アプリをダウンロード
41.17% Sexy but Dangerous completed / Chapter 28: Chapter XXV

章 28: Chapter XXV

Please VOTE!

HEARTACHE

(Hello?)

"Alexander, it's me Ten." Bungad niya kay Alexander sa kabilang linya.

(For Pete's sake, do you what time is it?) inis na tanong nito.

"I know, it's 2am already. I just need a favor." Prangka niyang sabi dito. Sumeryoso naman ng tono si Alexander sa kabilang linya.

(What is it? At parang napaka halaga naman.) Seryoso na tanong nito.

"I just want you to find out everything about Arthur and the man called Black. Last thing is about the mission of the NBI today. The fake wedding thing, the set up." Sunod sunod na paliwanag niya dito.

(How do you know about Black? Talaga bang naghahanap ka ng gulo. Sawa ka na ba sa buhay mo?! Alam mo ba sinasabi mo?) May bahagyang panenermon ito.

"I know what I'm doing. So, please just help me. I need it tomorrow morning." Paki usap niya dito.

(You're in serious trouble Ten. Hindi ko ma ipapangako ang kaligtasan mo kapag sumali ka sa gulo na iyan.) May pagbabanta sa tono nito.

"I know man, but I have to do this."

(Fine, I'll find out everything. Just wait for your office tomorrow. And please be careful.) Iyon lamang at nag pasalamat siya at binaba na ang linya. He must know everything.

Basta tungkol sa batas at kriminal ito ang maasahan dahil napaka rami nitong koneksiyon.

Maaga pa ng siya ay nagising dahil hindi naka tulog, iniisip pa din niya si Heather. May ilan siyang bagay na na iintindihan at may mga bagay din na hindi.

Ilang sandali pa ay dumating na ang kanyang pinaka hihintay. May nag door bell sa kanyang condo unit.

"Password please." Sabi ng lalaki na inutusan ni Alexander.

Ito ay isa sa mga tauhan nito at isa sa mga negosyo nito ay ang po- provide ng security para sa mga big time client lalo na sa mga business tycoon.

"Since 2005." Iyon lamang ang sinabi niya at inabot sa kanya nito ang brown envelop na may laman na mga impormasyon na hiningi niya kay Alexander.

"Thanks." Sabi niya at isinara na ang pinto.

Aaminin niya na, hindi niya alam kung tama pa ang kanyang ginagawa dahil pinapaki elaman na naman niya ang trabho ni Heather na hindi dapat.

Pero nakapag desisyon na siya para sa ikakapanatag ng kanyang loob.

At ang pinaka malaking dahilan ay mahal niya si Heather at na realize niya na pagmamahal na pala ang nararamdaman niya noong una pa lamang sila magkita.

Hindi lang niya iyon inamin sa sarili dahil ito pa lamang ang unang beses na naramdaman niya iyon.

Pag ibig na pala iyon ngunit hindi pa niya alam. At sa kanilang muling pagkikita ay hindi niya na ito pakakawalan.

Kung kinakailangan niya itong suyuin ay gagawin niya at kahit dumaan pa siya sa butas ng karayom.

Wala siyang paki elam kung mahal nito si Arthur at kahit masakit iyon para sa kanya dahil hindi pa naman kasal ang mga ito kaya't may pag asa pa siya.

Hindi siya susuko dahil ang tagal niyang nag hirap dahil sa hindi niya alam kung mahal ba niya ito o hindi.

At ngayon na alam na niya ang sariling damdamin para dito ay ipaglalaban niya ito kahit hanggang kamatayan.

Kailangan niya malaman ang lahat ng nangyari para sa kaligtasan nito at hindi siya makakapayag na may makasakit dito.

Ang files ay may laman na mga litrato, dalawa sa mga ito ay kuha ni Arthur na naka suit at ang isa naman ay naka polo ito.

Pero ang isang litrato ay parang hindi si Arthur dahil kahit na magka mukha ang nasa litrato ay parang mag ka ibang tao ang dalawa na ito.

Na kumpirma niya ang kanyang hinala na marahil ay may kakambal ito dahil sa may singsing ito na gold sa kaliwang bahagi ng pala singsingan nito.

Ito ay may itim na malaking bato na may hawig sa mamahaling bato na opal samantalang wala naman singsing si Arthur ng makita niya ito sa ospital.

Nang matapos niyang mabasa ang lahat ng files na binigay ni Alexander ay hindi siya maka kilos sa kanyang kina uupuan.

Anong gulo ba ang pinasok ni Heather?

Isa palang Drug Lord sa Asya si Black at na kumpirma kahapon na ang kapatid ni Arthur iyon at wala talagang kinalaman si Arthur sa Drug Syndicate at nadamay lang ito.

Ang kasalan kahapon ay isang set up para mahuli na si Black ngunit ang hinihintay na si Black ay hindi kagaya ng inaasahan nila dahil kakambal pala ito ni Arthur at doon na nag simula ang problema kaya't pumalpak ang operasyon.

Ngayon ay naka takas si Black at hindi alam nino man kung saan ito pumunta. Delikado ang lahat ng naging parte ng misyon kahapon dahil maari silang balikan ano mang oras.

"She really is one hell woman. Hindi man lang niya inisip ang kanyang pina pasok." Na ibulalas niya. Kinakabahan siya hindi para sa sarili kung hindi para dito dahil nasa panganib ito.

(My informant texted me, Arthur is dead. I just want you to know. Be careful.) Iyon text ni Alexander.

Sapat na iyon para sumugod siya sa ospital. Pinuntahan niya ang dating floor at kuwarto kung nasaan si Arthur.

Ang hallway ay walang katao tao na tila walang nangyari kahapon.

Napaka tahimik ng paligid, samantalang kahapon ay parang may sakuna sa sobrang dami ng tao at may nagkaka gulo. minabuti niyang pasukin ang kuwarto na kinaroroon ni Arthur.

Ngunit wala ng laman ang kuwarto.

"Miss, nasaan na ang pasyente ng nasa room na ito?" Tanong niya sa nurse na naabutan niya sa hallway pagka labas ng pinto.

"Ay, Sir. Patay na po ang pasyente diyan. Pero nasa emergency room pa din po sila." Sagot ng nurse sa kanya.

"Sige, salamat." Pagapapa salamat niya dito at dumeretso agad siya sa emergency room. Tila naman hinihiwa ang puso niya sa inabutan niya.

Tila naman hinihiwa ang puso niya sa inabutan niya.

Nakita niya si Heather sa tapat ng pinto ng Emergency Room na wala manlang kabuhay buhay at naka tingin lamang sa kawalan. May hawak itong kuwintas sa kanan na kamay na hugis cross.

May kasama ito na isang babae. Kinaka usap nito si Heather pero para itong walang naririnig dahil ni hindi manlang ito sumasagot o kumikilos.

"Heather, just hang in there. Wala ka naman kasalanan kaya tama na iyan." Narinig niyang sabi ng babae. Minabuti niya ng lapitan ito.

Pero nagulat siya ng tumayo si Heather at nag lakad sa direksyon niya akala niya ay sasalubungin siya nito pero nabunggo siya nito at nilagpasan kaya medyo na wala ito sa balanse at napa upo sa sahig.

Siya na ang lumapit dito para tulungan itong itayo pero tinabig nito ang kamay niya at dahan dahan tumayo pero napa upo pa din.

Napaka sakit para sa kanya na makita ito na nahihirapan. Bakit ba kasi humantong pa ang lahat dito?

Kung sinabi niya sana na mahal niya ito nang nasa New York pa sila ay baka nag iba ang kapalaran nilang dalawa at baka masaya pa sila ngayon.

Kasalanan niya ang lahat, kung sana ay napa aga lang siya hindi na nangyari ang mga ito.

"James, please. Tama na, hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko sa'yo. Please." Sabi niya dito at dinamayan ito sa pag upo.

Inakap niya ito at tuluyan na itong umiyak ng umiyak. Walang tigil ang pag luha nito at humahagulgol ito. Napaka raming luha ang nilalabas nito.

"Please, hush. I can't see you like this. Mas gusto ko pa na nagtatalo tayo lagi kaysa ganito ka. It's not your fault. So, hush.." Sunod sunod niya na sabi dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin dito. Mababakas ang hirap sa mukha nito at kalungkutan.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C28
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン