アプリをダウンロード
63.33% Chasing Her Smile / Chapter 57: Wrong Speculation

章 57: Wrong Speculation

Umaga ng Wednesday...

Maagang ginising ni Belj ang bossing nya para mag pa impress... dahil nga kaarawan ng nanay ni Ricai.

"Ano? Aba't bakit ako ang mag lilitchon? Hindi ba ang sabi ko sayo umorder ka nalang!" Sabi ni Chase na inaantok pa dahil mga 6am palang non at ang normal nyang gising ay mga 9 or 10am.

"Pero bossing naman papakita nyo nga na sincere kayo kay Miss eh." Sagot naman No Belj.

"Tsk! Bwiset naman! Eh anong alam ko sa ganon?"

"Boss, na katay na nila yung baboy natutuwa nga sila kasi andito kayo pinag mamalaki kayo ng nanay ni Miss sa mga kapitbahay nila."

"Really?"

"Um. Kasi masipag daw kayo kahit anak mayaman kayo. Tapos si Miss andun na rin po sa likod natulog ng na rin po s'ya mag slice ng mga ingredients kaya kung ako sa inyo halika na po."

"Bakit di mo naman kasi sinabi na andun na rin si Ricai eh ready na ko." At pag tanggal nga ng kumot ay talagang naka bihis na pala ito.

"Woah! Hindi pa kayo ready ng lagay na yan. Pero parang hindi po angkop yang pananamit nyo masyado kayong pormal eh magluluto lang po tayo."

"Ha? Hindi ba dapat naka coat? Birthdayan di ba? Of course the party will be next."

"Opo nga bossing pero mamaya pa yon mag luluto palang tayo. Sandali po at ikukuha ko kayo ng pambahay."

"Pam... bahay?"

"Opo basta... intayin nyo ko dito."

Bilang isa ring public personality itong si Chase sanay syang pambahay nya eh pang alis na ng karamihan. Yung tipong kabog ang OOTD o ang Outfit Of The Day.

"."

Nalimutan ni Ricai na isa nga palang chef itong si Chase kaya marami syang alam na putahe.

"Hindi halata sa kaniya na marunong talagang mag luto yang boss mo."

"Ah, opo Miss alam nyo naman yan may taglay na katamaran sa katawan nya kita nyo nga chef pero hindi s'ya marunong mag letchon ng baboy. Alam nyo na puro sa oven lang lam nyan perks of being "ritskid" you know."

"Hahaha... silly. Anyways, san mo naman nakuha yang damit nya? Ngayon ko lang nakitang naka pambahay yan. T-shirt and short? Hahahahaha... ang cute."

"Talaga po? Nacu-cutan kayo kay Bossing?"

"Well, pwede na... Sino ba namang ayaw sa minions? Ang cute nung t-shirt nya gusto ko rin ng ganon minions ang design."

"Actually, sa palengke ko lang po binili yung damit at short nya Miss. Tignan nyo naman parang isang Master price na ang halaga pag s'ya ang nag suot."

"Yah. Looks expensive bagay sakaniya ang yellow maputi kasi s'ya and yung black short yun talaga ng nag dala sa looks nyang gold."

"Shhh... maliit na bagay Miss pwede na din siguro akong maging stylist ni Boss. Ano po sa palagay nyo?"

"Well... wag mo ng ulitin."

"Ha? Bakit naman po... kala ko ba cute ka nyo."

"Ehhh... kilala mo yang boss mo sure ako wala yang alam sa cartoons na pinasuot mo ang angas nya ika tapos ganoon ang suot nya? Sure ako kaya mo na pagsuot yan dinawit mo ang name ko no?"

"Ah... eh... sorry na po alam nyo naman kasi yang si Bossing kayo ang weakness nyan marinig lang ang name niya di na makali. Patay na patay po kasi sa inyo."

Ricai bonked him while blushing "sira ulo ka!"

"Yiieee... nag bablush kayo Miss... na fa-fall na po ba kayo ulit sa bossing ko?"

"Gusto mong sayo ko ihiwa ang knife na ito?! Pag tapos ko ditong mag ligpit?"

"Miss talaga di na mabiro... Pero ngayon ko lang po nakita si Boss na ganyan."

"Hmm? Anong ganyan? Na nagluluto? Eh di ba nga chef s'ya normal lang yan no! Ang hindi normal ay mukha syang di Chef muka lang syang anak mayaman na nakikisali sa fiesta."

"Hindi po sa ganun, tignan nyo ang saya nya na nakikipag usap sa mga tao dito sa inyo. Kahit di naman nya po sila kakilala at ka close."

At napatingin nga si Ricai kay Chase na masayang nakikihalubilo sa mga kamay anak nya while cooking something at masaya ito kahit mausok doon at medyo mainit. Na hindi nakasanayan ni Chase dahil puro pang mayamang kitchen equipment ang gamit nito kapag s'ya ay nag luluto. Hindi gaya ng mano-manong pag papaapoy para lang maka pag luto.

Ricai smiled and Belj saw it "tara po?"

"San? Hindi pa tayo tapos mag ligpit dito."

"Mamaya na po yan puntahan muna natin si Bossing don."

"Ha? Pero..."

At hinila na nga ni Belj itong si Ricai para lapitan si Chase.

"Hindi po Sir ganito lang po talaga dito kapag may birthday parang may fiesta tulong-tulong." Sambit ng tito ni Ricai na si Ramil.

"Talaga po? Eh paano nalang po pala kapag fiesta na?"

"Mas marami pong lutuin at mas masaya kasi marami ang na sayo." Sabi naman ng isa pang tito ni Ricai na si Herman.

"Nadayo?"

"It means from other barrio o baranggay." Bungad ni Ricai.

"Ricai!" Masayang sambit naman ni Chase na pinagpapawisan na.

"Are you okay here? Mga uncle wag kamusta po dito?"

"Ayos na ayos pamangkin magaling palang mag luto si Sir Chase." Sagot ni Robin ang isa pang tiyuhin ni Ricai.

"Nako,hindi naman po marunong lang tsaka mas magaling parin po kayo kasi wala paring tatalo sa lutong bahay. Ang galing nyo po mag measure ng mga condiments."

"Sanayan lang Sir."

Nag punas naman ng pawis nya itong si Chase gamit ang braso nya dahil wala syang dalang towel o panyo "Chase nalang po eventually naman magiging tito ko na rin kayo." Then he winked to Ricai.

"Hehe.... hindi yan magiging madali tutoy kapag na probinsya dapat dinadaan sa Santong dasalan ang babae at hindi sa paspasan." Sagot ni Lando ang kapitbahay naman nila Ricai na para na rin nitong. tiyuhin dahil malapit sa pamilya nila.

"No worries po I can do everything for Ricai." At nag pahid na naman sya ng pawis nya bibigyansana sya ni Belj ng towel pero kinuha ito ni Ricai.

Si Ricai mismo ang mag punas ng pawis ni Chase at nag pa bulong-bulong "umayos ka kung ayaw mong malintikan!"

"What? Nag sasabi lang ako ng totoo."

"Tigilan mo nga ko! Baka maniwala yang mga yan."

Hinawakan ni Chase ang kamay ni Ricai na may hawak ng towel na ipinupunas ng pawis nya.

"Nakatingin sila umacting ka naman ng sweet sakin Baby."

"A— Anong Baby? Mukha mo!" At ibinigay na nya yung towel kay Chase at umalis.

"Miss!!!"

"Let her be Belj."

"Mukhang nahiya ang pamangkin namin." Sabi ni Ramil.

"He...he... Opo mahiyain po kasi talaga yun."

At habang nag tatakbo ngavitong si Ricai nay bigla syang nakabanggaan. "So— Sorry..." Aniya.

"Ayos lang."

Pag tingin ni Ricai sa nakabanggaan nya "Arvin?"

"Cai!!!"

At hindi naman napigilan nung dalawa na mag yakapan dahil sa saya nila dahil sobrang namiss nila ang isa't isa.

"Huy!!! Kailan ka pa bumalik dito satin?"

"Ah nung isang araw lang sorry di na kita napuntahan."

"Okay lang pero at least nagkita na tayo dito sa inyo buti nalang pala at birthday ni auntie."

"Oo nga eh nga pala sabi ni tiyo Lando sa Manila ka na rin ngayon nag wowork? Saan para naman mabisita kita dun."

"Ah sige nalipa kasi ako ng lugar tapos yun sa Manila nga sasabihin ko sana sa iyo nung isang araw kaso di na kita macontact."

"Ah oo need ko kasi mag change ng SIM card and delete ng mga social accounts ko lam mo na para safe."

"Nabalitaan ko nga yung nangyare buti okay ka."

"Um. Mahal pa ko ni Lord. Hehe..."

"Ikaw talaga! Halika nga sobrang namiss talaga kita."

"Ahhh... Miss din kita."

At nung yayakapin na sana ulit nila yung isa't isa biglang dumating si Chase at Belj.

"Cough! Cough! Cough!" Reaction ni Chase na biglang incubo kahit walang ubo.

"Hi Miss! Andito kami ni Bossing."

Ricai rolled her eyes "I know may mga mata ako."

"Cough! Baby, sino sya?" Sambit ni Chase na para bang may inis.

"Hello! Ako si Arvin kababata ako ni Ricai."

Sa isip-isip ni Chase "hayssss! Si Tasha lang ba ang kaibigan nyang babae at bakit puro lalaki?!"

"Yes, he is my childhood friend anak sya ni tiyo Lando yung kausap natin dun kanina sa likod. Sige na may pag uusapan pa kasi kami. Vin tara sa kwarto ko? May papakita ako sayo."

"Okay."

Nag panic naman si Chase dahil Sa sinabing iyon ni Ricai "wa...wait! Cough! Cough!!! Inuubo kasi ako..." siniko nya si Belj para tulungan sya mag palusot.

"Ah... Oo Miss, biglang inubo si Boss hindi kasi sya sanay sa usok."

"Cough! Cough! Cough!"

"Kawawa naman baka atakihin sya sa puso."

"Tsk! Yan kasi di ka naman pinipilit na mag luto pasaway ka! Tara sasamahan kita uminom ka ng gamot. Vin, sandali lang ha? Belj, ikaw na muna bahala sa kaniya."

"Opo Miss."

At nag senyasan na nga yung mag amo na para bang isang "job well done" at sinamahan na nga muna ni Ricai ang nag iinarteng si Chase sa loob para kumuha ng gamot.

Habang nag pakilala naman sa isa't isa sila Belj at Arvin at nagka kwentuhan.

Samantala nasa biyahe naman na sila Xitian, Wram at Brillant at ang driver at si Cymiel habang may naka synod sa kanila pang dalawang black na van na lulan ng kanilang mga pasalubong para kay Ricai at sa nanay nito.

Naroroon rin sa van na iyon ang ilang mga guards nila.

"Naliligaw na tayo! Sinabi naman kasing si Cymiel na. Itabi mo!" Pagalit na sambit ni Xitian na lumabas ng kotse.

Sumunod rin naman yung iba na nagsi labasan rin.

"Sorry na! Na excite lang naman kasi ako tsaka kanina pa mag dadrive si Cymiel kaya ako na muna nga ka ko." Sabi ni Brillant.

"Tigilan niyo na yan ako na ang mag dadrive pumasok na kayo." Sabi ni Wram.

"Haysss!!!" Reaction ni Xitian at pumasok na ng kotse.

"Pumasok ka na bro kung ayaw mong masapak kita." Ang naiinis na sambit ni Wram at dali-dali ng pumasok itong si Brillant sa takot nya.

"Sir? Ako na po ang mag drive?"

"No need ako na para makarating na tayo don. Naiinis na ko!

"So— Sorry po Sir."

"Sige na umalis na tayo."

"Opo."

Sa magkaparehong oras naman sa mansion ng mga Alcantara...

"Anong meron? Bakit ang daming regalo dito?" Bungad ni Ysmael.

"Ah, ibibigay po yan ni Don Fernan sa mama ni Ms. Ricai." Sagot ni Felly na may sinusulat na para bang chinecheck nya ang bawat regalo.

"Gift for Ricai's mom? Why?"

"Kaarawan po kasi ng nanay ni Miss. Hindi po ba kayo invited?"

"Ha?"

"Opo birthday po ngayon ng Mama ni Miss andun nga po sila ngayon eh kasama po si Senyorito Chase."

"What? Akala ko nasa Manila na si Ricai?"

"Po? Hindi po nag babakasyon po sila ni Senyorito sa lugar nila Miss."

"Mael!"

"Uncle..."

"To my office."

"Opo."

At nung nasa office na nga yung dalawa...

"Yes Uncle, maayos na po ang shipments natin wala na pong naging problema."

"Good! What about the Alta Gracia?"

"Base on our investigation may nag frame up po satin."

"What?!"

"Pero wag na po kayong mag alala sa pagitan nalang po ito ng Alta Gracia at ng bureau."

"Nice... Sigurado akong gusto nila tayong maisahan. Huh! Pipili sila ng kakalabanin nila."

Sa isip-isip ni Ysmael "pero mas malakas parin ang kapangyarihan ng mga Alta Gracia kesa satin Uncle... Tignan natin kung anong gagawin mo Chase kapag nalaman mong mas mataas na ang level ni Xitian sayo."

"Mael!"

"Po?"

"Ang sabi ko ikaw na ang mag dala ng mga regalo ko sa nanay ni Ricai."

"Ah... O— Opo Uncle wala pong problema. Ahm... wala po pala sa Manila sila Ricai at Chase?"

"Yeah... and there's no problem about that gustong bisitahin ni Ricai ang mga magulang nya kaya nararapat lang yon."

"And... ayos lang po sa inyo na kasama nya si Chase?"

"So?"

"Pero Unlce, hindi ba kayo nag aalala? May mga makaksalamuhang iba't ibang tao doon si Chase."

"So? Malaki na si Chase kaya na nya ang sarili nya. Isa pa, may mga security na akong ipinadala don para mabantayan si Ricai."

"Po? Si Ricai? Pero si Chase po ang..."

"Ha? Like what I have said Chase is old enough to protect himself. And for Ricai she is precious we need to protect her."

"Bakit po ganun nalang kayo mag protesta kay Ricai? Dahil po ba girlfriend sya ni Chase?"

"Ha? O— Of course! Ano pa ba? At syempre she is my future daughter in law kaya dapat lang na protektahan ko sya. I mean bilang daddy ng fiancé nya dapat lang naman an ganun ang gawin ko, right?"

"Opo Uncle."

"Now, you may go and bring all my gifts for Ricai's mom."

"Opo Uncle."

"Sandali..."

"Po?"

"And... tell Ricai na sorry kasi hindi ako makakapunta."

"Ano po yon Uncle?"

"Sabihin mo kay Ricai na sorry dahil I can't go there ayoko kasing masira ang kaarawan ng nanay nya dahil mag aaway lang kami ni Chase."

"O— Opo."

"I know she'll understand."

"O— Okay po."

"Sige na makakaalis ka na."

"Opo Uncle."

Paglabas ng office nitong si Ysmael napatigil sya at napa sandal sa pader "a— anong nangyayare kay Uncle? Sa buong buhay ko ngayon ko lang sya narinig na mag sorry...at kay Ricai pa? Hindi na maganda ang kutob ko dito."

At dahil nga nasa labasan pa sya ng office ni Don Fernan doon sa mansion may narinig sya "siguraduhin mong walang makakaalam na kahit sino ang tungkol kay Ricai at sakin. Kung kinakailangan patahimikin mo ang kahit sinong makakaalam!"

Nanlaki ang mga mata ni Ysmael at natulala sa narinig nya habang dahan-dahan niyang isinasara yung pintuan.

"May relasyon sila Uncle at Ricai?!!!"


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C57
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン