Nang natapos ang shooting pinuntahan agad ni Belj si Ricai dahil ipinatatawag ito ni Chase.
"No need, may susundo sakin."
"Pero Miss, may mga reporter pa po sa labas ng set. Kapag hindi kayo nakitang mag kasama baka machismis na naman po kayo."
"Fine! Nasan ba sya?"
"Nasa kotse na po."
"Okay sige."
"Ako na po ang nag dadala ng gamit nyo."
"Thanks."
Paglabas naman nila Ricai nakasalubong nila sila Xitian at Brillant.
"Eh? Bakit kayo nandito?"
"Miss ka na ng kuya Tian- Tian mo."
Binatukan naman ni Xitian si Brilliant.
"Manahimik ka!"
"Pero, hindi ba may business meeting kayo?"
"Don't bother, pauwi ka na?"
"Um. Sasabay ako kay Chase. Ah, nga pala this is Belj he is my friend of mine nakilala mo na siya kuya siya kasi yung assistant ni Chase."
"He— Hello po Sir."
"Yeah." Reaction ni Xitian na para bang nauuma.
"Oh, hello I'm Brillant another kuya of Ricai." Makikipag kamay sana sya kay Belj pero tinignan sya ng masama ni Xitian. "Ha... Ha... Ha... actually, kaibigan lang talaga hindi kuya. Ha... Ha...
"Ah... ga— ganun po. Hello I'm Belj."
"Samin ka na sumabay I'll treat you a dinner."
Napa tingin naman si Ricai sa may labasan at nakita nya na may mga reporters na nakaabang.
"Ah, hindi na kuya. Maybe next time? Sige na po mauna na kami. Ingat kayo."
"Si— Sige... Ingat rin kayo. Call me if you need something."
"Okie po." Then she left.
At sumunod naman na agad si Belj "sige po mauna na kami." Sabi nya pa.
"Mukhang, mas importante na ngayon si Chase kesa sayo bro." Sambit ni Brillant na umakbay pa kay Xitian.
"Tatanggalin mo yang braso mo o gusto mong mabalian ng buto?"
Tinanggal namang agad ni Brillant ang braso nya "okay, chill. Init agad ng ulo?" Napansin nyang ang daming reporter sa labas na lumapit kay Ricai "ahhh... kaya naman pala di sya sumama satin."
"Ano?!"
"Ayun tumingin ka sa labas."
At napatingin nga si Xitian sa labas na ang daming reporter ang gustong na interview si Ricai.
"What the?!"
Pupuntahan sana ni Xitian si Ricai pero pinigilan sya ni Brillant at nakita nilang lumabas ng kotse si Chase at inalalayan si Ricai.
"Don't worry about her bro. Ricai is a lady now may boyfriend na rin syang poprotektahan sya."
"Nonsense! She still needs me. I'm her brother mas marami pa rin akong kayang gawin kesa sa boyfriend nya."
"Bro, tell me, are you jealous?"
"Wait what? At bakit naman ako mag seselos? Ricai is my..."
"What bro? You baby sister? Bro, we know each other since we're kids at isa lang ang masasabi ko nag seselos ka!"
"Tigilan mo ko! Kung nag seselos man ako yun eh bilang ako ang kuya ni Ricai at hindi for some romantic thing."
"Oh really? Then tell me... Sino ba talaga sayo si Ricai? A friend or more than friend? Bro, kahit baliktarin natin ang mundo you're not blood related to Ricai."
"Alam ko, but someday I will be her real brother."
Brillant made a facepalm at sa isip-isip nya "so, hanggang kapatid lang pala talaga ang tingin nya kay Ricai."
"Anyways, yung mga Alcantara hindi ba sya yung kalaban ng mga Lez Fuentes sa east bound?"
"Let go home."
"Wait lang bro, paano yung Ysmael Alcantara? Anong balak mo sa kaniya?"
"Don't worry about him isa lang syang mababang nilalang kumpara satin."
"Pero isa syang Alcantara at alam kong alam mong malakas ang pamilya nila sa underworld."
"Huh! Malakas? Noon yon, ngayong wala si Don Arnulfo wala silang kapangyarihang pwedeng ipanglaban satin. Tayo parin ang pinakamalakas kumpara sa lahat."
"Oo naman Alta Gracia lang sakalam."
"But we need to secure everything."
"What do you want me to do?"
"Just do your thing."
At the same time...
"Belj, ibaba mo nalang ako sa may waiting shed."
"Miss?"
"No, you can't go. Stick with the plan Belj dumiretso tayo sa bahay."
"No! Ayoko! Malayo na ang mga reporters kaya pwede na akong bumaba. Stop the car Belj."
"Don't stop the car Belj!"
"Stop the car!!!"
"I said don't stop the car!"
"Stop it Belj or else I will unfriend you!"
"Miss..."
"Don't you dare to stop the car I will fire you!"
"Boss!"
"Huh! Ibang klase! You will just fire him just because of that nonsense? He is your loyal assistant and friend of yours tapos dahil lang sa pag stop ng car you will fire him? Grabe ka naman! Wala kang puso!"
"So be it! Sabihan mo na akong walang puso pero hindi ka bababa ng kotse!"
"Fine! Dyan ka naman magaling! Spoiled brat!"
"Anong sabi mo?!"
Skkkkrrrrtttt...
"Belj!"
"Sorry po Boss may bigla kasing tumawid."
"Nakabangga ka?"
"I will check Miss."
Bumaba naman agad si Belj at bababa sana si Ricai.
"Let me go!"
"I said you can't go!"
"Aba't! Wala ka na ba talagang puso? May nabangga si Belj at kotse mo ang gamit wala ka bang pakialam man lang?"
Di naman naka pag salita si Chase kaya naman kinagat ni Ricai ang kamay niya.
"AHHHH!!! Ricai!!!"
"Baliw!!!"
At dali-dali ng bumaba si Ricai...
"Ricai!!!"
Samantala ng tinignan ni Belj yung na sagasaan nya...
"Ano Belj? Nasan?" Tanong ni Ricai.
"Okay na Miss. Bilis umalis na kayo."
"Ha?"
"Sinabi ko lang na may nasagasaan ako pero wala po talaga. Kaya sige na po un alis na kayo."
"Okay sige salamat ha."
"Um. Sige na po pababa na si Boss."
"Oo sige bye ikaw ng bahala."
"Um."
At nung nakababa na nga si Chase nag kunwari si Belj na tinatawag nya si Ricai.
"Miss!!! Bumalik kayo dito. Miss!!!"
"Tsk! Ano? Natakasan ka?"
"So— Sorry po Boss. Habulin ko nalang po sya. Dito na muna po kayo."
"Haysss!!! Wag na!"
"Sure po kayo?"
Acting na acting si Belj at akala nya di nakahalata si Chase.
"Oh? Nasan na?"
"Ang alin po Boss?"
"YUNG NASAGASAAN MO!!!"
Dali- dali namang lumuhod si Belj "Boss... sorry..."
"Tsk! Loyal ka ba talaga sakin o kay Ricai?"
"Boss... sorry na ayoko lang naman na tuluyan na talaga kayong kamuhian ni Miss. Naiintindihan ko po kayo pero intindihin nyo rin po sana si Miss. Nag decide kayo na iwan sya tapos ngayon itatali nyo na naman sya sa leeg. Hindi po kasi tama ang ganun Boss. Babae po si Miss hindi po sya basta nalang."
"Whatever! Bilisan mo na dyan tumayo ka na gusto ko ng mag pahinga."
"Salamat Boss."
"Bawas ang sweldo mo this month."
"Po? Bawas?"
"Get up!"
"O— Opo eto na."
Habang naglalakad naman si Ricai huminto sya sa isang parking lot.
"Sighhh.... mukhang okay na dito di naman na siguro ako makikita ni Chase."
Lumingon sya sa may bandang kanan nya...
"Oh, tamang tama may Jollibee gutom na ko."
Pero na pansin nyang wala yung bag nya.
"Anak ng! Naiwan ko sa kotse ng bwiset na yon ang bag ko!!!"
Kinapa nya naman ang bulsa ng pants nya.
"Ay putek! Pati ang phone at wallet ko nasa bag ko rin pala! Ahhhh!!!"
Napasandal nalang si Ricai sa isang sasakyan.
Swoooshhhh...
Nagulat si Ricai na may tao pala sa kotse na nag baba ng bintana.
"Miss, are you okay?" Sabi nung lalaki na may kasama pang dalawang lalaki na mukhang mga manyak.
"Ye— Yes sorry for my careless move."
Paalis na sana si Ricai pero bumaba uung lalaki na nasa front seat na nag baba ng window ng car.
"Hey, wait up. We can help you we heard everything... kung gusto mo ililibre ka namin."
"Ha? No... No thanks... Si— Sige..."
Palubog na ang araw ng mga oras na yon.
"Teka lang Miss... Wala kaming gagawing masama sayo ililibre ka na nga namin ayaw mo pa?" Sabi nung lalaki na humarang sa daraanan ni Ricai at bumaba na rin yung dalawang lalaki na pinalilibutan na ito.
"Ah... Ahm... don't bother I'm okay. Sige mauna na ko sa inyo."
Pero hindi pinapalagpas nung mga lalaki si Ricai.
"Wag kang matakot. Hindi kami masamang tao kung sasama ka samin ng maayos hindi ka ma sasakyan."
"Oo nga naman Miss. Mabait kami."
Sa isip-isip ni Ricai "anong gagawin ko? Mukhang mga manyak ang tatlong ito."
Inakbayan na nung isang lalaki si Ricai.
"Alam mo Miss, maganda ka at ang gaya mo ang mga tipo ko."
Nag pupumiglas naman si Ricai.
"Bitawan mo ko."
"Paano kung ayaw ko?"
"Sisigaw ako dito!!!"
"Subukan mo walang makakarinig sayo." At tinutukan nya ng patalim si Ricai.
"A— Anong gagawin nyo? Pakawalan nyo ko!!!"
"Manahimik ka at sumama samin."
Kinagat ni Ricai ang kamay nung lalaking may hawak sa kaniya kaya naka wala sya pero nadakip naman syang agad nung dalawang lalaki."
"Ikaw!!!" Ang galit na galit nung lalaking kinagat ni Ricai.
PAK!
Sinampal nung lalaki si Ricai at sa lakas nga na out of balance pa ito.
"Anong nangyayare? Kawawa naman yung babae." Sabi ng isang tsismosa na may mga kasama.
At ng makita naman nung tatlong lalaki na may mga taong nakakita sa kanila.
"Ha... ayaw mag asawa lang po." Sabi nung lalakin sumampal kay Ricai.
Tinulungan nung dalawang lalaki na tumayo si Ricai "subukan mong gumawa ng ingay dadanak ng dugo dito." Sambit ng isang lalaki na may hawak kay Ricai.
Sa magkaparehong oras naman saktong nag park doon kung nasan si Ricai sila Xitian.
"Anong meron don?" Tanong ni Brillant na naunang bumaba kay Xitian.
"Baka po may nag aamok ng away." Sagot ni Cymiel na nakasakay naman sa isang kotse kasama pa ang ibang mga bodyguard ni Xitian.
"Anong tinitignan nyo dyan? Akala ko ba gutom ka na Brillant?" Tanong naman ni Xitian pagbaba ng kotse kung saan sya ang driver at kung saan rin sumakay si Brillant.
May bumulong naman kay Cymiel na isang bodyguard ni Xitian.
"Ano? Si Ms. Ricai?"
"Anong meron kay Ricai?"
"Ahm. Boss, si Ms. Ricai daw po yung pinagkakaguluhan don."
"What?!"
At dahil nga nag kakarami na ang mga tao nag kunwaring mababait yung tatlong lalaki na gusto kidnapin si Ricai.
"Manahimik ka lang at sumunod." Bulong nung lalaki na may hawak na kutsilyo.
"Bitawan nyo sya!!!" Sigaw ni Xitian at naka agawa naman iyon ng atensyon ng naroroon dahil mala mafia Boss talaga ang datingan nito. Bukod sa literal na mafia boss talaga sya.
"Woah!" Ang reaction ng mga taong naroroon dahil parang mga siga ang datingan ni Xitian with his bodyguard
"Ku— Kuya Xitian?" Ang pabulong ni Ricai.
"At sino naman ang mga kupal na yan?" Sabi nung lalaking sumampal kay Ricai.
"Mister. Payo lang kung gusto nyo pang mabuhay ng matagal pakawalan nyo na ko." Sabi ni Ricai na para bang naaawa la dun sa tatlong lalaki na gusto syang kidnapin.
"Huh! Ano? Nag papatawa ka ba? Sa lugar na ito ako ang Boss."
"Pero Mister. Pakawalan nyo na ko maawa kayo sa buhay nyo. Hindi nyo kilala si kuya Xitian."
"Huh! Hahahaha... GINAGALIT MO KO!!!" Sasampalin nya sana si Ricai pero bago pa yon may narinig ng putok ng baril.
"Subukan mong saktan ang babaeng yan hindi lang kamay mo ang mag lalaho." Sambit ni Xitian.
"Mister... bilisan nyo na pakawalan nyo na ko!!! Wag nyo ng galitin si kuya Xitian!!!"
"Bo... Boss...marami sila tatlo lang tayo." Sabi nung isang lalaki.
"Heh! Wala akong pakialam! Ipasok nyo sa kotse ang babaeng yan!"
"Pero Boss..."
"Ipasok nyo sya!!!"
Pssshhhhhhh....
Nag sisiritan ang hangin ng mga gulong ng kotse nung tatlong lalaki na may balak ng masama kay Ricai.
"Bitawan nyo na yang babae kung gusto nyo pang mabuhay. Wala na kayong takas mga tsong!" Sambit ni Brillant.
At napatingin nga sa paligid nila itong tatlo at nakita nilang pinaliligiran na sila ng bodyguards ni Xitian.
"Give back my baby girl!" Pagalit ng sambit ni Xitian.
Bumulong naman yung lalaki na may hawak kay Ricai "sabihin mo, sino ka bang talagang babae ka? Bakit ang dami mong bodyguard? Tapos kanina nag iisa ka lang naman ah."
"Alam mo kasi kuya sinabihan ko na kasi kayo na pakawalan nyo na ko ayaw niyo pa eh ayan gusto nyo yan eh bahala kayo. And by the way, yung lalaki po sa gitna kuya ko po yun at isa syang Mafia Boss."
"A— Ano? Ma— Mafia Boss?"
***
Kararating lang sa mansion nila Catalina Real at ang kasama nitong si Noli na mismong may ari ng mansion.
"Madam, Sir... May naghahanap po sainyo." Bungad ng isang kasambahay nilang si Mila.
"Sino raw?" Tanong ni Noli.
"Si Don Fernan daw po eh kilala nyo raw po sya kanina pa nga po nag aantay sa inyo ng pag dating."
Nagkatinginan naman sila Catalina at Noli.
"Nasan sya?"
"Nasa may sala po."
"Sige kami ng bahala maghanda ka ng dinner."
"Yes Sir."
At nag punta na nga yung dalawa sa sala at nakita nilang naroroon nga si Don Fernan.
"Mr. Alcantara..." Bungad ni Catalina.
"Oh, hello it's nice to see you again. Sorry if I didn't inform you na pupunta ako ngayon dito."
"Have a sit... Welcome to our house." Sambit ni Noli at inalalayan ring maupo si Catalina.
Naging seryoso namang bigla ang mukha ni Don Fernan ng makita nyang ang sweet nung dalawa.
"Cough! Ms. Real, I will direct you to the point I want to make some business proposal to you. Let's just say let's be friends and business partners."
"Sure!"
Tumingin pa si Catalina kay Noli dahil alam nitong baka kumontra ito sa desisyon nya.
"I know na hindi mo ko bibiguin kaya I personally went here para naman ako mismo ang makausap mo. So can we sign a contract now?"
"Huh! Don't be so pushy Mr. Alcantara." Sambit ni Noli na parang may ibang meaning ang sinabi nya.
Catalina patted Noli's leg and smile awkwardly.
"Ahm... ang ibigsabihin nya siguro bukas o sa makalawa? After all I need to read and review your proposal. Come on let's eat, the dinner is ready join us Mr. Alcantara."
"Oh, thanks and sorry for rushing you."
"It's okay don't bother my assistant will call you tomorrow if that's okay to you?"
"Of course! Lalo na kung ikaw." He kissed Catalina's right hand.
"Cough! Lalamig ang pagkain." Sambit ni Noli at kinuha agad ang kamay ni Catalina.
Catalina smiled awkwardly na para bang na senyas pa kay Noli. "He... He... Let's go Mr. Alcantara? Noli... halika na lalamig yung pagkain di ba?" Bumulong pa sya kay Noli "that's enough Noli usap tayo mamaya." Then she smiled at Don Fernan na para bang okay ang lahat.
"Tsss!" Reaction naman ni Noli.
Meanwhile,
"What? Wala si Uncle sa mansion?" Sambit ni Ysmael na nasa balcony ng room nya.
"Yes Sir. Ang sabi ni Mr. Dante nag punta raw sa east kay Ms. Catalina Real." Sagot naman ni Basty na ipinatong ang dala nyang isang tasang tsaa doon sa lamisita.
"At bakit raw? Walang binanggit sakin si Uncle about that."
"Hindi ko rin po alam pero ang sabi ni Mr. Dante it's for business purpose. Baka po may binabalak si Don Fernan na ayaw nyang ipaalam sa inyo."
"Huh! No way. Gumawa ka ng paraan para malaman natin ang pinaplano ni Uncle."
"Yes Sir."
"I need to know everything... I can't trust him."
"Yes Sir. Alis na po ako."
Pag alis naman ni Basty...
"Anong binabalak mo Uncle Fernan... Subukan mo lang na gaguhin ako..." he said that while clenching his fingers na para bang he about to explode.