アプリをダウンロード
29.26% City Academy #1: Raiko Mihada (COMPLETED) / Chapter 12: Chapter 11

章 12: Chapter 11

CHAPTER ELEVEN

Stay Away From Me

KATAHIMIKAN ang namayani sa apat sa loob ng unit ni Westley. Walang nagtangkang magsalita sa kanila dahil hindi nila inaasahan ang pagdating ni Xiyue sa unit ni Westley.

Napatingin si Xiyue kay Raiko na ngayon ay bumalik na sa pagbabasa ng libro na hawak nya. Nagbuga ng hangin si Xiyue bago binalingan ng nagtatanong na tingin si Westley. Nagtaas naman ng magkabilang kamay si Westley at nag-shrug.

"Why are you here, Xiyue?" Pagbasag ni Aron sa katahimikan bago binalingan ng isang tingin si Raiko na ngayon ay nagbabasa ng libro.

Sayang yung mga plano namin ni Raiko, kung malalaman lamang ni Xiyue lahat. Usal ni Aron at binalik ang tingin kay Xiyue.

"Bibigyan ko sana si Westley ng pagkain, napasobra kasi yung niluto ko eh." Sagot ni Xiyue at inangat pa ang Tupperware na hawak nya.

Napatango naman si Aron bago na-upo sa couch na nakaharap sa hinihigaan ni Raiko. Tahimik parin si Raiko at walang emosyon ang mukha nito kaya hindi malaman ni Aron kung anong iniisip nito, ngayon na nasa harapan nilang tatlo si Xiyue.

"Teka nga, hindi nyo sinasagot ang tanong ko eh. Magkakakilala ba kayo." Pag-uulit ni Xiyue sa kanyang tanong kaya naman tumingin si Westley kay Raiko upang humingi sana ng tulong ngunit hindi naman nakatingin si Raiko.

Walang nagawa si Westley kundi ang tumango bilang isang sagot. Nangunot naman ang noo lalo ni Xiyue at mas lalong dumami lamang ang mga katanungan sa kanyang isipan na gusto nyang masagot agad ng tatlo ngayon.

"Eh kung magkakakilala kayo, bakit si Aron at si Raiko...nag-aaway?" Isa pang tanong ni Xiyue. Mahinang bumuntong hininga naman si Aron at tumayo.

Lalabas na sana ito para sana makatakas sa mga tanong ni Xiyue ngunit napahinto ito dahil nagsalita si Raiko na kanina pang tahimik at inakala nito na hindi na ito iimik pa.

"Westley answered your question already. Tumigil ka na sa kakatanong at umalis ka na lang." May diin sa bawat binitawang salita ni Raiko, napanguso naman si Xiyue bago nilapitan si Raiko na hindi parin sya tinitignan.

"Bakit ba kasi kayo nag-aaway, kung magkakilala naman pala kayo?" Hindi pinansin ni Xiyue ang sinabi ni Raiko sa kanya at nagtanong pa ng isang beses.

Dumilim ang aura ni Raiko, habang si Xiyue naman ay nakanguso lamang at mukhang wala pang balak na tigilan ang pagtatanong kung hindi lamang sinarado ni Raiko ang librong binabasa nito at walang emosyong binalingan ng tingin si Xiyue na napalunok na ngayon.

Napatingin si Xiyue sa mga walang emosyong mata ni Raiko. Hindi nito maiwasang hindi manghina t'wing magtatama ang mata nilang dalawa.

"I. said. leave." Mabagal at may diin na saad ni Raiko kaya naman nakaramdam ng tila pagkatakot si Xiyue at napa-atras ito ng bahagya.

Agad naman na humawak si Westley sa braso ni Xiyue at walang ano ano'y hinila papalabas ng unit nya ito.

Nagpahila na lamang si Xiyue dahil sa nakitang reakyson ni Raiko sa kanya. Noong mabitawan ni Westley si Xiyue ay agad nya itong hinarap sa kanya upang kausapin at linawin sana ang lahat ng nakita at nalaman ni Xiyue.

"Xiyue, listen to me." Saad ni Westley bago hinawakan sa magkabilang balikat si Xiyue. Tumingin naman ito sa mga mata ni Westley.

"Hwag na hwag mong sasabihin kahit kanino na magkakakilala kaming tatlo, promise me that you will not tell anyone about this, okay?"

"Pero bakit?" Tanong ni Xiyue noong marinig ang sinabi sa kanya ni Westley. Bumuntong hininga naman si Westley.

Kailangan ko na 'ata sabihin sa kanya? Umiling si Westley sa kanyang isipan bilang pagtanggi sa suhestyon ng kanyang isipan.

"Okay, ipapaliwanag ko sayo lahat but promise me first thay you will never tell anyone about this, okay?" Tango na lamang ang sagot ni Xiyue kaya naman tumango si Westley at ginulo ang buhok ni Xiyue.

"Come to my unit tomorrow in the morning,"

-

NAGDADALAWANG isip si Xiyue kung papasok ba ito sa loob ng opisina at lugar ni Raiko o maghihintay na lamang ito na si Raiko ang unang lumabas. Hahawakan na sana ni Xiyue ang doorknob, ngunit pinigilan nito ang sarili dahil sa panginginig ng kanyang kamay.

Bakit ba kasi ako nanginginig? Para namang kakainin ako ni Raiko?

Napabuntong hininga si Xiyue.

Ang laswa naman ata ng pagkakasabi ko.

Natapos na ang pag-uusap ni Westley at ni Xiyue sa unit nito mismo. Noong nakita ni Xiyue na wala na si Raiko sa unit ni Westley ay hindi na nito mapigilang hindi magtanong.

Umatras muna si Xiyue at muling huminga ng malalim bago nito muling hawakan ang door knob upang buksan. Bumuga ito ng malalim na paghinga bago nito pinihit ang pintuan.

Katahimikan, 'Yan ang bumungad kay Xiyue noong sandaling pagpasok  pa lamang sa isang malawak na kwarto na pag-aari ni Raiko.

Nandito pa kaya si Raiko? Pagtatanong ni Xiyue sa kanyang sarili.

Ang tanging maririnig lamang ay ang tunog ng aircon. Sumilip muna ito sa loob at nang makita nito ang taong hinahanap nito kung nasa kwarto pa ba ay pumasok na agad si Xiyue.

Pinaglalaruan ni Xiyue ang kanyang mga daliri sa kamay habang palapit ito ng palapit sa nakahigang si Raiko, naka-pikit ito at naka-dekuwatro. Tumaas naman ang kilay ni Xiyue nang mapansin nito na ang hot nitong tignan sa kahit anong kilos na isinasagawa ni Raiko.

Sobrang guwapo pa n'ya, ang sarap titigan.

Agad na napailing si Xiyue dahil sa naisip nito. Isina-isip nya ang dahilan kung bakit sya nagtungo sa lugar ni Raiko. Gusto nyang magpasalamat kay Raiko sa ginawa nitong pagliligtas sa kanya noon.

Natutulog ata 'to, o nakapikit lang?

"Raiko..." Tawag nito sa pangalan ni Raiko nang makahatak na ito ng isang upuan at inilagay sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Raiko.

Hindi sumagot si Raiko, gumalaw lamang ang mga paa nito.

Narinig n'ya ako.

Huminga ng malalim si Xiyue at yumuko bago nito simulan ang sasabihin nito.

"S-Salamat nga pala sa pagligtas mo sa akin sa gumuhong building. Pasensya na rin kung napapahamak ka ng dahil sa akin." Walang sagot na nakuha si Xiyue mula kay Raiko.

Tanging katahimikan lamang. Bumuntong hininga si Xiyue at saka sinulyapan si Raiko upang makita kung anong reaksyon nito sa kanyang mga sinabi. Naka-pikit parin ito.

Napayuko si Xiyue at madiin na ipinikit ang kanyang mga mata.

"Una sa ipo-ipo, niligtas mo ako. Well, hindi naman talaga ako yung totally na iniligtas mo doon. Pangalawa, nang gumuguho ang building. Laking pasasalamat ko talaga sayo, Raiko!" nakayukong saad ni Xiyue, pero wala parin itong narinig na reaksyon mula kay Raiko.

"Utang ko sa 'yo ang buhay ko!" Napatayo si Xiyue ng wala sa oras nang maramdaman nitong kumilos si Raiko.

Tumingin si Xiyue kay Raiko noong naka-pikit itong bumangon mula sa kan'yang pagkakahiga. Naka-upo na ito ngayon at nag-unat unat.

"What are you doing here?" Napakurap kurap si Xiyue nang sandaling dumako ang mga mata ni Raiko sa kanya.

Nakakunot ang noo ni Raiko na tila nagtataka kung bakit nasa kan'yang harapan si Xiyue.

Pumikit ng mariin si Raiko at tinakpan nito ang kan'yang magkabilang tainga gamit ang kanyang magkabilang palad. Ginawa nya iyon upang makarinig na ito ng maayos, tinanggal nito ang nilagay nitong second skin na naging dahilan upang hindi nya marinig ang kahit na anong ingay sa kanyang paligid.

Muli, napakurap kurap si Xiyue.

Hindi ba n'ya narinig ang mga sinabi ko sa kan'ya?  Pero imposible naman no'n. Kahit siguro tulog s'ya, maririnig n'ya at magigising s'ya sa sobrang lakas ng pagkakasabi ko sa mga katagang 'yon. Magigising s'ya dahil kulob ang kuwarto at um-echo ang mga ingay na nagagawa ng kung sino. Kaya imposibleng hindi n'ya narinig ang lahat ng sinabi ko.

Tumingin si Xiyue kay Raiko at pinagmasdan ang baway galaw nito.

O baka naman, pinagloloko lang ako nito?

"H-Hindi mo narinig ang mga sinabi ko k-kanina?" Halos batukan ni Xiyue ang kanyang sarili nang bigla itong nautal. Tumaas naman ang kilay ni Raiko at saka inalis ang mga mata kay Xiyue.

"Huh?" Tamad na usal ni Raiko.

Tumingin si Raiko muli kay Xiyue, kaya naman napalunok si Xiyue. Wala paring reaksyon ang mga mata ni Raiko. Ni kahit anong emosyon ay walang makikita sa mga mata ni Raiko.

Para bang, pinipigilan n'ya ang kahit na sinong tumingin sa walang kabuhay-buhay n'yang mga mata.

Pero hindi maiwasang hindi mapatingin si Xiyue sa mga magagandang mga mata ni Raiko, kahit walang emosyon ang mga iyon ay parang nalulunod si Xiyue. Napaka-misteryoso n'yang tao, sa isip isip ni Xiyue.

"Ano bang mga sinabi mo?" agad na napa-iling si Xiyue at saka nahihiyang ngumiti.

Nakakahiya! Kung narinig n'ya kaya ang mga sinabi ko, gano'n din kaya ang magiging reaksyon n'ya?

"W-Wala! Niloloko lang kita. Mukha ka kasing tulog kanina, hindi mo rin pala napansin ang pagpasok ko." Umirap si Xiyue ng kusa dahil sa sinabi nito. Narinig ni Xiyue ang pag 'tsk' ni Raiko.

Edi ang ibig sabihin noon, nang pumasok ako ay hindi n'ya man lang napansin na nakapasok na ako? Hindi man lang n'ya naramdaman na may tao sa kuwarto? Kung ganoon, tulog mantika naman pala s'ya. Paano nalang pala kung masamang tao na ang nakapasok sa kuwarto n'ya tapos wala s'yang kamalay-malay na papatayin na pala s'ya. Edi patay s'ya?

Hindi na ito sumagot at tumayo na lamang. Umikot nanaman ang  mga mata ni Xiyue nang tinalikuran sya ni Raiko. Akmang maglalakad na sana si Xiyue upang makalabas na ng kuwarto ni Raiko dahil hindi na nito kayang ulitin pa ang sinabi nya kanina kay Raiko.

Ngunit napatigil si Xiyue noong magsalita si Raiko.

"Stay away from me." Napaikot si Xiyue at tinignan si Raiko ng nakakunot ang noo.

Ano daw? Tama ba ako ng pagkakarinig?

Nakatalikod parin si Raiko kay Xiyue, nag-shrug na lamang si Xiyue at inisip na hindi sya ang kinaki-usap ni Raiko dahil ano naman ang dahilan para pa-iwasin sya nito, hindi ba?

"Xiyue Sy, huwag ka na ulit lalapit sa akin. Mapapahamak ka lang tuwing nagiging malapit ka sa akin." Doon, napahinto na talaga si Xiyue. Binanggit no Raiko ang buong pangalan ni Xiyue, sya ngA ang kausap ni Raiko.

Hindi agad nakasagot si Xiyue. Pinoproseso pa ang mga binitawan nitong salita. Tila naging isang estatwa si Xiyue dahil hindi ito makagalaw.

Ano bang sinasabi n'ya? Mapapahamak lang ako tuwing magiging malapit ako sa kan'ya?

"Eh ikaw nga yung napapahamak dahil sa akin. Tsaka, ano bang ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Xiyue kay Raiko. Narinig nito naman ang pagbuntong hininga ni Raiko at pinihit nito ang kan'yang katawan paharap kay Xiyue.

Nanlaki ang mga mata ni Xiyue kasabay ng tila pagtusok ng kung ano sa kanyang puso nang makita nito ang emosyong nangingibabaw sa mga mata ni Raiko.

Pagsisisi? Teka. Bakit naman s'ya nagsisisi? Baka mali lang ako ng pagkakita ng emosyon n'ya sa kan'yang mga mata?

"Just...Just stay away from me. Stop making it hard for me." Lalo lamang naguluhan si Xiyue dahil sa mga binitawang salita ni Raiko.

Anong pinapahirap ko lang sa kan'ya?

Pinoproseso pa nito ang lahat ng mga sinabi ni Raiko sa kanya nang maglakad ito. Akala ni Xiyue ay hihinto ito sa harapan nya ngunit naramdaman na lamang ni Xiyue na may kirot sa kanyang dibdib nang sandaling nilagpasan lamang sya nito.

Bakit gan'to ang nararamdaman ko? Bakit parang ang sakit na pinapa-iwas n'ya ako sa kan'ya? Bakit ang sakit?

Napatawa ito ng pagak kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang pisngi sa di malamang dahilan. Aba! Bakit ko iniiyakan ang lalaking 'yon?!

Hinarap sya ni Xiyue, nakita nito na nakahinto si Raiko sa tapat ng pintuan, kinagat na lamang ni Xiyue ang kayang labi dahil sa panibagong kirot na naramdaman nito sa dibdib.

Lumabas ng pintuan si Raiko at iniwan si Xiyue sa loob ng kanyang kwarto na naguguluhan.

-

"MASTER, mabuti at nakabalik na kayo. Marami kaming inihandang pagkain para sa pagdating ninyo." Bungad ng isang matanda na pinagkakatiwalaan ni Aixoneze na si Manang Ora.

Binalingan ni Aixoneze si Manang Ora bago bumuntong hininga. Sinenyasan nya ang mga tauhan nya na nakasunod lamang sa kanya na lumapit. Agad naman na tumalima ang mga ito at lumapit kay Aixoneze.

"Master?"

"Kayo na lamang ang kumain. Wala akong gana at ayoko namang masayang lamang ang pagkain na ipinahanda pa ni Manang." Bilin ni Aixoneze bago naglakad patungo sa ikatlong palapag ng Mansion de Sancir.

Noong makapasok na ito sa kanyang kwarto ay agad na hinubad ni Aixoneze ang kanyang damit at nagpalit ng isang itim na sweater upang makapagpahinga na.

Ipinikit ni Aixoneze ang kanyang mga mata noong makahiga na ito sa malaki nitong kama ngunit tila may kung anong bumabagabag sa kanya dahilan kung bakit hindi nya magawang matulog.

Bumangon si Aixoneze at naglakad patungo sa balkonahe ng kanyang kwarto, sa gilid ng glass door ay nakalagay doon ang isang pabilog na lamesita kung saan may isang bote ng mamahaling wine at isang babasaging baso kasama ang isang lampara at kandila.

Kinuha ni Aixoneze ang wine at sinalinan nito ang babasaging baso bago uminom doon, pinaglalaruan nito ang natirang wine sa baso nito bago pinagmasdan ang paligid sa kanyang balkonahe.

Mula sa ikatatlong palapag ng Mansion de Sancir ay hindi gaanong makikita ang mga maliit na bahay na nakatayo malapit sa kanilang subdivision. At ang tanging matatanaw lamang ay ang malalaking building na nakatayo na puno ng ilaw ang bawat palapag. Iyon ang pinagtuunan ng pansin ni Aixoneze bago sumimsim ng wine.

Samantalang, mula naman sa ikaunang palapag ng Mansion de Sancir ay tila nag-kagulo dahil sa biglaang pagdating ng isang hindi inaasahang tao. Walang emosyon ang mga mata nito na binibigyan ng isa isang tingin ang bawat madaanang tao patungo sa ikatlong palapag upang kausapin si Aixoneze.

"Diyos ko, panginoon! Ano bang nangyayari at muling nagpunta ang dalawang magkapatid dito sa mansion?" Usal ni Manang Ora habang pinagmamasdan si Aikoze na mabagal na tinatahak ang papataas na hagdan.

Hindi ito makapaniwala dahil sa lumipas na tatlong taon ay hindi nagpakita ang dalawang magkapatid sa Mansion de Sancir, at matapos ang tatlong taon ay nandito ulit sila at magkasunod pa na dumating. Kaya hindi tuloy maiwasan ng mga kasambahay lalo na si Manang Ora ang hindi magtaka.

"Aixoneze." Pagtawag ni Aikoze sa pangalan ng kanyang kambal na nasa balkonahe ng kwarto nito.

Nagulat man si Aixoneze dahil narinig nito ang boses ng kambal nito ay hindi iyon pinahalata ni Aixoneze, binaba nito ang hawak na baso bago pumihit upang harapin ang kambal na ngayon na lamang ulit nya nakita sa loob ng mahigit isang taon na hindi pagkikita.

"Aikoze, it's good to see you again." Nakangiting bati ni Aixoneze sa kambal bago naglakad para malapitan ito.

Hindi naman na sumagot pa si Aikoze, sinalubong lamang nito ang kambal bago pabagsak na naupo sa sofa. Nakangiti namang umupo sa single sofa kaharap ng sofa na inuupuan ni Aikoze si Aixoneze.

Dumekwatro ito ng upo bago nagsimulang tanungin si Aikoze sa biglaan nitong pagdating.

"What do you need, Aikoze? Do you need my help in anything?" Tanong nito sa kambal.

Sumama naman ang aura ni Aikoze bago sumandal sa sofa. Mataman nitong tinignan si Aixoneze bago sumagot.

"I don't need anyone's help, lalo na ang tulong mo." Sagot nito at saka pumikit.

"Nagpunta lang ako dito sayo para klaruhin ang isang bagay. Hindi ang City Academy ang may kagagawan ng pagbagsak ng Neamora," dumeretso ng pagkakaupo si Aikoze at umayos ng upo bago muling itinuloy ang sasabihin.

"Kung hindi mo ako pinaniniwalaan at wala kang balak na tigilan ang plano mong pagpapabagsak sa City Academy," mataman na tumingin si Aikoze sa mga mata ng kambal at dahan dahang binigkas ang ilang salita sa harap mismo ni Aixoneze.

"Ako ang makakalaban mo." Tumiim naman ang bagang ni Aixoneze dahil sa sinabi na iyon ni Aikoze sa kanya.

AN: Malapit na ang nalalapit na mga pasabog😶hehe. Grabe, di ko kinekeri yung Aixoneze at Aikoze na pagsabayin😵 nalilito ako.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C12
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン