Nang medyo di na raw sya nahihilo. Nagprisinta si Papa na ihatid sya. He insisted but Papa is so consistent. Wala syang nagawa nang pati ako ay sumama sa paghatid. Si Ate Kendra ang nagmaneho ng isang sasakyan para may masakyan kami pabalik. I was with him. Nang sya aming ihatid. Medyo may kalayuan pa man din ang lugar nila. Buti nalang alam ni Papa. Sinabi nya ang address nya't hinanap din namin. Sa exclusive subdivision ito ng mga may kaya sa buhay. Kinailangan pang magsalita ni Kian para lang papasukan kami. Ganun din kay ate sa likod. Ilang bloke muna ang nilagpasan namin bago nya itinuro ang kanilang bahay.
Ay mali. Hindi pala bahay. Mansyon ata. Ang laki. Gate palang. Wala pa sa kalahati ng gate sa bahay. "Okay ka na ba dito hijo?." tanong ni Papa sa kanya.
"Pwedeng pakipasok nalang po tito." anya na halos ibulong nalang dahil sa panghihina. Bumusina si Papa at doon bumukas ang malaking gate. Agad tumambad sa amin, sa akin ang malawak na entrada ng harapan ng kanilang bahay. May halaman pa sa gitna na halatang ikutan kapag papasok o paalis ang isang sasakyan. Sa kanang banda kung saan ang gawi ko ay malaking garahe ng mga sasakyan. Mga lima ang nanduon at di ko malaman kung anong mga pangalan at halaga nila.
"Dito nalang po." muli syang nagsalita. Huminto si Papa sa mismong harapan ng malaking pintuan. May iilang palapag pa ng hagdan bago ang pintuan. Sa taas palang nito. Halatang pang mayaman na talaga. Bumaba si Papa at may kinausap na isang lalaki. Pagkakataon ko naman iyon oar humingi ng tawad sa kanya.
"I'm sorry Kian. I didn't know." hinging paumanhin ko. I smiled kahit na ang pula at di pa rin normal ang kanyang paghinga.
"Wala kang kasalanan okay. Don't mind me. Magiging okay din ako." paniniguro nya pa. Tinapik nya ang balikat ko bago na naisipang buksan ang pintuang gawi nya. Doon tumambad ang kinausap kanina ni Papa. Hindi ito mukhang matanda pero parang may edad na. Hula ko'y malapit na sa edad ni Papa. Matikas ito at base sa mukha nya'y istrikto. Napakaseryoso.
"Good evening po." bati ko dito.
"Good evening." pormal lang na sagot nito. Nagkatinginan sila ni Kian na para bang may sinasabi na sila sa isa't isa ng palihim. At doon naman na gumalaw sya't maingat na bumaba. Saka lang rin ako bumaba para sana umalalay sa kanila ngunit huli na dahil may kasama nang umalalay yung matanda. Isa ring lalaki na nakasuot ng itim na damit mula ulo hanggang paa gaya nung istriktong matanda. Napaawang ang labi ko ng halos buhatin na sya papasok sa kanilang bahay. May luha na rin saking mata dahil pakiramdam ko, ako ang may kasalanan sa nangyari sa kanya. Yumuko ako para hindi makita ninuman ang pagbagsak ng luha mula sa aking mga mata.
"Hey! Good night." dinig kong sambit nya. Without thinking. Naiangat ko ang mukha ko't nakita kung paano sya magulat. "You don't have to worry okay. I'll be fine." anya. Malaki ang ngiti sa labi.
"Make it sure please." napapaos kong sagot sa kanya. Ngiti nalang ang huli kong nakita bago na sya binuhat nung dalawa papasok na sa loob ng malaking bahay. Papa hugged me. At doon ako sa dibdib nya umiyak ng umiyak hanggang bahay. Di ako nakatulog kinagabihan. Pinagbibingan ang aarili sa nangyari. Kung di ko sya nilagyan ng isda sa kanyang plato. Baka siguro nangyari ito. Pero bago naman iyon. Tinanong ko muna sya kung kumakain ba sya ng ganun and he said yes. Tsk. Gusto ko tuloy syang sapakin sapagkat nilihim nya ito sa akin. If you're asking if what I am into him?. Well. I am just nobody. Walang label ang namamagitan sa among dalawa. Hindi magkaibigan. Hindi rin lalong magka-ibigan. Kaibigan sya ng crush ng best friend ko. Kabilang din sya sa circle of friends ng mga kaibigan ko pero never na nagkaroon kami ng ganuong getting to know or we are friends coz our friends are just one. Ako kasi. Pag di ko kilala ang isang tao, di ko iyon papapansinin. Di ako snob ha. Sadyang, pili lang din ang circle of friends ko gaya ng mga kaibigan ko. Kung tatanungin mo bat kami humantong sa ganito ni Kian?. Well again. Di ko alam. Sadya man ito o hinde. Ang kapalaran ang alam kong may pakana nito. Ginawa ito para makita kong di lang dapat ako sa circle of friends makipag-halubilo. Kundi sa lagat ng klase ng tao. Mapa-bata man o matanda. Kaedad ko man o hinde. Kailangan kong matutunan ang makipagkapwa tao.
Pumasok ako kinaumagahan. Nalaman kong absent sya. May pinadala daw itong sulat na masakit sya. Naguilty ako ng sobra. Gusto ko tuloy wag nang pumasok at doon nalang sa kanila. Ako ang mag-aalaga sa kanya. Pero syempre. Sino ba naman ako sa kanya diba?. Si nobody nga ako eh. No label. Nothing beyond that.
Ikalawang araw. Wala pa rin. Ikatlo hanggang umabot na ng isang linggo. Hindi pa rin pumasok.
Sa loob din ng linggong iyon. Wala akong gana. Lahat sa paligid ko naging kulay abo. Wala akong makitang ibang kulay kahit pa pilit na binibigyang kulay ito ng mga taong nakapaligid sakin. I am so down na umabot na sa kung anu-ano ang nasa isip ko.
"Ano ba Karen!?. Hindi pa sya patay noh! Umayos ka nga!." pinagalitan din ako ng dalawa kong kapatid dahil daig ko pa raw ang namatayan.
Mga kingwa! Sila nga. Pag hiniwalayan ng mga jowa, wala ring buhay. Ako pa kaya na wala na ngang label, nagawan pa ng bad impression ang taong unang naging pormal na bisita sa bahay. Naku po! Hindi ako makatulog sa sakit ng ulo.
Ipapanalangin ko nalang na sana ay maayos na ang kanyang kalagayan. Of course. Nagtanong ako kay Jaden about him pero ang sabi nya, wala din daw itong reply sa kanya. Nakakalungkot sabihin na wala akong kontak sa kanya. May kung sa akin na gustong kunin ang numero nya sa iba tulad ni Jaden pero laging nauuna ang pride ko't kinakain na lahat ng kapal ng mukha ko. Kaya heto ako't namumuti ang mata kakahintay sa pagdating nya. Sana'y sa pagbalik nya. Ganun pa rin ang trato nya sa akin. Yung nagbibiro kahit na korni pa. Basta't wag lang syang manlamig.