アプリをダウンロード
39.02% City Academy #1: Raiko Mihada (COMPLETED) / Chapter 16: Chapter 15

章 16: Chapter 15

CHAPTER FIFTEEN

The touch of the devil

TINIGNAN at muling binasa ng Presidente ang isang piraso ng papel na nakuha nito sa ibabaw mismo ng kanyang lamesa, sa opisina nya mismo. Binabasa nya iyon ng paulit ulit at pinag-iisipan kung sino ang maaring gumawa at mag-iwan noon.

'Contact me if you need help.'

Saad ng nakasulat sa papel, at sa likod ng papel ay nakasulat ang isang numero na hindi sya pamilyar. Sumandal ang Presidente bago pinaka-titigan ang piraso ng papel.

"Who are you?" Bulong nito sa kawalan at hinawakan pa ang baba nito habang nag-iisip kung sino ang maaring nag-sulat sa kapiraso ng papel.

Hanggat kaya ko, hindi ako hihingi ng tulong kahi kanino.

-

"What the fvck are you doing here, Aron?" Matamang tinignan ni Xieke si Aron na ngayon ay nakatingin lamang sa kanya.

Mabagal na naglakad si Aron patungo sa gitna kung saan naroroon si Xieke. Ramdam na ramdam ni Aron ang mga mata na matamang nakatingin lamang sa kanya at binabantayan ang mga sunod na gagawin nya

Nag-angat ng tingin si Aron noong marinig nito ang nakakalokong pagtawa ni Xieke. Noong huminto ito sa pagtawa ay mababakas ang kagustuhan nitong matawa pa, ngunit pinipigilan lamang nito.

"Don't tell me you're here to stop me?" Natatawang tanong ni Xieke kay Aron. Huminto naman si Aron sa paglalakad nito at nilagay sa bulsa ng suot nyang pantalon ang kanyang magkabilang palad bago sumagot.

"Labag sa rules ang ginagawa mo, at bilang President ay kayang kaya kitang pigilan sa kagaguhan mo." Sagot ni Aron at inayos ang nagulong buhok dahil sa hangin gamit ang isang kamay nito.

Dumilim naman ang aura ni Xieke at agad na natawa sa sinabi ni Aron na tila may isang katatawang sinabi ito.

"President? Hindi ka na President, Aron." Nang-aasar na sabi ni Xieke kay Aron kaya naman ngumisi na lamang ito at naglakad palapit kay Xieke.

"Oh? Sa susunod na buwan pa ang Botohan kung sino ang susunod na President. In short, I am still the President of City Academy." Seryosong saad ni Aron at saka tinapik tapik ang balikat ni Xieke na tila nang-aasar.

Totoo ang sinabi ni Aron na sa susunod na buwan pa ang botohan para sa susunod na Presidente ng City Academy. At may kapangyarihan parin si Aron na isakatuparan at gawin ang mga nararapat na parusa para sa mga lalabag sa rules ng Academy.

Sumama ang mukha ni Xieke at agad na winaksi ang kamay ni Aron na tumatapik parin sa kanyang balikat. Sinamaan nya ng tingin si Aron bago gumawa ng isang hand gesture dahilan upang ang lahat ng apoy na patungo sana sa mga estudyanteng manonood ay bumalik at atakihin si Aron.

Napangisi lamang si Aron bago nagpamulsa, tinignan nya ang apoy na mabilis na patungo sa kinaroroonan nito.

Hindi ko talaga alam kung bakit itong lalaking 'to ang gusto ni Mali na maging Presidente ng Academy. Naiiling na litanya ni Aron sa kanyang isipan bago tuluyang mawala ang lahat ng apoy patungo sa kanya.

Nagbuga ng hangin si Aron bago binalingan si Xieke na ngayon ay masama parin ang tingin sa kanya. Gusto nyang matawa dahil sa itsura nito, ngunit pinipigilan nya lamang dahil ayaw nyang mas lalong magalit sa kanya si Xieke.

"Level 4 is still weak. And if you think that you can beat me with that ability, well, think again." Huling sabi ni Aron kay Xieke bago nya ito iwan.

Iniwanan na nya ito bago pa sya mawalan ng kontrol at paliparin nya ito ng ilang kilometro. Napapailing na lamang sya bago binalingan ang direksyon ng mga estudyanteng nanonood parin sa kanila.

"Hindi ko alam kung bakit hindi nyo kayang ipagtanggol ang sarili nyo, may mga kapangyarihan kayo, hindi ba?" Malakas na baling ni Aron sa mga estudyante na napayuko dahil halata sa boses ni Aron ang pagiging disappointed nito sa lahat ng estudyante.

Damn. Paano ko kayo mapo-protektahan lahat?

-

INAYOS ni Raiko ang kanyang damit na bahagyang nakusot dahil sa isang nakabangga nitong lalaki sa Okderia Street kung saan sya naglalakad lakad. Nasa labas sya ng City Academy at nasa lugar ng mga mortal.

Alam ni Raiko ang nangyayari sa ilang lugar ng mga mortal. At kahit naaawa sya para sa pamilya ng mga taong bigla na lamang nawawala ay wala syang balak na tumulong sa mga ito. Sinabi na nya ng ilang beses sa kanyang sarili na hindi nya sasayangin ang oras nya sa paglutas ng mga simpleng problema ng mga tao. Hindi na nya uulitin ang ginagawa nya noon.

"M-Manong, tulungan nyo po ang nanay ko." Halos magmakaawa ang lalaki na nasa edad 20 palang kay Raiko.

Pinagsalikop nito ang magkabilang palad at halos lumuhod na sa harapan ni Raiko para lamang tulungan sya nito. Agad namang umiwas ng tingin si Raiko dahil ayaw nyang maawa sa lalaking nasa kanyang harapan at humihingi ng tulong sa kanya.

"Manong... Maawa ka, t-tulungan nyo po ang nanay ko." Humihinga ng malalim si Raiko bago nya binaba ang kanyang suot na cap.

Mataman nyang tinignan ang lalaking nakaluhod sa harapan nya ngayon at nag-mamakaawa. Nagtiim ang bagang nito dahil may nakikita itong mga galos sa iba't ibang parte ng katawan nito.

Stop it, Raiko. You're not their Hero anymore. You're just a plain-- pumikit ng mariin si Raiko noong hindi nya naituloy ang isang salita na kanyang sasabihin sana sa kanyang isipan.

"Sorry. I can't help you with your problem." Malamig na tugon ni Raiko sa nagmamakaawa sa kanyang lalaki bago binaklas ang nakahawak na mga kamay nito sa kanyang paa.

"Manong... Maawa kayo, tulungan nyo po ang nanay ko." Sige parin sa pagmamakaawa ang lalaki kahit na tumalikod na si Raiko at naglakad na.

Hindi pinansin ni Raiko ang lalaking sumisigaw at tinatawag sya. Sa isip isip nito ay hindi na nito kargo ang mga problema ng ibang tao, at ang tanging isipin lamang nya ay ang problema nya na kailangan nyang malutas.

"Ayon ang anak nya!" Napatigil si Raiko noong may ilang lalaki ang bumangga sa kanyang balikat na naging dahilan ng bahagya nyang pagtalikod.

Binaba nito ang cap nya at tinignan ang nagtatakbuhang mga kalalakihan na may kalakihan ang pangangatawan. Ang ilan ay may hawak na dos pordos habang ang dalawa naman sa kanila ay may hawak na isang baril na alam nyang may silencer.

Naningkit ang mga mata ni Raiko noong makita na ang grupo ng mga kalalakihan ay patungo sa lalaking kanina ay nagmamakaawa sa kanya na tulungan ang nanay nya.

Napalunok ito at saka tumalikod. Labas na sya sa problema at buhay ng ibang tao, ika nya. Pero sadyang hindi pinangak si Raiko na walang puso hindi gaya ng sinasabi sa kanya ng ibang tao, kahit na anong pagkumbinse nya sa sarili nya na labas na sya sa buhay ng ibang tao ay hindi nya mapigilang hindi gumawa ng hakbang para kahit papaano ay makatulong sya sa mga ito.

Binaba ni Raiko ang kanyang suot na cap bago tinalon ang isang malaking pader sa kanyang gilid. Naglakad sya doon at lumapit ng kaunti patungo sa lalaking nagmamakaawa sa kanya kanina. Naningkit ang mga mata ni Raiko at prenteng umupo sa rurok ng pader.

"Anong ginawa nyo sa nanay ko? Mga hayop kayo! Wala naman kaming masamang ginagawa sa inyo pero bakit kailangan nyong patayin ng mga magulang ko?!" Nakatanggap ng isang hampas sa balikat ang lalaki gamit ang dos pordos na hawak ng isa sa kanila.

Napahiga ang lalaki at kita ni Raiko ang pagdaloy ng isang likido sa gilid ng mata nito. Pumikit si Raiko at umiling na tila pinapakalma ang kanyang sarili.

Maybe, i can help him, right? Tanong nya sa kanyang sarili at sa pagdilat ni Raiko ay saktong pagpihit ng dalawang armadong lalaki sa hawak nilang baril na nakatutok sa lalaking nagmakaawa kanina kay Raiko.

Nabitawan ng dalawa ang baril na hawak nila noong makita na huminto ang bala sa mismong harapan ng lalaking binugbog nila, samantalang ay hindi makapaniwala ang lalaki sa mga nakita. Aksidenteng nadako ang paningin nito sa direksyon ni Raiko at nanlaki ang mga mata.

"Manong..." Bulong nito. Ngumiti at tumango lamang si Raiko bilang tugon, dahil narinig nito ang pagtawag sa kanya ng lalaki.

Napatingin din sa kanyang direksyon ang mga armadong lalaki at agad na pinulot ang baril na nabitawan ng dalawa, ngunit bago pa man nila magawa 'yon ay agad na tumunog ang mga buto ng mga ito sa kamay na tila nabali ang mga ito.

Napagapang naman ng wala sa oras ang lalaki habang nakatingin kay Raiko, tumalon si Raiko sa pader bago dahan dahang naglakad papalapit sa lalaking tinulungan nya.

"M-Manong..."

Akmang hahampasin sana ng isang armadong lalaki sa ulo si Raiko dahil nakatalikod ito sa kanya at buong akala nito ay mahahampas nya ang nakatalikod na si Raiko ngunit hindi pa man nakakalapit ay tumunog na agad ang mga buto nito sa braso na ikinahiyaw nito sa sakit.

Binalingan nya ang isa pang armadong lalaki na akma sanang susuntukin sya noong masalag ni Raiko ang kamao nito, at noong itinagilid ni Raiko ang kanyang ulo ay tila naging hudyat iyon sa dugo ng armadong lalaki upang dumaloy ng pabaliktad. Alam ni Raiko na wala na iyong buhay noong sandaling mahawakan nya ang kamao nito.

Binalingan nya ang lalaki na hindi makapaniwalang nakatingala sa kanya. Huminga ng malalim si Raiko bago binaba ang suot na cap.

"Go. Dalhin mo sa ospital ang nanay mo." Nanlalaki ang mga matang pinagmasdan lamang ng lalaki si Raiko na tumalikod na sa kanya at naglalakad na papalayo.

Tumayo ito at isinigaw ang dalawang salita na ngayon na lamang narinig ng mga tainga ni Raiko.

"Maraming Salamat!" Ngunit imbes na matuwa, ay lalong nagdilim ang mga mata nito sa galit.

-

"Xiyue, ang lalim ata ng iniisip mo. Share mo naman sa amin." Nabalik sa reyalidad si Xiyue nang magsalita si Cuin na nasa harapan nito.

Napatingin sya sa tatlo, lahat ito ay nakatingin sa kanya maliban na lamang kay Hera na nagbabasa ng libro.

"Ah. Iniisip ko lang yung nangyari kahapon." sagot nito. Ngumuso si Xiyue at sinilip ang binabasang libro ni Hera.

Ngunit wala itong title.

"Hera, ano ba yang binabasa mo?" Tanong na lamang nito kay Hera.

Napatingin naman sa kanya si Hera bago muling ibinalik ang tingin sa librong binabasa nito.

"Powerful and Rare Abilities." Sagot ni Hera at saka binaba ang kanyang hawak na libro. Pinagsalikop nito ang kanyang dalawang palad at tumingin sa kanila ng diretso.

"Pinag-aaralan ko yung mga ability na iilan lang ang may hawak. Bilang isang Healing Ability, kailangan kong pag-aralan ang mga ability at mga kahinaan nito." Dagdag pa nito na ikinatango naman nilang lahat.

Napaisip si Xiyue. Nakasulat sa libro na binabasa ni Hera ang mga Abilities, st baka sa libro na iyon makita nya ang ability na mayroon si Raiko.

Hindi pa man nya nakikita ng tuluyan ang ability ni Raiko ay alam nyang malakas iyon dahil sa Ability Level na taglay nito. At alam nya na katulad ni Aron na kapareho ni Raiko ng Level ay dalawa rin ang kaya nitong kontrolin.

"Ano-anong abilities ba ang mga nandyan?" Tumaas ang kilay ni Hera dahil sa biglaan na pagtatanong ni Xiyue tungkol sa mga abilities.

Ngumiti lamang si Xiyue kay Hera.

"Nullifying ability. Wala sa City Academy ang may hawak ng ability na 'to. Masyado kasing makapangyarihan ang Nullifying ability. Kaya nitong tanggalin ang kapangyarihan ng kahit sino, habang buhay." Napakurap kurap si Xiyue maski ang iba.

Naisip ni Xiyue na kung ganoon, delikado talaga ito para sa mga may kapangyarihan katulad nila Hera.

"Ang Vector Manipulation, at ang Scalar. Wala na akong ibang alam tungkol sa ability na 'to. Wala naman kasing nakasulat sa libro, pero ito ang pinaka-kinatatakutan ng lahat. Sabi ng iba, haka haka lang ang ability na ito dahil wala pa silang nakikitang ganitong ability." Dagdag pa ni Hera kaya naman napatango na lamang si Xiyue.

"Yung Vector Manipulator, tinuturing na isang Genius. Mas malala pa kasi ang may hawak nitong kapangyarihan nito kesa sa mga scientist sa sobrang katalinuhan nito." Ganon? Parang interesting ang kapangyarihan na 'to ah.

"Kayang kaya kasi ng may ability nito na manipulahin ang vectors. Dahil sa kakayahan nitong mangkalkula ay parang ito rin ang nagbibigay sa kanya ng access para makontrol ang kahit na anong kangyarihan." Tanging pag-tango lamang ang naisagot ni Xiyue.

"Ang Scalar Manipulator naman ay ganon din, pero masasabi ko na mas malakas ito kumpara sa Vector Manipulator dahil katulad ng Sa Vector, may kakyan din itong kalkulahin ang kahit na ano. Kaya nyang palakasin, at pabilisin ang kahit na anong kapangyarihan na mararamdaman ng katawan nya." Hindi makapaniwala si Xiyue sa mga narinig.

Scalar and Vector. Science 'yon, hindi ba?

AN: Shocks😩 sorry kung hindi masyadong na-explain ang mga rare and powerful abilities sa chapter na 'to. Sa next chapter nalang siguro but at least! May clue na kung anong kapangyarihan ng kambal na sina Aikoze at Aixoneze. Kalaban kaya silang kambal😶?


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C16
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン