"Karen anak. Bilisan mo na riyan. Male-late na kayo!." halos lumuwa na ang dila ni Mama kakatawag sakin. Nakaidlip pa kasi ako kanina matapos nung pag-uusap namin na yun ni Kian. Doon lang ako inantok eh. Tsaka, sa totoo lang. Wala pa akong tulog nung bumaba ako ng madaling araw kakaisip sa taong nakahiga sa may sofa.
"Hay... Karen.. bat ka kasi natulog pa?." kulang nalang pukpukin ko ng martilyo ang sariling ulo sa hiya.
Martilyo talaga?. Kaya mo?.
Hindi. Char lang po yun. LoL.
"Nandyan na po.." sagot ko kahit ang totoo ay naglalagay palang ako ng palda. Isinilid ko nalang basta iyon. Ang buhok kong basa ay hinayaan ko nalang. Mamaya nalang pagdating ng school. Isinuot ko din ang puting medyas bago naglakad nang isinunod ang white rubber shoes ko. Tuesday ngayon kaya yung t-shirt na puti ang gamit namin.
"Batang to. Kanina pa nakaalis mga Ate mo. Mabuti nalang andyan pa si Kian. Dali na." minadali pa ako ni Mama kahit halos madapa na akong bumaba ng hagdanan. Tanaw ko pa kung paano itaas ni Kian ang kamay nya nang muntik na akong matalisod sa may huling baitang. Buti nalang talaga at may swerte ako ngayong. Hindi ako nadapa sa mismong harap nya.
"Kumain ka na muna?.."
"Late na po kami. Thanks po." kumaway nalang ako kay Mama na hawak ang platong lalagyan na nya sana ng pagkain ko.
Ang gulo nya rin. Kanina nya pa ako minadali pero nung nakababa na ako, pinapakain pa ako?. Pilosopo talaga sya minsan.
"Drive safely Kiki.." habol nya pang bilin sa amin ng makasakay na kami. Bumusina nalang din si Kian sa kanya.
Teka. Anong Kiki?. Iyon ba yung dinig kong tawag sa kanya ni Mama kanina?. Susnako! Kiki at Kaka?. Kian at Karen?. KiRen?!.
What!?..... Pwede.... pwede...
"Natulog ka ulit?." he asked habang mabilis ang patakbo nya ng sasakyan.
"Ugh.. Oo eh.."
"Hahaha... aware ka bang may pasok ngayon?.."
Tinirikan ko sya ng mata habang sinusuklay ang basang buhok. Madudumihan tong sports car nya gurl. Yaan mo na. Minsan lang naman. Heck!.
"Of course po."
"Hahaha.. pero bumalik kang natulog kahit umaga na?."
"Oo nga. E sa inantok ako eh."
"Hahahahaha.. iba ka talaga. Kaya kita idol eh." pinagtawanan nya ako't biniro na sana natulog nalang daw ako para maiwan kami sa bahay at sya ang magbabantay sakin. Baliw. Kung saan saan na napupunta imahinasyon nya. Dinaig pa ako. Mas malala pa pala sya sakin. Hihi.
At pagkarating ng school. Talagang may dala kaming swerte sapagkat papasara na ang gate nung lumagpas kami doon. "Whoa!." napasinghap ako. Halos habulin ko ang hininga sa ginawang pagpasok ni Kian. Swabe ito maging ang kanyang pagpark sa dulo.
"That was... amazing.. Whoa.." maging sya ay namangha sa nangyari kanina. Nakipag-apiran pa sakin. Feeling ko nasa kdrama land ako. Sya yung prince charming ko. Awit!.
Nauna akong bumaba. Inaayos pa rin ang hindi pa natutuyong buhok. "Mauna na ako." paalam ko sa kanya nung sinilip ko sya sa loob. Hindi sya sumagot ngunit ang galaw nya ay nagmamadali.
Di ko na rin inantay sagot nya't naglakad na.
"Muntik ka nang late Karen, huh.." kausap ko ang sarili ko ng biglang may humablot sa bag ko dahilan para ako'y mapatili. Muntik pa akong matumba patalikod kung wala lang ang kamay nyang umalalay doon, baka nakatulog muli ako.
Gustong gusto kong magmura pero hindi ko maigalaw ang labi ko. Nanigas ito at nanginig. Kinabahan sa galaw nyang nakakalaglag panga.
"We're getting late. Come on!." anya lang na parang walang nangyari.
Nahawakan ko ang bandang dibdib ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Para itong lalabas anumang oras at hahabulan ang taong napupusuan nito.
Ilang minuto muna akong tulala sa kinatatayuan bago natauhan. Hindi ko pa nga napansin na bumalik pala sya para lang hinahin ako. "Tsk.." dinig kong singhal nya. Hinayaan ko lang sya sa paghawak at paghila sakin dahil sa totoo lang, hindi ko maigalaw ang buong katawan ko sa gulat. Hindi ko talaga inaasahan lahat ng damoves nya. Ganyan ba talaga sya?. Sweet and caring?.
Baka nga Karen. Wag ka ng matulog. Gising na't baka maunahan ka pa ng iba dyan.
Saka nya lamang ako hinayaan na maglakad mag-isa nung nasa malapit na kami ng room. Ngunit, kanina palang, marami na ang matang nakamasid sa akin. Kulang nalang sundan kami kung saan ang aming punta.
"You okay here?." tanong nya pa. Binunggo ako kunwari ni Winly at sinasabi kong, duon lang din ako natauhan. Kingwa!. Gising ako pero parang tulog kanina. Susmiyo!
"Ah oo. Salamat.." sambit ko. Iniabot nya ang Tote na bag ko't naglakad na sya patungong silid nila. Tapos na ang flag ceremony at konting oras nalang, andyan na ang first subject teacher namin. Tinukso ako nina Bamby at Winly pagkapasok palang ng room. Di nila ako tinigilan hanggang sa dumating ang guro.
Matuling dumaan ang first subject. Heto na ngayon at P E na kay sir Pete. Lumabas kami ng room dahil kailangan daw kunan ang BMI ng lahat. "Bat sobrang putla mo nung hinatid ka ni Kian sa room?. May nangyari ba?." tanong ng usiserang bakla. Alam nyo na, sya si Marites.
Sinabi ko nalang na wala. Hahaba pa kasi magiging tanong nya kapag nagkwento ako sa kanya. Tsaka, iniisip ko palang kung paano sasabihn ay sigurado na akong tili, hampas, sigaw at talon ang gagawin nya sa harapan ko.
"Okay class. Pumila na please. We need this to be done as early as we can." pumalakpak pa si Sir para marinig na lahat. Napaatras pa ako ng kaunti ng makitang di lang kami ang tao sa gym. Andito rin ang Section A bes. What to do now?.
Pumila na nga ang iba pero ako, tuliro pa rin kung anong dapat gawin. Pipila ba ako o babalik nalang ng room?. Kinakabahan ako.
Mabuti nalang at hinila ako ng dalawa at duon lang din ako nakipila. Nauna ang sa height. Width ng aming mga braso at iba pa. Nahuli lamang sa may weighing scale dahil mahaba ang pila doon. Nagtaka nga kaming tatlo. Anong mayroon doon at kanina pa hindi nauubusan ng tao?.
"Tara doon. Silipin natin kung sinong dinudumog nila." nagpauna na naman ang bakla. Sumunod lang din kami ni Bamby.
"Ah. Kaya pala." dinig ko nalang na bulong bulong ni Winly ng makarating na kami malapit sa may pwesto ng bantay o ng naglilista ng numero ng bawat isa.
Tumitili pa ang iba sapagkat ang gwapo nga ng nagsusulat. Nakakalaglag panga. Kagat labi ko nalang syang pinapanood sa ginagawa. Nagsalubong ang mata namin pero ako ang unang bumawi sapagkat hindi ko kayang tumitig sa kanya. Nahihilo ako sa taglay nyang gwapo.
"Pila na tayo bes." duon lang din kami pumila nang naging kaunti nalang ang nasa pila. Ngunit halos ng lahat na natatapos na ay nasa gilid pa rin, kinukunan sya ng litrato o tumitili sa mismong tabi nya. Bwiset ang mga to!. Akin yan!.
Awit...
Si Winly ang nauna. May sumingit pang dalawa kaya medyo may pagitan kami ng bakla. Mataba ang huling sumalang bago ako. Mabilis nyang nailista ang kilo ng isa. Naglakad ako papalapit sa weighing scale habang nakatingin sa kanya nang bigla syang gumalaw. Sinalubong ako't binuhat nalang bigla papunta sa may scale.
I'm... no.. words.. to.. say.. Whoa!
Tumili halos lahat. Mga laglag ang panga nang umupo pa sya't inayos ang suot kong medyas. Natatakpan kasi nito yung nakasulat na numero na kailangan nya. Tapos ay tumayo sya't tumitig pa sakin. I saw how his damn red lips twisted. Nang-aasar ba.
Di ko mapigilan ang mapangiti ng bumaba sa weighing scale. Kilig ang bes nyo guys... Hihi.