Adiya's POV
"Yes, we're family of white Hallows" kung hindi ko nakita kanina na napapalibutan ang buong pamilya ng puting usok na gaya sa mga Hallows ay magugulat ako ng sobra ngunit hindi parin ako makapaniwala sa inamin nila.
"W-what?" tanging utal kong tanong. Hindi ko magawang magtanong ng maayos.
"We're family Hallows at siguro naman alam niyo ang kwento kung ano ang pinagmulan namin" sabi ni Tito Emmanuel habang nakatayo sa tabi ng asawa niya na nakaupo sa isa sa mga sofa.
"If you are a family of white hallows then how come that this one here is a black one?" tanong ng isa sa mga lalaking kasama ni Pyrrhos saka tinuro si Elgorth. I still don't know their names.
Napatingin ako kay Elgorth na nakatungo lang at parang walang pakialam sa sinabi ng lalake. "No offense dude, I'm just curious" dagdag pa nito. Elgorth just shrugged.
"Don't you know the stories of hallows?" tanong ni Ella.
"We know the origin of the white hallows but not the black one's" sagot naman ng babaeng kasama nila Pyrrhos na katabi ni Zephy ngayon.
Nagkatinginan muna ang mag asawa bago binalik ang tingin sa babae.
"The origin of black hallows is similar to the origin of the white one's" sagot ni Tita Ellaine, tsaka kinarga si Ehzcy na pilit na nagpapakarga sakanya.
"We thought black hallows are dark creatures, not humans" naguguluhang tanong ulit ng babae. Nakikinig lang ako sa usapan nila because I don't have any clue about it. I don't even know the origin of white and black hallows. I even thought that hallows are only mythical creatures of the dark forest used to scare the humans who attempt to enter the dark forest and the Elementalist to prevent them from leaving the nation not until I encountered one na muntik ko ng kinamatay kung hindi lang ako naligtas ng liwanag na iyon.
"We are not dark creatures" nabalik nalang ako sa pinag uusapan nila ng biglang nagsalita ang nasa tabi ko na si Elgorth. Napakunot noo ako sa tinuran nito. We?
Mukhang hindi lang ako ang naguluhan dahil pati ako at ang kasamahan ni Pyrrhos including Zephy ay nakakunot ang noo but not Pyrrhos. Alam ba nito ang totoong kwento at pinagmulan ng dalawang klase ng hallows? Nakaupo lang siya sa sofa, walang emosyon ang mukha and he looks like he's on guard, but on guard about what?.
"We?" tanong ulit ng babae.
"Yes, we. Just like the question of your friend in here earlier" ani Elgorth saka binalingan ng tingin saglit ang lalaking nagtanong sakanya kanina.
"If how come that a guy like me is a black one" dagdag pa niya. Lalo lang lumalim ang gatla sa noo namin dahil sa tinuran ni Elgorth.
"As I've said earlier, our origins are the same because black and white hallows are the same. We are one" kung posibleng mas lumalim pa ang pagkakakunot ng noo namin ay ganon ang itsura namin ngayon dahil mas lalo lang kaming nalito sa sinabi ni Tita Ellaine.
"We are originally white hallows but we just alter into a black one if something or someone triggers us. Danger or the need to protect someone" ani Tito Emmanuel saka makahulugang tumingin kay Elgorth na biglang nag iwas ng tingin. O-kay? Mas lalo lang akong nalito ng bigla nalang tumingin ang lahat sa akin.
Mabuti nalang biglang nagsalita si Zephy na kinagulat namin at kinabaling ng atensyon sakanya. "That's why when we are in the dark forest and battling with that black hallow I saw it transform into a human before the portal closes"
"Nakipaglaban kayo sa itim na hallow?" nakakunot noo kong tanong.
"Yup. When we are looking for you" sagot niya.
"So basically you can only transform into a black hallow when you are triggered" the guy beside Pyrrhos stated.
"Yes. That's the reason why Elgorth turns into a black one because he thought you'll gonna hurt Adiya" sansala naman ni Ella.
"Because I think kuya Elgorth likes her that's why she saved her when she's in the dark forest" inosenteng sagot ni Ehzcy. Napatingin kaming lahat sa bata. Saved?
"What do you mean?" tanong ni Pyrrhos na ang akala ko ay hindi nakikinig sa usapan namin.
"Kuya Elgorth saved her in the dark forest" ulit ni Ehzcy.
"W-what?" nautal kong tanong habang nakatingin sa bata.
"Why don't you just tell her kuya? Napapagod na akong magsalita" nakasimangot at naiiritang sabi ni Ehzcy habang nakatingin ng masama sa kuya niya. Bigla namang nag iwas ng tingin si Elgorth saka tumayo at umalis.
Naguguluhang napatingin ako kay tita Ellaine na nakatingin sakin na parang nahihiya.
"I'm sorry Adiya if we kept it a secret from you baka kasi pag nalaman mo bigla ka nalang umalis at baka mapahamak ka pa" hinging paumanhin nito.
Nginitian ko muna si tita Ellaine saka sumagot. "It's okay tita, ang laki nga po ng naitulong niyo sa akin. Elgorth saved me tsaka kinupkop niyo pa po ako dito. Thank you" nakangiting sabi ko saka ako tumayo.
"Kausapin ko lang po si Elgorth" paalam ko sakanila saka ko hinanap si Elgorth.
Naglakad ako papuntang kusina dahil alam kong doon siya pumasok kanina. Ng makarating ako sa kusina, nadatnan ko siyang nakasandal sa may lababo at umiinom ng tubig.
"You okay?" tanong ko saka ako humilig sa may hamba ng pintuan. Mukhang nagulat ata siya dahil nakita kong biglang nanigas siya sa kinatatayuan niya saglit saka humarap sakin.
"Yeah, I'm fine" simpleng sagot niya.
"Thank you" sabi ko sakanya saka ko siya nilapitan at niyakap. He stilled for a second.
Natawa nalang ako sa kinilos niya. "Bakit ba bigla ka nalang nagkakaganyan?" nangingiti kong tanong sakanya saka ko binaklas ang pagkakayakap ko. Nag iwas siya ng tingin saka ginulo nanaman ang buhok ko. Aangal sana ako ng bigla nalang may nagsalita sa likuran namin.
"Zephy, we need to go. There are people outside the house who wants you" humahangos at parang natatakot niyang sabi. Napahinto ako ng ilang segundo bago gumalaw ang katawan ko. Napatakbo nalang kaming tatlo sa may sala ng bahay.
"What's happening?" tanong ko ng makarating kami sa may sala.
"They're here for you" nanggagalaiti na sagot ni Pyrrhos habang nakatayo sa harapan namin. Nang mapatingin ako sa labas, may pitong tao na nakasuot ng kapareho naming kapa ngunit iba ang kulay ng sakanila na nakatayo medyo may kalayuan sa bahay. It's dark red. Nakikita namin sila dahil bukas ang pintuan ng bahay dahil sa pagkawasak nito kanina.
"What the hell do they want from Adiya?" tiim bagang na tanong ni Elgorth habang katabi si Pyrrhos sa harapan namin.
"What are we going to do?" natatakot na tanong ni tita Ellaine habang karga karga si Ehzcy. As I stared at them I can't help but curse at myself. This is my fault. Kung hindi lang sana ako umalis ng nation hindi sana ganito ang mangyayari. Sana wala kami sa sitwasyong ito. Ano nalang ang gagawin namin?
"Ready to fight?" tanong ni Pyrrhos. What? Fight? Bago pa ako makapagtanong humarang sa harapan namin ang dalawang lalaking kasamahan ni Pyrrhos, ang babae at si Zephy na parang prinoprotektahan kami.
"Hell yeah. Huli ata nating laban ay sa gubat eh, ilang araw na rin simula nun" parang nasisiyahan pang sabi ng kasama ni Pyrrhos.
"What the hell are you doing?" hindi ko maiwasang tanong sakanila.
"Elgorth, stay with Adiya and your family. Keep them safe. We have to keep them busy and while we're doing that, Storm you know what to do" utos ni Pyrrhos sakanila. Hindi naman umangal ang dalawa. Akmang lalabas na sana sila sa bahay ng pinigilan ko sila.
"Let me help" natigilan sila sa paglabas at sabay sabay na tumingin sa akin.
"No" matigas na sabi ni Pyrrhos.
"Please" pagmamakaawa ko. Hindi ako pwedeng tumunganga lang dito sa loob ng bahay habang sila binubuwis ang buhay para sakin.
"Patulungin nalang kaya natin siya. Besides, she have to experience real battle and we already know what she's capable of" sagot naman ng lalakeng Storm pala ang pangalan.
"No. This is no time for her battle. We need to keep her safe" sagot ni Pyrrhos saka kami tinalikuran at nagsimula ng maglakad palabas. No. Hindi ito pwedeng mangyari. Tatakbo na sana ako palabas ng bigla nalang nagpakawala ng apoy si Pyrrhos saka tumama iyon sa isa sa mga kalaban nila. Dehado sila. Apat lang sila, pito ang kalaban nila.
"Shit" nabalik lang ako sa reyalidad ng biglang nagmura si Storm sa tabi ko habang nakatingin sa labas. Napaawang nalang ang labi ko ng makita kong bumagsak si Pyrrhos sa lupa habang hirap sa pakikipaglaban ang dalawa niyang kasama pati si Zephy. No. This can't be happening.
"What the hell. Who ordered this freaking fire magers to take you?" masyado akong nakafocus sa pag iisip ng paraan kung pano kami makakaligtas dito upang pansinin kung sino ang mga kalaban namin. Fire magers.
Nanigas bigla ang katawan ko ng makita ko ang isang lalake sa likod ni Pyrrhos na handa ng patamaan siya ng nagbabagang apoy. Hindi niya ito makita dahil may kalaban siya sa harap nito. Nabaling ang tingin ko sa mga kasamahan ni Pyrrhos ganun din si Zephy, nagbabakasakaling may pwedeng tumulong sakanya ngunit nanlumo ako dahil pare pareho silang nakikipaglaban. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at mas lalo akong pinanghinaan ng loob ng makita ko ang dalawang taong palapit sa bahay kung nasaan kami. Kinain ako ng takot hindi lamang para sa sarili ko kundi pati narin sa mga kasama ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at bigla akong lumabas ng bahay, huli narin para mapigilan ako ni Elgorth at Storm. I can do this. Pinilit kong pakalmahin ang utak at katawan ko. Pain. Pain. Pain. Ang mga katagang binabanggit ko sa utak ko. Ngunit kung kailan kailangan ko ng kapangyarihan ko hindi naman ito lumalabas.
"Adiya! No!" napatingin nalang ako kay Pyrrhos ng bigla siyang sumigaw. Nakita ko siyang nakahiga sa lupa at duguan, ganun din si Zephy at ang kasama nilang lalake, ang babaeng kasama nila ay nakatayo pa. Hindi ko alam kung hindi ba siya napuruhan ng matindi o kung ano. Ngunit ganun nalang ang panlalambot ko ng makita ko ang pitong kalalakihan na naglalakad palapit sa akin.
Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob dahil kung hindi lahat kami mamamatay. I tried to focus my powers in controling the four elements pero ni isa wala akong macontrol. I cursed myself under my breath. Mukhang wala atang epekto ang pagsasanay namin ni Pyrrhos nung nasa nation pa ako.