CHAPTER SIXTEEN
Villain in her Dream
"MAY tumulong sa'yo?" Nakakunot na tanong ng isang Police na kakilala ng lalaking tinulungan ni Raiko.
Tumango ang lalaking nagngangalang Adriel, ito ang tinulungan ni Raiko. Ang Police naman na kausap nito ay nangngangalang Sven, kaibigan nya ito ngunit nagkataon lamang na nalagay sa ibang estasyon si Sven kaya hindi nito natulungan ang kaibigan.
Tumango si Adriel bilang sagot kay Sven. Naigilid ni Sven ang kanyang mga mata dahil alam nito na hindi isang ordinaryong tao lamang ang tumulong kay Adriel noong gabing iyon.
"Naalala mo ba ang mukha nya, Adriel?" Tanong ni Sven sa binata ngunit tumahimik lamang ito na tila nag-iisip.
Marahan itong umiling bilang sagot. Hindi nya nakita ang kabuuang mukha ni Raiko dahil naka-cap ito, at sobrang iwas si Raiko na makita ng kahit na sino ang mukha nya dahil alam nitong kilala sya ng lahat dahil sa mga kumakalat na balita na masama syang nilalang.
"Hindi ko nakita ang mukha nya dahil nakasuot ito ng cap, at dahil madilim na rin." Sagot ni Adriel kay Sven na tumango naman.
"Ang natatandaan ko lang, matangkad sya, at alam kong maputi ito dahil kahit madilim ay tingkad ang kulay ng balat nya. Bukod don, wala na." Muling tumango si Sven at saka sumagot.
Iyon lamang ang naaalala ni Adriel noong tulungan sya ni Raiko. Matangkad ito at maputi dahil nakasando lamang ng kulay itim si Raiko nang mga oras na iyon.
"Hindi kaya galing sya sa ibang lugar? Sa lugar kung nasaan ang mga Imortal?" Hindi parin makapaniwala si Sven sa kwento sa kanya ni Adriel tungkol sa lalaking tumulong sa kanya.
"Iyon din ang iniisip ko. Pero," pinutol ni Adriel ang kanyang sasabihin bago nilingon ang kanyang ina na nakahiga sa papag at mahimbing na natutulog.
"Pero kung isa syang imortal, bakit nya ako tinulungan? Hindi ba, masasama sila?" Tanong ni Adriel na tila malalim ang iniisip. Napabuntong hininga si Sven dahil iyon din ang pagkakaalam nya.
Maraming nagsasabi sa kanila na masasama ang mga may kapangyarihan tulad nila Raiko, dahil sarili lamang nila ang iniisip nila at sa kagustuhan na mapalakas pa ang kapangyarihan nila ay lahat gagawin nila kahit na makasakit sila ng iba. Iyon ang pagkakaalam ng iba sa mga Mortal. Na masasama ang mga tulad ni Raiko.
"Hindi ko alam, Adriel. Sa ngayon, h'wag na muna nating isipin 'yon." Saad ni Sven bago tinapik sa balikat ang kaibigan.
-
TAHIMIK ang gabi sa mundo ng mga normal na tao. Nagmistulang ghost town ang ibang lugar dahil sa takot ng mga tao na baka pati sila ay mawala na lamang ng parang bula.
Samantala, kung takot at kaba ang nararamdaman ng maraming tao, iba naman ang nararamdaman ng isang lalaki na tahimik lamang na pinagmamasdan ang tila ghost town sa kanyang malaking balkonahe.
Natutuwa ito dahil sa isip isip nya ay sumasang-ayon ang lahat sa kanyang plano. At konting oras na lamang ang aantayin nya ay sigurado syang maisasakatuparan na nito ang maitim nitong balak na hindi nagawa ng kanyang kapatid.
"Konti nalang, Vier. Konti nalang at mangyayari na ang lahat ng gusto mo." Sumilay ang isang mala-demonyong ngisi sa labi nito bago sumimsim sa baso ng wine nito.
-
"WEST," napatingin si Westley sa pintuan ng kanyang Unit noong tawagin ng isang tao ang kanyang pangalan.
Nangunot agad ang noo ni Westley noong makita na si Aron ang nasa kanyang pintuan. Tumayo si Westley at agad na lumapit kay Aron na mukhang pagod na pagod, inalalayan nya ito hanggang sa maka-upo sila sa mahaba nitong sofa.
"What happened?" Tanong ni Westley na halata ang pag-aalala sa kanyang boses. Hindi sumagot si Aron at inihilig lamang ang ulo sa sofa.
"Well, something bad happened." Nakapikit na sagot ni Aron na tila problemadong problema ito.
Lalo lamang nangunot ang noo ni Westley dahil hindi nito nasagot ang tanong nya. Bumuntong hininga ito at napakamot sa kanyang ulo, sasakit ang ulo nito kakaisip sa mga pwedeng mangyari.
"Wala pa ba si Raiko?" Tanong ni Aron habang bahagyang nag-unat unat ng kanyang katawan.
Pakiramdam nito ay namanhid ang buo nyang katawan noong makalaban nya ang isang babae na 'yon. At hindi nya alam kung anong dahilan at pinatulan nya ang isang Electric Manipulator.
Hindi nito kilala ang babaeng nakalaban nya, ngayon lamang nya iyon nakita sa loob mismo ng Academy kaya siguro noong gumawa ng isang pag-atake ang babae ay lumaban si Aron.
"Damn. Pakiramdam ko nakuriyente ang buong pagkatao ko." Naiiling na saad ni Aron bago tumayo.
"May babaeng isang Electric Manipulator na bigla na lamang umatake sa akin, hindi ko naman sana lalabanan dahil hindi ako pumapatol sa babae pero shit lang, West. Hindi ko alam kung anong masamang elemento ang sumapi sa akin at kinalaban ko." Halata ang inis sa boses ni Aron habang sinasabi nito ang nangyari sa kanya noong kalabanin nito ang babaeng electric manipulator.
Natawa na lamang sa kanya si Westley kaya naman lalong sumama ang mukha ni Aron. Anong karapatan ni Westley na tawanan sya? Sya na nga itong nakuryente, pero tatawanan lamang sya ng kaibigan nya.
"Gaganti ako sa babaeng 'yon. Fvcking shit, ang sakit ng katawan ko." Iritang usal ni Aron bago kumain ng sandwich na ginawa mismo ni Westley.
Napailing na lamang si Westley sa kaibigan.
-
"Why do they always call me Villain? Am i that bad?"
Sumikip ang dibdib ni Xiyue at napabangon ito habang sapo sapo nanaman ang dibdib nitong sobrang bilis tumaas baba. Ito nanaman. Napanaginipan nanaman nya ang misteryosong lalaki.
Napapikit si Xiyue at hinawakan ang kanyang sintido, at bahagyang minasahe. Binasa rin ang kanyang labi gamit ang kanyang dila bago ito sumandal sa pader.
Nakatulog ito sa rooftop ng main building ng hindi nito namalayan, hindi na rin nito namalayan ang oras kakaisip nito sa mga nangyari.
"Why you're still here?" Napatingin si Xiyue sa nagsalita. Nakita nito ang isang bulto ng tao na naka-upo sa railings ng Rooftop.
Nanlaki ang mga mata nito nang mapagtanto kung saan ito naka-upo. At sa presensya pa lamang ng lalaking iyon ay alam na nya kung sino ang lalaking iyon.
"Raiko! Bumaba ka nga dyan, kung saan saan ka naman umuupo." Pasigaw na sabi ni Xiyue kay Raiko ngunit hindi ito nakinig sa kanya.
Tumayo si Xiyue at naglakad palapit kay Raiko.
Napasimangot na lamang ito nang hindi sya nito pinakinggan. Nag-iwas lamang si Raiko ng tingin at tumingin sa kalangitan na animo'y nag-iisip ng kung ano. Wala ng nagawa si Xiyue kundi pabayaan syang umupo sa Railings.
Umupo na lamang si Xiyue sa isang bench na nasa likod nya, at sinulyapan si Raiko na nakatingin parin sa kalangitan. Napabuntong hininga na lamang sya at yumuko. Hindi na nagsalita pa si Xiyue.
"Have you eaten already?" Nanlalaki ang mga mata nag-angat ng tingin si Xiyue kay Raiko nang magtanong ito.
Hindi maiwasang hindi mapangiti ni Xiyue, nakatingin parin si Raiko sa kalangitan at kahit alam nitong hindi sya nito naikita ay umiling parin si Xiyue bilang sagot.
"Hindi pa. Ikaw, kumain ka na ba?" Pagbabalik tanong ni Xiyue kay Raiko. Yumuko si Raiko at saglit na tumingin kay Xiyue bago sumagot.
"Hindi." Lalo lamang lumawak ang ngiti ni Xiyue sa kanyang labi.
Tumayo ito at tumabi kay Raiko. Napansin nya na tumingin ito sa kanya pero hindi na nya iyon pinansin.
"Sabay na tayo, kung okay lang sayo?" Pag-aya ni Xiyue kay Raiko.
Alam ni Xiyue na aayaw si Raiko ngunit hindi parin nawawala ang katiting na pag-asa nito na magiging ayos silang dalawa. Lalo pa't nais ni Xiyue na mas makilala pa si Raiko ay kailangan nyang subukan lahat para lamang mapalapit kay Raiko.
Umikot si Raiko at humarap sa kanya. Halos lumuwa naman ang mga mata ni Xiyue nang nag-half smile si Raiko.
Naramdaman ni Xiyue kung paanong kumabog at halos maghurumintadona ang puso nya noong ngumiti ito. Pero sa paghuhurumintado ng puso nito ay tila nakaramdam parin sya ng kaunting kirot sa kanyang dibdib.
Bumaba si Raiko sa pagkaka-upo sa railings. Matangkad ito. Hanggang dibdib lamang nya si Xiyue kaya naman nakatingala ito sa kanya ngayon.
"Ayos lang sakin, kung hindi dito sa loob ng City Academy." Ano daw? Payag ba sya? Pero hindi dito sa loob ng City Academy? Kung ganoon, lalabas pa kami?
Pwede ba yon? Maraming naging tanong sa isipan ni Xiyue noong pumayag si Raiko. Tila hindi agad gumana ang kanyang isipan dahil sa biglaang pagpayag ni Raiko sa kanya na sumabay sa pagkain.
"O-okay." Iyon na lamang ang naging sagot ni Xiyue dahil hindi nito alam kung anong isasagot nya sa sinabi ni Raiko.
Isa pa, wala ako sa mood mangulit ngayon sa kanya.
Usal pa nito sa kanyang isipan.
Nakakaramdam ito ng kakaiba sa kanyang dibdib. Hindi ito tanga para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin ng pagtibok nito ng malakas, at nakaramdam sya ng kaunting inis sa nararamdaman nyang iyon.
Tumalikod na si Raiko at nagsimula ng maglakad, sumunod naman agad sa kanya si Xiyue. Hindi parin nawawala ang ngiti sa kanyang labi dahil pumayag itong kumain sila.
•
AN: uwu(+_+) mental block again(TT)