アプリをダウンロード
13.15% THE DIFFERENT WORLD AND DIFFERENT TIME / Chapter 5: KABANATA 04

章 5: KABANATA 04

Tatlong araw na akong namamalagi sa nobelang ito at sigurado akong marami na ang magaganap sa pamamalagi ko nito at hindi ko na din alam kung paano ko iyon malalaman na naguumpisa na pala ang bawat kabanata..

"Binibining isabel may bisita ka ngayon.."

Nakangiting turan ni manang ising sa akin ng magtama ang paningin namin.. Buti na lang at mabait si manang ising feeling ko tuloy nagkaroon ako ng ina sa nobelang ito.

"H-ho?"

Anong ho lenzy.. Bahagya ko pang nakamot ang batok ko dahil sa tanung ko na ho?

"Narito ngayon ang heneral.." THYLANDIER!! tss.

Pagkasabi na pagkasabi ni aling ising sa pangalan ni thylandier kusa na lang akong napatayo sa pagkakaupo ko na mas ikinangiti ni manang ising.. Wag kang ganyan lenzy!! Mga fictional character lang sila at mga tauhan ng nobela mo!!

Teka!! Wala akong isinulat na magpapapigging si Don Mariano sa pagdating nya..

"A-ano pong ginagawa nya dito?"

Malamang dinalaw si manang ising.. Ano pa bang ineexpect mo lenzy? Wag mong sabihin na ikaw ang pinunta nya..

"Gusto ka nyang isama.. Pinaalam kana nya sa akin,iha."

Halos mapanganga ako sa harap ni manang isang sa sinabi nito.

"S-saan daw po?"

Nagaalangang tanung ko kay manang ising na ngayon ay nakangiti sa akin.

"Malay ko, iha. Mas mabuti kung ayusan na lang kita.. Pero bago yun ay maligo kana muna ng maging kaaya aya ka."

Nakangiting hinila ako ni manang ising papunta sa palikuran ng kwartong kinahihigaan ko kanina.

Bat ba kase nandito yun? Wala bang balak yun na pumunta kay nathalia at naisipan pa nya akong puntahan dito.

"Maligo kana at aayusan kita mamaya.. Pupuntahan ko lamang sa ibaba ang heneral."

Lumunok na muna ako bago ako tumango kay manang ising na nanatili parin ang pagkakangiti sa akin..

Pagkarating ko sa loob ng palikuran bahagya pa akong napatulala dahil hindi kona talaga alam kung ano na ang nangyayari sa nobelang ginawa ko ng kalahating taon.. Hindi kona alam kung ano ng mangyayari sa akin dito sa loob ng nobelang ito. Hindi ko din alam kung paano ako nakapasok dito at mas lalong hindi ko alam kung paano ako makakalabas sa nobelang ito.. Mababaliw na ata ako!!

Wala na akong nagawa kundi hayaang umagos ang tubig sa katawan ko.. Naalala ko na may hardinero si aling ising na laging nagiigib sa bundok kung saan may malawak na lawa doon.

"Nababaliw naba talaga ako? Hindi ba talaga panaginip ito?? Kung panaginip man ito sana dumating sina Erika at noime para gisingin ako sa nakakabaliw at nakakahibang na panaginip na ito."

Inis kong bulong sa aking sarili habang hinahayaan paring daluyan ng tubig ang buong katawan ko ng tubig bundok.

Anong gagawin ko ngayon?? Paano ako makakapagisip ng maayos kung nandito ako sa nobela ko.

Paano kung hindi na ituloy ni Ms. Pearl ang pag publish ng 'The Daughter of Governor and The Leader of Revolution' paano na ang mga pinaghirapan ko?

' I'll give you 3 months.. Buti na lang at may part II and part III ang nobela mo and last part ay ang ending.. Pagisipan mong mabuti at ayusin mo ang last part ng kwento.'

Halos laglag balikat akong tumayo sa pagkakaupo sa loob ng palikuran ng maalala ko ang hininging panugit ni Ms. Pearl ..

Tatlong buwan!! Matatapos ko nga sana ang ending kung hindi lang ako napunta dito sa loob ng nobela na ito..

Ano ang magiging takbo ng buhay ko dito? Ano to!! Aasa na lang ako kay thylandier ganun ba.

"Magisip ka nga lenzy.."

Inis kong sigaw sa sarili ko habang nakatayo at nagdadalawang isip kung lalabas ba ako dito sa palikuran.

"Iha... Isabel tapos kana bas a pagligo?"

Halos mapaatras pa ako ng marinig ang boses ni aling ising at bahagya pa itong kumatok sa pinto.

"O-Opo!! Palabas na po ako."

Inayos ko muna ang sarili ko bago ko binuksan ang pinto ng palikuran at pilit na ngumiti kay aling ising na may inilapag na asul na filipinyana.

"Isa ito sa paburito kong isuot nung ako'y kasing edad mo Isabel.. Bagay na bagay sa iyo ang kasuotang ito,iha."

Nakangiting turo ni manang ising sa inilapag nyang filipinyana. Ngayon lang ako makakapagsuot ng ganung damit.

Grabe ang ganda pala sa malapitan.

"S-salamat po manang ising.."

"Simula ngayon tawagin mo na lamang akong inay ising.. Mas matutuwa ako kapag tinawag mo akong inay,iha."

Napangiti naman ako.. INAY? Namiss ko tuloy ang parents ko.

"S-salamat mo inay.."

Nakangiti kong turan na syang ikinalaki ng ngiti nito sa akin.

"Halika tutulungan kitang isuot ito.."

Wala na akong nagawa ng tulungan ako ni manang ising sa pagsusuot ng filipinyana.

"Aayusan na kita.."

Nakangiti nyang turan at inalalayan akong maupo sa kama.

"S-salamat po mana--- este inay ising.."

Natatawang sagot ko kaya naman mas napangiti ito habang inaayos ang buhok ko.

"Wala ka mang kolorete sa mukha napakaganda at napakasimple mo.."

Matapos nyang ayusin ang buhok ko ay pinatayo nya ako at ipinaharap sa malaking salamin.

"Napakaganda mo Isabel.. Kaaya aya ang iyong simpleng ganda."

Nakangiti nitong bulong sa akin kaya naman ngumiti muna ako bago sumagot.

"Salamat po inay..."

Nakangiti kong pagpapasalamat sa kanya. Inalalayan naman nya akong lumabas ng silid hanggang sa makababa na kaming dalawa.

"Narito na ang binibini.."

Halos mapalunok ako ng magtama ang paningin namin ni thylandier.. Shit!! Ang gwapo nya. Hindi ko inaasahang mas lalo itong gumwapo sa itim nyang suot na coat at may itim ding sombrero.

Gosh self!! Wag mo syang pagpantasyahan..

"Napakaganda mo sa iyong kasuotan binibini.."

"S-salamat!!"

Lenzy wag kang mautal.. heler antagonist ng nobelang ito ang thylandier na yan.. Wag kang feeling character,lenzy.

Mabilis kong iwinaksi sa isipan ko ang mga naiisip ko.. Wag mong pagpantasyahan ang ginawa mong character.

"Kami ay aalis na aling ising.. Hihintayin ka na lang namin sa hacienda."

Huh!! Anak ng... Sunday naba ngayon? Hindi ako nainform na ngayon na pala magaganap ang piging na pinaghandaan ng mga Valdez.

"Makakaasa ka heneral thylandier.. Ako ay dadalo sa piging.. Iha, susunod na lamang ako sa hacienda."

Pilit lang na ngiti ang ipinakita ko kay aling ising..

"S-sige po.."

Tumango lamang si aling ising sa amin hanggang sa inalalayan ako ni thylandier makalabas ng panuluyan na pagaari ni aling ising sa tulong ng mga Valdez. Hanggang sa alalayan din ako nito na isakay sa kalesa na gamit nito.

"Magandang umaga binibining Isabel.. Ako nga pala si edwardo ang tagapangasiwa ni heneral thylandier.."

"N-nagagalak kong makilala ka g-ginoong edwardo."

Nakangiti kong sagot hanggang sa tahimik kaming tatlo papunta sa isang malawak na hacienda.

Teka!! Hindi ito ang hacienda ng mga Valdez..

"Dito kana muna binibining Isabel.. Pupuntahan ko lamang si Nathalia at isasabay natin sya pabalik n gaming hacienda."

Tanging tango na lang ang itinugon ko sa kanya.. Buti na lang at kasama si Nathalia Sebastian ang protagonist ng nobela na ito. Anak sya ng pinakamayaman at maimpluwensyang politiko at isang governador din ang ama nito..

Mabait, mahinhin at pilipinang pilipina ang datingan nya.. Kasing ganda sya ni Kathryn Bernado ang paborito kong actress.

*** ***

Halos pagpawisan ako ng marating namin ang hacienda nila thylandier..

Simula ng makasama namin si Nathalia Sebastian tila isa na akong hangin sa paningin nila. Buti na lang at ganun ang nangyari pero

may awkward moment kapag tinatanung ako ni nathalia at kapag nagtatama ang paningin namin ni thylandier..

"Exhale and Inhale lenzy.."

Bulong ko sa sarili ko at hindi ko pinahalata na natetense ako ngayong araw na ito.

"B-binibini..."

Mabilis akong nagpalinga linga ng may marinig akong boses.

"Binibini.."

Muli kong narinig ang isang boses kaya naman sinundan ko ang boses na narinig ko hanggang sa matanaw ko ang isang dalagang nakangiti at bahagya pang kumaway sa akin.

Tumingin na muna ako sa paligid bago sya pinuntahan.. Ang binibining maghahatid sana sa akin.

"S-sonya... Anong ginagawa mo dyan?"

Nagaalalang tanung ko kay sonya na bigla na lang akong hinila papunta sa likod ng puno.

"H-hindi kana dapat pumarito binibini..."

Huh!! Bakit naman?

"Binibini n-narinig ko ang Don at si heneral thylandier kanina.. K-kaya ka isinama ng aming senior upang ipagbili ka sa mga mayayamang kaibigan ng pamilya nila. Hindi mabuting pamilya ang napasukan mo binibini.. Kung kayat tumakas kana."

Napatulala na lang akong napatitig kay sonya.. Alam kong may mabuting kalooban ang sonya na ginawa ko sa nobelang ito kahit na may pagkamaldita pa ito.

Pero bakit pakiramdam ko sincere si thylandier?

"Naririnig moba ako binibini.. Umalis kana hanggat maaga pa binibini.."

Hulog balikat akong napatitig sa kanya at hindi ko magawang sumagot para bang may glue ang bibig ko dahil hindi ko ito magawang ibuka.

"Sonya!! Binibining Isabel tayo na sa loob ng aming mansion."

Bakit hindi ko magawang harapin ang lalaking nasa likuran ko.. Kitang kita ko naman ang gulat sa mga mata ni sonya ng makita kung sino ang nasa likuran ko ngayon.

"S-senior k-kayo po pala.. K-kinamuzta ko lamang ang binibini.. Aalis na po ako."

Pilit lang na ngiti ang bumalatay sa labi ni sonya bago nya ako talikuran ay tumango lang ito sa akin.

"Binibini tara na sa loob.."

Bakit, Bakit naman ako umabot sa ganitong sitwasyon?


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C5
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン