アプリをダウンロード
100% Breaking the wall between us / Chapter 17: CHAPTER 16

章 17: CHAPTER 16

"HEY BUKS! WHAT TOOK YOU SO LONG?"

Napatitig lang talaga ako sa kaniya.

Sino si Buks?

Ako ba ang kinakausap niya?

"Hay! Ano ba 'yan! 'Yung buko pandan ko! Bakit ba ngayon ka lang dumating?!"

Napabalikwas ako para kumawala sa braso niya nang bigla niya akong nilapitan at inilibot ang braso niya sa leeg ko.

"ANO BA! Bitawan mo nga ako!"

"Ba't ang tagal mo dumating ha? Kanina pa ako nagugutom!"

Ginulo-gulo niya pa ang buhok ko kaya nasuntok ko ng mahina ang braso niya.

"Wala ba kayong pagkain dito o kaya naman ref?! Ganiyan ka na ba ka-patay-gutom para saktan ako?"

Mas hinigpitan pa niya ang pagkakaipit sa leeg ko kaya mas sumimangot ang mukha ko sa sakit.

"'Yang buko pandan mo ang gusto kong kainin, bakit ba?!"

Halos magtatatalon na ako para lang makawala sa kaniya pero sobrang higpit talaga ang pagkakaipit niya sa akin.

"GUMAWA KA NG SARILI MONG BUKO PANDAN! HUWAG MO AKONG PINAPAPROBLEMA!"

Sigaw ko dahil ang sakit na talaga at nangangalay na ang leeg ko kayuyuko.

Nang makahanap ako ng chance na maabot ang kamay niya ay hinawakan ko 'yun sabay kagat na parang asong gutom na gutom dahil ilang araw ng hindi pinapakain.

"WAAAAAAAAAAAAAH!!"

Napasigaw na rin siya sa sobrang sakit pero hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya.

"What are you two doing?"

Pareho kaming napahinto at napatingin sa babaeng nasa harap namin.

Naka-crossed arms na magkahalong gulat at pagtatakang nakatingin si Riza sa aming dalawa. Nakakunot ang noo at magkadugtong ang mga kilay.

Walang makasagot sa amin dahil napa-freeze kami sa posisyon naming.

"Ano bang nangyayari dito Riz? RJ?"

Nanlaki naman ang mga mata ko nang dumating si RD at nagtataka ring nagtanong kay Riza nang Makita ang posisyon namin.

"I don't know kuya. Nadatnan ko na lang na ganyan na sila."

Napatingin ako ng diretso kay RD na nakakuot na rin ang noo.

"Ahh.."

Agad ko binitawan ang kamay niya at napaayos ng tayo. Sinuklay-suklay ko pa ang buhok kong ginugulo niya kanina.

"Wala! Wala!"

Pero natigilan ako nang mas kumunot pa ang mga noo nila at si Riza ay para pang nagpipigil ng tawa.

Okay. Sobrang taas nun Menggay. Nagmumukha kang defensive masyado.

"Wala. Hehe. Tinikman ko lang kung ano ang lasa ng ganiyan kaputi at kakinis na balat."

Napangiti pa ako sa kanila ng bahagya saka napatingin kay Alden at sa kamay niya.

Pero OMG!! Namumula ng sobra ang part ng kamay niyang kinagat ko.

Napahawak pa siya dito saka hinihipan sa sobrang sakit siguro.

Sorry na pero deserve mo din talaga 'yan. Ikaw nauna eh.

Napa-peace sign pa ako sa isip ko.

Agad naman niyang itinago sa likod ang kamay na namumula at may bakat pa ng mga ngipin ko saka ngumiti sa mga kapatid.

"O-ou nga Riz, kuya. At mukhang nasarapan nga siya kasi hindi niya agad binitawan ang kamay ko. Nasarapan ata masyado."

Napatingin siya sa akin na para bang nagsasabing ang sakit-sakit ng pagkakakagat ko sa balat niya. Pinanlakihang ko lang siya ng mata.

Buti nga sayo! Patay-gutom ka.

Mapanaket.

Hindi naman ako nakapalag nang agawin niya bigla ang plastic na dala ko kung nasaan ang mga buko pandan sa kamay ko.

"Salamat dito."

Aniya sabay talikod at naglakad papuntang hagdan. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"Hindi ka man lang nagsabing pupunta ka rito Mine. At nagdala ka pa ng favorite kong buko pandan."

Naka-pout pang sabi niya nang muli ko siyang nilingon.

"Surprise! Hahaha. Siyempre alam ko namang hahanap-hanapin mo talaga 'yung buko pandan kaya nagdala na ako. Kaso kinuha lahat nung gutom mong kapatid."

Napalingon pa ako sa pinaglakaran niya kanina saka muling ibinalik ang paningin kay RD. Bahagya namang napatawa si Riza.

"No problem sa akin 'yun. Nanakawin ko na lang 'yung isa dahil for sure marami 'yung dinala mo mamaya sa kwarto niya."

Napatawa na rin ako sa sinabi niya.

Hays. Buti pa 'tong kuya niya sobrang bait at understanding pa. Hindi tulad nung isa jusko nangri-wrestling para lang sa buko pandan.

Mukhang dapat magpapa-mediko legal na talaga ako nito. Nang mapagkakitaan ko naman ang pananakit ng isang 'yun.

"Halika nga rito nang mayakap kita."

Sabi pa niya pero hindi pa man ako makasagot ay nilapitan niya ako't niyakap ng mahigpit na para bang ilang taon niya akong hindi nakita. Napangiti tuloy ako.

Flattered ang lola niyo.

"Hmmmm.. I miss you so much!"

Niyakap ko na rin siya.

"Ay naku! 'Yung isa nangri-wrestleng tapos itong isa naman nangyayakap ng sobrang higpit na akala mo'y walang bukas. Maiwan ko na nga kayo baka langgamin pa ako sa sobrang tamis niyong dalawa."

Napalingon naman kami pareho kay Riza na napaikot pa ang mga mata.

"Pero ate Maine pahingi na rin ako nung dal among buko pandan ah? Magnanakaw din ako ng isa sa kwarto ni kuya mamaya."

Tinaas-babaan niya pa ako ng kilay saka ngumit ng malapad.

"Sure. Basta lang hindi ka nun mahuhuli baka kasi ikaw naman ma-wrestling nun."

Nakangiting napatango siya saka tumalikod na sa amin at naglakad papuntang kusina.

Nang wala nang ibang natira ay nagkatinginan kaming dalawa habang yakap pa rin ang isa't isa saka sabay na natawa sa hidi malamang sagot.

"Na-miss talaga kita ng sobra Mine."

Nagpapa-cute pang sabi niya. Napangiti ako.

"Grabe ka. Kagabi lang magkasama tayong kumain tapos ngayon gaganiyan ka. Abusado. Baka masanay ka nang ganyan."

Piningot ko pa ang ilong niya na ikinatawa na naman niya.

"Sanayin mo 'ko pleaseeee.. Dito ka na kumain ha?"

Aniya na hindi pa rin ako binibitawan.

"Marami akong deliveries ngayong araw eh. Sorry."

Ngumiti naman siya ng malapad. Napatingin siya sa mga mata ko tapos bumaba sa ilong ko hanggang sa napatitig ang mga mata niya sa labi ko na agad nagpainit sa mukha ko.

Lunok.

"It's okay. May next time pa naman."

Lunok ulit.

Napaka-airy ng boses niya at para bang ibinubulong niya lang 'yun sa tenga ko na nagbigay ng kung anong kiliti sa buo kong katawan.

Napangiti ako.

Sino ba ang hindi mafa-fall sa ganito ka-sweet na tao?

Hindi na ako nagtagal at baka makita ko pa ulit 'yung manyakis na patay-gutom pa. Hinatid na din ako ni RD papalabas ng bahay nila at sinundan ako ng tingin hanggang sa makalayo ako.

"MEM NAKITA MO NA ANG LATEST CHIKA THIS MORNING?!"

Bungad agad ni Ma'am Dina pagkapasok ko pa lang ng Faculty office naming.

Sinusundan niya lang ako ng tingin hanggang sa mailagay ko na ang mga gamit ko sa aking table.

"Bakit anong meron ba?"

Nag-unat pa ako dahil maaga pa naman.

"May kumakalat ngayon sa social media na picture ni Alden Richards kasama 'yung rumored girl na dini-date daw niya! Nakakalerki talaga mem. Hot topic 'yun ngayong umaga lang at trending pa sa Twitter!"

Napakunot ang noo ko nang maalala ang mukha ng babaeng kasama niyang nakikain last last week.

Naalala ko rin tuloy kung paanong hindi haolos ako makatayo sa sobrang sakit ng paa ko katatapak niya.

'Yung manyakis na patay-gutom na 'yun.

Teka patingin nga mem.

Pati ako na-curious na rin kung gaano ka-sweet 'yung lalaking 'yun sa dini-date niya na kung tutuusin ay napakaantipatiko at manyakis naman 'yun sa totoong buhay. At nambubugbog pa ng pisikalan kahit sa mga babae.

Lumapit ako sa kaniya at nakitang napa-scroll siya sa phone niya para hanapin 'yung sinasabi niyang picture.

"Ayan mem oh."

Halos lumuwa talaga ang ga mata ko nang makita ang picture. Biglang nag-zoom in to the highest level ang paningin ko sa lalaking malapad ang ngiting kita ang dimple sa kaharap niya sa isang mesa. Halatang may pinag-uusapan silang nakakatawa dahil masayang-masaya 'yung Alden na 'yun.

"Naka-blurred 'yang picture pero alam mo ba ang mas hot na chika diyan? Nandito daw sa school natin 'yang si ate girl ayun sa reliable source ko mem. Ang swerte niya no? Akalain mo 'yung makaka-date mo ang isang Alden Richards! Eeeeeeh! Kapag ako 'yun baka maihi pa ako sa sobrang kilig at magsi-selfie talaga kami ng maraming-marami!"

Pagtititili pa ng kasama ko. Napakunot-noo ako.

Eh ako 'tong nasa picture gaga!

Patago akong napailing.

Bakit sa lahat ng pwedeng kumalat na picture nung dini-date ng manyakis na 'yun eh ako pa na hind inga kami magkasundo nun?

Juskoooo!

'Yung picture ay nakunan 'yun nung bumili siya sa akin ng mga buko pandan at pinadaan niya lang ako sa resto na kinakainan nila nung Ginang Bagyo. Timing lang na kaming dalawa lang ang nasa picture dahil nasa CR pa 'yung kasama niya which is pinagpasalamat ko dahil hindi kami nagpang-abot.

Sandali lang talaga ako dun dahil ayokong makita ang pagmumukha ng madrasta ng taon. Baka kumulo na naman ulit ang dugo ko't ma-high blood na ako.

Mabuti na lang talaga blurry ang mukha ko sa picture kundi baka pati ako ngayo'y pinagpipiyetsahan na ng mga supporter at bashers niya.

Paano na lang kung makita 'yun ni Kyline? Ano ang sasabihin niya?

Aaghhhh! Kainis talaga 'yang mga paparazzi na 'yan. Dinadamay pa ako sa mga artista thingy na 'yan.

"Huy mem! Tulaley ka na diyan. Laki ng problema mo te? Or baka naman nagseselos ka kasi may jowa na 'tong si Alden? Don't worry mem marami tayo."

Aniya kaya binigyan ko siya ng Eww look na ikinatawa ni.

Buong maghapon talagang 'yung picture ang nasa isip ko. Hindi ko maiwasang mag-alala baka maging dahilan pa 'yun ng hindi pagkakaunawaan nilang magkapatid. O kaya nama'y baka mamisinterpret pa ng mga fans niya at ako pa ang ma-bash na kung tutuusin ay nanahimik lang naman ako dito.

Unknown number calling...

"H-hello? Sino 'to?"

Sagot ko ng tawag dahil minsan may mga taong tumatawag sa akin tungkol sa trabaho or sa online business ko para umorder na hindi ko nasi-save ang number.

"Hindi mo pa rin sini-save number ko no?"

Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig nang marinig ko ang boses niya.

Bumuntong-hininga muna ako.

"Bakit required bang i-save ko number mo?"

Inis na tanong ko.

"Bakit hindi ba qualified number ko sa contacts mo?"

Balik naman agad niya sa tanong ko. Nasapo ko ang noo ko.

Bakit sa buong maghapong naiinis ako sa picture na 'yun ay boses niya talaga ang maririnig ko pagkarating ko ng bahay? Gusto ko ng katahimikan jusko naman.

"Ano ba kasi kailangan mong manyakis ka ha? Kotang-kota na ako sa'yo ngayong araw. Dun sa picture pa lang na kumakalat ngayon na nagdi-date tayo kota na ako tapos ngayon tatawag-tawag ka pa. Hays buhay."

Napamasahe pa ako sa batok habang naglalakad papuntang kwarto. Pabagsak akong nahiga sa kama at tulalang nakatingala sa kisame.

"'Y-yun nga ang dahilan kung bakit napatawag ako."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya.

"Sorry. Pasensya na kung nadawit pa pangalan mo sa akin. Alam mo namang hindi naming kontrolado lahat ng nakakakita sa akin at sa mga taong malalapit sa akin. Lalo nang ngayon ka lang siguro nila nakitang malapit sa akin."

Biglang nagdugtong ang mga kilay ko sabay ng pagkulo ng dugo ko sa sinabi niya.

"At kasalanan ko pa ngayon?! Kasalanan ko pang naghahanapbuhay ako ng maayos at marangal? Woy kahit buko pandan lang bumubuhay sa akin pero proud ako dun. Ako pa ba mag-aadjust sa'yo porke't artista ka? Anong akala mo sa akin maghi-hijab maka-deliver lang sa'yo ng buko pandan?!"

Singhal ko ng pagkahaba-haba. Hindi ko mapigilan sarili ko talaga kapag ganitong ako ang tama pero pinamumukha nilang ako pa ang may kasalanan.

"'Yun nga din ang dahilan kung bakit ako napatawag. Kasi gusto ko sanang umorder ulit ng buko pandan kasi natikman ng mga katrabaho ko at mga production staffs 'yung dinala ko nung nakaraan. Umorder sila sa akin dahil nasarapan daw sila kaya ako na lang din ang oorder sa'yo."

"ANO?! Tapos ipapahamak mo na naman ako niyan. Aba'y hindi ko isusugal privacy ko para lang sa buko pandan mo. Ay hindi!"

Pagmamatigas ko pa. Bahala siyang gumawa ng sarili niyang buko pandan.

"Ayaw mo talaga sa 50 orders ng isang bagsakan?"

Tanong pa niya na ikinalaki ng mga mata ko. Napabangon agad ako.

"50?! Tataa?"

Hindi pa rin ako makapaniwala. 'Yung 50 pieces kasi pang-isang araw na delivery ko na eh. Mas marami akong maibebenta kapag nagkataon. At dadami pa customers ko.

"Yup. 50. Ano deliver ka na bukas?"

Paninigurado niya pa kaya napaisip ako.

"Wait. Baka ma-picture-an na naman ako niyan. Naku ayaw ko sa buhay na maraming bashers juskoo! Pero saan ko ba ihahatid 'yung 50?"

Narinig kong napatawa pa siya sa kabilang linya.

"Tatanggapin din naman pala kung anu-anong prinsipyo pa sa buhay pinagsasasabi. Iti-text ko na lang sa'yo address."

Natatawa a rin niyang sagot. Napa-pout ako sa inis.

"Sige, sige. Pero teka, alam ba ni RD na oorder ka sa akin? Wait tatawagan ko muna siya."

Iko-conference call ko na sana si RD pero napatigil ako sa sunod na sinabi niya.

"Bakit boyfriend mo ba siya?"

Naiwang nakanganga ang bibig ko pero walang salitang lumalabas. Napasinghap ako ng hangin.

"H-Hindi!"

Usal ko nang maka-recover. Hindi ako nakailag dun ah.

"'Yun naman pala. Besides it's your personal business kaya desisyon mo lang ang dapat mong i-consider. So ano, deal?"

"Okay. Deal."

Sabi ko nang maiproseso ng utak ko ang sinabi niya. May point nga naman din kasi siya.

This is purely business at hindi ko jowa si RD so no need to consult him. For sure susuporta naman 'yun sa akin.

"Hello manyakis na patay-gutom! Andito na ako sa address na binigay mo. Asan ka ba?"

Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya kaya napaikot ang mga mata ko.

Nasa tapat ako ng isang set at may ilang mga artistang nagsu-shoot ng eksena. Medyo marami ang mga tao pero walang nakapansin sa pagdating ko.

"Okay nakikita na kita. Pumasok ka sa ikalawang tent mula sa'yo, nandito lang ako sa loob."

Napalingon-lingon ako sa paligid at may nakikita akong tatlong tents. Iniwan ko muna ang scooter ko sa gilid saka naglakad na papunta sa tent na sinasabi niya.

"Excuse me po. Nandiyan po ba si Alden sa loob?"

Tanong ko sa isang medyo chubby na babaeng kakalabas lang ng tent.

"Oo andiyan siya. Ikaw ba 'yung hinihintay niya?"

Tumango ako.

"Sige pasok ka lang."

Nagpasalamat ako sa kaniya saka hinawi ang tent para makapasok.

Tumambad sa akin ang malinis na loob ng tent na may limang folding beds na nakalatag. May mga salamin din na may mga ilaw ang nakalagay sa gilid.

"H-Hi! Heto na 'yung order mo, your highness."

Nakangiti kong bati sa kaniya na nakahiga habang nagbabasa ng script. Wala siyang ibang kasama kaya siguro mas gusto niyang dito aralin ang mga linya niya. Tahimik din ang paligid.

Inabot ko sa kaniya ang dalawang plastik na naglalaman ng mga buko pandan na in-order niya.

"Pakilapag na lang diyan."

Tinuro niya lang ang mesa sa may gilid nang hindi man lang tinatanggal ang paningin sa binabasa.

"Kunin mo 'yung wallet ko dun. Nandun 'yung pambayad."

Utos niya pa sa akin.

"Senyorito ka at utusan mo 'ko?"

Bwisit na bulong ko sa sarili habang naglalakad papunta sa sinasabi niya. Dahil nasa bulsa ng pantalon iya ang wallet na sinasabi niya ay medyo napapikit pa ako nang kapain ko ang bulsa nito.

"OMG! Buko pandan po ba 'yan kuya Tisoy?"

Napalingon ako sa bababeng kapapasok palang. Hindi siya 'yung babaeng tinanong ko kanina.

Malapad ang ngiti niya habang nakatingin sa plastik na nilagay ko sa mesa kanina.

Agad siyang naglakad papunta sa mesa at hinalungkat ang laman ng plastik.

"Kukuha na ako ng isa kuya ha?"

Nginitian lang siya ni Alden saka tumango. Nailipat naman ang tingin niya sa akin at unit-unting Nawala ang ngiti niya.

"H-hi po. Andyan ka po p-pala."

Napapahiya siyang ngumiti at kumaway sa akin kaya ngumiti na rin ako habang nakasiksik pa rin ang kamay ko sa pantalon nitong manyakis.

"Kayo po ba ang dini-date ni kuya Tisoy?"

Nanlalaki ang mga mata niya na para bang may naaalala nang makita ako.

Napakunot naman ang noo kong napalingon ako kay Alden na nasa papel pa rin ang paningin saka ibinalik ang tingin sa babae.

"A-ako?"

Naituro ko ang sarili ko. Agad siyang tumango.

"Opo! 'Di ba po kayo ang nagdala nitong buko pandan?"

Tumango ako, confused pa rin.

"Edi ikaw nga po talaga ang dini-date ni kuya. Kasi sabi niya sa resto sila magkikita ng palaging nagdadala sa kaniya nitong buko pandan nung unang pinatikim niya sa akin 'to. At saka 'di ba dun sa resto din sila nag-date nung pinopormahan niya with the same date dun sa viral picture ngayon? 'Di ba kuya Tisoy?!"

Mahabang litanya niya na napatanong pa kay Alden na tiningnan lang siya saka ngumiti. Mas nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

Grabe theory nitong isang 'to kung sino man siya. Para siyang kamag-anak ni Einstine at ng mga scientists. Mas malala ang teorya niya kesa dun sa Big Bang.

"Te..."

Sasagot na sana ako at sabihing maling-mali siya sa reasoning skills niya pero agad dumapo ang paningin niya sa kamay ko sa loob ng bulsa ng pantalon niya.

"Ang sweet mo naman po ate kasi pinagsisilbihan mo talaga si kuya. Ikaw naman kuya Tisoy bakit inuutusan mo pa si ate ganda na iabot sa'yo ang jeans mo? Ngayon nga lang siya dumalaw sa'yo dito mismo sa set tapos aalipinin niyo lang po."

Malapad ang ngiti niya at nanunukso pa ang mga tingin. Napatingin ako kay Alden na nagpipigil na ng ngiti.

Mamaya ka talagang manyakis ka. Makikita mo talaga. Pinapahamak mo talaga ako eh.

Halos pagbabalatan ko na siya ng buhay sa isip ko habang nilalaro-laro sa mga palad ko ang wallet niya sa bulsa. Kung pwede lang talaga ibato ko 'to sa mukha niya. Naku, naku, nakuu!

"Ganyan talaga ako kamahal ng ate mo. Napaka-sweet talaga niyan. Kulang na nga lang siya magpasuot sa akin ng mga damit ko eh."

Napaupo siya at sabay pa silang dalawang tumawa. Nakakaloka. Ang kapal ng kalyo sa mukha!

Nakita ko pang namula ang babae sa sobrang kilig. Napaikot na lang ang mga mata ko.

"Jen pwede iwan mo muna kami ng ate mo? May pag-uusapan lang kami."

Usal niya kaya agad inilapag ng babae ang lalagyan ng buko pandan.

"Sure po kuya. Support ko po kayo ni ate. Pero pwede favor po?"

Pinagdikit pa niya ang kaniyang mga palad at animo'y napa-puppy eyes.

"Of course. Ano 'yun?"

"Pa-picture po sana ako sa inyo ni ate ganda hehe."

"Sure, walang problema."

Napapalakpak pa siya at tuwang-tuwang lumapit kay Alden sabay open ng camera sa phone.

"Ate ganda usog pa po kayo dito."

Nabitawan ko muna 'yung wallet niya sa bulsa at medyo lumapit sa kaniya.

"Lapit pa po ate. 'Yung sweet na pose po ninyong dalawa."

Medyo sinundot niya pa ako sa tagiliran dahilan para mas mapalapit ako kay Alden at magdikit ang mga balat naming. Napatingin ako sa kaniya at sumalubong sa akin ang mga mata niyang nakatitig na pala sa akin.

Lunok.

Ang kinis pala niya sa malapitan. At ang... g-gwapo.

Hinga ng malalim.

"One.. two.. three.. smile!"

Hindi ko napansing nag-click na pala ang capture button niya dahil hindi binibitawan ng manyakis sa tabi ko ang titigan naming.

"Waaaaaah! Ang sweet niyo! Ang lalagkit ng mga tinginan niyo nakakakilig. Yiiieeee!!! Isa pa pok ate ha?"

Naputol ko ang titigan naming nang mapatingin ako sa babaeng siniko ako sa tagiliran. Sobrang saya niya na parang batang nabigyan ng maraming kendi.

"Isa pa po ah? 'Yung nakasmile naman po kayo sa camera."

At 'yun na nga ang ginawa namin. Ewan ko na lang talaga kung okay 'yung mukha ko sa picture kasi napipilitan lang talaga ako sa mga nangyayari.

"Oh finger heart naman po."

"Wacky naman, wacky!"

"Duling-dulingan naman ng mata!"

"Pabebe naman ng kaunti kuya, ate."

"Labas dila naman po last."

Hays sa dami ng pina-pose niya sa amin talo pa naming ang nag-photoshoot para sa isang magazine cover.

Nangalay panga ko dun ah.

"Sige. Salamat po! Kuya alagaan mo po si ate ganda okay? And sana sagutin niyo na po si kuya Tisoy ate kasi parang love na love po talaga niya kayo. Tignan niyo po ngitian niya oh. Inspired na inspired."

Pareho pa kaming napatingin kay Alden na ngumiti kunwari at pinakita ang dimple niya.

"Bye po! Salamat ulit."

Masaya pa niyang paalam sa amin saka lumabas ng tent.

"Huwag po kayong gagawa ng milagro diyan ha? Maririnig kayo dito sa labas eh."

Habol pa niyang sigaw kaya nagkatinginan kami.

At doon ay muling tumahimik ang buong tent.

Walang gustong magsimula ng conversation.

Ang awkward nga naman kasi tapos inis pa ako sa manyakis na patay-gutom na 'to.

Nakita kong medyo lumapit siya sa akin kaya napaatras ako ng bahagya.

Mas lumapit pa siya sa akin kaya ilang hakbang paatras pa ang ginawa ko hanggang sa hindi na ako makagalaw dahil may mga gamit na sa likod ko. Papalapit na siya ng papalapit sa akin. Hanngang sa nasa tapat ko na siya mismo kaya napaliyad na lang ako ng kaunti at naipikit ko ang mga mata.

Ayokong makita ang gagawin niya sa akin.

Jusko! Liwanagan niyo po ang isip ng nilalang na manyakis na ito.

"Kukunin ko lang wallet ko. Huwag kang assuming diyan."

Napadilat ako at napasinghap ng maraming hangin nang makitang inaabot lang pala niya ang bulsa ng pantalon niyang naipit ko sa likod.

Umayos ako ng tayo saka napatikhim sa hiya.

Feeling ko ay umiinit ang magkabilang pisngi ko.

"Heto na ang bayad. Bayad sa pagpunta mo dito sa set ang sobra."

Inabot niya sa akin ang ilang libong pera mula sa wallet niya kaya agad kong tinanggap 'yun.

Binilang ko muna baka ma-scam pa ako nitong patay-gutom na 'to at tama naman ang sinabi niya.

"Geh. Una na ako. Salamat. Bye."

Walang anu-ano'y tumalikod na ako sa kaniya.

In-open ko ang phone ko at nag-scroll ng Facebook account ko baka may update na sila sa group chat namin. Pero napahinto ako bigla nang may mabasa akong shared post sa newsfeed ko.

Napalingon ako sa kaniyang nakaupo na ulit sa higaan niya at bakas sa mukha kong hindi alam ang gagawin ang pinaghalong kaba at pagtataka.

Napatingin naman siya sa akin.

"Taping for an upcoming teleserye. And nagkaroon ako ng chance makita at makapagpa-picture kay kuya Tisoy at girl na dini-date niya just today. She's so super ganda and friendly pa! Shared by Ronna Ortiz. Caption niya, this is it pansit. It's time for meeting our king's queen! Pm sa gustong malaman ang address nila. Shared ten minutes ago.."

Napatitig ako sa kaniya na nanlalaki na rin pala ang mga matang nakatingin sa akin.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko sa nabasa. Hindi na naming alam pareho kung ano ang maaaring mangyari.

Ilang sandali ay may narinig na kaming nagkakagulo sa labas kaya mas kumabog pa ang dibdib ko sa sobrang kaba. Napalapit ako sa kaniya.

A-anong gagawin ko? Makikita nilang ako ang nandito kahit hindi naman tayo nagdi-date!

Nagpa-panic na sigaw ko sa kaniya pero wala lang siyang imik. Parang hindi man lang siya kinakabahan sa mga nangyayari.

"Then let's date."

'Yun lang ang narinig ko at sa isang iglap ay nasa ilalim na ako ng folding bed niya. Buti na lang talaga at may kumot na nakalapag sa mismong bed kaya natatakpan ang ilalim nito sapat na para hindi ako madaling makita.

Ilang segundo lang mula nang mapadapa ako sa ilalim ay mas papalapit na ng papalapit ang malalakas na boses ng mga babaeng nakikipagtalo sa mga nasa labas.

Ngunit kasabay ng paglapit nila hanggang sa mapansin kong nakapasok na nga ang ilan sa kanila ay ang pag-ihip naman ng hanging napakasama ng amoy mula sa ibabaw.

Napatakip agad ako ng ilong dahil para akong nasusuka ako sa sobrang sama talaga ng amoy. Parang sinigang na baboy na ilang linggo nang hindi naitatapon.

"Hi girls!"

Halos hindi ko na marinig ang boses niyang malanding bumabati sa mga fans niya dahil pati sa tenga ko'y pilit pumapasok ang masangsang na amoy.

AAAAAAAAAAH! Manyakis na, patay-gutom na, UTUTIN PA! Pahinging oxygen please!


Load failed, please RETRY

次の章はもうすぐ掲載する レビューを書く

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C17
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン