アプリをダウンロード
93% He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 93: Chapter 93: Mama

章 93: Chapter 93: Mama

"Ano!?." isang tili ang lumabas sa labi ni Bamby ng sinabi na namin sa kanila na ilang linggo nalang. Ikakasal na kami. "Seryoso ba kayo ha?. Baka naman. Prank lang to?." umiling pa sya. Hindi makapaniwala nasa buong barkada. Kami ang mauunang ikasal.

"Is your Mom okay with it?." singit ni Lance sa ingay ng kanyang kapatid. Siniko nya pa ito para lang patahimikin. Mabuti naman at umupo na ito sa tabi nya. Natahimik na. Pero mukhang hindi pa rin mapakali sa kinauupuan. "Pwede ba, pumirmi ka?." pinagalitan na sya ngayon. Humaba naman ng mabilis ang nguso ng isa.

"Eh kasi.. ako dapat dyan e. Inunahan mo pa ako.." rason ni Bamby. Na halos umiyak pa. Di ko tuloy alam kung nagmature na ba utak ng dalawang ito o ganun pa rin noong umalis sila rito?. Para kasi silang mga bata kung magbangayan. Nakakatuwa. Naukit sa labi ni Kian ang isang ngiti dahil sa pareho naming kaharap.

"What bro?. Happy ending na ba?." tuloy pa din ni Lance kahit na halos malaglag na sa sahig ang nguso ni Bamby. Kabaliwan ng dalawang ito. Oo.

Nagkibit balikat itong katabi ko. "I don't believe in fairy-tale bro.."

"See?. Magkaiba kasi ang tunay na lalaki sa nagpapanggap lang.." abnoy talaga tong si Bamby. Yan na. Isang hila sa buhok nya ang binigay nung isa. Hanggang sa nag-kasagutan na sila. Nakamot nalang namin ni Kian ang pareho naming ulo dahil sa kulit nila.

"Anong ibig mong sabihin kung ganun ha?." hinabol sya ng Kuya nya. Sa loob lang din ng silid sila nagpaikot ikot. "Na di ako lalaki?."

"Yes.. di ka naman talaga lalaki e. Bakla ka Kuya.. Ba—kla!."

"Bamblebiee!!.."

"Mama!!...."

"E kung uuwi silang ganyan pa rin, babe?." ani Kian sakin. Tinutukoy ay ang walang kapagurang ingay ng magkapatid.

"E di maganda. Sure akong magiging masaya na naman ang tropa.." para kasing sila ang apoy na laging nagsisindi ng kasiyahan sa lahat. Not saying na hindi kami masaya nang wala sila. Sadyang. Iba lang kasi kapag andyan sila. Lalo na kapag sa bahay na nila. At etong dalawa na ang nag-umpisang mag-asaran. Sigurado akong susunod na rin ang lahat.

"Bro, sorry.. nakita mo naman kung gaano kakulit yung kapatid ko.." muling bumalik si Lance sa harap ng phone nya. Hinihingal. Pinupunasan din ang pawisang mukha. "Saan na nga ba tayo?." isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan nya para tuluyan syang kumalma.

Ipinatong ko ang baba sa balikat ni Kian habang ito ay nakatagilid para mas makita ako sa screen. "Uwi ba kayo?." tanong ko.

"Ah.. oo.. pero mauuna pa akong umuwi.. baka huli lang tong Bamby."

"Bakit?. Hindi ba sya aatend ng kasal?." di ko mapigilan ang tanungin ito.

"Di ko lang din alam..di ba kayo nagkausap dati?." pati si Lance ay halos di din alam ang kung anong isasagot.

Kinalabit ako nitong Kian at ibinulong na ako nalang daw bahala kay Bamby mamaya. Sya nalang din daw kila Lance at Kuya Mark. Umoo nalang ako para mas mapadali ang lahat. May date pa kami e. Anong oras na?. Pass four pm na. Lalabas pa ba kami?.

"Let's go babe. " ang akala kong di na matutuloy na date. Hindi pala. Dahil talagang romantic ang set up. Kailangan pala dapat gabi. Sa isang resto dito sa may Tagaytay. Pinareserve pa nya itong pwesto namin na kaharap ang malawak na kulay berdeng kabundukan. At ang sabi pa nya. Kahit daw pass twelve pa kami umuwi. Ayos lang daw dahil pinayagan naman na daw sya ni Papa na ilabas ako. Natuwa ako ng todo. At last. Finally. Nagkaroon na kami ng kalayaang gumala ng kami lang.

At talaga nga namang. Twelve na kami nakarating ng bahay. "Twelve na Karen.." patay na ang mga ilaw. Ang buong akala ko. Tulog na silang lahat. Di pa pala dahil eto si Mama. Nakahalukipkip sa may sofa. Nakahiga na ito at suot ang pantulog. Mukhang. Ako lang ang hinihintay nya para sya'y makapagpahinga na sana. Bad Karen!

"Ma, sorry.. nagpaalam naman po kami kay Papa kanina.." paliwanag ko naman. Saka pinindot ang switch ng light para lumiwanag.

"At sakin ba?." agad lumipad ang palad sa noo ko ng maisip na, hindi nga. "Mama mo ako diba?."

"Ma, naman.. sorry na.. nagmadali po kasi kami.. nakalimutan na namin.." kahit ano pa yatang paliwanag ko rito. Wala nang saysay dahil dinig ko ang pagkadismaya sa boses nya.

"Malapit ka ng ikasal anak.." parang nadurog ang puso ko. Naglalambing ang Nanay ko. Tinabihan ko sya sa kanyang pagkakahiga. "Bihira na tayong magkikita.."

"Mama. Hindi mangyayari yun.." paniniguro ko pa subalit matindi nya akong inilingan.

"Anong hinde?. Sa ngayon pa nga lang." umiling sya. "Kailangan ko pang maghintay ng hating gabi para makita ka.. paano nalang kapag kinasal ka na talaga?."

"E di, dito nalang po kami titira.." giit ko pa. Natatawa. Pero hindi sya. Seryoso pa rin ang kanyang mukha.

"Iyon naman ay depende na sa inyo. Ayokong pangunahan kayo sa desisyon nyo lalo na't napapagitnaan parin kayo ng estado ni Kian sa buhay.."

"Ma?." gusto ko sanang sabihin sa kanya na hindi ko gagawin ito dahil sa estado ni Kian. I am doing this because simply, I love him. Gusto ko syang makasama habang buhay at sya na ang natatanaw ko sa dulo kung saan naghihintay sakin sa may altar. Ngunit.

"Alam ko.. di ako tutol sa inyo.. kailanman. Hindi ako namagitan sa inyo ng batang iyon dahil alam kong gusto mo talaga sya.. ang sa akin lang bilang Nanay mo.. tinatanong kita. Ngayon mismo. Gusto mo ba talagang magpakasal sa susunod na linggo o hinde?." bakit may naririnig akong pag-alinlangan sa dulo ng kanyang himig?. Sinabi nyang di sya tutol pero ano ito?.

Pag-aalala lang Karen. Intindihin mo sya dahil Nanay sya't ikaw lang ang iniisip nya.

"Tinatanong pa ba yan Ma?."

"Oo naman.. oo o hinde lang ang gusto kong marinig anak.." wala talagang mababakas na biro sa kanyang tono. Seryosong usapan nga to.

"Opo Ma.. magpapakasal po ako kay Kian after graduation.." binuo ko na para klaro. "At wag po kayong mag-alala sa akin. Kaya ko po ang sarili ko.."

"Anong kaya?." pinalo nya ako sa braso tapos sa may pwetan. Naiiyak na sya. "Masyado ka pang bata.. Halika ka nga rito.." hinila nya ako. Niyakap ang aking ulo. "Hindi ko maimagine ang bahay na wala ang presensya mo.."

"Papasyal naman po kami rito.." saad ko na di pa sigurado kung saan kami titira pagkatapos. At kahit di ko pa sabihin. Malulungkot din ako panigurado. Sanay ako sa kanila. Walang duda iyon.

Pero ngayon. Kung gusto ng pagbabago. Kailangan, gumawa ng hakbang para makaalis sa nakagawian. Na syempre mahirap iwan.

"Kahit na.." humigpit ang yakap naming dalawa sa isa't isa. "Si Papa mo naman kasi. Bakit bigla nang pumapayag sa kasal na yan. Pwede namang pagkatreinta ka nalang.."

"Mama naman?.." nguso ko. Pinagtawanan nya ako kahit may luha sa kanyang mga mata. "Matanda na ako kapag ganun.."

"Anong matanda?. Masyado pang maaga para magpakasal.."

"Ayaw mo nun Ma?. Malay mo magkaroon kayo agad ng apo.." isang palo na naman ang binigay nya sakin. Na alam kong di iyon dahil sa galit sya kundi dahil sa tuwa na gusto nya na rin ng apo. Sila Ate naman kasi. Hindi mapirmi. Tulog. Ako ang inaasahan ngayon. LoL!

"Basta ba, kamukha ko?." sya na ang may mahabang nguso.

"Kay Kian mo nalang pamanahin Mama.. para habulin ng alam mo na.."

"Ikaw na bata ka.." tiim bagang nyang kinurot ang singit ko. That moment. I cherish it to the point na, sana maulit pa ng maulit para hindi nya maramdaman na may puwang sa kanya. I get what she's pointing at. Ayaw nyang umalis ako sa bahay kahit may asawa na ako. Pero paano naman ang asawa ko?. Di ko nga din alam kung gusto nya din umalis sa kanila o gaya ko ay hindi rin para sa pamilya?. But knowing him?. Alam kong, gusto nya rin bumukod. Dati na nya iyong plano. At lagi nyang bukambibig iyon sakin simula pa. At kay Mama.. I'll assure her na kahit mag-asawa na ako't may nga anak na. Uuwi pa rin ako para tabihan sya. Pangako ko yan sa kanya.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C93
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン