アプリをダウンロード
65.85% City Academy #1: Raiko Mihada (COMPLETED) / Chapter 27: Chapter 26

章 27: Chapter 26

CHAPTER TWENTY SIX

Raixon, The Scalar Manipulator

"SIGURADO ba kayo dito, Master?" Pagtatanong ni Yuoan kay Aixoneze na prenteng naka-upo sa backseat ng sasakyan habang si Yuoan naman ay nasa Driver's seat.

"I'm always serious, Yuoan." Sagot nito at ipinikit ang mga mata habang iniisip kung anong mga gagawin nya sa loob mismo ng Academy.

Hindi na sumagot pa si Yuoan dahil si Aixoneze na mismo ang nagsabi na seryoso ito sa kanyang binabalak, at alam ni Yuoan na katulad ng kambal nyang si Aikoze ay hindi magpapapigil ito sa kung anong pinaplano nya.

Tahimik ang dalawa na tinatahak ang mapuno na lugar palabas sa mundo ng mga tao at patungo sa City Academy. Napagpasyahan ni Aixoneze na pasukin ang City Academy upang maisagawa na nya ang kanyang plano. Ngunit alam rin ni Aixoneze na hindi magiging madaling gawin ang kanyang mga plano lalo pa't kapag nasa loob sya ng City Academy ay bantay sarado ang bawat gagawin nyang pagkilos.

Bumaba na si Aixoneze sa kanyang sasakyan at binalingan ang malaking gate na nasa kanilang harapan ni Yuoan. Hindi tulad ng ibang hindi ordinaryong paaralan, kakaiba ang City Academy dahil walang portal at barrier ang nakaharang dito. Para lamang itong simpleng paaralan na gate lamang ang harang kaya naman mas napadali ang pagpasok nila Aixoneze at Yuoan sa loob.

Kalmadong naglalakad ang dalawa patungo sa opisina ni Mali, at sa unang tingin sa mga tao sa loob ng C.A ay tila isa lamang iyong ordinaryong paaralan na walang kapangyarihan ang mga naroroon.

Tumigil ang dalawa sa tapat ng isang pintuan at akma na sanang bubuksan ni Aixoneze ang pintuan noong may pumigil sa kanyang mga kamay kaya naman nilingon nya iyon gamit ang walang emosyon nyang mga mata.

Bahagya syang umatras upang bigyan ng sapat na espasyo ang lalaking kilalang kilala nya. Tumaas naman ang kilay ni Xieke dahil sa ginawang kilos ni Aixoneze sa kanyang harapan, inangat ni Xieke ang kanyang kamay at agad na itinapat sa harapan ni Aixoneze.

Sa isang iglap ay may lumabas agad na apoy sa palad mismo ni Xieke patungo kay Aixoneze, ngumisi lamang ito bago hinayaang dumapo sa kanya ang apoy na gawa ni Xieke. Noong sandaling dumapo na ang apoy kay Aixoneze ay ngumiti sya kay Xieke dahil humina na lamang ang apoy na gawa ni Xieke.

"Scalar Manipulator, just like your twin." Saad ni Xieke dahil sa ginawang pagmamanipula ni Aixoneze sa kanyang binitawang kapangyarihan.

Ngumiti lamang si Aixoneze kay Xieke at naglahad ng kamay sa harapan ni Xieke, tinignan lamang nya iyon at hindi tinanggap hanggang sa magsalita si Aixoneze.

"Hindi ako katulad ng kambal ko na hindi pumapatay ng katulad mo, I'm worst than him when it comes to killing." Seryosong saad ni Aixoneze at iwinagayway ang kanyang kamay sa hangin.

Umangat agad ang mga bato na nasa kanyang paligid at tinipon nya iyon sa kanyang gilid, sinulyapan nya muna ang mga bato bago sya nang-aasar na tumingin kay Xieke.

"Gusto mong subukan?" Nang-aasar na hamon ni Aixoneze dito na agad namang ngumisi dahilan upang ibato lahat ni Aixoneze ang mga tinipon nyang bato patungo kay Xieke na nagpalabas na ng apoy upang malabanan ang walang tigil na pag-atake ni Aixoneze sa kanya.

Lumayo si Aixoneze upang mas makakuha ng tiyempo at kinontrol ang parte ng pader na nabasag upang mapatungan nya iyon at makalipad sya. Sa sandaling magawa na nya iyon ay agad nyang kinontrol ang hangin at pinalakad pa iyon para sa kanyag gagawing pag-atake kay Xieke.

Agad naman na kinontrol ni Xieke ang hangin para tapatan ang gagawing pag-atake ni Aixoneze sa kanya. Bumagsak ang ginagawang patungan ni Aixoneze na pitak ng pader sa hangin noong magawang makontrol ni Xieke ang hangin ang bumagsak si Aixoneze sa lupa.

Dahil malakas ang reflexes ni Aixoneze ay agad syang nakabawi at bago sya bumagsak sa lupa ay tinamaan nya si Xieke ng malaking pitak ng bato dahilan upang magdugo ang ulo nito.

Nagpamulsa si Aixoneze bago ngumiti ng nakakaloko kay Xieke.

"Hindi kita hahayaan na humarang sa mga plano ko," saad ni Aixoneze at tinignan si Yuoan na nakatingin lamang mula sa isang gilid sa kanilang dalawa.

"Hahayaan ko na si Yuoan na ang bahalang tumapos sayo, masyado mo na kasing sinasayang ang oras ko." Tinalikuran na ni Aixoneze si Xieke na agad nagpakawala ng isang fire ball patungo kay Aixoneze.

Agad namang hinarang ni Yuoan ang fire ball na dapat tatama kay Aixoneze gamit ang isang makapangyarihang spell at nagawa ni Yuoan na ibalik ang pag-atake na iyon ni Xieke sa kanya.

"Ikaw na ang bahala kay Xieke. Kill him if you want to," paalala ni Aixoneze sa kanyang tauhan na si Yuoan na agad namang tumango bilang sagot.

Nagsimula ng maglakad si Aixoneze papalayo noong magsalita si Xieke na ikinatigil nya. Hindi humarap si Aixoneze dahil ayaw nyang ipakita na interasado sya sa mga susunod na sasabihin ni Xieke sa kanya.

"Do you really think that the King of City Academy is the one who destroyed the Neamora City?" Ngunit kahit na anong pigil ni Aixoneze sa kanyang sarili na huwag pakinggan si Xieke ay hindi nya magawa lalo pa't ang Neamora City ang sinasabi nito.

Hinarap ni Aixoneze si Xieke ng kunot ang noo at matatalim ang mga mata. Ngumisi naman si Xieke dahil nagtagumpay syang kunin ang atensyon ni Aixoneze.

"What the fvck are you talkin' about?" Pagalit na tanong ni Aixoneze sa nakangisi ngayong si Xieke, kumuyom ang mga kamao ni Aixoneze dahil pakiramdam nito ay pinagkakatuwaan lamang sya ni Xieke.

"Well, sinasabi ko lang naman na napakatanga mo naman kung iniisip mo na ang Hari mismo ang may pakana ng pagsabog ng Neamora Academy." Nang-aasar na sagot ni Xieke kag Aixoneze na halos dumugo na ang palad dahil sa higpit ng pagkaka-kuyom nito.

Hindi sumagot si Aixoneze, tumalikod lamang sya dito at akmang aalis na noong magsalita muli si Xieke.

"Ask your twin about it, let's see kung anong sasabihin ng kambal mo. Kung aamin ba sya, o magdadahilan." Narinig pang tumawa ni Aixoneze si Xieke kaya naman sumabog na inis nito kay Xieke.

Sa sandaling humarap si Xieke ay ginamit nito ang kanyang kapangyarihan para mag-accelerate patungo sa harapan mismo ni Xieke at sinakal nya ito. Inihampas ni Aixoneze ang likod ni Xieke sa pader at matalim na tinignan si Xieke gamit ang naging pula niyang mga mata.

Kahit nasasaktan ay ngumisi parin si Xieke para mas lalong inisin ang kanyang kaharap. Lalong dumiin ang pagkakakapit ni Aixoneze sa leeg ni Xieke na halos mabali na nya ang mga buto nito.

"Bakit naman ako makikinig sayo?" Malamig na tanong ni Aixoneze at kitang kita ni Xieke kung paano lumabas ang mga itim na usok sa likod ni Xieke na tila nagsisilbing pakpak nito.

Pamilyar na pamilyar ang itim na usok na iyon kay Xieke, alam nito na may ganoon ang kambal ngunit gusto nyang malaman kung anong pinagka-iba ng dalawang kambal. Kung sino ba ang mas malakas sa dalawa.

Ngumisi si Xieke at bahagyang iginalaw ang kanyang ulo pagilid bago sumagot sa tanong ni Aixoneze sa kanya.

"Let's say, alam ko ang lahat ng mga tinatago nyang sikreto." Nakangising sagot ni Xieke kaya naman lalo lamang sumama ang aura ni Aixoneze kay Xieke.

Binitawan na ni Aixoneze ang leeg ni Xieke at tinalikura na ito, samantalang ay napahawak naman si Xieke sa kanyang leeg na sa pakiramdam nya ay nabali ang mga buto nya dahil sa sobrang diin ng pagkakahawak aa kanya ni Aixoneze.

"Sa tingin mo, ang Hari ng City Academy ang may gawa ng pagsabog. Mag-isip ka nga, Raixon. Ang Hari ay Hari lang, wala silang kakayahang pasabugin ng isang pitik lang ang buong Neamora Academy." Gumaralgal ang boses ni Xieke dahil bahagya syang napa-ubo.

Huminto si Aixoneze dahil sa sinabi na iyon nu Xieke sa kanya, napa-isip sya. Iyon din ang matagal ng bumabagabag sa kanya, na maaaring hindi ang Hari ng City Academy ang may kagagawan ng pagbagsak ng Neamora Academy na pinamumunuan nya.

Napaisip rin sya, kayang kaya ngang gawin ng kanyang kambal na si Aikoze ang sinasabi ni Xieke ngunit hindi nya maisip ang sagot kung bakit naman gagawin iyon ng kanyang kambal lalo pa't ang Neamora Academy din ang tinuturing na bayan ni Aikoze.

"Samantalang ang kambal mo, isang pitik lang ng daliri nya, isang galaw lang ng kamay nya, makakaya na nyang pasabugin ang buong City Academy." Dugtong ni Xieke sa kanyang sinasabi kaya naman napatiim ang bagang ni Aixoneze at humigpit ang pagkakakuyom nya sa kanyang palad.

Samantalang ay napangisi naman si Xieke dahil sa nakikitang reaksyon ni Aixoneze sa kanyang mga sinabi. Isa lang ang nasa isip nya, mukhang nagtagumpay sya sa kanyang plano at mukhang umaayon sa kanilang dalawa ng kaibigan nya ang mga pangyayari.

-

NAKABALIK na sila Xiyue at ang kanyang mga kasama sa loob ng City Academy, at ang unang sumalubong na balita kay Maestra ay ang pagpasok ni Aixoneze sa loob ng City Academy. Maski si Aron ay nabahala sa maaring gawin ni Aixoneze sa loob ng City Academy dahil ito ang Hari ng Neamora Academy.

Nababahala si Aron para sa mga estudyante na nasa loob ng City Academy dahil sa oras na magkita si Raiko, at si Aixoneze ay siguradong kapag naglaban ang dalawa ay maaaring maging abo ang buong City Academy kasama ang mga estudyante at matulad sa nangyari sa Neamora Academy.

"So, what's the plan?" Tanong ni Aron kay Maestra habang nakaupo ito sa mahabang sofa at ang daliri ay nasa kanyang baba.

Si Maestra naman ay nakaupo sa swivel chair at nakatingin kay Raiko na tahimik lamang na nakikinig sa pag-uusap ng dalawa.

"Kaya mo bang kalabanin si Raixon?" Nag-angat ng mga mata si Raiko kay Maestra dahil sa naging tanong nito.

Nawalan ng emosyon ang kanyang mukha dahil sa isang reyalisasyon, at iyon ang kasunduan nilang dalawa ni Ten.

Na sa oras na bumalik na si Raiko sa loob ng City Academy ay mawawala na ang buong kapangyarihan ni Raiko, kaya malabong malabanan nya si Raixon na isang Scalar Manipulator.

Hindi sumagot si Raiko kaya naman nagsalubong ang kilay ni Aron dahil sa nakikitang reaksyon sa mukha ng kanyang kaibigan. Binalingan nya si Maestra na halatang nagtataka rin at iniisip nito na marahil ay natatakot din si Raiko sa maaaring mangyari, ngunit hindi iyon ang dahilan ni Raiko.

Hindi nya kayang labanan si Raixon dahil kahit na anong oras ay mawawala na ng tuluyan ang kanyang kapangyarihan, ngunit may isa pang paraan para malabanan si Raixon.

"Natatakot ka ba, Raiko?" Mahinang tanong ni Maestra na ikinalukot ng mukha ni Aron samantalang ay walang naging reaksyon si Raiko dahil sa paratang ni Maestra sa kanya.

"Seriously, Mali? Sa tingin mo matatakot ang isang Top Ranked sa isang Scalar Manipulator?" binalingan ni Maestra si Aron na halata ang inis sa boses dahil sa sinabi nya kay Raiko.

Huminga naman ng malalim si Raiko at sumandal sa sandalan ng sofa, pumikit sya bago nagsalita.

"I'll try my best to fight him." Using combat. Dugtong ni Raiko sa kanyang sinabi ngunit sa kanyang isipan lamang nya isinatinig ang dalawang salita na iyon.

Napangiti naman si Maestra dahil sa pagpayag ni Raiko na kalabanin si Raixon, ngunit ang hindi alam ng dalawa ay lalaban si Raiko gamit ang combat lamang at wala syang gagamiting kapangyarihan nya dahil wala na sya no'n.

Bahala na. Usal ni Raiko sa kanyang isipan habang ang magkabilang mata ay nakapikit parin.

-


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C27
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン