CHAPTER EIGHT
The King of Neamora Academy
NAPATINGIN si Aixoneze sa kanyang hawak ang newspaper na nakuha nya mag-iisang taon pa lamang ang lumipas. Napakuyom ang kanyang kamao noong mabasa ang nasa harapan ng newspaper.
Neamora Academy.
Binalik nya sa pagkakatupi ang newspaper at muling ibinalik iyon sa ilalim ng kanyang lamesa. Huminga ito ng malalim bago lalong napakuyom ang kanyang mga kamao. Naghahalo ang galit, hinanakit sa kanyang puso.
Wala pang isang taon noong mangyari ang aksidente na iyon na naging dahilan ng pagkawala ng eskuwelahan na sya mismo ng namamahala.
"Fvck it. Ibabalik ko ang Neamora Academy, pababagsakin ko ang City Academy." Tiim bagang na sabi ni Aixoneze habang nakatingin sa labas ng kanyang opisina.
-
HALOS mapatalon si Xiyue sa sobrang gulat nang bigla na lamang silang may narinig na malakas na pagsabog. Nanggaling iyon sa labas ng building.
Nang sumilip ang mga estudyante ay agad na nagsigawan at nagtakbuhan palabas ang mga ito, sa sobrang kaba naman ni Xiyue ay hindi na ito nakagalaw sa tapat ng bintana at nakitang unti-unti ng nagsi-guhuan ang mga building.
No...Not again. Kinain ng takot ang buong sistema ni Xiyue.
Kinain ito ng kaba nang biglang may sumabog muli. Pero ngayon, hindi na ito nanggaling sa labas ng building, kundi ang building na mismo na kinaroroonan ni Xiyue ang sumabog. Napuno ng sigawan ang buong kuwarto nang biglang namatay ang ilaw, at nakaramdam ang lahat ng pagyanig na tila gumuguho na ang building.
Napatingin si Xiyue sa kanyang paligid at nakitang ang bibilis na lumabas ng mga kasama nya sa kwarto, gusto nitong sumama sa iba ngunit hindi nito magawa. Tila na-stock ito sa kinatatayuan nya.
Agad nagsituluan ang mga luha ni Xiyue nang marinig nito ang mga boses ng mga bago nyang kaibigan.
Sila Pei.
"Xiyue!" Nagising ito sa malakas na sigaw ng kung sino. Hindi makilala ni Xiyue kung kaninong boses 'yon dahil nagsisigawan ang mga estudyanteng nasa paligid nito.
Naramdaman ni Xiyue na may nalalaglag sa kanyang uluhan. Kahit nanginginig at umiiyak ay dahan dahan itong tumingin sa paitaas, lalo lamang syang nanghina noong makita nito ang pagbitak ng kisame at unti-unti nitong pagbagsak sa kanya.
Napapikit na lamang si Xiyue.
Bakit ganon? Tanong ni Xiyue sa kanyang sarili. Hindi nito magawang kumilos. Hindi nito magawang tumakbo. Hindi nito kayang iligtas ang sarili nya.
Dahil sa kaisipang iyon ay tila bumalik sya sa kanyang panaginip. Kung saan itim lamang ang paligid ngunit may mga boses syang naririnig. Bumalik sa kanya ang sinabi ng isang misteryosong lalaki sa kanyang panaginip.
"I want you to learn how to defend yourself. Hindi sa lahat ng oras, lagi akong nasa tabi mo para protektahan ka."
Sa sandaling iyon, parang may kung anong bigat sa dibdib na naramdaman si Xiyue. Sunod sunod ang naging pagdaloy ng kanyang luha na tila sirang poso.
Sa kabila noon, hindi parin nawala ang pakiramdam ni Xiyue sa kanyang paligid. Naramdaman nito na may mabilis na gumalaw mula sa kanyang gilid.
Unti-unting idinilat ni Xiyue ang kanyang mga mata nang makarinig at makaramdam ito ng tila may humihingang tao ang nasa harapan nya.
Napakurap kurap si Xiyue nang muli nitong makita ang mukha ng isang lalaki na nagawa na syang iligtas noon--nagawa na syang iligtas ng maraming beses.
Sa sandaling makita ni Xiyue ang mga mata nitong nanlilisik, imbes na matakot ay nakaramdam si Xiyue na tila ligtas sya t'wing nasa paligid nya lamang si Raiko.
Salubong ang kilay ni Raiko na nasa harapan ni Xiyue ngayon, pero hindi iyon ang naka-agaw ng atensyon ni Xiyue. May tumutulong dugo sa mula sa ulo nito.
"R-Raiko..." Tawag ni Xiyue sa kanya at akma sanang hahawakan nito ang pisngi ni Raiko para punasan ang dugong tumutulo nang tinabig ni Raiko ang kamay nito at tinignan sya ng masama.
Natahimik na lamang si Xiyue at yumuko.
Bakit ba parang ang init ng ulo n'ya sa akin? Bakit ba parang galit s'ya sa akin?
"What do you think you're doing? You should save yourself! You should run!" Napapikit si Xiyue nang sigawan sya ni Raiko.
Nakagat na lamang ni Xiyue ang pang-ibabang labi nito upang mapigilang mapahagulgol. Sinigawan sya nito. Ang pinaka ayaw ni Xiyue sa lahat ay ang sinisigawan sya ng kahit sino.
Nanghihina ito kapag may taong sumisigaw sa kanya. Pakiramdam kasi nito ay wala na syang lugar para magpaliwanag.
Naramdaman ni Xiyue ang paghawak ng isang mainit na palad sa kanyang magkabilang braso. Nang sandaling mahawakan sya ni Raiko sa kanyang braso ay nakaramdam ito ng tila kuryente na dumaloy sa kanyang katawan.
Ang pagkakahawak ni Raiko kay Xiyue ay mahigpit, pero hindi sa paraan na nasasaktan nya ito. Naririnig ni Xiyue ang malalalim na paghinga nito na tila nagpipigil ng kanyang sarili.
"When will you learn how to save yourself, hm?" Napadilat si Xiyue at napatingin kay Raiko nang biglang nanlambot ang boses nito.
Nawala ang pagkakunot ng noo ni Raiko, at doon panandaliang nabasa ni Xiyue kung ano ang nararamdaman o emosyong pinapakita ni Raiko. Pag-aalala.
Tumibok ng malakas ng puso ni Xiyue na tila lalabas na iyon sa kanyang dibdib.
Ngayon lamang din nya natitigan ang mga mata ni Raiko, ang buong akala nito ay itim lamang iyon.
Hindi pala, Brown iyon at may pagka-Red? At bukod pa doon, ang kanyang isang tainga ay patusok.
Nagulantang si Xiyue nang hawakan ni Raiko ang kamay nya. Itinago sya nito sa kanyang likod noong biglang pagkabasag ng mga salamin. Nang silipin ni Xiyue iyon ay nakita nito basag na ang bintana, at mula doon ay naka-tingin sa direksyon nila si Aron.
Madilim ang mga mata nitong nakatingin sa kanilang dalawa ni Raiko.
Naramdaman ni Xiyue ang paghigpit ng hawak sa kanya ni Raiko kaya napatingin sya doon.
Nanginginig ito. Bulong ni Xiyue sa kanyang isipan habang nakatingin parin sa kamay ni Raiko na nanginginig.
Pero bakit naman s'ya nanginginig? Natatakot ba s'ya sa President? Pero magkapareho lang silang Level 5, diba? Magkapareho lang sila ng kapangyarihan.
Lalo lamang syang itinago ni Raiko sa kanyang likod nang tumilapon sa direksyon nila ang mga basag na salamin, maski ang mga bato.
"Next time, I will teach you how to defend yourself." Bulong nito bago nakita ni Xiyue na lumabas ulit mula sa kan'yang kamay ang patusok.
Weapon ba n'ya iyon? Pero ang sabi ni Hera ay hindi daw 'to konektado sa kapangyarihan n'ya. Kung ganoon, bakit lagi n'yang bitbit ang isang 'to?
Gustuhim mang magtanong ni Xiyue ay hindi na nito magawa pa dahil nakaramdam na ito ng takot.
Narinig nilamg tumawa si Aron. Isa iyong mala-demonyong tawa, at nakikita ni Xiyue sa aura nito ngayon na parang gusto na nyang pumatay kahit anong oras.
Napalunok si Xiyue.
Akala ko ba, ayos na sila noong nasa field kami week ago? Bakit ngayon, parang sobrang galit na galit si President?
"There you are, Raiko Mihada. It's good to see you again, with her." Malamig na sabi ni Aron.
Ramdam ni Xiyue ang tension mula sa kanilang dalawa na naging dahilan ng sobrang pagiging kabado ni Xiyue ngayon.
Napatingin si Xiyue sa kamay ni Raiko na nakahawak parin sa kanya, mahigpit parin 'yon.
"Siguro nagtataka ka kung bakit ako nasa harapan mo ngayon. May isa kasing tao-- no, makapangyarihang tao rin ang tumawag sa akin at sinabing kalabanin ka." Nakangiting saad ni Aron habang nakatingin kay Raiko ng diretso.
Fvckshit. What is he talking about? Kunot noong nakatingin lamang si Raiko kay Aron at inaantay nito ang mga susunod na sasabihin pa nito.
"Nagbago na ang isip ko Raiko, hindi na next week ang laban natin. Ngayon. Gusto kong makipaglaban ka sa akin ngayon." Nagtiim ang bagang ni Raiko habang nakatingin parin kay Aron.
No! Tutol ni Raiko sa kanyang isipan pero hindi nya magawang isatinig ang isang salita na iyon.
Hindi nagsalita si Raiko. Nakatingin lamang ito sa seryosong mukha ni Aron na nakatingin parin sa kanya, hawak parin ni Raiko ang pulsuhan ni Xiyue at tila wala syang balak na bitawan iyon.
Napatingin si Xiyue sa kamay ni Raiko na nakahawak parin sa kanya. Ramdam nya parin ang panginginig ng kamay ni Raiko na bahagyang humihigpit minsan.
"Raiko..." Mahinang pagtawag ni Xiyue sa atensyon ni Raiko.
No, hindi kita lalabanan, Aron. Gusto mang sabihin iyon ni Raiko ay hindi nya magawa dahil tila may nagbara sa kanyang lalamunan dahilan upang hindi sya makapagsalita.
Hindi nito kailanman lalabanan si Aron o kahit na sino. Hindi nito ilalabas ang kanyang kapangyarihan hanggang nasa loob sya ng City Academy. Delikado.
"Oh, Raiko. Don't tell me aatras ka? Pumayag ka kahapon na maglaban tayo, it's either papayag ka o sasaktan ko sya." Nagtiim ang bagang ni Raiko dahil sa pagpapapili na ginawa sa kanya ni Aron.
Nakaramdam naman ng kaba si Xiyue sa klase ng binibigay na tingin sa kanya ni Aron. Napatingin si Xiyue sa kamay ni Raiko noong unti unti itong lumuwag mula sa kanyang pagkakahawak.
Nangilid ang luha ni Xiyue noong tuluyan na syang bitawan ni Raiko.
"Naghihintay si Westley sa labas, Xiyue. Go, pumunta ka na." Tumulo ang luha ni Xiyue noong pilit syang itinataboy ni Raiko.
Nagtangka pa itong hawakan ang kamay ni Raiko pero naging maagap ito, umabante ito ng lakad at walang ano ano'y tumalon mula sa nabasag na salamin ng bintana.
"Raiko!" Tawag ni Xiyue kay Raiko noong makita na sumunod rin mula sa pagtalon sa nabasag na bintana si Aron.
"Xiyue!" Naramdaman ni Xiyue ang palad ni Westley na humawak sa kanyang braso at marahan syang hinila palabas ng building.
-
ISANG sapak ang natamo ni Aron mula kay Raiko. Nalasahan ni Aron ang dugo na nagmumula sa pumutok na labi nito. Napangisi si Aron bago sinipa si Raiko sa dibdib nito na naging dahilan ng bahagyang pag-atras ni Raiko.
Kinuha ni Aron ang tiyansang iyon upang magpalabas ng apoy mula sa kanyang palad na agad nyang binitawan patungo kay Raiko. Lumakas ang apoy noon sandaling tumama iyon kay Raiko. Inihanda ni Aron ang kanyang sarili dahil alam nitong babalik ang ginawa nyang pag-atake kay Raiko sa kanya, pero ilang segundo na ang lumipas ngunit hindi parin ito bumabalik sa kanya.
Doon na nagtaka si Aron, agad na inikot ni Aron ang kanyang kamay na naging dahila upang mawala ang apoy.
"Shit." Napamura si Aron noong makita ang kalagayan ni Raiko.
Nakahiga si Raiko sa lupa at mabilis ang nagiging pag-angat ng kanyang dibdib. Mabilis pa sa alas-kuatro ang naging paglapit ni Aron kay Raiko.
"Damn it, Raiko! Bakit di mo ginagamit 'yung kapangyarihan mo?" Halata ang inis sa boses ni Aron, binigyan pa nito ng isang sapak sa dibdib si Raiko kaya naman napangiwi ito.
Dahan dahang umupo si Raiko habang nakahawak sa kanyang ulo na hanggang ngayon ay dumudugo parin. Napapamura na lamang ng wala sa oras si Aron.
"Kayang kaya mong pigilan 'yon, bakit hindi mo ginawa?" Sumeryoso ang mukha ni Raiko at tinignan si Aron.
"Gago ka ba? Edi napatay kita kung ginawa ko 'yon." Naiiling na sagot ni Raiko habang nakangiwi parin sa nararamdamang kirot sa kanyang ulo.
Napangisi naman si Aron sa sagot ni Raiko sa kanya. Na-upo si Aron sa tapat ni Raiko.
"Can i ask you?" Tanong ni Raiko kay Aron kaya naman tumango si Aron ng bahagya.
"Spill it."
"What the fvck is your evil plan? Care to tell me? So that i could follow." Malamig na tanong ni Raiko sa kanyang harapan na si Aron. Napangisi si Aron sa naging tanong ni Raiko sa kanya.
"Let's say... I'm gonna help you secretly with your plan." Mahinang sagot ni Aron kaya naman napailing na lamang si Raiko.
"I can do my plan, with or without other people's help." Sagot naman ni Raiko kay Aron. Napangiwi pa ito dahil bahagyang kumirot ang ulo nito.
Damn it. Not now. Usal ni Raiko at pilit na itinatago ang sakit na nararamdaman nito sa pamamagitan ng pagiging seryoso.
"No, you can't." Sumama ang mukha ni Raiko dahil sa sinabi ni Aron sa kanya.
"Someone called me at sinabi na kalabanin kita. Hindi ako tanga para hindi ko malaman kung sino 'yon, sa boses palang kilala ko na kung sino 'yon. At masasabi kong hindi sya basta basta kalaban lang na mapapabagsak mo agad." Paliwanag ni Aron kay Raiko na tahimik lamang na nakikinig kay Aron.
"Let me tell you this one. The Neamora Academy's King is alive. Gaganti sya dahil sa pagkakaalam nya na ang Hari ng City Academy ang may pakana ng pagbagsak ng Neamora Academy." Nakunot ang noo ni Raiko sa sinabi ni Aron sa kanya.
"Oh, really?" Tila walang ganang usal ni Raiko sa paliwanag ni Aron sa kanya.
Sinamaan ni Aron si Raiko ng tingin. Umiling na lamang si Raiko bago umambang tatayo ngunit agad syang pinigilan ni Aron.
"I'll help you with your plan, and in return, help me protect the whole city." Sandaling natigilan si Raiko bago tuluyang tumayo.
Tinalikuran nya si Aron na ngayon ay tumayo na rin. Nakatingin ito kay Raiko at nag-iintay ng magiging reaksyon nito.
Help me, Raiko, Please. Bulong ni Aron sa kanyang isipan.
"I don't need your help. Hindi ba, Level 5 ka? You can probably protect the city with your power, kaya bakit pa humihingi ka ng tulong sa isang tulad ko?" Tumiim ang bagang ni Raiko noong sambitin nito ang huling dalawang salita.
I'm a villain, I'm a bad person. Kinatatakutan ako ng lahat kaya bakit humihingi ka ng tulong sa akin? Tiim bagang na tanong ni Raiko sa kanyang isipan.
Naglakad na ito papalayo at iniwan si Aron na nakakunot ang noong nakatingin lamang sa naglalakad palayo na si Raiko.
Bakit? Bakit parang nagbago ka? Hindi ka ganito noon, kung may hihingi ng tulong ay kusa mong ibibigay. Pero ba't ngayon... Anong nangyari?
•