang ako. Matagal siyang nakasagot kaya tiningnan ko pa siya. "What?"
Nakatulala lang siya kaya it give me creeps, promise.
"I don't want to conclude but are you asking me that for your future reference, MJ?" may panunuyang tanong niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
"Alam mo... psychology major ka nga, nagbabasa ka ng utak, e," pagbibiro ko.
Pero imbes na matawa ay bigla niya akong hinawakan sa magkabilang braso at padarag na pinaharap sa kaniya na ikinagulat ko.
"Oh no, MJ. Don't tell me you're going to annull your future husband?"
What?
Nagkasalubong ang kilay ko dahil sa naging tanong niya.
"My God, wala pa nga, naiisip mo na 'yan?"
Huh?
"Oh, my God, Ressie Linda! Wala akong sinabing gagawin ko 'yan. Nagbibiro lang naman ako. 'Di na mabiro si Attorney, e," dahan-dahan kong kinalas ang kamay niya at nagpatuloy sa paghahanap ng damit.
"Siguraduhin mo lang talaga, MJ, na hindi mo hihiwalayan ang mapapangasawa mo. Pinasok mo 'yan kaya dapat papanindigan mo," may pagbabantang sabi niya sa akin.
"Calm your tits, Res. Hindi ko pa nga alam kung sino ang papakasalan ko, hihiwalayan ko na? Hindi naman ako ganoon ka sama para maisipa 'yan."
~
(To be continued... She Leaves - 8)
Chapter 7 of She Leaves (Tagalog) is here! Love, _doravella!