CHAPTER 2
"Ano? Hindi pa siya gutom? Hindi na nga kumain ng umagahan at tanghalian 'yon, pati ba naman dinner?" Nagtatakang wika ni Chipher nang sabihin ko na hindi parin makakasama sa hapunan si Joy.
Nagkibit balikat ako. "Baka diet," palusot ko nalang at umupo na para magsimulang kumain.
"If you're curious with her then talk to her. Parang hindi kayo magkakaibigan," Naiiling na ani Gray habang nagsasandok ng kanin.
Hindi nakaimik ang mga babae. "What's with your deal anyway? Do you really think she'll tell the truth after ignoring her?" panggagatong ni Henry habang ngumunguya.
"Why can't you guys understand what she did? She betrayed us! Masama bang magdemand ng kasagutan sa kaniya?" Naiinis na wika ni Kris at tiyaka hinampas ang lamesa.
Napangiwi ako sa lakas ng pagkakahampas nito.
"No fighting in the table please. Mind your manners," seryosong wika ni Nica bago isinubo ang kutsarang naglalaman ng kanin at ulam.
Hindi na nadugtungan ang away at matiwasay kaming nakatapos sa pagkain.
Tahimik rin na umalis ang mga babae at ang natira ay si Cha na naiiling sa inasta ng mga kaibigan nito.
Naiwan kaming mga lalaki na nagkatinginan lang. Narinig naming napabuntong hininga si Cha bago iniligpit ang pinagkainan.
Tinulangan naman ito ni Gray habang nagbubulungan sa gilid si Hen at Trav.
"Hen, Trav, can you cook something for Joy? I know you guys are also worried about her. Please? Ako na ang bahala sa pinagkainan," saad ni Cha.
Mabilis naman na tumango ang dalawa at naghanda na ng lulutuin. Tumayo na ako para sana dumiretso sa sala. Hindi naman kami binigyan ng mga ito ng kwarto para sa amin kaya ang sala ang naging tambayan namin.
"Wait.. Clay!" pasigaw na tawag sa akin ni Cha. Nilingon ko ito at kinunutan ng noo.
"Pwede bang ikaw magbigay ng food sa kaniya? I knew you too are close," hinging pabor nito.
Napabuntong hininga nalang ako. Ano pa nga ba.
"Just call me when they're done," sagot ko rito atsaka tahimik na nagmartsa papuntang sala.
Hindi pa nagiinit ang pwet ko sa pagkakaupo ng lumabas ang magkaibigan. Dala dala ni Hen ang tray ng pagkain habang nagpupunas naman ng kamay si Trav.
Napabuntong hininga ako bago tumayo at lumapit sa dalawa. Inagaw ko ang tray at napataas ang kilay ko ng makita kung ano ang pagkain nito.
"Really? Bacon and egg?" Sarkastiko kong tanong.
Nagkibit balikat ang dalawa. "We have shortage in food as of now," ani Trav.
Hindi na ako umimik atsaka tumalikod para umakyat sa taas.
Inequality. Mistreatment. They all sucks.
Pagkarating sa tapat ng kwarto ay inayos ko muna ang nagulong buhok bago kumatok.
Ilang minuto pa akong naghintay bago bumukas ang pinto.
Napaiwas ako ng tingin ng makita itong nagpupunas ng buhok. Damn! Bagong ligo!
I gulped when I noticed what she was wearing. A black fitted sando and cyclings! Damn woman!
"Oh, Clay! What do you need?" Nagtataka nitong tanong habang patuloy na pinupunasan ang basa nitong buhok.
Napalunok ako at inabot sa kaniya ang tray na nagtataka naman nitong kinuha bago ako walang imik na tumalikod.
Narinig ko pang tinawag ako nito na hindi ko pinansin. Ramdam ko ang pagiinit ng pisngi at tenga ko sa nakita.
Tangina! Parang ngayon lang nakakita ng babaeng nakaligo ah, Clay? Fuck off!
NAGTATAKA kong tinignan ang tray at pinagmamasdan ang papalayong bulto ng lalaki.
Nagkibit balikat muna ako bago isinarado ang pinto. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.
Dumiretso ako sa study table para ilapag ang tray. Iginilid ko ang laptop kung saan nakalagay ang 3D version ng blueprint ng bahay namin.
Kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Mabuti nalang at naisipan pa pala nila akong dalhan ng pagkain.
Hindi naman sa nagiinarte ako, Ang totoo, kakain na dapat ako dahil tapos ko naman nang ayusin lahat ng kailangan ko. Naligo lang ako at pinauna na sila para hindi na sila maghintay sa akin. Maybe they think that my refusal means another thing.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay ubos ko na ang pagkaing dinala ni Clay. Actually, kulang pa nga ito pero hindi nalang ako magrereklamo, at least dinalhan niya ako ng makakain.
Nagpahinga muna ako sandali bago tumayo at nagbihis. Pinatungan ko ang sandong suot ng black t-shirt na may mouse designs sa bandang dibdib. Pagkatapos ay kumuha ako ng itim na hoodie at isinuot rin ito.
Naka sweat pants ako para mas madaling makakilos. Kulay itim rin ito para mas madaling magtago sa dilim.
Suot auot ko rin ang isang black sneaker that is easy to use in running. A big advantage if worse comes to worst.
Itinali ko ang medyo may kahabaan kong buhok into a bun so it won't be a hindrance later when I move.
Sunod ay inayos ko ang Bluetooth ear piece ko that is connected in my laptop to give me directions for emergency purposes.
Sa loob ng bag ay may ilang damit ako at ang tatlong water bottle pati narin ang isang balot ng energy bar that I need to save for a week. Mayroon rin akong first aid kit kung may mangyayari mang masama sa akin.
Hindi ako marunong lumaban. Ang magagawa ko lang ay iwasan at makibagay sa paligid para hindi mapahamak. Ngunit kahit na hindi ako marunong lumaban ay hindi naman ako bobo.
Handa na ang dalawa kong kitchen knife at isang taser. Puro pang self defense lang ang dala ko. Pero mas okay na 'yon kesa sa wala akong dala para maprotektahan ang sarili ko.
Kinakabahan na hinawakan ko ang cross necklace ko at nagiwan ng maikling panalangin.
Tinignan ko ang orasang nakasabit sa dingding. Alas dies na pala ng gabi. I have to go.
Isinukbit ko ang bag sa balikat ko bago bumuntong hininga.
"You can do this, Joy," Pangungumbinsi ko sa sarili ko bago ilang beses na huminga ng malalim para kumalma.
I closed my eyes and try to imagine everyone being happy. That's what I want to achieve, and I'll make it happen. No matter what it takes.
Muli kong tinignan ang laptop at pinagmamasdan ang magiging daan ko palabas. Nang makabisado ko na ito ay pinatay ko ito agad at tiyaka inilagay sa cabinet ko na fingerprint access ang kailangan para bumukas.
The moment I step outside the house, They will be shocked to know that I raised the security system of the house on it's highest level.
They won't be allowed to go out, no matter what they try. Some of the house appliances aren't accessible unless they decoded or answer the riddles I purposely put.
They can train, but they also need to train their mind. Alam kong may plano sila. Alam na alam ko kung ano ang susunod nilang gagawin, at hindi ko hahayaang gawin nila ito kung alam kong maaaring may mawala sa kanila.
7 days. 7 days and I'll be back, with informations that we all need.
Sa veranda ako dadaanan. Ginupit ko ang kumot at tsaka ito itinirintas para magmukhang lubid at maging mas matibay sa pagbaba ko. Ang problema ay kung paano ko ito aalisin pagkababa ko.
Kung susunugin ko ito ay maari nitong makuha 'di lang ang atensiyon ng mga tao sa bahay kung hindi pati ang mga kapitbahay namin—kung sila nga talaga ang kapitbahay namin.
Hindi ko rin ito maaring iwan. Malaki ang tiyansang gamitin ito papasok ng bahay o gamitin nila ito palabas.
Wala parin akong matinong plano kung paano ito gagamitin. Paniguradong gising pa ang mga lalaki sa baba kaya hindi ako maaaring dumaan dito. Ang isa pang pinto palabas ay madadaanan muna ang sala kung saan ang mga ito namamalagi.
Mukhang hindi ko magagamit ang lubid. Napabuntong hininga nalang ako. Mahirap kapag wala kang katulong.
I therefore conclude that no man is really an island.
Saka ko nalang iisipin kung paano ko maalis ang lubid na gawa sa kurtina. Kailangan ko munang makalabas.
Binuksan ko ang pinto at lumingon sa kanan at kaliwa.
"Ms. Cha approaching in 1 minute," paalam sa akin ng computer gamit ang bluetooth earpiece ko.
Mabilis kong isinarado ang pinto nang tahimik atsaka sumandal dito.
"Hallway cleared. You can now go to the veranda," utos nito kaya mabilis kong binuksan ang pinto at dahan dahang naglakad papunta sa veranda dahil madadaanan muna nito ang kwarto ni Kris at Nica.
"All cleared. Initiating lockdown number 3," sabi ulit ng computer at saka ko nakitang dahan dahang nagkaroon ng grills ang bawat bintana ng bahay.
Sa oras na makatapak ako sa sahig ay mag lalockdown na ng tuluyan ang buong bahay.
"5 minutes, before initiating the Lockdown number 5," Paalala sa akin ng computer.
Dali dali kong itinali ang lubid sa grills ng veranda. Nang masigurado kong hindi na ako ipapahamak nito ay huminga ako ng malalim bago hinawakan ito at dahan dahang kumapit bago lumipat ng pwesto.
Medyo nalulula ako sa taas ng kinalalagyan ko. Pwede na akong mamatay kapag namali ako ng galaw.
"3 minutes is left."
Napamura ako at hinawakan ang lubid. Masakit sa kamay habang dahan dahan ang pagbaba ko dahil nandito lahat ng timbang ko.
Bakit sa movies ang dali dali lang nilang gawin ito?
Tagaktak na ang pawis ko pero patuloy parin ako sa pagbaba. Muntik na akong mapatili nang biglang napunit ang kurtina. Medyo malayo pa ako sa sahig at paniguradong masakit ang magiging bagsak ko kapag nagpatuloy ito.
Malalim ang hingang dahan dahan kong itinigil ang pag galaw, pilit na binabalanse ang katawan bago dahan dahan ulit na gumalaw.
Limang palit lang ng kamay ang nagawa ko nang tuluyang bumigay ang lubid.
Ipinikit ko ang mata ko at tiyaka inilagay ang dalawa kong kamay sa bibig ko para hindi mapasigaw sa impact ng pagkabagsak ko.
Napaigik ako ng maramdaman ang sakit sa likod ko. Fuck. This will be worst if my bag isn't in my back!
Hindi muna ako gumalaw at pinakiramdaman ang sarili kung may mas masakit pa ba.
"Initiating total lockdown in 3... 2... 1..."
Napangiti ako at bumangon na para magtago sa bush. It's a success! Wala rin naman silang magagawa sa lubid dahil naputol na ito. It looks like hitting two bieds in one stone.
Ika ika akong naglakad patagilid habang tahimik na pinagmamasdan ang paligid.
Sumandal muna ako sa pader bago tinanggal ang Bluetooth ear piece ko.
Hindi ko na ito kailangan dahil hanggang doon lang ang coverage ng Bluetooth earpiece. Magiging sagabal lang ito sa akin kapag nasa tenga ko pa ito.
Ramdam ko ang sakit ng katawan ko pero hindi ko ito ininda at pilit na pinalinaw ang paningin sa dilim.
It's suicidal if I'll walk without lights, on the other hand, It will be easy for them to spot me if I have flashlights.
That's why I didn't bring one.
Inayos ko ang nagulo kong damit. My first plan is to spy other houses. Pero ngayong nasa labas na ako ay hindi ko na alam ang gagawin.
Nakaset ang pagbubukas ng bahay after 7 days. Hindi ako makakapasok kahit anong gawin ko.
Gusto ko nang bumalik. Pero kilala ko ang sarili ko kaya ko ginawa ang ganong set up. When I sensed that it's really dangerous, I will go back inside. Kaya ginawa ko 'yon dahil wala nang urungan.
Nagdasal muna ulit ako bago tumayo ng maayos. Tinignan ko pa uli ang bahay bago ko naisipang umalis.
First thing first, Spy other houses and find a safe place to stay for tonight.
At 'yon nga ang ginawa ko.
Tahimik akong naglalakad sa dilim na tanging hininga ko lang at ang kaluskos ng hangin ang maririnig.
I tone down my breathing and calm myself. Hawak hawak ko ang taser sa kanan kong kamay habang nakasuksok naman sa bulsa ng bag ko ang dalawang kutsilyo.
Patingin tingin ako sa kaliwa't kanan bago parang malapusa na tumakbo sa kabilang kalye. Sumandal ako sa pader at nagbilang ng limang segundo bago tumakbo at magtago sa bushes.
Bukas pa ang ilaw ng kapitbahay namin na nasa harapan kaya paniguradong gising pa ang mga tao dito.
Dahan dahan akong gumapang para makalapit sa harapan, pilit na iniiwasan ang CCTV camera.
Napangiti ako ng makarating sa tapat ng bahay. Sinuot ko ang face mask at tiyaka inayos ang hood ng hoodie ko para hindi makilala. Tinyempuhan ko ang pag galaw ng CCTV saka mabilis na tumakbo sa ilalim nito. The CCTV blind spot.
Hindi ako gumalaw at tahimik na pinagmamasdan ang pamilya na nagmomovie marathon. Para itong mga normal na tao lang.
Napakunot ang noo ko. Kung ganoon ay bakit ganon ang inasta nila noong lumabas kami?
Ilang minuto ko pa silang pinagmasdan pero wala itong kakaibang ginagawa. Para lang silang simpleng pamilya na naisip manood ngayong gabi.
Napabuntong hininga ako. 'Isa palang naman ito, Joy. Maybe others will show what you are waiting for.' Kumbinsi ko sa sarili ko.
Gamit ang moves ko kanina ay dahan dahan ko itong ginawa. Hindi katulad kanina ay kabisado ko na kung ilang minuto akong gagalaw. Every 5 seconds, the CCTV will move so I have to move for 5 seconds and do not move for 5 seconds before moving again.
Nagawa ko ito at ramdam kong pinagpapawisan na ako. Alam ko ring ang dumi dumi na ng damit ko kakagapang kaya napabuntong hininga ako.
Hindi na ako lumayo at dumiretso patungo sa katabing bahay. Tulad nang nauna ay wala ring kakaibang kinikikos ang ibang bahay.
Nakalimang bahay na ako nang mapagdesisyunan kong magpahinga at uminom. Medyo malayo na ako sa bahay pero tanaw ko parin ito.
Wala na akong pake kung madumi ang sahig. Mukha rin naman na akong gusgusin.
Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa akin habang tahimik na pinagmamasdan ang paligid. Ramdam ko ang pagkatuyot ng lalamunan ko kaya nakalahati ko ang water bottle which is not good. Kailangan ko itong tipirin sa loob ng pitong araw!
Napabuntong hininga ako at pilit na isinawalang bahala ang pagkauhaw. What to do now?
Malalim na ang gabi. Mas lumalamig narin ang paligid pero tumatagaktak ang pawis ko dala ng paulit ulit na pag gapang at pagpipigil ng hininga.
Napagdesisyunan kong ipagsabukas nalang ang pagmamasid. I need to find a safe place first, but where?
Tumayo na ako at sinukbit ang bag sa balikat ko bago pinagpag ang dumi sa damit ko kahit na imposible na itong matanggal.
Pagkatingala ko ay muntik na akong mapasigaw ng makita ang pulang mga mata ng mga ito... Ready to devour me.
With their bloodshot eyes and wide smile showing their teeths, their saliva was flowing in each side of their lips.
Napalunok ako at napaatras.
They're all here... Each house that I spied, nasa harapan ko silang lahat hawak ang iba't ibang uri ng pamalo.
Baseball bat, Martilyo, Kutsilyo, Kawali, Batuta, Bakal... at marami pang iba.
They were smiling at me like I fell from their trap.
"Kill. Don't let her leave alive."
Paulit ulit nilang bulong habang nakangiti parin at nakatitig sa akin na nahihintakutan sa kanila.
Nanginginig ang kamay kong hawak ang taser. Fuck! Anong laban non kung ang dami nila?!
"H-Hwag kayong lalapit!" Mahinang sigaw ko at iniamba ang taser pero wala akong reaksiyon na natanggap sa mga ito. Patuloy nilang ibinubulong na papatayin nila ako at hindi hahayaang mabuhay.
Napatili ako nang lumapit ang isa sa kanila na may hawak ng baseball bat. Tumakbo ako palayo sa kanila pero napatigil rin nang makitang mayroon rin sa likod ko.
Nang sulyapan ko ang magkabilang gilid ko ay may nagsulputan rin doon na pareparehas ang sinasambit. "Kill, Don't let her leave alive." with their emotionless voice, bloodshot eyes and wide creepy smile.
Damn! They cornered me! Nang hindi ko namamalayan!
"Pakshet naman ang swerte ko talaga, punyetang buhay 'to." Hindi ko mapigilang ani dahil nakalayo man ako kahit papano ay napalibutan naman nila ako.
Katapusan ko na ba? No. I'll try to fight them no matter what!
Ibinulsa ko ang taser at kinuha ang dalawang kitchen knife na nasa bulsa ng bag ko.
Inilagay ko sa bibig ko ang taser. Wala ng kadi kadiri rito, I need to fight to survive and I will use every resources I have in order to survive.
Para itong mga walang isip pero ang totoo, meron. I underestimated them and this is my consequences.
The bigboned lady who has a baseball bat swing it full force in my direction which I hardly dodge with all my energy.
Natumba ako sa hindi inaasahang pagwasiwas nito at gumulong pakaliwa nang inatake naman ako ng nasa kaliwa ko ng mahabang bakal.
I hissed in pain when he successfully hit me with the steel and stand up to form a fighting stance. Nahagip nito ang tagiliran ko kaya nabitawan ko ang isang kutsilyo at napahawak sa parte kung saan tumama ang bakal.
Napamura ako ng hindi ko mahanap ang kutsilyo, Sunod sunod nang bumabalik sa akin lahat ng inakala kong advantage ko.
Hindi ko namalayang may sumugod sa likod ko at huli na bago ako makaiwas kaya nahampas ako ng kawaling dala dala nito and once again, I found myself in the floor, hissing in pain.
Nailuwa ko ang taser na kagat kagat dahil sa paghampas nito sa likod ko leaving me with my one knife and what worst is that they were too many for me and they have equipments!
Who I am kidding?! I cannot stay here alone!
Gumapang ako palayo saka mabilis na tumayo at tumakbo papalayo. Their position is like how the spartan form during battle, My force isn't enough to break through.
Naramdaman ko ang pagsigid ng kirot sa kaliwa kong braso. Nahintakutan ako ng makitang may kutsilyong nakabaon dito.
Nakangiti pa ang babae habang binibigkas ang paborito nilang kasabihan.
Napaigik ako ng maramdaman ang pagpalo sa ulo ko. Ramdam ko ang pagkahilo ng mahampas ako ng bagay na iyon na hindi ko na maalala kung sino sa kanila ang humampas.
Kinapa ko ang parteng ito at naramdaman ang malagkit na dugong patuloy na dumadaloy.
Nawalan na ako ng lakas para lumaban at makatakas. Hilong hilo na ang pakiramdam ko ng tuluyan ako ng mga itong palibutan. Nawawala narin ang malay ko habang iniinda ang sakit na patuloy na dumadagdag sa katawan ko.
Akala ko iyon na. Akala ko katapusan ko na.
I was about to close my eyes when someone in black outfit and mask intervened. He's holding two long swords that I recognized as Katanas.
Sunod sunod na pinutulan nito ng ulo ang mga nakapalibot sa akin at tiyaka nagbato ng isang can at biglang napuno ang paligid namin ng usok.
"Help..." I said before drifting to oblivion.
The last thing I remembered was he, mouthing something incoherable while carrying me in piggy back position.
"You're now safe," I told the lady that was covered in blood and totally unconscious now.