アプリをダウンロード
15.38% Mature Enough (COMPLETED) / Chapter 2: Prologue

章 2: Prologue

Prologue

"Naka-move on ka na ba talaga, Irene?" Nakaka-ilang tanong na nyan si Shion. Paulit ulit na lamang ang tanong nya at pauli ulit na lamang din ang sagot ko.

"Oo nga, Shion. Paulit ulit na lang tayo?" Narinig kong bumuntong hininga ito bago ako tinignan mula sa mahabang salamin sa harapan namin.

"Sinisigurado ko lang naman, Irene. Malay natin, paulit ulit ka na palang nasasaktan, hindi mo lang sinasabi sa amin." Napa-irap ako dahil sa sinabi nya. Pero kalauna'y bumuntong hininga.

Hindi na ako sumagot sa kanya. Nanahimik na lamang ako at pinanood na lamang ang nag-aayos ng buhok at make up ko na gawin ang trabaho nya.

"Naka-move on na ako. Tapos na 'yon. Limang taon na. Pabayaan na lang natin at maging masaya nalang tayo para sa kanya." Mahinahon kong saad. Nakita kong tumingin sa akin si Shion upang tignan ang reaksyon ng mukha ko.

Ngumiti ako kay Shion.

"Sigurado ka, ah. Pero kapag hindi mo na kaya, iiyak mo lang." Natawa ako sa sinabi ni Shion. Ako? Iiyak? Tumingin ako sa sarili kong repleksyon.

Sa pagdako ng paningin ko sa salamin, sari saring alaala ang muling nagbabalik na tila kahapon lang nangyari ang lahat.

Yung saya na naramdaman ko noong magkasama kaming dalawa. 'Yung hindi ko maipaliwanag na emosyon noong magsimula syang manligaw sa akin. Weird man ang pamamaraan nya pero talagang napasaya nya ako ng sobra.

'Yung mga luhang tumulo noong mga panahong kailangan naming maghiwalay para hanapin at tuparin ang mga pangarap namin. Hindi iyon nasayang dahil 'yung luhang tumulo sa mga panahong magkalayo kami, napawi noong mga panahon na bumalik sya sa aking tabi.

Halos hindi na sya umalis noon, lagi nya akong gustong kasama. Pero alam kong may nagbago. Ramdam kong hindi na ulit kami tulad ng dati. Tawanan, hampasan, paglabas namin upang magsiya ay hindi na tulad ng dati.

Syempre, ilang buwan din kaming nawala sa tabi ng isa't isa at pabalik balik lamang sya. Pinilit kong i-work out ang relasyon namin, at ganoon din naman sya. Ngunit sadyang wala pa ata talaga kaming muwang sa ganoong klase ng relasyon. Wala pa akong alam kung paano panatilihin ang ganoon.

Ngunit hindi iyon naging hadlang para lang makasama ko sya at mapatagal pa namin ang relasyon namin sa isa't isa. Ginawa ko lahat, pero siguro sadyang may kulang. Pinaglaban ko sya ngunit sya naman ang unang bumitaw.

Napangiti ako. Sa sobrang dami ng pinagdaanan naming dalawa, nandito na sya, bumabalik at alam kong sobrang saya nya. Masaya rin ako.

"Irene, sinasabi ko na nga ba. Hindi ka pa nakaka-move on." Agad akong umiling kay Shion bago tumayo upang tignan ang kabuuan ko sa harap ng salamin.

"Naka-move on na nga ako, paulit ulit." Umikot ako upang makita ang suot kong white gown.

Sobrang saya ko ngayon. At alam kong ganoon din sya.

"Sus! Kunwari ka pa." Rinig kong bulong ni Shion at tumayo na rin upang makita ang kabuuan ng kanyang suot na gown.

Nangingiti ako habang paulit ulit na umiikot. Na-e-enjoy ko ang paglobo ng gown tuwing umiikot ako. Ang sarap pagmasdan.

"Pak! Bagay na bagay sa'yo ang white gown, Irene." Ngumiti ako noong sabihin iyon ng nag-ayos sa aming bakla na si ate Gen.

"Ate Gen naman, lalaki ang ulo ko nyan kakapuri mo sa akin." Natatawa kong saad sa kanya. Lumapit ito sa akin at inayos ang buhok kong kumawala sa tainga ko.

"Maganda ka, Irene. Sobrang ganda. Kung hindi nga lang siguro tumagilid itong pagkalalaki ko, baka niligawan na kita." Napanguso ako sa sinabi ni Ate Gen. Nagbibiro nanaman ito.

"Pero seryoso ako, Irene. Maganda ka. At sigurado akong ikaw ang pinaka-maganda pag nasa simbahan na kayong lahat." Tinapik tapik ni Ate Gen ang balikat ko bago nagsimulang magligpit ng mga gamit pang-ayos nya.

"Yiee naman. Ang ganda nya!" Isa pa itong si Shion. Todo ang puri sa akin, baka mamaya ay lumaki na ang ulo ko sa kakapuri nila sa akin.

"Tse! Tara na nga, baka nag-iintay na ang Groom natin doon." Saad ko bago ko hinawakan ang kamay ni Shion upang hilahin palabas ng kuwarto.

Huminga ako ng malalim dahil kinakabahan ako. Nakalinya na kami patungong altar ng simbahan at halos himatayin na ako.

Kanina pa napapansin ni Shion ang pagiging hindi kalmado ko. Kasalanan ko ba iyon? Lalakad ako sa altar. At naghihintay sya sa taas ng altar. Sino ba ang hindi kakabahan doon?

"Go, go!" Pabulong na sigaw ng isa sa organizer. Dahan dahan na kaming naglakad at nakasunod lamang ako sa kaharap ko.

Tumingin ako sa harapan at natulala na lamang sa lalaking nagi-intay sa altar. Nakangiti ito at nakatingin sa akin. Ngumiti na lamang din ako sa kanya kahit pa naghaharumintado na ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

Parang bumagal ang oras noong mga sandaling iyon, nakatingin lamang ako sa kanya at ganoon din sya sa akin. Binilisan ko ang paglalakad at pumwesto agad sa upuang naka-assign sa amin.

Tinapik ako ni Shion sa aking braso noong matulala na lamang ako sa kawalan. Kasabay ng paglingon ko kay Shion ay ang pagkanta ng mga wedding singers. At unti unti, bumukas ang dalawang malaking pintuan ng simbahan at iniluwa doon ang isang naka-mahabang puting gown.

Napaawang ang labi ko sa mga oras na iyon. Tumingin ako sa kinaroroonan nya at nakita ang kislap ng mga mata at matamis na ngiti nya na dati ay sa akin nya binibigay.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib, sakit at higit sa lahat, paghihinayang at pagsisisi.

Naisip ko, paano kaya kung ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para mag-work ang relasyon naming dalawa? Pero ginawa ko ang lahat ng makakaya ko. Ako kaya ang nasa posisyon ng babeng naglalakad ngayon patungong altar at ang babaeng iniintay at papakasalan nya?

Aabot din kaya kami sa kasalang dalawa, o sadyang hanggang dito na lamang talaga kaming dalawa?

Pero isa lamang ang na-realize ko. Sa loob ng mahigit limang taon, hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. Ganoon parin at mahal ko parin sya.

Pero huli na ang lahat para sa amin---sa akin.

Dahil ikakasal na ang taong minamahal ko sa iba.

Ngunit sa kabila ng sakit at paghihinayang na nararamdaman ko ay may dalawa akong natutunan at nalaman ngayon.

Sometimes, the greatest love is not always the one you'll end up with.

Mananatili na lamang siguro akong mahalin sya ng patago. Hindi naman masama ang magmahal ng patago, hindi ba?

And I am mature enough to understand that we are not meant to be forever. And I am mature enough to wish him all the best and be happy with someone else.

• • •

Written by Chewzychick


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C2
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン