After one month naging ayos naman ang panimula sa kolehiyo ni Ricai yun nga lang patuloy parin syang nilalayuan ng mga students dahil nga ang alam ng mga ito ang kapatid sya ni Xitian Monteclaro.
Simula rin nung naging kasapi si Ricai ng gang nila Xitian parati na itong nasa café kasama nito.
"Ohh... nice sama ko kuya."
Xitain pinched Ricai's cheeks "no way, may klase ka bukas kaya kami lang ang pupunta sa operation."
"Pero kuya gusto ko pong sumama gusto kong tumulong sa inyo na mamigay ng mga school supplies sa mga batang kapus palad."
"Hindi nga pwede, tsaka hindi ba sabi mo may tatapusin pa kayong project ni Tasha kaya mabuti pang mag aral ka na muna. Hindi kita sinali samin para mag bulakbol lang."
"Humph! Gusto ko lang naman sumama eh. Kasali nga ko sa gang nyo di niyo naman ako sinasama sa mga ginagawa nyong operation. Ang daya!"
Xitian sighed "fine, sa weekend kung available ka sumama ka samin may pupuntahan kaming isang baranggay para mamigay ng tulong. You want to join?"
"Um... Um... sama ako kuya."
Xitian smiled and patted Ricai's head...
At nakita yun nila Eljo at ng kapatid ni Xitian na si Wram.
"Si--- Sir, ayos lang po ba kayo?"
Na out of balanced si Wram dahil hindi sanay itong nakikita ang kapatid na si Xitian na nakangiti.
"Ayos lang ako pero... hindi ako nanaginip right? Nakangiti talaga ang kapatid ko?"
"Opo Sir... totoo pong lahat ng nakikita ng mga mata natin nakangiti at pawang masaya si Xitian."
"What the?! Bumaliktad ba ang mundo?"
"Sir, masanay na kasi kayo tuwing kasama ni Xitian yang si Ricai dito sa café parati syang masaya. I think, kahit nga po hindi dito sa café masaya yang si Xitian basta kasama yung batang yon."
"Sa tingin mo ba may gusto na yang kapatid ko sa batang babaeng yon?"
"Hmmm... siguro hindi pa po."
"Ano? Anong hindi pa? Hoy! Si Xitian 24 na mag 25 na nga sya next month eh si Ricai 16years old lang. Hindi ba parang child abuse naman yon? Ang laki ng agwat ng edad nila."
"Sir. Una, age doesn't matter tapos pangalawa, kayo ang nag insist sakin kung may gusto na ba si Xitian kay Ricai. Pangatlo, mabait at single naman si Xitian kaya hindi posibleng mahulog ang loob ni Ricai sa kuya Tian- Tian nya."
"Pero... para kasing hindi tama. Sa pagkakaalam ko no boyfriend since birth yang si Ricai kung sakali man baka masaktan lang sya ni Xitian."
"Mukhang... nag pa background check kayo sa chix na si Ricai tama ba ko Sir?"
"Oo, mabuti ng kilala ko ang mga nakakasama ni Xitian at hindi ako payag na sobra ng nagiging close ang kapatid ko sa batang yon."
"Bakit Sir? Criminal ba ang mga magulang ni Ricai?"
"Tange! Syempre hinde! Galing sa marangal at simpleng pamilya si Ricai sa katunayan nga isang mabait at mapagmahal na anak yang si Ricai."
"Yun naman pala Sir. Maganda ang background ni Ricai pero bakit parang ayaw nyo sya kay Xitian? After all, no girlfriend since birth naman yang si Xitian."
"Basta, ayokong masaktan ni Xitian ang batang yon."
"Eh?"
"Magulo ang pamilya namin kaya walang puwang samin ang gaya ni Ricai na malaki ang pangarap sa buhay."
Sa isip- isip no Eljo "hmm? Bakit biglang naging seryoso si Boss? Di kaya may gusto rin sya kay Ricai? Well, hindi ko naman sila masisisi ang cute naman kasi ni Ricai at ang bait."
"Eljo!"
"Si-- Sir?"
"Yung order raw ng table 7."
"Ah... O--- Opo eto na."
"."
Sa University,
"Okay goodbye class yung project nyo aasahan ko yan bukas. Ang walang project wala ring grade! Malinaw ba?!"
"Opo Prof. Bendero." Sagot ng mga students.
"Okay class dismiss."
Nilapitan agad ni Tasha si Ricai.
"Oy beshy ano san tayo?"
"Sa dorm ko?"
"Hmmm...samin nalang para makita ka na rin ni mommy."
"Eh?"
"Oo kasi lagi kitang kinukwento sa kanila ni daddy malapit lang naman yun sa dorm mo."
"Ohh... sige sasabihan ko muna si kuya Xitian."
Napatingin naman ang mga kaklase nila sa kanila lalo na kay Ricai at para bang nagkaroon ng echo yung "kuya... Xitian...Tian...Tian..." sa mga tenga ng mga kaklase ni Ricai.
"He--- Hello?" Ang nahihiyang sambit ni Ricai dahil nag wo-wonder sya kung bakit nakatingin ang mga kaklase nya sa kaniya.
At gaya ng dati takot parin ang mga ito sa kaniya at tanging si Tasha lang ang nag lalakas loob na kausapin sya at maging kaibigan.
"Hayaan mo nalang sila girl. Halika na para makatapos agad tayo ng project."
"Sige."
At nung lumabas na nga yung dalawa sa classroom nila dali- dali silang tinanaw ng mga kaklase nila sa may pintuan at bintana.
"Sa tingin nyo mabait talaga si Ricai?" Ang sabi ni Niña ang class president sa klase nila Ricai.
"Siguro?" Sambit ng ilang mga kaklase nila na nakiki sangayon.
"Pero paano si Xitian? Hindi ba kayo natatakot sa kaniya?"
"Oh, Danica andito ka pa pala?" Sabi ni Niña.
"Then lets try to talk to her and be her friend?"
"Lenard? Andito ka pa rin?"
Tumayo naman si Lenard sa kinauupuan nya at nakitayo rin sa may pintuan ng classroom nila. Si Lenard ang escort at ang nangunguna sa klase nila nireng nakalipas na isang buwan at marami sa kaklase nilang babae ang nag kakagusto sa kaniya at isa na nga ron si Danica ang muse naman ng klase nila na naging ex nitong si Lenard nung highschool sila.
"She maybe the baby sister of the great Xitian but Ricai is cute and her personality is might be lovely. Bakit di natin sya bigyan ng pagkakataon na maging friend natin? Di hamak na mas nakakatakot ang kuya nya kesa sa kaniya."
Sumangayon naman ang nakararami sa kaniya pati si Niña pero si Danica hindi.
"What if, panlabas na anyo lang yun paano kung mas malala pa sya sa kuya nya? Hindi ba kayo natatakot na kasapi rin sa gang yang si Ricailee?"
Bumalik naman sa upuan nya itong si Lenard at nakatingin sa kaniya ang buong klase habang nag sasalita "puro tayo what if's... Hindi natin makikilala ang isang tao kung hindi natin sya pakikisamahan. Tao lang rin si Ricai maging kasapi man sya ng gang ng kuya nya o hindi. Sigurado naman akong may puso parin syang mamon bilang isa syang babae."
Napaisip naman ang buong klase pero against parin sa suggestion ni Lernard itong si Danica dahil nag seselos ito.
"Kainis! Bakit nya kinakampihan ang Ricai na yon eh di pa nga niya nakikila yon!" Sambit ni Danica sa mahinang tono.
"Baka naman kasi tama si Lenard malay mo mabait talaga yang si Ricailee."
"Isa ka pa Kier! Ako yung bestfriend mo dito at hindi yung babaeng yon!"
Si Kier Amidales ang kababata at bestfriend ni Danica na may lihim ring pag tingin dito.
"Chill down. Bakit ba kasi galit ka kay Ricailee wala naman syang ginagawang masama ah."
"Yun na nga! Wala syang ginagawang masama pero naiinis ako sa kaniya. As in!!!"
"Bakit? Dahil nasasapawan ka nya sa kagandahan? O baka dahil nag seselos ka kasi mas pinapaboran sya ni Lernard?"
"Shut up! Wala akong pakialam sa babaeng yon! Ang sakin lang epal sya pa mysterious effect! Feeling famous di naman bagay! Tsss!"
Sa isip-isip naman ni Kier "di famous eh kilala na si Ricailee dito sa buong campus dahil kapatid nga sya ni Xitian."
Samantala sa lugar kung nasan si Xitian...
"Kumain kayo ng madami mamimigay rin kami mamaya ng mga school supplies." Sabi ng isa sa tauhan ni Xitian sa mga bata.
"Opo. Salamat po." Sagot ng mga bata.
Lumapit naman si Cymiel kay Xitian na nakaupo sa mag bandang unahan habang pinagmamasdan ang mga bata na nakain.
"Boss."
"Oh? Kamusta si Ricai? Nakauwi na ba sya ng dorm?"
"Hindi po sya dumiretso ng dorm nya. Niyakag po sya ni Ms. Tasha sa bahay nito para doon na tapusin ang kanilang ginagawang project."
"Ah...ganun ba... Kamusta ang araw nya hindi ba naman sya na bully?"
"Hindi po Boss. Pero nabalitaan kong gusto na ng mga kaklase ni Miss na kaibiganin sya lalo na si Mr. Lenard."
"Ano? Sino?"
"Si Mr. Lenard Santiago ang escort ng klase nila Ms. Ricai at ang anak ni Sir Santiago ang head teacher po ng University."
"So... he want to be Ricai's friend? Huh! He has the guts ha?!"
"Hindi lang naman po si Mr. Santiago ang gusto makipag kaibigan kay Miss pati rin po ang iba pa nilang mga kaklase pero wag po kayo mag alala may mga tauhan po tayong nakabantay sa mga lalapit at makikipag kaibigan kay Miss."
"Good. Siguraduhin nyong hindi mabubully si Ricai panatilihin nyong lihim ang identity nya mabuti ng mapagkamalan ng lahat na mag kapatid kami. Para hindi sya basta lalapitan ng kung sino lang."
"Yes Boss."
"You may go, balitaan mo ko mamaya kung nakauwi na si Ricai at alamin mo rin kung may kailangan sya."
"Copy Boss."
Pag alis ni Cymiel may lumapit kay Xitian na isang lalaking mukhang business man.
"Yow bro!"
"Brilliant?"
"Yeah... wassup?"
They do some secret handshakes na sila lang ang nakaaalam. Si Brilliant Ricafort ay pinsan ni Xitian at ito rin ang Consigliere ng gang.
The Consigliere is the third-in-command in the family and the Boss's closest advisor.
"Kailan ka pa naka balik ng bansa?"
"Kanina lang tinawagan ko si kuya Wram sabi niya andito ka nga raw."
"Ohh... bakit di mo ko sinabihan na uuwi ka ngayong araw? Edi sana'y na pa sundo kita."
Naupo naman si Brilliant at ganoon rin si Xitian.
"Maiba tayo.... Balita ku'y may girlfriend ka na raw?"
"Ano? Sinong girlfriend ang sinasabi mo? At sinong may sabi? Si Eljo?"
"Bro, alam mong walang malilihim sa taong yon. Kaya lemme see her ng makilatis naman."
"Siraulo! Hindi ko girlfriend si Ricai para ko lang syang nakababatang kapatid na babae."
"Sus! Nakwento rin ni Eljo na parati ka na raw nangiti pag kasama mo yung Ricai pakilala mo ko."
"Wala kaming relasyon tsaka 16years old lang sya."
"Ano? Bro, sobrang bata nun."
"Isa pa isa syang mabait na bata na isang tunay na kuya ang tingin sakin."
"Ohh... Eh... ayos lang ba na kuya lang ang tingin nya sayo?"
"Oo naman at hanggang don lang yon. Pero..."
"Sabi na di mo kayang tiiisin."
"Oo kaya nga sinali ko sya."
"ANO?! Isinali mo sya?!"
"Oo? pero hindi nya alam ang "Mugshoteerz" sinabi ko lang sa kanya na kasali sya sa gang pero hindi nya alam ang tungkol doon. Pero alam niya itong ganitong operation."
"Tila ata giliw na giliw ka sa batang yon at mukhang pinoprotektahan mo sya."
Tumayo si Xitian at kumuha ng school supplies at tumulong sa pamimigay.
"Mabait syang bata na kailangang protektahan."
Brilliant smirked "he even smiled while saying that line. Now, I'm really interested to that Ricailee Villamor."
Sa magkaparehong oras....
Nasa kwarto na ni Tasha si Ricai at nag gagawa ng assignment nila ng matapos nilang gawin ang kanilang project.
Knock... Knock...
"Here your miryenda girls."
"Thanks Mom."
Si Edna ang nanay Tasha na isang housewife na mahilig mag luto.
"Salamat po tita."
"Nako wala yon mahilig talaga ako mag luto. Carbonara yan may shrimp bago kong recipe yan eh sana magustuhan mo."
"Hindi ka naman siguro allergic sa shrimp Ricai? Mahilig kasi talaga yang si Mommy na mag imbento ng kung anu-ano eh. Hehe..."
"Ah hindi ayos lang."
"Oh sya sige mauna na muna ako sainyo. Ahm... Ricai dito ka na mag dinner okay?"
"Po? Nako, nakakahiya naman po wag na po kayo mag abala."
"Don't worry girl masaya si Mommy na may ibang nakain ng luto nya kaya dito ka na mag dinner ihahatid ka nalamg namin. Right mom?"
"Oo hahatid ka namin. Kaya dito ka na mag dinner, okay?"
"Si--- Sige po."
Tuwang tuwa naman na lumabas ng room ni Tasha ang mommy nya.
"Pag pasensyahan mo na si Mommy ha? Ganun kasi talaga yun masaya kapag may bisita kami dito sa bahay."
"Ah... Okay lang nakakatuwa nga eh na miss ko tuloy bigla si mama."
"Lagi ka siguro nyang tinagawagan no?"
"Ah...Oo bukas nga eh birthday nya kaso may pasok naman tayo kaya di ako makakauwi samin."
"Hmm... if you want mag padala nalang tayo ng gift sa kaniya sagot ko na ang letchon."
"EHHHHH????"