Sa kasalukuyan,
Sa balcony ng kwarto ni Ysmael nainom sya ng tsaa ng biglang dumating si Basty.
"Sige ilagay mo nalang dyan mamaya ko pipirmahan."
"Opo Sir."
"Nga pala, hindi ba ang sabi mo dumating na si Xitian ng Pinas? Nagkita na ba sila ni Ricai?"
"Opo Sir, halos mag iisang linggo na rin po sya dito sa Pinas and recently nag bonding po sila ni Ms. Ricai."
"Ohhh... how about Chase? What did he do about that? Pumayag sya na mag bonding yung dalawa?"
"Yes Sir."
"Huh! Ibang klase."
"Pero Sir dahil po hindi kasama ngayon ni Sir Chase si Ms. Ricai."
"Anong ibig mong sabihin? Hindi kasama ni Ricai si Chase sa condo ngayon?"
"Yes Sir. Nitong mga nakaraang araw po kasi may shooting po kasi si Sir Chase."
"So, kasama parin ni Xitian si Ricai?"
"Hindi po Sir, bumalik na po ulit sya sa trabaho nya bilang bank teller at lumipat rin po sya sa apartment ng best friend nyang si Tasha."
"Heh! Tasha always been there for her simula pa man nung college kami."
"Kami? Naging mag kaklase po kayo nila Miss? Ahm... Sorry po for asking Sir."
"Nah it's okay. Well, I used to be there temporarily classmate siguro mga 3weeks rin akong exchange student sa Del Mago University kung san nag college sila Ricai at Tasha."
"Naging exchange student po kayo?"
"Um. Actually, hindi lang ako pati si Chase ang kaso ayaw niyang maging exchange student sa Del Mago kaya imbes na sa Pinas sya ipinadala sya ni Uncle Fernan sa Germany para don mag aral."
"Bilang exchange student po?"
"Hinde. Dun na rin sya nag tapos ng college. Bata palang si Chase nag rerebelde na sya kay Uncle kaya para magtino ipinadala sya dun sa ibang bansa kaso walang pagbabago ganun pa rin sya pag dating kay Uncle."
"Pero Sir. Paano po kayo? Naging kuntento lang kayo na dito mag aral sa bansa natin? Hindi po ba kayo naka ramdam ng inggit kay Sir Chase. Kung tutuusin po advantage yon ni Sir Chase kaya siguro sya ang paborito ni Don Fernan dahil marami syang alam sa negosyo."
"At first, naisip kong advantage nya yon pero mas nag take advantage naman ako sa daddy nya ano ngayon sya? Ako ngayon ang pinapaboran ni Uncle Fernan kesa sa kaniya."
"May point naman po kayo pero hangga't wala pa pong malay si Don Fernan hindi parin natin alam kung sa inyo ba ipamamana ang lahat ng ari-arian ng mga Alcantara."
"Don't worry we have so much time kukunin ko ang lahat ng para sakin at isa na ron si Ricai."
"Nga po pala, sa Friday na po ang meeting nyo kay Mr. Xitian aattend po ba kayo?"
"Of course! Gusto kong makita kung paano sya gagawa ng hakbang para kila Ricai at Chase."
"Ahm... Sir, bakit po pala parang ayos lang sa inyo na maging malapit si Miss kay Mr. Xitian? Kahit na alam nyong ito ang first love ni Miss."
"Basic, dahil hanggang kapatid lang ang turing ni Xitian kay Ricai. Isa pa we can't afford to mess around with him masyadong malakas ang mga Alta Gracia na kahit si Chase ay hindi nanaising kalabanin si Xitian."
"Kahit po si Don Fernan?"
"Well, let say na parang ganun na nga pero tanging si lolo lang ang pwedeng tumapat sa yaman ng Alta Gracia."
"Wag nyo pong sabihin na... kasama ang Alcantara Clan sa Mafia?"
"Um. When I was a child my dad once said "your lolo is the king of the bully." I dunno what he trying to say but when my dad died nakita ko si lolo kasama ang mga bodyguards nya at narinig ko na they have business underworld. Pagbalik ni lolo ng mansion puro dugo ang damit nya pati ang mga kamay nya habang basang basa sya sa ulan at may hawak pa syang silencer sa kanan nyang kamay. Takot na takot ako nun siguro doon nag simula ang phobia ko kay lolo."
"Kaya po ba mas gusto nyo ngayon ang kinalalagyan ni Don Arnulfo? Pero Sir I think ipinaghigante lang ni Don Arnulfo ang daddy nyo."
"I don't want to talk about it. The most important thing is sisiguraduhin kong ako ang magiging taga pag mana ng Alcantara."
"Yes Sir."
"Padalhan mo ng fruits and flowers si Ricai. Siguraduhin mong sya mismo ang makaka receive and book me an appointment to my dear cousin, Chase."
"Yes Sir."
***
Isang linggo na at hindi pa rin nakikipagkita si Chase o tumatawag o kahit text man lang kay Ricai. Masyado nitong dinamdam ang mga sinabi sa kaniya ni Ricai na hindi na sila magkikita matapos nitong ikwento sa kaniya kung sino si Xitian. Pa samantala rin munang hindi makakabalik kay Chase si Baby Girl dahil napagpasyahan ng pamilya nito na umuwi muna ng probinsya para sa fast recovery ng mommy ni Baby Girl.
"Boss, gising na po. May shooting pa po kayo kasama si Ms. Jamaica." Sambit ni Belj na ginigising si Chase na nakainom kagabi.
Nanunuluyan ngayon si Chase sa nabili nyang bagong condo na malapit sa location kung saan sya nag sho-shooting.
"Mamaya na, sabihin mo mala-late ako masakit kamo ang ulo ko."
"Pero Boss, hindi kayo pwedeng malate."
Nag talukbong ng kumot si Chase.
"Boss, andun po ngayon sa location si Miss."
Tinanggal namang agad ni Chase ang kumot nya.
"What did you say?"
"Si Ms. Ricai po kasi ang magiging guest ngayon sa cooking show nyo."
Pandalas naman ng bangon si Chase.
"Ano?! Bakit hindi ko alam yon?"
"Ah... Eh... Boss sinabi ko po sa inyo kagabi kaso lasing po kayo eh."
"Hayysss!!! Edi sana ginising mo ako ng mas maaga para mag sink in agad sa utak ko!"
"Sorry Boss. Actually, hindi ko rin po kasi inaasahan na papayag si Miss na maging guest nyo."
"Tsk! Ano bang meron at bakit si Ricai ang magiging guest?"
"Ahm... trending po kasi si Miss ngayon sa social media."
"Ha? Bakit? Anong nangyare sa kaniya? Ayos lang ba sya?"
"Chill Boss. Kala ko ba wala na kayong pakialam kay Miss?"
Binato naman ni Chase ng unan si Belj.
"So— Sorry Boss. Pero okay lang po si Miss naging trending lang po sya dahil nakitang may nag padala ng fruits and flowers kung san ngayon nakatira si Miss."
"Teka, ano yon? Kung saan nakatira ngayon? Bakit? Nasan sya? Wala sya sa condo?"
"Ahm... Boss, hindi po ba binaggit ko na sa inyo na aalis na po sa condo nyo si Miss. Naninirahan po ngayon si Miss sa apartment ng best friend nyang si Tasha. Bumalik na rin po kasi si Miss sa pagiging bank teller nya."
"ANO?!!"
Lumuhod naman agad si Belj.
"Bo— Boss, patawarin nyo po ako hindi ko po napigilan si Miss na umalis sa condo nyo. Kasi... sinabi nyo po sa kaniya na maaari nya na pong gawin ang gusto nya. Ka— Kaya po..."
"Give me my phone!"
"Boss?"
"YUNG CELLPHONE KO!!!"
"O— Opo Boss."
Tumayo agad si Belj at ibinigay ang cellphone ni Chase.
"Boss..."
"TAHIMIK!!!"
Tinignan ni Chase kung ano yung issue kay Ricai at nakita nya ngang trending ito sa social media.
"Huh! Ayos ah, may nag deliver lang ng fruits and flowers sa kaniya trending na agad?"
"Ahm... Boss, balita rin po kasi na nag break na kayo ni Miss kaya po sa apartment na sya ngayon nakatira."
"Huh! Hahahaha... BAKIT HINDI MO AGAD ITO SINABI SAKIN?!"
"Bo— Boss... sinabi ko po sa inyo ang kaso parati kayong nag sasawalang bahala tapos simula nung umalis kayo sa condo nyo ni Miss parati na kayong nag lalasing. Kaya po..."
Bumalik sa pagkakahiga si Chase at itinapon ang cellphone nya.
"Bo— Boss..."
"Scram!!!"
"Pero Boss..."
"SCRAM!!!"
"Ye— Yes Boss."
Paglabas ni Belj tinawagan nya agad yung manager ni Chase.
"Oo pakisabi nalang paki move yung schedule babayaran nalang ni Boss yung magiging..."
Hindi naman natapos ni Belj ang sinasabi nya dahil biglang kinuha ni Chase ang phone nya at ito ang nakipag usap sa manager nito.
"Yes, gimme 20minutes to prepare and I will be there."
Chase hanged up at itinapon ang phone ni Belj.
Dali- dali namang sinalo ni Belj ang phone nya. "Thank goodness."
"We're going to the shoot prepare my sports car ako ang mag da-drive and for you use my other car."
"Yes Boss... Eh? Pero Boss... yung sports car nyo lang naman ang dala nyo dito."
"Pwes, mag commute ka."
Blagag!
At pumasok na si Chase sa room nya at pinagsaraduhan si Belj ng pintuan.
Knock... Knock...
"Boss!!! Wag naman po kayong ganyan. Isabay nyo po ako mahirap po sumakay dito eh."
Binuksan ni Chase ang pintuan nya.
"Salamat Boss. Ako na po ang mag drive."
"Pinagsasabi mo? Order mo ko ng coffee!"
"Ye— Yes Boss. Isasabay nyo na po ako?"
"Heh!" At pinagsaraduhan na naman nya ng pintuan si Belj.
"Boss!!!"
Samantala nasa biyahe naman na si Ricai lulan ng sasakyan ni Xitian na Jeep Wrangler pero si Tasha ang driver nito...
"Hanep talaga girl!!! Ang ganda nitong i-drive napaka angas."
"Tsss! Bilisan mo na baka malate ako pati ikaw."
"Don't worry, close ko naman yung manager ng bank natin kaya ayos lang. Pero ikaw okay ka lang ba? Parang wala ka sa mood agang aga ah."
"Eh... syempre, magkikita kami ni Chase mamaya. Ano sa tingin mo ang gusto mong maging reaksyon ko?"
"Ehhh... chill ka lang sabi mo nga may utang kang kailangang pagbayaran sa kaniya kaya wag ka ng mag isip ng kung anu-ano. Di ba sabi mo hindi mo naman talaga gusto si Chase at deal lang yung pagiging girlfriend mo sa kaniya? Kaya wag ka ng mag alala dyan."
"Pero... I think I fell for him na besh."
Skkkrt....
Napa prenong bigla si Tasha sa gulat nya.
"Tasha naman! Mag ingat ka."
"So— Sorry nagulat naman kasi ako sa sinabi mo."
"Pero besh... sa tingin ko mahal ko na nga sya eh ang sakit besh dito..."
She start to cry while touching her dibdib dahil pakiramdam nya ang sakit-sakit ng puso nya.
"Besh..." Ang naawang sambit ni Tasha at niyakap nya ang best friend nyang si Ricai.
"It's okay, normal lang na masaktan kapag nag mamahal ng taong ayaw naman sayo..." She can relate to Ricai dahil buong buhay nya si Xitian lang ang minahal nya pero kaibigan lang ang tingin sa kaniya.
"Ang sakit... sakit... sinabi nyang mahal nya ko pero nung nalaman nya yung past ko bigla nalang syang lumayo sakin! Ang taong akala ko hindi ako iiwan nawala nalang ng parang bula."
Tasha sighed and wiped Ricai's tears.
"Hayaan mo na, hindi mo kawalan dahil maraming nag kakagusto sayo kaya kawalan nya na he turned you down. Ganito ang gawin mo pag nagkita kayo act normal as his girlfriend bilang yun ang deal nyo but after that kapag walang camera na nakatingin sa inyo act normal. Hayaan mo sya ang mag habol sayo tayong mga babae hindi tayo ang nag hahabol tandaan mo yan besh. Kaya cheer up girl! Andito lang ako palagi were best of friends. Kung sino ang umaway sayo kaaway ko na rin. Wag kang mag alala tutulungan kita kaya wag ka ng umiyak dapat maganda ka pag nakita ka ng bwiset na Chase na yon."
"Salamat Besh. Tama ka hindi ako ang mag hahabol sa kaniya!"
"That's the fighting spirit girl! Tama lang yung name ng tukmol na yun eh Chase kaya sya ang mag habol sayo lintik sya. Humph!"