アプリをダウンロード
92.68% City Academy #1: Raiko Mihada (COMPLETED) / Chapter 38: Chapter 37

章 38: Chapter 37

CHAPTER THIRTY SEVEN

Out of control

"XIYUE, do you mind if i ask you one question?" Naitaas ni Xiyue ang mga mata nito kay Mali nang tanungin sya nito, ngumiti si Xiyue bago umiling bilang sagot sa tanong ni Mali sa kanya.

"Tungkol saan ba ang itatanong mo?" Pagbabalik tanong ni Xiyue kay Mali, nagbuga naman ng buntong hininga si Mali na tila nagdadalawang isip ito kung tatanungin ba nya ang dalaga o hindi.

Ngunit sadyang gusto nyang malaman ang kasagutan dahil matagal na nyang napapansin na tila may hindi pagkakaintindihan si Xiyue at ang kaibigan nyang si Raiko simula nang matamaan si Raiko ng Cursed needle.

Umayos na pagkaka-upo si Mali at ibinaling lamang kay Xiyue ang mga mata nito na tila gustong basahin ni Mali ang nilalaman ng isipan ni Xiyue.

"Nag-away ba kayo ni Raiko? I mean... May hindi ba kayo pagkakaintindihan?" Diretsong tanong ni Mali kay Xiyue na ikinakurap ng ilang beses ng dalaga, hindi agad nakasagot at nakabawi si Xiyue dahil sa ibinatong tanong sa kanya ni Mali.

Nang matauhan ito ay napalunok muna sya ng ilang beses at nag-iwas ng tingin mula sa mapanuring mga mata ni Mali. Ngumiti sya ng bahagya at yumuko, hindi nya alam kung anong isasagot kay Mali dahil kahit si Xiyue ay hindi na rin maintindihan ang sitwasyon nilang dalawa ni Raiko Mihada.

Ilang araw na nyang hinahanap si Raiko ngunit sadyang nagtatago sa kanya ang binata at hindi nya ito makita, at kung makikita man nya ay iwas naman ang binata sa kanya. Hindi na nya maintindihan si Raiko, gusto nyang itanong kung may nagawa ba syang mali para iwasan sya ng ganoon ni Raiko ngunit hindi nya magawa.

Mukhang natauhan naman si Mali sa tanong nya, ilang beses itong napakurap at gusto nitong tuktukan ang kanyang sariling ulo dahil sa kagustuhan nyang malaman ang dahilan kung bakit hindi na nya nakikita pa na magkasama ang dalawa.

"Kung iniiwasan ka ni Raiko, marahil may malalim syang dahilan kaya nya nagagawa iyon. Knowing Raiko, he can't risk your life. Kaya sigurado ako na may dahilan sya, tama. May dahilan si Raiko, right, Xiyue?" Isang mapait na ngiti ang isinagot ni Xiyue kay Mali na lalo lamang nakakonsensya kay Mali.

Gusto mang bawiin ni Mali ang mga naging tanong nya kay Xiyue kanina ay huli na dahil hindi na nya mabubura pa sa isipam ni Xiyue ang mga naging tanong nya tungkol sa kanilang dalawa ni Raiko.

"Sana nga may dahilan sya, sana malalim ang dahilan nya para matiis at saktan nya ako ng ganito." Sagot ni Xiyue at halata sa boses nito ang pagpipigil ng pag-iyak. Naitikom ni Mali ang kanyang bibig at hindi na nagsalita pa dahil baka kung ano ano nanaman ang lumabas sa kanyang bibig kapag hindi nya pinigilan iyon at baka mas makalala pa iyon sa sitwasyon ng dalawa.

Ilang segundo rin sigurong naging tahimik ang dalawa na tila nakikipagpakiramdaman sa kung anong sunod na gagawin ng bawat isa nang may tumunog na cellphone sa gilid ng inuupuan ni Mali. Mabilis na tumayo si Mali at kinuha ang telepono at agad na sinagot ang tawag mula sa kabilang linya, at habang nakikinig si Mali sa mga sinasabi ng nasa kabilang linya ay hindi nya maiwasang hindi mapatingin kay Xiyue na nakayuko lamang at pinaglalaruan ang daliri nito.

"Pero sa tingin ko nag-away ang dalawa, Westley. Isa pa, ikaw na ang nagsabi na wala ng kontrol si Raiko sa kapangyarihan nya, paano kung mapahamak si Xiyue dahil doon? Sigurado akong papatayin tayo ni Raiko kapag nangyari 'yon." Mahinang sagot ni Mali sa telepono matapos nyang marinig ang mga sinabi ng nasa kabilang linya na si Westley.

Mula sa kabilang linya ay maririnig ang isang malademonyong pagtawa na pamilyar sya kung sino ang may tumatawa, muling nilingon ni Mali ang direksyon ni Xiyue at nakatingin na ito sa kanya ngayon na tila nagtataka kung sino ang kausap ni Mali.

"He's really out of control, Westley. I can hear him laughing like a devil, and it's dangerous specially for Xiyue." Dugtong pa ni Mali habang hindi inaalis ang mga mata kay Xiyue na nakatingin din sa kanya.

Tumayo si Xiyue at dahan dahang lumapit sa kinaroroonan ni Mali na tila alam na nya kung sino ang kausap ni Mali sa kabilang linya, hinawakan ni Xiyue ang telepono na hawak ni Mali at binalingan si Mali ng isang tingin na nagtatanong kung maaari ba nyang makausap ang nasa kabilang linya.

"Can I talk to Westley? I have to ask him if Raiko is doing alright, I know it's dangerous but if it's for Raiko's safety, I'll do it." Saad ni Xiyue kay Mali, ilang beses pa na napakurap kurap si Mali na tila pinag-iisipan nito kung papayag ba sya o hindi sa gusto ni Xiyue.

Ngunit kalauna'y dahan dahan binitawan at ipinaubaya ni Mali ang telepono kay Xiyue, ngumiti si Xiyue bilang pagpapasalamat kay Mali na nakatingin lamang sa kanya. Gusto nyang bawiin ang telepono kay Xiyue ngunit naisip ni Mali na kailangan ni Raiko ngayon si Xiyue, alam ni Mali na delikado iyon para sa dalaga ngunit alam ni Mali sa sarili nya na hindi magagawa ni Raiko na saktan si Xiyue kahit pa may hindi pagkakaintindihan ang dalawa.

Kilala nya si Raiko, hinding hindi nya magagawang saktan ang mga taong mahalaga sa buhay nya. At si Xiyue lamang ang maaaring makapagpatigil kay Raiko.

"Westley, is Raiko okay?" Nanahimik si Mali at inaantay ang mga sunod na sasabihin ni Xiyue kay Westley. Ilang segundo rin na naging tahimik si Xiyue marahil dahil na rin sa naging sagot sa kanya ni Westley sa kabilang linya.

"Okay, i know it's dangerous. Pero kilala ko si Raiko, hindi nya ako magagawang saktan, Westley. Okay, i got it. I'll go there now." Huling saad ni Xiyue bago nya ibinaba ang telepono at muling binalingan si Mali na nakatingin lamang sa kanya.

"Are you sure about this?" Ngumiti si Xiyue bilang sagot sa katanungan na iyon sa kanya ni Mali, dahan dahan itong tumango at halata sa mukha nito na sigurado na sya sa kanyang gagawin.

-

HINDI makapaniwala si Xiyue mula sa mga nakikita nyang sitwasyon ng lugar na iyon. Mausok, madaming basag na salamin ang nagkalat sa mga sahig at higit sa lahat, ang nakakaawang lagay ni Vier na ang kalahating katawan nito ay tila nilamon ng sahig. Mula sa kinaroroonan ni Xiyue ay maririnig ang walang tigil na pagtawa ni Raiko at mga sigawan ng mga taong hindi nya kilala.

"Aron!" Agad syang tumakbo patungo kah Aron noong makita nya ang binata na sugatan, sunod nyang nakita ang duguan na katawan ni Westley habang si Cali naman ay umiiyak lamang sa isang gilid na tila takot na takot sa mga susunod na mangyayari.

"Damn it, Xiyue. What the hell are you doing here?" Kahit hirap sa pagsasalita ay nagawa paring magtanong ni Aron kay Xiyue kung anong ginagawa ng dalaga sa lugar na iyon.

"What happened here? Why Raiko is acting like that?" Imbes na sagutin ni Xiyue ang mga katanungan sa kanya ni Aron ay ibinalik lamang nya ang tanong kay Aron.

Gusto nyang malaman kung ano nga ba talaga ang nangyari sa lugar na iyon at kung bakit nawawalan ng kontrol si Raiko sa kanyang kapangyarihan. Matagal na simula nang mangyari ang pagkawala ng kontrol ni Raiko sa kapangyarihan nito, at alam ni Xiyue na kontrolado na ni Raiko ngayon ang kapangyarihan nya pero anong nangyari ngayon at bakit hindi nanaman nito makontrol ang kapangyarihan nya?

"Vair is dead, he was killed by his own brother. They're both out of control because of their powerful abilities. May sinabi si Vier kay Raiko na naging dahilan ng pagwawala ng kapangyarihan ni Raiko, but I don't know what it is." Sagot ni Aron habang pilit na pinahihilom ang sugat nya sa kanyang tagiliran na natamaan ng mga basag na salamin nang sumigaw si Raiko.

"I tried to stop Raiko, but I can't. I guess his ability level is not level 5 anymore, he's more powerful now." Dugtong pa ni Aron na ikinatigil ni Xiyue, umangat ang mga mata ni Xiyue upang tingnan ang nakatayong si Raiko habang ang mga itim na usok ay pumapalibot sa kanya.

"I can stop him." Desididong sagot ni Xiyue at tumayo, akma na sana itong tatakbo patungo kay Raiko nang pigilan sya ni Aron sa pamamagitan ng paghawak ng binata sa braso ni Xiyue.

"No, you can't. He can't recognise you." Hindi sumagot si Xiyue kay Aron, at imbes na sumunod kay Aron kinalas nya ang pagkakahawak sa kanya ng binata at dali dali itong tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Raiko.

Nang huminto na si Xiyue sa harapan mismo ni Raiko ay agad na nangunot ang noo ng binata na tila nakilala nya ang dalagang nasa kanyang harapan, bahagyang nawala ang kulay pula sa kanyang mga mata kaya naman napangiti si Xiyue nang makita iyon. Lalapit na sana si Xiyue patungo kay Raiko nang mapahinto sya dahil humangin ng malakas at umangat ang gilid ng labi ni Raiko, kasabay non ang pagbalik ng pula sa mata ni Raiko.

May lumabas na tila ipo ipong itim sa magkabilang balikat ni Raiko, muling tumawa si Raiko at mabilis pa sa alas-kuatro na tumama ang mga ipo ipo sa direksyon ni Xiyue. Hindi agad nakagalaw si Xiyue dahil sa gulat, hindi sya umalis o umiwas man lang sa paparating na ipo ipo sa kanya bagkus ay ipinikit nya ang kanyang mga mata at inantay ang pagtama sa kanya ng mga atake ni Raiko sa kanya.

-

3 chapters to go? Matatagalan akong mag-update dahil gagawin kong 3-4 k ang words ng last 3 chapters plus malapit na ang ending kaya kailangan kong pag-isipan ng mabuti ang bawat senaryo. Isa pa, tinatamaan nanaman ako ng Writer's block.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C38
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン